Katutubong minero pinalakas ang hanay


ITOGON, Benguet — Muling pinasigla ng mga mamamayan ng Ampucao dito ang kanilang pagkakaisa laban sa pananalasang mapanira ng mga higanteng operasyon ng mina sa pamamagitan ng isang asembliya.

Idinaos ang asembliya ng Lolita Ampucao Youth and Adults’ Organization (LAYAO) noong Nobyembre 22 sa barangay Ampucao, kung saan ipinagdiwang ang mahigit 13 taong pagkakaisa ng mga residente sa nasabing purok.

Ang asembliya ng mga katutubong minero at magbubukid ay naitaon sa pambansang paggunita ng Mining Safety Week nitong nakaraang Linggo.

Magugunitang ang organisasyon ay nabuo noong 1995 sa kasagsagan ng pakikibaka ng mamamayang katutubong minero laban sa mapanirang open pit at bulk mining na noon ay isinasagawa sa Itogon ng Benguet Corporation (BC).

Nagsilbing mitsa ng pagkamulat ng mga katutubong miero ang pagkakabuo ng LAYAO 13 taon na ang nakararaa, Naging aktibong miyembro ang LAYAO ng Itogon Inter-barangay Alliance (IIBA) na noon pa man ay nanguna sa pagbubuo ng nagkakaisang pagtingin sa nasabing mapanirang operasyon.

“Sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang organisasyon, maipaparating sa kinauukulan ang hinaing ng mga tao,” ungkat ni Juanita de Guzman, bagong halal na president ng LAYAO. Aniya, muling pinatunayan na sa kasaysayan ng mga katutubong minero na kaya nilang pangalagaan ang kapaligiran at kabuhayan bilang mga minero.

Kabilang ang mga taga-Ampucao sa pagbabarikada para itaboy ang mga minero mula sa Level 1500 sa Acupan Mines ng BC noong 2002 at sa sitio Station at sitio Tangki, laban naman sa pagpasok ng Itogon Suyoc Resources (ISRI) nitong nakaraang mga taon.

Sa kasalukuyan, nanguna rin ang LAYAO sa pagkondena sa pagpasok ng exploration ng Anvil Mining Company sa barangay Ampucao. Kabilang ang mga miyembro nito sa pagpapaikot ng petisyon ng oposisyon sa nasabing kumpanya ng mina.

Nagresulta ang nasabing petisyon sa naantalang pagpasok ng Anvil sa mga lugar na ninais nitong magbukas ng mga bagong istruktura ng mina.

Nagbigay ng mensahe sa nasabing asembliya sina Kagawad Doming Laita, Joey Martes, at Joseph Sacda, pawang mga opisyal ng barangay Ampucao.

Nahirang na presidente si Juanita de Guzman; bise-presidente: Josue Canduyas; sekretarya: Christine Alcido; mga ingat-yaman: Marilou Oquias at Mary Canduyas; PRO: Rolan Nabat; auditor: Fernan Alwit at mga business manager: Samuel Pacio at Josephine Nabat. # Johnny Fialen

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: