HALALAN 2010: SIRA NI NOYNOY, PROBLEMA NG ABS-CBN


HALALAN 2010: SIRA NI NOYNOY, PROBLEMA NG ABS-CBN

Sa halalang ito, kapansin-pansin ang hayagang pagpaling ng ilang pribadong institusyon ng midya sa isang partikular na kandidato.

Bagamat wala sa kanilang opisyal na mga pahayag, panuntunan at kondukta ng operasyon, hindi lang ang kampo ng Nacionalista Party (NP) ang nakakapansin na ang ABS-CBN ay may obvious na leaning pabor sa kandidatura ni Noynoy. Pero dahil hindi ito ang pangunahing diskurso ng artikulong ito, hindi na muna natin tatalakayin ang mga Paano at Ano na nakakabit sa usaping ito.

ANG PSYCHE REPORT

Ang isyu ngayon: ang umano’y paglalabas ng ABS-CBN ng ulat hinggil sa isang Psyche report na nagsasabing si Noynoy Aquino ng Liberal Party(LP) ay may problema sa utak.

Pagputok na pagputok pa lamang nito, maraming reaksyon ang agad na nagsilabasan.
1. Sa kampo ng LP – NP ang agad na inakusahang nagpalabas ng balita.
2. Sa kampo ng NP – agaran at mariing pagtanggi sa akusasyon ng LP.
3. Sa kampo ng ABS-CBN – paninindigan na totoo ang kanilang report.
4. Sa kampo ng Ateneo – pineke umano ang lagda ng Pari doon at wala umanong report na ganun.

Na sinundan agad ng panibagong mga reaksyon.
1. Sa kampo ng LP – pagkundena sa NP at conclusive na pagtukoy sa NP bilang source ng balita.
2. Sa kampo ng ABS-CBN – pag-amin na galing sa NP ang source (sabay ng pagrefresh nila sa viewer ng balita na unang nabanggit ni Sen Alan Cayetano ang “TOPAK ni NOYNOY” but with a different meaning) pero pag-invoke ng kanila umanong right to protect their source/s para hindi mapangalanan kung sino ang source nila umano.
3. Sa kampo ng NP – paghamon sa ABS-CBN na pangalanan ang source para malaman kung totoo ngang galing sa kanila ang balita, at paghamon kay Aquino na linawin na lamang ang isyu.

Sa gitna ng palitan ng mga reaksyong ito, lumalabas ang tanong sa midya: bakit ilinabas ng ABS-CBN ang balita? Ano ang basis of truth nila sa impormasyong nakalap para ilabas ito sa kaalaman ng madla? One fact, ang impormasyon ay kumakalat na sa internet bago pa man ito nailabas ng ABS-CBN.

Hindi ba naisip ng naturang network na sakaling totoong taga-NP nga ang nagforward sa kanila ng datos ay di pa rin wastong sabihing ito rin ang pinagmulan ng datos? Kahit pa anong paraan ang gawin ng ABS-CBN para papaniwalain ang mamamayan na kasapi o kakabit ng NP ang taong nagbigay sa kanila ng umano’y “psyche report”, lalabas na hindi pa rin credible ang kanilang pag-uulat, dahil lagi nang bukas ang posibilidad na ang taong nagforward sa kanila ng datos ay pumulot lang ng impormasyon sa mga blog na una nang nagbandera ng naturang psyche report.

Sa praktika ko bilang mamamahayag, bago ko gawan ng balita at ilabas ang nakalap na datos, inaalam ko ang batayan ng katotohanan ng mga datos na ito. Marami kasing sinungaling na source sa ating paligid. Kaya nga umatras na ako sa pagiging news reporter. Ano ngayon ang naging batayan ng ABS-CBN para ilabas ito?

HALAGA NG DATOS O SUPORTA SA IMAGE BUILDING NI NOYNOY?

Well, kung sa halaga ng datos, masasabing walang kwentang palusot na ito ngayon, lalo pa’t may isang paring sumisigaw na hindi ito totoo at pineke lang ang kanyang pirma dito. Ang paring ito’y nasa Ateneo lamang at madaling tanungin para maverify ang ‘report’, at sa oras na pinasinungalingan ng pari ang katotohanan ng psyche report, napakadali sa ABS-CBN na iatras ang pag-uulat hinggil dito, sa ngalan ng patas na pagbabalita. In private maaaring kwestyunin ng reporter ang kanyang source at pagsabihan na hindi na niya ito muling i-entertain as a source pag puro kasinungalingan lang ang impo na ibabato nito sa kanya. Or the reporter can verify the veracity of the information dun mismo sa kanyang source.

Dahil pumalya ang ABS-CBN sa aspeto ng katapatan sa paggampan sa kanilang tungkulin bilang midya, bumibigat ngayon ang paniniwala ng karamihan na ang motibo ng naturang network ay ang tulungan ang LP sa pagsira sa imahe ng NP and in effect, sa kandidato nitong si Sen. Manny Villar.

Oo nga naman. Ang nais nilang paputukin ay hindi ang sira sa ulo ni Noynoy. Ang nais nilang paputukin ay ang paggamit ng NP ng Dirty Tricks para sirain si Noynoy. Kaya kahit alam nilang di totoo ang balita, kanila pa rin itong inilabas, explicitly identifying their source as NP people but not naming them, para hindi na matukoy kung tama o mali ang balita at kung saan nga ba talaga nagmula ang impormasyon na may sira nga ang tuktok ni Noynoy.

At ang kanilang kalasag: ang kanila umanong pagprotekta sa kanilang source.

ANG KORPOREYT NA MIDYA AT ANG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Ilang beses nang ipinagsigawan ng mga mamamahayag na nasa korporeyt na midya, ang pagtatanggol umano nila sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Ilang ulit na rin nating natunghayan ang kanilang mga krusada para sa pagtatanggol sa kalayaang ito. At sa pagkakataong ito, bukambibig ng ABS-CBN ang press freedom kasabay ng paggamit nila sa prinsipyo ng pagtatanggol sa source.

Ang motibo: para itago ang sagot sa mga tanong na nailahad na sa itaas.

Ang kaganapang natutunghayan natin ngayon ay nagpapakita na wala namang totoong kalayaan ang midya sa bansa. Dahil kontrolado ito ng korporasyong ka-ututang dila naman ng naghaharing politika, ang corporate media ay nagsisilbi lamang mouthpiece ng mga naghaharing uri. Kanilang sasabihin ang mensaheng nais ipakalat ng korporasyon: mga mensaheng magsisilbing investment nila para sa mas maalwang kinabukasan ng kanilang negosyo sa ilalim ng gobyerno ng pinapaburan nilang kandidato.

7 Responses to “HALALAN 2010: SIRA NI NOYNOY, PROBLEMA NG ABS-CBN”

  1. Rey Says:

    I don’t believe it is true na may topak ang presidentiable Noynoy. Kung totoo man na may topak siguro naman magaling na kasi di naman nagma-manifest sa personality niya.

  2. OKS Says:

    MALAKAS TALAGA ANG IMPLUWENSYA NG MEDIA S VOTING PUBLIC KAYA MALAKI LAMANG NI NOYNOY! MAS MABUTI NA GANITO ANG NANGYARI KEYSA MAGKAROON TAYO NG ANOTHER GMA. MABUHAY PILIPINAS!

  3. bamboy_baboy Says:

    I don’t believe it is true na may topak ang presidentiable, i conclude, ung mga nag palabas ng information ang may sira ulo, lalo n ang mga bayaran media people, wla lng iba ginagawa ang mang hohot ng pera sa mga pulitiko, lalo na ang mga taga, ABS-CBN…..

  4. Mich Says:

    I think di lang ABS CBN, GMA is obviously for Noynoy kahit sabihin pa nilang “walang kandidatong pinapaboran”. Kasi pag against kay Noynoy yung balita, lagi silang naka alalay to defend him pero pag kay Manny Villar, gaya nung issue ng kahirapan, tama ba namang i-define na dapat kasama ka sa mga di nakakakain ng 3x isang araw? Hindi ba kahit middle class, nakakaranas din ng hirap? Yung hirap ng nagtatrabaho ka pero di pa din magkasya yung kita dahil sa sobrang mahal ng bilihin? At idagdag pa na kailangang tumulong sa pamilyang nakakaranas din ng ganung klaseng hirap. Wala akong binoto sa kanilang dalawa kasi parehong madumi ang politics nila. Sana nga may magawang konkreto si Noynoy, di lang “press release” na nangyari nung si Cory ang naging presidente. Di naman bumaba ang presyo ng galunggong nun di ba? Sumikat lang si Kris na walang ginawa kundi i-brag na sosyal siya. Yun ba ang pang masa?

  5. vrlc Says:

    PAALALA SA MGA TV STATIONS: hindi lamang balita ang importante kundi mas importante ang credibility at authenticity ng balita. sana naman ay i-verify nila ang source and purpose ng source sa issue. Do not be too offensive but be defensive. Verify the authenticity of the issue and the concerned party or person before broadcasting the news. Please do not seek the applause of men but of your credibility as a broadcaster and of God. Seek the truth first before spreading the news about anybody especially if the issue will ruin the life of a person. I hope this will be a lesson for every network.

  6. DIEGO Says:

    SANA KTULAD SI NOY2 NG MGA MGULANG NYA AT SANA MAGKATOTOO UNG PAGBABAGO N CNSB NYA.MAYAMAN ANG PILIPINAS SA MGA BGAY NA TALENTO NG DIYOS MASIPAG MATIYAGA MATALINO ANG MGA PINOY KUMPARA SA IBANG MGA BANSA SA ASYA ANG PROBLEMA NATIN NAPAKA RAMING CORRUPT.IMBES NA UMIIKOT AN PERA PARA UMUNLAD ANG BANSA NAPUPUNTA SA MGA CORRUPT NA MGA PINUNO NG GOBYERNO.SAYANG UNG MGA SKILL NG MGA PINOY IBANG BANSA ANG NKIKINABANG.MBUHAY ANG BANSANG PILIPINAS AND IM HAPPY THAT GOD MADE ME A FILIPINO.GODBLESS THE PHILIPPINES

  7. tsk Says:

    kea ndi nkpgtataka na manalo si Noy. ket wla man lang track record. wlang ngwa ket ilang years ng nkaupo sa congress. grr kala ko sa mga pinoy ngeun nag iisip na, sus nddala rin pla sa popularidad. hate abias cbn

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: