Archive for the ‘SONA’ Category

Editorial Cartoon: Garin is Ploy

July 24, 2008

Pang-Nakaw Pansin

Marahas na dispersal, di makakapigil sa protesta ng kabataan sa Sona

July 24, 2008

HINDI mapipigilan ng pag-aresto at pananakit ng pulisya sa mga estudyante kamakailan ang malawakang pagkilos ng mga kabataan sa darating na Sona (State of the Nation Address) ni Pangulong Arroyo, pahayag ng LFS (League of Filipino Students).

Apat na estudyante ang arestado at limang naman ang lubhang sugatan nang marahas na buwagin ng mga miyembro ng Manila Police District ang piket na isinagawa ng mga grupong pangkabataan sa harap ng embahada ng US sa Roxas Blvd. noong Hulyo 24.

Hinabol ng pulisya hanggang T.M. Kalaw Ave ang mga raliyista na sumisigaw ng “Ugat ng Kahirapan, Imperyalismo Ibagsak!”

Isinisisi ng mga kabataan ang interbensiyon ng US sa ekonomiya ng bansa para sa papalalang krisis ng kahirapan.

Inaresto sina Vencer Crisostomo, 22, pambansang tagapangulo ng LFS; Ken Ramos, 22, pambansang tagapangulo ng Anakbayan; Marvin Serrano, 23, miyembro ng Anakbayan sa Intramuros; at EJ Aguirre, 18, miyembro ng LFS sa Polytechnic University of the Philippines.

Lubhang sugatan naman dahil sa pamumukpok ng mga pulis sina Aaron Castil, Liberty Sardina, Jeffrey Domingo, Katrina Andres at Alex Belmonte.

“Hanggang patuloy na sumusunod ang gobyernong papet sa dikta ng US, susugurin at susugurin namin ang embahada ng US at (iba pang sentro ng kapangyarihan) ng rehimeng Arroyo,” ani Ron Villeges, pangalawang tagapangulo ng LFS.

Samantala, suot ang kanilang mga unipormeng pampalakasan, tumakbo patungo sa kani-kanilang mga paaralan ang mga estudyante sa University Belt sa Morayta, Maynila.

Ito ay bilang pagtutol sa mataas na presyo ng mga bilihin at 12% Value Added Tax.

Lumahok sa takbo-protestang pinamagatang “Takbo na, pa-SONA, patalsikin si Gloria!” ang mga estudyante ng University of the East, Centro Escolar University at University of Sto. Tomas.

Ilang-Ilang Quijano/ Mary Rose B. Retrita(PWeekly)

Walkout ng mga estudyante tuloy hanggang Sona

July 24, 2008

Soliman A. Santos

NAGSAGAWA ng sabayang pagwo-walkout sa klase ang Youth ACT Now! o Youth for Accountability and Truth Now! noong Hulyo 18 at nanawagan sa publiko na “manindigan para sa makabuluhang pagbabago sa lipunan.”

Nagdaos ng kani-kanilang programa ang mga estudyante sa mga pangunahing unibersidad at kolehiyo tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, University of Sto. Tomas, Adamson University, Far Eastern University, De La Salle University, College of St. Benilde, College of Lyceum, Colegio de San de Letran, Pamantasang Lungsod ng Maynila, Trinity University, Philippine Christian University, St. Scholastica’s College, Mapua Institute of Technology, Jose Rizal University, Technological Institute of the Philippines, Philippine School of Business Administration, Ateneo de Manila University, Miriam College, Sta. Isabel College, Philippine Normal University, St. Paul University, Arellano University, Eulogio Amang Rodriguez Institute of Technology, Manuel L. Quezon Univeristy at ilang hayskul sa Metro Manila bago nagtipon sa Kalaw sa Taft Avenue at UST sa España.

Pinangunahan ng mga organisasyong pangkabataan ang protesta kabilang ang National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, Student Christian Movement, Kabataang Pinoy, LFS (League of Filipino Students), Anakbayan, Karatula, Gabriela-Youth, Liga ng Kabataang Moro, League of Students for the Environment, Youth Revolt, Kristiyanong Kabataan para sa Bayan, Nnara-Youth at Bayan Muna-Youth.

Bandang ala-una ng hapon, nagmartsa ang mga estudyante papunta sa Mendiola para doon magprograma.

Ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng LFS, “aternatibong klase sa lansangan” ang naturang protesta para mapalalim ang pampultikang edukasyon ng mga kabataan.

“Mulat ang mga kabataan sa mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya na hinaharap ng ating bansa. Ang layunin namin ngayon ay ugatin ang pinagmumulan ng krisis at ilantad ang di-pantay na kalagayan sa lipunan natin ngayon, kung saan, pinagsasamantalahan ng iilan ang mayorya ng mga mamamayan,” sabi ni Crisostomo.

Importante rin umanong magdaos ng mga pag-aaral para maengganyo ang mga kabataan para lalo nilang maintindihan ang mga isyu nang sa gayon ay makabuo sila ng mga alternatibong solusyon.

Mula sa Plaza Miranda, nagmartsa ang mga kabataan patungo sa Mendiola bago dumiretso sa tinaguriang Black Friday na noise barrage sa Trabajo, España bandang alas-singko ng hapon.

Nagbanta pa ang mga estudyante na marami pang protesta ang magaganap bilang paghahanda sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo.(PWeekly)

Salbabida ng ekonomiya, sagana sa pagpapabaya

July 24, 2008

Soliman A. Santos

MAY panawagan ang mga migranteng Pilipino kay Pangulong Arroyo sa darating na Sona (State of the nation address): Huwag silang gamitin. Huwag gamitin ang kanilang remitans, ang kanilang kalagayan, buhay at kamatayan para sa sarili nitong kapakanan.

Binalaan ng Migrante International si Pangulong Arroyo na huwag gamitin ang komutasyon ng hatol na kamatayan kay May Vecina, isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Kuwait. Hinatulan ng kamatayan si Vecina sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo noong nakaraang taon subalit nitong Hulyo 8, ibinaba ng Emir ng Kuwait ang hatol sa habambuhay na pagkabilanggo.

Ayon kay Gary Martinez, tagapagsalita ng Migrante, tagumpay ito ng pamilya ni Vecina at ng iba pang OFW na nangampanya para sa buhay ni Vecina.

Binatikos naman ni Martinez si Pangulong Arroyo at ang kanyang mga opisyal sa embahada dahil pinabayaan umano ng mga ito si Vecina na makulong sa loob nang mahabang panahon. Idinagdag ni Martinez na hindi pa mapapansin ng publiko ang kaso ni Vecina kung hindi nananawagan ang mga kapwa nito OFW.

“Libu-libong OFW na nasa hindi magandang kalagayan ang makapagpapatunay sa kriminal na kapabayaan ng gobyernong Arroyo sa mga OFW. Binabalaan namin siya na huwag niyang gawing trophy sa kanyang Sona si Vecina at ang mga OFW,” ani Martinez.

Bilyong dolyar na industriya

Laging ipinagmamalaki ng gobyernong Arroyo na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang mga remitans na ipinadadala ng mga OFWs. Batay sa ulat ng Bangko Sentral, umabot na sa $1.4 Bilyon ang remitans ng mga OFWs noong Mayo, mataas ng 15.6 porsiyento noong nakaraang taon.

Subalit para sa mga OFW, hindi nila maintindihan ang ipinagmamalaking “maunlad na ekonomiya” na ipinangangalandakan ni Pangulong Arroyo at ng kanyang mga ekonomista. Para sa Migrante, kabilang sila sa mga tinatamaan ng hagupit ng ipinagmamalaking “malakas na piso”.

Sa kabila nito, ginagawa pang “gatasan” hindi lamang ng gobyerno, kundi pati ng mga pribadong bangko at mga kompanya ang remitans ng mga OFWs.

Ang pagpapadala ng remitans ay naging isa nang bilyong dolyar na industriya. Lalo pang nadagdagan ang mga buwis at serbisyong pang-remitans ng gobyerno, pribadong mga bangko, telekomunikasyon, pati na rin ang mga insurance business.

Ipinakikita ng inisyal na pag-aaral ng Migrante na sa bawat $200 na remitans na ipinadadala kada buwan, hindi bababa sa $15-22 ang ipinapataw bilang bayad serbisyo. Sa sampung milyong OFW na nagpapadala ng remitans, tumataginting na $1-B ang kinikita ng mga bangko buwan-buwan.

Sa kabilang banda, hindi lamang ginagamit ng gobyerno ang bilyong dolyar na remitans para sagipin ang ekonomiya kundi direkta pa itong nakikinabang sa mga buwis na ipinapataw sa remitans, tulad ng 0.15% documentary stamp tax sa kada transaksiyon. Sa kada bilyong dolyar na nareremit buwan-buwan, nakakakolekta ang gobyerno ng tinatayang $1.5 Milyon o P62-M. Hiwalay pa ito sa iba pang bayarin na kinakaltas sa mga OFWs bago pa man sila makaalis ng bansa.

At habang dambuhalang kita ang nakukuha ng gobyerno at mga pribadong negosyo, halos wala namang natitira sa mga OFW at kanilang pamilya. Ang $200 na tinatanggap ng mga pamilya ng OFW kada buwan ay lumiliit at patuloy pang lumiliit ang halaga dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Hindi umano alam ng administrasyong Arroyo na dinadanas ng mga OFW at kanilang pamilya ang pagbaba ng kanilang purchasing power dahil sa pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

“Ang mga bayaring ito ay sumisipsip sa dugo, pawis at luha ng mga OFW, kaya makatuwiran lamang na tanggalin ang mga ito,” ayon kay Martinez.

Walang malinaw na polisiya

Patunay rin umano ng kapabayaan ng gobyernong Arroyo sa kalagayan ng mga OFW ang kawalan nito ng malinaw na polisiya sa napipinto na namang malawakang deportasyon ng libu-libong OFW mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Migrante, libu-libong OFW ang maaaresto, makukulong, lilitisin at idedeport dahil sa malawakang crackdown sa mga di-dokumentadong manggagawa na isinasagawa ng mga bansang EU (European Union), Malaysia at South Korea.

Nais ng Migrante na lumikha ng task force ang gobyerno para masigurong hindi malalabag ang karapatan ng mga OFW sa proseso ng crackdown.

“Dapat nang umaksiyon ang gobyerno sa pamamagitan ng dipomatikong paraan sa ngalan ng mga OFW,” ayon kay Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante.

Binatikos pa ni Regalado ang isang opisyal ng Department of Foreign Affairs dahil sa pahayag nitong “may karapatan ang bawat bansa na ideport ang mga di-dokumentadong dayuhan.” Aniya pa, napakalayo ng pahayag ni Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr. sa mga lider ng mga bansa sa Central America na agad na nanindigan para sa kanilang mga mamamayan at bumatikos sa crackdown.

Inilarawan ni Regalado bilang ng malawakang crackdown bilang “napipintong kalamidad” dahil sa hirap ng buhay na kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino.

“Ang napipintong deportasyon ay walang dudang di-makatao. Krimen para sa gobyernong Arroyo na hindi pansinin ang bagay na ito,” ani Regalado.

Sa South Korea pa lamang, tinatayang 30,000 di-dokumentadong Pilipino ang madedeport dahil sa crackdown.

Kamakailan lamang inaprubahan naman ng EU ang isang batas na naglalayong palayasin sa kanilang mga bansa ang di-dokumentadong mga migrante. Ayon sa Migrante, mahigit 100,000 di-dokumentadong Piipino ang nananahan sa Europa.

Halos kalahating milyong Pilipino naman sa Malaysia ang posibleng maaresto, makulong at madeport .

Nangangamba ang Migrante na baka maulit ang malagim na crackdown sa Malaysia noong 2005, kung saan kumuha pa ng 560,000 volunteer ang gobyerno ng Malaysia para ipatupad ang crackdown. Nagbigay rin umano ng 80 ringgits ang gobyerno bilang kabayaran sa mga volunteer at 100 ringgits sa bawat maaarestong di-dokumentadong manggagawa.

“Ang crackdown ay bukas sa pang-aabuso ng awtoridad at maaaring malabag ang karapatan ng mga migrante,” ani Regalado.

Sa halip na ipagmalaki ni Pangulong Arroyo ang tulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa sa kanyang Sona, hiling nilang bigyang-pansin ang kanilang mahirap na kalagayan makapagpadala lamang ng kaunting halaga para matulungan ang kanilang mga pamilya.

Isang paraang nais ng Migrante na gawin ng gobyerno ay tanggalin ang mga bayarin sa pagpapadala ng remitans na nagdagdag pa umano sa hirap ng mga OFW. Bukod dito, ayaw na nilang maranasan ang di-makataong crackdown. Ayaw na nilang maulit pa ang mga nangyayari sa isang tulad ni May Vecina.(PWeekly)

Walang tiwala sa liderato

July 24, 2008

Kenneth Roland A. Guda

KAALINSABAY ng papalapit na State of the Nation Address ni Gloria ang lalong pagsadsad ng popularidad niya at kumpiyansa sa kanyang panunungkulan

INASAHAN na niya ito, pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit sumasadsad ang popularidad niya. Hindi naman daw kasalanan ni Pangulong Arroyo ang dinaranas na krisis ng bansa. Hindi kainutilan ng gobyerno ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Ginagawan naman daw ng Pangulo ang lahat ng magagawa.

“Hindi na nakapagtataka sa Pangulo ang pagsadsad ng kanyang popularidad,” sabi ni Lorelei Fajardo, katuwang na tagapagsalita ni Arroyo. “Ang mahalaga, ginagawa niya ang kailangang gawin.”

Kabilang umano rito ang pagsubsidyo ng gobyerno sa mumurahing bigas ng NFA (National Food Authority), at samu’t saring programang micro-finance at scholarships para sa mahihirap. Hindi umano kailangang magbayad ng income tax ang mga Pilipinong kumikita ng P200,000 pababa kada taon.

“Nakikinig tayo, nagmumuni, nakikiramdam, gumagawa ng aksiyon, ginagamit ang lahat ng rekurso,” sabi mismo ni Arroyo, sa kanyang talumpati sa harap ng mga kapanalig sa Lakas-CMD (Lakas-Christian Muslim Democrats) at Kampi (Kabalikat ng Malayang Pilipino) noong Biyernes.

Siyempre, pinalakpakan at ginawaran ng standing ovation ng mga kapanalig niya si Arroyo. Sa panahong ito ng kawalan ng popularidad at kumpiyansa sa kanya, kinailangan niya ang suporta nila.

Sa kanyang papalapit na Sona (State of the Nation Address), kung saan inaasahang sisingilin siya sa pagtindi ng karalitan ng mga mamamayan, kailangan niya ang lahat ng suportang makukuha.

Walang kumpiyansa

Pero batay nga sa huling sarbey ng SWS (Social Weather Stations), hindi niya makukuha ang suportang ito sa mga mamamayan. Sa isinagawang sarbey mula Hunyo 27 hanggang 30 ngayong taon, napag-alamang 22 porsiyento ang may kumpiyansa kay Arroyo samantalang 60% ang walang tiwala sa kanyang pamumuno.

Sa komputasyon ng SWS, umabot sa -38 ang net satisfaction rating ni Arroyo. Ito ang pinakamababang rating ng isang pangulo ng bansa magmula noong 1986, nang unang isagawa ng SWS ang mga sarbey nito.

Para sa mga oposisyunistang senador tulad nina Sen. Aquilino Pimentel, Jr., maiuugat ang kawalan ng kumpiyansa ng taumbayan kay Arroyo sa “kawalan ng legitimacy” ng administrasyon. Isabay pa umano rito ang “imoral” na paggamit nito ng militar para sa pampulitikang pamamaslang at pagdukot.

Pero bukod dito, malinaw na maiuugat ang pagsadsad ng popularidad ni Arroyo sa tumitinding krisis. Bago ang sarbey ng SWS, naglabas na rin noong Marso ang Pulse Asia ng resulta ng sarbey nito na nagsasabing dalawa sa bawat tatlong Pilipino ang naniniwalang lumala ang kalagayan ng ekonomiya sa bansa sa huling tatlong taon.

Pati ang Palasyo ay naniniwalang may kinalaman sa pagtindi ng krisis ang pagsadsag ng popularidad ng Pangulo. Ayon kay Sek. Cerge Remonde, hepe ng Presidential Management Staff, inaasahan na nila ang mababang rating dahil sa pagtaas na presyo ng bigas at langis na isinisisi kay Arroyo.

Ang depensa ng mga alyado ni Arroyo, mga eksternal naman daw na puwersa ang may dahilan ng krisis. “Sa ating bansa, lahat tayo nagdurusa dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng mundo, mga salik na di natin makontrol na nakakaapekto sa ekonomiya at pagkabuhay natin,” sabi ni Fajardo.

Nagmamatigas

Pero marahil ay may epekto sa popularidad ng Pangulo ang pagmamatigas ng administrasyon sa ilang kongkretong panukalang makakaalwan sana sa krisis. Kabilang dito ang pagbasura sa VAT (value-added tax). Matagal na itong ipinapanukala ng Ibon Foundation, isang non-governmental think tank. Ang isa sa mga batayan: Mababawasan nang P6-7 kada litro ang presyo ng langis kung tatanggalin ang 12 porsiyentong VAT.

Hindi rin daw kapani-paniwala ang pahayag ng gobyerno na ginagamit nito ang koleksiyong P118.3 Milyon mula sa diesel at P22.7-M sa LPG para sa serbisyong panlipunan.

Kasabay pa nito, hindi pinaniniwalaan ng gobyerno ang pahayag ng Ibon – batay na rin mismo sa “opisyal” na mga datos – na sinosobrahan ng mga kompanya ng langis nang P12 kada litro ang presyo ng mga produktong ito. Tila nagbibingi-bingihan ang gobyerno sa sistematikong overpricing sa langis.

Habang patuloy ang depensa ni Arroyo sa VAT, umaarangkada naman ang Palasyo sa pagluluto ng mga programa para maibsan daw ang krisis gamit ang pondong nakolekta mula sa VAT. Kabilang sa mga programang ito ang pamamahagi raw ng compact flourescent lamps na nagkakahalagang P500 Milyon sa mahihirap na kabahayan sa National Capital Region.

Pero simple lang ang sagot ng Ibon: Kakarampot pa rin ito para maibsan ang paghihirap ng buong sambayanan. Ayon kay Sonny Africa, pinuno ng pananaliksik sa Ibon, P6 sa bawat P10 na nakokolekta sa VAT ay napupunta lamang sa pagbabayad ng utang panlabas ng gobyerno.

Batay sa resulta ng sarbey, masasabing ramdam ng mga mamamayan na may magagawa pa sana ang gobyernong Arroyo para maibsan ang krisis, pero hindi nito ginagawa.

“Hindi pinaniniwalaan ng taumbayan ang linya ni Arroyo na pagsisi sa eksternal na mga salik sa halos walong-taong maling panunungkulan niya,” sabi ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Sasadsad pa lalo

Sa pagsabi ni Arroyo na hindi mahalaga sa kanya ang popularidad, parang sinasabi niyang hindi totoo ang nararamdamang kahirapan ng taumbayan. Sinasabi niyang tama ang mga polisiya niya sa ekonomiya.

“Parang sinasabi ng Malakanyang na tama sila at mali tayong lahat. Tama sila sa VAT at mali ang lahat sa paghiling na tanggalin ito. Tama sila sa oil deregulation at mali tayo na hilingin ang regulasyon sa presyo,” sabi pa ni Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan).

At kaalinsabay ng papalapit ng Sona, malaki ang posibilidad na lalo pang sumadsad ang rating ni Arroyo.

Dalawang linggo na lamang bago ang Sona, pero tila lalo lamang lumalala ang krisis. Sabi ni Reyes, inaasahan nilang lalong sasadsad pa ang popularidad ng Pangulo dahil ginawa ang sarbey bago pa ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis ngayong Hulyo.

“Hindi pa natin nakikita ang katapusan ng lingguhang pagtaas ng presyo ng langis. Hindi pa rin natin nakikita ang katapusan ng mapagsamantalang VAT sa langis at kuryente,” ani Reyes.

Duda si Reyes na mababalik ang kumpiyansa ng publiko kay Arroyo matapos ang Sona.

“Tuluy-tuloy na ibinabasura siya ng taumbayan. Makikita sa lahat ng signos na kailangan na niyang umalis. Kailangan na niyang bumaba sa puwesto para sa ikabubuti ng bansa,” pagtatapos niya.(PinoyWeekly)

Editorial Cartoon: SONA Color

July 22, 2008

Other Use of Oil

Editorial Cartoon: SONA 2008 (Bagsak #05)

July 22, 2008

Education – F

Students Walk Out, ‘Rise Up for Meaningful Change’

July 21, 2008

More than 2,000 college and high school students walked out of their classes, July 18 to protest the worsening economic crisis. They vowed to conduct more of these actions until Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo steps down.

BY JEFFREY OCAMPO
Contributed to Bulatlat
Vol. VIII, No. 24, July 20-26, 2008

On July 18, more than 2,000 students walked out of their classes and gathered at the Plaza Miranda in Manila to protest the worsening economic crisis

The Youth for Truth and Accountability Now! (Youth ACT Now!) called for class walk-outs in various universities and urged the students to “rise up for meaningful change.”

Vencer Crisostomo, chairperson of the League of Filipino Students (LFS) declared that July 18 was a “day of uprising.”

Students from the University of the Philippines (UP) in Diliman and Manila, University of Santo Tomas (UST), University of the East (UE)-Manila, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Adamson University, Philippine Normal University (PNU), Philippine Christian University (PCU), Jose Rizal University (JRU), Manuel L. Quezon University (MLQU) and other universities and schools in the National Capital Region (NCR) participated in the protest action.

Students held simultaneous activities and programs in their respective universities before joining together for the protest action in the afternoon. About 700 students of UP Diliman assembled in Palma Hall lobby and encouraged their fellow students to join the protest action. PUP students, meanwhile, held noise barrage and snake rallies within their campus. UST students wore yellow headgears as they persuaded the Thomasian community to join them.

Nineteen students from JRU, who were suspended for organizing a noise barrage the day before, led their schoolmates to the activity.

High school students from Culiat, Sauyo and Quirino High Schools also joined the activity.

By 12 noon, the students had gathered at two assembly points in Kalaw and España. They proceeded to Plaza Miranda for the main program.

State of the youth

Kabataang Pinoy Spokesperson Dion Carlo Cerrafon said that the Filipino youth, despite being drowned by a decadent culture, must be informed of the economic and political situation of the country. The youth, he said, is an important part of the people’s movement for social emancipation.

Vijae Alquisola, national president of the College Editors of the Philippines (CEGP), pointed out that the Philippine educational system is not developing the youth to serve the country in the future.

Biyaya Quizon, national chairperson of the Student Christian Movement (SCM) said the youth are also victims of the Arroyo government’s terrorism. She recalled the case of Karen Empeño and Sherlyn Cadapan, students of UP Diliman who were abducted by alleged military men. Quizon said that Arroyo and the military should be held liable for more cases of extrajudicial killings, enforced disappearances and other rights abuses.

Unresolved economic crisis

Ken Ramos, national chairperson of Anakbayan, said that the economic crisis will not be resolved since Arroyo is not doing anything to alleviate the situation.

In the latest Social Weather Station (SWS) survey, 60 percent of respondents said they are dissatisfied by Arroyo’s performance.

Ramos cited Arroyo’s imposition of ‘anti-people policies’ such as Reformed-Value Added Tax (R-VAT and Oil Deregulation Law and her ‘puppetry to the government of the United States” as the reasons why the people want to oust her from her position.

Crisostomo urged the youth to integrate with other sectors of the society, particularly the workers and farmers, to form a ‘unified force that will end the Arroyo regime.’

Support from other sectors

Elmer Labog of the Kilusang Mayo Uno (May 1st Movement) told the crowd that the youth will always be the hope of the nation. He stressed the need for the youth to hone themselves to be able to serve the country in the future.

Representative Satur Ocampo of Bayan Muna Partylist (People First) shared the experiences of the youth movement during the First Quarter Storm of 1970. He said that there is a need to take advantage of the economic crisis the country is experiencing to provide the people with “political education” that will encourage them to “act and aim for fundamental change in the society.” The significance of the youth movement, according to him, is an indispensable element to the people’s struggle for social change.

Other forms of protest

Cultural performances were also staged. UP Repertory Company, Sining na Naglilingkod sa Bayan (Sinagbayan) and local band form UE called Antigo were among the performers.

A San Francisco-based Filipino-American hip-hop group ALAY (Active Leadership to Advance Youth) demanded ‘access to higher education, dignified labor and true justice.’ They encouraged students to serve the people and fight “imperialistic countries (referring to the United States).

A group of graffiti artists from the College of Fine Arts of UP Diliman spray-painted the walls and streets as they marched with the protesters.

Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula or Young Artists for Genuine Freedom) said that “while popular culture is being used by the state (i.e. the government) as a way to subjugate the minds of the Filipino youth, the progressive culture can counter this and can be used as an educational tool and ‘catalyst for social change’.”

After the program in Plaza Miranda, the student marched their way to Mendiola. The Manila Police District (MPD) quickly set up a barricade at Morayta (Nicanor Reyes Street) to prevent the students from reaching their destination.

According to Maj. Virgilio Bag-id of the MPD, more than 200 police were deployed to “maintain peace and order.”

The students held a brief program before retreating to Espana. Ramos warmed the Arroyo administration that they will be coming back with more massive and intensified protest actions.

The students then marched along España and occupied the stretch between M. de la Fuente and Vicente Cruz intersections to conduct a noise barrage. They were joined by members of the Migrante International and Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage).

The “alternative street classes” continued as the students formed discussion groups while speakers persuaded the motorists to blow their horns as a sign of solidarity.

The announcement that there would be a P3 increase in diesel by midnight caused uproar among the militants, passengers and pedestrians alike.

Coincidentally, a Shell tanker was passing along España. A group of students stopped the tanker and wrote “Oil Deregulation Law, Ibasura” (Scrap Oil Deregulation Law), “R-VAT sa Langis, Alisin” (Remove R-VAT on Oil), and “Oust GMA” all around the tanker. They eventually let the tanker go after the driver blew his horn to sympathize with the protesters.

Youth ACT Now! declared that the protest action was successful and said that there will be more protests until Arroyo’s State of the Nation Address (SoNA) on July 28. Bulatlat

Editorial Cartoon: Bagsak 04

July 21, 2008

Failed

Editorial Cartoon: Bagsak 03

July 20, 2008

Bagsak para sa mga OFW

Editorial Cartoon: Bagsak 02

July 19, 2008

Agriculture – F

Editorial Cartoon: Bagsak 01

July 19, 2008

She’s so unpopular her unpopularity might kill her hehehehehe.