Archive for the ‘poetry’ Category

Dalawang Tula sa Bagong Taon

January 21, 2009

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat

Bisperas

Sabi ng Pag-asa, maulan ang sasalubunging umaga.
Kaya palakang-kokak mga kwitis at labentador.
Kaunti pa lang ang katagay sa basong may Emperador.
Hanggang saan ang hanggahan ng langit
sasagitsit ang ating mga kwitis?
Bulak na nakabara ang ulap.
Kung bumagsak ba agad sa lapag ang patpat,
ganap bang naibulong ng kwitis sa Taas
ang mga hiling at hinagap?
Gaano dapat kataas ang pag-abot sa ganap?
Gayong ang kwitis-patpat ay muling nasa sahig nakalapat.
Ni hindi nabigyan ng sulyap ng kamay na nagpasingkad paitaas.

Angono, Rizal, Pilipinas
31 Disyembre 2008
9:15 ng gabi

Ang 2008

Ito ang panahon
ng

pagbabalik:
reunion ng Batch 88 ko sa Sumulong,
ng Iskul Bukol,
ng E-heads,
at ng centennial ng U.P.

Mga alon silang
nagbabalik

sa pampang ng alaala;

hanggang tumining muli sa
kalawakan.
Tulad ng anino sa madaling araw
ng naghahayumang mangingisda.

Habang
nakaupo ako
at

mag-isang
umiinom ng beer.

Angono, Rizal, Pilipinas
31 Disyembre 2008
Mga 7:30 ng gabi

(Inilathala ng Bulatlat)

Advertisements

Tatlumpung taon ka na, ano nga bang ibon ka?

December 28, 2008

NI ARNOLD PADILLA
Inilathala ng Bulatlat

hindi ikaw ang maalamat na phoenix
ng nagliliyab na balahibo at pakpak
na nagsaboy ng nagpupuyos na apoy
at naghasik ng nakasisilaw na liwanag
bagkus isa ka lamang din sa maraming inakay
na napisa sa pugad ng mga gabing hindi tahimik.

hindi ka dumating na tulad ng ibong mandaragit
matang mabangis, kukong matalim
gayunman ang tuka mo’y sintatag at sintalas
ng sa agilang pumupunit sa kalamnan ng bawat
kasinungalingang ipinambubulag
sa bayang minangmang ng karukhaan
ang mga paglusong mo’y sintiyak ng sa lawing
masusing pinag-aralan ang mga hakbang
nilang tagapaglubid ng inimbentong pag-unlad,
nilang tagapagtakip ng katotohanan.

lalong hindi ka rin ang maamong kalapating
nag-iipit sa tuka ng kapayapaang
bulag sa inhustisya, bingi sa pagdaing, pipi sa pagtutol
ngunit ang siyap mo’y madamdaming paghuni
ng tula ng mga api, umaawit ng kanilang kabiguan
ng kanilang pag-asa, ng kanilang tagumpay
ang himig mo’y hindi sa adarnang oyayi sa paghimbing
ang sa iyo’y malakas na kakak ng pagbangon at paggising
loro kang ang dila’y matabil, sa palalo’y sumusugat,
sa hamak ay magiliw.

hindi ikaw ang langay-langayang palayong lumutang sa sta.filomena
hindi ikaw ang ibong umiiyak nang ikulong sa hawla…

tatlumpung taon ka na, ano nga bang ibon ka?

sa presidenteng maton ikaw ay ipot,
sa presidenteng peke ikaw ay komunista
ha! hayaang umipot pa nang umipot
ang laksa-laksang kawan ng pipit at maya!

Disyembre 15, 2008
Para sa ika-30 anibersaryo ng IBON Foundation Inc.

Nagmamartsa ang mga Gera-de-Bota

December 28, 2008

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat

Tulad ng iyong kamangha-mangha at kagila-gilalas
na mga bomba, nagmamartsa ang sanlaksa, ang mga gera-de-bota.

Nang mapilay ang iyong katwiran at katinuan,
dumating ka tulad ng kuwago na humahapon
sa nag-aabong dilim at habang bali ang pakpak ng gabi.

Ito ba ang dapithapon, Miner-Bush?

Nagpupuyos na pakpak na sapatos ang sumagot;
sumingkad, mula sa Silangan, mula sa iyo mismong kinatatayuan.

No Fear! Just do it!

Nagmamartsa

ang sanlaksa,
ang mga gera-de-bota.

At nang mangatwiran ka, ito ang iyong ismid
sa balintuna ng lahat-lahat —
isang kindat na singbilis ng kidlat
ngunit naikwadro ng sang-unibersong kislap.

“Size 10 ang paa nya; at makapal
ang kalyo ng kanyang bukong-bukong.”

Nagmamartsa

ang sanlaksa,
ang mga gera-de-bota.

Sa Chile, sa haywey, may asong
sinaklolohan ang kapwa asong nasagasaan.
Sa Palawan, sinagip ng mga dolphin at balyena
ang isang tagapag-alaga ng mga dolphin at balyena
upang huwag siyang malunod; hinele at iniangkas
pa-nguso patungo sa pampang.

Sa Gresya, kinomyun ng nagpoprotestang mga kabataan
at mag-aaral ang mga istasyon ng radyo at telebisyon.
Sa gulod, sa mababaw na libingan ng mga walang pangalan,
nakausli ang kupas at pudpod na pares na Converse.

Nagmamartsa

ang sanlaksa,
ang mga gera-de-bota.
Nagmamartsa sila.

Patungo sa panginorin ng daigdig,
nalulunod;
tulad ng mga troso sa bundok na isa-isang
nahuhulog.

Dahil sa bagyong Katrina.
Dahil sa bagyong Karina.

Sa D.A. Cafe
Angono, Rizal, Pilipinas
8:30 pm, 17 Disyembre 2008

Meri Krisismas

December 28, 2008

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat

Bahaw ang kalantog ng latang tambol
Maingit ang kalansing ng mga yuping tansan
Malat ang tinig ng mga nangangaroling
“Pasensiya na kayo, kami rin ay namamasko…”
Meri, Meri Krisismas!

Maasim na ang ipinamudmod na hamonado
Inaamag na ang makunat na binolang keso
Lumalangoy sa sabaw ang fruit salad
Natusta pa ang tisikong binarbikyu
Meri, Meri Krisismas!

Pinaghahampas ng tax ang sahod
Ibinabalagbag ng tax ang 13th month
Daig mo pa’ng namamalimos ng bonus
Kandabundat naman ang mga teknokrats
Meri, Meri Krisismas!

Lagi na lang tiisismas
Bulsa ay ipit na ipitsismas
Taun-taong Krisismas
Dibdib ko ay labis nang nag-aaklas
Tindig na! ‘Wag nang ipagpabukas!

Kay Pablo Garcia

December 4, 2008

NI RUSTUM CASIA
Inilathala ng Bulatlat

“Our Lord Jesus Christ lost in the survey and he was crucified and that’s how we’re going to judge President?”

– Cebu Rep. Pablo Garcia (Kampi)

Akala ko, nakita at nadinig ko na ang lahat ng kabulastugan sa Kongreso.
Pero ito at humirit na naman ang isang kuneho.*
Mantakin mong ikumpara kay Hesu Kristo ang lola mo?
Nag-uulyanin na talaga itong si Pablo.
Panahon nang magretiro.

Inilathala ng Bulatlat.com

*Pasintabi sa mga kuneho.

Ang Pinakatahimik Man Nating mga Gabi ay Hindi Tahimik

October 12, 2008

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Inilathala ng Bulatlat

Maging ang pinakamahimbing nating pagtulog
ay hindi mahimbing.
Sa pinakatahimik man nating mga gabi,
waring walang katapusan ang ingay ng mga buldoser,
ng nagkakapira-pirasong mga tabla,
ng nagkakayupi-yuping mga yero.
Sapagkat may ilang nagnanasang umangkin
ng ating karapatang
makumutan ng katahimikan sa kalaliman ng gabi,

ng ating karapatang huminga nang maluwag.

Sa lupang itong inaagaw nila sa atin,
ibig nilang itanim ang mga binhi
ng lalong pagrangya nilang mararangya.
Ang ating mga bangkay ang kanilang nais na pataba.

(Inilathala ng Bulatlat)

Panambitan / Elehiya para kay Ka Leony

September 28, 2008

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat

(In Memoriam: Maria Theresa “Cherith” Dayrit-Garcia (1957-2000); Unang Pagsubok)

Nakahimpil kami noon pansamantala kina Helen nang mabalitaang nangyari nga–
ang dating ng balita’y pagkagulat
sandaling sumalisi ang di pagkapaniwala
sumapot ang lagim at bigat ng panghihinayang….

Nabuwal ka noong 16 Hulyo 2000 sa sitio Bagis, baryo Napoleong, Isabela–
di katulad dito sa hardin ng Root Glen, dating lupaing inaruga ng tribung Oneida,
doo’y tiyak na masukal madawag hitik sa anumang maaaring tumubo
sagana sa araw hayup ganda–kahit ano’y mabubuhay doon sa gubat–
Ngunit bawat kurba ng landas dito’y nagpapagunita ng iyong pagkamatay….

Mariing bira tila matinding sampal
Kumikirot pa rin hanggang ngayon
Di matiis hanggang utak ay namanhid

Sa burol mo’y nagpugay ang madla maraming kasama sa Macliing at iba’t ibang dako
Taos-pusong parangal sa iyong kabayanihan
mula sa masang pinaghandugan mo ng buhay
Ngunit maari bang mabatid
ang halaga ng isang inialay na buhay tulad ng sa iyo?
Sinong makatatarok ng iyong paghahandog, ng iyong payak at likas na pagkatao?

Sadyang nagbabago’t nag-iiba ang buhay ng isang tao
sandaling sumakabilang-buhay siya
dahil natapos na, binigyan ng kaganapan, ang proseso ng buhay,
at samakatwid ang perspektiba ay naiba na,
sumasaklaw sa buong pag-iral ng tao mula pagsilang hanggang pagkamatay.

Tiyak na lahat tungkol sa iyo, tapos na, lamang di kita makakausap pa o matatanong.
Ngunit bagamat hindi lahat ay malalaman, nasa atin na iyon:
tayo ngayon ang nakataya’t dapat sumipat, tumimbang, sumuri,
kumilatis at maghusga kung kailangan–kakailanganin….
Walang sentimentalismo o daya ng relihiyon, pagbigyan natin siya–
nais kong magpahinga ka, kung pwede?

Sa pagpanaw mo, Ka Leony, pagkaraan ng engkwentro. biglang nawala ka–
Gumulong at sumadsad ang katawan mo sa libis ng bundok
nahulog nagtago’t sumilong sa pusod ng mga bulaklak at bungang nagkalat…
Itinago ng militar ang bangkay mo–
sugatan ka, walang awang pinaslang ka ng militar–
bago isinuko sa asawa’t kamag-anak…
Umuusok pa hanggang ngayon ang punglong bumiyak sa iyong ulo’t dibdib.

Kumikirot pa rin habang tinatahak ang balantok ng landas
Mahapding dagok ang balita nakapangingilo
Pasikut-sikot tayo sa daang ito tumutusok ang pighati
Lumilihis pabaling-baling ang lagusan

Kanlungan ng pag-ibig sa kapwa’y natabunan ng sukal at yagit sa laberinto ng gubat….

Sa bawat sulok ng hardin hinahagilap ang katuturan ng iyong nagawa–
Sinisikap masapol sa pagitan ng mga halaman ang kahulugan ng iyong buhay
Sa tanglaw ng krisis ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyang kagipitan–
isang saglit ng katotohanan, iglap ng pagtutuos,
kung saan lahat ay makikilala sa sinag at titig ng sambayanan–
Kailangan bang hukayin sa gunita, ramdam pa hanggang ngayon
ang panghihinayang sa iyong pagkasawi–
Bumabagabag itong interogasyon: Ilan pang kasama ang dapat isakripisyo?
Anong bisa ng pagka-martir? Sila ba’y madaling palitan?
Karapat-dapat ba ang hahalili? Sino ang may desisyon? Sino ang may pananagutan?

Nagsisikip sa galit habang lumiliko lumilihis
Kumikirot ngunit sinisikap magtimpi
Sa bingit ng pangamba di maibsan ang dalamhati

Oo, nagpugay ang madla sa iyong libing, di mabilang na kamag-aral kasama kaibigan
Ngunit–tanong ko muli:
maari bang matarok matimbang ang singularidad mo, Ka Leony?
Nasubukan ka na, ngunit sa lipunan natin, lahat ay komoditi at nabibili,
walang pamantayan o kakayahang kumilatis ito sa halaga ng buhay mo,
laluna sa alyenasyo’t karahasang namamayani–Wala, wala nga….
Paano masusukat ang iyong nagawa’t naisakatuparan sa panahong naglingkod ka sa
kilusan?
Paano makikilatis ang bisa’t bunga ng iyong pakikipagsapalaran?

Kumikirot ang sariwang hiwa ng sugat sa alaala
bagamat malayo itong harding dating bukid na pag-aari ng katutubong Oneida–
lumikas na sila rito
Di matingkalang pagdurusa ng puso’t kamalayan
Sa liku-likong landas anino mo’y mahiwagang pumapatnubay….

Sa mga kapatid mo’t kamag-anak ikaw pa rin ang dating Cherith, hindi nagbago–
kung baga sa bato, matigas pa rin kung baga sa rosas,
mabango’t busilak pa rin–
At tila walang saysay ang partikular na pag-unlad ng iyong isip at konsiyensya
bunga ng ating karanasan sa daigdig na ito–wala nang iba pa–
Ngunit sa kanila, walang kwenta iyon, ikaw ang dating kapatid na laging mahal
at di magbabago magpakailan pa man….
Ngunit bakit pa tayo humihinga kung walang pagbabago’t transpormasyon?
Totoong hindi ka lang kapatid o asawa,
ikaw ay partikular na nilalang, namukadkad at namukod, gumagalaw, kumikilos tulad
ng mga bulaklak–
Hayan, hayun–bawa’t isa’y partikular sa gitna ng palumpon
at natatangi sa pusod ng kalikasan…..
Hinubog ang iyong isip damdamin budhi sa katawang nakihamok sa lungsod at baryong
larangan ng digmaan ng uri sa Gitna’t Hilagang Luzon….
Nagka-ugat at tumubo ang identidad mo
sa isang tiyak na lugar sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan ng bansa
at ng progresibong himagsikan ng humanidad laban sa Kapital–
Ibig kong sabihin, sa mundong ito naging Ka Leony ka, nagkaroon ka ng pangalan.

Kumikirot pa rin umaantak sa bawat hakbang
Tinatalunton ang kurba’t ikot ng landas sa hardin ng Root Glen
Pulso ng gunita’y umaalingawngaw
Nagpuputok ang puso sa iyong pagkasawi

Sa dalumat ko’y di kita makilala sa ritwal ng pagdakilang dulot ng Partido’t kapatid
Gaano man taimtim iyon, nawawala ka pa rin sa lilim ng lipunang nabubulok
Nakatago pa rin ang kasiyaan at identidad mo
sa hiwaga ng gubat, sa himig ng dalit taghoy ng kalungkutan sa iyong pagburol-
Dito sa lupang tinubuan ng Indyang Oneida nagninilay ako, ipinaglilirip
kung paano ang isang taong nilikhang tulad mo
ay katulad ng iba, karaniwan ngunit natatangi–
ang konkretong diyalektiko ng partikular at kalahatan–
Kaya nga’t bawat taong nakiramay ay may kanya-kanyang impresyon sa iyo,
iba’t ibang imahen
at kakintalang mailalagom lamang
sa paraan ng materyalismong diyalektikal at istorikal.

Nawawala–sino? Si Ka Leony? O si Ka Ada? Baka si Ka Eryl o si Ka Chiqui?
Sa antak ng dalamhati, paano hahanapin?
Sa hapdi ng lumbay, saan matatagpuan?
Sa masakit na pangungulila, saan? Paano?

Halika’t lakbayin ang agwat ng kahapon at kinabukasan sa liblib na pook sa Root Glen,
Clinton, New York.
Baka matunton ang bakas ni Ka Leony sa aspaltong lansangang bumabagtas dito.
Siyasatin sa likod ng dawag sa labak at dalisdis ng parang at kahuyan
Suriin ang tabing ng mga halaman mga sanga ng punong-kahoy at baging na gumagapang
Imbestigahin ang naiwang labi marka o anumang palatandaan–
kahit bahid ng libag o bakat ng ngipin sa prutas na kinagat–sa pinaghimpilang lugar ng kanyang katawan….
Saliksikin ang mga sulok mga liblib na lagusan
lihim na tawiran nalingid na daan dito sa lupaing napariwara’t
sinamsam ng ganid na dayuhan

Nanlilisik ang mga mata sa bawat butas ng tabing at bigkis ng sukal sa ilang na ito
kung saan ang multo ng mga ninuno ng Oneida ay naggala, dumadalaw….
Galugarin sa kaloob-looban ng gubat ang lihim ng pakikipag-ugnay
upang matarok ang ugat ng pagkatao ni Ka Leony…
upang ang nawawala’y matagpuan….

Hanapin si Ka Leony sa gitna ng masidhing kalungkutang umiiral
Hanapin si Ka Eryl sa kabila ng matinding panaghoy
Hanapin si Ka Ada sa gitna ng pananangis
Hanapin si Ka Chiqui sa pusod ng ligalig at hilahil
Nawawala ba si Ka Cherith? Nawawala ba ang katarungan at kalayaan?

Dahil sa budhi umaasa akong matatamo natin ang minimithing adhika
Bagamat sa isip may lambong ng pag-aalinlangan at balisa
Dahil sa determinasyon, batid kong makakamit natin ang kolektibong panaginip ng
kasarinlan pambansang demokrasya radikal na pagkakapantay-pantay
Bagamat sa isip malabo ang pagsulong sa hinaharap
Dahil sa pangangailangan, lumilingap ako sa pagsapit ng maluwalhating katubusan
Bagamat may pasubali na baka di maganap ang ninanais at pinipithaya sa ating panahon.

Gayunpaman–bakit hindi?–
Mahinahon nating abangan ang pagdating niya sa gilid ng baybayin at dalampasigan
Maingat na antabayanan ang pagsungaw niya sa bunganga ng bangin
dito sa teritoryong nawaglit naihiwalay dating lupang tinubuan ng mga Oneida….

Sa bawat kirot nalalaglag ang mga piraso ng belo’t kortina
Sa bawat hikbi nahahawi ang tabing
Sa bawat hibik natatanggal ang balatkayo
Sa bawat daing nabubuksan at nakikita

Sa pagkawala mo, Ka Leony, umabot ang iyong pahatid:
Isinisiwalat ang krimen at kabuktutan ng rehimeng imperyalista’t komprador–
Ibinubunyag ang kasamaan–916 biktima, 195 dinukot ng Estadong terorista–
Inilalabas ang katiwalian panunulsol panlilinlang ng ordeng naghahari
Sa pagpanaw mo, Ka Leony,
Inilalantad ang kabulukan ng mga nagmamay-aring mapagsamantala–
Sa paglisan mo, Ka Leony,
Itinatambad ang paniniiil pangungulimbat pambubusabos–
Sa pagkamatay mo, Ka Leony,
Itinatampok ang dapat gawin upang maputol ang karahasang naghahari–

Bagamat kumikirot pa rin tumitiim ang hapdi
Ngunit patuloy ang pagtalunton sa mahabang landas
Tumitibok ang pait saklap ngunit sulong pa rin
Bawat hakbang sa matarik na landas
Naisasakatuparan ang nararapat gawin–
O, nagbago ka nga, ikaw nga si Cherith at tunay na walang iba!

Kapit-bisig nating ipagdiwang ang giting at kabayanihan ni Ka Leony–
Ang dakilang birtud ng rebolusyonaryong pakikisangkot at pakikihamok–
Naikubli ng kalikasan ang gerilyang nangahas humamon sa ordeng malupit,
Kinupkop at inalagaan ang tumakas na kaluluwa ng pulang mandirigma
Sa bawat liko’t indayog ng daan dito kapiling ang bansang Oneidang lumalaban–
Kaakbay tayo ni Ka Leony sa masalimuot na pakikibaka–Mabuhay ka, tiwalang kabiyak!
Kadaupang-palad
sa hirap at ligaya,
lungkot at saya,
ng mapagpalayang pakikibaka.

Isang Palatandaan ang Iyong Kamatayan

September 28, 2008

NI TERENCE KRISHNA LOPEZ
Inilathala ng Bulatlat

Wari’y pinipilas
Ang bawat kong kalamnan,
Pinipigtas ang bawat kong ugat
Sa paggunita sa iyo

Anong giting
Anong tapang
Anong tatag
Ng iyong pag-ibig
Na handa’t humarap
Sa digmaan
Tinanganan ang sandata
Para sa bayan

Ah,
Humihikbi ang bawat gabi
May pighati
maging ang mga sandaling
sumusikat ang araw,
nagdadalamhati
sa pagkalagas
ng isang mabuting anak
nilang isinilang.

May hapdi,
May pightai,
Ngunit may ngiting uusbong
Mula sa lupang inagusan
Ng iyong dugo’t kinabuwalan
Ng bata mong katawan.

Ang iyong kamatayan ay
Isang palatandaang
Patuloy ang kabataan!

Nakikibaka
Malagutan man ng hininga!

When Your Tears Run Dry, My Motherland

September 24, 2008

Amado V. Hernandez (Salin mula sa Filipino ni Jose Maria Sison)

Si Amado V. Hernandez, sa gitna, kasama si Jose Maria Sison (ikalawa mula sa kanan) sa ika-64 anibersaryo ng UIF (Union de Impresores de Filipinas) noong Pebrero 6, 1966. Kasama din sa larawan sina (kaliwa, pakanan) Felixberto Olalia, Presidente ng Naflu (National Association of Federated Labor Unions), si Ginang Olalia, at Julieta de Lima. Nasa likuran si Juan Cruz, presidente ng UIF.

KAALINSABAY ng ika-105 kaarawan noong Setyembre 12 ni Ka Amado Hernandez, makabayan at maka-manggagawang manunulat at artista ng bayan, inilalabas ng PINOY WEEKLY ang tula ni Ka Amado na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”, at ang salin ni Jose Maria Sison sa wikang Ingles.

When Your Tears Run Dry, My Motherland

Pilipino original by Amado V. Hernandez, “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”
Free Verse Translation by Jose Maria Sison

Shed your tears, my motherland: let all your sorrow flow
Over the hapless fate of your hapless soil
The flag that is your symbol is shrouded by the alien flag
Even your inherited language is demeaned by another language;
Thus was the day when you were robbed of freedom
When Manila was seized on the twenty-third of August.

Shed your tears, while they gloatingly celebrate
On the graves of the downtrodden, the magnates are in revelry
You are like Huli, the enslaved debt peon
You are like Sisa, demented by suffering
Without strength to defend, without courage to fight
Wailing while being slaughtered, lamenting while being robbed.

Shed your tears over the heaps of misfortune
That inflict pain on you, that fatten the aliens
All your riches are wantonly squandered
All your freedoms quashed in one fell swoop
Behold your land, an alien army is guarding
Behold your seas, an alien ship is hovering.

Shed your tears if in your heart the purpose has waned
If the sun in your sky is always in twilight
If the waves of the sea have ceased to surge
If the volcanoes in your breast do not rage
If no one stands vigil on the eve of the uprising
Shed, oh shed your tears if your freedom lies in state.

The day will come when your tears run dry
The day will come when tears no longer flow from your swollen eyes
But fire, fire the color of blood
While your blood will be boiling steel
You shall shout with full courage in the flames of a thousand torches
And the old chains you shall destroy with gunfire.

Orihinal na Filipino:

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
ni Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utan,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
may araw ding di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

(PinoyWeekly)

Fortuna

September 19, 2008

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 31, September 7-13, 2008

Fortuna Primigenia. Ikaw ay buntalang pumitik sa kalangitan nang unyon ay isilang.
Fortuna Redux. Ikaw ay pumangulo sa unyong binalasa ng kamatayan.
Fortuna Victrix. Ikaw ay gabay sa lakbayan ng mga manggagawa tungo sa ganap na tagumpay.
Diosdado Fortuna. Ikaw ang masong bumayo sa umaasong bakal upang likhain ang patalim.
At gayong nilagyan nila ng piring ang iyong paningin, hanggang sa huli’y
ikaw ang Annonaria na nagtanggol sa mga uhay ng katarungan.

(alay kay Disdado ‘Ka Fort’ Fortuna, national council member ng KMU at tagapangulo ng Nestle Cabuyao Union, na pinaslang noong Setyembre 22, 2005 sa harap ng Sagara Factory sa Calamba, Laguna)

Inilathala ng Bulatlat

Biyernes Nang Hapon, Oktubre, sa Willimantic, Connecticut, USA

September 19, 2008

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 31, September 7-13, 2008

Sa hapong tag-lagas may sugat na umaantak
Sa lamat ng mga kalsadang aspalto sa lungsod na dating pastulan ng mga katutubong Indyang Pequot.

Anong kabulaanan ang itinatago ng mga kortina sa durungawan?
Hindi alam ng mga kalapati kung ano ang kulay ng pag-asa.

Naupos na sigarilyo’y ibinurol ko sa tabi ng Tulay ng mga Palaka
Habang patungo ang prusisyon ng trapik sa Foxwood Casino na pag-aari ngayon ng Indyang Pequot.

Kung bakit sumingit sa isip ang Abu Sayyaf?
Sa takip-silim ng tag-lagas sinisilip sa gunita ang kutob at kilabot
bago tayo naglakbay patungong Amerika.

Inilathala ng Bulatlat

Aling Sakit Pa Ang Hihigit Kaya?

September 19, 2008

NI VIJAE ALQUISOLA
Inilathala ng Bulatlat
Volume VIII, Number 32, September 14-20, 2008

Tinawag kang ama ng himagsikan
ng aking mga aklat sa elementarya
na may ilang punit at pilas na pahina.
ipinagpatayo ka ng rebulto, Andres,
upang di malimot ang ‘yong kadakilaan,
ang ‘yong katapangan,
ang ‘yong pag-ibig sa bayan.
Tumatak hanggang sa mamahaling kamiseta
ang ‘yong mukha,
ng binatilyong nakasalubong ko sa Katipunan.

At nito lamang- naging usap-usapan
ang marka sa’yong kaliwang braso.
kung pa’no ang tanda ng ‘yong pakikidigma
ay tinabunan ng ‘sang pusong binutas ng palaso.

Kaninong puso ang di masusugatan
kung obra sa kasaysayan ng kalayaan’y
pinapusyaw ang kulay?
Kaninong puso ang di magdurugo
kung ang ‘yong alaala’y kinakalakal?

Tinawag kang bayani
ng aking aklat sa pamantasan
Na pinapapak na ng mga anay.
nang gawin kitang huwaran-
binulyawan at tinaasan ako ng kilay ni ma’am
at binansagang walang diyos sa katawan.

Kaninong puso ang di magdurugo,
kung ang ‘yong mga anak na nagpapatuloy ng ‘yong sigaw
ay binubutas ng tingga ang bumbunan?
Kaninong dugo ang di kukulo,
kung ang pag-ibig na ‘yong itinuro
ay ipinagbabawal ngayong isubo?

Aling sakit pa ang hihigit kaya sa paglimot?
Wala na nga. Wala.

29 Nobyembre 2007

Huling Lagapak ng Kandado

September 2, 2008

NI AXEL PINPIN*
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 30, August 31-September 6, 2008

Kumupas at kumupis ang kalendaryo
Kumalampag at ipininid ang kandado
Kumupad at bumilis ang oras
Nagasgas at numipis ang rehas
Dumatal at umalis ang lamig
Sumagad at umibis ang init
Nangutya at tiniis ang inip
Nanuya at nanikis ang inis

Walong daaan at limampu’t siyam na araw
Paulit-ulit, paikid-ikid lamang na galaw

Dalawang taon at apat na buwan
Pabalik-balik, paikit-ikit lamang na kawalan

Ninakaw, inagaw ang kalayaang inakalang
Maitatangkal sa kalaliman ng kadiliman
Ng libingan ng mga  buhay at matatabunan
Ng tambak ng batas na butas
Na nauna pang maagnas at ipag-aguniyas
Ang kamatayan ng sirkerong testigo na di-bihasa
Sa kinabisang panulayan at panimbangan.
Ay! Nagkandudulas sa lubid ng kasinungalingang
Ibinuhol ng buhong na piskal, nagkandabulol
At nagkandahulog ang katwiran
Na nagiging mahika-blanka
Sa tuwing kabulaanan ang bumubulagang
Sorpresa sa kahon ng ebidensya at hindi
Kunehong puti na sana’y mabilis at malinis
Na lilinlang sa namanghang mga
Mamamayang bantay sa katarungan
Sa sala ng Hukom na nagmistulang karnabal.

Walong daaan at limampu’t siyam na araw
Paulit-ulit, paikid-ikid lamang na galaw

Dalawang taon at apat na buwan
Pabalik-balik, paikit-ikit lamang na kawalan

At sa isang iglap, walang nakakurap,
Tapos na ang palabas!

29 Agosto 2008/0358hr
Unang labanan ng rebolusyong 1896 sa San Juan
At unang araw sa labas ng bilangguan ng Tagaytay 5

Inilathala ng Bulatlat

*Si Axel Pinpin ay kabilang sa tinaguriang “Tagaytay 5” – kasama nina Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybañez, at Michael Masayes – na dinukot ng mga pulis at militar noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City, pinaratangang mga “rebeldeng komunista” at mahigit sa dalawang taong nakulong  sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP) bago mapalaya nitong Agosto 27. Naging fellow siya para sa tula ng UP National Writers Workshop noong 1999.

Ang mga Nararapat sa Kanyang Pagkandili

August 21, 2008

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 28, August 17-23, 2008

Hindi nila pag-aari
ang lupang kanilang pag-aari.
Paano magiging kanila
ang di man lamang nahawakan
ng malalambot nilang palad?
Ang tanging pinagmumulan ng kanilang kapangyarihang mag-ari
ay ang kanilang mga daliring mahusay na magturo
kung hanggang saan ang lupang nasasakop
ng kanilang pag-aari,
ng kanilang pag-aaring hindi kanila.

Kung may mga daliri sana ang lupa,
maituturo niya ang mga nararapat
sa kanyang pagkandili.
Maituturo niya ang mga lipaking palad
na umaaruga sa kanya,
ang mga lipaking palad na naghahasik ng mga binhi at pataba
upang makapagluwal siya ng mga butil
na nagbibigay-buhay sa buong sambayanan.

Isang Magdamag, Kape at ang Pagsikat ng Araw

August 13, 2008

NI TERENCE KRISHNA LOPEZ
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 27, August 10-16, 2008

Tayo’y naging bahagi ng isang magdamag
Ng pananariwa sa mga alaala’t karanasan
Mga kalagayang hinahabi natin
Sa bawat araw nating pagkilos

Nagkape tayo at naghuntahan
Tungkol sa mga nagaganap at kung
Paano natin maibabahagi ang ating
Mga kakayaha’t kaalaman

Gaya halimbawa ng:
Pagpapatampok sa katotohanang
Inihahanda ng militarisasyon sa Guihulngan
Ang proyektong pagmimina ng mga dayuhan
Habang ang kalusugan ay pinalalala pa nitong
Pang-aabuso ng mga berdugo
Sa kanilang mga magsasaka, kababaihan, kabataan,
Mangagawang pangkalusugan sa komunidad

O kaya nama’y
Ang pangangailangan ng mas masiglang
Pagkilos na magbubunga ng mga tagumpay
Kagaya ng sa mga magsasakang
Sa kabila ng mga karahasan ay nakayang
Pagtagumpayan ang mga kampanyang
Mapataas ang sahod at ang presyo ng saging

Napag-usapan din natin
Ang ating mga pagkukulang
Sa mga kasama’t masang
Walang tigil ang pakikidigma sa uri

Lumipas ang gabi’t hindi natin
Hinayaan ang antok na pigilan
ang ating makabuluhang pagpapalitan ng mga pananaw,
At pagsusuri sa bawat tunggalian,
Muli tayong humigop ng kape
Sa palengkeng ilang saglit pa’y
Magsisimula muling
Magbubukas-pinto
Para sa kanilang lagi’t laging
Mas maaga pa sa pagsikat ng araw kung gumising
Upang makapaglako at lahat na:
Unti-unti silang dumaragsa
Tunggalian ng uri at digmang bayan
Ang ating paksa
[Kasunod ng mga kongkretong pangyayari
At kuwento ng pyudalismo, burukrata kapitalismo]

At pagsikat ng araw,
Sa ilalim ng bubungan ng dambuhalang kahon,
Sabay tayong lumuha sa iyong isinalaysay:
Nung nakaraang lunes
Tumula silang mga magulang, asawa, anak,
Kapatid at kaibigan
Nilang hanggang ngayon ay laman pa rin
Ng listahan ng mga nawawala.

Affirming Economic Justice…for Peace!

August 5, 2008

By the Ecumenical Bishops Forum
Posted by Bulatlat
Volume VIII, No. 26, August 3 – 9, 2008

Longing for food, many are hungry…
Longing for water, many still thirst…
Longing for peace, our world is troubled…
Longing for hope, many despair…
Christ be our Light!
Shine in our hearts, shine in the darkness…

We, Bishops, Priests, Pastors and Lay Leaders from different churches and ecumenical bodies convened by the Ecumenical Bishops Forum at the Center for Development, Education and Training (CENDET), United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Compound, #85 Osmena Blvd., Cebu City from July 23-25, 2008 to pray and reflect on the current State of our Nation, steadfastly affirm our unequivocal stance for JUST AND LASTING PEACE.

We are witnesses to the continuing state of un-PEACE in the country today.

We are very much saddened that while our nation is richly endowed with vast natural resources and hard working and resilient human resources, most of our farmers are landless and hungry, our sisters and brothers in workplaces are denied of their right to just wages, our indigenous peoples are denied of their rights to ancestral domain and self-determination, our fisherfolk are left without enjoying God-given marine resources, our women and children are subject to commodification and abuse and many of our young workers and professionals are forced to earn a living abroad away from their homes and families.

We are alarmed that the neoliberal economic policies in the past two decades have aggravated and institutionalized the plunder by foreign corporations of our human and natural resources while our people suffer in poverty and want.

We are outraged that in the midst of serious socio-economic and political crisis besetting the country, the highest government officials are engaged in corruption, self-aggrandizement, and political maneuvering .Furthermore, they collude with big foreign and local businesses such as oil companies, mining corporations, rice cartel and pharmaceutical firms in acquiring bigger profits at the expense of and in gross disregard for the welfare and interest of the people.

We are disturbed that our peoples’ collective action to express peacefully their discontentment and desire for meaningful social change are subjected to repression by the government resulting in various human rights violations such as, coercion, intimidation, political persecution, , forced disappearances and extra-judicial killings against those who voice dissent including peace advocates and church people.

We are further disturbed that the armed conflict continues to intensify due to the worsening social, economic and political crisis. . This is all the more aggravated by the growing militarization of the countryside in the name of development aggression resulting in displacement of entire communities, with thousands of families denied of their rights to land, livelihood and life.

As shepherds of our flocks, we are aware, that many of our people have lost their hope in our national and political leaders but we know in our hearts that they have never lost hope in God.

As The Good Shepherd who gives his life for the sheep (John 10:11), Jesus calls us to commit ourselves to take concrete steps to address the situation of un-peace in our country.

As Church People we long for a kind of peace in our country that is fundamentally based on justice. We firmly believe that there will be no peace when our people live in hunger and misery, when the tillers remain landless, when workers do not receive just wages, when urban and rural communities are dislocated to cater to big business interests. There will be no peace as long as the peoples’ fundamental socio-economic rights are grossly subordinated if not utterly neglected in favor of power, profits and privileges for the rich few.

Within this context, we join our people’s calls for the following:

1. To resume the GRP-NDFP formal peace talks aimed at attaining a just and lasting peace by addressing the social, economic and political roots of the armed conflict, reconvening of the Joint Monitoring Committee and the full implementation of CARHRIHL.

2. To scrap the VAT, especially the E-VAT on oil products, being unjust and onerous impositions by the IMF designed to ascertain capacity to service foreign debts, and resulting in increasingly unbearable tax burden on the Filipino people.

3. To repeal the oil deregulation law since this law makes the government fully supportive of the transnational corporations’ unstoppable profiteering on oil prices that puts our people in abject poverty.

4. To stop militarization of the countryside as it makes the people victims of state power, especially women and children. This has resulted in numerous cases of human rights violations.

5. To hasten the approval and implementation of the proposed P125 across the board wage increase nationwide.

6. To demand for an effective and genuine land reform program that will address the long-standing problem of landlessness of poor and marginalized Filipino farmers.

With the vision of a Philippine society enjoying the fruits of genuine democracy and freedom from dehumanizing poverty, we add our voices to all peace-loving Filipinos in demanding Economic Justice for the sake of Peace!

Now it shall come to pass in the latter days that the mountain of the house of the Lord shall be established as the highest of the mountain. And it shall be lifted up above the hills and peoples shall flow to it.
He shall judge between many peoples and shall decide for strong nations afar off and they shall beat their swords into plowshares and their spears into pruning hooks; nations shall not lift up swords against nations neither shall they learn war anymore. (Micah 4: 1, 3)

SIGNED:

MOST REV. DEOGRACIAS S. INIGUEZ, D.D.
Co-chairperson

BISHOP SOLITO K. TOQUERO, UMC
Co-chairperson

BISHOP ERME R. CAMBA
UCCP – Dumaguete  City

BISHOP FELIXBERTO L.CALANG
IFI – Diocese of Cagayan de Oro

BISHOP DULCE PIA ROSE
UCCP – East Visayas

PRIME BISHOP IGNACIO C. SOLIBA
Episcopal Church of the Philippines

BISHOP RHEE M. TIMBANG
IFI – Diocese of Surigao

BISHOP EBENEZER C. CAMINO
UCCP – West Visayas

BISHOP ELIEZER M. PASCUA
UCCP – General Secretary

BISHOP DELFIN CALLAO
IFI – Diocese of Davao, Bukidnon

BISHOP  ANACLETO SERAFICA
UCCP – South West Mindanao

BISHOP WARLITO BALDOMERO
IFI – ACTS

BISHOP GABRIEL A. GAROL
UCCP – National Offices

BISHOP LEON ESTRELLA
IFI – Visayas

BISHOP ISAIAS L. BINGTAN
UCCP – CENDET

BISHOP ROMAN B. TIPLES, JR.
IFI – Negros Occidental

BISHOP RONEL FABRIQUER
IFI – Diocese of Romblon

BISHOP LEO SORIANO
UMC – Davao Episcopal Area

BISHOP ERNESTO TADLY
IFI – Nueva Ecija

BISHOP HERMOGENES RANCHE
IFI – Pangasinan

BISHOP JOSELITO CRUZ
IFI – Diocese of Rizal Pampanga

BISHOP EPHRAIM S. FAJUTAGANA
IFI – General Secretary

BISHOP JESSE S. SUAREZ
UCCP – South Luzon Jurisdictional Area

SUPREME BISHOP GODOFREDO J. DAVID
Obispo Maximo – Iglesia Filipina Independiente

BISHOP GASPAR BANES
IFI – Iloilo

BISHOP BENJAMIN BARLOSO
UCCP – Northwest Mindanao

BISHOP  RIZALINO Q. TAGANAS
UCCP – Maasin Leyte

BISHOP DENY DAPITAN
IFI – Agusan

REV. JEROME BARIS, CM
UCCP – Visayas

REV. RHEA B. LOQUIAS
IFI – Mindanao

REV. DOMINADOR GULLES, CM
UCCP – Visayas

REV. BAYANI ALKUINO
UMC –  Cebu

REV. MERVIN ELIMANCO
IFI – Mindanao

SR. FRANCIS ANOVER, RSM
Mindanao

REV. ELMER PROVIDENCIA
UCCP – Visayas

REV. CARLO MORALES
IFI – Mindanao

REV. REMEDIOS MARCELINO, CM
UCCP – Visayas

REV. DONARD PACULI
IFI – Mindanao

REV. FELY TENCHAVEZ
UCCP – Visayas

REV. JOHN ESPARRAGO
IFI – Mindanao

REV. RAY GELLOAGAN
UCCP – Visayas

MS. MARUJAH DOVERTE
IFI – Mindanao

REV. HOPE RAMBUYON
UCCP – Visayas

MS. ANGELING ESQUIERDO
UUCP – Visayas

REV. MONET LUMAYAG, CM
UCCP – Visayas

REV. DANNY DE LA RAMA
UCCP – Visayas

REV. JEROME NALAM
UCCP – Visayas

REV. REBECCA QUIMADA-SIENES
UUCP – Visayas

REV. MANUEL MARASIGAN
IFI – Mindanao

REV.  MIKE R. CAMBA, JR.
UCCP – Visayas

FR. CALVIN BUGHO, OFM
Diocese of Cebu

BRO. ANDRES SERAFIN, OFM
BCC – Mindanao

REV. ALGER LOYAO
IFI – Visayas

REV. HERBERT FADRIQUELLA
VIMROD – Cebu

REV. CHRISTOPHER ABLON
IFI – Iloilo

REV. ESTHER GELLOAGAN
UCCP – Visayas

MR. ROY GIGANTO
TUMANDUK, IP Panay

MS. DARLENE CARAMANZANA
Executive Director, Board of Women’s Work UMC

MR. ELMER LABOG
Gen. Secretary – KMU

HON. CONG. TEDDY CASINO
BAYAN Muna Partylist

MR. REY C. CASAMBRE
Executive Director, Phil. Peace Center

BRO. AL QUINANOLA, JPIC
San Vicente Ferrer Church, Cebu City

SR. GERTRUDE IMPERIAL, DC- Cebu City

SR. TONETTE, RGS
Cebu City

Ms. Ofelia A. Cantor, EBF Secretariat

Long Live our Sun – Chairman Mao, Long Live Mao Zedong Thought

August 5, 2008

Author: the World (translated by Pao-yu Ching)
http://mzh.China.5000.cn

July 14, 2008

I never met you in person,
Yet your smile is deeply engraved in my mind.
I never heard your voice in person,
Only my heart swells with excitement listening to your speech.
At the time of your passing I could not understand why my parents shed so many tears.
When once again revolutionary songs were heard all over China,
I understood the meaning of wisdom and greatness.
They have tried to erase your influence, yet your thought is forever lasting.
In the dark and filthy water your greatness shines through with brilliance.

I don’t want to sing your praise repeatedly.
All of that even your opponents dare not to deny.
I only want to find out your mistakes,
So to lighten the burden of longing for people who love you.
But that is very difficult to do.
Should I be disappointed or be glad?
Because all the “mistakes” you made proved to be not mistakes at all.
Those who blame you have repeatedly proved you were right all along.
Your worries have become reality.
Your warnings will wake up those confused.
You did not want to be worshipped as a hero,
Yet your thought will forever guide your followers.

It has been thirty years but you have never gone far,
And forever you are the nightmare of those who hate you.
They denounce you a thousand, ten thousand times,
But they never have the courage to look into your eyes.
It has been thirty years since you lived here among the people,
and bring the best luck to those who love you.
People do not need to talk about you everyday,
But can feel your warmth every minute.
When I use “you” to address you,
I don’t feel I am being impolite.
You are the leader of us common people.
You are the same as I or any other common folk

Thus, you become a barrier
Standing before those traitors like the Great Wall they cannot walk pass.
Thus, you become a sharp sword
In the hands of believers as a guarantee to defeat the enemy.
Some people secretly assessing their “accomplishment”
are in despair when the scale refuses to tilt the balance in their favor.
Some who are worried about the future of our nation
can see the light in the darkness of nights.
Some sigh and wonder why it is so difficult to turn China into the second Soviet Union?
Some are proud that we will win the fight to defend socialism!
Despair and confidence form the unity of the opposites.
Hatred and love are so clearly divided.
All of these are because of you,
The son of Chinese peasants,
The hero of a nation in the East!

I had no luck to know you in person, but I can talk to you long through the nights.
We are in two worlds but are connected in spirit.
I want to tell you quietly:
Mao Zedong, my teacher, your thought is going
to accompany me the rest of my life.

Posted by Bulatlat

(Ka)ramdam(an) ang Kaunlaran, SONA 2008

July 27, 2008

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 25, July 27-August 2, 2008

Bulsa ko ay ninakawan
ng kamay ng Malacañang;
butas-butas, walang laman
ni pambili ng Alaxan
sa sakit ng kalingkingang
dama ng buong katawan.

Mas mabuti pa si Pacman
Bugbog-sarado ang yaman.

Inilathala ng Bulatlat

Ang Bugtong na Ina ng mga Sala

July 27, 2008

NI MYKEL ANDRADA
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 25, July 27-August 2, 2008

Hayan na, hayan na di mo pa makita.
Korner na, korner na, sipa pa, sipa pa!
Baka ko sa Maynila, hanggang dito, dinig ang unga.
Baka ko sa Malakanyang, hanggang Estados Unidos, dinig ang pag-“oo nga!”
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Siya ay may kaibigan, pang-suhol dito, pang-suhol diyan.
Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Ang alaga kong bilog ang nunal, milyon-milyon ang nilolooban.
Sa liwanag ay hindi mo makita, sa dilim ay maliwanag sila.
Sa liwanag ay nakapamulsa, sa dilim ay nagbibilang pala.
Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
Pera ni Santa Santita, ang kulay ay iba-iba.
Nagsaing si Hudas, kinuha ang tubig, itinapon ang bigas.
“Nagsaing” si Gloria, itinapon ang tubig, itinapon ang bigas.
Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste.
Bahay ni Presidente, mabuway na ang mga poste.
Bibingka ng hari, hindi mo mahati.
Bibingka ng Reyna, iniluluwa.
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tuso.
Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.
Nunal na puso, kulay abo, magaspang kung hawakan, masarap tirisin.
Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.
May butong maitim pa sa tubig-kanal, may boses na tila nabasag na kristal.
Nagtapis nang nagtapis, nakalitaw ang bulbolis.
Nagsinungaling nang nagsinungaling, nakalitaw ang dalawang higanteng ngipin.
Aling pagkain sa mundo ang nakalabas ang buto?
Sinong presidente sa mundo ang sing-itim ng nunal ang buto?
Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong.
Heto na si Gloria, nakaupo sa pera.
Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya’y nakaharap pa.
Pinalalayas na ang Reyna, mukha niya’y nakangisi pa.
Balat niya’y berde, buto niya’y itim, laman niya’y pula, sino siya?
Balat niya’y kayumanggi, buto niya’y itim, laman niya’y pera, sino siya?
Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso.
Kung tawagin nila’y Gloria, wala namang ibinibiyaya.
Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.
Bahay ni Aling Arroyo, punung-puno ng demonyo.
Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Nanganak ang Reyna, ipinaampon ang masa.
May langit, may lupa, may tubig, walang isda.
Nakatingala sa langit, nangamkam ng lupa, pinagmahal ang langis, pinagdamot ang bigas.
Bunga na ay namumunga pa.
Mayaman na ay nagnanakaw pa.
Hindi prinsesa, hindi reyna, bakit may korona?
Naging Prinsesa, ngayon ay Reyna, tinatanggalan ng korona!
Isang magandang dalaga, di mabilang ang mata.
Isang hambog na Ina, di mabilang ang sala.

* Ang mga linyang nakahilig o italicized ay mga bugtong na mula sa mga sumusunod na website: <http://hubpages.com/hub/Bugtong_Filipino_Riddles&gt; at <http://hubpages.com/hub/Bugtong-Filipino-Riddles-II&gt;. Ang mga linyang hindi nakahilig ay politikal na adaptasyon ko ng mga nakahilig na bugtong.

Inilathala ng Bulatlat

Ekonomiya at Pulitika ni Sister Karay

July 21, 2008

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 24, July 20-26, 2008

Daloy aming luha, tulo aming pawis sa gabing madilim,
Sa inyong pag-agos kipkipin na lamang an gaming damdamin;
Hugasan ang puso ng baying nawindang sa dusa’t hilahil
Upang makamulat sa krisis na taglay at laksang tiisin.

Natatandaan ko noong maupo na si Karay Sis pandak,
Sari-saring lupit ang humahagupit sa ‘ting Pilipinas;
May Gaci, may Broadband, may pila ng bigas at bagyong malakas
Kaya ekonom’ya ang sabi ay ramdam ang kunwang pag-unlad.

Sa ngayo’y malayang ibinubuyangyang nitong si Karay Sis
Kung sinong kapalit, sina Noli kaya’y Fernandong bungisngis?
Pinaghahandaan paglisan sa trono’y walang makasilip
Sa pagmamalabis sa bayang damakmak ang tinamong krisis.

Daloy aming pawis, tulo aming luha at inyong hugasan,
Ang putik ng bayang  ang nagkukulapol ay ang punong hangal.

15 Hulyo 2088
Binigkas sa poetry reading ng Kilometer 64 at Artists’ ARREST sa Conspiracy Bar and Garden Café

Pasensya na Frank

June 30, 2008

(Para kay Frank, kung marunong siyang magbasa ng Hiligaynon, Filipino, Bikolano at Ingles)

Saburayninanya Frank!

Tingala man ko sa imong duros

Garo hangos

Kan sarong kuring

Na di basang namatean,

Narisa.

Mas baskog pa ngani su

Hungaw nuylectric fan samu.

Pero mas damu man ang imong

Tubig. Too big!

Daw overflowing na naknak, hali

Sa gadagal a lugad a

Hiniwa ng krisis

Sa bugas,

Sa politika,

Militar,

Pinansyal,

Sa moralidad,

Na dugay nang halit, hatid

Ng bagyong mas dambuhala pa

Saimo!

Frank!

Tanan nga problema,

Ikaw na ang napasimangdan.

Gabos na muda, sa iyo napunta.

Lahat ng luha, ika kuno ang nagpa-gwa.

Daw imo na lang tanan nga sala.

Ika na nasugo man sana.

Ika na napadaan lang naman.

Myentras na silang may gawa

Sa imo. Kag sa halit.

Ato tu sila!

Ga-enjoy!

Nakatawa.

Ewan

June 30, 2008

(para sa babaeng nagbigay liwanag pagkatapos dumaan ni Frank)

Di ko alam kung bakit.

Hindi ko inakalang matatagpuan kita

sa kusina kung saan naroon

ang pagkain.

Pero narun ka.  Kumikinang.

Una kong nakita ang iyong prinsipyo.  Naglalagablab.

Sunod kong nalaman ang iyong interes.  Ginintuan.

Saka ko napansin ang iyong mukha.  Marikit.

Ang iyong mata.  Mapanuri.

Ang iyong ngiti.  Matamis.

Ang iyong mga gawi.  Nakaka-aliw.

Ngunit sa isang kisap-mata, nawala ka.

At sa isang kisap-mata, nawala ako.

Nawala ang ngiti.  Ang saya.  Ang asa.

Ang panlasa.  Nawala ang lahat.

Wala nang pagkain sa kusina.

Di ko alam kung bakit

Wala ka na.

Ah gutom na ako.

At nag-iisa.

Di ko alam kung bakit.

To a Warrior Dying Old

June 30, 2008

BY ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Posted by Bulatlat
Vol. VIII, No. 21, June 29-July 5, 2008

You were one of a kind as a warrior,
one who dared to venture
where even the fearless feared to tread.
You marched to the Devil’s den
for the cause of the heavens.
Without hesitation you courted the wrath
of the false gods, the usurpers of power:
you fought for the right “without question or pause,”
ever resting your faith
on the God of justice fighting by your side.

In memoriam: Danilo Poblete Vizmanos
(24 November 1928-23 June 2008)

Posted by Bulatlat

May Poot Dahil May Pagmamahal

June 30, 2008

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 21, June 29-July 5, 2008

Dahil ang POOT n’ya ay hindi marinig
Ng dupang pinunong sa kanya’y nagpiit
Doon sa sadlakan ng tulad n’yang labis
Ang tutol sa batas na walang matuwid

Tayo ay humanda sa kanyang paglaya
Dahil may ginawang mapoot na tula
Na ang hinuhuklas nitong talinhaga’y
Dadanak ng dugo sa ulilang lupa
Dahil nasa puso ang baying kawawa.

Kay Axel Pinpin kami’y maghahanda
Kabangkilas kami sa iyong paglaya
Inimpok mong POOT ating isagupa
Alang-alang sa ‘ting inahal na bansa.

Awit kay Axel Pinpin
Hunyo 23, 2008

Adik sa ‘Yo? Pag-ulit sa Pag-iiba-iba ng Talinghaga’t Haraya

June 30, 2008

(In Memoriam: Cherith Dayrit-Garcia)

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 21, June 29-July 5, 2008

Di ko na hahanap-hanapin pa, Ka Leony,
buhat nang matagpuan ang duguang katawan mo sa Isabela —
Di na adik    ngunit sabik
malaman kung anong umakit sa iyong ihandog ang buhay
nang walang pakundangan

Mahigit 800 ang nalunod paglubog ng M/V Princess of the Stars —
Sobra na tama na, adios Manny Pacquiao!
Bawat pagpihit ng tadhana, ilang buhay ang lumilipas
ngunit sa anong dahilan o anong layon?
Adik pa ba? Sabik na madukot ka?
Sa telesineng terorista nina Glorya at mga berdugong heneral
walang bida kundi ang uring imperyalista’t alipuris —
Adik sa kalupitan at kasamaan….

Sabik sa inyo — Sherlyn Cadapan  Karen Empeño       Sabik akong matagpuan
sina Jonas Burgos   Nilo Arado    Luisa Posa Dominado
Sa umaga’t sa gabi  ng galit at pighati      sa pagitan ng pagpatay
kina Mario Auxilio sa Bohol at Celso Pojas sa Davao
hinahanap-hanap kita,
o armadong anghel ng katarungan —

Di na adik ngunit sabik —
Noon, sa pagitan ng bawat bugbog kay Nena Fajardo at bigwas kay Nelia Sancho
natagpuan kitang naghihintay….
Mahigit 4,000 taong nalunod paglubog ng M/V Doña Paz noong panahon ni Cory —
ilang libong namatay sa lahar, sa baha, sa bagyo, sa terorismo ng AFP…
Adik ka pa ba?  Hahanap-hanapin pa ba?

Adios, Gretchen at Regine at Ruffa at Susmaryosep — Lani Misalucha!
Magwala man ang militar, di na mawawala
ang pag-asang inaruga mo, Ka Leony, istratehiyang pinakasasabikan —
Magkasalubong tayo sa bawat daluyong ng pakikibaka
sa bawat yapos, sa bawat labing humahalik….

Bukas na Liham para kay Arsobispo Ledesma

June 19, 2008

9 Hunyo 2008
(Bisperas ng ika-20 taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program)

Mahal na Arsobispo,

Kami ang mga mamamayang nagbungkal sa lupa, nagpayaman ng bukirin, nagpakain sa sambayanan;
Kami ang mga magsasakang nagdidilig ng pawis sa binhing bubuhay sa lipunan, nagsusunog ng balat;
Mangingisda kaming nakipagtuos sa hanging habagat, sumisid sa mga perlas sa pusod ng karagatan ng buhay;
Kami ang mga tagabundok, mga naninirahan sa mga sapa at baybayin, sa mga dukhang dampa sa kagubatan, na tumuklas sa kayamanan ng lupa, nagdiskubre ng mga kaalaman, nagbuntis sa lahat ng bawat bagong bagay bunga ng aming direktang pakikisangkot sa paggawa.

Kami ang mga timawa sa lipunang alipin; mga Andres Bonifaciong lumaban sa pyudal na panggigipit ng kapangyarihan ng simbahan at estado noong panahon ng Espanyol;
Kami ang mga binansagang bandido sapagkat gusto naming bawiin ang lupang inagaw ng mga prayle; naghimagsik sa harap ng mga walang awang gwardya sibil para ipaglaban ang nararapat at makatarungan;
Kami ang mga tinraydor ng mga nagbenta-ng-kaluluwang mga Makapili.
Kami ang labing-apat na mga magsasakang pinatay sa paanan ng Mendiola.
Kami ang mga hindi isinulat sa mga dahon ng kasaysayan; nakamarka sa aming mga noo ang sumpa ng daan-taong pagkaalipin.

Kami ang walong daang magsasakang nanganganib mapalayas sa kwatro syentos ektaryang lupa sa loob ng Central Mindanao University;
Ipinagpipilitan ng mga may-kapangyarihang ito ay hindi sa amin, at kukunin dahil anila’y hindi para sa gamit pagsasaka;
Sabi nila, hindi ito kasali sa mga ipapamigay; wala kaming payapang gabi sa takot na posible itong dagitin ng patakarang “eksklusyon at eksempsyon” ng batas na gusto mong palawigin pa.
Kami ang mga nagsasakang itinaboy sa kalupaan ng Hacienda Puyat sa Batangas; mga hampas-lupa sa Aguinaldo Estate sa Tartaria Cavite.

Kami ang mga nagbubungkal na nangangarap maangkin ang tatlong libong ektaryang kalupaan sa Tagoloan at Villanueva na pinamamahalaan ng PHIVIDEC, at sa mahigit dos syentos beynte mil ektarya ng Dole at Del Monte Philippines sa Bukidnon;
Kami ang mga umiiyak sa pagbibigay ng higit sa reserbasyon ng lupa para sa kagamitang industriyal;  mga komersyal na negosyo, plantasyon ng kape, cacao at goma handog sa panginoong Amerika habang nauubos ang bukiring pagtatamnan ng kakainin ng ating mamamayan;
Kami ang naniniwala na sapat na ang krisis sa bigas at laganap na kagutuman upang iyong ikondena sa mga pulpito ang dalang delubyo ng kasalukuyang programa sa repormang agraryo.
Kami ang mga nagbubungkal sa Hacienda Zobel sa Batangas.

Kami ang mga nagtitiis sa pagbabayad upang mapasaamin ang lupang pinaniniwalaan naming matagal nang nabayaran;
Sa loob ng mahahabang taon, inihahatid namin ang rentang tersyo, sangkapat, kalahati sa pintuan ng bahay na marmol ng aming mga panginoong walang ibang hawak kundi ang mga papeles na ang lupa’y sa kanila, habang namamaluktot sa gutom ang aming mga supling.
Matagal na kaming nakabayad kahit wala kaming utang.
Kami ang mahigit tatlong daang magsasaka sa Gingoog na nagbayad ng “makatarungang bayad” sa mga panginoon alinsunod sa itinakda ng CARP, subalit binawian pa rin nila ng CLOA, CLT at EP.
Kami ang mga nagsasaka sa Hacienda Looc at Hacienda Roxas sa Nasugbu; mga itinakwil sa Hacienda Yulo sa Laguna.

Kami ang mga magsasakang ipinatawag ninyo sa isang konsultasyon tungkol sa aming kahirapan, madali sanang dinggin ang aming mga hiling; mga anak rin kami ng Diyos na dapat marinig.
Kinamumuhian namin ang kasalukuyang pekeng programa ng repormang agraryo, dalawampung taon nitong ipinagkanulo ang aming mga pangarap.
Nakakapanindig balahibo ang turingang ang programang ito ay katumbas ng panlipunang katarungan at pagkakapantay-pantay, inilibing nito ang anumang natitira pa naming pag-asa.
Nais gamitin ng mga oportunista ang aming kahirapan para magkapera, inilalako nila ang larawan ng aming kawalan saan mang sulok para maghanap ng mananakaw, na para bang hindi pa sapat ang syento kwarenta y tres bilyong piso na kanilang natangay nitong nakaraang  dalawampung mahahabang taon.
Kami ang mga tinuruan ninyong lumaban nang mapayapa, gamitin ang mga batas upang igiit ang aming mga karapatan.  Ngunit anong ginawa nila sa amin sa munisipyo ng Escalante, sa HaciendaLuisita?
Kami ang patuloy na natututo sa mayamang karanasan mula sa pakikipagtunggali sa         aming mga mambubusabos.

Kami ang mga alipin ng modernong panahon; habang kami’y nagkakayod upang kumain, sinisi nila ang kapalaran bilang salarin sa aming kahirapan, habang tinatakan kami ng samu’t saring mga marka sa aming mga noo bilang mga komunista, terorista, at iba pang mga bansag bunga ng aming pagpupunyaging magkalaman kahit mumo ang aming mga bitukang walang laman.
Ginamit nila ang mga rehas, kinitil ang aming mga mithiin; hayun, ang mga magnanakaw, malaya, nakaluhod at sumasamba sa kapital, nalalasing sa mamahaling alak; malinaw na hindi sumasakit ang ulo ng hukom para sila’y habulin.
Mahal sila ng kapalaran.

Kami ang mga magsasaka saan mang dako nitong Amihan, nagbungkal sa lupang hitik sa mga kwento ng magiting na paglaban sa aming parang walang katapusang pagkaalila;
Kami ang Dalmacio Gandinao, Nestor Ladica, at marami pang ibang walang pangalan, nagbahagi ng aming dugo at hininga para sa kalayaan ng kanayunan;
Kami ang mga amang tinadtad ng bala habang humihingi ng aming karapatang bumungkal; mga asawang binunutan ng kuko para umaming NPA; mga inang naghihintay sa anak na dinukot ng mga di-kilalang nagtatago sa dilim ng gabi.
Kami ang mga namatay subalit buhay sa alaala ng bawat mahirap na magsasaka sa lahat ng sulok.

Kami ang mga inismiran ang papel sa bawat pagsulong ng kasaysayan;
Nananaghoy ang lupa habang itinuturo sa mga aroganteng intelektwal, mga mapagkunwaring mga henyo, mga naghahanap  ng daan patungo sa bagong Israel, na kami, kami ang mganawawalang hibla sa krusada, ang pinaghahanap na kaputol sa masaganang bukas.

Hindi man nila lingunin ang kasalukuyang mukha ng aming pagkabusabos, kalikasan ang magtuturong bigyang halaga ang aming panaghoy. Bawat panaghoy, paglaban.  Bawat paglaban, tagumpay.

Huwag asahang aming hihintayin ang mga kamay, kasama ang iba pang uring pinagsasamantalahan, walang tigil naming babaybayin ang daan patungong kalayaan.

This poem was read 8pm of June 9, 2008  in the Vigil Rally at Gaston Park, Cagayan de Oro City. Originally in Cebuano, it was collectively written and edited by the following Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) member organizations in Northern Mindanao:
-Misamis Oriental Farmers’ Association (MOFA)
-Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Bukidnon  (KASAMA)
-Unyon sa mga Mag-uumasa Agusan Norte (UMAN)
-Nagkahiusang mga Mag-uuma sa Agusan Sur (NAMASUR)
-Gingoog City Farmers’ Association (GCUFA)
-Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Lanao Norte (KAMAS LANAO)
-Pambansang Lakas ng mga Mamamalakaya sa Pilipinas (Pamalakaya-North Mindanao)
-Kalumbay Lumad Organizatio

Acronyms Used

PHIVIDEC -Philippine Veterans Investment Development Coporation
CARP – Comprehensive Agreement on Agrarian Reform Program
CLOA- Certificate of Land Ownership Award
CLT- Certificate of Land Title
EP – Emancipation Patent
NPA – New People’s Army