Archive for the ‘GARB’ Category

Tunay na reporma sa lupa: hindi suntok sa buwan

February 6, 2009

Ilang-Ilang D. Quijano

Desididong ipagtagumpay ang laban para sa tunay na repormang agraryo. (Ilang-Ilang Quijano)

Rali ng mga magsasaka noong Enero 20: Desididong ipagtagumpay ang laban para sa tunay na repormang agraryo. (Ilang-Ilang Quijano)

HINDI miminsang tinanong si Anakpawis Rep. Rafael Mariano kung seryoso sila sa pagtutulak na isabatas ang House Bill 3059 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

Dahil sa umano’y kabiguan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na ipamahagi ang mga lupain ng bansa sa mga magsasaka, idinisenyo ang GARB ng progresibong mga party-list kasama ng militanteng mga samahang magsasaka. Inihain nila sa Kongreso, noong 2007, ang panukalang batas na umano’y “kumakatawan sa di-kumukupas na adhikain para sa tunay na reporma sa lupa.”

Noong Hunyo 2008, nagtapos ang CARP. Sinimulan ng gobyernong Aquino 20 taon na ang nakakaraan para tugunan ang demokratikong panawagan ng kilusang masang nagpatalsik sa diktadura, nagtapos ito nang nananatiling konsentrado pa rin ang mga lupain ng bansa sa kamay ng iilang panginoong-maylupa.

Marami sa mga panginoong maylupang ito, matatagpuan mismo sa loob ng Kongreso, gaya ng mga Arroyo na malalawak ang lupain sa Negros Occidental. Kaya naman nang mapresyur ang mga kongresista na palawigin ang CARP na kapos pa sa target nitong mga lupaing dapat ipamahagi, ipinasa nila ang Joint Resolution 19 o anim na buwang ekstensiyon ng programa.(Basahin ang kaugnay na artikulo)

Inulan ng batikos ang Joint Resolution 19 dahil tinanggal sa CARP ang complusory land acquisition o sapilitang pagbawi ng lupa, at ginawa na lamang itong boluntaryo. Hindi rin maaaring amyendahan ang batas ng isang resolusyon lamang. Kalaunan, ibinasura na rin ng Kongreso ang House Bill 4077 o CARP Extension With Reforms na itinutulak naman ng ilan.

Pero hindi na lamang hahayaan ng mga magsasaka na tuluyang makalimutan ang kanilang problema sa kawalan ng lupa. Ngayong “patay na” ang huwad na CARP, ayon kay Rep. Mariano, panahon nang maipakilala ang GARB na isang radikal na programa para sa tunay na reporma sa lupa.

“Seryoso, pursigido, at ubos-kaya” nila itong itutulak na maisabatas, tawagin mang suntok sa buwan ng karamihan.

Layunin ng GARB

Matayog ang mga layunin ng GARB. Kabilang rito ang pagbasag sa monopolyo sa lupa ng iilang panginoong maylupa at dayuhang kompanya; pagwasak ng piyudal at mala-piyudal na pagsasamantala sa kanayunan; pairalin ang mga kooperatiba para sa pagpapataas ng produktibidad ng benepisyaryong magsasaka; at paunlarin ang agrikultura ng bansa bilang salalayan ng pambansang industriyalisasyon.

Sa GARB, ipapamahagi nang libre ang lahat ng mga lupaing agrikultural ng bansa sa mga magsasaka. Ito umano ang pinakamalaking pagkakaiba nito sa CARP, na maraming mga eksempsiyon na nagagamit ng mga panginoong maylupa at negosyante para patuloy na kontrolin ang mga lupain at agawin ang mga ito sa mga magsasaka.

Saklaw ng GARB ang mga pribadong lupain gaya ng malalaking asyenda, plantasyon ng mga korporasyong transnasyunal, lupaing pang-aquaculture, at mga lupaing nakatiwangwang. Saklaw din nito ang mga pampublikong lupain gaya ng mga lupaing idineklara ng gobyerno para sa gamit komersiyal, residensyal, at industriyal, reserbasyong militar, eryang panturismo, lupaing mineral, at special economic zones.

Wala rin sa GARB ang mga iskemang alternatibo gaya ng stock distribution option, leaseback, joint venture, corporative scheme, at farm management contract na mayroon ang CARP at ginamit para hadlangan ang aktuwal na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Sa ilalim ng GARB, hindi rin pagbabayarin ang mga magsasaka ng amortisasyon sa lupa, na sa ilalim ng CARP ay naging dahilan para mabawi ito sa kanila.

GARB, inaasam-asam

Inaasam-asam ng 72-anyos na si Rufina Nolasco ng Brgy. Balibag, Calatagan, Batangas, ang araw na mapapasakanilang muli ang lupain na sinaka ng kanila pang mga ninuno. Kasama si Nanay Rufina, tagapangulo ng Samahan ng Ugnayan ng Mangingisda at Magsasaka sa Calatagan, sa mga magsasakang bumiyahe sa Maynila para sa kilos-protesta noong Enero 22.

Ginunita ng mga magsasaka, sa pangunguna ng Kilusang Magubukid ng Pilipinas, ang ika-22 anibersaryo ng Mendiola Massacre kung saan 13 magsasaka ang namatay sa isang marahas na dispersal sa kilos-protestang nananawagan ng tunay na reporma sa lupa. Kasabay nito, iginiit ng grupo ang pagsasabatas ng GARB.

“Walang kagutuman noong nasa mga tao pa ang lupa,” wika ni Nanay Rufina, na kagaya ng libu-libo pa sa 16 barangay sa Calatagan ay itinaboy sa lupaing binakuran at patuloy na inaangkin ng pamilyang Zobel de Ayala, sa kabila ng dalawang desisyon ng Korte Suprema na pabor sa mga magsasaka. Maya’t maya ang banta ng demolisyon sa kanilang mga tahanan. Iginigiit pa nila maging ang pananatili sa laylayan ng kanilang dating mga sakahan.

Walang naramdamang tunay na reporma sa lupa sa nakaraang 20 taon, aniya. “Ito (GARB) ang tunay na maglilingkod sa mga magsasaka, dahil ipapamahagi nang libre ang lupa. Kaiba sa CARP, na ginagamit lamang para bawiin ang lupa mula sa mga magsasaka,” aniya.

Bunuan sa Kongreso

Noong Enero 21, inikot ng mga lider ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) ang mga opisina ng mga kongresista para ikampanya ang GARB. Hindi sila pinansin at tinarayan pa sila ng iba. “Busy ako,” sabi umano sa kanila ni Rep. Elpidio Barzaga ng pangalawang distrito ng Cavite. Ang iba naman, gaya ni Rep. Justin Chipeco ng pangalawang distrito ng Laguna, nagsabing mas pabor siya sa ekstensiyon ng CARP kung ipananatili rito ang compulsory land acquisition.

Pinaunlakan naman sila ni House Speaker Prospero Nograles. Pero hindi siya nangakong susuportahan ang GARB at nagpahayag ng pagkiling sa pagreporma na lamang sa CARP. Sinabihan niya ang mga magsasaka na mag-lobby sa mga miyembro ng House Committee on Agrarian Reform. Pinangungunahan ang komite ni Akbayan Rep. Risa Baraquel Hontiveros, na may-akda namang ng HB 4077. “Kung ano ang committee report, ‘yun ang susuportahan ko,” aniya.

Gayunpaman, bukas umano siya sa debate hinggil sa GARB.

Para kay Rep. Mariano, makarating lamang sa plenaryo ang GARB, malaking tagumpay na para sa mga magsasakang nais ibalik sa pambansang usapin ang pangangailangan para sa tunay na reporma sa lupa, lalo sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansiya.

“Ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa ang magiging dahilan at daan sa pagkakaroon ng mas maunlad na agrikultura at mas matatag na pambansang ekonomiya na magiging pansalag sa mga bayo ng pandaigdigang krisis pampinansiya,” ayon sa mambabatas.

Sama-samang pagkilos

Sa pakikipagdiyalogo pa lamang sa mga kongresista at kay Nograles, ramdam na ni Imelda Lacandazo, tagapangulo ng Kasama-TK, na hindi magiging madali ang pakikipagbunuan para maipasa ng Kongreso ang GARB. Pero isa lamang umano ang pagsusulong ng GARB sa mga porma ng malaon nang pakikipaglaban ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa.

“Tuluy-tuloy ang sama-samang pagkilos ng mga magsasaka. Natuto na ang mga magsasaka sa hakbang-hakbang na tunay na reporma sa lupa na sila mismo ang nagpapatupad,” aniya.

Inihalimbawa niya ang 2,800 ektarya sa Brgy. Macabud, Montalban, Rizal na ngayo’y kolektibong sinasaka ng mga magsasaka sa kabila ng tangkang land use conversion o pagpapalit-gamit ng lupa tungo sa golf courses at pabahay na pagmamay-ari ng pamilyang Ayala at Lopez.

Daan-daang magsasaka sa 1,700 ektaryang Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas, ang nakapanatili sa kanilang mga lupain sa kabila ng pagkansela ng kanilang mga Certificate of Land Ownership Award sa ilalim ng CARP at paninibasib ng mga kompanyang nais gamitin ang lupa para sa turismo.

Gayundin, sa Mamburao, Mindoro Occidental, hindi na nagbubuwis ang mga magsasaka sa may-ari ng isang 600-ektaryang lupain. Dati-rati, aabot sa 12 kaban ng palay kada ektarya at 60 porsiyento ng ani sa mangga ang kanilang ibinabayad sa panginoong maylupa na si Rodrigo Quintos.

Samantala, sa Hacienda Luisita ng pamilyang Cojuangco sa Tarlac, isa sa pinakamatingkad na halimbawa ng kabiguan ng CARP at lunsaran ng pakikibakang magsasaka na lumundo sa isang masaker noong 2004, may 1,800 ektarya na ang kolektibong tinatamnan ng mga magsasaka.

“Sa pamamagitan ng pag-oorganisa at sama-samang pagkilos, ‘yung hindi kayang ibigay na lupa ng gobyerno at mga kapitalista, kayang bawiin ng mga magsasaka. Ito ang tunay na diwa ng tunay na reporma sa lupa,” sabi naman ni Lita Mariano, pangkalahatang kalihim ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, grupong kabilang din sa mga nagsusulong ng GARB.

Kaya’t maaaring suntok sa buwan ang pagsasabatas ng GARB – pero hindi ang pagkamit ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa.(PinoyWeekly)

Rough Sailing Expected for Genuine Agrarian Reform Bill

January 20, 2009

When the sessions of Congress resume on January 19, the progressive party list bloc in the House of Representatives would push anew for House Bill 3059 or the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Anakpawis Rep. Rafael Mariano said they expect to encounter rough sailing when they push for the bill, but they are not afraid to lose. Mariano believes that the ensuing debate on the bill could put the long-standing demand of the peasantry for a genuine and thoroughgoing land reform program in the national agenda.

BY RONALYN V. OLEA
Bulatlat

When the sessions of Congress would resume on January 19, the progressive party list bloc in the House of Representatives would push anew for House Bill 3059 or the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

In an interview with Bulatlat, Anakpawis (Toiling Masses) Representative Rafael Mariano said they would call on the House Committee on Agriculture and the House leadership to discuss the bill for a new agrarian reform program. The bill is being sponsored by Representatives from Anakpawis, Bayan Muna (People First) and the Gabriela Women’s Party.

“We expect a continuation of the deliberations and debates on GARB at the committee level. Maganda kung maitulak hanggang plenary,” (It would be good if the discussions reach the plenary.) he said.

Mariano, also chair of the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP of Peasant Movement of the Philippines), said House Bill 4077, which aims to extend the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) for another five years from 2009 to 2013, is problematic.

Enacted on June 10, 1988, Republic Act 6657 the Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988, which aims to institute the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), was supposed to be implemented for 10 years. Falling short of its targets, the Agrarian Reform Law was extended by the Ramos administration for another ten years. It expired for the second time this June 2008.

“Paano mo i-e-extend ang batas na nag-expire na?” (How would you extend a law that has already expired?) Mariano asked.

In December, the Senate and the House of Representatives adopted Joint Resolution No. 19, extending the 20-year old agrarian reform law for another six months. Joint Resolution 19 removed the compulsory acquisition scheme and deferred the acquisition of lands with pending notices of coverage, like the Arroyo lands in Negros.

Peasant groups denounced the resolution as ‘patently illegal, fatally flawed, grossly unconstitutional and morally bankrupt.’

Mariano said a mere resolution could not extend a law. “They must re-file the bill if they would want to re-enact the CARP. But the Congress must first tackle GARB.”

Mariano reiterated his position that the CARP’s extension would pave the way for more cases of land grabbing. He said the voluntary offer to sell and voluntary land transfer schemes stated in the joint resolution may easily be withdrawn.

He said that from January 1 to June 30, 2009, landlords may file for cancellation of certificates of landownership award (CLOA), or for exemption from CARP coverage or may apply for land-use conversion, among others, to fall within the provision of the said joint resolution deferring acquisition of lands with pending notices of coverage.

It would worsen the agrarian unrest, said Mariano. Land monopoly is the only status quo achieved by the said resolution, he added.

Why not CARP or CARP extension?

Mariano said that the extension or the re-enactment of CARP even in the form of a new bill is not the solution to the problem of landlessness.

Citing the 2008 accomplishment report of the Department of Agrarian Reform (DAR), which covers the implementation of two agrarian reform programs, Presidential Decree No. 27 of former President Marcos and the CARP, only 3. 8 million hectares of land have been acquired and distributed. Mariano said that of these, 2.1 million hectares are private agricultural lands. This, he said, is insignificant considering the size of private agricultural lands.

In 1988, when the CARP was promulgated, Mariano said, there were 7.8 million hectares of private agricultural lands measuring 50 hectares and above. Citing data taken from the book “A Captive Land” written by James Putzel, Mariano said these big landholdings constitute 28.5 percent of existing private agricultural lands. These big landholdings, Mariano added, are owned by more than 7,000 landowners.

“Naiiwan ang malalaking ito, nandiyan ang maraming in-exempt sa CARP coverage,” (These big landholdings are still intact, most of them are exempted from CARP coverage.) he said. This means, Mariano asserted, that very few private lands been distributed through the CARP’s compulsory acquisition and distribution.

Mariano said the DAR failed to identify how many of the 50 hectares and above landholdings have been distributed to the farmer-beneficiaries.

“Even if you extend the CARP, supposing the DAR report is correct, 5.5 to 7.5 million hectares of private agricultural lands would remain outside the CARP coverage,” he explained.

Genuine Agrarian Reform Bill

He said the peasants are demanding for a genuine and thoroughgoing land reform program.

The progressive party list bloc, Mariano said, sides with the class interest of peasants in advancing their demand for land ownership. He said the GARB is a response to this demand, with free land distribution as the central goal and with the objective of dismantling land monopoly.

“Hindi pwedeng sabihin na ang mga nagtataguyod ng GARB ay anti-agrarian reform. Pro-agrarian reform, genuine pa nga, fundamental pa nga. Hindi nito sinasagkaan ang land acquistion and distribution,” (Those promoting the GARB could not be accused of being against agrarian reform. On the contrary, we are for agrarian reform, which is genuine and fundamental. The GARB does not place obstacles to land acquisition and distribution.) Mariano said.

Akbayan Party List Representative Risa Hontiveros-Baraquel accused Anakpawis, Bayan Muna and Gabriela Women’s Party as siding with the landlords when the latter voted against the CARP’s extension.

“Sobra at lampas pa nga sa hinihinging palamuting reporma ng Akbayan ang nilalaman ng GARB,” (The provisions of GARB go beyond what is being asked for by the token reforms of Akbayan.) he added.

He said that their call is for free land distribution within the framework of a genuine and thoroughgoing land reform program. They are not for defending CARP, which is bogus.

Land ownership

Mariano said that under the GARB, farmer beneficiaries cannot sell the land they would acquire.

He said this prohibition aims to protect farmers. “We want to remove all factors that would lead to the re-concentration of land to the landlords.”

Mariano said some groups have assailed Anakpawis because the GARB, which it promotes, does not award full ownership of land to the farmers.

Mariano said, “The attributes of land ownership are there. If you remove the land rent and the amortization, farmers would enjoy the full benefits of their produce. Under CARP, the CLOA may be taken back if the farmers fail to pay the amortization.”

See garb-vs-carp
Rough sailing

Mariano admitted that the struggle for the enactment of GARB is encountering rough sailing.

He said further, “Hindi ba kayo takot na matalo? Pwedeng segundaryo na iyon. Bakit si Chief Justice Puno hindi siya takot na nasa minorya siya kahit ang posisyon niya ay posisyon ng malawak na masa, ung sa Neri petition. Tayo pa rito, talagang minoryang minorya ang progressive party list representatives.” (Are we not afraid to lose? That is secondary. Even the Chief Justice was not afraid to take the minority position in the Supreme Court when he took the position of the broad masses in the petition filed by Romulo Neri.)

It would be remembered that the Supreme Court upheld the right of former National Economic Development Authority Executive Director Romulo Neri to invoke executive privilege in refusing to answer questions by the Senate regarding his conversations with President Arroyo regarding the National Broadband Network contract with ZTE of China. During the deliberations on the petition by Neri in the High Court, Chief Justice Reynato Puno voted with the minority and issued a dissenting opinion.

Mariano said many anti-people bills filed at the Lower House have been delayed due to the people’s strong opposition.

“Kung may isang tunay na reporma sa lupa na nakapanukala, hindi agad magagawa ng landowners na ibasura basta-basta iyon ng walang substanyal na debate. At Yung debate na iyon ang pwedeng maglagay uli sa pambansang adyenda talaga ng pangangailangan sa isang tunay na repormang sa lupa,” ( The landlords in Congress could not summarily trash even a genuine agrarian reform bill without substantial debate. The ensuing debate could put the need for a genuine agrarian reform program in the national agenda.) he said.

He said the Congress must now start with the debate on HB 3059. If 1/5 of the members of the Committee [on Agriculture] votes for the bill, then the committee must report this to the plenary. If the chairman of the committee cannot sponsor the bill, Mariano said, he or she could let the authors defend the GARB.

Mariano said, “We are willing to answer all questions during the interpellation. We will not do what they did to us last December.” Mariano was referring to the refusal of the House leadership to accommodate his questions during the deliberation of Joint Resolution No. 19, prompting him and the other members of the progressive party-list bloc to walk out of the session hall. “They denied me my duty to speak as a representative of the peasants.”

Mariano said the primary factor in the deliberation of the GARB is the strong mass campaign for a genuine, thoroughgoing land reform program.

The arenas of struggle

Mariano said that peasants in the countryside continue to achieve victories in their determined campaign for genuine agrarian reform. These include the lowering of land rent, asserting their right to remain in the land despite threats of eviction, increasing their share in the produce, increasing the wage of agricultural workers, among others.

He said many farmers decide to till the land even as the DAR’s hands are tied. He cited as an example the farm workers at the Hacienda Luisita in Tarlac. More than 1,000 hectares of land have been planted with rice and vegetables by the farmers themselves.

Even if the deliberations on HB 3059 have not yet started, the farmers have long been asserting their right to till the land, Mariano said. “The Congress must recognize this.”

“Ang kilos ng magsasaka hind nakabatay kung maipapasa ba ang HB 3059. Mali iyong akayin mo sila sa parliyamentaryong pakikibaka lang. Paglilingkurin mo dapat itong laban na ito sa praktika ng magsasaka. Kongkretong ekspresyon siya at alingawngaw ng kahilingan ng magsasaka,” (The movement of peasants for agrarian reform is not hinged on the passage of HB 3059. It is wrong to confine the peasants to the parliamentary struggle alone. The parliamentary struggle should serve the practical struggles of the peasants. Their struggles are an expression of their just demand.) he said.

Mariano said, referring to Malacañang’s allies in Congress, “Anong ikinatatakot ninyo may bilang nga kayo. Anong ikinakatakot ninyo, debate? Ito ang malaon nang hinihingi ng masang magsasaka. Eh di tingan natin kung tutugon doon o hindi.” (What are you afraid of when you have the numbers? Are you afraid of a debate? This has been a long-standing demand of peasants. Let us debate on whether this bill responds to this peasant demand.)

Mariano said the full-blown plenary debates would provide opportunity for farmers to voice out their demands. He said the farmers would see that the progressive party list representatives side with their class interest and that their interest is constantly undermined and opposed by the landlords in the House of Representatives. The debates, he said, would also expose the clear and sharp difference between the position of progressive party list representatives and that of Akbayan and the landlords.

Mariano said the landlords in Congress would attempt to water down the bill during the period of amendments. He said, “Anuman ang mangyari, magsasaka na ang huhusga.” (Whatever happens, it would be peasants who would decide.)

He said further, “The House of Representatives is the house of the people, that is what they say. Who are the people? The landlords? Patutunayan nila.(Let them prove it.)”

Anti-farmer bills

Mariano revealed that other members of the House of Representatives have filed ‘anti-farmer’ bills.

Mariano said these include House Resolution no. 737 authored by House Speaker Prospero Nograles. The resolution seeks to allow 100 percent foreign ownership of land.

The peasant leader also said Nograles and six other representatives filed a bill promoting corporate farming.

These proposals, Mariano said, fall within Malacañang’s proposal to allot two million hectares of land for agribusiness. He said China and Qatar are particularly interested in exploiting the country’s agricultural lands.

Mariano said that the Arroyo government is adamant in restructuring the agriculture sector to suit neoliberal globalization. “Food security is further undermined.”

Mariano called on the people to remain vigilant and to oppose the said bills. (Bulatlat.com)

Ipatupad ang GARB — magsasaka ng Ilokos

June 20, 2008

LAOAG CITY, Ilocos Norte — “Tunay na reporma sa lupa ang kailangan ng mga magsasaka at hindi ang mga bogus na programa tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).”

Ito ang panawagan ng mga magsasaka ng Ilocos sa kanilang paggunita sa anibersaryo ng CARP noong Hunyo10.

Ayon kay Zaldy Alfiler, pangkalahatang kalihim ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (Stop Exploitation), dahil sa mga bogus na programa sa reporma sa lupa tulad ng CARP, nananatiling mailap ang pangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang bubungkalin at lumaya mula sa pyudal na pagsasamantala.

Ayon sa datos ng Stop Exploitation at ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), mula noong maipatupad ang CARP noong 1988, mahigit 9,500 na malalaking panginoong maylupa ang nagmamay-ari ng 2,820,000 ektarya ng lupa o 20% ng lupaing pang-agrikultura. Sa loob ng 20 taon, halos hindi nabawasan ang mga pagmamay-ari ng mga panginoong maylupa dito kung kaya naman 70% ng mga magsasaka ay nakikisaka.

Kanselasyon

Dagdag pa ni Alfiler, “Numanpay adda dagiti inwaras ti gobyerno babaen ti Department of Agrarian Reform (DAR) a Certificate of Land Transfer (CLT) ken Certificate of Land Ownership Award (CLOA), in-inut met a makankanselar dagitoy gapu ti panagkumplot dagiti apo’t daga ken DAR. Adu a dagdaga a naiwaras kadagiti mannalon ti ginuyod met laeng dagiti apo’t daga.” (Totoong may mga lupaing ipinamahagi ng gobyerno sa amamagitan ng CLT at CLOA ng DAR, pero unti-unti ring binabawi ito ng mga panginoong-maylupa).

Sa rehiyon ng Ilocos, tampok na kaso ang pagkansela ng mga CLT sa Cabugao, Ilocos Sur. Ayon kay Elmer Serrano, pangkalahatang kalihim ng Alyansa ti Kumpang ti Cabugao (Alkumpac), 37 magsasaka ang nakaambang mawalan ng lupa sa Brgy. Bato at 37 din sa Lipit kung magtatagumpay ang mga claimant ng mga lupain sa kanilang laban sa DAR.

Kung susuriin, ang mga lupaing iyon ay pag-aari na namin dahil kami ang nagsasaka at hindi ang mga nais magmay-ari nito,” giit ni Serrano.

Ang mga nasabing CLT ay ipinagkaloob noong dekada ’80 sa mga magsasaka ng Bato sa ilalim ng gobyernong Marcos na inaari ni Maximina Sajor na di-umano’y nagsanla kay Don Miguel Florendo bilang pambayad ng utang. Sa Lipit naman, may tatlong nag-aari ng lupain ngunit ang mga ito ay walang maipakitang papeles. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nangyayari sa kaso sa DAR.

Ipatupad ang GARB

Sa pahayag ng Stop Exploitation, ipinaabot nito ang pakikiisa sa pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na inihanda ng Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela Women’s Party.

Ani Elizabeth Alfiler ng Solidarity of Ilocos Associations of Women (Silaw), organization ng mga magsasakang kababaihan, layon ng House Bill 3059 na wakasan ang pagmomonopolyo at pagkontrol ng mga panginoong maylupa at mga dayuhang kapitalista na lupa.

“Daytoy ti pudpudno a mangipatungpal ti libre a pannakaiwaras ti daga ken mangikkat ti aniaman a klase ti panaggundaway iti kaaw-awayan. Panggep pay daytoy a pangatoen ti produksyon ken pastrek ti mannalon ken babbai,” (Ito ang tunay na magpapatupad ng libreng pamamahagi ng lupa at papawi sa anumang klase ng pagsasamantala sa kanayunan. Layon nitong pataasin ang produksyon at kita ng magsasaka at kababaihan) paliwanag ni Alfiler.

Hindi pabor and Silaw sa panukala ng gobyernong Arroyo sa ekstensyon ng CARP, ani Alfiler . “Magpapatuloy ang kawalan ng lupa at pagsasamantala sa mga magsasaka dahil ang makikinabang lamang nito ay si Gloria Arroyo kasama ang kakuntsaba niyang mga panginoong maylupa at dayuhang kapital,” giit pa nito.

Ayon kay Ireneo Agabao, isang lider ng Alkumpac, umaasa pa rin sila na makakamit nila ang kanilang pangarap. “Sa aming sama-samang pagkilos, maipapatupad ang tunay na reporma sa lupa,” pahayag ni Tata Inyong. # Rod Tajon(NorthernDispatch)