Archive for the ‘editorial cartoon’ Category

Editorial/Political Cartoon: No Boycott

June 18, 2011

proudle chinese-made

Editorial/Political Cartoon: Election 2010 (The Winner)

April 13, 2010

Political/Editorial Cartoon: The Ghost

February 21, 2010

Political/Editorial Cartoon: The Making of Morong 43

February 17, 2010

Political/Editorial Cartoon: Majikerang Gloria

August 17, 2009

THE MAGICIAN

Political/Editorial Cartoon: Saan (GMA Wealth Cartoon)

August 12, 2009

saan

Political/Editorial Cartoon: Terrorist (Le Cirque Cartoon)

August 12, 2009

terrorist

Political/Editorial Cartoon: Spoon-Fed (Le Cirque Cartoon)

August 12, 2009

spoon fed

Political/Editorial Cartoon : Kasabihan

August 12, 2009

kasabihan

Political/Editorial Cartoon: A Dose of Medicine

July 29, 2009

medic color

Political/Editorial Cartoon: Mascot

July 29, 2009

mascot color

Political/Editorial Cartoon : PGMA’s Obama Trip

July 29, 2009

touristah color

Editorial/Political Cartoon: Crushed Transition Agenda

July 25, 2009

crushed agenda

Editorial/Political Cartoon: Remembering the Disappeared thru Melissa’s Struggle

July 25, 2009

padayon

Editorial/Political Cartoon: The Obama-Arroyo Agenda

July 25, 2009

their agenda

Editorial/Political Cartoon: GMA’s Legacy

July 25, 2009

her legacy

EDITORIAL CARTOONING IN JOURNALISM(Lektyur na Ihinanda para sa mga Mag-aaral ng PUP-College of Communication)

July 24, 2009

GEARING TOWARDS A NEW BEGINNING: CARTOONING IN JOURNALISM

Lektyur na idineliber ng Brgy RP (Ding Loguibis) sa mga mag-aaral ng PUP-College of Communication noong Hulyo, 2009

Sa tulong ng JournGuild at pamunuan ng PUP-CoC

 

 

Magandang araw!

 

Kung pagbabatayan ang tema: otomatikong sasagi ang usapin ng ‘beginning’ sa konteksto ng ‘bago’.  Bagong labas, bagong mukha, bagong landas.

 

Sa pakikipagpalitan ko ng ideya at kuro sa ilan ninyong ka-mag-aaral, pati na kay Prof Angie, napulot ko ang konteksto ng new beginning, ayon sa punto de bista ng mga nasa akademya.  New beginning dahil magbubukas ng bagong pintuan ang inyong pamantasan para sa editorial cartooning.  New beginning dahil bago ang organisasyunal na istruktura ng inyong kolehiyo.  New beginning dahil bagong larangan para sa mga journ students ang editorial cartooning.

 

Syempre, kakabit na nito ang mga katanungan.  What’s in store? Ano’ng naghihintay sa likod ng bagong pintuan?  Anong mga bagong hamon ang kakaharapin?

 

Kapag naghahanda para sa isang bagong simula, kailangan natin ng armas: karampatang kaalaman, aral ng nakaraan, at determinasyong kumpletuhin ang paglalakbay, abutin ang mga linalayon, anuman ang mga balakid  o harang na makaharap natin sa daan.

 

Tulad ng pagkabigo natin sa pag-ibig, o pagkatapos mag-asawa, o pagkatapos manganak, walang ibang hakbang tayong magagawa kundi pasulong.  Dahil ang lahat ng bagay ay apektado ng unibersal na batas ng pagbabago, ng pag-unlad.

 

Kailangang ang mga aral lamang ang bitbitin sa paglalakbay at iwanan ang sandamakmak na excess baggage para sa mas magaan at mabilis na byahe.

 

Sapagkat kung ang unang hakbang ang hudyat ng simula, ang pag-atras ang katapusan ng paglalakbay.

 

Ngayong araw, susubukan nating ibaling ang ating atensyon sa buhay ng isa sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng pamamahayag: ang kartung editoryal o editorial cartoon.

 

Ang kartung editoryal ang pinakamakapangyarihan, pinaka-epektibo, at pinaka-maaasahang kagyat na tagapukaw ng atensyon ng pinakamalawak na bilang ng mambabasa ng pahayagan.

 

MAIKLING KASAYSAYAN NG EDITORIAL CARTOON

 

Ang editorial cartoon ay isang klase ng political cartoon.  Ang political cartoon naman ay nanggaling sa karikatura.

 

Sinasabing nagmula ang karikatura sa Mediterranean .  Pero bilang isang disiplinang Kanluranin, nakilala ang karikatura sa pamamagitan ni da Vinci.

 

Ito ang naging midyum ni da Vinci sa kanyang masining na paghahanap sa ideyal na tipo ng deformity.

 

Pero dahil sa karaniwan nang ang mga likha lang sa canvass ang naididisplay noong panahong iyon, itinakda ang karikatura (karaniwang nasa sketch pad lang) bilang isang “fanciful exercise” at kung gayo’s walang artistic value sa merkado.

 

Ang resulta, para maipakita sa publiko, nakahon sa ‘portraiture’ ang mga karikatura. 

 

Dahil dito, ang mga artist noon katulad nina Agostino at Annibale Carraci ay nagrebelde sa ‘portraiture’ at linikha nila ang karikaturang ‘counter-art’, isang mabilis at impresyunistikong drowing na nag-i-exaggerate ng mga prominenteng pisikal na katangian ng tao na may resultang nakakatawa.

 

Sa paglipas ng panahon, lumabas ang mga kartung may katangiang editoryal sa panahon ng ligalig sa Europa, sa panahon ng Protestant Reformation sa Alemanya.

 

Gumamit ang naturang reform movement ng maramihang propagandang biswal para abutin ang pinakamaraming bilang ng mamamayang Aleman.

 

Ilan sa mga naging rekado ng tagumpay ng pagsulpot at pagtanggap sa mga political cartoon ay ang pagkakaroon noon ng matatag na oposisyon, mayamang bukal ng mga artist galing sa mga woodcutters at metal engravers, at ang taas ng antas ng iliterasiya.

 

Sa pagdaan ng panahon, nagsanib ang sining ng Alemanya sa karikaturang Italyano.  Mula dito’y nabuo ang standard na makikita natin sa mga 18th century cartoons.  Dito na unti-unting isinilang ang political cartoons.

 

Ang mga kartun na ito ay naging mahalagang midyum ng mga komentaryong tumatalakay sa mga seryosong usaping panlipunan, na ihinahayag sa paraang nakakatawa (at kung gayo’y katanggap-tanggap sa mga naghaharing uri noon) at nakadisenyo para maapektuhan ang opinyong publiko.

 

Ang political cartoon kung gayon ay kinakatangian ng karikatura, kung saan ginagawang katawa-tawa ang isang personalidad, at allusion, ang lumilikha ng sitwasyon o konteksto kung saan ilinalagay ang indibidwal.

 

Sa pagsulpot naman at pag-unlad ng peryodismo, nabitbit nito ang mga political cartoon at nalikha ang editorial cartoon.

 

Samantala, sa panahon ng kapitalistang pananakop, nakarating ang political at editorial cartoon sa Pilipinas.  Ang mga nakatalang pinakamatatandang political/editorial cartoon sa Pilipinas ay nalikha at nailimbag sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at Hapon.   (May isang coffee table book nyan sa UP-D at may isang Japanese period na aklat naman sa AdeMU)

 

Gumanap din ng mahalagang papel ang political cartoons sa panahon ng batas militar pero limitado lang ang nakatalang partisipasyon ng editorial cartoon sa parehong panahon, dahil na rin sa tindi ng pagkontrol ng diktaturya sa halos lahat ng babasahin sa bansa.

 

Kaya nang “lumaya” ang peryodismo ng mga korporasyon, naibalik sa limelight ang mga kartun.  Pero dahil sa kawalan ng suporta ng mga akademyang pang-pamamahayag, muling naiusod ang kartun sa pinakalikod ng istruktura ng peryodiko.  Kung papansinin, sa kasalukuyan, karaniwang ang Art Director pa ang nasa Editorial Box at hindi ang Editorial Cartoonist.

 

Overall, nabansot ang natural na pag-unlad ng editorial cartoon sa bansa nang tuluyang mamatay ang kalayaan sa pamamahayag dito.

 

Narito ang ilan pang punto na nagpapakitang nakahon na lang ang “editorial cartoon” bilang palamuting editorial:

 

  • Pagkawala ng editorial cartooning sa regular na kurikulum ng mga journalism courses sa bansa;
  • Kapansin-pansing 1 to 2 pages na espasyong ilinalaan sa editorial cartooning sa halos lahat ng mga textbooks hinggil sa journalism sa bansa;
  • Ang persepsyon ng nakararaming intelektwal na ang kartunista’y alagad ng sining at hindi mamamahayag;
  • Kawalan ng sapat na tala ng kartunismo sa kasaysayan ng pamamahayag; at
  • Ang kalakarang naglalagay sa mga kartunista sa pinakamababang bahagi ng organisasyunal na istruktura ng editorial board.

 

(pansinin na tumigil ito sa arena ng sining at hindi na ipinasok sa larangan ng pamamahayag)

 

Mula sa ganitong tala ng buhay ng editorial cartooning sa buong mundo ibinatay ang tinatanggap na depinisyon ng editorial cartoon – isang tipo ng ilustrasyon o comic strip na naglalaman ng mga mensaheng panlipunan o politikal, na karaniwang tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan o personalidad na bahagi ng mga kasalukuyang kaganapan.

 

Tinukoy rin ng mga nakalimbag na mapagsisipian na ang isang editorial cartoonist ay isang artist.

 

Wasto naman ito.  Kung ang editorial cartoon ay mananatiling bahagi ng sining-biswal.

 

 

ANG SIMULA: EDITORIAL CARTOONING IS JOURNALISM

 

Narito ang wastong depinisyon ng editorial cartoon.

 

Ito ay isang ilustrasyon(Nasti style) o comic strip(Alti style) na naglalaman ng opisyal na posisyon ng buong editorial board.  Maaaring maging imahe ito ng nakasulat na editorial, o kaya’y maaari itong maging isang hiwalay na editorial na tumatalakay sa iba pang usaping panlipunan.  Isa itong kartun na likha ng editorial board.

 

Mula sa ganitong depinisyon, lalabas na ang editorial cartoonist ay isang journalist at hindi artist.

 

Sa depinisyong ito, ihinahanda natin ang rightful place ng editorial cartooning ngayong ganap na ang ebolusyon nito: sa pahayagan.  Sa journalism at hindi sa sining biswal.

 

Dahil kung ang editorial ang sinasabing utak ng isang pahayagan (dahil literate lang ang nakakabasa at nakakaintindi), ang editorial cartoon naman ang puso ng pahayagan (dahil ito ang may kakayahang pumukaw sa masa ng sambayanan na karaniwang walang access sa komersyalisadong edukasyon, dahilan para hindi makabasa o maka-unawa ng mga nababasa ang mga ito).

 

PAGDUROG SA PANINIWALANG ARTIST ANG EDITORIAL CARTOONIST 

 

Kung susuriing mabuti, ang dahilan ng pagkilala sa kartunista bilang artist ay ang naging kalakaran ng mga editorial board sa paggawa ng kanilang editorial cartoon.  Naging kaugalian noon ang magpatawag na lang ng magaling na kartunista para gawan ng imahe ang natapos na editoryal, o pumili ng dati nang gawang kartun na ipapaskil sa editorial cartoon box.

 

At dahil hindi nga nabigyan ng tsansa ang mga kartunista na maging journalist, sila’y naging mga alagad lang ng sining-biswal na may ispesyal na kakayahang gumawa ng kartung editoryal o kaya’y mga tagalikha ng kartung politikal.  Kaya sa pagdaan ng panahon, ang nahubog nila ay ang kakayahang gumawa ng magagandang satirikong biswal na ang naging pangunahing layunin pa ay magpatawa at hindi na magmulat pa.

 

Pero maari namang maging isang kartunista ang isang artist. In fact, maaaring maging kartunista ang kahit na sino.  Pero kailangan lang pakatatandaan na sa panahong gumagawa sila ng kartun, sila ay journalist at hindi kung anupaman.

 

Bilang journalist, ang kartunista’y dapat na naaarmasan ng mga pundasyon ng pamamahayag.  Kung wala nito, lahat ng likha nila ay magiging produkto lang ng sining.

 

Ang kaalaman sa mga pundasyon ng journalism ang nagbibigay sa kartunista ng kakayahang mag-isip ng kritikal at maging isang mahusay na mensahero ng opinyong publiko.  Ito ang malinaw na makapagbibigay ng kaibahan sa pagitan ng editorial cartoonist at artist.

 

PAANO GUMAWA NG POLITICAL/EDITORIAL CARTOON?

 

Limang hakbang lang naman ang kailangang gawin para makabuo ng isang malaman na editorial cartoon.

  1. Magbasa.  Kailangang updated sa current events ang kartunista.  Kailangang malawak ang kaalaman niya, batay na rin sa requirement ng mga pundasyon ng journalism.
  2. Gumawa ng posisyon sa isyu.  Kung editorial cartoonist naman, unawain ang posisyon ng editorial board sa isyu.
  3. Mag-isip ng imahe o representasyon at konteksto.
  4. Magdrowing.
  5. Edit. Tingnan ang spelling ng mga label, tanungin ang sarili kung ano ang posibleng reaksyon ng pinatutungkulan, ayusin ang mga bahagi na maaaring libelous.
  6. Finalize.  Submit.

 

Mahalagang isa-isip na para sa mga bago pa lang gumawa ng kartun, hindi masyadong mahalaga ang ganda ng stroke.  Ito’y sa kadahilanang hindi nga artwork ang inyong ginagawa.  Mas mabigat ang pansing ibinibigay natin dapat sa laman at mensahe ng likhang editorial cartoon.

 

Sa isang banda, kapag araw-araw nyo nang pinapraktis ang inyong kartun, madedevelop na lang ang inyong kakayahang magdrowing.

 

ANG EDITORIAL CARTOON AT ANG PRESS FREEDOM

 

Patay na ang kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.  Ang pagiging industriya ng pamamahayag ang kumitil sa sarili nitong kalayaan.   Nagdudumilat din ang dalawang klase ng sensorsyip na umiiral ngayon sa larangan ng pamamahayag: state censorship and corporate censorship.

 

Ang mga pamamaslang sa mga mamamahayag ay may katangiang sensorsyip din kung saan pinapatahimik ng tuluyan ang mamamahayag, kung hindi kayang pigilan ng mga teknikalidad ng batas at perang busal.

 

Kaugnay nito, mahalaga ring malaman na ang pundasyon ng journalism at press freedom ay ang RIGHT OF THE PEOPLE TO KNOW.  Kung wala ito, ano pa ang silbi ng press freedom at pamamahayag?

 

Ang nakakalungkot lang, hindi na ito ang kairalan sa larangan ng korporasyong pahayagan.  Try checking this out.  Sa library, kunin nyo ang main section ng tatlong pinakamalalaking dyaryo.  Bilangin nyo ang mga news item at ang mga ads.  Mula dito, bilangin ang item na sa tingin nyo’y gobyerno ang source.  Bilangin din ang item na sa tingin nyo’y isang PR item lang.  sa ads naman, bilangin ang political ads at gov’t ads.  Kung pamilyar kayo sa kasalukuyang ad rates, mapapansin ninyo na mas malaking pera ang nakukuha ng main section kumpara sa impormasyong ibinabahagi nito sa mambabasa.

 

Ano ang kinalaman nito sa editorial cartooning? Simple lang, kung patay na ang press freedom, at di na iginagalang at kinikilala ang karapatan ng mamamayang maka-alam, patay na rin ang editorial cartooning.

 

At isang simpleng patunay ang nagaganap sa kasalukuyan.

 

Sa kasalukuyan ay wala nang editorial cartoon sa mga malalaking pahayagan sa bansa.  Kung babalikan kasi ang depinosyon natin sa editorial cartoon, otomatikong sasagi sa atin na ang pagdrowing ay isa lang bahagi ng paggawa ng editorial cartoon.  Malaking bahagi ng paggawa nito ay ang malayang diskusyon ng editorial board, pag-alam at pagsusuri sa mga datos na pinagbabatayan, at pagsusuri sa cartoon para masigurong ito’y responsableng kartun at hindi basta-bastang naninira ng puri o nagbabato ng mga malisyosong punto ng walang batayan.

 

(Sa aktwal na lektyur ay sinuri ang ilang halimbawang kartun na likha nina Rene Aranda at Jess Abrera, sa pagsusuri ay lumabas ang inisyal na pananaw na parehong hindi editorial cartoon ang kanilang likha sa araw na iyon.  Ang likha ni Aranda ay hindi tugma sa punto ng editorial ng Philippine Star, at ang likha ni Abrera ng Inquirer naman ay isang news representation lang, isang karikaturang walang allusion.)

 

Idagdag pa ang punto na hindi rin naman transparent ang trabaho ng editorial board.  Ibig sabihin, hindi alam ng karamihan ng mambabasa kung ano ang nagaganap sa loob ng editorial board meet.  Mahalagang malaman ang partisipasyon sa talakayan ng kartunista, dahil kung nagaganap ito, tunay na editorial cartoon ang kanilang nalilikha.

 

Sa karanasan ko, karaniwan nang ipinapadala lang sa kartunista ang gawa nang editorial at umaasa na lang ang board na makakalikha ng tamang kartun ang kartunista mula dito, o kaya’y kung anuman ang kartun na maisabmit ng kartunista’y siya na lang ipapaskil sa editorial cartoon box at kung gayo’y matatawag nang editorial cartoon.

 

Ang mga kartun sa editorial pages ng main papers sa bansa ay safe na masasabing political cartoons, pero hanggat hindi nasisigurong wasto nga ang pinagdadaanan nitong proseso, hindi natin maki-claim na isa itong editorial cartoon.

 

KINABUKASAN NG EDITORIAL CARTOON

 

Sabi nila, sa akademya nagsisimula ang ideya.  Dito rin nagsisimula ang mga pangarap, ang direksyon.

 

Kaya sinasamantala ko ang pagkakataong ito upang ipanawagan ang pagkuha ng journalism sa editorial cartooning.  Dahil kung patay na ang kalayaan sa pamamahayag sa labas ng apat na sulok ng akademya, at least ay mapanatili nating buhay ang ideyang ito sa loob ng akademya.

 

Magandang balita ang balaking ilagay ng inyong kolehiyo ang editorial cartooning bilang elective ng kursong journalism.  Kung susundin ng ibang akademya ang ganitong hakbang, hindi malaon ay mailalagay na sa regular na kurikulom ng inyong kurso ang editorial cartooning.

 

Samantala, napakarami ring posibilidad na maganap, sa aspeto ng popularisasyon ng editorial cartoon.  Maaring maglunsad ng cartoon festival (tinanggap ng pamunuan ng PUP Journ Dept ang ideyang ito), o kaya’y mga serye ng talakayang may kinalaman sa cartooning sa loob at labas ng inyong kampus.

 

Samantala, sa mga gagawa pa lang ng thesis, makakatulong kayo sa pagpapayaman ng literature ng editorial cartooning sa bansa.

 

Maaari ninyong tuklasin ang relasyon ng editorial cartooning sa kalayaan sa pamamahayag, sa iliterasiya sa bansa, sa ekonomikal na aspeto ng pahayagan.

 

Maaari ring alamin nyo kung ano ang nagaganap sa loob ng bawat editorial board meet ng mga pahayagan.  Malay nyo, kayo ang unang makapag-claim, officially, na meron pa o wala na ngang editorial cartooning sa bansa.

 

Kung malawak naman ang network ninyo, maari niyong i-research ang kalagayan ng mga kartunista sa bansa.  O kaya’y i-dissect ang mga grupong kartunista, kung sila nga ba’y gumagawa ng editorial cartoon o simpleng political cartoons lamang.

 

Sa mismong cartooning naman, marami pang pag-unlad ang pwedeng maganap.

 

Naumpisahan ko na ang ideya at praktika ng pag-grupo ng ilang mga kartun na lumilikha ng isang kolum.  Nailalabas ko na ito sa aking CARTOON.  Samantala, nariyan din ang ‘continuous editorial cartoon’, lalo na’t mabilis magbago ang kaganapang panlipunan sa kasalukuyan.

 

Nariyan din ang posibilidad ng animated editorial cartoon.  Sa bansa ay mangilan ngilan pa lang ang marunong gumawa nito.

 

Marami pang posibilidad, marami pang maaaring maganap.  Kung mapagtutuunan lang ng sapat na pansin at atensyon ang editorial cartooning sa bansa, tiyak na marami pa an gating malilikhang baryasyon, at kontribusyon sa pagpapa-unlad ng editorial cartoon.

 

Sa pagtatapos, umaasa akong nakatulong ang lektyur na ito upang ihanda kayo sa new beginning.  Para sa journalism.  Para sa cartooning.

 

Maraming salamat at mabuhay kayo!

Political Cartoon: Bully

July 18, 2009

BULLY

Political Cartoon: Midget

July 18, 2009

MIDGET

Political Cartoon: Friends

July 15, 2009

AMNESTY

Political Cartoon: Wasted Defense

July 15, 2009

ADIK

Political Cartoons: Sahidulla Slip

July 15, 2009

HULEEEE

Exposed anew the reality that ransom was indeed paid for Vagni’s release before SONA.

Political Cartoon: Healthy Scammers

July 12, 2009

scammers

Political Cartoon: Mirror Mirror On The Wall (The CIA-PGMA Talks)

July 12, 2009

mirror

Political Cartoon: SONA Gifts

July 12, 2009

sona gift

waiting for the CIA talks result, and vagnis release.

Editorial Cartoon: CONvicts’ ASSembly

July 5, 2009

CONvicts' ASSembly

Editorial Cartoon: Lacson’s Run for Safety

July 5, 2009

takas

Editorial Cartoon: Obama War

July 2, 2009

obama on north korea

Editorial Cartoon: Agaw-Balota

July 2, 2009

agaw-boto

Editorial Cartoon: Quarantined Gloria

July 2, 2009

gloria kwarantina

Editorial Cartoon: Gloriaiath

June 30, 2009

gloriaiath

She’s not a giant at all.  She just used the perfect tools to be the biggest personality in the country today.

Editorial Cartoon: Virus

June 25, 2009

mikrobyo

Editorial Cartoon: Con’s Promise

June 25, 2009

promise

Editorial Cartoon: Cabalyero

June 22, 2009

sakay

Editorial Cartoon: Swiner’s List

June 17, 2009

and counting

and counting

Editorial Cartoon: Bombaboy

June 17, 2009

bombaboy

Editorial Cartoon: Tulog

June 17, 2009

nasa pansitan

O nagtutulug-tulugan?

Editorial Cartoon: Phantomed

June 13, 2009

momo

Editorial Cartoon: The Wedding

June 13, 2009

kasal

Pwedeng kasal ng Lakas-Kampi, pwedeng kasal ng Con-Ass at Swine Flu.

Editorial Cartoon: The Game Plan

June 8, 2009

patraydor

Editorial Cartoon: Happiness

June 8, 2009

babaw_ng_joy

Editorial Cartoon: Bomba

June 3, 2009

bomba

Editorial Cartoon: Con’s Ass-hole

June 3, 2009

ass

Heart?

Tenth Issue: CARTOONS —->>> In Comic Odyssey (Galleria) Now!

May 31, 2009

Front and Back Cover (Cartoons X)

For the first time, we are going to release a number of copies in Manila(clear photocopy)!

You can now grab your copy at Comic Odyssey!  Sa 3rd floor, East Wing po ng Robinsons Galleria sa Ortigas!

We are currently looking for more interested stores to display/sell the materials (all interested stores/stalls, please email us on the above stated address).

We are also offering special discounts for bulk orders (per 100 copies).

Pages 36 and 9 (Cartoons X)

Editorial cartoons in this issue tackles the Pacquiao hang-over, Hayden Sex Video Scandal, Swine Flu Hysteria, a glimpse on the Lakas-CMD and KAMPI merger, the Mindanao Order of Battle, and Lt Sg Nancy Gadian’s struggle against corruption in the AFP.

Pages 22 and 23 (Cartoons X)

And we inserted the first part of the Pambatang Gender Education Komix. Guaranteed kid-friendly and absolutely no sex-related discussion (good for as young as 5 years old–and parental guidance is advised).

Cover Price is P30!

All other inquiries are welcome!

Mabuhay ang indie Pinoy na komiks!

Editorial Cartoon: Swine Dealer

May 30, 2009

swine deal

Editorial Cartoon: Wedding

May 30, 2009

the wedding

Editorial Cartoon: “Diversion”

May 26, 2009

diversionary swine

Run Joc-Joc, Run!

Editorial Cartoon: Mediacal Terrorism

May 26, 2009

fear factor

Gamot sa takot

Editorial Cartoon: “Hugas Kamay”

May 26, 2009

washing washing

Poncia Pilata

Editorial Cartoon: Sugal

May 26, 2009

THE BET

Pusta kayo?