Archive for the ‘litanya’ Category

Hinggil sa Politeismo ni Medio Cruz at sa mga Tinamaan nito

August 16, 2011

Habang binabasa ko ang mga naglabasang komentaryo laban sa manggagawa sa sining-biswal na si Medio Cruz – mula sa mga magaganda at mahusay ang pagkakasaysay hanggang sa mga bobong halatang nakikisawsaw lang para “mapabilang”, napapa-iling ako.

Unang kita ko pa lang sa titulo ng exhibit, wala na akong nakitang problema.

Lumabas lang ang problema ng lumabas ang mga magkakaibang interpretasyon. Ang nakakalungkot nito, ang mga nag-interpret na ang mga kathang-sining ni Cruz ay nambababoy sa aming relihiyon, ang siya pang nanggagalaiti na para bang ang kanilang interpretasyon ang wasto at siyang dapat na masunod.

Ang interpretasyong nabubuo ng isang tao ay may kaugnayan sa kanyang sikolohikal na kalagayan na nakaugat sa mga partikular niyang karanasang personal. Ang isang bagay na hugis paru-paro halimbawa, ay maaaring maging isang maskara sa paningin ng iba. Mga magnanakaw naman ang maaaring maging tingin dito ng iba.

You see, kapag pinagmamasdan natin ang isang gawang sining, ang bawat manonood ay may nabubuong kanya-kanyang interpretasyon. Pero at the end of the day, ang interpretasyon ng lumikha ang siyang mangingibabaw. Kaya kung nakapasok na kayo sa mga art gallery, mapapansin ninyo na ang mga aficionados ay taimtim na nakikipagpalitan ng mga salita sa artist para isangguni ang kanilang interpretasyon.

Anyway, batay sa mga salaysay, ang titulo ng kay Mideo ay Politeismo (Polytheism). Doon pa lang sana, diffused na dapat ang tension at kalituhan. Malinaw naman siguro na hindi polytheism ang isinusulong ng Katolisismo(may nagkomentaryong debatable ang puntong ito). Kaya otomatikong nabasura na dapat ang kwestyon sa pambababoy sa relihiyon.

Pero itatanong ng ibang Katoliko, bakit ginamit ang mga imaheng may kaugnayan sa Katolisismo? Bakit pinatungan pa ng imahe ng titi ang isa? Bakit may condom ang isa?

Sagot: dahil ang ginamit na midyum sa obra ay hindi mga banal na imahe. Ibig sabihin, hindi benditado ang mga iyon. At dahil hindi benditado, ang mga imaheng iyon ay simpleng mga imitasyon lamang ng mga tunay na banal na imaheng may malaking puwang sa ating pananampalataya. Ang mga imaheng pilit “ipinagtatanggol” ng ilang self-proclaimed na Katoliko-sarado ay mga imaheng likha ng komersyo. Mga imaheng kumalat dahil sa dulas ng perang imbwelto. At dahil hindi benditado ang mga iyon, malinaw sa akin na walang naganap na pambabastos sa ating paniniwala.

Ngayon, dahil malinaw na walang nabastos na relihiyon, malinaw sa akin na ang naganap na pagtuligsa sa obra ni Mideo Cruz ay masasabing isang porma ng judging the book by its cover.

Ang nakakatakot pa dito, lumalabas na kung sino pa ang mga hindi naka-intindi ang siya pang may lakas ng loob na mang-bully at aktwal na gumawa ng krimen sa gitna ng maraming tao. And to think na ang mga ito’y buong yabang na nagdedeklarang sila’y mga Katoliko. Pinakahuli sa mga nam-bully ay si F Sionil Jose, kasama ang ilang mga hindi nakaka-unawa sa loob ng Senado.

Kaya sinisikap kong huwag mang-bully sa pyesang ito. Instead, papaliwanagan ko pa sila.

Una, ang “Kulo” ay isang “koleksyon” ng mga likhang sining. Dito pa lamang, ang aktitud na dapat ng mga apisyonado ay ganito: ang CCP ay isang kambas na nagtatampok ng isang likhang sining na tinawag na “Kulo”

Ang likhang sining na ito ay binubuo ng iba-ibang midyum, kulay, hugis at stroke(kasama ang ‘Politeismo’) na kapag naging isa ay kumukumpleto sa kabuuan ng mensaheng nais ihatid ng “Kulo”.

Ikalawa, Ang titulo ng kontrobersyal na gawa ni Mideo Cruz ay “Politeismo”. Dito pa lang ay malinaw nang sinasabi ng manlilikhang-sining na ang topiko ay hindi ang Katolisismo, bagkus ay ang Politeismo. Sa halip na anti-Catholicism, dapat ay alam ng mga nagbigay ng negatibong reaksyon kung ano ang makikita nila sa loob. Ang set up kasing mabubuo sa isipan natin kung nauunawaan natin ang polytheism ay isang panteon ng isang polytheist kung saan nakalagay ang mga imahe ng lahat ng mga sinasamba nila.

Ngayon, nakanino ang problema? Kay Mideo Cruz ba? Nasa Obra ba niya? O nasa isipan lamang ng mga kaibigan, kakilala, at kapatid sa pananampalataya natin na unang nagtapon ng bato kay Mideo?

Advertisements

HALALAN 2010: SIRA NI NOYNOY, PROBLEMA NG ABS-CBN

April 11, 2010

HALALAN 2010: SIRA NI NOYNOY, PROBLEMA NG ABS-CBN

Sa halalang ito, kapansin-pansin ang hayagang pagpaling ng ilang pribadong institusyon ng midya sa isang partikular na kandidato.

Bagamat wala sa kanilang opisyal na mga pahayag, panuntunan at kondukta ng operasyon, hindi lang ang kampo ng Nacionalista Party (NP) ang nakakapansin na ang ABS-CBN ay may obvious na leaning pabor sa kandidatura ni Noynoy. Pero dahil hindi ito ang pangunahing diskurso ng artikulong ito, hindi na muna natin tatalakayin ang mga Paano at Ano na nakakabit sa usaping ito.

ANG PSYCHE REPORT

Ang isyu ngayon: ang umano’y paglalabas ng ABS-CBN ng ulat hinggil sa isang Psyche report na nagsasabing si Noynoy Aquino ng Liberal Party(LP) ay may problema sa utak.

Pagputok na pagputok pa lamang nito, maraming reaksyon ang agad na nagsilabasan.
1. Sa kampo ng LP – NP ang agad na inakusahang nagpalabas ng balita.
2. Sa kampo ng NP – agaran at mariing pagtanggi sa akusasyon ng LP.
3. Sa kampo ng ABS-CBN – paninindigan na totoo ang kanilang report.
4. Sa kampo ng Ateneo – pineke umano ang lagda ng Pari doon at wala umanong report na ganun.

Na sinundan agad ng panibagong mga reaksyon.
1. Sa kampo ng LP – pagkundena sa NP at conclusive na pagtukoy sa NP bilang source ng balita.
2. Sa kampo ng ABS-CBN – pag-amin na galing sa NP ang source (sabay ng pagrefresh nila sa viewer ng balita na unang nabanggit ni Sen Alan Cayetano ang “TOPAK ni NOYNOY” but with a different meaning) pero pag-invoke ng kanila umanong right to protect their source/s para hindi mapangalanan kung sino ang source nila umano.
3. Sa kampo ng NP – paghamon sa ABS-CBN na pangalanan ang source para malaman kung totoo ngang galing sa kanila ang balita, at paghamon kay Aquino na linawin na lamang ang isyu.

Sa gitna ng palitan ng mga reaksyong ito, lumalabas ang tanong sa midya: bakit ilinabas ng ABS-CBN ang balita? Ano ang basis of truth nila sa impormasyong nakalap para ilabas ito sa kaalaman ng madla? One fact, ang impormasyon ay kumakalat na sa internet bago pa man ito nailabas ng ABS-CBN.

Hindi ba naisip ng naturang network na sakaling totoong taga-NP nga ang nagforward sa kanila ng datos ay di pa rin wastong sabihing ito rin ang pinagmulan ng datos? Kahit pa anong paraan ang gawin ng ABS-CBN para papaniwalain ang mamamayan na kasapi o kakabit ng NP ang taong nagbigay sa kanila ng umano’y “psyche report”, lalabas na hindi pa rin credible ang kanilang pag-uulat, dahil lagi nang bukas ang posibilidad na ang taong nagforward sa kanila ng datos ay pumulot lang ng impormasyon sa mga blog na una nang nagbandera ng naturang psyche report.

Sa praktika ko bilang mamamahayag, bago ko gawan ng balita at ilabas ang nakalap na datos, inaalam ko ang batayan ng katotohanan ng mga datos na ito. Marami kasing sinungaling na source sa ating paligid. Kaya nga umatras na ako sa pagiging news reporter. Ano ngayon ang naging batayan ng ABS-CBN para ilabas ito?

HALAGA NG DATOS O SUPORTA SA IMAGE BUILDING NI NOYNOY?

Well, kung sa halaga ng datos, masasabing walang kwentang palusot na ito ngayon, lalo pa’t may isang paring sumisigaw na hindi ito totoo at pineke lang ang kanyang pirma dito. Ang paring ito’y nasa Ateneo lamang at madaling tanungin para maverify ang ‘report’, at sa oras na pinasinungalingan ng pari ang katotohanan ng psyche report, napakadali sa ABS-CBN na iatras ang pag-uulat hinggil dito, sa ngalan ng patas na pagbabalita. In private maaaring kwestyunin ng reporter ang kanyang source at pagsabihan na hindi na niya ito muling i-entertain as a source pag puro kasinungalingan lang ang impo na ibabato nito sa kanya. Or the reporter can verify the veracity of the information dun mismo sa kanyang source.

Dahil pumalya ang ABS-CBN sa aspeto ng katapatan sa paggampan sa kanilang tungkulin bilang midya, bumibigat ngayon ang paniniwala ng karamihan na ang motibo ng naturang network ay ang tulungan ang LP sa pagsira sa imahe ng NP and in effect, sa kandidato nitong si Sen. Manny Villar.

Oo nga naman. Ang nais nilang paputukin ay hindi ang sira sa ulo ni Noynoy. Ang nais nilang paputukin ay ang paggamit ng NP ng Dirty Tricks para sirain si Noynoy. Kaya kahit alam nilang di totoo ang balita, kanila pa rin itong inilabas, explicitly identifying their source as NP people but not naming them, para hindi na matukoy kung tama o mali ang balita at kung saan nga ba talaga nagmula ang impormasyon na may sira nga ang tuktok ni Noynoy.

At ang kanilang kalasag: ang kanila umanong pagprotekta sa kanilang source.

ANG KORPOREYT NA MIDYA AT ANG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Ilang beses nang ipinagsigawan ng mga mamamahayag na nasa korporeyt na midya, ang pagtatanggol umano nila sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Ilang ulit na rin nating natunghayan ang kanilang mga krusada para sa pagtatanggol sa kalayaang ito. At sa pagkakataong ito, bukambibig ng ABS-CBN ang press freedom kasabay ng paggamit nila sa prinsipyo ng pagtatanggol sa source.

Ang motibo: para itago ang sagot sa mga tanong na nailahad na sa itaas.

Ang kaganapang natutunghayan natin ngayon ay nagpapakita na wala namang totoong kalayaan ang midya sa bansa. Dahil kontrolado ito ng korporasyong ka-ututang dila naman ng naghaharing politika, ang corporate media ay nagsisilbi lamang mouthpiece ng mga naghaharing uri. Kanilang sasabihin ang mensaheng nais ipakalat ng korporasyon: mga mensaheng magsisilbing investment nila para sa mas maalwang kinabukasan ng kanilang negosyo sa ilalim ng gobyerno ng pinapaburan nilang kandidato.

Talo (Election 2010)

April 9, 2010

Sa Mayong darating, may isang larong gaganapin. May mahalaga tayong papel na gagampanan, pero hindi tayo kasali sa maglalaro.

Ang manlalaro ay nahahati sa grupo o indibidwal. Bawat grupo ay may tinatawag na ‘kandidato’, ‘political operator’, ‘kapitalista’, ‘propagandista’ at ‘armadong yunit’. Ang bawat isa sa kanila ay may mga trabahong gagampanan para makalap ang pinakamaraming bilang ng ‘boto’ na manggagaling sa atin. Tayo ang ‘pawn’ sa larong ito.

Sa larong ito, gagawin ng bawat team ang lahat para masungkit ang ating mga boto. Aawitan tayo ng mga kandidato, bibilhin tayo ng mga kapitalista, igugrupo tayo ng mga operator, kukwentuhan tayo ng mga propagandista, at tatakutin tayo ng mga armadong yunit nila. Ang lahat ng ito ay gagawin nila sa ilalim ng pangakong pagagandahin nila ang buhay nating mga pawn.

Para makasali sa larong ito, dapat ay nasa sapat kang edad at taal na taga-rito sa atin.
Pero para manalo sa larong ito, dapat ay napakayaman mo, napakasikat mo, suportado ka ng mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan sa inyong lugar, o di kaya’y marunong kang pumili ng iyong kagrupo sa iyong team at marunong kang magbigay sa mga gusto nila.

Sa larong ito, sila lang ang maglalaro.

Tayo ang paglalaruan.

Manalo matalo, may miryenda silang pagsasaluhan habang naglalaro.

At tayo?

Typhoon Ondoy Hits Teodoro Big Time

September 27, 2009

After Bayani Fernando, MMDA Chair and Presidential aspirant under LAKAS-CMD-Kampi, realizes that he still have the chance to be the party’s top candidate, his best next move, is to hold his ideas unless it would benefit himself.

It would be stupid for him to provide Teodoro, whose NDCC by the way has no clear plan on Ondoy aftermath, ideas and ways to push his popularity and candidacy.

By the way, the best candidate so far is Kris Aquino. Her talks delivered 40M to the ABS-CBNs foundation. Never mind Ruffa.

Art for sale (2009 National Artist Controversy)

August 18, 2009

Nadaanan ko minsan sa isang talakayan sa isang blog ang medyo malalim na pag-ungkat sa mga dahilan sa likod ng iskandalong kinasangkutan ng Pangulo, ng komunidad ng Sining Pinoy, at ng iba pang nais sumawsaw (isa na ako dyan).

Matibay na pinanindigan ng may-ari ng blog ang kanyang punto… na dahil sa legal na aspeto ng usapin, masasabing ayos ang pagkakapasok ni Caparas bilang Pambansang Alagad ng Sining, at natatanging si Alvarez na lamang ang may problema dahil sa kanyang hinahawakang posisyon sa panahong naganap ang pilian.

Sa isang pasada ng tingin, masasabing tumpak ang ganitong paninindigan.  Lalo pa’t mahusay naman niyang naipapaliwanag ang maayos na pagkilala sa iba pang mga alagad ng sining na naging bahagi ng paglikha ng ngayo’y mga kinikilalang PAS.

Pero may isang malinaw na nalampasan ng pansin.  At kahit pa nabanggit niya sa isang sagot niya na ang mismong paggawa ng sining ay gawaing pampolitika, pikit-mata niyang nilagpasan ang natural na dahilan ng iskandalo: politika.  Sa pamamagitan ng pagbibida niya ng legalidad ng prerogative ng pangulo.

Sa pamamagitan ng punto niyang ito, pinilit niyang ikulong na lang sa talakayang ‘art’ ang konteksto ng nasabing hakbangin ni Gloria Macapagal Arroyo.

Hindi man lang nabanggit sa talakayan nila ang katotohanang ang nagtatakda ng kultura at sining ay ang naghaharing uri, dahil sa kontrol nila sa lahat ng mekanismo ng gobyerno.  At ang iskandalong naganap ay isang malinaw na pagsasapraktika ng ruling class sa kapangyarihan nilang ito.

Nakakalungkot na ang mga “matatalinong artist” na nagsikap unawain ang isyu, ay nanatiling artist na bansot.  Bansot dahil pilit pa ring isinasaisantabi ang rayalidad ng relasyon ng ekonomya, politika at maging militar sa usapin ng sining at kultura.

Maging ang karanasan ni Lumbera ay nailatag lang niya bilang halimbawa ng kakitiran ng iba.  hindi niya pinansin na maaaring iyon ay reaksyon ng estado na nalusutan ng kanyang kalaban.

Tsk.  Artist.

Advisory: May Swine Flu ang Philippine Media!

June 29, 2009

Positibo!

May swine flu ang mainstream media ng Pinas!

Nang mapulot ng Pinoy Mainstream Media (PMM) ang swine flu mula sa Mexico, nagtuluy-tuloy na ang pagdevelop ng sakit at mabilis itong kumalat sa halos lahat ng malalaking institusyong midya sa bansa.

Kapansin-pansin ang tingkad ng epekto sa naghihingalong katawan ng PMM.  Binulag at inalis ng swine flu ang kakayahan nitong mag-analisa ng mga datos.  Ang resulta, nagkasya ang PMM sa pag-self quarantine sa isang kwartong puno ng opinyong publiko.

At habang magkakasama sa kwarto, walang habas na tinerorize ng PMM ang opinyong publiko.  Halos 24 oras nitong ibinandila ang lumalaking bilang ng kaso ng swine flu habang panaka-naka lamang ipinapaalala ang mga pamamaraan umano para makaiwas sa naturang lagnat.

At kahit anong paghuhugas kamay pa ang gawin, at ilang libong “Happy Birthday” pa ang kanilang kantahin, hindi maitatatwang ang PMM ang naging dahilan ng pagsambulat ng takot sa opinyong publiko.

Narito ang mga punto:

1. Laging lead story sa TV ang animo’y bilangan ng kaso ng swine flu.
2. Walang analisasyon ng mga kaso.  Ni hindi man lang maipunto na ang mga nagkasakit ay yaong mga kabataan at mga taong nasa edad na malalakas pa ang katawan.  Nakakatawa nga na ng may mamatay, agad nilang pinalutang ang punto na may iba pang sakit ang ale at maaaring ito ang nagging dahilan ng pagpapanaw ng naturang babae.
3. Ni hindi man lang sila magtaka kung bakit hindi pinapabalik sa country of origin ang mga may swine flu  umano na naharang sa ating mga paliparan.  Bakit pinaalis pa ito ng bansang kanilang pinanggalingan at hindi na kinwarantin doon?
4. Ni hindi sinuri ang background ng mga korporasyong gumagawa at nagbebenta ng mga medical mask at mga gamut kontra sa trangkaso.
5. Ni hindi man lang naiugnay ang global financial crisis na maaaring dahilan ng swine flu scare, para bumenta naman ang produkto ng mga korporasyong naapektuhan ng krisis na ito.

Nawala ang senses ng PMM dahil sa swine flu.

Pero sa kabilang banda.  Baka naman wala talagang sakit.  Nagsasakit-sakitan lang.

Malay natin.  Isa na pala itong bagong porma ng advertising.  Pagpapaputok ng hysteria para tumaas ang benta ng isang partikular na kompanya.

(sa kasalukuyan ay unti-unti nang tumatahimik ang media sa usapin ng swine flu.  ito’y dahil na rin sa pakiusap at, maaaring kontrol, na ginagamit ng gobyerno.  pero ingat muna kabayan, baka kayo’y mahawa pa.)

The Obama Oath Taking Ceremony (Speech)

January 20, 2009

The slave is now the President!  And he will become one of the finest leaders of the world.

These, I think, is the hidden message Barack Obama delivered under his inaugural speech.

Obama’s speech has side-swiped the Bush policy entirely.  Hitting specifically its (Bush’) inhumane war campaign, via his (Obama’s) declaration that “America is a friend of every nation”.

He wanted to play it soft, and yet bared America’s teeth by pronouncing its continued hostility against the “terrorists”.  Maybe he doesnt realize that some of the world’s freedom loving and free-thinking individuals regard his predecessor and its bloody foreign policy as the number one terrorist in the world today.  Or maybe he’s hitting Bush again.  It would be nicer. Tehee.

Part of his speech made me think of our President Gloria Arroyo.  As Obama declared that the “people will judge you on what you build and not on what you destroy (I think its another hit against Bush)” and that the corrupt government are on the wrong side of history, I wonder how did Arroyo recieved this blow.

Will she expect another call from Obama?

Hehehehe.  Of course.  That’s a stupid question.  The smart question is: when? Hehehehe.

(Click here for the complete text of Obama’s Inaugural Speech)

The Obama Oath Taking Ceremony (Prayer)

January 20, 2009

As the opening prayer was being delivered, I cannot help myself but laugh.

The prayer, as I observed, is all anti-Bush comment.  It is a big ‘thanks to the Lord, Bush is going, going, gone.  And may Obama be his complete opposite.’

And as the “freely elected leaders” part of the prayer is being aired globally, I wished for a second that the director of the coverage had a brief close-up shot to Bush’s face for us to see how did he took it.

But after realizing what kind o coconut GWB has, I let that wishful thinking fly.

Not without a laugh!

Harharhar!

OPINYON SA NAGANAP NA MURDER SA PARANAQUE

December 8, 2008

<!– @page { size: 21cm 29.7cm; margin: 2cm } P { margin-bottom: 0.21cm } –>

OPINYON SA NAGANAP NA MURDER SA PARANAQUE

Nung oras na nagkaputukan na, wala na sa isipan ng mga rumespondeng pulis ang hulihin ng buhay ang mga suspek.

Nung mawala na sa isipan ng mga pulis ang hulihin ng buhay ang mga suspek, pamamaslang na lang ang naglalaro sa kanilang mga daliri.

Nung oras na ang utak ng mga pulis ay nalipat na sa kanilang mga daliri, tuluyan na silang nawalan ng kontrol sa mga pangyayari.

Nung mawala na ang kanilang ‘katinuan’, limang inosente rin ang nawalan ng buhay.

Nung oras na mamatay ang limang nadamay, tuluyan na ring nahimlay ang PNP sa kangkungan ng kahihiyan.

Ang naging aksyon ng pulisya, sa kabila ng pagkakaroon nila ng kumpirmadong intel report, ay naging tumpak na salaminan ngayon ng atrasadong sitwasyong kinapapalooban ng PNP.

Walang malinaw na planong naihanda batay sa intel report. Walang malinaw na obhetong nakatanim sa isipan ng mga operatiba, liban sa pagpatay.

Wala kung gayon, ng moral ascendancy ang buong PNP ngayon na protektahan ang sambayanan. Dahil sila mismo ay walang sapat na kakayahang sumunod sa rules of engagement na sila din lang naman ang may gawa.

Ang nakakalungkot nito, dahil buong sistema na ng pulisya ang problema, pagtatakpan na lamang ito at tiyak na walang katarungang maipapataw sa mga sibilyang napatay.

Hah. Kailangan na talagang palitan ang sistema.

Brgy RP Advisory

September 28, 2008

We are going ut for three days to attend a national activity.  I can’t be able to update this blog for that period of time.

Please feel-free though to visit and leave comments.

I will attend to it as soon as I’m free of other matters. 🙂  Thanks!

TO WRITE IS ALREADY TO CHOOSE!

KOMENTARYO SA ”BUGAWITO”

September 16, 2008

KOMENTARYO SA ”BUGAWITO”

Bago ang lahat, nais kong linawin na hindi ako galit kay Jay Taruc o wala akong anumang personal na pagkamuhi sa kanya at sa kanyang tim.

Natyempuhan ko ang kanyang “Bugawito” kagabi. Katatapos ko lang kulayan sa fotoshop ang ika-14 na pahina ng aking ginagawang Dengue komix, at medyo nananakit na rin ang aking mga daliri, napagpasyahan kong magpahinga na at panoorin ang pinakahuli niyang dokumentaryo dahil nagkainteres ako sa kanyang subject, ang mga batang bugaw, at dahil na rin sa nauna kong komentaryo sa kanyang “Batang Langoy”. Naintriga kasi ako kung may naging epekto ba iyon dito sa kanyang “Bugawito”. (Kahit papaano kasi ay alam kong nabasa ng ilang mga indibidwal na imbwelto sa produksyon ng “Batang Langoy” ang aking mga naging punto noon.)

Narito ang mga napansin ko:

1. Dahop sa datos ang dokumentaryo. Kahit in a flash lang, o sa loob ng 5 minuto ay nakapag-flash sana ng general data na pwedeng siyang maging over-all o national situationer ng problemang ilinalahad ng “Bugawito.” Ang objective sana ay hindi ma-zero-in sa mga subject ng “Bugawito” ang bigat ng isyu (dahil sa mga menor-de-edad ang mga ito), at hindi sila ma-subject sa mas matinding ridicule (siguradng sa lugar nila ay pinag-uusapan na naman sila sa ngayon na posibleng maging daan pa sa pagkalugmok nila lalo sa kahihiyan, na maaaring tumungo sa mas lantarang pagyakap nila sa kinasadlakan nilang kumunoy). Dapat sana ay naipakita sa manonood na ang ginagawa nina Patrick ay nangyayari sa sa iba’t-ibang lugar ng bansa. Ang tanging datos na naibigay ng dokumentaryo ay ang presyuhan, ang tawaran, ang dinaranas ng mga batang bugaw at pokpok kapag nahuhuli, at isang attempt (filler ito) na ipakita ang iba pang mukha ni “Patrick” sa pamamagitan ng pagpapakita sa manonood na nagiging batang palengke ito sa umaga.

2. Dahil dyan, nagmukhang story-telling ang dokumentaryo, isang matter-of-factly na presentasyon ng isang pangyayari habang ito’y nangyayari. Okay naman sana ang ganitong paraan, nga lang, dapat ay isina-alang-alang ng mga nasa likod ng “Bugawito” ang reyalidad na ang subject nila nung gabing iyon ay i. mga bata, ii. prostitusyon at, iii. kung gayon ay delicate na usaping kailangang maibato pabalik sa mga nakaluklok sa kapangyarihan. (dito sana papasok ang punto na ang responsible journalism ay constructive in a sense na direkta itong nangangalabit sa mga natutulog na opisyal o ahensya ng gobyerno, na siyang may kapasidad, kapangyarihan, programa at badyet sana para maituwid ang balikong daang tinahak ng kanilang mga citizen : in this case ay ang mga batang bugaw.)

3. Ang attempt na paghuli sa mga bata, at ang “pagsalba” sa kanila ng isang indibidwal mula sa “Bugawito” Tim. Hindi ko maiwasang mapaismid dun sa manner na paghandle ng tim sa sitwasyon. Hindi lumitaw si Jay Taruc, na dapat sanang siyang nagpaliwanag sa mga tanod(alala nyo yung point na ‘panindigan mo ang gawa mo’? dokumentaryo nya yun, dapat sana e siya ang humarap nung may ganung pangyayari nang lumitaw. Ganunpaman, tiyak na isasagot nila ang kasabihan ng mga dokumentarista: na sila’y mga observer lang). Kung ginawa niya yun, mahalagang punto sana ang kanyang mapapalitaw sa course ng tanungan/tsikahan with those tanods. Kasi nga naman e nasa upper hand sila ng pakikipagtalamitam dahil una, walang ginagawang iligal ang mga bata nung mga oras na huhulihin sana sila, at ikalawa, ang dahilan ng attempted arrest ay ang pagkakakilla sa kanila bilang mga pokpk, at hindi pa dahil sa sila’y naaktuhang nagbebenta ng laman (serious flaw iyon na hindi dapat napalampas, dahil pinagmumulan iyon ng mga malilit at maging ng mga sensasyonal na mga pag-abuso sa ating mga karapatang pantao). Doon sana natin makikit kung ilang beses nang nahuli ang mga bata, ano ang aktwal na nakasulat sa mga blotter, at kung ano ang nagawa na ng barangay para resolbahin ang problema at huwag kamuhian ang mga biktima ng problema (ang mga bata, kasi sila ang exposed at sila ang pinaka nasa ilalim ng naturang usapin – maswerte pa nga yung malibog na lasing eh, mahirap siyang makilala ng mga manonood, kumpara dun sa mga bata).

4. Ang papel ng dokumentaryo sa pananaw ng tim. Batay sa “Bugawito” (maaaring mali ako kasi dito ko lang ibinabatay ang puntong ito), ang tim ni Taruc ay pumapaling sa pananaw na ang dokumentaryo ay isang simpleng abenyu ng mga pangyayari. Kapansin-pansin ito sa buong takbo ng “Bugawito”, lalo na nang sinikap nilang huwag palabasin si Taruc nung may attempt nang hulihin ang mga bata (hindi ito lumabas sa video, ilinilinaw ko na haka ko lang ito dahil sa halip na si Jay, e isang taong may boses babae ang narinig sa video na nakikipg-usap sa mga tanod habang sinisikap ng mga ito na hulihin ang mga bata), at ilihim ang kanilang pagsasadokumentaryo (hidden cam kasi ang ginamit nila). Bakit? Dahil ba sa mawawala ang “naturalesa” ng eksena, o ayaw nilang magbago ang tono ng mga tanod pag may nakitang “celebrity” at nalamang nagka-eksena sila sa isang dokumentaryo ng Kapuso network? Hmmm… hindi pa ba sapat na may nakuha na silang shots nang natural na aktitud ng mga tanod sa “natural” na “paghuli” nila sa mga bata? Hindi ba mas mainam na maipakita na ang mga tanod ay magbabago ng disposisyon pag may nakausap nang Jay Taruc at nalamang nakunan sila? Bakit mas lantaran silang manguha ng shots sa palengke (kung saan “malinis” ang trabaho ni Patrick) at hindi lumabas ang mga kamera nung “hinuhuli”(kung saan “madumi” ang trabaho ni Patrick) ang mga bata ng mga tanod? Pinoprotektahan ba nila ang “naturalidad ng eksena” o ang personal na kaligtasan ng kanilang buong tim? Manipestasyon din ba kaya ito ng pananaw ng tim sa kinasadlakan nina Patrick? (Kung oo ang tugon sa huling tanng, aba e, lalabas na may bias na sila, bago pa man ang actual na shoot, na maaaring naging dahilan kung bakit ganun yung resulta ng dokumentaryo. Kung hindi e, bakit walang ngipin ang dokumentaryo?)

5. Tulong sa mga bata. Sa nakaraang kritika ko sa “Batang Langoy”, may mga kapwa manunulat na nagsabing tinutulungan naman ng tim ang kanilang mga subject, at nagiging behikulo din ang mga dokumentaryo para antigin ang matulunging puso ng iba pang mga tao. Sa puntong iyan e wala akong reklamo. Pero dahil napakalayo ng kaibahan ng “Batang Langoy” sa “Bugawito”, dapat sana ay gumamit ng simpleng epilogo-teksto ang tim. Yun bang karaniwang ginagamit na mga teksto sa bandang hulihan ng palabas na nagsasabi kung ano ang naging hakbang ng tim pagkatapos ng shoot nila, anong ahensya ng gobyerno ang pinuntahan nila, at ano ang naging tulong ng mga ito kina Patrick, para naman hindi mag-isip ang manonood na pagkatapos maswelduhan ng “Bugawito” tim e, nandun pa rin hanggang ngayon at nagpapakalugmok sina Patrick sa putik na kanilang kinasadlakan.

Sa mga puntong ito ay lumitaw ang mga sumusunod na tanong. ? Nawawalan nga ba ng matatalas na ngipin ang isang dokumentaryo kapag ito’y kumikita na? ?Nauubos ba ang tapang ng isang dokumentarista kapag nakasalang na ang kanyang trabaho? ?Ano pa ang mga dahilan kung bakit may mga nailalabas na dokumentaryong walang buto? Walang pagsusuri? At nagkakasya na lang sa paglalahad at hindi sa pagtatanong? Malaking tulong kung may makakasagot nito mula sa inyo mga kasama.

Sa mga puntong ito rin, lumilitaw ang negatibong implikasyon ng mantra ng ilang mga dokumentarista: na sila’y observer lamang, na sila’y hindi mga tao kundi mga instrumento lang ng midya na gumagampan ng tungkulin ng mga oras na iyon, ang magrekord, ang magsadokumentaryo ng pangyayari, at wala nang iba pa. Ang “observer” ek-ek na ito ay maaaring mag-anak pa ng sandamukal na mga tanong, kasama na ang patungkol sa makaisang panig na adhikain ng isang dokumentaristang nagsusulong ng ganitong paniniwala, o palusot. (Pero hindi ko ito iniri-raise dito sa “Bugawito” dahil bulag ako sa mga pangyayari sa likod ng kamera.)

Sa pangkalahatan, naging wasto ang titulong “Bugawito” sa adhikain ng naturang dokumentaryo: ang ilahad lang ang mga naipakilalang bugawito, at hindi ang problema sa prostitusyon ng mga bata at ang kapabayaan ng gobyerno sa usaping ito.

Napakababaw.

2:14am

Komentaryo sa Pagbabalita ni Mike Fajatin Kagabi sa SAKSI

July 17, 2008

Hinggil sa balita ni Michael Fajatin hinggil sa basura kagabi sa SAKSI

1. Hindi kailanman maaaring gawing essay ang balita. Ito ang sakit sa mediang kumakalat ngayon dahil sa buo-buong pag asa sa kapangyarihan ng kamera. Ang ulat kagabi ni Mike Fajatin (GMA7) ay naging isang essay, na gumamit ng mga pangalang kilala at ina-associate ng mamamayan sa mga popular na karakter ng mga kwentong Pilipino, kanta at pelikula. Nauunawaan ko ang nais ipahatid ng reporter pero hindi ito excuse. Porke ba naunawaan ko ay wasto na ito?

Ang balita ay balita. Straight facts. Sa ganitong simpleng punto, masasabing tinamad ang reporter na mangalap ng karampatang datos, dahil nakampante ito sa kuha ng kanyang kamera. Ang Juan, Pedro, Lorna, Aida, Fe at Petra ay dapat sanang mga pangalan nung mga taong kanyang nainterbyu. Basic na batas ito sa mga reporter. Ang mga pangalan ay nasa who.

Umasa ang reporter na mapupunuan ng kanyang mga kuha ang kanyang kakulangan sa datos.

Ang ganitong paraan ng pagbabalita ang pinagsisimulan ng mga balitang opinionated. At ang mga balitang opinionated ay karaniwang bitbit ng mga media person na nagpi-PR, o yaong mga media person na meron nang nabuong istorya bago pa man nakapangalap ng kanyang datos.

2. Masisilip ito sa isang bahagi ng balita na dinig na dinig ang pag-suggest niya ng sagot sa kanyang iniinterbyu. Kahit pa sabihing tumpak namang walang disiplinang matatawag ang mga taong nagtatapon ng basura sa mga ilog o kanal na walang pakundangan, mali pa rin ang naging paraan ng reporter sa pagkalap ng kanyang mga datos.Ang pagsa-suggest ng sagot sa mga iniinterbyu ay isang palatandaan na ang isang reporter ay may nabuo nang kongklusyon bago pa man siya pumunta sa lugar para mangalap ng datos. Kaya sa kanyang pagdating sa lugar, ang hahanapin ng ganitong klaseng reporter ay ang mga sagot na susuporta sa kanyang nahabi nang kongklusyon.

3. Nagkulang pa rin siya. Kung ganung paraan yung kanyang reporting e dapat sana linubos na lang niya. Tinumbok na rin sana niya ang ugat ng problema sa basura. Na ang tunay na may pangunahing pananagutan ay ang gobyerno at hindi ang kanyang mamamayan. Isinama na rin sana niya sa kanyang early conclusion ang katotohanan na ang usapin sa basura ay usapin din ng kawalan ng sapat na programa ng pamahalaan hinggil sa problemang ito, kawalan ng organisadong pagkilos ng bawat komunidad na dapat sanang pinamumunuan ng mga taong tinatawag nating “pinuno”, at kawalan ng aksyong dapat sana’y itinutumbas sa mga pronouncement laban sa problema sa basura. Pag ka ganun ang ginawa nung reporter, mas lalawak pa ngayon ang source niya ng datos dahil tiyak na magrereact ang mga taga-gobyerno, mas maeengganyong magsalita ang mga taumbayan, at tiyak na may maglalabasang datos mula sa mga magtitiwalang private groups sa integredad niya bilang isang reporter.

4. Pero hindi ko naman siya linalait o sinisira. Ang kanyang balita ay nagpakita sa atin ng mukha ng isang reyalidad na matagal nang isinasaisantabi ng mga nagpapanggap na pro-press freedom. Walang kalayaan ang pamamahayag sa bansa. May mga balidong dahilang maihahanay kung bakit ganun ang napiling paraan ng reporting ni Fajatin (pero hindi ko na ipupunto pa dito, alam na yan ng mga lehitimong media person, kabilang syempre si Fajatin). Ipinakita rin ng kanyang reporting ang reyalidad na walang absolute objectivity, at ang balita kailanman ay hindi neutral, lagi itong may punto (tinatawag itong anggulo ng mga media person) na pinapalingan o binibigyang-diin. Ang tunay na neutral lamang ay ang “pangyayari.” At mawawala ang neutralidad nito kapag nasimsim na ito ng mga mata ng tagapag-balita, at nakita niya ito ayon sa kanyang sariling pagtingin sa mga bagay.

Maraming salamat Mike!

Silip sa likod ng “Kidnap” ng ABS-CBN

July 14, 2008

Silip sa likod ng “Kidnap” ng ABS-CBN

Inabangan ko ang “Kidnap” presentation ng ABS-CBN kagabi, at umasa ako na may masisilip tayong mga bagong impormasyon sa naturang dokumentaryo na maghahatid sa pagkakalutas ng “kaso” at “pagkakahuli” sa mga “kidnaper” ng grupo nina Ces Drilon, Angelo Valderama at Jimmy Encarnacion.

Matatandaang ang grupo nila ay “nakidnap” bago pa man bumisita si “Frank”. Ang pangyayari ay hinarap ng buong industriya ng midya ng buong ingat, dahil na rin sa concern sa buhay ng tatlo, at hindi pa dahil sa politikang naglalaro sa likod ng naturang pangyayari. After all, hindi ganun kalaya ang pamamahayag sa bansang ito, to the point na, ang mga media personality ay nagkakasya sa pagtingin sa mga “pangyayari” bilang simpleng “pangyayari”, disregarding the fact, na may mga dahilan kung bakit nangyari ang naturang “pangyayari”, at may mga nagpapakilos para mangyari ang mga naturang “pangyayari.”

Anyway.

Disappointed ako sa napanood ko.

Ang “Kidnap” ay isang tele-dramang tinubog sa dokumentaryong mala-Eye Witness Account. Bagamat kauna-unawa naman ito dahil ang naging pangunahing layunin ng “Kidnap” ay maipakita ang ordeal ng tatlo sa pinaka-delikadong oras ng kanilang personal na buhay (hindi buhay-media). Ang layuning ito ay umiikot sa batas ng “esklusibistang” praktika sa daigdig ng komersyal na midya sa Pilipinas. Ang “esklusibistang” praktikang ito ang siya ring nagtulak sa grupo nina Ces sa kapahamakan.

Nasabi kong tele-drama ito, dahil na rin sa pag-employ nila ng “re-enactment” (in fairness to the ABS-CBN Current Affairs Team, di naman ito masama, actually, ginagawa din ito ng ibang mga dokumentarista sa ibang bansa at maging dito sa lokal) nang walang sustenidong paglalagay ng mga paunawa na ito’y re-enactment lamang (ito lang ang masama, kasi masasabing isang porma ito ng pag-mislead sa mga viewers), dun sa mga video clips na kinuha sa performances ng mga actor na gumanap bilang sina Ces at ang mga “kidnaper” nila. Tapos sa bandang hulihan ng palabas, ay ipi-play nila ang ilang clips na may nakalagay na paunawang “Actual Video Footages”. Sa mga susunod na eksena ay makikitang nagpapaliwanag si Bb. Maria Ressa na ang mga shots na yaon ay malikhaing kuha ni Jimmy Encarnacion. Sa katapusan ay makikita ang mga pangalan ng gumanap na kidnaper (bagamat “kidnappers” lang ang nakasulat at walang “as” sa unahan nito.

Fine. Pagpupugay kay Jimmy. Now that’s one brave media worker. At dapat lang talaga siyang parangalan at papurihan. Siya lang sa tatlo ang talagang naging media personality sa gitna ng mga pangyayaring iyon. Ang dalawa (Ces at Angelo) ay naging purong bihag lamang.

Pero nabawasan ang legitimacy ng mga video clips dahil sa pagkakahalo nito sa mga “re-enacted scene” na walang paunawa na ito’y mga re-enacted scene lamang. Nakadagdag sa pagkabawas ng legitimacy ng video footages ang pagpapablur nito sa mukha ng isang taong nakunan ni Jimmy (umano) sa isang eksena (yung nakaupong nilalang). Now that’s not Jimmy’s fault. Alam nating lahat na wala siyang kapangyarihang mag-censor sa loob ng naturang network.

Mas tumingkad ang pagiging teledrama ng “Kidnap” nang kapansin-pansing “mawala” sa eksena si Propesor Dinampo. Apat silang bihag, pero bakit ang tatlo lang ang sinentruhan ng dokumentaryo? Now this point runs against a popular claim that our media is objective. And this point shatters the very title of the documentary: kidnap.

Ang napili nilang titulo ay ang popular na tawag sa ginawa sa kanila ng mga kidnaper. Pero wala silang naisingit na sariling pananaw o analisasyon man lamang sa kanilang mga captors (maliban sa claim ni Ressa sa isang bahagi ng palabas na matalino daw ang mga kumidnap sa kanila, which is being equated by others bilang isang porma ng pahayag na nagsasabing hindi ASG ang mga kumidnap sa grupo nina Ces). Mas angkop pa nga sigurong gamitin ang “hostage” pero, with that, kailangan pa rin nilang isama sa daloy ng kwento si PropesorDinampo.

Which brings me to the documentary’s objective.  Sabi nila, “this is a documentary about recklessness and violence, about spirits that will not be broken by the barrel of a gun, about brotherhood, about family, about choices, about fear, and about just what it means to have courage.”  Walang objective.  Pure drama.  Or maybe, baka nalilimitahan sila ng reyalidad na nasa korte na ang usapin kung kaya limitado na rin ang maihhayag pa nila sa publiko.

Yet Still, they should have a specific objective.

At dito maaaring pumasok ang usapin ng komersyalisasyon ng midya.  Bakit ka magsaslita kung mwala ka namang ibang sasabihin?  Bakit?

Dahil may Advertiser.  Dahil may labanan sa ratings.  Period.

(2:24pm).

Palitan ng Kuro Hinggil sa Komentaryo ko sa “Batang Langoy” ng I-Witness

July 10, 2008

Narito ang palitan ng mga ideya resulta ng komentaryong naibato ko tungkol sa “Batang Langoy” ng tim ni Jay Taruc pra sa I-Witness ng GMA7.

Nakakatuwa ang palita ng mga kuru-kuro.

=================================================

— On Thu, 7/10/08, Andy Tejada wrote:

From: Andy Tejada
Subject: Re: (ThePhilippineCinem a) Komentaryo sa “Batang Langoy” Episode ng I-Witness
Date: Thursday, July 10, 2008, 12:05 AM

Ilang taon na ba ang nagsulat nito at ano ang ginagawa sa buhay?

Dear, the docu is not a two-hour film na kayang ma-cover ang lahat ng aspects na gusto mong makita…

I was moved by what I saw… and it prompted me to write and suggest sa mga producers to look for some sponsors to let these kids get out of that situation… I even suggested that they be trained as long-distance swimmers para sa Swimming Team ng Pinas… Why not? Malay natin, they become Olympians in the future 🙂 I channeled my emotions into something proactive… what needs to be done now… Not complaining on what i saw and tell them (the producers) “what should have been done”…

And please, the shots you are mentioning are quite impossible. You’ll realize this if you work on a docu for television someday… As far as i’m concerned, the “langoy” part was not exploitative. ..

Oh, by the way, I would like to comment on your writing… It gives me an impression that you’re still a college student who is very idealistic pa sa mga views niya…

I was once like you… 🙂 Reminds me of my college papers (in Social Sciences… hehehe)

Andy
===================================================================

— On Thu, 7/10/08, cris pablo wrote:

From: cris pablo
Subject: Re: (ThePhilippineCinema) Komentaryo sa “Batang Langoy” Episode ng I-Witness
Date: Thursday, July 10, 2008, 10:48 AM

kaniya-kaniyang opinyon yan… pero andy, hindi naman siguro dapat condescending ang tingin natin sa nagsulat na para bang ini-imply natin na mas mababa siya dahil college student siya because of the way you seem to read his writing style or his prose…

sa aking palagay, valid naman din ang kanyang nakita dahil sarili nyang opinyon ito. at importanteng marunong din siyang magsabi kung anong eksena, anong shot, anong sinabi o dialogue o spiel ba ang nagbigay sa kanya ng ganoong pakiramdam.

mali ba ang paalala niya sa ating mga taga-media tungkol sa ganitong mga kaso kung saan ipinapa-reenact natin ang isang eksenang alam nating bawal nga gawin pero for the sake of a good coverage ay ipinapagawa natin?

madaming guilty sa media sa puntong ito.

tulad ng isang news team sa isang network na pinalagyan ng mga kalat ang isang dagat para masabing madumi ito.

tulad ng isang public affairs host na mahilig magpaiyak na well aware siya sa isang docu niya na krimen ang gagawin ng kanyang subjects pero hinayaan niyang gawin nila samantalang alam niyang gagawin lang nila yun para may makunan siyang video. at pagkatapos nang hulihin sila ng gobyerno ay saka siya naghugas kamay at kesyo hindi niya alam ang naging plano.

when are we really just exploring and exposing or exploiting?

minsan sa sobrang nahigop na tayo ng kultura ng naghahari-hariang media, okay na sa atin ang mga ganitong gawain.

pero hindi ibig sabihin nito na ganoon ang ginawa ng i-witness team ni jay taruc. pero hindi man ganoon ang ginawa, kung ganoon ang naramdaman ng ating sabi mo nga ay tila ‘college student pa’ na komentarista or reaksyonaryo, ay baka nga may maling nailagay na video, o spiel kaya niya naramdaman ang ganoon.

sa panahon ng napakaraming instruments to document even our most mundane daily routines kung saan halos pati kasambahay sa ating tahanan ay may kamera ang kanyang cellphone, siguro ay nagiging sopistikado na din ang mga mag-aaral at natututo nang bumasa kung ano ba sa media ang totoo, ang pilit, at ang nagkukubli lang sa kunyaring pagserbisyo sa bayan.

I personally know jay taruc and he is very nice and responsableng mamamayahag. it is the writer, director or editor na maaari ding dahil sila ang siyang pumili ng mga final shots, edit, spiel, interview who may have slipped a little.

sayang at hindi ko napanood.

i used to be a director-writer- associate producer for i witness for the kara and vicky episodes and we always did our documentaries with the best of intentions.

it was always a happy experience to hear from those brave souls who are willing to risk counter-ridicule just to question or correct ‘media’.

peace.

================================================================
(ito naman ang sagot ko)

Maraming salamat sa mga pumansin. Lalo na syempre sa mga bumatikos.

Hindi naman paninira kay Taruc ang aking objective kung bakit ko naibulalas ang mga puntong naisulat ko. Ang akin lang, ito’y tulong sa kanila para makita nila kung ano ang hindi nakita ng kanilang grupo. Ang mga kilala at kaibigan ko sa midya ay regular ko ring pinapaalalahanan, lalo na sa mga usaping nangingibabaw na ang kapangyarihan ng marketing department sa trabaho ng editorial department ng kani-kanilang mga pinagtatrabahuhang media institution, ganun din sa papel na ginagampanan nila sa mga usaping katulad halimbawa ng coal-fired power plant, at yung simpleng pangunguha ng bidyu sa mukha ng mga mahihirap na suspek sa petty crimes kahit pa tinatkpan na nila ang kanilang mg mukha.

May mga kontra-punto sana akong maihaharap pa, lalo na sa naging mga sagot ni G. Tejada, pero hahayaan ko na lang ito dahil hindi naman siya ang target ng aking opinyon. Ganunpaman, maraming salamat sa pagbibigay mo ng iyong panig. Isa itong patunay na nananatiling malusog ang daloy ng diskusyon khit man lang dito tayo nagkakapanagpo s net.

Oh! Nais ko ring linawin Mang Andy na hindi na ko estudyante sa kolehiyo. Damatands na rin ako at naghahanda nang humarap sa midlife. 🙂 Yun nga lang, sana’y iwasan natin ang ganung klase ng mga kasagutan sa mga puntong hindi natin kayang sagutin.

Napakalaking pambabastos ng ganung remarks sa mga college students. Para mo na ring sinabi na napilitan lang silang maging ideyalista dahil sila’y mga nasa kolehiyo pa. At pambabastos din ito sa mga kaedad ko, kaedad ninyo at sa mga mas senior pa sa atin. Wala na ba tayong karapatang maging ideyalista porke wala na tayo sa kolehiyo?

Natutuwa ako na naaalala mo ang iyong youthful years nang dahil sa estilo ng pagkasulat ko ng komentaryo. Pero ipinapangako ko, hindi tayo magiging magkapareho.

Ako’y isang simpleng pamatnugutang kartunista (editorial cartoonist) lang naman po. Sa sarili kong bulsa, ilinalabas ko ang kauna-unahang editorial cartoons mag sa bansa. Matatawag itong komiks pa rin (wala pang pormal na tawag kasi di pa ito nagmi0mainstream), dahil ang pangunahing midyum nito sa pagtalakay ng mga isyu ay mga editorial cartoons na nilakipan ng politikal na komiks strip sa ibaba nito. Pero sa pamamagitan nito, nakatok ko na ang mga pinto ng ilang tanggapan ng pamahalaan dito sa amin pati na ang halos lahat ng tanggapan ng simbahan.

Ako’y masaya sa aking ginagawa. Nagko-cntribute sa pagpapayaman ng editorial cartooning sa bansa, habang nakikibahagi sa pagtalakay sa mga maiinit na usaping yumayanig sa atin. 🙂

Tenstsu and mabuhay tayong lahat. 🙂

PCG awards MV Princess of the Stars divers

July 8, 2008

MANILA, Philippines — The Philippine Coast Guard (PCG) awarded 42 of its personnel and six volunteer civilian divers on Tuesday for “heroism” in the search, rescue and retrieval operations for victims of the ill-fated MV Princess of the Stars.

PCG chief Vice Admiral Wilfredo Tamayo said the divers were awarded for their “high sense of duty, professionalism and dedication” as members of the Coast Guard diving team.

The MV Princess of the Stars, owned by Sulpicio Lines, capsized and sank with more than 800 passengers and crew onboard off Sibuyan Island in Romblon province last June 21 when it sailed into the path of typhoon “Frank” (international codename: Fengshen).

Among those commended were members of the PCG Special Operations Group headed by Captain Alfredo Santos, and civilian volunteers led by Vanessa and Alex Garon of the Coast Guard Auxiliary.

Tamayo also commended the divers’ “preparedness and commitment” to return to Sibuyan to continue retrieval operations once toxic chemicals have been removed from the wreckage.

Recovery operations were halted following the discovery of 10 metric tons of the highly toxic pesticide endosulfan onboard the sunken vessel.

The divers were taken to the Armed Forces of the Philippines Medical Center to be checked for possible chemical contamination and are still awaiting the results of the tests.(PDI)

==================================

My Take:

While i have nothing against awards (they inspire people), I was shocked upon learning that the PCG showered itself of self-praises by giving awards to their own employees and civilian-arm personnels.

Look, all these men and women did is perform their task.  Nothing extra-ordinary there.  They dive, they retrieved dead bodies and belongings, they rescued the survivor.  That’s their job.  That’s what they are trained to do.  Now, if they performed something extra-ordinary while on-duty, then maybe, they are to be considered candidates to receive the “hero” tag.

Hello, kung magsulat lang pala ako ng magsulat (manunulat ako), e magiging hero na rin ako?

Yan ang problema sa ating mga nasa pamahalaan eh, pur papogi na lang. Asar!

Komentaryo sa “Batang Langoy” Episode ng I-Witness

July 7, 2008

Komentaryo sa “Batang Langoy” Episode ng I-Witness

(Purong opinyon lang ito ng nagsulat, matapos mapanood ang I-witness)

Ang midya ay nagsisilbing avenue ng mga bata para makamit ang oportunidad na makapag-express. Nagiging lugar din ito para maipaabot ng mga bata ang kanilang mga hinaing sa mga kinauukulang tanggapan lalo na’t kung may kinakaharap silang mga lehitimong isyung pambatang may kaugnayan sa kanilang karapatan, o ang kawalan nito. At dahil sa kapangyarihan ng midyang abutin ang atensyon ng pinakamalawak na bilang ng mamamayan sa isang bansa o lugar, otomatikong masasabing napakalaki ng tulong na naibibigay ng midya sa mga bata.

Kaya?

Kagyat na namuo sa isipan ko ang isang-katagang katanungang ito nang mapanood ko ang dokumentaryong “Batang Langoy” ng I-Witness na ilinabas nitong Hulyo 7 (Hulyo 8 ng madaling-araw).

Bagamat nauunawaan kong ang layunin ng presentasyon ay maipakita ang nakalulungkot na kalagayan ng mga bata sa isang bayan ng Iloilo, hindi ko maiwasang magkamot ng ulo sa ilang mga butas na nasilip ko. (Ang dokumentaryo ay tungkol sa isang grupo ng mga bata sa isang isla sa Iloilo na nag-aaral sa isang paaralan sa mainland. Hinahatid sila ng bangka sa umaga pero sa hapon, pag walang sundo, lumalangoy na lang sila pabalik sa kanilang isla na mahigit isang kilometro lang naman ang layo mula sa pampang ng mainland.)

1. ‘Scripted’ na pagpapalangoy sa mga bata. Sa set-up pa lang, halata na ang ‘scripted’ na pagpapalangoy sa mga bata. Habang pinapanood ko ang bahaging lumangoy na ang mga bata pauwi, di ko maiwasang magtanong kung bakit naatim ng mga taga-GMA na palanguyin pa ang mga bata gayong pwede naman silang pasakayin. Ang ganitong aksyon ay masasabing isang porma rin ng eksploytasyon. Hindi rin naman nila pwedeng sabihin na pinasakay nila sa kanilang bangka ang mga bata pagkatapos nilang makakuha ng ilang shots, dahil wala silang explicit claim ng ganito sa buong takbo ng dokumentaryo. Ang ganitong porma ng presentasyon ay nauna nang ginawa ng lokal na tim ng GMA sa Iloilo City, kung saan ang naging narrator/presentor naman ay si Bb. Charlene Belvis. Halos walang pinagka-iba ang presentasyon ng tim ni Jay Taruc.

Kung gagawa rin lang naman sila ng “presentasyon” sana eh yun yung opening nila. Inabangan sana nila sa gitna ng dagat ang mga bata na lumalangoy, dun sila nanguha ng shots at pagkalapit ng mga bata sa kanilang bangka eh saka nila pinasakay at sabay na silang umuwi sa lugar ng mga bata para pormal na makipag-usap sa mga tao sa kanila, at sa mga magulang ng mga bata, at pormal na umpisahan ang kanilang pananaliksik para sa kanilang dokumentaryo. Magiging katanggap-tanggap pa ang ganito dahil masasabing lehitimo ang mga kuha, at ang mga aksyon ng mga bata, at kung gayo’y hindi ‘scripted’ na kuha lamang(bagamat totoo namang ginagawa ito ng mga bata, tinatawag ko pa ring scripted ang shots na nakuha nila Taruc dahil wala na sa katangiang “natural/normal” (in a sense na regular itong ginagawa ng mga bata kung walang sundo)). Mapapangibabawan na ito ng ideya na, lumangoy ang mga bata nung hapong iyon dahil kukunan sila ng video ng tim ni Taruc(at ni Belvis noon).

2. Ang claim ng narrator (Taruc) na “… agad kaming naki-angkas…” Ang mga katagang ito ay namutawi sa bibig ni Taruc nung ipinapakita na niya sa mga manonood na may nasalubong na masamang kalagayan ng panahon ang mga bata sa kanilang “paglangoy” pauwi. Pinasakay nila ang mga bata. Mabuti. Pero.

Ang claim ni Taruc na “kami” ay hindi nasuportahan ng mga kasunod nilang video clips. Matapos niyang banggitin ang mga naturang kataga, makikita sa mga susunod na clip si Taruc (sa pampang na) na nakasuot ng jacket at may back-pack pang naka-suknong sa kanyang likod na walang indikasyon ng pagkabasang dulot ng paglangoy sa dagat.

Bakit may lumabas na “kami”? Dahil ba sa nagawang sumabay ni Taruc sa mga gawain ng kanyang mga unang subject sa mga una niyang dokumentaryo eh, papalabasin nila sa “Batang Langoy” na sumabay ding lumangoy si Taruc?

Napakalaking paglabag ito sa etika ng pamamahayag. Masasabi ngang isa itong attempt na makapanloko. At sa kalibre ni Taruc, imposible ring sabihing di niya napansin ang error na yun.

3. Hinggil sa “health and welfare” ng mga bata. Kung ang pagpapabaya ng mga magulang ng mga bata na palanguyin silang mag-isa pabalik, kahit pa may dahilan sila (wala silang bangkang pag-aaari na magagamit), ay napakalaking paglabag na sa karapatan ng mga bata sa kalusugan at sa ligtas na pamumuhay, paano pa kaya ang pagpapalangoy ng mga taga-GMA sa mga ito para lang makakuha ng materyal na gagamitin sa dokumentaryo(kaya ko nasabing “pinalangoy” ng GMA ang mga bata, kahit pa walang ganitong lantad na panghihikayat mula sa panig ng tim ni Taruc, kasi, present ang motibo, swak din ang oras sa paglangoy ng mga bata, ibig sabihin sa punto de bista ng mga bata, alam na nilang lalangoy sila dahil kukunan sila. Kapansin-pansin din na sa araw ng shoot, hindi sinundo ang mga bata ng kanilang magulang, samantalang ang natural na gagawin ng mga magulang, para kahit papaano e mapagtakpan ang kanilang kapabayaan sa harap ng kamera, e susunduin ang mga bata at iiiwas sila sa kamera dahil silang mga magulang din naman ang mapapahiya.)? Kahit pa sabihing may medical tim na nakaantabay o sasakyang naka-antabay, kwestyunable pa rin para sa akin ang naging porma ng tim ni Taruc sa pagkalap ng mga kakailanganin niyang materyal para sa naturang dokumentaryo.

4. Objective ng dokumentaryo. Bitin ang dokumentaryo, lalo na sa bahagi ng paghahanap na ng solusyon sa naipresenta nilang kalagayan ng mga bata. Nabigo ang dokumentaryong katukin ang mga nararapat na tanggapan para mapabilis ang solusyong kinakailangan ng kanilang subject. Sa puntong ito(sa punto de bista ng mga manonood), di na masyadong mahalaga ang behind the scene na pangakong suporta ng tim ni Taruc o ng GMA mismo sa mga pamilya ng bata. Ang importante ay kung ano ang nakikita ng manonood na direksyon ng naturang presentasyon. (After all, ang dokumentaryo e ginawa para sa mga manonood, para abutin ang mga manonood, para engganyuhin ang mga manonood na makibahagi at maging bahagi.) Kung pamilyar kayo sa mga dokumentaryo ni Michael Moore (Bowling with Columbine, Sicko atbpa), ganun ang kanyang ginagawa.

Nabigo ang tim ni Taruc na maipakita sa publiko (viewers) kung ano ang kongkreto at pangmatagalang sagot ng mga pambansang tanggapan ng pamahalaan sa kalagayan ng mga bata. Ang tangi nilang nainterbyu ay ang mga guro at ang tagapamahala ng pamahalaang bayan na halos wala namang nai-sugest na maganda at posibleng solusyon. Hindi ko rin tuloy maiwasang mag-isip na baka may tinatarget lang na emosyon ang presentasyon ni Taruc. Kung kaninong emosyon, hindi na rin nasabi ng kanyang dokumentaryo.

Dahil sa tumitinding krisis, tila baga tumitindi na rin ang komersyalisasyon ng dati nang komersyalisadong midya. Naway hindi magamit ang mga bata para lang sa mga gawaing profiteering ng iilang nakikinabang, na maaaring magresulta sa pagkabaluktot ng mga balita o ng mga tagapag-balita.

Sana’y di na ito maulit pang muli.

(3:09am)

Kuro Hinggil sa Nangyaring Kidnapan sa Sulu: Pagkalikot ng Isipang Malikot Habang Naghihintay ng Antok

June 20, 2008

(Babala: Ito ay opinyon lamang ng may akda.  Paumanhin sa mga masasaktan, kung meron man.  Katatapos lang kasi ng may-akda na magbasa ng Little Drummer Girl.)

Nitong mga nakaraang araw, isinabit ko sa aking blog ang mga haka ko hinggil sa tunay na dahilan ng pagkaka-“kidnap” kay Ces at sa mga kasama niya (pinili ko si ces bilang tag dahil siya ang pinaka-sikat sa kanilang apat)­.

Matapos kong mapanood ang interview ng GMA7 kay Propesor Dinampo, isa sa mga na-“kidnap”, mas tumibay ang paniniwala ko na ang naganap na “kidnapan” sa Sulu ay isa sa mga pinakamalaking dramang ipinalabas sa entablado ng tunay na buhay, para isulong ang isang politikal na interes sa paparating na ARMM elections.

Sa interview, buong linaw niyang ikinwento ang pangyayari.  At bagamat si Sahiron ang kanilang pakay, wala siyang Sahirong nakita, maging noong mga panahong sila’y bihag na.  Kinumpirma din niya na si Biyaw nga ang kanilang giya, pati ang pagkalas ni Biyaw nang sila’y na-secure na ng mga armado.  Sabi ni Biyaw, ay mauuna na daw siya ayon sa utos ni Sahiron.

Ang ganitong eksena ay nauna nang nakumpirma batay na rin sa kwento ng drayber ng dyip na inarkila ng grupo ni Ces papunta sa lugar.

Samantala, kinumpirma na ng mismong PNP na sinungaling ang kanilang pinuno nang aminin nilang nagbayad nga ng ransom ang pamilya ni Ces at nandun pa ang isa nilang opisyal sa “intelligence.”   Nakakatawang si Razon din ang bumali sa una niyang sinabi.  Haha.  Nakakatawa.  Kayo na lang mag-isip ng tamang kataga na magsasalarawan sa kanya at sa kanyang ginawa.

Ano ngayon ang implikasyon ng mga kaganapang ito?

Hindi Abu Sayaff Group ang dumukot kina Ces.  Maging ang PNP ay hindi pa magawang pangalanan ng direkta ang ASG bilang siyang direktang may gawa ng krimen.  Bakit kaya?  Dahil ba sa  alam ng PNP kung sino ang may hawak noon kina Ces?

May mga obserbasyong lumabas na nagpapahiwatig na hindi ASG ang mga kidnapper.  Isa na rito ang obserbasyon na naninigarilyo ang ilan sa mga armadong dumukot kina Ces, ayon sa mga taga-doon sa lugar, ang mga tunay na ASG daw ay hindi naninigarilyo.

Wala ring ilinalabas na statement ang ASG.  Normally, ang kanilang paraan ng pakikipagnegsasyon ay sa pamamagitan ng midya.  Ang objective kasi nila, makapagpropaganda, at makapaghatid ng banta sa kanilang mga kalaban, na sila’y malupit, dapat katakutan, at handang lumaban ng patayan.

Ang ganitong aura ay kataka-takang wala sa buong haba ng panahon ng negosasyon.  Bakit di lumabas si Sahiron?  Kung siya nga ang nagpadukot, dapat lumabas siya, siya ang nagclaim, siya ang nakipagnegosasyon, dahil lilitaw at lilitaw din ang kanyang pangalan.  Dahil mas malaking propaganda score/point ang makakabig niya kung siya mismo ang magsasalita.  Dahil mas magiging credible ang kanilang paghingi ng pera.  Dahil mas malaking pera ang mahihingi nila kung malalaman ng mga pinapaukulan nila na siya, si Raddulan Sahiron, pinuno ng mapanganib na ASG, ang may hawak kina Ces, at dapat na mapagbigyan ang kanyang hiling dahil siya, sampu ng kanyang ASG ay namumugot ng ulo pag hindi nakukuha ang kanilang gusto.  Yan ay kung siya nga at ang ASG ang dumukot kina Ces.

Ang papel na ginampanan naman ni Biyaw, kilala bilang ahente ng military sa lugar,(pinabulaanan ito ni Biyaw sa kanyang affidavit at inamin niyang marami lang siyang kaibigan sa militari) ay kapansin-pansin at nagbibigay ng kabaliktarang kulay sa claim ng mga taga-gobyerno na ASG ang may hawak kina Ces.

Ang manner naman ng pakikipagnegosasyon – smooth, intelligent, cool – ay hindi estilo ng ASG.  Ang flow ng negosasyon, batay sa pagbasa ko sa mga pagkakasunud-sund ng hakbang ng mga kidnapper, ay anticipatory.  Anticipated nila ang susunod na hakbang ng kabilang linya.  Anticipated nila ang mararamdaman ng kabilang linya.  Anticipated nila ang init ng atensyong ilinalaan ng midya sa kasong ito.  At ang aktitud nila ay ang ingatan ang kanilang identity, liban sa malinaw na pagpapabaya nila sa midya na tawagin silang mga ASG.  Ang galing (hindi ito papuri)nga nila, dahil matagumpay nilang nagawang emisaryo si Encarnacion para direktang maipaabot sa pamilya ni Ces ang kalagayan ng kanilang grupo at ang mga kahilingan ng mga kidnapper.

Pinakahuling hibla ng patunay na hindi ASG ang dumukot kina Ces ay ang kawalan ng presensya ni Sahiron at ng sinumang lider na kinikilala sa hanay ng ASG.

Linabag ng pamahalaan ang sarili nitong patakarang “No Ransom”.  Una nang nabalita na nagkaroon ng bayaran, pero pilit pa itong pinagtakpan ng mga elemento ng pamahalaang ito.  At ngayong kinakailangan nilang maging credible para paniwalaan sila sa claim nilang ang mga Isnaji ang mastermind sa pangingidnap kina Ces, basta na lang nilang ilalantad sa atin ang kanilang ebidensya: isang larawan na nagpapatunay na ang pamahalaang ito ay nakikipagsabwatan sa mga terorista sa pamamagitan ng pagbabayad ng ransom sa kanila?  (Pag lumabas yung sinasabi nilang “iba pang ebidensya”, baka magbago ang opinion ko.)

Kawawa naman si Heneral Razon.  Lubusang sinira ng pamahalaang ito ang kanyang pangalan, Razon, reason.  Nagi itong alibi, palusot, pagsisinungaling.  Isipin nyo na lang, sinabi niya on national coverage, in his capacity as PNP chief na walang bayaran ng ransom na naganap para mapalaya ang grupo nina Ces, tapos on national coverage din, still in his capacity as PNP head, sasabihin niyang nagbayad nga ng ransom ang pamilya ni Ces, effectively telling everyone that he is a liar, Legarda is a liar, and everyone else who tells everybody that there is no ransom paid are liar.  At may ebidensya pa siyang ilinabas para patunayan na sinungaling nga sila!

Kawawa naman si General.  Malamang ay napakalaki ng utang na loob niya sa taong pinoprotektahan niya, kung di man siya takot dito, para lang gawin niya ang kahihiyang ito sa kanyang sarili.  (Biglang nagflashback sa isipan ko yung mga sinabi noon ni General Razon: na gas blast daw ang dahilan ng pagsabog sa Glorietta, na media person daw ang nagpatakas kay Faeldon, etc… Poong mahabagin!  Paano kung lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan din? Wag naman sana!)

Dahil sa kaganapang ito, ang pamahalaan mismo ang nag-encourage sa ilan nating kababayan na magtayo ng mga bagong Kidnap 4 Ransom groups dahil ipinakita nilang nagbabayad naman pala talaga ng ransom ang mga pamilya ng nakikidnap.

Naging bulag at iresponsable ang ilang elemento ng midya sa paghahatid ng balita.  Umasa ang mga ito sa spoon-fed info mula sa mga taga-gobyerno.

Unwittingly, naging bahagi ang midya sa isang grandiosong panloloko sa taumbayan.  At nanatili silang bahagi nito sa pamamagitan ng pagbabalita na ASG ang may hawak kina Ces sa kabila ng kawalan nila ng batayang impormasyon na magpapatotoo sa kanilang balita.

Sana naman, sa panahong nagdududa sila sa mga info na natatanggap nila e, naghanap na lang sana sila ng iba pang source o kaya e, nanahimik na lang sana sila.

Mula sa mga implikasyong ito, hindi ko maiwasang  kantiin ang panig ng politika at iugnay ito sa pagkakadukot sa grupo ni Ces, at sa pinakahuling kaganapan, kung saan idinidiin na ng mga taga-pamahalaan si Mayor Alvarez Isnaji bilang siya umanong mastermind ng pangingidnap sa grupo nina Ces.

(Hindi ko na ilalahad ang opinyon ko sa kriminal na aspeto ng akusasyon ng pamahalaan kay Alkalde Isnaji dahil korte na ang bahalang kumanti dito, pero nais kong pasadahan ang politikal na aspeto nito na may kaugnayan sa isang napakalaking aktibidad na nakatakdang maganap sa likod ng kidnapang ito: ang lokal na halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).)

Ang Mindanaw ang pinakamayamang rekurso ngayon ng likas na yaman, dahil ito na lang ang may mga nalalabi pang lugar na hindi pa nagagahasa ng mga kurakot na opisyal ng pamahalaan at ng mga negosyanteng kakutsaba nito, kasama ang mga dayuhang mangangapital lalo na yaong mga galling sa Estados Unidos.

Ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga Moro para abutin ang isang “kapayapaan” sa Mindanaw, ang presensya ng sangkaterbang sundalo sa isla ng Mindanaw, ang presensya ng mga dayuhang armadong Kano dito.  Lahat ng ito ay malinaw na nagtuturo na ang Mindanaw ang nalalabing ‘eden’ ng Pilipinas.

At ang ARMM elections ay isang avenue para legal na makuha ang kontrol sa naturang erya.

Isa sa mga napapabalitang tatakbong gobernador sa halalang ito si G. Isnaji.  At bilang isang dating kabahagi ng Moro National Liberation Front (MNLF), at alyado ni Nur Misuari, si G. Isnaji ay masasabing may komand at may malaking potensyal na manalo sa halalang paparating, lalo pa’t nasa kainitan ngayon ang isyu hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF.

Kaya’t tulad ng ibang mga nagdududa, di ko rin maiwasang magtaka sa timing, at sa tunay na motibo ng “sudden twist of events” sa gitna ng “pangingidnap” kina Ces.

Sa isa kong litanya sa blog , nabanggit ko ang posibilidad nang pagkakaroon ng isang grand drama, designed to set-up Mayor Isnaji, and temporarily hold him at bay, effectively pushing him out of the gobernatorial race (Kahit pa matuloy ang kandidatura niya, tiyak namang papahirapan siya ng administrasyon sa pangangampanya dahil nga sa kasong ito na kinakaharap niya), and snatch the ARMM leadership away for another three good years.

Ang grand drama ay malamang na nag-umpisa sa planning stage pa lang ni Propesor Dinampo.  Dahil involve na mula sa simula si Bidaw, malamang ay na-feed na ni Bidaw ang mga kakutsaba niya at this point para mapagplanuhan na nila ang gagawin.  Baka nga ang nakakausap ni Propesor Dinampo noon over the phone is not the real Sahiron.  Maybe it’s one of the kidnappers posing as Sahiron, kasi kung si Sahiron nga ang kausap ni Dinampo from the very start e, dapat kahit utot ni Sahiron maaamoy nila dun sa lugar.  Dapat e nakapagplano din sana ang ASG ng kahit isang statement for the media na magiging behikulo din nila ng kanilang propaganda.

At nang ideklara ng Anti-Terrorism Council ng gobyerno na hindi aplikable sa kasong ito ang Human Security Act (HSA) – sa kabila ng pagpapakalat ng ilang mga elemento ng pamahalaan na ASG ang dumukot kila Ces (Ang ASG po ay deklarado ng pamahalaan bilang isang teroristang grupo, at popular sa bansa bilang isang teroristang grupo), opisyal nang naging bahagi ng drama ang pamahalaan.  Ang aksyong ito ng pamahalaan ang mitsa ng aking mga pagdududa.  Ito ang dahilan kung bakit naging isang malaking katanungan sa akin ang nature ng kidnapping at ang mga susunod na takbo ng mga pangyayari

At ngayong papalapit na ang SONA, hindi ko rin maiwasang iugnay ito sa ihinahandang sobrang lupeeeeet na speech ni PGMA.  Ah, tiyak na nasa front row ng gallery sina Ces at iba pa.  Hmmm… baka nga maging senatoriable pa si Ces, o ha?

Napakakumplikado ng sitwasyon ngayon.  Kahit nga sina Ces at Propesor Dinampo eh, kapag naririnig ko ang mga paliwanag nila sa midya ngayon eh, di ko na rin maiwasang mag-isip kung at this point ba eh, na-hire na rin sila para maging mga aktor ng pinakabagong teleserye ng taon.

Hay!

Tanging dalangin ko lang ay sana’y mali ako.  Nakakalungkot at nakakatakot kasi kung bandang huli’y masasabi kong tama pala talaga ako.

Hay sige… tulog na ako, nawawalan na ako ng mga punto at namimigat na ang mga mata ko.  Sa wakas ay dumating na rin ang antok na kanina ko pa hinihintay..  Buti na lang at may pangyayaring ganito, at least hindi ako naboryong sa pagpapa-antok sa sarili ko. (6:56am)

Hinggil sa “Pagpapalaya” kina Ces Drilon (Isang Haka)

June 17, 2008

Bago ang aking litanya, nais kong ipaabot ang marubdob na pakiki-isa sa pagsasaya at pagpapasalamat ng pamilya ng mga bihag sa “pagkakalaya” nina Ces, Prof Dinampo at, jim.

Eto na ang litanya…

1. Nabali ang panuntunan ng pamahalaan na “No Ransom”.  At ang pangunahing partido sa paglabag sa patakarang ito ay ang mga tauhan din mismo ng pamahalaan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng “board and lodging fee” at “livelihood projects/programs” sa mga “bandido”(i still dont believe its ASG, i will explain it later).

Marami ang agad nagduda nang unang ipagyabang ni Razon ng PNP na anytime sa araw na ito ay lalaya sina ces.  at bagamat, nakahinga ang mga nagduda, di pa rin natanggal ang kanilang haka hinggil sa tunay na dahilan ng “pagpapalaya” kina ces.

Ano ngayon ang implikasyon ng pangyayaring ito?

— A. Wala nang order sa bansang ito.  Kung ang mismong mga nagpapatupad ng batas ang lumalabag sa sarili nitong polisiya, malinaw na isang bulok na pamahalaan ang namumuno sa ating bayan sa kasalukuyan.  Don’t get me wrong, i too, wanted, in fact i prayed, for ces’ and others’ safe release, pero hindi sa pamamagitan ng ransom.

— B. Ito ngayon ang pinaka-lantad na bayaran ng ransom (sa hanay ng mga media person na nakidnap sa mindanao), gamit ang mga katagang “board and lodging fee” at “livelihood programs”  Tiyak na mula sa kasong ito, mas dadami ang bilang ng mga mamamahayag na makikidnap sa mindanao sa mga susunod na araw.  Maraming mga tarantado rin ang maeengganyong magtayo ng kani-kanilang KnR groups dahil alam na nilang magbibigay ng pera ang gobyerno atbpa, kung masyadong sikat ang taong kanilang mabibihag.

Mas lalo lang pinatatag ng aksyong ito ang industriya ng pangingidnap sa ilang bahagi ng mindanao.

— C. Tuluyang sinelyuhan ng aksyong ito ang mindanao bilang pinaka-mapanganib na lugar sa mga mamahayag (dahil nandito naka-pakat ang pinakamaraming bilang ng sundalo, ngunit di magawang pigilan ang mga deklarado nilang maliliit na teroristang grupong tulad ng ASG at JI).

2. Sino naman ang makikinabang sa “paglaya nina ces?

— A. Syempre ang mga kidnapper.  Nagkapera sila.

— B. Ang mga negotiator.  Sumikat sila at pwede nilang i-claim habang-buhay na sila ang dahlan ng paglaya ng mga bihag.  Tyak nang may pambola na sila sa mamamayan para sa darating na halalan.

— C. Ang mga pulis at militar.  Pogi points.  At pera naman para sa mga may kaugnayan sila sa A.

— D. Ang gobyerno, aba tiyak na may headline na si madam gloria sa kanyang SONA!  The very reason why they are supportive (although hindi openly declared — kasi nga sino ba magbibigay nung “livelihodd” na yun? di ba ang gobyerno rin?) abut the possibility of paying smething for the ‘safe’ release of ces et al.

— E. Ang mga bihag mismo.  syempre, ligtas na sila. 🙂

— F. Ang ABS-CBN.  Abah, sulit naman ang ibinayad nila, kung nagbayad sila.  Dahil kung si ces na ang mag-uulat ng lahat ng nangyari aba, tiyak na mangunguna ito sa ratings!  Siguradng dadami ang advertisers na mga big time.  At sigurado na ang bagong senatoriable mula sa public affairs ng ABS-CBN (pinsan ito ni Sen. Bong kaya tyak may machinery ito si ces kung tatakbo ito).

Ito ang isa sa mga nakatagong dahilan kung bakit may mga media company na hindi masyadong nalulungkot pag may mge reporter silang nasasalang sa ganitong sitwasyon.. Aba naman, magbabayad ka lang pero ang kapalit, isang eksklusibong inside story na nakasakay sa libre at malawak na media hype.  equivalent sabi ko nga, mas maraming pera papasok.

ahh… napakamahal nga naman ng katotohanan sa bansang ito.

3. At ang identity ng mga kidnapper?  Ang kredibilidad ng pagiging asg ng mga ito? (paniwala ko’y di ito mga asg kundi mga mersenaryo o mga aktibong elemento ng army at sibilyan)

Tingin ko, sapat na sa mga kidnappers ang P100,000.  Ang P15M ay pagbabasakali na lang nila na makakuha pa ng malaking pera.  Ang “livelihood” ay hindi naman nila talagang kukunin, dahil alam nilang sa pamamagitan nito’y mati-trace sila ng gobyerno.  Ang “livelihod” ay isang tabing lamang para sa kanilang ligtas na pag-atras.  Ang siguradong babalikan ng mga ahente ng paniktik ng afp ay ang lugar kung saan maipapatupad ang livelihood.  Naturally, ganun talaga.  Kasi otomatikong iisipin na may isang pamilya ng mga ASG ang makikinabang sa ganung proyekto sa espisipikong lugar.  At habang dito nakatutok ang pansin ng mga military intelligence operatives, nandun na sila sa malayo, ligtas.

Tingin ko, nasaksihan natin ang handiwork ng pinakabagong kidnap for ransom group sa mindanaw.  at ang pangingidnap kina ces ay ang una nilang trabaho.  they are just testing the water, kung ano ang magiging reaksyon ng private sector, ng media, at ng ilang elemento ng gobyerno na wala sa kanilang payola.

At dahil dyan, we should expect more kidnapping in the future specially in that particular place.

‘We asked for Ces, got Angelo instead’

June 14, 2008

ZAMBOANGA CITY — THE negotiators were asking for broadcast journalist Ces Drilon, and got her cameraman, Angelo Valderama.

Valderama was released Thursday night by a still unknown group of gunmen to members of the Indanan police in a forested area of Sitio Danasih in Barangay Sinumaan, Talipao, Sulu. He was among the four people—an ABS-CBN team of three and a professor of the Mindanao State University—abducted in Maimbung, Sulu, on Sunday.

“Our objective is to secure Ces and the whole team,” Indanan Mayor Alvarez Isnaji , one of the negotiators, yesterday told the Inquirer on the phone. “[The abductors] are the ones making the decisions, not us, and it was they who released Valderama.”

Drilon, her other cameraman, Jimmy Encarnacion, and Prof. Octavio Dinampo, a peace advocate, are still being held by their captors.

In a press conference held in Jolo, Sulu, Isnaji said he and his fellow negotiator, Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidulla, had asked the abductors to release Drilon.

“We asked for a release. We requested the release of Ces or even just one of their victims. I was expecting it to be Ces, but instead they sent Angelo,” he said.

Immediately after his release, Valderama was taken by policemen to the residence of Isnaji, where he stayed overnight. He was flown to Zamboanga City yesterday.

Isnaji refused to give details of Valderama’s release, saying it might jeopardize the negotiations for the freedom of the remaining captives.

Speaking to Ces

He also would not say what group was holding Drilon et al. or what he and Drilon talked about when they spoke several times prior to Valderama’s release.

But Undersecretary Amilasan Amilbahar of the Office of the Presidential Assistant on the Peace Process claimed to have received information that Valderama was accompanied by “more or less 11 armed men mostly in their early 20s” when he was released.

Chief Supt. Joel Goltiao, police director of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), said Valderama would undergo a debriefing to be attended by Interior Secretary Ronaldo Puno and Philippine National Police Director General Avelino Razon.

Military agent

Razon said police had yet to get the whole story of the abduction from Valderama.

“That is what we want to find out. But he is resting first,” Razon said.

He also denied the Inquirer report quoting the man hired to drive for the ABS-CBN team in Maimbung that a “military agent” had led Drilon et al. to their abductors.

Board and lodging

Valderama’s freedom was not for free. The negotiators admitted paying a fee for “board and lodging”—a term generally used in lieu of “ransom” in kidnapping cases in the South.

On Thursday night, Amilbahar told the Inquirer the negotiators had paid a P2-million “board and lodging fee” in exchange for Valderama’s release.

According to Amilbahar, the money was part of the election campaign of Isnaji, who is seeking the governorship of Sulu in the ARMM elections scheduled in August.

But the Indanan mayor yesterday maintained that only P100,000, and not P2 million, was given to the kidnappers.

‘Not a centavo’

“Where will I get the money? I don’t even have funds. Vice Governor (Sahidulla) and I had to pool funds to be able to give P100,000, and it was not a ransom payment,” Isnaji said on the phone.

The government maintains a no-ransom policy. And Executive Secretary Eduardo Ermita, who was in Zamboanga City Friday, said the government did not spend “a single centavo” for Valderama’s release.

P5 million?

Even PNP Director General Razon denied knowledge that ransom was paid on Thursday night.

“Angelo Valderama has been recovered and is now in the safety of government forces,” Razon said, adding that the cameraman’s release was the result of negotiations, and not the payment of ransom.

On the other hand, Amilbahar claimed Friday morning to have received information “from the ground” that the “board and lodging fee” was not P2 million but P5 million.

“Nabigla nga ako (I was surprised), but I think they have some explanation for that,” Amilbahar told the Inquirer.

Communications cut

In Jolo, Hainatul Dinampo, Professor Dinampo’s wife, urged the negotiators to also work for his release or at least get his medication to him.

“I’m just looking for someone who can bring him his medicine… My husband has arthritis and his blood pressure sometimes shoots up,” she said in a radio interview.

She also said the Dinampo children had been so badly affected by the kidnapping of their father that they had stopped going to school.

Vice Governor Sahidulla said she and Isnaji had yet to touch base again with the kidnappers since Valderama’s release.

“We haven’t sent any medicines, and we still don’t know when we can do that,” she said.

Agence France-Presse also quoted Mayor Isnaji as saying that the kidnappers had cut off communications: “We have been trying to get in touch with the kidnappers, but all their cell phones have been turned off.”

It was unclear why the kidnappers had severed communications.

Palace relieved

In Malacañang, President Macapagal-Arroyo’s deputy spokespersons expressed relief at Valderama’s release.

“We are relieved to know that one of the victims was released unharmed. We are grateful to all those who have volunteered to help our PNP solve this case and bring back the journalists alive and well,” Anthony Golez said.

Golez called on the public to support the authorities’ efforts by giving information that could help find Drilon et al.

Lorelei Fajardo said the release of Valderama was “a positive step in the right direction.”

“We hope that the captors of Ms Drilon will find it in their hearts to release the remaining members of the ABS-CBN news team. We would like to express our congratulations to the negotiators and encourage them to continue their commendable task of negotiating the release of the [team],” Fajardo said.

“Our prayers are with the family of Ces,” she said, and aired the assurance that the government was exerting all efforts to secure the captives’ safe release.

Professionalism

Anthony Golez also bristled at the claim of the driver, Marama Hashim, who is in the custody of the Sulu police.

Golez said the Armed Forces of the Philippines had “reached a high degree of untainted professionalism and will never resort to such illicit activities for any reason.”

He also said any report linking the abduction of Drilon et al. to the military was “farfetched and must be validated.”

But he expressed support for an internal inquiry, saying “the AFP would never allow its reputation to be tarnished, and this should be investigated thoroughly.”

With reports from Alcuin Papa and Michael Lim Ubac in Manila

==================

My Take:

Parang may napansin akong panghihinayang sa headline ng item na ito.  Nang basahin ko ang buong pyesa, kapansin-pansin na ang naging negosyador ay mga politiko, rason para maging katanggap-tanggap ang kanilang himutok.  oo nga naman. ces is the bigger fish of them all, in terms of publicity and pogi points.  naturally, they would ask for ces talaga dahil, it will be a bigger story nga naman.  pero ano ano ang implikasyon nito sa negosasyon?

1: ang mga negosyador ay may pangunahing adyenda — ang sumikat politically para makakalap ng puntos sa nalalapit na namang halalan.

2: ang mga negosyador ay tunay na trapo.  nag-zero in agad sila sa personalidad (ces) na magbibigay ng ibayong kasikatan sa kanila.  dahil kung hindi, bat sila manghihinayang na instead of ces, angelo was ‘released’?  ang ganitong katangian ay masasalamin din sa mga klase ng proyektong isinasagawa ng mga politiko sa kani-kanilang erya: mga walang kwenta pero nakikita(halimbawa ang mga waiting shed na may pangalan nila, mga landmark na kaprasong semento lang, mga trash can na pininturahan, mga batong binuhusan ng kalburo at iba pa).

sa kabilang banda, ang pagpapalaya kay valderama ay isang mahusay na taktika ng mga kidnapper.  at ito ang nagpapatibay sa hinala ko na hindi abu sayyaf ang may hawak sa grupo nina ces.  si valderama, bukod sa kanyang pagiging ‘proof’ (1. na may naganap ngang kidnapan, 2.na sensiro ang mga kidnapper na pwalan ang iba pa basta ba mababayaran sila, 3) na buhay si ces — ang pinakasikat nilang hostage)  ipinapakita rin ang galing ng kanilang pagpili at husay sa antisipasyon sa mga nangyayari (na tiyak na si ces ang unang hihilingin ng mga politiko, at dahil si ces ang sikat, siya ang dapat na panatilihin nilang hawak dahil si ces ang magiging pananggalang nila laban sa anumang atakeng gagawin ng militar.

dahil dito, umusbong din ang hinala k na malamang ay pinagplanuhan ang pagdukot na ito kina ces, at hindi ito isang ispontanyong pangingidnap lamang na karaniwan nang makikita sa mga handiwrk ng abu sayaff.

hanggang ngayon, midya lang ang nagsasabing asg ang may hawak kina ces.  pero wala pa tayong naririnig mula sa asg.  at pati si valderama ay di pa rin nagssasalita, ganun din ang abs-cbn.  nakapagtataka lang kasi, samantalang ipinagmamalaki pa ng asg kung sila ang may hawak ng ganyang klase ng tao, pero ngayon ang abs-cbn pa mismo ang nanawagan ng pananahimik samantalang wala namang implikasyon sa seguridad nina ces kung malalaman ng buong bayan na asg nga ba ang humahawak sa kanila ngayon.

o baka totoo ngang hindi asg?

ah. talagang nakakatakot yan. talagang kung ako ang abs, mananawagan muna ako ng pananahimik o pag-iingat sa pagbabalita hinggil sa kalagayan nina ces.


hmm… malalim ito. and im now atsrting t believe na may kinalaman ang ilang kagawad ng militar dito.  sana mali ako.

3:

The Ces Drilon Abduction: Paningin ng Malikot na Isipan

June 13, 2008

hanggang sa araw na ito ay hindi pa rin makumpirma kung abu sayaff nga ba ang may hawak kina ces drilon.

ano ngayon ang implikasyon nito?

1. Malaki ang posibilidad na hindi Abu Sayaff ang bumihag sa grupo ni Ces. At pinatibay ang ganitong teorya nang magsalita ang mamang naging drayber nina Ces na isang ahente ng militar ang naghatid kina Ces sa bingit ng alanganin.  At nagawa pang bumalik ng naturang ahente para paalisin ang drayber at ang sasakyan, ibig sabihin, walang threat na addressed sa naturang ahente.  Nagpatibay rin sa teoryang ito ang pag-amin ng ABS-CBN na araw-araw nilang nakakausap si Ces.  Hindi ito gawain ng karaniwang Kidnap for Ransom group at ng ASG.

2, Samantala, ang “pagpapalaya” kay Valderama ay nagpakita ng katangian ng mga taong may hawak sa grupo ni Ces.  Masasabing its all in the book. O by the book ang kasong ito.  Sa mga kaso kasi ng KnR, karaniwan nang nagpapalaya ng isang “hostage” ang mga kidnapper/hostage=taker” para ipakita sa kanilang kanegosasyon na sincere silang hindi sasaktan ang mga hawak nila kung sincerely ay magbabayad din ng karampatang halaga ang kabilang panig.  Sa ganitong kalagayan, masasabi kong may alam sa kalakarang militar ang mga may hawak kay Ces.  At nakapagtataka ang otomatikong pagdedeny ng yunit ng mga militar sa Mindanaw sa posibilidad ng ganitong anggulo.  Hindi ba nila matanggap na naisahan sila ng kanilang kapwa sundalo? O alam nila na sundalo ang may hawak pero nais nilang ituro sa ASG o iba pa ang sala para ma-justify ang mas pagpapaigting ng operasyong militar sa lugar thereby resulting to more funds, more funds, more funds, more funds.

Ang Mensahe ni Gloria: Walang bago liban sa akting

June 11, 2008

Kapapanood ko pa lang sa balita ng Independence Day message ni PGMA.  At nangalisag ang balahibo ko.

Gumagaling na sa akting si PGMA!  Mula sa kanyang pang-FAMAS award na “I am Sorry”, heto’t mukhang Oscar’s na ang target niya nang lumabas siya sa telebisyong ala-Juday kung magpresent ng kanyang IDMessage!

Wala namang bago dun sa kanyang mensahe kundi puro empty promises, militaristic posturing at pamumulitika.  Akala ko nga e SONA na yun hehehe.

Pero yung kanyang akting? Wow!  Nakakatakot!  Kung kaya na niyang umarteng relaks ngayon sa gitna ng krisis at patayang nagaganap sa bansa, aba eh, asahan nating mas marami pang scam at paglabag sa mga karapatang pantaong magaganap.  At sa mga susunod na araw ay mas magiging natural na ang kanyang akting at di na natin mahahalata pa kung ano ang kasinungalingang namumutawi sa kanyang mga bibig.

Susmaryosep!

Kambal

June 5, 2008

Ang CARP at ang TraPo ay iisa.

Parehong walang silbi sa mayorya.  Parehong umaalingasaw sa lansa. Parehong kurakot. Parehong naglugmok sa mga magsasaka sa kumunoy ng kahirapan at kawalan ng magandang kinabukasan.

Parehong palalo.  Parehong instrumento ng naghaharing uri.  Parehong pahirap.  Parehong matingkad na katangian ng isang mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunan.

Parehong mapanlinlang.  Parehong latak na tuluyang lumalason sa ating lipunan.

At bagamat parehong nakatulong sa ilan (sabi ng iilan kasi, nakatulong daw ang CARP sa kanila), dapat ba itong maging dahilan para kalimutan ang mga nagawang kalokohan?

Aber gawin nating “politiko” ang “CARP”.

Kung nakatulong ang “politiko” sa iilang tao pero patuloy itong nangurakot, nanggahasa, nagpapatay ng mga kalaban sa politika, gumawa ng mga kapalaluan sa bayan, naging dahilan ng pagkalugmok ng ekonomiya, kailangan pa rin ba itong iboto at panatilihin sa kanyang pwesto?

Ha? Ano?

Gusto nyo pa ring ituloy ang CARP?

Hay! sige na nga, i-extend na rin natin si PGMA sa pwesto! GRRRRRRRRRR!

Karpa

June 4, 2008

Dalawampung taon na ang nakakalipas nang pinakawalan ang karpa sa irigasyon ng mga magsasaka. Maraming magagandang prediksyon ang nagsipaglutangan sa ere nang una itong pumasag.  Kesyo maghahatid daw ito ng kaunlaran sa magsasaka, makakatulong sa agrikultura, at sa pambansang eknomya.

Dalawampung taon pakaraan nun, eto’t papalitan na ang karpa.

At ang magsasaka?

Karamihan ay patay na.  May mga pinatay, may mga namatay sa konsumisyon, namatay sa kahirapan at gutom, namatay sa natural na paraan.  Ang iba ay nawalan na ng lupa.  May inagawan, linoko, at may nagbenta dahil sa kawalan ng silbi ng lupa at suporta ng gobyerno.  Ang ilan ay lumuwas na. Naging manggagawa para lang umangat… ng kunti, nagbenta ng katawan para lang umangat… ng kunti, nagpagamit sa mga kalokohan para lang umangat… ng kunti.

Pero meron din namang nagtamasa ng pakinabang sa karpang ito. Ang ilan ay ang mga madiskarteng magsasaka.  Ang iba ay ang mga wais at mapagsamantalang magsasaka.  At karamihan ay ang mga panginoong may-lupa na pansamantalang nasagasaan ng unang mga taon ng karpa.

Sa loob ng dalawampung taon ng karpa, maraming magsasaka ang naperwisyo.  Marami ang natinik hanggang sa mamatay, iilan lang ang nabusg at nasarapan.

At ngayon, may gana pa ang gobyerno na maglagay ng isa pang karpa sa sapa ng naghihingalong magsasaka.

Hmmm.. Ang susunod na karpa kayang ito ay hybrid?

Karpang tutulong sa transpormasyon ng mga lupang agrikultural tungo sa mga taniman ng jathropa? o tubo? o iba pang mga pananim na gagamitin para sa binabalak na bio-fuel?

Katulad ng sa naunang karpa, siguradong all praises na naman ang isdang ito sa oras na pakawalan ito sa kanayunan.  Abot hanggang tenga ang magiging ngiti ng mga asenderong naghahari.  Talaga ngang mapapakinabangan ang kasalukuyang pamahalaan, kaya naman kelangan nila itong suportahan sa darating na halalan.

Hrrggggh! Matinik sana kayo! Mga gago(*)!

===============================

Note: ang gago ay salitang espanyol na ang ibig sabihin ay idiot. kaya para sa mga konserbatibong makakabasa ng pyesang ito, wag kayong mag-alala, di ako nagmumura. hehehehe.