Archive for the ‘culture’ Category

Libo-libong Santo Niño

January 21, 2009

Ang erehiya sa debosyon ay naisasakatuparan ng sagutan ng pito. Habang tumatagal, sumisikip ang prusisyon. Natransforma ang relihiyosong prusisyon sa sekular na parada. At sa aming pag-uwi, naiwan ang nag-uumpukang magkakaibigan, nagkukwentuhan ukol sa parada at sa kanilang partisisipasyon dito, may nag-iinuman sa sidewalk at kalsada, may nagwawalis na rin ng kalsada. Bumabalik ang kalsada sa dati nitong gawi. Gayunpaman, “Viva Señor, Viva Santo Niño” hindi para sa orihinal kundi pa sa reprodusabilidad nito sa bawat nagpruprusisyon, naglalantad ng sexualidad, tumutunghay, nag-iinom, sumasayaw na kopya ng poon.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Matagal ko nang nababalitaan ang prusisyon ng mga Santo Niño sa Tundo. Nagpunta kami ng kaibigan ko noong Sabado, 17 Enero 2009, sa imbitasyon ng kagurong si Ferdie Lopez ng UST. Bisperas ng pista ang prusisyon. At kakaiba ito sa mga prusisyon na nasubaybayan ko.

Mas lantad ang erehiya (“heresy” na hindi naman maling pananampalataya kundi ang pagsasalin ng pananampalaya sa labas ng relihiyosong domeyn nito). Nagmimistulang trespassing sabjek ang mga kasama sa prosisyon, maging ang periperal na kalahok dito, tulad ng mga magkakabarkadang babaeng nakikisayaw at harutan sa hanay ng nanonood ng prusisyon.

Nagbukas ang prusisyon sa mga pari at relihiyosong nagbebendisyon ng mga sanggol. Matapos ay ang imahen ng “orihinal” na Santo Niño ng Tundo. Nang nakaraang taon, ito ang grand finale pero dahil sa malaganapang erehiyang natutunghayan, minabuti ngayong taon na unahin na ito. Kasunod ng poon ang San Jose de Navotas, na tunay namang taon-taon ay ini-import mula sa Navotas dahil nga kinikilala ito bilang ama ng poong bata.

Ang hindi maawat ay ang pwersa ng estado, sa figura at ngalan ng politikong tampok sa prusisyon at sa tarpaulin na kanilang inisponsor. Si Mayor Alfredo Lim, nakasuot ng t-shirt na “Los Angeles”, ang pinaka-patron nito sa prusisyon. Nasa likuran siya ng poon bilang kasalukuyang politikal na ama nito, at higit pa sa poon, paratihang humihinto sa sinumang gustong makipag-piktyuran sa kanya. Hindi inantala ang mabagal na ngang ritmo ng prusisyon, hanggang sa lumaki nang lumaki ang puwang sa harap na bahagi nito.

May mga lokal na politiko rin, pati ang banggit ni Ferdie na bading na personahe na ngayon ay kagawad. Bata pa raw si Ferdie ay nakikita na niya ang kagawad, naka-makeup at ngayong taon ay ginawang headdress ang umiilaw na Santo Niño. Pulis at tanod ang namamatrol sa daloy ng prusisyon, pati ang trafficking ng pagpapakuha ng litratong kasama ang mayor. Sila ang nagkukurdon ng mga malalaking personahe, pati na rin ang pagtiyak ng daloy ng prusisyon. Dagdag pa rito ang plastic na strips na dekorasyon sa kalsada—blue at pink na kulay ng isang nagpapakomersyal na sa sinehan para sa pagtakbo sa pagkapresidente sa 2010!

Matapos nitong pinakamalaking bugso ng representasyon ng simbahan at pamahalaang Maynila, ang tunay na prusisyon ang mas interesanteng pinakakaabangan. “Hot Stuff” ng gay icon na Donna Summer ang tugtog sa harapang banda nang mapadaan ito sa balkon ng bahay na pinanonooran namin. Nakahanda na ang balkon, tulad ng mga katapat at katabi nito. May mga upuan at inumin na para mapanood ang prusisyon sa kalsada. Kaya pala ang mga bahay sa kalsada sa bahaging ito ng Tundo ay puro may balkon o tarangkahan sa unang palapag, para panooran nga ng prusisyon.

Ang partisispasyon sa prusisyon ay kinakailangan ng pagiging kasapi ng mga organisasyon para sa Santo Niño. May mga organisasyong pangkalsada, pang-zona, fraternity, at iba pa pa na pawang kinatatampukan ng hanggang dalawang daang unipormadong walang sawa at pagod na choreographed na sumasayaw hanggang sa pagtatapos ng prusisyon. At hindi simpleng sayaw ang ginagawa, may choreography na binabago at pinapagyaman bawat taon, dagdag pa ang ilang araw rin na ensayo nito bago ang araw ng prusisyon. Bukod pa ito sa sayaw na ginagawa sa poon, pati ang paghaltak at indayog sa Santo Niño nakasakay ng bangka.

Libo-libong poon ang iprinuprusisyon, iba pa ang nakaantay na isinasayaw sa labas ng prusisyon. Banggit ni Ferdie, kung gaano raw karami ang kasapi ng pamilya, ganoon din karami ang bilang ng poon. Kaya pala, di tulad sa Nazareno sa Quiapo na nagkakandakumahog ang mga tao para salatin at punasan ng bimbo at panyo ang poon, ay halos hindi napapansin ang orihinal na poon. Nagkalat kasi ang erehiyang mga poon na nakakapanlusaw sa kapangyarihan ng orihinal.

Nakakapanlusaw sa isang banda dahil nga mas personalisado ang relasyon sa mini-me na poon. Dinadamitan ito, tulad ng Barbie Doll. Mayroong Santo Niño na naka-diaper lang, naka-camouflage, naka-fur na pula at dilaw, naka-basketball jersey, naka-atiatihan na costume, naka-windbreaker, Bumbay na Santo Niño, environmental na Santo Niño, at Donya Santo Niño. May iba-ibang props din na bitbit, di lang ang tipikal na globe o supot para sa berdeng Santo Niño. May hand bag, net na panghuli ng isda, bonnet, at headress. May iba-iba ring personahe: Santo Niño na palaboy, Santo Niño sa kariton. At isinasayaw rin ito sa taas ng ulo kaya mas intimate ang relasyon sa Santo Niño sa kani-kanilang bahay.

Para ring bagong taon sa paputok. Hindi relihiyoso siempre ang tugtog sa hanay ng mga inarkila at homegrown na banda ng tambol. Parang Caribbean at Miami Sound Machine ang kumpas sa matutunghayan na musika ng “Spaghetti” at “Macarena”. Napapagitnaan ang banda—na hinahatak ng mga maliliit na bata ang tambol na nakapwesto sa sasakyang may gulong—ng naka-umpok pero disiplinadong hanay ng nakauniporme at choreographed na nagsasayaw na kasapi ng organisasyon. Sa isip ko, pwede na itong pang-opening ceremonies ng Olympics. Tunay na hitik sa enerhiya ng kalsada ang drum at bugle na banda ng kabataang lalake. May mga higanteng drum ng tubig—bakal at plastic—na nakapwesto sa karitong mahahatak ng kahit paslit.

Ang koordinasyon ng dalawang bahagi ng nagsasayaw, pati na rin ang kumpas sa banda, ay hinuhudyat ng sagutan ng pito ng mga nakatokang personahe ng organisasyon. Malinaw ang kumpas ng mga choreographer sa harap ng dalawang bahagi ng pulutong, pati ang nakatabi sa banda, at ang naghuhudyat ng sinkronisadong performance sa kalsada, pati ang pagpapadaloy ng prusisyon ay nakaangkla sa nasingsing koordinasyon ng pito.

At di mabibilang ang organisasyong kalahok at naghanda para sa prusisyon. Ang Herbosa Group ay nakadilaw na t-shirt. Ang Samahang Mangingisda ay may Santo Niño na nakasakay sa maliit na bangka at ang pagkilos ay nagsasaad ng indayog ng alon at kaguluhan sa bagyo sa karagatan. May organisasyon na ang tawag sa sarili ay “Kabataang Iwas Droga”, “Batang Hamog, Trop. Pacute”, “Tau Gamma Phi Roxas Chapter”, “Tribung Pacheco” at “Magsaysay Tribe”. At banggit ni Ferdie, mayroon ding organisasyon na puro gwapo ang kasapi, at mayroon pang screening para matiyak ito. May organisasyon na nakabase sa gym na puro nakahubad na nagsasayaw na lalaki ang nasa prusisyon. Dati raw ay ito ang unang bumubulagta sa prusisyon—mga lalakeng gym bods na nakatapis lang.

Ang grupong Gin Patayo ay nakapula at nakasuot ng asul at pulang t-shirt na may pangalan ng organisasyon. May ilang mas matitikas na lalake na naka-Clockwork Orange na putting mascara. May grupo na naka-itim, may grupo na naka-violet. Ang Pitong Gatang ay tampok parati ang mga mujer na bading, kuntodo costume na pumaparadang parang starlets at panandaliang nakikipag-umpukan sa kakilalang bading sa labas ng prusisyon. May grupo na ang mottong nakatatak sa t-shirt ay “One beat, one dance, one vision”. At may grupong ang logo ay Hello Kitty, na ang sponsor raw ay galing pa sa OCW na deboto sa Japan.

Ang choreography ay may halay factor, tulad ng paggiling ng macho dancer at grind ng mga babaeng African American. Parang sinapian ang lahat ng pagiging disipulo ng Aldeguer Sisters, ang “classy” na uri ng costume na choreography sa panahon ni Marcos. May bahagi pa ng choreography na babaklas ang nakauniporme sa hanay at gagawa ng iba’t ibang tumpok. May ihahagis na mas maliit na kasapi sa ere, parang Pep Squad, o bigla na lang sabay-sabay na gigiling na parang nakakawala sa nasusunog na gay bar. May sumasayaw na grupo sa tugtog ng “Legs” ng Hagibis.

Ang mga mas matatandang lalake ay tinatagayan ng gin. Ang mas bata ay may bitbit na Red Horse habang nagsasayaw sa kalsada. Pero ang matingkad sa prusisyong ito ay ang display ng akto ng sexualidad. Mula batang bading na may pride lang sa ginagawang pagsasayaw, hanggang sa mga magkakabarkadang teenager na babae na nanghihipo sa katawan ng lalakeng natipuhan nila sa loob ng prusisyon, pati na rin ang pagtutulakan para makahalik sa lalake, namumutiktik ang atensyon sa pamumukadkad at pagtanggap sa samu’t saring sexualidad.

At hindi ba kakatwa ito na ang debosyon para sa poon ay naisasalin sa paglalantad ng nakatagong isyu ng sexualidad? Macho dancer, giling ng egay, vogue ng mga bading ang tampok sa choreography na isinasayaw na may uri ng misrekognisyon sa pagsasalin nito sa iba’t ibang grupo—ang tampok na pagkilala ng indayog sa expresyon ng kolektibidad at hindi pa ang orihinal na pinanggalingan nitong sityo ng sexualidad. Ang interaktibong katangian ng parada—na pati ang nasa labas ng parada ay may antas ng paglahok sa loob—ay ang ugnay para magkaroon ng kinetisismo ng akto ng sexualidad.

Sa kabilang banda, ang libo-libong Santo Niño ay simulacrum pa rin ng orihinal, kasama ang kalakaran, ideolohiya at ethos nito. Extensyon pa rin ito ng orihinal na debosyon at rehimentasyon ng paniniwala. Gayunpaman, sa anim hanggang walong oras, sa bisperas ng rurok ng pagdiriwang ng kapistahan ng poon, ang poon ay di dinadambana sa simbahan kundi sa kalsada. At ang kalakarang nakakapagdambana sa poon ay hindi nito lubos na ikatutuwa. Temporal na napipigtas ang ideolohiya ng relihiyon ng simbahan para sa praxis ng ideolohiya ng relihiyon ng kalsada.

Ang erehiya sa debosyon ay naisasakatuparan ng sagutan ng pito. Habang tumatagal, sumisikip ang prusisyon. Natransforma ang relihiyosong prusisyon sa sekular na parada.

At sa aming pag-uwi, naiwan ang nag-uumpukang magkakaibigan, nagkukwentuhan ukol sa parada at sa kanilang partisisipasyon dito, may nag-iinuman sa sidewalk at kalsada, may nagwawalis na rin ng kalsada. Bumabalik ang kalsada sa dati nitong gawi.

Gayunpaman, “Viva Señor, Viva Santo Niño” hindi para sa orihinal kundi pa sa reprodusabilidad nito sa bawat nagpruprusisyon, naglalantad ng sexualidad, tumutunghay, nag-iinom, sumasayaw na kopya ng poon.(Bulatlat.com)

Ginum and Amorsolo painting

December 31, 2008

DAVAO CITY- The ongoing exhibit at the Davao Museum connects the great Amorsolo’s painting “Fruit Harvesting” with the common aspiration of Davao’s Bagobo tribe for a bountiful harvest.

“Celebrating Ginum: A Festival for a Bountiful Harvest,” runs at the Davao Museum until January 13 next year, the 13th of the 20 Amorsolo retrospective satellite exhibits slated around the country.

The satellite exhibit is a joint presentation of the Metropolitan Museum of Manila and the Davao Museum for “His Heart, Our Heart” Amorsolo Retrospective.

The Amorsolo Retrospective, opened last September 26 at the Metropolitan Museum of Manila, is a four-month multi-venue exhibition of Amorsolo’s finest works to remember National Artist Fernando Amorsolo and his fruitful life in the arts.

NOSTALGIA. A reproduction of Armorsolo’s Fruit Harvesting (1950) on display at the Davao Museum until January 13 next year. (davaotoday.com photo by Jonald Mahinay)

Early Western scholars, like Mateo Gisbert (1886), Faye Cooper Cole (1912-1913) and Laura Benedict (1916) had referred to Ginum as a Bagobo pre-planting festival, when the community offer sacrifices to the spirits for a good harvest.

But Moniko Cayog, the Bagobo chairperson of the indigenous people’s group Kalumaran, said Ginum is the Bagobo word for ‘drinking,’ usually done by the Bagobos after a good harvest to give thanks to the spirits. Ginum accompanies the Anig, the post-harvest celebration when the Bagobos drink tuba or any wine to celebrate. Anig usually takes place in January or in the last quarter of the year, according to Cayog.

Serve the People, Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Universidad ng Pilipinas: A Book Review

December 28, 2008

To present-day activists of the UP community, the book is a must reading. For no progressive movement could ever develop and achieve victory without drawing lessons from history .

For the un-initiated or to the mass of UP students and faculty, the book is a wealth of information and knowledge, from trivia about the names one sees in the halls and buildings, to the lives of the people you see around you, to the history of our beloved university.

BY BENJIE OLIVEROS
CULTURE

(Bulatlat.com)

Reading the book, one could not help but marvel at the colorful history of the premier state university in the country. The book, a collection of writings about UP’s storied past particularly its history of activism, brings the reader into the different periods in the university’s history: from its establishment to 1960, the turbulent times of 60s up to the declaration of Martial Law, the repressive period of Martial Law up to 1983, 1983-92, 1993-2000, and 2000 to 2008.

The writings about the first period 1908-1960, especially that of Dr. Elmer Ordonez and the editorial of historian Renato Constantino showed UP’s transformation from a tool of American colonization to an elite university enamored by its academic freedom; the growth of nationalism in the university right before the second world war and how it became a spark that ignited a student movement resisting the repression of the 50s and early 60s.

Writings about the second period showed the gestation of the national democratic movement not only in the university but in the whole country and the important role the faculty, students, and community of UP played in the process. It described the birth and blossoming of the Second Propaganda Movement culminating in the First Quarter Storm of 1969 up to the declaration of Martial Law. The writings also described the transformation of UP from an elite university into a university for the masses. An important feature of this section is the article of Prof. Judy Taguiwalo on the development of the militant women’s movement amid the semi-feudal society prevailing in the country.

The third period 1973-83 showed how the UP community tried to cope with Martial Law and how their defiance slowly gained momentum until the rise, once again, of activism and the protest movement of the late 70s and early 80s. It also chronicled the development of the progressive cultural and propaganda movement of the times that played a key role in breaking the climate of fear that Martial Law has tried to impose on the population.

Although there are still events and processes, which occurred during that period, that could still be added to the chapter, especially during the years from 1976 up to 1980. What Dante Ambrosio and Tess Vistro described as a relatively calm period punctuated by lightning rallies is true from 1973 up to 1975. It was a period of recovery and painstaking work, and, as Ms. Vistro described, a time of building networks.

By 1976, the influence of activists had already spread across a substantial number of student organizations – regional, varsitarian and academic organizations, fraternities and sororities, cultural groups – that some activists decided to shift their focus to organizing students in other universities at the university belt, and in urban poor communities. Inside the campus, protest actions were steadily intensifying such that the Metrocom and military agents could no longer contain these, especially with the eruption of the boycott movement. Big mobilizations replaced lightning rallies. LIghtning rallies were then being boldly held at Rizal avenue.

UP students tackled both university issues – such as the call for a return of the student council and the student representative to the Board of Regents, and against tuition fee increases – as well as national issues, such as ” Sahod itaas, Presyo ibaba”, “Ibagsak ang Martial Law”. Activists explained to the general population of UP students that “UP is a microcosm of Philippine society”.

The activists in UP played a key role in the struggle of the urban poor of Zone One Tondo Organization and the Batilyos of Navotas, as well as the establishment of the League of Filipino Students, the first chairperson of which was a UP student. By 1978 there was a reemergence of gigantic mass actions at Rizal Ave. and Plaza Miranda that were always attacked by the Metrocom. But these persisted until it was able to break the climate of fear that has gripped the country since the declaration of Martial Law in 1972. Activists from UP played a key role in all of these. There are more left to describe but it would take a separate article for this.

The section of the book dealing with the fourth period 1983-93 is very interesting as it not only describes the state of activism among the students then. More importantly, it described the equally important role and development of the progressive movement in the communities within UP and the union of employees.

Writings about the fifth period 1993-2000 showed the difficult times during the period, that of discernment and struggles, unities and contradictions that led to a break in the student movement within the university and beyond. This section also manifested the comprehensiveness of the book as it contains articles describing the further development of the progressive cultural movement and the growth of the movement of lesbians, gays, bisexuals and transsexuals within the university.

The last period 2000-2008 presented the state of the activism in the UP community now and the numerous issues and challenges it is facing especially amid the period of neoliberalism and crisis. It showed the different important issues and challenges confronting the UP community namely, the RGEP, the phenomenal increase in tuition and other fees, the new UP charter and the commercialization of the state university.

To give a human face to the development of activism in UP, the book chronicled the lives of some of its martyrs.

The epilogue of Prof. Judy Taguiwalo described the thread that permeates in all periods in UP’s history, which she described as the struggle of the university within the university versus the prevailing reactionary character of UP as an institution being as it is a tool of colonization and the status quo.

Comprehensive

The book is profoundly comprehensive in content and style. It chronicled the periods in the development of activism from the beginnings of the university up to the present. And it did this using different forms: essays, testimonies, editorial, poems.

In the process of describing the development of activism, no sector was left without being described: the movement of the students and faculty, the sons and daughters of the UP academic community, the communities within UP, the non-academic employees, the women, gays and lesbians. And of course, no progressive movement could flourish without the development of the progressive cultural movement.

But the descriptions tend to center on activism in UP Diliman. As it is, the book is already 458-pages long. Perhaps future books could also describe the history of the radical movement at UP Los Baños and Baguio, as well as other units in the UP system.

There were also overlaps in the descriptions of certain events in some articles. This , perhaps, could be attributed to the fact that the book is a collection of writing about UP by different authors. On the other hand, the overlaps provide the reader with more than one perspective about certain events.

To present-day activists of the UP community, the book is a must reading. For no progressive movement could ever develop and achieve victory without drawing lessons from history .

For the un-initiated or to the mass of UP students and faculty, the book is a wealth of information and knowledge, from trivia about the names one sees in the halls and buildings, to the lives of the people you see around you, to the history of our beloved university.

An alternative centennial?

At the beginning of the book, a question was posed regarding whether the book intends to present an alternative history or a different or counter presentation of history from the one being presented officially by the UP administration. The position of the editors of the book is that it is a counter-history.

But the question being posed could also be viewed from another perspective.

How can the relevance of a university be measured? How can the relevance and impact of a center of learning be measured?

Will it be measured in terms of how it expounds on current knowledge and maintains a current system, especially an oppressive one? Definitely not.

The relevance and impact of a new idea is measured by how it revolutionizes thinking and ways of doing things. Albert Einstein is an important figure in science. But would he have attained this level of importance if he merely expounded on Isaac’s law of motion? Definitely not. Einstein’s theory of relativity is significant because it revolutionized the thinking during that time, which, in turn, revolutionized science.

The same could be applied to a university. A university’s significance or impact in society is not measured simply by the number of times it imparts the same knowledge over and over again. Neither is its impact measured by the number of students it produces, especially if they end up merely doing the same things to maintain the oppressive relations in society.

The significance or impact of a university in society is measured by the revolutionary ideas it generates and the way it radicalizes current thinking, the number of revolutionaries it produces in all fields -arts and letters, natural and social sciences- and its contribution to revolutionizing society. Taken from that perspective, we could therefore say that the book “Serve the People, Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas” is the true history of UP.

Amorsolo’s “Fruit Harvesting” and the Life of the People

December 28, 2008

Have our peasants shown the same delightful faces during harvests since the war years ended? Is the same reason to celebrate a bountiful harvest still found in their hearts?

BY LORIE ANN A. CASCARO
CULTURE
Davao Today
Posted by Bulatlat

Davao City—Ten years after a fieldtrip during my kindergarten years, I visited Davao Museum again on a Saturday morning. I would not have bothered if not for Amorsolo’s satellite exhibit. The entrance fee piqued me a bit. It made me think that museums are not really for the common folk but for tourists who would like to see in a capsule the city’s history.

A museum is, for me, a repository of antiquities. It somehow reminds us about the people who used to live in this city. Found in the museum are their weapons, musical instruments, implements, wardrobes and jewelries that have survived the torments of time. The tableaux of Bagobos performing a Ginum, a pre-planting festival, to which Amorsolo’s Fruit Harvesting is linked, made me seek the deeper meaning of Art.

Fruit Harvesting, one of the paintings of the National Artist Fernando Amorsolo, was created in 1950, five years after the Japanese invasion in 1945. It depicts how life had been for Filipino peasants prior to the war years. Looking at the reproduction, which will be on display at the Davao Museum until January 13, 2009, brings not a nostalgic feeling but wishful thinking.

Have our peasants shown the same delightful faces during harvests since the war years ended? Is the same reason to celebrate a bountiful harvest still found in their hearts? I can still see in the Davao barrios farmers plowing with carabaos fields owned by big landlords, or harvesting bananas for exports while consuming root crops for their families’ survival. It is seldom that I find paintings dwelling on these conditions. I have never been to any museum that shows how historically Filipinos suffer through the long periods of colonization and poverty, and struggle for national liberation.

Some may say that art could not portray those realistic scenes. These scenes could not give aesthetic pleasure because it is depressing. But what is art anyway? “L’art pour l’art,” credited to Théophile Gautier (1811–1872), which means “art for art’s sake,” justifies that any work of art does not need any justification. Anyone then can be an artist by his or her own value of aesthetics. But is art for aesthetics alone? Is it some kind of passion or remedy for an artistic soul who seeks freedom and identity? Is there such thing as “art for art’s sake”?

A Chinese visionary said, “There is in fact no such thing as art for art’s sake, art that stands above classes, art that is detached from or independent of politics…” Amorsolo’s Fruit Harvesting belongs to the basic masses for it expresses the simple lifestyle of the Filipino farmers. Amorsolo’s exhibit and the Ginum tableaux that are found in the museum, not only brings back the memory of abundance and peace, but also stirs our consciousness towards the current socio-economic and political conditions.

I might not have the same appreciation of this museum ten years ago. But I hope those students who had the privilege to visit this place have the same realization. I hope they will not merely be awed by those artistic collections. They should also visit our barrios to see the picture of our communities that are still struggling with inequities rooted in history.

Paintings and other works of art greatly influence people’s mind. Art does not just keep memories of the past but also inspires and brings hope for a better future. Museums are worth visiting, as well as the real creators of our history—the common people in the barrios. Davao Today/Posted byBulatlat.com

Hit and Run

December 28, 2008

Hagunot muli ang bus. Tumawag ang konduktor: “Timog na! ‘Yung mga Timog diyan, alisto na! Kilos-kilos! Galaw-galaw!,” aniya. Napansin niyang malapit na sa GMA. Tinuktok niya ang mga balas sa itaas. Alisto ang drayber. Tumabi. Dali-dali siyang bumaba, habang nag-iinat-inat at inaayos ang nalukot na polo barong.

NI NOEL SALES BARCELONA
Bulatlat

Katulad ng mga umagang nagdaan, maalikabok, maaligasgas ang dapyo ng hangin sa balat. Ramdam niya iyon. Subalit higit na malagkit yata ngayon ang tama ng hangin bunga ng katatapos pa lamang na ulan. Tila pinaglapot ng tigatik kaninang madaling-araw ang alikabok, usok at buha-buhanging mula sa kalsadang dinudukal para bigyang-daan ang bagong LRT.

Nahirati na siyang sa may bintana maupo. Hindi niya gustong sumakay sa air-conditioned. Hindi sa lamigin siya. Gusto lamang niya ang haginit ng makina, ang itim ng usok na ibinubuga ng lumang mga bus na sa tantiya niya, mas matanda pa sa kanya.

“Cubao ibabaw, Ayala, Ortigas-Ilalim,” sigaw ng konduktor na nanlilimahid ang suot na kulay-kahel na damit na may marka ng kumpanyang pinapasukan.

Kanina, halos gumulong ang mga pasahero sa loob ng bus dahil sa kakaunti pa silang nakasakay; ngayon, halos hindi mahulugang-karayom ang loob ng lumang bus.

Ulinig niya ang usapan ng konduktor at drayber, na pasigaw ang bawat tugon. Nilalamon ng mga tinig at haginit, pot-pot ang mga boses nila.

“Paspasan natin… gusto kong maagang umuwi,” sabi ng konduktor na napuna niyang may katandaan na rin.

“Ako rin. May sakit si misis. Kailangang bumili ng gamot,” tugon ng tsuper.

May kaluwagan pa ang Edsa. Subalit tila pinasikip ito ng pakiwal-kiwal na mga sasakyang nagmamadali. Tiningnan niya ang relong pambisig. Alas-otso ang rehistro sa aparato. Ilang minute pa, muling lalamunim ng mga gusali, pabrika o kung anuman ang mga kasakay niya sa bus, sa loob-loob niya. Maging siya. Maging siya.

Hagunot, haginit ang makina ng bus. Kada himpil, baba ng pasahero’y papalit naman ang mga bago, mga babaing nakauniporme ng hapit na blusa’t paldang halos sangkapat lamang ng hita ang sukat; mga naka-long sleeves; may matanda; may mga batang nakakalong sa kanilang mga ina o ama.

Muli siyang tumingin sa labas habang parang panaginip lamang na dumaraan ang mga tanawin sa magkabilang panig ng Edsa.

Muling niyang naulinigan ang usapan ng konduktor na tapos na mamudmod ng tiket. Karamihan ng pasahero’y nakababa na sa may Mo. Ignacia. Ang ilan ay naghahanda nang bumaba sa NIA. Malapit na rin siyang bumaba. Sa may GMA.

“Halos hindi pa tayo nakaka-quota,” sabi ng konduktor.

“Makakarami rin tayo mamaya. Naunahan tayo kasi ng mga ungas,” anang tsuper na ang mga palad ay halos nakapagkit na yata sa manibela. Maligsi ang kanyang kanang kamay sa kambiyo samantalang mabilis din ang mga paa sa pag-apak sa silinyador, sa preno.

Hagunot muli ang bus. Tumawag ang konduktor: “Timog na! ‘Yung mga Timog diyan, alisto na! Kilos-kilos! Galaw-galaw!,” aniya. Napansin niyang malapit na sa GMA. Tinuktok niya ang mga balas sa itaas. Alisto ang drayber. Tumabi. Dali-dali siyang bumaba, habang nag-iinat-inat at inaayos ang nalukot na polo barong.

Malamig ang hanging dumampi sa kanyang balat habang muling humagunot ang bus, papataas sa flyover.

Sa isip niya, muli niyang naulinigan ang usapan ng konduktor at drayber kanina.

“Paspasan natin…Gusto kong maagang umuwi…May sakit si misis. Kailangang bumili ng gamot…Halos hindi pa tayo nakaka-quota…Makakarami rin tayo…”

May narinig siyang sagitsit, lagabog. Nagkakagulo ang mga tao. Napatakbo siya sa unahan.

“Inararo ng bus ‘yung van, o! Tumaob! Tumaob, o! Naku, duguan silang lahat! Kawawa naman iyong mga pasahero! Kaskasero kasi, e…”

Umalingawngaw ang sirena ng mga pulis, ambulansiya at bumbero dahil umaapoy ang naaararong van.

May bumundol sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang duguang mukha ng tsuper, konduktor at ilang nakasakay sa bus kanina. Biglang sagi rin, sa isip, ang mga pananalita ng isang dating artistang may-ari rin ng isang linya ng bus:

“Mas mahihirapan sila kung susuwelduhan…Maliit lang ang matatanggap nila. Mas mabuti nang per quota,” paliwanag nito nang kapanayamin sa radyo, telebisyon at diyaryo.

Muli niyang naisip, maysakit ang misis ni mamang drayber. Kailangan niyang bumili ng gamot. Inilathala ng Bulatlat.com

Pag-aaral sa wikang Bikol at paggamit ng wikang Filipino

December 27, 2008

LUNGSOD TABACO, ALBAY – Mainam na rin ang pagpunta namin ni Joy dito para mag-Pasko.

Tulad ng inaasahan, masayang-masaya si Joy dahil muli niyang nakasama ang mga kamag-anak at kaibigan. Kitang-kita ko ang ngiti niya at ng mga kaharap niya habang nakikipag-“istoryahan.” Nagmistulang palengke ang mga opisinang pinuntahan namin dahil sa biruan, alaskahan, tawanan at iba pang masayang ingay na dulot ng matagal na hindi pagkikita.

Para sa isang taga-Maynilang katulad ko, mahirap masundan ang usapan ng mga Bikolanong gumagamit ng sariling wika. Pero dahil ilang beses na akong nakapunta sa Tabaco at iba pang lugar sa Albay, napansin kong kaya ko nang maintindihan ang maraming kataga kahit na mabilis ang kanilang pagsasalita.

Hindi na ako masyadong nawawala sa usapan, bagama’t hindi ko pa kayang magsalita sa wikang Bikol. Ang anumang limitadong kaalaman ko sa wikang Bikol ay nagagamit ko lang, halimbawa, kapag sumasakay ng pampublikong transportasyon o nagtataboy ng hayop (e.g., “sika” para sa pusa, “hayo” para sa aso).

Para akong batang naaaliw tuwing may bago akong natututuhan sa wikang Bikol. Nakakagulat para sa isang hindi taga-Bikol na malaman, halimbawa, na ang ibig sabihin ng “raot” sa wikang Bikol ay sira. Pero may salitang “sira” sa wikang Bikol na ang kahulugan naman ay isda. Alam mo bang mayaman ang maraming “daga” sa Bikol dahil ang ibig sabihin ng “daga” ay lupa? Ang kinatatakutan mo namang daga ay “kino” sa wikang Bikol.

Sa tatlong beses kong pagpunta sa Jakarta ngayong taon, nalaman kong ang ibig sabihin ng “ayam” sa wikang Bahasa ay manok. Alam mo bang ang “ayam” sa wikang Bikol ay aso? Biro ko sa aking asawa’t biyenan, sa bansang Indonesia lang kami puwedeng kumain ng “ayam.”

Biro naman ni Joy sa akin, masyado raw akong “nalion.” Dito ko nalamang may ilang salita sa wikang Bikol na walang katumbas sa wikang Tagalog na kinagisnan ko. Ang kahulugan ng “nali” ay matinding pagkagusto at pagmamalaki sa isang bagay, lalo na’t kung bago.

Gusto ko mang gamitin ang salitang “oragon” sa wikang Bikol para ilarawan ang limitadong kaalaman ko, kailangang tandaang maraming kahulugan ito. Depende sa konteksto ng paggamit, ang ibig sabihin nito’y maaaring mayabang o mahusay. Nagagamit din ito para murahin ang isang tao (at personal kong naobserbahan ito nang makakita ako ng banggaan ng motorsiklo’t traysikel sa Tabaco at ang nangyaring sigawan ng dalawang lalaki).

Naging madali para sa akin ang unti-unting matuto ng wikang Bikol dahil hindi naman maaalis ang kaugnayan ng balarila’t ortograpiya nito sa iba pang wika sa Pilipinas. Para sa mga nagtataguyod ng paggamit ng wikang Ingles para magkaroon ng pagkakaisa diumano sa wikang ginagamit ng ating bansa, ang masasabi ko lang ay napakalimitado ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang wikang mayroon tayo.

Kahit hindi ko pa masyadong alam ang wikang Bikol, halimbawa, nakikita ko ang likas na kagandahan ng mga salitang ginagamit at ang etimolohiya ng mga ito. Ito ang nagtutulak sa akin para mas malalim pang pag-aralan ang wikang ito.

Kung pag-aaralang mabuti ang katangian ng mga wika natin, mapapansin ang pagkakaugnay-ugnay nila. Napakalaki ng oportunidad para payamanin ang wikang Filipino na magsisilbing kombinasyon ng iba’t ibang wikang ginagamit sa Pilipinas.

Pero paano mapapaunlad ang wikang Filipino kung ang mga nasa kapangyariha’y patuloy na ipinapakalat ang ideyang ang wikang Ingles ang siyang makapagpapaunlad sa atin? Dahil sa kanilang kolonyal na mentalidad, hindi na nila nakikita ang kagandahan ng mga wikang mayroon tayo, dahil malinaw na kanluranin ang kanilang pamantayan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com

Poets, Rock Bands Converge in Gig for S. Tagalog 72

December 4, 2008

The convergence of poetry and rock music characterized Down with the Crackdown, a concert held Nov. 22 at the Ten 02 Bar in Quezon City. Organized by the Artists’ Response to the Call for Social Change and Transformation (Artists’ ARREST), the concert was staged in protest against the political persecution of activist leaders from Southern Tagalog.

BY ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
CULTURE
Bulatlat

Ang pader ko’y di lamang malamig at malagkit,
Nakakwadro rin dito ang latay ng pasakit.
Ang sahig ko’y di lamang marumi at maganit,
Nakaratay din dito ang tisikong inip.
Ang rehas ko’y di lamang kalawang ang galis,
Naglangib na rin dito ang paglayang nais.

Wisikan ng tula ang langib ng paglaya!
Wasakin, wasakin ang rehas na sutla!
Wakasan, wakasan ang salot ng pagdusta!
Bumangon sa dilim na ngitngit ang tanglaw!
Banggain, banggain ang pader na ampaw!
Banggain ang karsel na pagtakas ang hiyaw!

Poet and former political detainee Axel Pinpin performed this poem of his, “Awit ng Bilanggong Politikal” (Song of the Political Prisoner), to the tune of an impromptu melody by punk band The Wuds. With the intensity of Pinpin’s poem and the aggressive beat of The Wuds’ melody, the poet and the band had no difficulty finding the common tempo that they needed to successfully pull the performance off.

The Wuds frontman Bobby Balingit would go on to perform two songs of his, each about children carrying the burden of poverty.

This performance was among the highlights of Down with the Crackdown, a concert held Nov. 22 at the Ten 02 Bar in Quezon City. Organized by the Artists’ Response to the Call for Social Change and Transformation (Artists’ ARREST), the concert was staged in protest against the political persecution of activist leaders from Southern Tagalog.

Last month, 72 persons – many of them leaders of cause-oriented groups in Southern Tagalog – were slapped with multiple murder and multiple frustrated murder charges in relation to an ambush carried out in 2006 by the New People’s Army (NPA) against policemen in Oriental Mindoro. They were charged without so much as even the benefit of a preliminary investigation by the fiscal’s office.

Six of them have been arrested – including Emmanuel Dionida, executive director of the labor research institute LEADERS, who suffers from polio. The five others are Remigio Saladero, Jr., a lawyer of the Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), founding member of the National Union of People’s Lawyers (NUPL), chief legal counsel of the Kilusang Mayo Uno (KMU or May 1st Movement), and columnist of the online newspaper Pinoy Weekly; Rogelio Galit, spokesperson of the Katipunan ng mga Magsasaka sa Kabite (Kamagsasaka-Ka or Farmers’ Confederation in Cavite); Nestor San Jose, leader of the Southern Tagalog Transport Sector Organization (Starter); Crispin Zapanta, member of Bayan Muna (People First); and Arnaldo Seminiano, organizer of the Ilaw at Buklod ng Manggagawa (IBM), a KMU-affiliated union.

Other respondents include Armando Albarillo, secretary-general of Bagong Alyansang Makabayan (Bayan or New Patriotic Alliance)-Southern Tagalog and signatory to the 2008 impeachment complaint against President Gloria Macapagal-Arroyo; Bayani Caronero, eighth nominee and Southern Tagalog regional coordinator of Bayan Muna; Doris Cuario, secretary-general of Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights)-Southern Tagalog; Helen Asdolo, secretary-general of GABRIELA-Southern Tagalog, Luz Baculo, secretary-general of Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog) and member of KMU’s National Council;

Orly Marcellana, secretary general of Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK or Confederation of Peasant Organizations in Southern Tagalog) and chairman of Bayan-Southern Tagalog; Romeo Legaspi, chairman of the Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog); Rolando Mingo, president of Starter and vice president of the Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston); Dina Captillo, spokesperson of Karapatan Batangas; Renato Alvarez, Kamagsasaka-Ka chairman; Romeo Aguilar, organizer of the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) in Rizal; and Pedro Santos, Jr., secretary-general of Anakbayan-Southern Tagalog and regional coordinator of Kabataan Party.

“We might think what is happening is so far from Metro Manila,” said Bayan’s national secretary-general Renato Reyes, Jr., who spoke at the event. “But the truth is, that could also be done to any of us here.”

Saladero was the subject of the poem recited by this writer, “Ngayon Pa Lamang ay Pinawawalang-sala Ka Na ng Kasaysayan” (This Early, History is Acquitting You):

Noon pa naihanda ang kanilang hatol sa iyo:
hinusgahan ka na nilang maysala
bago pa man masimulan ang paglilitis.
Sa ganang kanila’y kriminal na lahat
ang mga tumututol sa pagmamalupit,
sa pag-apak sa matagal nang inaapakan.
Isinadlak ka nila sa likod ng mga rehas,
at marahil ay hindi na magiging kataka-taka
kung sa isang moro-morong paglilitis
ay mapapalitaw nilang ikaw ay kriminal.

Ngunit maliwanag na rin ngayon pa lamang
kung ano ang magiging kapasyahan ng kasaysayan.
Kung mapalitaw man nilang ikaw ay maysala
sa hukuman nilang hukuman ng mga payaso’t sirkero,
ngayon pa lamang ay pinawawalang-sala ka na ng kasaysayan –
sapagkat nakaukit na sa papel ang mga tala
ng walang-pag-iimbot mong pagtatanggol
sa mga walang pambili ng “hustisyang” nabibili.

Rustum Casia, in his poem “For Humanitarian Reasons”, tackled the contrast between the special treatment for former Agriculture Undersecretary and suspected fertilizer funds scam mastermind Jocelyn “Joc-joc” Bolante and the disregard for the illnesses of Galit (who is suffering from diabetes and was scheduled for surgery at the time of his arrest) and Dionida.

In another poem, “Junket”, Casia turned to mocking the so-called “Euro-generals” led by former Philippine National Police (PNP) comptroller Eliseo dela Paz:

Habang nagdidildil ng asin para ulam ang sambayanan,
bigla silang darating at sasabihing walang masama
kung nagdala sila ng higit anim na milyong
piso sa Moscow.

At tayo.

Tayong hindi man lang makarating ng Bora, Tagaytay at Baguio.
Tayong palagi na lang ay namamaluktot-maikli ang katsang kumot.
Tayong patas at parehas lumaban.
Tayong nagtuturing ng malisya sa kanilang kabutihang para sa bayan.

Tayo lang ang nagbibigay ng malisya.

Mahiya naman tayo
at humingi ng tawad sa kanila.

Other performances were from the bands Semi.o.tic, Datu’s Tribe, and Brownman Revival. (Bulatlat.com)

Ifugao cultural masterpiece now face extinction

November 18, 2008

By JEREMY M. GAWONGNA

MAYOYAO, Ifugao — While the provincial government of Ifugao through the Ifugao Cultural Heritage Office exerts effort to repair the damaged portions of the rice terraces, other historical and cultural masterpieces here face extinction.


Apfo’or Burial Tomb of Inchimag in Banhal, Mayoyao. Photo courtesy of Jeremy M. Gawongna

Among these cultural masterpieces are the apfo’or burial tombs built in the early period for the family or clan. It is a rounded stone-walled enclosure large enough to sit a dead person and keep away rodents and other animals from desecrating it.

Elders here narrated only the well-to-do made use of the apfo’or. With only the crude wooden and stone tools of that early period, it was constructed with bare hands.

Sadly, beneath overgrown grass and weeds, two of this dome like structures collapsed through the years.

One of these tombs belong to Inchimag, a wealthy, childless woman of olden times who had her apfo’or built in the full exposure of the sun at the edge of the mountain range of Ottong. It in just a five-minute walk from the recently constructed Mayoyao hostel.

This stories passed on by oral tradition reveal that Inchimag wanted to be remembered by future generations in spite of being childless.

The locals say that the stones used were hauled by hand from distant Pinuwo river and the clay (oklet) to seal the grave cane from the distant elevated area called Tanaw.

The other apfo’or that also started to collapse is that of Uhupfan, a fierce yet childless chieftain in the early period of Mayoyao.

Elders say despite his fierceness his community mocked him saying his body would be fed to the dogs when he dies because he had no children to take care of his burial. Instead, he built his Apfo’or on the hill of Tomo and asked to be intered there when he died.

“He had a hundred bundles of palay (unhusked rice) pounded on the site and 20 pigs butchered to feed the people,” they added.

Gloria Likiyan, one of the indigenous knowledge holders, said she feels bad that the collapse and eventual extinction of the apfo’or burial tombs means the i-Mayoyaos are losing one aspect of their cultural heritage.

“These cultural masterpieces tell something about our past and someone must initiate to find ways to preserve it,” Likiyan said.

Some conservationists say that losing such a cultural masterpiece would mean the eventual loss of this town’s identity. #(NorDis)

Ang Pelikula bilang Pabaong Amerikano at Inobasyong Filipino

November 1, 2008

Ang kasaysayan ng pelikulang Filipino, dulot ng simulain at pabaong ng Amerikanong kolonialismo, ay kasaysayan ng politika at politikal na ideolohiya. Ang isa ring ginawa ng postwar na pamamayagpag at pagiging global na dominant ng Hollywood films ay dalawang bagay: una, panghinain ang lokal na industriya ng maraming bansa, kasama ang Pilipinas sa huling bahagi ng 1990s, at pag-takeover ng Hollywood hindi lang sa boxoffice kundi pati na rin ang mimicking ng lokal na pelikula sa narrative conventions ng Hollywood films; ikalawa, ang umiigting na softselling ng Hollywood sa ideolohiyang Amerikano na dati ay pumapabor sa Cold War na naging neoliberal rhetorics sa kasalukuyan, o ang pamamayagpag naman ng ideolohikal na cover ng Amerikanong pragmatikong ideolohiya sa kanyang global war on terror na nag-iwan sa bansang ito bilang natitirang global hegemon sa militar na usapin. Hindi kakatwa na matagal nang naging global hegemon ang pelikulang nito, ang Hollywood, bago pa man maabot ng US ang pagiging pinakamilitaristikong kapangyarihan sa mundo.

Ang huli kong nais tumbukin ay ang isa pang inobasyon ng lokal na industriya ng pelikula sa Hollywood—ang pagsasalin ng kolektibong ethos sa pribadong karakter at bida sa pelikula.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Malinaw ang simulain at intensyon ng pagdala ng kolonialismong Amerikano ng pelikula. Kahit pa nauna nang pumasok ang pelikula sa Pilipinas sa kasagsagan ng paghahanda para sa digmaan laban sa mga Kastila noong 1895, ang taon din ng pagpasok ng unang planta ng kuryente sa bansa, at ilan pang pag-aangkat ng teknikal na inobasyon sa pagtangkilik matapos nito, taong 1898 na halos magkasabay na bumaba si Adminal George Dewey matapos ng matagumpay na maigsing Battle of Manila Bay, at ang cameraman nito para mag-record ng pang-araw-araw na buhay sa bagong Amerikanong kolonya.

Kikilalanin ang mga pelikula bilang bahagi ng paperprint collection na matatagpuan pa rin sa Library of Cognress, at may mga titulo ito, tulad ng Rout of the Filipinos; Capture of the Trenches in Candaba; Aguinaldo’s Navy; Battle of Mr. Ariat (sic); An Historic Feat; Pack Train, General Bell’s Expedition; 25th Infantry; Bridge Traffic, Manila; The Escalta (sic), Manila; A Filipino Cock Fight; Unloading Lighters, Manila; Water Buffalo, Manila; Troops Ships for the Philippines; at Filipino Scouts, Musical Drill, at St. Louis Exposition.

Ang “Philippine insurgency” ay magka-capture sa imahinasyon ng Amerika na magbabago ang global na demand mula sa dokumentaryong uri ng pelikula tungo sa maiikling naratibo. Ang mga “actuality films” ay shinoot sa likod-bahay ng imbentor na si Thomas Edison sa New Jersey, at ang mga aktor na gumaganap na Filipino, tulad nang depiksyon sa Amerikanong negro, ay pinintahan ng itim sa mukha at katawan. Ni-restage ang digmaan sa studio, at may mga titulo itong tulad ng U.S. Troops and Red Cross in the Trenches Before Caloocan (June 5, 1899), Advance of Kansas Volunteers at Caloocan (June 5, 1899), at The American Soldier in Love and War (July 9, 1903).

Hindi ito ang unang pagkakataon na gagamitin ng US ang pelikula para sa hayagang ideolohikal na proyekto nito. Sa panahon ng Cold War, tatampok ang relasyon ng US sa Pilipinas bilang mahalagang lunsaran ng anti-komunismo. Ayon sa US National Archives and Records Administration, “mayroong nakalistang 48 produksyon ang US Information Agency at USAID para o tungkol sa Pilipinas.” Kasama rito ang tig-isang pelikulang gawa ni Manuel Conde, Give Us This Day, at Lamberto Avellana, Huk sa Bagong Pamumuhay, dalawa sa pinakamahalagang direktor sa kasaysayan ng pelikula sa bansa. May account din na si Conde ay gumawa pa ng isang pelikula, Krus sa Kawayan (1956) na mayroong tatlong bersyon sa wikang Tagalog, Vietnamese at ingles.

Aangakatin din ng Pilipinas ang ilang modelo ng Amerikanong filmmaking: ang studio system bilang business model sa efisyenteng paggawa ng pelikula (na sa bansa ay magkakaroon ng kakatwang gendered na perspektiba sa paghawak ng matriaka sa mga studio, mula kay Dona Sisang ng LVN hanggang kay Mother Lily ng Regal Films, at mga Tsino at lokal na negosyante may ugnay sa mga politiko at ibang industriya sa bansa); ang star system na lumilikha ng di lamang ng ikonikong status ng bida kundi pati na rin ang sentralidad ng bida sa proseso ng produksyon; at mula rito—at malamang, higit sa lahat—ang pag-aartista bilang lehitimong aspirasyon ng panlipunang mobilidad ng kabataan: lalo na sa kasalukuyan, na ang pag-aartista ay rurok ng magiging pag-unlad ng katawang kapital (body/corporeal capital); kaya rito, ang kakatwang formasyon ng kasalukuyang studio bilang kabahagi ng media conglomerates na nagtitiyak ng patuloy na sirkulasyon ng pelikula bilang sentral sa multi-media na produksyon (glossy magazines, recording studio, television companies, events management, cable television, at talent management), at kung gayon, ang pananatili ng kabataang katawan bilang sentral sa pribadong pangangapital.

Hindi naman reaktibo ang pambansang industriya at pamahalaan sa pagpasok ng pabaon ng Amerikanong kolonialismo. May continuity itong reappropriation ng pelikula ng lokal na makinarya ng pelikula. Namayagpag na sa apat na golden age ng cinema, o ang mayayabong na yugto ng masining at mapanuring pelikula sa kasaysayan nito sa bansa: una, sa prewar period na umabot na sa 50 pelikula ang nalilikha kada taon, at tanging apat na pelikula na lamang ang may nananatiling extant mula sa panahong ito; ikalawa, ang 1950s na unang nagpakilala sa lokal na industriya sa global na pamilihan, tulad ng Genghis Khan, Anak Dalita, at Badjao; ikatlo, ang panahon ng Marcos dictatorship, mula 1970s hanggang 1980s na bookended ng mga pelikula ni Lino Brocka na Maynila sa Kuko ng Liwanag (1975) at Orapronobis (1989); at ang kasalukuyang pamamayagpag ng tinatawag na Philippine independent cinema, na gawa sa mas demokratikong teknolohiya ng digicam, mas maliit na budget at lahok ang mga karakter aktor.

Si Ferdinand Marcos ang unang epektibong gagamit sa pelikula bilang politikal na instrumento. Integral ang pelikulang Iginuhit ng Tadhana (1965) sa kanyang pagkahalal at ang Pinagbuklod ng Langit (1969) para sa kanyang reeleksyon. Ang nauna sa kanya, si Diosdado Macapagal ay gumamit ng The Macapagal Story (1963) at Ang Daigdig ng mga Api (1965), ang bio at campaign movie na ipinantapat sa biofilm ni Marcos, at idinirek nina Lamberto Avellana, Eddie Romero at Gerardo de Leon, mga importanteng figura na magiging National Artists sa hinaharap. Si Gerry de Leon din ang nagdirek ng kasabayang pelikula ni Marcos. Ang sinimulang produksyon ng biofilm sa panahong ito ay mamamayagpag sa susunod na mga pambansang eleksyon sa post-Marcos era, na may resultang hindi katagumpayan. Bawat mahahalagang politikong nagnais mahalal bilang senador at pangulo ay nagkaroon ng biofilm, tulad nina Ruben Torres at Alredo Lim. Ang pinakamatagumpay na gagamit ng pelikula para sa politika ay ang mga ikonikong artistang hinubog ng sarili nilang studio, sina Joseph Estrada at Fernando Poe, Jr. na ang substansya ay ang kolektibong identifikasyon sa inaaping masa. Kakatwa na mula sa pelikulang bakbakan nanggagaling ang kasalukuyang mga senador, kasama ang second-generation na action stars, tulad nina Lito Lapid, Bong Revilla, Jr., at Jinggoy Estrada.

Ang kasaysayan ng pelikulang Filipino, dulot ng simulain at pabaong ng Amerikanong kolonialismo, ay kasaysayan ng politika at politikal na ideolohiya. Ang isa ring ginawa ng postwar na pamamayagpag at pagiging global na dominant ng Hollywood films ay dalawang bagay: una, panghinain ang lokal na industriya ng maraming bansa, kasama ang Pilipinas sa huling bahagi ng 1990s, at pag-takeover ng Hollywood hindi lang sa boxoffice kundi pati na rin ang mimicking ng lokal na pelikula sa narrative conventions ng Hollywood films; ikalawa, ang umiigting na softselling ng Hollywood sa ideolohiyang Amerikano na dati ay pumapabor sa Cold War na naging neoliberal rhetorics sa kasalukuyan, o ang pamamayagpag naman ng ideolohikal na cover ng Amerikanong pragmatikong ideolohiya sa kanyang global war on terror na nag-iwan sa bansang ito bilang natitirang global hegemon sa militar na usapin. Hindi kakatwa na matagal nang naging global hegemon ang pelikulang nito, ang Hollywood, bago pa man maabot ng US ang pagiging pinakamilitaristikong kapangyarihan sa mundo.

Ang huli kong nais tumbukin ay ang isa pang inobasyon ng lokal na industriya ng pelikula sa Hollywood—ang pagsasalin ng kolektibong ethos sa pribadong karakter at bida sa pelikula. Sa pamamagitan ng melodrama na matatagpuan sa lahat ng genre ng pelikula—mula social melodrama hanggang aksyon na ang bida ay lalake, sa bomba film hanggang sa horror film—ang anxiedad ng kolektibo ay natutunghayan, mapapalawig pero sa katapusan ng pelikula, magkakaroon lamang ng rekurso, tulad sa panlipunang antas, sa indibidwal na resolusyon. Mabigat ang mga pelikulang Filipino—kung bomba, ito ay ukol sa gahasa at kahalayan ng babaeng bida; sa aksyon, ang pang-aabuso sa moral na lalake, at ang kanyang panunumbas at paghahanap ng katarungan—na sa kabigatan nito, o ang kapasidad na ilahok ang historikal sa indibidwal na problema, ay hindi kailanman lubos na natutumbasan ng pagwawakas ng pelikula.

At ito ang pelikulang pinapanood ng marami, kahit pa naging tunay na gitnang uring karanasan ang aktwal na panonood sa multiplex na sinehan. Sa kasalukuyang indie cinema at ang propensidad nitong itampok ang mga karakter na latak sa pinakalatak, ito ang governmentalidad o ang kalakaran ng kalakaran ng governance, o ng maigting nitong failure sa buhay ng mamamayan ng bansa sa pang-araw-araw na pagdanas ng kanilang buhay. Kung sa panahon ng golden age ni Marcos ay natutunghayan ang dialog sa diktadura—dahil wala namang hayag na bumatikos sa martial law nito—sa pamamagitan ng affect ng masisikip at claustrophobic na lugar at mga mabubuting taong lumulubog unti-unti sa kumunoy ng panlipunang kasadlakan, ang kasalukuyang pelikula ay nagdadala sa usapin ng mas matingkad na voyeurismo, dahil sa kasalukuyang dispensasyon ng kapangyarihan, sa imeldific legacy ni Imelda kay Bayani Fernando, halimbawa, nililikha ang naghihikahos na mamamayan bilang invisible. Ang melodrama sa pelikula ang nagpapakita na hindi ito lubos na nagaganap.(Bulatlat.com)

Sipi mula kay Jose B. Capino, “Prsethetic Hysteria: Staging the Cold War in Filipino/American Docudrama”

Etsa-puwera sa siyudad

October 21, 2008

Jeffrey Ocampo

Rebyu ng City for Sale
Bidyo-Dokumentaryo
Produksiyon ng Sine Patriyotiko (Sipat), Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)
Direksiyon ng Sipat

KARANIWAN na itong kontradiksiyon sa kontemporaryong imahen ng lungsod: ang pagtatagpo ng nagtatayugang mga establisimyento at nanlilimahid na mga barung-barong na kung titingnan sa malayo at nang maigi ay larawan ng malupit na kabalintunaan. Kadalasan, di lamang yumuyuko ang abang mga kabahayan sa pagtindig ng bagong mga istruktura – ginigiba pa ang mga ito kasama ng pag-asa ng mga taong naninirahan dito. Sa dokumentaryong City for Sale na dinirehe ng Sine Patriyotiko (Sipat), ipinapakita ang nagbabadya at nagaganap nang pananalanta sa tahanan at kabuhayan ng libu-libong mamamayan sa pagtatayo ng Quezon City Central Business District (QCCBD).

Paglikha ng pinakamagarbong sentro ng komersiyo ng bansa ang ideya sa likod ng QCCBD. Sa laki ng sasaklawin at bilyun-bilyong pisong gagastusin para sa proyekto, hindi nga malayong maungusan nito ang nakatayo nang mga business district sa Makati at Ortigas. Ito ang magiging “sentro de grabidad” ng Kamaynilaan, banggit ng World Bank (WB) na nagpautang ng US $3 Bilyon sa pamahalaan upang kagyat na masimulan ang proyekto. Ayon sa dokumentaryo, si Pangulong Arroyo at si Sonny Belmonte, ang alkalde ng lungsod, ang masusugid na nagtutulak nito. Ipinapatupad ito sa ilalim ng Executive Order (EO) 620 na may titulong Rationalizing and Speeding-up the Development of the East and North Triangles and the Veteran’s Memorial Area of Quezon City as a Well-Planned, Integrated and Environmentally Balanced Mixed-use Development Model. Binuo naman ang Urban Triangle Development Commission upang mangangasiwa sa pagpapatupad ng plano para sa QCCBD. Bahagi ang proyekto ng infrastructure program ng pamahalaan na ayon sa dokumentaryo ay pagbibigay daan para sa negosyo ng dayuhang mga mamumuhunan.

Sa dokyumentaryo, tinatakalay ang magiging epekto ng pagtatayo nito sa mga mamamayan. Tinutukoy nito ang mga maralitang tagalungsod at mga kawani ng pamahalaan bilang pangunahing maaapektuhan ng nasabing proyekto. Ayon sa tagapagsalita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na si Carmen “Nanay Mameng” Deunida, hihigit sa 15,000 pamilya ang mapapaalis mula sa kanilang mga tahanan upang bigyang daan ang pagtatayo nito. Ayon naman kay Ferdinand Gaite ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), maraming kawani ng pamahalaan ang maaaring matanggal sa trabaho sa sandaling alisin ang mga tanggapan nito sa sasaklawin ng QCCBB.

Sa pagsisimula pa lamang, malinaw ang tindig ng dokumentaryo. Ayon dito, “Ang sukatan ng kaunlaran ng isang lipunan ay ang kalidad ng kabuhayan ng [mga] mamamayan [at] hindi ang pagkakaroon ng nagtatayugang mga gusali, magagarang tulay o malalamig na pamilihan.” Gusto nitong iparating na kailangan munang unahin ng pamahalaan ang batayang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Dagdag pa, sinasabi nitong kailangan ng mga mamamayan ng “angkop na sahod” upang makapamuhay nang marangal.

Relokasyon/Dislokasyon

Kabilang ang Sitio San Roque, San Isidro, Brgy. Central at Pinyahan sa mga lugar na maapektuhan ng proyekto. Sa mga salaysay ng kinapanayam na mga residente para sa dokumentaryo, mababatid ang pangamba ng karaniwang mga tao sa napipintong pagkawala ng kanilang tahanan at kabuhayan. Sa kabilang banda, mababatid naman ang kanilang galit at kahandaang ipaglaban ang kanilang karapatan.

Isa sa mga tinalakay ng dokumentaryo ay ang relokasyon para sa mga residenteng mapapaalis sa kanilang tirahan. Sa mga salaysay at footage na nagpapakita ng hitsura ng mga relocation site, hindi nga kataka-taka na pagsisisi ang nadadama ngayon ng mga taong piniling magpalipat sa ibang lugar.

Kinapanayam ang dating mga residente ng tabing-riles sa Camanava na ilinipat sa Northville sa Balagtas, Bulacan. Inilarawan ng bawat isa ang hirap na kanilang dinadanas sa binigay sa kanilang bagong “tahanan.” “Mas masahol,” anila, ang buhay nila ngayon kumpara noong sila’y nasa riles pa. May “amoy ang tubig,” walang kuryente, “tumataas ang tubig sa konting ulan” at maipambibili na ng isang kilong bigas ang pamasahe mula sa loob hanggang sa trabaho ng mga linipat dito.

Ang di makataong kalagayan sa mga relocation sites ay isang reyalidad. Karaniwan nang itinatapon ang mga dine-demolish sa “malalayo at liblib” na mga lugar pagkatapos pangakuan ng maayos na pabahay. Kaya naman karamihan sa kanila ay bumabalik kung saan sila dating naninirahan o kaya’y naghahanap ng bagong lugar na maaaring pagtayuan ng kanilang mga kabahayan. Kadalasan, naninindigan ang mga residente na manatili at ipaglaban ang kanilang tirahan bago pa man sila maitapon sa mga katulad na lugar.

Larawan ng pagsisisi ang mga residenteng nagsasalaysay ng kanilang paghihirap. Tila nagsasalita din at sumasang-ayon sa kanila ang walang palitadang dingding sa kanilang likuran at nakausling mga bakal sa paligid. Wala silang maipakitang tahanan; kalansay ng pinangakong maayos na pabahay lamang. Kung makakain nga lamang ang buhangin at batong pinagawa ng di tapos na pabahay, himutok ni Aling Juanita, isang residente ng Northville.

Pananalanta

Hunyo pa lamang ng nakaraan taon nagsimula ang pananalanta ng proyekto. Una nang pinalayas ang mga nakatira at “maliliit na negosyante” sa kahabaan ng North Avenue. Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsagawa ng pagpapaalis na ayon sa dokumentaryo ay isang porma ng demolisyon na nakakubli sa ngalan ng “sidewalk cleaning operation.” Aabot umano sa 400 tauhan ng MMDA ang nagsagawa ng operasyon. Ayon kay Ricky Tomotorgo, dating residente sa North Avenue, magsisilbi itong “testing” na tatantiya kung kaya nang gibain nang tuluyan ang mga kabahayan sa kahabaan ng nasabing daan. Sa Sitio San Isidro naman, ikinatwiran sa mga residente na gagamitin bilang parking lot ng Office of the Ombudsman ang kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan. Sa footage, ipinakita naganap na demolisyon: Isa-isang tinitibag ang mga hollow block at dinadala palayo ang mga materyales ng bahay ng mga residente. Isa sa kanila ang nagsabing pinili na lamang niyang lumayo habang ginigiba ang kanyang bahay dahil “parang ako ang minamaso.”

Kung sa usapin ng ahensiya ng pamahalaan at mga empleyado nito, nangangamba ang Courage sa mangangahulugan ang napipintong paglilipat ng mga ito sa ibang lugar ng tanggalan sa trabaho sa mga kawani ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, isa nang ahensiya ng pamahalaan ang nalipat ng lugar. Nagulat na lamang ang mga kawani ng Department of Agriculture sa biglaang paglipat ng tanggapan nito sa Iligan City sa probinsiya ng Isabela.

Hindi ramdam ang pag-unlad

Aabot sa mahigit 250 ektarya ang “pauunlarin” para sa proyekto. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng aerial view ng lungsod, naipakita kung gaano kalaki sa aktuwal ang saklaw nito. Sa dokumentaryo, iginigiit na ang sinasabing “hakbang sa pag-unlad” na ito ay pakikinabangan lamang ng iilan. Ayon kay Gaite, “ang pokus [ng proyekto] ay sa malalaking negosyo’t kapital [habang] isasantabi ang interes ng [mga] mamamayan.” Ito ang dahilan kung bakit maraming tumutol sa QCCBD.

Kapalit ng tahanan ng nakararami ay mga “gusaling komersiyal, residential condominium, call center at pasyalan ” na ang makikinabang ay ang mga “dayuhang mamumuhunan at higanteng negosyante.”

Sa bawat panayam sa mga maapektuhan ng proyekto, napapabatid ang kanilang abang kalagayan. Ayon sa isang pedicab driver sa Sitio San Roque, ang kanilang “kinikita ay kulang pa sa aming pangangailangan.” Dagdag ni Aling Juanita, kinakailangan na nilang mag 5/6 upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Malinaw din, anila, na walang pag-unlad na nagaganap dahil sa pagtaas ng presyo bilihin.

Patudsada naman ng isang residente ng Brgy. San Roque, habang gumagawa basahan mula sa mga retaso ng tela, “karpintero ang asawa ko pero tingnan mo ang bahay ko.”

Sa kabilang banda, naipakita rin ang kahandaaan nilang labanan ang proyekto. Ipinakita ang pagtatayo at pulong ng mga organisasyon na pinagtulungang itayo ng mga residente na magsagawa ng kolektibong mga pagkilos upang hadlangan ang pagpapatupad nito.

Bidyo-dokumentaryo bilang lunsaran ng protesta

Testimonya ng maralitang mga mamamayan ang pangunahing laman ng dokumentaryo. Binuo ito upang sa ganitong paraan ay makapagpahayag ang karaniwang mga tao tungkol sa pangamba sa kanilang kalagayan at galit sa mga nagiging dahilan ng kanilang paghihirap. Ang bawat piraso ng imahen – gusgusing mga bata, di mapanatag na mga mukha, pader na tinitibag, kalawanging yero at karitong gumugulong –bumubuo sa larawan ng busabos na pamumuhay ng mga mamamayan. Inililibot ng mata ng bidyo-kamera sa pamamagitan ng pedicab ng maralita ang mahabang naratibo ng kahirapan.

Sa kabilang banda, bagamat di gaanong ipinakita ang mga nasa likod ng mapaminsalang proyekto, sinimbolo naman sila ng bulldozer – na instrumento ng pananalanta – na paulit-ulit na pinakita sa dokumentaryo.

Masasabing tagumpay ang dokumentaryo sa layunin nitong ipakita ang kalagayan ng mga mamamayan na maapektuhan ng proyekto. Pinagkunutan ng noo ng mga manunulat, videographer, editor at iba pang kasapi ng Sipat ang dokumentaryo sa loob ng anim na buwan. Ginamit para dito ang musikang kabilang sa rap genre ni Eric Tandoc, isang klase ng musika na masasabing malapit, sumasalamin at tumutulong na makamit ang mga adhikain ng maralitang mga mamamayan. Gayundin, pinagtulungan din ng iba’t ibang organisasyon, sa pangunguna ng Courage at Kadamay, at mga residente ng apektadong mga lugar ang pagbubuo nito mula sa konsepto hanggang sa pagluluwal at pagsasalang ng dokumentaryo sa mga manunuod.

Para sa Sipat, maaaring gawing lunsaran ng protesta ang bidyo. Sa katunayan, naniniwala ito na dapat gamitin ang midya bilang espasyo para sa “demokratikong pagpapahayag” at paglalantad ng mga tunay nagyayari sa lipunan. Higit, naniniwala ang grupo na kailangang manghikayat ito ng “kritikal na pagtugon” sa mga isyung kinakaharap ng lipunan. Nakapagpalabas na rin ang grupo ng iba pang katulad na bidyo-dokumentaryo tulad ng Mula 3rd Avenue Hanggang Dulo.

Sa huli, ito ang nais iparating ang dokumentaryo: “Ang kahulugan ng QCCBD ay lalong pagpapayaman ng iilan samantalang gutom [at] kamatayan sa mga maralita at kawani ng gubyerno.” Ngunit hindi ito ang kongklusyon ng naratibo nito. Sa halip, sinasabi nito na ang “kolektibong pagkilos” at kapasyahang lumaban ng mga mamamayan ang magiging mapagpasya sa labang ito.(PinoyWeekly)

KULTURANG POPULAR KULTURA: Ang Environment ng Gay Cinema

September 17, 2008

Tulad sa bomba film, fino-foreground ang sexualidad ng kabadingan sa gay film.  At tulad pa rin sa bomba film, fino-foreclose din ang display ng sexualidad.  Ang pagbasa ng radical potential ay sa labisang pamamayagpag ng display ng sexualidad, kaya nga may afinidad ang bomba sa gay film, o sa mas precise, gay cinema ang panibagong permutation at continuum ng bomba film.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 31, September 7-13, 2008

Sa pagpasok ng 2000, nawala ang mga pelikula na sa huling mga 30 taon ay bumuhay sa pelikulang Filipino.  Kung sa dami ng bilang ang pag-uusapan, ang mga pelikulang sexy, sa partikulang ang tt (titillating) films, ang huling permutasyon ng bomba film na unang lumabas sa huling bahagi ng dekada 60, ang namayagpag.

Tinatayang pinakamataas sa 60 porsyento ng mga pelikulang lumabas sa panahon bago mag-2000 ay galing sa genreng bomba.  Bomba ang tawag sa pelikulang soft-porn, namumutiktik sa heterosexual sex scenes, at karamihan ay misogynist ang pananaw sa objektifikasyon ng bidang babae.  Mura ang produksyon ng pelikulang bomba at mas malaki ang tsansang bumalik ang investment, at dagdag na kita.

Gayunpaman, marami sa pelikulang bomba ang bumuo ng lehitimasyon ng “second golden age” ng Philipppine cinema:  Pinakamagandang Babae sa Balat ng Lupa, Virgin Forest, Scorpio Nights, Macho Dancer, at Private Show, bilang ilang halimbawa.  May dalawang dahilan kung bakit nawala ang genre ng bomba film, at naluwal ang kakaibang supling nito.

Una, ang mas direktang polisiya ng ShoeMart (SM) cinema complexes, na may hawak ng mayorya ng kasalukuyang bilang ng sinehan sa bansa, na magpalabas lamang ng “wholesome family entertainment” na pelikula.  Hindi na pwede ang R-18 na pelikula na siyang kinabibilangan ng maraming bomba film.  Maipapalabas na lamang ito sa mas limitadong bilang ng sinehan na stand-alone, na mabilisang naglalaho na, at kalabang cinema complexes ng SM.

Ikalawa, ang hindi direktang polisiya ni Gloria Arroyo na magpalabas ng nagmamalinis na imahen ng kanyang rehimen:  natural family planning method ang tampok na reproductive health policy, ang rubberstamping (a la Marcos) ng Korte Suprema at Kongreso sa pagkahon ng mga anomalya bilang lehitimong kalakarang pambansa, at sa pelikula at telebisyon, ang mas maigting na sensura sa politika, na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagba-ban (X-rating) di lamang ng pelikulang bomba at kalaswaan sa TV, kundi maging ng mga politikal na pelikula.

Hindi naman nawala ang pelikulang bomba.  Natransforma ito sa ibang representasyon ng sex at sexualidad.  Nanatili na lamang sa laylayan ang heterosexual na pelikulang bomba. Ang pinakahuli ay Torotot (2008) ni Mario J. Delos Reyes na bagamat heterosexual ang diin ay tampok ang queer na mga elemento:  mga nagtataksil na babae na pinapatay at kinukulong, mga lalakeng nakakatakas sa krimen at nagspa-spa imbis na mag-beerhouse kapag nastre-stress.  Ang namayagag sa kasalukuyang panahon ay ang pagpasok sa era ng gay cinema.

Sa kauna-unahang pagkakataon, stand-alone na ang gay cinema.  Nagsimula ito sa investment ng malalaking studios sa gay cinema.  Viva ang naglabas ng mga Hot Men series at Provoq, at ang Star Cinema ay ang mga maykayang macho na dokyu.  Kahit ang mga ito ay mga instruksyonal na video ukol sa pagkalalake at pagmasahe, ang pangunahing tinarget ng mga video ay ang pink market.  Nailangkap ang gay-ness sa pamilihan, sa kapitalismong kinatatampukan ng kanilang “inherikong” katangian:  over-achiever, independent, surplus income, spending na nakatuon sa lifestyle, at iba pa.

Sa kalaunan ay naglipana rin ang mga produksyon ng non-studio at quasi-independent production houses.  May nakita akong instructional at dokyu video ukol sa macho dancers. Si Chris Pablo ang sustenidong auteur ng unapologetic na gay cinema na hayag ang sexual na pagnanasa.  Bawat festival, tulad ng Cinemalaya, ay may “gay” offering.  Sa unang Cinemalaya Independent Film Festival, ang nagwagi ang ang coming-of-age na Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivares.

Pakantyaw kong tinanong si Francis Pasyon, direktor ng Jay sa 2008 Cinemalaya, kung “gay film” ba ang kanyang pelikula, kung ito ba ang gay film para sa festival.  Hindi ito natuwa sa tanong ko, binalik niya ang tanong, “Ano ba ang gay film?”  At naisip ko kung meron pa ba itong ibang definisyon?  Hindi naman ito tulad ng women’s cinema na may liberal na demokratikong panuntunan–“films by women, of women, for women.”

Ang gay film ay mas hayag ang sexualidad ng pagkakaiba.  Ginawa para mag-titillate ng gay audience.  Ang formula:  isang bading, at least isang gwapong lalake, parehong magkaiba ang background, magtatagpo, magtatalik, magkakaproblema, magkakaroon ng kadalasan ay trahedyang resolusyon, at “the end.”  Reverse na heterosexual na bomba film.  Matingkad ang exploitative na elemento.

Halos makadalawang linggo ay mayroong indie gay film na nagpre-premiere sa Cine Adarna ng UP at pinapalabas sa Robinson’s Galleria.  Bagamat ganito, karamihan pa rin ng gay film ay sumusunod pa rin sa ideolohiya ng naunang pelikulang bomba:  morality batay sa mannichean dialectics.  Pinaparusahan ang bading dahil sa pagiging bading na sabjek, na ang ibig sabihin ay lumabag siya sa paglampas sa pagkakahon sa kanya—ang pagiging hayag ng kanyang sexual na pagnanasa.

Ideolohiya rin ng pisikalidad ng pelikulang bomba ang namamayagpag sa gay cinema.  Kung sa pelikulang bomba, ang bombshell na babaeng bida ang ginagahasa, naliligo sa outdoor na banyo, napipilitang magsayaw sa bar, niloloko ng asawa kaya naghahanap ng iba, at iba pa, ang bata at maskuladong lalake sa gay film ang dumadanas nito.  Nakasentro ang mga pangyayari sa kanilang magandang katawan na siyang nagiging reseptakulo ng moral na retribution sa klimaktikong bahagi ng pelikula.

Ang sentralidad ng katawan ng bidang lalake sa gay film ang siyang nagtutulak sa obhektifikasyon nito.  Karnehan galore, kumbaga, lalo pa ang filter para sa imahen at imahinasyon ng bading na pagkalalake ay sa pamamagitan ng lalakeng aktor na ang identifikasyon, sa labas at maging sa loob ng pelikula, ay heterosexual.  Katawan itong sexual—bata at maskulado—at kung gayon, nakapakete sa recognizable na brand, at kung gayon, lantarang identifikasyon at obhektifikasyon sa gay profile ng mismong manonood:  maykaya, “Malate gay” na straight-acting, at anti-effeminate na bading na ang identifikasyon ay sinaunang maykapangyarihan (couturier, mama-san sa gay bar) o underclass (parlorista).

Hindi naman ito nakakagulat dahil sa pamamagitan ng heterosexual na maskuladong lalake muling nabibigyan-pribilehiyo ang historikal na katawang entidad sa diskurso ng gay sa bansa.  Sa naunang panahon, ang identikasyon ng bading na desire ay sa batang heterosexual na lalake.  Sa kasalukuyang panahon, ito ay natransforma sa bata hanggang batang matandang straight at straght-acting na lalake, pero gayunpaman, maskulado o pagkalalake pa rin, kahit hindi lantad at performatibo na lamang ang heterosexualidad.

Mayroon parating disjuncture sa gay film.  Una, madalas sa madalang, hindi nagkakatuluyan ang desire sa kanyang objek.  Hindi nagkakatuluyan ang desire ng hayagang bading sa heterosexual na lalakeng objek.  Ikalawa, ang moral retribution sa pagiging hayagan ng pagnanasa—tulad sa babae sa bomba film—ay lampas-lampasan naman sa panlipunang problema at kondisyong kinasadlakan ng bading sa gay cinema.

Kaya madalas din sa madalang, hindi happy ending ang bading.  Ano ang sinasabi nito?  Kahit pa tematiko ang gay cinema, nakapaloob pa rin ito sa mas malaking genre, tulad ng genreng bomba, sa melodrama.  Kung melodrama ito, babae ang bida, at ang feminine ang balon ng domestiko at panlipunang anxiedad, at kung gayon, ang reafirmasyon ng feminine bilang mas mababa sa patriyarka ang magiging resolusyon ng anxiedad.  Na kahit pa straight-acting ang objek ng desire, feminine naman ang ethos na gumagabay sa paglalantad ng diskurso sa melodrama ng gay cinema.

Inaapi dahil bading, pinaparusahan dahil nagiging lantad ang kabandingan.  Na sa huli, ang mannichean dialectics ay nagpaparusa sa kalabisan.  Ang kabadingan ay kalabisan na dapat ipulisya kaya pinaparusahan.  At dahil ang kaparusahan ay lampas-lampasan sa aktwal na filmikong realidad, ang afinidad ng subgenre ng melodrama ng gay cinema ay horror movie.

Sa horror movie, grotesque ang patayan, lalo na ang destruksyon ng pangunahing buhay, ang objek ng horror, kahit pa sa pelikula ay hindi naman sukdulan ang pagkalaho.  Na kahit na napalaho, parating may pangamba na nagpapatuloy pa rin ang terror.  Deviant kasi ang turing pa rin sa bading sa gay film, at kung ganito, deviance ang pagiging bading at paguring sa gay life-choice.

Ang pagparusa sa bading ay reinforcement ng tama at mali sa lipunan.  Kinakahon sa huli ang bading dahil sa una pa man ay hindi lubos na katanggap-tanggap ang kanyang presensya.  May pelikulang bading na namamatay ito sa huli, pinapatay, ginagawang self-referensyal na lamang sa di-bading na aktor at pelikula (tulad sa Jay), at iba pa.

Ang tawag sa self at kolektibong hatred at galit sa babae ay misogynist.  Ang ginagawa sa gay film ay ilantad ang bawal (pagiging gay), sukdulang pamamayagpagin sa kabuuan ng pelikula, pero sa huling bahagi ay sukdulan ding ikahon.  Hindi ba’t misogynista rin ang turing sa gay at gay-ness sa gay film?

Tulad sa bomba film, fino-foreground ang sexualidad ng kabadingan sa gay film.  At tulad pa rin sa bomba film, fino-foreclose din ang display ng sexualidad.  Ang pagbasa ng radical potential ay sa labisang pamamayagpag ng display ng sexualidad, kaya nga may afinidad ang bomba sa gay film, o sa mas precise, gay cinema ang panibagong permutation at continuum ng bomba film.

Pinupulisya ang gay character sa pamamagitan ng pagkahon sa labis na display ng sexualidad sa usaping internal lamang—domestiko sa heterosexual na pelikula.  Pero kahit sa bomba film, dahil nag-trespass ang babae sa ipinagbabawal, hindi na ito makakabalik maging sa lugar na laan sa kanya, ang domestikong espasyo.  Sa huli, ang paglabag nila ang siyang magtatakda ng kaparusahang di na sila kailanman makakabalik sa loob.

Sa gay character, sa simula pa lamang ay itinakda na na ni hindi siya angkop sa domestikong espasyo.  Walang role model ang lipunan ng mga masasayang relasyon ng bading couple.  Masasaya, at ang korolaryo nito, o malulungkot lamang ang mga bading.  Kaya ang internal na usapin ng kabadingan ay sinasabing panloob ng indibidwal lamang.  Hindi ito mailalabas dahil kapag nagawa ito, naging rasyonal at batayan para ito itatwa—hindi tanggapin sa loob at labas ng sarili.

Ang internalisasyon ng tensyon ng kabadingan ay ugma sa relasyon ng mamamayan kondisyon ng posibilidad kay Arroyo—hindi angkop na ilabas ang indibidwal na anxiedad kaya kailangang ipailanlang ito sa panloob ng indibidwal, humanap ng sariling resolusyong di makakabagabag sa iba, lalo na sa awtoridad, at sa puntong ito, ang establisyimento at rehimen ni Arroyo.

Maaring mamayagpag sa internal na envrironment ang mga nire-repress, pero hindi maaring ibuyanyang sa publikong spero.  Kung ibuyanyang, mayroong self-reflexivity na gamit ang filter ng heterosexualidad na pagkalalake, at kung magpakaganito, may tasitong agreement na maeetsapwera ang feminine at maging maskulinisadong bading.  Samakatuwid, pwedeng magnasa ng mas magandang buhay pero di pwedeng ilabas sa publikong spero, kailangan nakakawing sa kondisyon ng posibilidad, kung bakit patuloy na makakapamayani si Arroyo imbis na maudlot ang ehersisyo ng kapangyarihan nito.

Self-policing, self-censorship ng creativity, self-censorship ng mga journalist para manatiling buhay, at self-flagellation kahit hindi semana santa.  Pwede pero hindi talaga pwede, hindi talaga pwede pero pwedeng ipwede paminsan-minsan, at kung ganito, pwede-pwede na.  Kung hindi sasanga ang gay film sa ibang direksyon, isang maniobra lamang ng negosyo at gobyerno, maglalaho ito parang bula gaya ng miminsanang bisibilidad ng heterosexual na bomba film.

Ni ang sariling pink market nito, at ang nakikitang oasis ng overseas gay market na mahilig sa exotikong kabadingan ng Third Worldly-ness, ang hindi na rin makakasapat. Ang politikal na sexualidad ng kabadingan ang daan para makausad lampas sa exploitative na antas ng gay cinema.  Politikal, ibig sabihin, transformatibo sa sarili at lipunan.  Politikal, ibig sabihin, may pagtanaw sa mas egalitaryong hinaharap lampas sa mismong ibinubuyanyang ng sexualidad at kabadingan. Bulatlat

Kasiyahan sa Kultural na Imperialismo

September 17, 2008

Sa bigat ng papasanin ng kultural na imperialismo-kahit pa ang imahen ay ang maligayang tagabuhat at kargador-ay hindi nakakasapat ang pagplantsa ng subersyon sa pang-araw-araw.  Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri bilang tunay na kahandaan sa politikal na transformasyon-ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng imperialismo.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 32, September 14-20, 2008

Tinuturing na wala nang reli (relevance) o cache ang “kultural na imperialismo.” Paano ka naman masasakop ay malaya naman ang mamamayan at bansa? Paano ba manakop ng utak at kamalayan?  Wala namang mind snatchers, di tulad sa pelikulang science fiction. Dahil sa pagbagsak ng Berlin Wall na naghudyat di umano ng pagbagsak din ng sosyalismo, wala nang empire at imperialismo dahil nakakapagbalikwas naman pala ang mamamayan. Pero hindi ito totoo.

Ang mas mabigat at operative term pa rin ay “imperialismo,” at descriptive qualifier ang “kultural.”  Ang imperialismo ay ang “pinakamataas na yugto ng kapitalismo” (Lenin) na pumapatungkol sa mas matinding kalakaran tungo sa konsentrasyon ng kapital sa iilang makapangyarihang bansa; at kung gayon, mas matinding anyo ng panunupil at exploitasyon. Ang naunang panahon ng imperialismo ay ang direktang kolonisasyon ng mga “primitibo” at may likas-yaman na mga bansa.

Lalo sa nakaraang ika-20 siglo, matapos makalawang ulit magkipagdigmaan ang mga natitira at umuusbong na kapitalistang mga bansa, naging matindi ang literal na karahasang dinanas ng sangkatauhan.  Milyon-milyon ang namatay. Ang teknolohiyang pinaunlad ay tungo sa higit pang militaristikong kapangyarihang proteksyunan ang lumalawak na interes, at pangangailangan sa mas malakihang market.

Sa nakaraang siglo rin pinakamaraming bilang ng mga bansa ang naging independiente. Hindi pa ito, sa pangkalahatan, dahil sa nagbabagong-anyo ng mundo tungo sa higit na egalitarianismo, at paggalang sa karapatang pantao at pambansang soberanya. Ito ay mas pumapatungkol pa sa bagong taktika ng mga imperialistang bansa na hindi naman pala kailangang pisikal at literal ang pananakop.

Na kayang panatilihin ang imperial na relasyon kahit wala na ang naunang empire, kahit nasa postkolonyal na yugto na ang mga dating nasakop at ngayong ay napalaya na mga bansa. Ang politikal kontrol ay ginagawa, para sa Pilipinas halimbawa, sa Washington, D.C., at ang ekonomiyang kontrol ay mula rin dito, at sa mga bangkong ang headquarters ay nasa New York at Paris.

Hindi naman nawawala ang militaristikong pamamayagpag sa imperialismo. Ang huling pinakamatingkad na pamamayagpag ng US ay ang panlulusob nito sa Iraq, isang dating malayang bansa. Sa Pilipinas, parating may paalaala ang US sa sinusuportahan nitong pangulo-mga pinalipad na air fighters nang mag-coup ang RAM kay Cory Aquino, ang pag-endorso ng ambassador ng US kay Gloria Arroyo, at ang pagbabalik at pamamayagpag ng mga US na sundalo sa Visiting Forces Agreement.

Pero ang kakatwa sa kasalukuyang substansya ng imperialismo, sa ground level ng mamamayan, ay ang katambal na kasiyahan ang nadadanas sa kultural na karanasan. Epektibong naisalin ang marahas at opresibong kalikasan ng imperialismo sa idioma ng kasiyahan. At nagawa ito sa pamamagitan ng proliferasyon ng mga komoditi ng industriyang pangkultura.

Hollywood ang namamayagpag na cinema sa buong mundo. At isinasalin nito ang pang-araw-araw na karanasan sa pag-ibig, pagkamuhi, pagkamatay, at pagligtas sa mundo at iba pa, sa hegemonikong kamalayan ng US. Sinasabing “white Anglo-Saxon middle-class male heterosexual” ang lenteng binibigyan-pribilehiyo sa panonood ng sine, at maging sa pagbabasa ng pop novels. Na visceral tayo nakararanas ng pag-ibig pero sa pamamagitan ng sinisiwalat ng karakter na hindi hiwalay sa katauhan ng pangkaraniwan ay puting mayamang bida.

Isipin na lamang ang pagbabago ng panahon at pananaw hinggil sa Hapon. Matapos ng marahas na karanasan sa ikalawang pandaigdigang digmaan-comfort women, pagsampal kapag hindi tumungo ang mga Filipino, sanggol na inihahagis at sinasalo ng bayoneta, at pagwawala ng mga Hapong sundalo nang makubkob na sila sa Manila-ay talaga namang galit at kinamumuhian ng mamamayan ang Hapon. Makakapatay sila ng Hapon kapag nakakita sila, gaya ng banggit ng aking lola.

Flashforward sa nakaraang huling tatlumpung taon. Sa pamamagitan ng ODA (Overseas Development Assistance) ng Japan, naitayo ang maraming infrastruktura ng bansa, kasama ang Philippine-Japanese Friendship Highway, ang kaisa-isang kalsadang bumabaybay mula Luzon hanggang Mindanao; flyover at underpasses; light rail transit; at maging ang isa sa pinakamalaking dam sa Asia, ang San Roque.  Package deal nga lang na sila ang magtatakda ng serbisyo, paraan ng paggawa, Hapong kompanyang gagawa, Hapong consultants-na kahit environmental havoc ang mga dam, halimbawa ito pa rin ang kanilang preferred upgrade sa supply ng kuryente dahil ito ang spesyalisasyon ng kanilang mga constuction companies.

Sa nakaraang tatlumpung taon din nagkaroon ng ground level flow ng mga babae sa Japan, entertainers na nakapag-uwi ng mga marka ng makabagong teknolohiya at perang malalapad (kaya nga “lapad” ang tawag dito), at mga konsumeristang produkto. Dagdag pa ang introduksyon ng mga unang anime sa panahon ni Marcos, pinakasikat rito ang Voltes V. Na ang conspiracy theory matapos itong i-ban ni Marcos ng huling bahagi ng 1970 ay nagsipaglakihan na ang henerasyong ito, kaya nang mag-alsa sa EDSA ng 1986 ay happy lang sumali itong dineprive ng diktador ng kabuuang childhood.

Sa UP, may grupong pang-estudyante na Nihonggo-language exchange. Sa weekend, may nag-ko-cosplay o pagbihis (damit, makeup, buhok, at props) na halaw sa animation characters. May periodikong convention na ginagawa ito sa mall. May anime channel din sa cable. Mabenta rin ang anime sa pirated DVD stalls. Hindi naman lubos naidiin ang naunang trauma sa mga Hapon sa mga librong gamit sa paaralan, kaya walang alaala ang sumunod at  kasalukuyang henerasyon hinggil dito.

Tanging ang karanasan sa kultural na imperialismo ay salin sa antas ng kasiyahan. At sa kasalukuyang henerasyon, tunguhin ng kultural na imperialismo ang kultural na integrasyon sa bawat yugto ng buhay ng individual (life cycle). Noong bata pa, pinapanood na nila ito, ginagamit na “yaya” ang mga Disney at cartoon channels. Kilala na nila ang mascots ng fastfood outlets bago pa man sila makapagbasa. Marunong na silang mag-play sa computer o pindutin ang DVD player.

Nostalgia ang diin ng konsumpsyon sa kultural na imperialismo. Na sa pag-abot nila ng teenager at young adult, kahit alam na nilang karumal-dumal ang kolesterol at junk food quality ng fastfood, hindi pa rin sila titigil. At bakit naman?  Sa tuwing kumakain sila, unconsciously ay nasasambit din ang masasayang alaala na dinadala sila ng magulang at lolo at lola nila sa fastfood at mall.

Minsan ay tinanong ko sa klase kung ano ang kanilang “soul food” o pagkaing nagpapa-relax sa kanila.  Di iisa ang sumagot na french fries, na mayroon pang childlike variety ang pagkain nito-isinasawsaw sa ketsup at ice cream, yung iba ay mayonnaise, yung iba ay inuulam. Na sa pagtanda nila at pagiging sariling magulang, ire-reproduce nila ang cycle ng pagnanasa at konsumpsyon. Dadalhin nila ang kanilang mga musmos sa fastfood para madanas ang kasiyahang nadanas nila noong sila ay minsang naging bata.

Nanonood tayo ng sine dahil may personalisadong nostalgia itong nahihimok kahit pa maramihan tayong nanonood. Nakikinig tayo ng musika at may naalaala at nararamdaman tayo. Nagsusuot tayo ng retro na damit, o naninigarilyo at ginugunita ang karanasang naidulot ng seduksyon sa advertising. Hip ang sigarilyo, counter-authority, at rebelyon sa diin ng sterile na pangangalaga sa katawan. Minsan ka lang mabuhay!

At kahit ang mga bagay na napagkaitan ang indibidwal sa kanyang kamusmusan o kabataan, tulad ng laruan, damit, trip to the zoo, at iba pa ay isinasaalang-alang din ng industriyang pangkultura. Ayon sa designer ng Sanrio, ang deprivation ng mga batang walang pambili ng produkto ng Hello Kitty ang siyang batayan kung bakit mabenta pa rin ang kanilang produkto sa matatanda.  Napagkaitan ang indibidwal sa isang panahon, at sa panahong may kakayahan na itong bumili, bibili ito with a vengeance.

Kung kasiyahan ang itinatampok, ang alaala ng karanasan sa mas mabigat at malawak na sakop ng pasakit at pighati ang binubura. Hindi hip ang pagiging party pooper o KJ (killjoy). Na kahit na nakaw ang cellphone, baka pa nga may namatay sa pagsanla nito sa stall sa Greenhills, ay may cellphone pa rin na magagamit bilang lunduyan ng kasiyahan, hindi ng anumang alaala ng pasakit at pighati-kung bakit nagpapalit ka ng cellphone, kundi dahil lumang modelo na ito ay dahil nanakaw o naiwala ito.

Ang soft-selling ay nangyayari dahil mas nakakakumbinsi ito ng preferensya at pagpili ng indibidwal.  Hindi rin ito hiwalay sa mga ekonomiko at politikal na polisiya mula sa mga gobyerno at malalaking negosyo. Ang imperialistang globalisasyon ang kalakarang nagpapabiyaya sa maraming malls na itinatayo, itinatampok ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa ibang bansa sa isang banda; at ang dahilan kung bakit sampung porsyento ng populasyon ng bansa ay nagtratrabaho sa labas ng bansa, na dahilan pa rin para sa higit na konsumpsyon.

Kaya ang paglaban sa kultural na imperialismo ay hindi lang sa antas ng pang-araw-araw at kamalayan:  pedestrian malling at window shopping na hindi pinapakita ang mall developer, wala pang successful na boycott ng mga produkto at serbisyo sa bansa, wala pang nabalikwas na kalakarang pang-estado ang pinakaradikal na term paper na isinubmite sa klase.

Politikal na pagkilos ang katugunan-sa antas ng indibidwal, ang pagtaas ng kamulatan, at pag-ugnay nitong mataas na kamulatan sa kilusang masa tungo sa mobilisasyon at organisasyon. Ang ginawa ng pagtampok sa kasiyahan sa kultural na imperialismo ay gawing pang-araw-araw na lamang ang kalidad ng pagbabalikwas gayong wala namang sistemikong nababago sa sistemang kalakaran.

Ang binubura ng kontemporaryong kultural na pagsusuri ay ang panlipunang politika (social politics) para paboran ang politika ng pang-araw-araw (politics of everyday life). Sa mga pagsusuri ng kulturang popular, lalo na ang urban na kultura, ang diin ay sa mga kalakaran ng pang-araw-araw na pagbabalikwas. Paano maituturing na pagbabalikwas ang mga pagkilos at kaisipan kung ito ay adaptasyon lamang sa namamayaning hegemoniya, tulad sa krisis ng politika at ekonomiya?

Ang pangangailangan sa panlipunang politika ay magtitiyak sa pang-uring pagsusuri sa kultural na imperialismo at ang galamay nito sa kulturang popular. Bago maimapa ang antas ng pagbabalikwas, kailangan munang imapa ang kapangyarihan. At sa pagmapa ng kapangyarihan matutunghayan ang talab at purol ng mga pagbabalikwas sa pang-araw-araw na politika.

Sa bigat ng papasanin ng kultural na imperialismo-kahit pa ang imahen ay ang maligayang tagabuhat at kargador-ay hindi nakakasapat ang pagplantsa ng subersyon sa pang-araw-araw.  Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri bilang tunay na kahandaan sa politikal na transformasyon-ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng imperialismo.

Tungo sa isang kutura na naninilbi sa interes ng sambayanan. Bulatlat

Ang mga puntos dito ay unang prinesenta sa talakayan sa Philippine Collegian.  Nagpapasalamat ako sa dayalagong kasama ng mga staff at editor na nagpayaman pa nitong kolumn.

Minsan pa: Rebyu ng reunion concert ng Eraserheads

September 8, 2008

Chrysalin Ann Garcia

5..4..3..2…1!

At nagsimula nang kumanta ng “Alapaap” ang bandang Eraserheads. Naghiyawan ang lahat. Matagal na rin naming hindi naririnig si Ely Buendia na kumakanta ng hit songs nila. Kahit ilang oras rin kaming nagpabalik-balik sa sasakyan para ibalik ang mga kagamitan namin dahil hindi puwedeng ipasok sa loob ng The Fort open field tulad ng mahabang payong at backpack, nakakatanggal ng pagod na makita silang magkakasama ulit.

Inaasahan kong makikita ko sila nang malapitan dahil nagbayad ako ng mahigit sa P1,000 pero hindi rin pala. Para iyong isang Woodstock concert na hindi mo nakikita ang kumakanta. Ang tanging nagpapaalam lang na naroon ang banda ay ang mga projector na nasa paligid ng entablado. Walang tigil ang pagkanta ng banda. Mula sa “Alapaap”, sumunod ang “Ligaya”. Ipinakita sa mga projector ang pamantasang pinagmulan nila sa kantang “Sembreak”. Pagkatapos nito, kinanta nila ang “Hey Jay”, “Harana” at “Fruitcake” na kung saan nakalimutan ng mga kumakanta sa audience ang chorus. Kinanta rin nila ang “Toyang”, “Kama supra”, “Kailan”, “Huwag kang matakot”, “Kaliwete”, “With a smile”, “Shake yer head”, “Huwag mo nang itanong” at “Light years”. Nag-break ng ilang minuto para makapagpahinga ang banda. Halos tuluy-tuloy kasi ang pagkanta ni Ely bukod sa ilang mga pasaring na “Ok ba kayo?” at “Ang daming tao a”. Hindi man lang niya nakamusta ang kanyang mga kabanda kaya tuloy nagsimulang mag-chant ang mga tao ng “Group hug, group hug, group hug…” Nakakatawa.

Sa wakas, nagkaroon din ng panahong maupo nang sandali dahil sa nasabing break. Pero ang hindi namin inaasahan e hindi na pala itutuloy ang konsiyerto. Isinugod raw sa ospital si Ely sabi ng kanyang kapatid na siyang umakyat sa entablado kasama sina Raimund, Marcus, Buddy, at siyempre ang mga organisador ng palabas. Sana raw maintindihan ng mga tao. Mukha namang naintindihan nila dahil wala sa mga nanonood ang umimik. Unti-unting naglabasan ang mga tao habang bitbit ang katanungang, ano na ang mangyayari?

Maraming negatibo at positibong opinyon na lumabas tungkol dito. Nariyan ang pagsasabing dapat daw i-refund ang ibinayad sa tiket. Nariyan din ang hinalang baka pakana lamang ng promoter at organisador ng reunion ang biglaang pagtigil ng konsiyerto. May iba pang nagsasabi na baka ayaw na talaga ng tadhana na patugtugin ang Eraserheads ng magkakasama. Pero sa tingin ko, sapat na pinilit mag-perform ng banda para sa mga tagahanga nila kahit maraming sagabal na naganap, tulad ng pagkamatay ng nanay ni Ely at ang pagpapatigil ng Department of Health sa pag-eendorso ng naunang promoter ng konsiyerto Sabi nga ng isang kasamahan sa yahoogroups, “Panalo pa din kahit bitin.”

Sabi nina Raymund, Marcus at Buddy sa isang interbyu, “This is not the last, this is just the first.” Mukhang na-miss din ng mga miyembro ng banda ang isa’t-isa. Sana nga ituloy nila ang nasimulan na. Tiyak marami pa rin ang susuporta.

Isang paboritong komento galing sa isang taga-suporta: Nung binato ni Raymund at Buddy yung bote ng mineral water, parang binalik lang nila yun sa mga taong binabato sila dati ng bote. Dati, marami ang hindi naniwala. Pero ano ang nangyari ngayon? 60,000 fans! May nangyari na bang ganyan para sa isang Pinoy artist?

Sabi nga sa kanta: “Nasaan na ba kayo? Tingnan ninyo ako. Hindi niyo inakala na ako’y mananalo. Pero salamat na rin sa inyo…”(PinoyWeekly)

Minsan, Eraserheads

September 8, 2008

Kenneth Roland A. Guda

NAPANAGINIPAN ko sila noong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit. Sa panaginip, pumasok ako sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Kulay orange ang ilaw. Nadatnan ko sa unang palapag si Ely Buendia. Sa ikalawa, si Buddy Zabala. Sa panghuling palapag, nakatanguan si Raimund Marasigan. Hindi ko maintindihan – hindi naman ako excited sa papalapit noong konsiyerto nila. Hindi ko naisip na manood. Pero nasa panaginip ko sila – maliban na lamang kay Marcus Adoro, ewan ko kung bakit – na ibig sabihi’y nasa laylayan ng kamalayan ko ang Eraserheads.

Siyempre, napanood at nabasa ko ang hinggil sa mga nangyari sa konsiyerto. Nakita ko sa telebisyon ang fans. Nakakuwentuhan ang mga kakilalang nanood. Parang reunion, sabi ng isa, hindi lang ng banda kundi ng isang henerasyon. May mga trabaho na, ang iba may pamilya na (dalawang kuwento mula sa konsiyerto: ang isang kakilala, si E, kasama ang asawa at mga kaedad na magpipinsan; ang isa pang kakilala, si J, pinambili ng tiket nilang mag-asawa ang perang dapat gagamitin sa bakuna ng anak). Kaya nang bumili ng relatibong mamahaling tiket. Kung dati, nang mga estudyante pa lamang kami, nagkakasya na sa hiraman ng tapes at pagpuslit papasok sa UP Fair, ngayon, kahit papaano, napagbibigyan na ang hilig. Better late than never.

Reunion nga, at wala ako doon. Sayang. Binalikan ko sa mp3 ang musika ng Eraserheads. Mula sa ultraelectromagneticpop! hanggang sa Carbon Stereoxide. Nasa Circus pa lamang ako – pasakay ng MRT tatlong araw na ang nakararaan – nang bumulaga sa akin ang realisasyon: Oo nga pala, fan nga pala ako nila. Kinalimutan ko na. Naalala ko ang isang kaibigan noong 1995, galit na galit siya sa Eraserheads, nakokornihan, at naiinis sa mga freshmen na ang unang tanong sa kanya’y kung saan makikita ang pinakasikat na banda ng UP. Para mapanatili ang pagkakaibigan, hindi na namin pinag-uusapan ang Eraserheads. Mas gusto raw niya ang Yano. Noong nagtagal, nahumaling kay Cynthia Alexander.

Pero fan nga pala ako. Parang kinimkim na emosyong bumulwak mula sa akin ang realisasyong ito pagdating ko sa kantang Minsan. Nasa masikip na tren ng MRT ako. Naluha ako. At hindi lang dahil tulad ng persona sa kanta, minsan akong tumira sa Kalayaan Residence Hall. Naluha ako dahil naalala ko ang panahong ito, ang pagkabata, ang pagkamulat. Taong 1994-95, sariwang sariwa, mula sa probinsiya. Wide-eyed freshie na tuwang tuwa na nakatuntong ng UP. Mababaw ang kaligayahan. Sangkatutak ang insecurities. Tinatagyawat. Kahit noon, nagtataka na ako sa kantang ito: para naman yatang ambilis tumanda ng mga ito. Nagno-nostalgia trip, para namang dekada na mula nang umalis sila ng pamantasan.

Pero kinausap ako ng kantang ito. At ng iba pa nilang kanta. Wishing Wells, Alapaap, kahit Huling El Bimbo – panay pagbabalik sa nakaraan ng persona. Pinaalala ng mga ito kung paano ako mag-isip noong panahong iyon, kung paano ko dinamdam ang mga kaganapan sa buhay. Naluha ako dahil naramdaman ko ang paglipas ng panahon. Naramdaman kong tumanda na ako, at nagbago na ang pananaw ko sa mundo. Naging seryoso ang mga pinagkakaabalahan: pulitika, pagsusulat, sining, aktibismo. Nakalulungkot na kinailangang kalimutan ko ang payak at simplistikong mundo ng pagkabata para maging pulitikal na tao. Naluha ako sa paglipas ng panahon, sa henerasyon ko at sa trivial, maliit, makitid na mundo nito.

Tinitingnan ko ang mga footage sa TV ng konsiyerto at naisip ko: pareho pa rin ang hitsura nila, parang hindi tumanda. Si Ely lang, pumayat. Siguro dahil sa sakit niya noong nakaraang taon. O dahil siya ang pinakaunang tumanda sa grupo. Sa pagsulat niya ng mga kantang tulad ng Minsan, Huling El Bimbo, Para sa Masa, parang siya ang pinakaunang nakaramdam ng paglipas ng panahon, ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan at pag-aakalang mas maganda ang anumang nakaraan kaysa sa kasalukuyan. Masaya ang buhay-banda – epitomiya na siguro ito ng pagkabata. Naalala ko ang isang linya sa pelikula ni Cameron Crowe: sabi ng isang karakter, “Hindi ba pumasok tayo sa banda para iwasan ang responsibilidad?” Nasa banda raw ang karakter para pansamantalang ihinto ang orasan, at manatiling bata – juvenile, nakatira sa mundo ng “Rock n’ roll Neverland.

Pero si Ely – siya na siguro ang unang kumawala sa Neverland. Siya ang unang kumalas sa banda, habang ang naiwang tatlo sinubukan pang palitan siya ng babaing bokalista pero di nagtagumpay. Nagpalagay ng brace sa ngipin, nagpagupit, nagbihis-burgis (nakita ko sa YouTube ang bidyo na ito na panauhin si Ely sa talk show ni Martin Nievera matapos tumiwalag sa ’Heads). Di nagtagal, nagtatag ng bagong banda (Mongols, saka Pupil), pero di na bumalik sa moda ng ’Heads – tila mas seryoso na ang pagiging musikerong artist, hindi na pinangarap na maging popular o populista (Ikumpara, halimbawa, kay Raimund, na kinakantahan pa ang Betamax hanggang ngayon). Wala nang hihigit pang patunay ng napakaagang pagtanda ni Ely sa tila napaagang pagkakasakit niya sa isang karamdamang madalas na naiuugnay natin sa katandaan – sakit sa puso.

Usap-usapang mauulit daw ang reunion concert. Pero tingin ko, hindi na dapat. Sapat na ang isang gabing nostalgia trip – hindi lamang sa musika ng isang henerasyon, kundi sa lumipas na sensibilidad at angas ng henerasyong ito. Tumitindi na ang krisis. Sobrang mahal na ng mga bilihin sa tindahan ni Aling Nena, laluna sa CASAA. Nagmahal na pati ang isaw sa tapat ng Ilang-Ilang. Nag-abroad na si Shirley (sana hindi siya mapabilang sa mga OFW na bumabalik sa bansa sa kahon). Nagbenta ng katawan sa magasin ang dating crush ni Ely. Hindi lang bugbog — pinapatay pa — ang inaabot ng mga bading na tulad ni Jay. Nasagasaan sa madilim na eskinita yung kamukha ni Paraluman.

Aktibista noon sa UP yung kaibigan kong galit na galit sa Eraserheads. Inisip ko noon, galit siya baka dahil wala siyang maaninag na pulitika sa musika ng banda. Maliban siguro sa pag-anyaya ni Raimund sa kalalakihang estudyante na tumiwalag, sumapi sa NPA at “palayain ang sarili,” at isang pagkakataong tumugtog sila sa isang rali kontra komersiyalisasyon sa UP noong 1996, iwas-pulitika at iwas-aktibismo ang Eraserheads. Sa isang pamantasang pinaniniwalaang may mayamang tradisyon ng aktibismo, hindi nila naiwasang makasalamuha at makaibigan ang mga aktibista (Dalawang ehemplo: si Bomen Guillermo ang pinakaunang kritikong nagpasikat sa banda, nang magsulat si Bomen ng rebyu ng demo tape nila para sa Philippine Collegian; at, noong 1998, naka-housemates ni Buddy sa Teachers’ Village ang ilang lider-estudyanteng aktibista. At, isa pa pala: Nag-opening act sa launch concert ng Cutterpillow ang bandang The Jerks, na sa kabila ng mga “boo” ay nag-alay ng kanta noong gabi para sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao). Pero liban doon, banda lang talaga ang Eraserheads. Bandang masaya, magaling, henyo pa nga. Pero banda lang talaga.

Ganyan din ang sinabi ni John Lennon nang tanungin siya kung ano ang tingin niya sa penomenon ng Beatles ilang taon matapos magkanya-kanya sila: “We were just a band…” Aktibista na noon si John. Nagmartsa siya kasama ang mga Amerikano para labanan ang giyera sa Vietnam. Nagpahayag siya ng pagpabor sa sosyalismo. Naging anthem ng kilusang kontra-giyera ang mga kanta niya. Tulad ni Ely sa ‘Heads, tila si Lennon din ang pinakaunang tumanda sa – at unang na-outgrow ang – Beatles. Pero siya ang pinakabatang namatay. Sabi ng isang interpretasyon sa pagkahumaling ng assassin niya sa librong Catcher in the Rye, pinatay daw ng assassin si Lennon para manatiling inosente’t bata, parang yung karakter na kapatid ni Holden Caulfield na “catcher in the rye.

Buhay pa naman si Ely, pero tumatanda na silang apat. At ang musika nila, nagiging instrumento ng gunita, ng pagbabalik-tanaw sa isang henerasyon, isang sensibilidad na naglaho na. Pero may panahon pa, para sa mga pahayag na “banda lang kami noon”, para sa mga martsa, mga pagpabor at pagtutol, pag-awit ng mga anthem, at pamumuhay sa mundo at realidad natin ngayon.

Unang lumabas sa http://krguda.wordpress.com(PinoyWeekly)

Kultura: Pag-deadma ni Arroyo, pagpronta ng anino

September 8, 2008

Rolando B. Tolentino

Ang ibig sabihin ng deadma ay nagsasawalang-kibo at pakialam, naghuhugas ng kamay. Deadma ang pangunahing taktika ni Gloria Arroyo kung gusto nitong maligtas sa gusot na tinatangka nitong pasukin. Nang sa gayon, walang direktang koneksiyon na masasambit sa baho nito.

Deadma na naman si Arroyo sa mga kaguluhan sa bansa. Bigla na lamang may pipirmahan nang MOA (Memorandum of Agreement) ang MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno sa Malaysia. Nagkarambola ang mga aninong prumonta rito – ang ‘peace’ adviser na si Hermogenes Esperon at Press Secretary Jesus Dureza. U.S. pa pala ang isponsor ng pag-aaral at pag-broker ng MOA.

Halos sabay-sabay ang mabibilisang kaguluhan. Alam namang malakas ang reaksiyon ng mga masasakop na anscestral domain ng MILF. Kinontesta ang MOA sa Korte Suprema, alam din na may pagtiwalag ito sa konstitusyon. At giniyera na naman ang Mindanao, na ayon kay Arroyo, para protektahan ang “bawat pulgada ng teritoryo ng bansa.”

Deadma rin si Arroyo sa cha-cha (charter change). Federalismo raw ang sagot para sa tunay na kapayapaan sa Mindanao. Ginamit pa ang oposisyong Senador Aquilino Pimentel na nag-isponsor ng panukalang batas para rito. Pati sa Kongreso, ang oposisyonistang si Rufus Rodriguez ay kinailangang i-withdraw ang kanyang panukala para hindi maiugnay kay Arroyo.

Ang problema sa pagdeadma ni Arroyo, kay raming gustong prumontang aninong alipores nito. Sila ang willing na kumuha ng bugbog, mangamoy ng baho nito, at sa worst scenario, mahuling may hawak ng loot o blunder nito. ‘Nabibili’ sa pamamagitan ng reported na bribes, koneksiyon, palitan ng pabor, promosyon sa pamahalaan ang mga ito.

Mahaba ang kuwintas ng mga ulong pigtas sa leeg ni Arroyo. Kung sa marxista, ang surplus sa paggawa ay tinatawag na ‘reserved army’ na nagpapanatiling mababa ang sahod; kay Arroyo ito ay “reserved bureaucrats” na handang mag-pawn ng sarili para maprotektahan at mailigtas ang reyna.

Ito ang mga kumander sa giyera sa Mindanao na dumidiskarte sa pagbomba at pagpatay, pati sibilyan, para idisimulado ang krisis tungo sa resolusyong cha-cha. Ito ang salitan ng puwesto ni Romulo Neri na isa na sigurong pinakamaraming naupuan sa karambola ng musical chairs sa pamahalaan ni Arroyo. Ito ang pinakamaraming bilang ng retiradong Chief of Staff na may extended stay sa burukrasya ni Arroyo.

At maging ang pamilyang Arroyo ay marunong nang lumaro sa ‘deadmatology’ (ang syensya ng pag-deadma). Polisiya na ng First Gentleman na hindi magsalita sa anumang bagay sa media. Si Mikee Arroyo ay naghugas na rin ng kamay sa cha-cha. Sinang-ayunan ang posisyong ok ang cha-cha pero pagkatapos ng termino ng kanyang nanay.

Ang mga anino ang nagmimistulang instigador at promotor, gayong ang anino ay anino lamang. Nasa laylayan lamang sila ng historikal na pigura ng kapangyarihan. At ang kapangyarihang ito ng estado ay walang iba kundi si Arroyo. Ito lamang ang presidenteng nakakapanghimok ng dispaborableng opinyon sa kanyang pagmamaang-maangan.

Ang nagawa ni Arroyo ay imaksimisa ang kanyang legacy ng pangde-deadma na nagsimula pa nang una siyang manungkulan sa pagkapresidente, at tumanggi pero binawing tumakbo at masalang sa pinakamalaking elektoral na pandaraya sa kasaysayan. Hindi ito pagsisinungaling dahil puro moral na batayan lamang ang mga ito. Walang kasong naipanalo sa Kongreso at korte.

Ito ay simpleng pangde-deadma. At nakupkop na ito ng Kongresong kanyang hawak, at nagsisimula na rin ang paborableng opinyon ng mga korte, kasama ang Korte Suprema, hinggil sa mga pro-administrasyong bentahe. Kung gayon, siya na presidente ay may hawak na ng lehislatura at hudikatura.

Ang alaala ng batas militar ng diktaduryang Marcos ang nagpapalamnan sa kaisipan. Hindi nga ba’t kahit tinanggal ni Marcos ang batas militar ay nakapagkonsolida pa rin ito ng kanyang diktadurya? Walang idineklarang batas militar si Arroyo gayong ang pamamalakad sa bansa ay sa anino nito.

Ito ang neoliberal na pagkapangulo ni Arroyo. Napapangimbabawan niya at ng kanyang prumoprontang anino ang anumang pulitikal na krisis dahil hawak nila ang ekonomiya ng bansa. Di tulad ng negatibong ekonomiya ni Marcos, ang kay Arroyo ay puro paglakas at pag-unlad na istatistiko. Na sa huli ay maari ring isiping anino lamang ng pigura ni Arroyo – na ang istatistiko ay puwede naman talagang maniobrahin para pumabor sa estado.

Kaya kailangang ilantad ang mga anino sa liwanag, huwag pataguin sa dilim. Ipagpatuloy ang pagpisil sa anino para mapisil si Arroyo. Kaladkarin ang anino sa tanghaling tapat, ang sandaling walang mga anino. At sa krisis na iniluluwal nito, malalamon at malalamon din siya ng sariling anino. Kailangan nga lang paratihan ang sustenidong pagkaladkad kay Arroyo sa tanghaling tapat, tulad ng pagkaladkad sa bampira sa sinag ng araw.(PinoyWeekly)

Goatee at Ghetto

September 2, 2008

Hindi naman ako nawawalan ng tulog kapag nagdedesisyon ako tungkol sa katawan. Napag-isipan kong magpatubo ng goatee. Hindi naman ako tinutubuan ng kumpletong bigote kaya hanggang goatee na lang. Maraming referensya ang banggit ng mga tao hinggil sa goatee ko. Ang pinakahuli ay si Ho Chi Minh, at hinihingi na raw niyang ibalik ko ito. Ang mga nauna ay pagiging terorista at siempre,  Muslim. Na ang banggit ng kaibigang historiador Francis Gealogo, ang Muslim ay hindi angkop na pagtukoy dahil ito ay katawagan ng mga naniniwala sa Islam. Moro ang angkop na tawag.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 30, August 31-September 6, 2008

Hindi naman ako nawawalan ng tulog kapag nagdedesisyon ako tungkol sa katawan. Napag-isipan kong magpatubo ng goatee. Hindi naman ako tinutubuan ng kumpletong bigote kaya hanggang goatee na lang. Maraming referensya ang banggit ng mga tao hinggil sa goatee ko.

Ang pinakahuli ay si Ho Chi Minh, at hinihingi na raw niyang ibalik ko ito. Ang mga nauna ay pagiging terorista at siempre, Muslim. Na ang banggit ng kaibigang historiador Francis Gealogo, ang Muslim ay hindi angkop na pagtukoy dahil ito ay katawagan ng mga naniniwala sa Islam. Moro ang angkop na tawag.

Noong Linggo, nagpunta kami sa Baliwag para sa lamay ng nanay ng kaibigan. Ang alaala ko sa bayang ito ay bilang stopover sa pag-uwi sa Nueva Ecija. Mayroon kaming dinadaanan bago magbayan na restaurant na ang spesyalidad ay arroz caldo. Treat na payagan kaming umorder na ang sahog ay itlog at manok.

Dilaw ang lugaw dahil sa bulaklak ng safron. May maliliit na dilaw na pandesal na katerno ito. At paminsan, kapag galante ang mga magulang ko, may chicharon. Kilala ang Baliwag sa chicharong may laman. At tunay na magiging masaya ang natitirang biyahe pauwi sa bayan sa Nueva Ecija.

Naalaala ko rin ang Baliwag sa panahong ito. Simbahan ang pinakaprominente sa bayan, kasama ng mga higanteng lumang bahay ng mga ilustrado. Malawak ang palengke. Iba talaga kapag lumalaki ka na, nagmumukhang maliit ang lahat. Nitong huling dalaw sa bayan, “Glorietta” ang tawag sa sentro ng plaza. Ito ang pasyalan sa gitna ng  plaza, may higanteng palmera sa kalapit na gitna ng kalsada, mga higanteng puno sa sentrong ito.

Ang simbahan, kundi pa binakuran, ay nasakop na rin ng mga bagong establisyimento. Nandoon siempre ang obligatoryong Jollibee, at sa di malayong lugar, ang McDonald’s. Sinabi nga ng kapatid ng namatay, “May 7-11 na rin kami.” Nandoon pa rin ang terminal ng Baliwag Transit sa gitna ng bayan, wala nga lang aircon na bumibiyahe.

Nagsikip na ang palengke, at tunay namang naging “night market” na. Ang isang patagong kaiba ng pag-unlad ng bayan ay hindi na lamang ang mga obligatoryong establisyimento kundi ang migrasyon na rin ng negosyo at katawan ng mga Moro. Sa Baliwag, at maging sa Baguio City, sila ang may hawak ng piratang negosyo ng DVD at iba pang media, at ng cellphone.

Sa Baguio City, mayroon na silang sariling ghetto o laylayang komunidad na trinasforma batay sa sariling pangangailangan:  publikong lugar na dasalan dahil sa relihiyon, komunal na tirahan dahil sa panimulaing pagsisikap para sa trabaho at negosyo. Sa Metro Manila, bukod sa Golden Mosque sa Quiapo, ang mga ghetto na distrikto ng Moro ay ang Kuliat sa Tandang Sora, at sa Taguig.

Bahagi ang mga ghetto ng Moro ng surveillance at disiplina ng estado. Dalawa lang ang lugar na peryodikong sinosona o pagpulisya sa mamamayang lalake para uriratin ang mga katawan para sa tattoo—kaya pinaghuhubad—at mukha para sa pagkakahawig (may xerox ng mga wanted ang mga pulis):  yung mga underclass na komunidad ng mga pinaghihinalaang tirador at jologs, na sa pelikulang Jaguar (Lino Brocka, ) at Tirador (Dante Brillante, 2007) ay mas may pagtanggap kaysa pag-aklas; at yung double underclass hindi lamang batay sa uri kundi sa relihiyon na rin, ang komunidad ng Moro.

Tattoo ang nagmamarka ng katawan ng gang member sa komunidad.  Malamang ay nakapasok na sa loob (preso) kaya may tattoo at afiliasyon nang gang. Mukha na may pagkakahawig sa xerox (kopya ng kopya ng tunay), na siyang nagbibigay-diin sa operasong pagkakaiba (othering) ng estado sa disenfranchisadong mamamayan: mukhang mahirap kaya suspek kaagad ng surveillance at pagdidisiplina.

Paano nagsasaad ng ganitong paranoia sa Moro? May pagkakaiba ba ang lalakeng Moro kapag pinaghubad na siya ng damit? Nang mag-goatee ako, tunay namang marami akong narinig na pejoratibong asosiasyon sa aking buhok sa baba sa pagiging Muslim (sic), at ang Muslim (sic) sa pagiging terorista. At hindi naman nagkakamali sa asosiasyong ito. Nang magpunta kami sa Bulacan ay marami ngang lalakeng Moro na may goatee.

Hindi lamang mahirap ang maraming Moro—hindi nga ba’t ang ARMM ang pinakamahirap na rehiyon sa bansa—at sumpa ito na pinapasan ng maraming mamamayan, kundi ang pagiging Muslim ng Moro ang dagdag na pang-estadong pagdidisenfransisado. Hindi sila nakolonisa ng mga Kastila, at nakalonisa lamang sila ng mga Amerikanong mananakop nang gamitin nito ang political might at suhulan ang mga paksyon ng lokal na naghaharing uri.

At ito ang ginagamit ng mga sumunod na Filipinong gobyerno—ang panunuhol sa lokal na politika (kasama ang pagwafaz sa politikal na kalidad ng pagka-Moro, ang sapilitan silang papasukin sa bansa).  Ang resulta nito ay ang mass migration ng mga Moro para magtaguyod ng ghettoized na negosyo sa mga umuusbong na urbanidad sa mga bago at lumang syudad.

Baritone at may makapal na punto ang lalakeng Moro habang nag-aalok ng piratang DVD at iba pang media. Pabulong na naririnig din ng iba pang malalapit na tao. Ang boses ng lalakeng Moro ang naghuhudyat ng pagka-praning, tulad ng historikal na pagkapraning sa mga Moro bilang piratang nanlulusob sa bayan para sirain at i-loot ang gamit, at para makakuha ng supply ng alipin sa malaking negosyong ito.

Pero tulad ng komoditi na ibinebentang pabulong ng lalakeng Moro, ang ipinapahiwatig din ng boses ay ang seduksyon para sa negosiasyon sa gitnang uring pambansang panuntunan ng buhay. Hindi ba tayo nagtataka, na tulad ng ukay-ukay na sa Igorot naman napakat, na ang akses natin sa mga marka ng gitnang uring modernidad ay mula sa First World recycling (mabuhay ang ukay-ukay!) at Third World making-do (mabuhay ang pirated!). Nabubuhay ang mga negosyong ito dahil ito ang mga aksesibol na entry points para sa gitnang uring buhay.

Ang DVD player na pirated din at nakakapag-play ng kahit anong rehiyon sa mundo (kontraryo sa pagpulisya ng gumagawa ng bala at player) ay standard marker na sa tahanang may pag-aastang gitnang uri. Dahil sa kamahalan ng tiket sa sine, ang pangunahing libangan na, lampas sa “libreng” radyo at telebisyon, ay panonood ng sine sa pirated na DVD. Ibig sabihin, ang pagbalikwas ng mamamayan ng bansa sa global na negosyo ay sa pamamagitan ng kinatatakutan na pirata.

Paano ka matatakot sa isang entidad na sa pagtangkilik mo ay nagiging kauri mo na rin? Bakit may pag-ilag pa rin sa mga Moro? Ang paranoia ay ang mental na estado na nakikita ang sarili bilang biktima ng kaiba. Paano ka magiging biktima kung wala namang nangbibiktima sa iyo? Na magpapatawag-pansin kung bakit ang mga Moro ay parati na lamang pinupulisya tuwing may pagbobomba at iba pang akto ng tinutukoy ng estado na terorismo sa kalunsuran.

Hindi ba’t sinusuyod ang mga komunidad ng Moro bilang remedy sa tinaguriang pambansang krimen? Na di tulad ng ordinaryong sona na para limasin ang mga peti na krimen ng tirador at drug addict at pusher, ang sa Moro ay para italaga sa kanila ang kolektibong paranaoia at hysteria na dulot nito para  sa krimen ng estado sa kanyang sarili. Na ang pagtukoy sa Moro kada may bomba ay para idisimulado ng gobyerno ang sarili nitong kahinaan—kung bakit, sa unang usapin, may nagbobomba?

Ang pagdisimulado ng karahasan ay itinatalaga sa historikal na katawan at kolektibong pangangatawan na sa imahinasyon ng gitnang uri at nag-aastang gitnang uri ay ang Moro. Para maging Moro, kailangangang pwedeng maisantabi dahil sa pagpiling maging Moro. Karahasan sa estado ang magnitude ng inaakalang pwedeng iakusa sa Moro. Sila ang naghuhuramentado, barbariko, maraming asawa, at iba pang kaiba (di Katoliko, di moderno, di gitnang uring mamamayan). At lalo lamang nasasapol ang ganitong kolektibong pag-iimahinasyon sa Moro sa periodikong pakikidigma  ng gobyerno sa mga Moro sa Mindanao.

Ikinakalat sa media ang paggamit ng mandirigmang Moro sa taumbayan bilang shield, ang pagpilas nila ng teinga at iba pang bahagi ng katawan sa mga pinatay nito, ang walang-awang pagpatay sa mga hostage, ang panghohostage para kumita, at iba pa. Sino ang hindi sasang-ayon sa panawagang pulbusin ang mga ito? Sa Baliwag, ayon sa dinalaw namin, may insidente na na binabato ang tinutuluyan ng mga Moro, at natitiyak natin hindi lang dahil sa hindi mag-play ang nabiling piratang DVD!

Walang pangulo ang hindi kumasangkapan sa Moro at “problema” sa Mindanao para sa kani-kanilang politikal na ganansya. Ang isama pa rito sa pandarambong sa Moro ay bilang balon ng “dagdag-bawas” sa mga eleksyon. Sa pambansang eleksyon tumakbo sa pagkapresidente si Arroyo, ito ang naging balon ng pinapangarap niyang isang milyong minimum na lamang sa kalaban.

Ang mga pelikula ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) na ukol sa Moro at Mindanao ay tinataguriang “mas paborable” ang representasyon sa mga mamamayan bilang matatapang, dakila at pangingibabaw ng kabutihan. Hindi nga ba’t ito rin ang naging balon ng lamang ni FPJ sa nakaraang eleksyon? Malaki ang appeal niya dahil sa klase ng appeal ng kanyang filmikong tauhan.

Ang “problema sa Mindanao” ay isang periodikong pagsisiwalat ng hysteria, ginagawang kolektibo gayong fallacious naman—hindi ito ang cause sa effect na hinahanapan ng katubusan ng estado. Ang “problema sa Mindanao” ay ang kakanyahan ng estado na kasangkapanin ang Mindanao—sabayang pinakaproblematiko at pinakayamang untapped na resources—at ang Moro para sa pang-uring interes ng estado.

May Morong nagpapagamit, may Morong nanggagamit. Pero ang sentral na usapin ay ang mas makapangyarihang paggamit sa Moro bilang toilet paper sa tuwing dumudumi ang estado. Ito ang problema at ang huling katubusan: ang kapangyarihang maniobrahin ang buhay ng historikal na naisantabi at nadisenfansisadong entidad para sa pang-uring interes ng estado, ang preserbasyon at perpetwasyon ng bangkaroteng sistema nito.

Kaya balak kong panatilihin ang goatee ko, para ang ghetto na inaakalang nagsadlak sa disenfransisadong mamamayan ay paratihang magsiwalat din ng pangamba at paranoia, ng instabilidad ng kapangyarihang makapaghari magpakailanman, ng ang “problema sa Mindanao” ay magsaad ng “problema sa Pilipinas,” at ang ugat ng problemang ito ay ang mismong bangkaroteng estado at ang patron nito.

Ang goatee at ghetto ay hindi na lamang, lampas pa sa goatee at ghetto na lamang. Bulatlat

Editorial Cartoon: Tiya Dely

September 2, 2008

Thank you.

Pasintabi:Isang Linggo ng umaga, dalawang buhay sa pakikibaka

August 25, 2008

TEMPTING ang alok ni Trina. Nag-aya itong pumunta ng Tagaytay, kasama ng kanyang mga kaklaseng Singaporean. Siya ang bahala sa sasakyan. Sabado ng tanghali ay nag-aya naman si Judy, dalawang aktibidad kinabukasan.

Sabado ng gabi nang magdesisyon akong sumama kay Judy. Tinext ko si Trina, nagpaumanhin. Medyo nahuli ako ng gising ng Linggo kaya nagmamadaling nag-amusal at naligo. Hilo ako kapag Linggo ng umaga. Sanay ang katawan na humihilata hanggang sa mataas na ang araw. Tutal Linggo naman, araw ng pahinga.

Alas-nuwebe medya nang makarating kami sa Bantayog ng Mga Bayani sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA. Gusto ko ang lugar na ito. Mataimtim ang nakahilerang punong nagsilakihahan na, at ang bakanteng lote ng damo na sinasarhan ng itim na marmol. Ito ang memorial ng mga martir ng martial law.

May korona na ng bulaklak sa gitna ng memorial. Ika-110 taong kaarawan ni Lorenzo “Ka Tanny” Tañada. Kilala siya bilang “grand old man of Philippine politics” gayong mas kilala siya bilang isang pangunahing pigura sa parlamento ng lansangan.

Sa auditorium na may 72 upuan ang pormal na parangal ng Bagong Alyansang Makabayan. Ipinaliwanag ng taga-Bantayog ang bilang ng silya, katugma sa taong idineklara ang martial law na ayon rito, ang “darkest days of Philippine history.” Naisip ko ang kasalukuyang lagay ng political killings at abduction, pero hanggang thought-balloon lang ito.

Naalaala ko rin ang aking moment kay Ka Tanny. Sa isang pagtitipon noong nasa La Salle pa ako, pinarangalan si Ka Pepe Diokno sa dating Philippine Plaza Hotel. Tapos na ang seremonya at ipinakilala ako ng presidente ng unibersidad kay Ka Tanny. Tinanong ako ng matanda kung ako raw ba ay student leader. Nag-nervous laughter ang presidente.

Nang maging associate editor ako ng aming yearbook, itinulak namin na ialay ang dokumento ng aming batch sa dalawang pangunahing La Sallistang makabayan. Kami naman ang henerasyon na lumabas na martial law babies at grumadweyt sa People Power.

Sa audiovisual presentation sa parangal, marami ang namugto ang mga mata sa tapang ng matanda, kahit naka-wheelchair, na manguna sa protesta laban sa Batasan Election ni Marcos, pati laban sa Bataan Nuclear Power Plant, at pandaraya ni Marcos sa snap polls. Ang shining moment ni Ka Tanny ay ang pagkilala ng kanyang anak na senador Bobby Tañada bilang aninong gumabay sa anti-bases ng U.S.

Matanda pero may pinagkatandaan. Nandoon siya sa kanyang anak, at apo na si Erin Tañada, kasabayan kong lumaki bilang martial law baby. Pati sa mga apo sa tuhod at talampakan ni Ka Tanny. Nandoon siya sa mga aktibistang kabilang sa henerasyon ng anti-Marcos, at ngayon ay anti-Gloria.

Dumiretso kami sa City Jail para dalawin si Randy Echanis, opisyal ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at ngayon ay kinasuhan ng krimen ng pulis. Siksikan ang bilangguan. Old Bilibid ito at nandoon pa rin ang lumang dormitoryo. Mas lalong naging luma, siksikan sa 4,500 na bilanggo.

Sa gitna ng walang sawang karaoke at bilis ng kilos ng mga taong kumakain sa canteen ng dorm ni Ka Randy, naisingit ang mga kuwento niya sa kanyang pagkaaresto sa Negros, paglipad sa Cebu, at pagtapon sa City Jail. Kilala si Ka Randy sa kulungan. May paggalang sa kanyang pagiging detinidong politikal.

Unang pagkakataon kong nakilala si Ka Randy, di tulad ng mga kasama kong may mahaba nang kasaysayan ng pagkilos kasama siya. Mainit ang pagtanggap niya sa akin at sa aming grupo. Nahiya nga kami at tanging pananghalian, dalawang libro, at baryang ipamumudmod niya sa kapwa detenido ang nadala namin.

May ilang ulit nang naaresto si Ka Randy. Pero kahit magkagayon, may lungkot sa kanyang mukha. Sumagi ang alaala kay Ka Crispin Beltran na minsan ding nadalaw sa Heart Center. Makuwento kahit malungkot ang sirkumstansya ng pagkukuwentuhan, pero may tapang. May tuwa na nakita ang luma at bagong kasamahan.

At nang si Lisa ang nagkaroon ng pagkakataong umawit, pinili nito ang “Pangarap na Bituin.” Ilang sulok ng upa, may kubling nalulumbay/Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay/ Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay/Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas.

“May meaning pala ang kanta!” nakangiting suma ni Ka Randy. Nang magpaalam na kami sa kanya, inihatid niya kami sa bukana ng pasukan ng bisita. Tinapik ko siya sa balikat, mariin ang kamay niya sa amin. Nang medyo magkalayo na kami, tinaas ko ang aking kamay para magpaalam. Nakita ko siyang nagtaas-kamao, at pati ako ay napataas-kamao na rin.

Ganito ang tahimik na unawaan sa hanay ng mga kasama. Na kahit nakakulong o nasa labas, kahit dumadagundong ang mga boses na nakikipaghabulan sa karaoke at kay init ng biyahe pauwi, may mga sinasabi ang eksaktong sandali.

Tinuldukan ng pagyao ni Ka Tanny ang anti-diktaduryang pakikibaka. Naging abstraksyon para sa maraming nanamlay ang sumunod na anti-estadong pakikibaka. At ang mga tulad ni Ka Randy, na kahit nakakulong, ang buhay na diwa ng pang-uring pakikibaka na ito.(PinoyWeekly)

Sinsilyong Ekonomiya sa City Jail

August 21, 2008

Sa labas ng City Jail, samakatuwid, ang papel na pera ay sakmal ang kapangyarihang makapagparangya sa iilan at makapanghikahos sa nakararami. Anong saya nitong mundo ng bansa natin, ang sinsilyong ekonomiya sa loob at labas ng City Jail!

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 28, August 17-23, 2008

Ang bilin sa amin: huwag magpasok ng cellphone, huwag magdamit ng dilaw at kahel (ang mga kulay ng nasa loob), konsebatibo ring manamit, at higit sa lahat, magdala ng maraming barya.  Parang mga alituntunin sa simbahan. Pero hindi ordinaryong lugar ang pupuntahan namin.

Sa City Jail kami, nasa sentro ng downtown pero sa loob ng halos di mapapansing eskinita. Bukana kaagad ng City Jail ang magkakahiwalay na pila para sa lalake, babae at may bata. Sa harap ng pila, ang mga tindahan na nag-aalok ng serbisyo. Sampung piso para mag-iwan ng cellphone. Dalawampung piso para umarkila ng T-shirt, dahil may nagkamali nga sa kasama naming magsuot ng dilaw na t-shirt.

Tigtatlong malalaking tatak ang inilagay ng rubberstamp sa aming magkabilang pulso at loob ng bisig. Ingatan daw hindi matanggal dahil mahirap ang paliwanagan para makaalis. Matapos ay pila naman para makapkapan ng matutulis na bagay at cellphone nga. Mas mabilis makapasok ang pila ng lalake kaysa sa mga babae dahil ang huli ang may dala ng pagkain at gamit ng detenido. Mas matagal ang pag-inspeksyon sa gamit na ito.

May receiving area sa pagpasok ng City Jail. Dito naghahalo ang mga detenido at gwardya. May pila na naman sa terrace ng isang bungalow malapit sa bukana ng pader na magtutuloy sa mga dormitoryo. Magpaparehistro para sa kung saang dahilan. Pumila at pumirma kami ng isa kong kasama kahit hindi alam ang eksaktong dahilan.

Biglang naglaho ang kasama kong pumirma, nauna nang pumasok. Inantay ko ang iba pa naming kasama. At bago kami makumpleto, biglang kasama na ng pumasok ang dahilan ng aming pagdalaw, ang bibisitahing detinidong politikal. Ibinalita na lamang ng pumasok na nang may magtanong kung kanino siya dumadalaw, at sinabi nga niya, kaagad siyang idinirekta sa tao, kapalit ng P20.

Sa bukana pa lamang ng mga dormitoryo, marami na ang nagpaparinig kung mayroon kaming barya. Pero parating may pasakalye ng pagtulong—pagdirekta sa tamang selda at dormitoryo, pagbigay ng tama kundi man makakatulong na informasyon, pagtukoy sa angkop na mapapagtanungan, at iba pa. Madikit ang mga detenido sa di ko mawari, na lalo kong ikinapraning.

Nang makumpleto ang aming grupo ay lumagak na kami sa maikling paglalakad patungo sa kanyang dormitoryo. Marami ang nakatingin kahit pa marami rin naman ang mga bisita, kasama ang di mabibilang na bata at musmos na naglalaro. Para lamang kaming nasa mga eskinita ng komunidad ng maralitang tagalunsod.

Sa canteen kami dumiretso. Ito ang ikalawang palapag ng idinikit na struktura sa isang dormitoryo. Ang silong ay ang receiving area sa dormitoryo. Ang sentrong item dito ay ang collection box. Sa canteen ay dalawa lamang ang tampok na bahagi:  ang walang patlang na pag-awit sa karaoke, at ang pagkain sa salaming estante.

Tinanaw namin ang kabuuan ng City Jail. Ang gitna ay ang basketball court na pinalilibutan ng nag-uumapaw na baradong estero. Kaya habang nagba-basketball ang batang lalake, natatagpuan nila ang sarili na nagtatampisaw ang naligaw na bola sa mababaw pero maitim na tubig. Maraming bata ang nangangadulas sa apaw ng estero.  Dito rin direktang binabagsak ng maraming dumudura ng plema at bara sa lalamunan.

Habang nakatanaw ang ilan sa amin, nagsimula na ang informal na pagbati, kwentuhan, at pag-aabot ng pasalubong, kasama ang kanya-kanyang pagbigay ng barya. Parang offering. Matutuklasan namin kung bakit napakahalaga ng sinsilyo sa City Jail.

Marami ang walang dalaw kaya walang pantulong sa kalakarang pang-uri at ekonomiya ng City Jail. Sila ang nagtitiyaga sa pagkaing halos hindi makakain. Ang budget para sa isang detenido ay P35 bawat araw, na sa hitsura ng pagkain at kondisyon ng preso ay hindi nakakasapat. “Oras ng rancho” ang katawagan sa oras ng pagkain, dahil parang bakang kinukural ang mga detenidong nag-aantay ng rasyon.

Bawat serbisyo sa labas ng ofisyal na turing sa City Jail ay may kaakibat na halaga. Ang pagkain sa canteen ay may presyong mas mahal pa sa mga cafeteria sa U.P.  Mas mahal ang sigarilyo, at mga bagay na mabibili sa mga sari-sari store sa loob ng City Jail.

Ang City Jail ay ginawa para sa 1,000 detenido. Sa pagdalaw namin, ang banggit ay 4,500 ang bilang ng detenido rito. Bawat dormitoryo ay mayroong magkabilaang “condominium” sa pader, mga unit na maayos, by City Jail standards, pero mukhang miniature na barungbarong sa komunidad ng maralitang tagalunsod. Limang libo ang bayad rito, at may lingguhan pang renta.

Ang hindi makakabayad ay natutulog sa sahig. At dahil ang daanan ay ginagamit sa araw, walang matutulugan para sa nakararami kapag di pa oras ng pagtulog. Nasa ilalim ng condominium ang mga saping pantulog ng mas nakararaming preso sa dormitoryo. May isang tv at electric fan sa dormitoryo. At dahil nakakapagluto rin ang mga detenido, lalo na para muling timplahin ang walang lasang rasyon, marami sa kahoy sa kisame ay nabawasan na. Direkta ang yero sa dormitoryo, kaya rin pugon ang pakiramdam sa loob nito. Hindi rin nakakapagtaka kung bakit mabilis ang epidemiko ng pigsa at iba pang nakakahawang sakit.

May ilang bakanteng condominium na may naka-tape na papel na parang “Kausapin si Sarge” ang nakatalaga. May bayad din ang hiwalay na rasyon ng tubig pampaligo. Kundi ay kailangang makisabay sa paliligo at paggamit sa toilet ng daan-daan pang kasama sa takdang oras at sa rasyon ng pangkalahatang tubig.

Ang mga walang pansagip sa sarili, natatagpuan gumagawa ng pinakamababang uri ng trabaho sa City Jail. Sila ang tagalinis ng banyo at iba pang gawain na handa naman silang akuin kapalit ng baryang sweldo. Sila rin ang madaling madikit at malamang, magawang bataan, ng higit na maykaya.

Mula sa poder ng canteen sa ikalawang palapag, matatagpuan na pare-pareho ang mga bahagi ng mga dormitoryo.  May lamang canteen o karinderya, at karaoke ang receiving area para sa mga dalaw.  May kanya-kanyang sari-sari store.  Ibig sabihin, bawat dormitoryo ay mini-ekonomiya sa mas malaking ekonomiya ng City Jail.

Walang patlang ang hulog ng limang pisong barya sa karaoke. Marami rin ang bumibili ng pagkain sa canteen. Na magtataka ka kung saan nanggagaling ang mga baryang ipinapambayad sa mga serbisyo. At heto na nga ang hindi naman sikreto sa lugar.

Natigil lang ang pag-awit sa karaoke nang magbilangan ng detenido sa bawat dormitoryo.  Kung hindi ako nagkakamali sa aming napagkwentuhang detenido, apat o limang beses itong ginagawa bawat araw. Malaking sigalot kung may makatakas na preso. Kaya sa City Jail na ito, madalas ang pag-inspeksyon sa bilang ng katawan ng mga detenido.

Nagboluntaryong umawit ang isa naming kasama. Dahil wala siyang limang pisong barya, nanghingi siya sa dinalaw naming detenidong politikal, na patawang nagsabi na sayang naman ang barya. Hindi lang dahil hindi nakakatiyak sa kalidad ng boses ng kasama namin, kundi nga sa magagawa ng barya sa ekonomiya ng City Jail.

Marami sa preso ay kalahating umaasa na maabutan sila ng barya. Ang nagsisilbi ng kape sa canteen ay natuwa ang mga mata nang hindi na hingin ng kasama namin ang kanyang sukli. Wala naman direktang nanghihingi. Lahat ay dumidikit lang. Ang pisikalidad ng pagnanasa—pagdikit ng mababa sa inaakalang mas mataas na tao—ay integral sa ekonomiya ng City Jail.

Sa loob ng preso, ang paggawa ng mababang kalidad ng trabaho at pag-ako ng pabor ng mahihirap na detenido para sa mas maykayang detenido. Sa mga bisita, ang pagboluntaryo ng serbisyo o willingness sa pamamagitan ng pagiging madikit ng walang dalaw na detenido sa dumadalaw. Dumidikit ang mababang uri sa mas mataas na uri ng katawan para sa sinsilyong pasaporte sa partisipasyon sa lokal na ekonomiya ng City Jail.

Siempre ay mas kumplikado ang relasyon batay sa dormitoryong pinagmulan na katumbas din ng gang na kinasasapian, relihiyong kinabibilangan (may maliit na mosque sa tabi ng canteen na nakikipagsalitaan sa speakers ng pagdasal sa loob nito at nagkukumpitensyang karaoke ng mga dormitoryo sa labas nito), at etnisidad at rehiyong pinanggalingan. Ang hindi matatawaran ay ang kapangyarihan ng sinsilyo sa ekonomiyang ito.

Matapos ng dalawang oras na dalaw, nagpaalam na kami sa aming dinalaw. Nagsimula na rin siyang mamudmod ng sinsilyo sa mga taong nangangailangan nito.  Ang mga kasamahan ko rin ay nagpasa na rin ng sinsilyo. Parang tagpo sa labas ng simbahan, ang mga matrona ay namumudmod ng barya sa mga paslit na pulubi.

Sa disenfrantsisadong mundo ng detenido, sa lokal na ekonomiya ng City Jail, ang sinsilyo ay pang-araw-araw na hari. Iniisip ko, ano pa kaya kung ang ipinapagalaw ay papel na pera? Pero sa dami ng constitutive community ng bawat detenido, mahirap ang papel na pagalawin. Sinsilyo sa pang-araw-araw na pakikitungo ng detenido sa kapwa, at malamang pati sa mga gwardiya.

Malinaw na pang-indibidwal na salbasyon ang pagkakaroon ng sinsilyo. At may kanya-kanyang kalakaran para makamit ito. May dalaw na magdadala nito, may among magbibigay nito kapalit ng ilang pabor, may baryang sweldo kapalit ng obligayson.  Sinilyo para sa silyadong mundo at ekonomiya ng City Jail.

Sa bukana ng City Jail, matagal ang antayan ng lalakeng dumalaw. Ang mga babae ay sa main gate lamang pinalalabas matapos ng ilang sandaling pag-aantay. Doon pala sa ikalawang pila ng pagpapapirma sila nag-iiwan ng ID. Kaya nakuha na nila ang kanilang ID kapag pumila sila palabas. Kami ay inabot ng beinte minutos para makuha ang ID at makalabas.

Habang nag-aantay ay nakita ko ang dalawang palapag na toreng bilog, parang apartment pa nga ang hitsura. Nabubulok pero ang kakatwa ay may takip ang mga salamin nito. Ito ang binabanggit ni Jeremy Bentham na panopticon o ang struktura ng kapangyarihan ng kulungan at estado, na kahit walang nakabantay sa loob nito ay naki-keep-in-check pa rin ang ugali at pag-iisip ng preso na siya ay minamatyagan, at sabjek ng pagparusa at disiplina.

Na kaming dumalaw rin ay gayon ang pakiwari sa sarili. Para rin kaming preso kahit sa dalawang oras, at ang temporal na karanasang ito ay tila nakakasapat para magkaroon ng reverse na pagnanasa—na hindi muling bumalik sa lugar bilang aktwal na preso. Ito ang reverse discourse ng estado, na ang pasagi ng karanasan ay nakakasapat na para ma-keep-in-check ang anumang pagtatangkang mag-trespass labas sa angkop na pagkamamamayan.

Kami man ay trinato na “mala-malang” preso. Madalas ang bulyawan ng mga gwardya ukol sa kurtesiya sa mga kahilingan sa kanila sa oras ng pananghalian, o ang pag-utos na magpatatak sa magkabilang kamay, at kung paano dapat mainspeksyon ang katawan, saan pipila, at iba pa. Ang taas ng boses ng mga may kapangyarihan sa City Jail ay regularisasyon din sa katawan ng dumadalaw rito.

Sa labas ng City Jail, ilang araw matapos ang karanasan, naisip ko ang kahalagahan ng baryang ipinagkakait ko sa nagkakaroling, o pampalimos sa mga paslit, lalo na ang makukulit na nakikipag-emotional blackmail sa salamin ng kotseng naipit sa trafiko. O kung bakit ako ay mayroon ding barya sa maliit na compartment ng kotse, at kung bakit watch-your-car boys lang ang pinaglalaanan ko nito.

Ito na lang ang nalalabing kapangyarihan ng barya. At ang kaakibat nitong indibidwal na ahensyang mamudmod nito batay sa sariling diskresyon. Gayon sa dami ng nagnanais mapamudmuran—sa pang-araw-araw na krisis ng estado sa pangkalahatan, at sa mega-krisis ng mga burukrata kapitalismo ni Gloria Arroyo sa partikular—ang barya sa dumadaming bilang ng nagugutom at naghihikahos, ay nananatiling hari sa pang-araw-araw.

Sa labas ng City Jail, samakatuwid, ang papel na pera ay sakmal ang kapangyarihang makapagparangya sa iilan at makapanghikahos sa nakararami. Anong saya nitong mundo ng bansa natin, ang sinsilyong ekonomiya sa loob at labas ng City Jail! Bulatlat

Isang Linggo ng umaga, dalawang buhay sa pakikibaka

August 17, 2008

Rolando Tolentino, Pasintabi

TEMPTING ang alok ni Trina. Nag-aya itong pumunta ng Tagaytay, kasama ng kanyang mga kaklaseng Singaporean. Siya ang bahala sa sasakyan. Sabado ng tanghali ay nag-aya naman si Judy, dalawang aktibidad kinabukasan.

Sabado ng gabi nang magdesisyon akong sumama kay Judy. Tinext ko si Trina, nagpaumanhin. Medyo nahuli ako ng gising ng Linggo kaya nagmamadaling nag-amusal at naligo. Hilo ako kapag Linggo ng umaga. Sanay ang katawan na humihilata hanggang sa mataas na ang araw. Tutal Linggo naman, araw ng pahinga.

Alas-nuwebe medya nang makarating kami sa Bantayog ng Mga Bayani sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA. Gusto ko ang lugar na ito. Mataimtim ang nakahilerang punong nagsilakihahan na, at ang bakanteng lote ng damo na sinasarhan ng itim na marmol. Ito ang memorial ng mga martir ng martial law.

May korona na ng bulaklak sa gitna ng memorial. Ika-110 taong kaarawan ni Lorenzo “Ka Tanny” Tañada. Kilala siya bilang “grand old man of Philippine politics” gayong mas kilala siya bilang isang pangunahing pigura sa parlamento ng lansangan.

Sa auditorium na may 72 upuan ang pormal na parangal ng Bagong Alyansang Makabayan. Ipinaliwanag ng taga-Bantayog ang bilang ng silya, katugma sa taong idineklara ang martial law na ayon rito, ang “darkest days of Philippine history.” Naisip ko ang kasalukuyang lagay ng political killings at abduction, pero hanggang thought-balloon lang ito.

Naalaala ko rin ang aking moment kay Ka Tanny. Sa isang pagtitipon noong nasa La Salle pa ako, pinarangalan si Ka Pepe Diokno sa dating Philippine Plaza Hotel. Tapos na ang seremonya at ipinakilala ako ng presidente ng unibersidad kay Ka Tanny. Tinanong ako ng matanda kung ako raw ba ay student leader. Nag-nervous laughter ang presidente.

Nang maging associate editor ako ng aming yearbook, itinulak namin na ialay ang dokumento ng aming batch sa dalawang pangunahing La Sallistang makabayan. Kami naman ang henerasyon na lumabas na martial law babies at grumadweyt sa People Power.

Sa audiovisual presentation sa parangal, marami ang namugto ang mga mata sa tapang ng matanda, kahit naka-wheelchair, na manguna sa protesta laban sa Batasan Election ni Marcos, pati laban sa Bataan Nuclear Power Plant, at pandaraya ni Marcos sa snap polls. Ang shining moment ni Ka Tanny ay ang pagkilala ng kanyang anak na senador Bobby Tañada bilang aninong gumabay sa anti-bases ng U.S.

Matanda pero may pinagkatandaan. Nandoon siya sa kanyang anak, at apo na si Erin Tañada, kasabayan kong lumaki bilang martial law baby. Pati sa mga apo sa tuhod at talampakan ni Ka Tanny. Nandoon siya sa mga aktibistang kabilang sa henerasyon ng anti-Marcos, at ngayon ay anti-Gloria.

Dumiretso kami sa City Jail para dalawin si Randy Echanis, opisyal ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at ngayon ay kinasuhan ng krimen ng pulis. Siksikan ang bilangguan. Old Bilibid ito at nandoon pa rin ang lumang dormitoryo. Mas lalong naging luma, siksikan sa 4,500 na bilanggo.

Sa gitna ng walang sawang karaoke at bilis ng kilos ng mga taong kumakain sa canteen ng dorm ni Ka Randy, naisingit ang mga kuwento niya sa kanyang pagkaaresto sa Negros, paglipad sa Cebu, at pagtapon sa City Jail. Kilala si Ka Randy sa kulungan. May paggalang sa kanyang pagiging detinidong politikal.

Unang pagkakataon kong nakilala si Ka Randy, di tulad ng mga kasama kong may mahaba nang kasaysayan ng pagkilos kasama siya. Mainit ang pagtanggap niya sa akin at sa aming grupo. Nahiya nga kami at tanging pananghalian, dalawang libro, at baryang ipamumudmod niya sa kapwa detenido ang nadala namin.

May ilang ulit nang naaresto si Ka Randy. Pero kahit magkagayon, may lungkot sa kanyang mukha. Sumagi ang alaala kay Ka Crispin Beltran na minsan ding nadalaw sa Heart Center. Makuwento kahit malungkot ang sirkumstansya ng pagkukuwentuhan, pero may tapang. May tuwa na nakita ang luma at bagong kasamahan.

At nang si Lisa ang nagkaroon ng pagkakataong umawit, pinili nito ang “Pangarap na Bituin.” Ilang sulok ng upa, may kubling nalulumbay/Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay/ Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay/Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas.

“May meaning pala ang kanta!” nakangiting suma ni Ka Randy. Nang magpaalam na kami sa kanya, inihatid niya kami sa bukana ng pasukan ng bisita. Tinapik ko siya sa balikat, mariin ang kamay niya sa amin. Nang medyo magkalayo na kami, tinaas ko ang aking kamay para magpaalam. Nakita ko siyang nagtaas-kamao, at pati ako ay napataas-kamao na rin.

Ganito ang tahimik na unawaan sa hanay ng mga kasama. Na kahit nakakulong o nasa labas, kahit dumadagundong ang mga boses na nakikipaghabulan sa karaoke at kay init ng biyahe pauwi, may mga sinasabi ang eksaktong sandali.

Tinuldukan ng pagyao ni Ka Tanny ang anti-diktaduryang pakikibaka. Naging abstraksyon para sa maraming nanamlay ang sumunod na anti-estadong pakikibaka. At ang mga tulad ni Ka Randy, na kahit nakakulong, ang buhay na diwa ng pang-uring pakikibaka na ito.(PinoyWeekly)

Bawal ang Mahirap Dito

August 13, 2008

Graffiti ito sa may harap na bakod ng Faculty Center sa U.P. Ang kumpletong sinulat sa itim na tinta ay “Bawal ang mahirap dito.  Mahal ang tuition!”  Tamang-tama ang pagkasulat dahil sa panahon ng UPCAT, ang entrance exam sa U.P. Malaman ang sinasaad ng slogan na ito. Hindi na pangmahirap ang U.P. Na kahit makapasa sila ay hindi naman nila kakayanin ang tuition fee.  P300/unit ang pinakamaliit; P1,000/unit ang pinakamalaki. Hindi pa kasama rito ang buhawi ng “other fees,” na halos lahat ng kurso, kahit hindi siyensa at teknolohiya, ay may kaakibat na lab fee.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 27, August 10-16, 2008

Graffiti ito sa may harap na bakod ng Faculty Center sa U.P. Ang kumpletong sinulat sa itim na tinta ay “Bawal ang mahirap dito.  Mahal ang tuition!”  Tamang-tama ang pagkasulat dahil sa panahon ng UPCAT, ang entrance exam sa U.P.

Malaman ang sinasaad ng slogan na ito. Hindi na pangmahirap ang U.P. Na kahit makapasa sila ay hindi naman nila kakayanin ang tuition fee.  P300/unit ang pinakamaliit; P1,000/unit ang pinakamalaki. Hindi pa kasama rito ang buhawi ng “other fees,” na halos lahat ng kurso, kahit hindi siyensa at teknolohiya, ay may kaakibat na lab fee.

Kapag sinabing bawal, may sinasabing relasyon na may nagbabawal at may pinagbabawalan. Ang nagbabawal ay ang administrasyon ng U.P. na talamak, lampas pa sa mga pinakamahal na pribadong pamantasan, na nagpapatupad ng neoliberalismo sa edukasyon. Lahat ng bagay, kahit walang kinalaman sa investment, ay pinagbabatayan sa computable na cost-benefit analysis.

Kaya kahit na kontra-rasyonalisasyon (bakit mayroon nito sa loob ng isang pamantasan?) at kontra-liberal arts (may kritikal na kakayahan ba ang trabaho rito?) ang pagtatayo ng sandamakmak na call center buildings sa Commonwealth Avenue, kineri pa rin ito ng administrasyon sa pagnanais na makalikom ng P100 milyon kada taon mula sa Ayala Corporation na umupa nito.

Ang pinagbabawalan ay ang mga may kawalan ng titulong makapag-aral sa U.P. Ito ang mahihirap. Na doble paghihiwalay sa mahihirap sa kampus. Una, ang pagtrato sa mahihirap na walang entitlement sa tertiary education mula sa bagong-silang na “national university” na U.P. Pinapapasan sa kanila ang mataas na halaga ng edukasyon, kasama ang mataas na halaga ng pagtira sa kampus sa mga taga-probinsya.

Ikalawa, ang pagtrato sa mahihirap na wala ring entitlement kung sakaling nakapaloob na sila sa U.P., pati ang mga nakatira sa kampus. Kakaiba ang U.P. dahil mayroon itong komunidad sa loob ng kampus.  Sa pagbabago ng ruta ng C-5, ang Palaris na tinitirhan ng maraming bilang ng empleyado, guro at retirado ay mawawala na.

Militante kung magbantay ang SSB, ang militia ng administrasyon, sa mga tao, lalo na sa Academic Oval. May curfew na raw sa loob nito. At pati mga guro ay pinagbabawalan nang tumambay sa lagoon at Sunken Garden lampas alas-dyes ng gabi.

“Ligtas” ang pakiramdam sa kampus dahil nga wala nang tao sa loob nito, matapos ng alas-dyes.  Para itong “kapayapaan ng sementeryo” na bibanggit tungkol sa isang fasistang rehimen. Wala nang pumapalag dahil nga lahat ay pinatay na. Ligtas at mapayapa ang kapaligiran dahil ipinagbabawal ang mismong tao rito.

Ang isinasaad din ng slogan ay afiliasyon ng U.P. sa estado. Na tulad ng ipinagbabawal ng estado, walang politikal na karapatan ang walang ekonomiyang lagay na mamamayan.  Maliban sa dole-out ni Gloria Arroyo ng P500 sa gumagastos ng murang kuryente o pabigas sa mahihirap pero perfect attendance na mag-aaral, walang sustenidong safety net at disenyo para sa mahihirap.

Tulad ng estado, kanya-kanyang paghahanap ng salbasyon sa U.P. Walang inilatag na safety net dahil mas matimbang ang gastos kaysa sa aktwal na benefisyo nito sa unibersidad. At ang turing nga sa mahihirap ay gagastusan pa, kung sakaling makapasok.  Kaya bago sila makapasok, mainam nang magkaroon ng pagpupulisya sa ranggo nito.

Bukid sa slogan na ito, nakapinta rin ang “Tutulan TOFI” (tuition and other fee increases) sa bakod ng Faculty Center, maging sa signboards mula sa Philcoa. Sa College of Law na may tarpaulin sa harap nito ng “100% College of Law,” pinalitan ito ng “1000 TOFI.”

Ang graffiti, siempre, sa punto-de-bista ng administrasyon ay vandalismo o pagyurak sa pribadong pag-aari ng pamantasan. Pero sa walang rekurso sa ofisyal na lagusan ng media, ang graffiti ang media ng paglalahad ng naisantabi. Ang graffiti ay anti-estabilisimento, anti-awtoridad at anti-rehimentasyon.

Kaya tinataguriang vulgar, bastos at pedestriano sa isang banda, at napaka-politikal, hindi angkop na aksyon sa kabilang banda. May reclaiming na ginagawa ang gumagawa ng graffiti, re-claiming dahil hindi naman siya ang lehitimong may-ari nito sa simula pa lamang.  Inaako lamang niya na kanya ang isang bagay na ipinagkakait sa kanya.

Kung ganito, pinagsanib ang mob at politikal na mentalidad na sa unang usapin ay ikinawing din naman sa masa. Walang distinksyon ang politisado at hindi politisadong masa. Ang vandalismo—kasama ang pagsulat sa dingding at pinto ng CR (comfort room), maging sa mesa ng mag-aaral—ay ang rekurso ng naisantabi sa mapanupil na kolektibong lagay.

Kaya rin parating sa laylayan ng poder ng kapangyarihan ang mga graffiti. Sa mesa ng mag-aaral, sa banyo, sa nakakubling dingding, sa madilim na lugar, at iba pa. Na ang trespassing na sabjek na nagva-vandalize ay isa naman talagang nang trespassing na nilalang bago pa man siya mag-vandalize. Sa figura ng aktibista o naetsapwera, matagal na silang nasa laylayan.

Lilikha ng hysterical panic ang administrasyon. Tulad na lamang ng reaksyon ng maraming senior na guro sa pagtapon ng putik at itlog kay General Hermogenes Esperon nang ito ay lumabas sa pinagsalitaang kwarto. Biglang naging Mr. Decorum at Ms. Moral Values ang maraming guro.

Na mapapaisip ka kung sino ang kanilang prinoprotektahan? Bakit sila ang parang tinapunan ng putik at itlog? Bakit may transference ng sama ng loob ni Esperon sa mga gurong umako nito? Hindi kaya sina Mr. and Ms. Moral Universe ay Ms. Chu-chu (sipsip) rin pala?

Ang identifikasyon sa nang-aapi bilang inaapi ay kabahagi ng rasyonalisasyon ng naghaharing uri. May nakitang “kawalan” o minus points sa politikal na pagkilos, na maling kinonekta pa sa kilusan. Anang isa, “Iyan ba ang gusto ninyong mamuno sa atin kung magtagumpay na?”

At mas matimbang itong kawalan para ang i-indict ay ang kumikilos para sa karapatang pantao. Mas lugi ang U.P. o ang imahen nito sa ginawa ng ilang progresibo. Kaya may usapan pang ipapa-expel raw ang mga ito, kailangan daw mag-sorry dahil inilagay sa hiya ang unibersidad.

Dalawa lang naman talaga ang reaksyon sa graffiti. Una ay ang total na indictment nito mula sa aktwal at representatibo ng naghaharing uri. Masama ito dahil hindi na itinuturing na sagrado ang pribadong pag-aari. Ano ang mararamdaman mo kung nakawin ang iyong cellphone o i-scratch ang iyong kotse?

Ikalawa, mula sa aktwal at representatibo ng mga inaaping mga sektor, ang amusement sa batayang lebel dahil mayroong kontra-rasyonalisasyong isinasaad ang graffiti. Pagbabalikwas ang pangunahing tema nito. At pati na rin ang inter-aktibong katangian ng graffiti.

Sa mesa sa klasrum, kapag nauupo ako habang may estudyanteng nag-uulat, binabasa ko ang mga graffiti. May sagutan pa ukol sa mga isyung hindi lubos na tinatalakay sa unibersidad. Itong kahoy na desk at kongkretong pader ang nagiging rekurso para mabigkas ang kolektibong hinanaing, at kolektibo rin itong mabasa.

Sumusulat ang isang tao ng graffiti dahil naetsapwera siya. At ang tangi niyang makakausap ay ang desk at pader. Pero siya na nagsusulat ay hindi nag-iisa. Nagsusulat siya, may media at espasyo siyang pampubliko. Ang kanyang lagay ay may kaakibat na kolektibong dumadanas din nito. Kaya ang mambabasa at tumutunghay sa graffiti ay may kolektibong posisyon na pinanggalingan. Kaya gets niya kaagad ang sinasabi ng graffiti.

Ang nagustuhan ko sa slogan na “Bawal ang mahihirap” ay ang pagsapol nito sa kasalukuyang pagdanas sa neoliberalismo ng imperialismo. Na imbis na isulat ay “Imperialismo ibagsak,” ang pagtuon ng pansin sa bawal ay pagtukoy sa kolektibong agam-agam at aspirasyon.

Aspirasyon na makapasok ang maraming mahihirap na pumasa sa UPCAT; agam-agam na nakabatay sa moral panic na paano naman “ako” kung makakapasok ang ibang mahihirap? Ang ginagawa ng slogan ay itawag-pansin sa pagbubura ng U.P. sa mahihirap bilang lehitimong kasapi ng pamayanan nito.

Pero sa kabilang banda, kailangan din ng U.P. ang mahihirap bilang paratihang kaiba (other) sa kanyang itinataguyod na gitnang uring subhetibismo. Kung walang jologs, walang pangangailangan sa SSB at iba pang para-militar na aktibidad sa kampus. Kung walang mahihirap, paano magiging exklusibo ang karanasan sa Chocolate Kiss at Cordi Café?

Sa maliit na uniberso ng U.P., kailangan ang pagmimintina sa presence ng mahihirap para maitaguyod ang kalakarang neoliberalismo. Kung walang squatter sa campus, walang dahilan kung bakit hindi mamaximisa ang idle properties para sa sarili nitong interes.  Sino ang tunay na dapat makinabang sa mga ari-arian ng U.P.?

Kung walang mahihirap na estudyante, walang patagong kabalitaktakan ang mayayamang estudyante. Sa huli, ang ipinagbabawal ay hindi rin lang mahihirap na tao, kundi ang karanasan sa kahirapan. At ito ang fantasy-ideal ng U.P., na magmukha siyang global university.

Kaya ang kontexto ng pagsulat ay tiyak na makakapagpagalit sa administrasyon na nagpapapinta ng mga lumang buildings sa academic oval. Biro mo, kapipinta pa lang ay vina-vandalize na ng graffiti! Ang pagtingin na pribadong pag-aari ang bagong-pintang bakod ang tampok na rasyonal ng administrasyon.

At dahil ang rasyonalisasyon ay pribadong pag-aari ang bakod, hindi na rin ito nahihiwalay na pagturing na pribadong pag-aari ang U.P.  Ang vina-vandalize ay ang U.P. mismo, at ang bagong representasyon na ito ay pribadong pag-aari ng administrasyong humahawak nito.

Sa pamamagitan ng graffiti, pinaluluwag, kahit sa isang maliit na lunan sa isang maliit na panahon (hanggang sa mapintahan muli ang bakod), ang paghawak ng administrasyon.  Maging ang rasyonalisasyon nitong sumasakal sa maraming nakapasok at nagigiit ng kanilang pang-uring entitlement ditto.

Sa isang sandali, pati ang administrasyon ay kailangang iutos na burahin ang matagal na nilang minamaniobrang mabura—dobleng erasure kumbaga: ang akto ng pag-gatekeep nila laban sa mahihirap, at ang akto ng pagbura nila ng graffiti na tumatawag pansin dito.  Hanggang sa iba pang sandali na muling susulpot ang graffiti sa ibang panahon at espasyo. Bulatlat

Pagkahibang sa post-sona, ex-sona

August 10, 2008

Rolando B. Tolentino

BINASA ko ang SONA (state of the nation address) ni Gloria Arroyo at para itong pelikula. Kung hindi ko inawat ang aking sarili, parang ang ganda nga talaga ng kanyang naipatupad.

Malalamon ang sinumang nagbabasa dahil sa makinang na datos at papuri sa sarili. Wala ang monotonong boses, ang deadpan na mukha, ang pagiging fashion victim.

Sa papel, seryoso siya sa pagkapangulo. Pantastiko ang naipatupad. Lampas sa dalawang milyong ektarya ang naipamahagi sa land reform at ancestral domain claim.  Pinakamura ang NFA rice sa Asia. Pinababa niya sa kalahati ang texting, 50 sentimos na lamang. 65 milyong Pilipino na ang may health insurance.

Sa aking guni-guning nagtampisaw sa kanyang pamamantasya, gusto ko siyang yakapin. At matapos ng isang segundo, gusto ko siyang bulyawan ng mga mura, at “sinungaling ka!”

Pero inisip ko, hindi sinungaling si Arroyo. Ang pagsisinungaling ay isang pagkakataon lang, hindi kanyang kabuuang termino. Hindi rin pathological liar ito o ipinanganak na sinungaling. Hindi sana siya naluklok sa EDSA 2 ng sambayanan kung sa simula’t sapul ay sinungaling na ito.

Kaya ang aking kongklusyon ay kahibangan ito. Megalomia o delusion na pantasya ng kapangyarihan, yaman at henyo, tulad nina Marcos, pero without the edifice. Ang mga Marcos kasi ay sinabayan ng mararangyang bakod at gusali ang pagtatakip sa malawakang kahirapan at pambubusabos sa karapatan.

Si Arroyo ay “simpleng mega.” Hindi megastar, kundi megalomaniac. Ayaw ni Ate Shawie (Sharon Cuneta) niyan. Isang manyakis na ang turing sa sarili ay anak ng diyos. Kaya tulad ng sex maniac, may taliwas na entitlement na mang-abuso ng mahihina at kayang abusuhin.
Ang pangunahing pagtatangkang infrastruktural ni Arroyo ay ang mga kalsada at RORO. Sina Marcos ay ang mga edifice, tulad ng Cultural Center of the Philippines complex at ang monumento ng Apo sa Naguilian Highway sa Baguio. Si Arroyo ay pragmatiko – Macapagal Highway, Subic-Clark Expressway, airport at sea ports.

Na ang tanging lohika ay higit pang maipatagos ang bawat sentro at laylayan ng bansa sa dayuhang kapital. Na tulad ng mikropono sa buong panggabing shift ng call center agent, nakakapang-udyok mapaniwala na nandoon na tayo kahit wala pa, na mabuti ang lagay kahit hindi naman.

Na makakatulong kahit wala namang iniaalok, si Arroyo ay nagbubuga ng mainit na hangin mula sa kanyang malaking ego. Hangin ang loob at labas ng wafer ng ampaw.  At ito ang batayan ng pagkahibang ni Arroyo.

Puro hangin ang lumalabas sa bibig. At sa batayang antas ng buhay, wala itong katotohanan. Ramdam ang kahirapan. Naghihikahos ang ordinaryong buhay. Walang kabutihang naidulot ang pagkapangulo ni Arroyo.

Ganito ang “lohika” ng pagkahibang. Kailangang kumbinsihin ang sarili (ang katawan at isip ng hibang) na totoo ang kanyang sinasabi. Kaya walang katapusan ang pagsisinungaling dahil paano mo papaniwalain ang sarili sa mga batayang kasinungalingan, maliban sa katotohan ng pagiging hibang?

At dahil nagdarahop ang kabuuang lagay ng maraming mamamayan, ano ang mas higit nilang paniniwalaan? Na mas lalo silang magdarahop, o kakapit sila sa hanging lumalabas sa bibig ng baliw?

Napapaniwala ang marami dahil hindi sila ang mas malaking baliw – mga baliw na naniniwala sa pangulong baliw. Napapaniwala sila dahil may hawak na kapangyarihang pulitikal ang pangulong baliw. Malupit ang hagupit ng latigong sabay na lumalatay at sumasakal sa mamamayan.

Pero ang sumpa ng kahibangan ng pangulo ay lahat ng sabihin ay post– (natapos na) o ex– (nakalipas na) sa akto pa lamang ng pagsisinungaling nito. Kaya sa nakikinig sa kanya, tune out na kaagad sa baliw.

Walang masasabi ito na mapapaniwala pa ang nakikibakang mamamayan.(PinoyWeekly)

Indie Cinema bilang Kultural na Kapital

August 5, 2008

May retransformasyon ng kultural na kapital ang kaakibat ng mainstreaming ng indie films.  Ang dating indie filmmaker ay ngayon ay inaasahang maging astute marketers na rin ng kanyang pelikula.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Volume VIII, Number 26, August 3-9, 2008

Kung bilang ang pagbabatayan, indie films na ang namamayagpag sa Pilipinas.  Sila na ang bumubuo ng bulto ng output taon-taon, nananalo ng awards sa loob at labas ng bansa.  Sila ang tinaguriang “shot in the arm” ng naghihingalong industriya ng pelikula.

Kung pagbabatayan ang ikaapat na Cinemalaya ng Hulyo 2008, ang 27,000 nanood sa higit sa 200 indie films ay nagbabadya na mayroon nang deboto, kundi man komunidad, ang indie films.  Ito ang tunay na box-office draw sa elitistang persepsyon at katangian ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ito lamang, maliban sa lingguhang pagtitipon ng El Shaddai, ang nakakapuno sa mga venue sa CCP.  Indie films ang lumalabas na tunay na ideal market ng CCP—kabataan, culturati na may interes sa pag-unlad ng lokal na sining, willing tumangkilik, at higit sa lahat, magbayad.  Ano pa ang hahanapin ng CCP?

Ang indie films ay nakalikha ng sarili nitong niche community.  Niche pa lang ito dahil Metro Manila phenomenon, sa pangkalahatan, ang indie films.  Bagamat mayroong pelikula mula sa rehiyon, mas ang itinatampok pa sa kompetisyon sa Cinemalaya ay ang sentrong nag-aaproba ng proyekto ng rehiyon o mga pelikulang may rehiyonal na flavor na pinondohan at nakakapasa sa panlasa ng sentro.

At dahil ang base ng komunidad—ang tumatangkilik—ay mga kabataang culturati na nakakapagbayad (kung gayon, gitnang uri na tulad din ng kasalukuyang audience ng lokal na sineng ang bayad ay P80 hanggang P140 kada tiket), hindi lamang sentrong phenomenon ang indie films, ito ay gitnang uring culturati na kaganapan.

Kumbaga sa pagsusuring pang-uri, ito ang pambansang burgesyang may interes sa pag-unlad ng lokal na industriya ng sining, kahit pa nga ito pinopondohan ng media na interes ni Tonyboy Conjuangco, ang patron ng Cinemalaya.

At kung ito ang katumbas ng pambansang burgesya, maliit ang bilang ng tumantangkilik ng indie films.  Matapos ng apat na taon ng Cinemalaya, mabibilang ang indie films na nakapasok sa komersyal na venue, ang cinema complex sa malls.  Tanging CCP, isang sinehan sa Robinson’s Galleria, at Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute ang may regular na programa ng screening ng indie films.

Ang empasis ng Cinemalaya sa naratibong pelikula ang nagpaunlad ng kasalukuyang “mainstream look” ng indie films.  Kalakhan ng sampung pelikula sa kompetisyon ay mayroong diin sa narrative continuity at suture, tulad ng classical Hollywood narrative cinema.

Ang Boses (Ellen Ongkeko Marfil, direktor) ay epektibong nagpaagos ng luha sa manonood, kasama ako.  Sino ang hindi maiiyak sa isang inabusong musmos na nakatuklas ng kapangyarihan ng musika ng biolin para makaagapay sa kanyang abang lagay?  Na mula sa pagiging walang magawang biktima ng karahasan ng kanyang ama, siya naman ay naging willing na disipulo ng isang demanding na henyo, ngunit may mababang EQ (emotional quotient)?

Nawala na ang jittery movement na gamit ay mumurahing portable video camera.  Napalitan na ng stilisadong off framing, panning at tilting movement para mag-simulate ng sinaunang dokumentaryo at new wave look.  Sinadya na ang indie look, hindi nanggaling dahil sa indie mode of production.

Ang kinalabasan ay well-polished indie films, o indie films na may mainstream look.  Ang tangi na lamang inaabanteng “indie spirit” ay ang paksa—batang inabuso at nakatuklas sa biolin, call center agents na inaanod (o nilulunod?) ng bagong buhay ng sunshine industry, sensualidad ng Ilonggo cuisine, at iba pa.

Wala na ang lingering camera movements ng poverty films at surrealist look na ang artist at manunulat ang pangunahing tauhan.  Na-Hollywood-ized na ang indie films, o nagmistulang indie films sa U.S. na nag-aantay ma-pickup ng major studio.  Na kaya na lamang indie films ang mga ito ay dahil hindi pa nga naipapalabas—bagamat kahit ngayon pa lang ay nangangarap na—sa komersyal na sinehan.

Sa awardings, nandoon si Mother Lily, ang anti-thesis ng indie films.  Hindi nga ba’t si Raya Martin ay gumawa ng pelikulang misogynista at racista ukol sa pagkatupok sa “Mother Lily” character?  Ano ang nangyari sa fantasy-ideal ng indie filmmakers na matupok ang Mother Lily-mainstream figure kung ang tunay na Mother Lily ay kabilang sa guest of honor ng pinakatampok na indie film festival sa bansa?

Ang mainstreaming ng indie cinema ay naghuhudyat ng reconciliatory position ng gatekeepers ng indie films—na may content na at kailangan na ng market.  Sila na resulta ng pang-aapi ng mainstream cinema ay ngayon nag-aalok ng olive branch.  Nakaka-touch, di ba?  Pero dahil na rin hindi na nakakasapat ang CCP, Robinson’s at UP bilang venue.  Kailangan nang makapasok ang indie films sa sinehan.

Kung gayon, ang kasalukuyang orkestrasyon ng indie films ay tungo sa mainstreaming nito.  Naka-check na ang international awards.  Muli nang nakapasok sa Cannes Film Festival Competition.  Kailangan na lamang may manalo sa isa sa apat na first-tier festivals.

Naka-check na rin ang kabataang culturati—silang mga filmmakers ay ngayon ay audience.  Kailangan na ng mas malakihang expansyon ng venue at market ng indie films.  At hindi komunidad ng maralitang tagalunsod o unyon ang inaakalang venue nito.  Ang oasis ng cinema complex sa tuktok na palapag ng malls.

May retransformasyon ng kultural na kapital ang kaakibat ng mainstreaming ng indie films.  Ang dating indie filmmaker ay ngayon ay inaasahang maging astute marketers na rin ng kanyang pelikula.  Kahit pa ang payo ng international programmers ay lumikha ng mga pelikulang orihinal, kakaiba at nanggagaling sa lokal na lipunan.

Sa 27,000 na nanood ng ikaapat na Cinemalaya, hindi iilan ang nangangarap maging filmmaker.  Na hindi tulad ng writer na maaring gumawa ng akdang ibuburo niya sa pahina ng itinatagong journal, ang indie filmmaker, tulad ng blogger sa internet, ay may ini-imagine na publiko.

Siya na manonood ay umaasang maging manlilikha ng produktong mapapanood.  Mayroong kultural na kapital ang indie filmmaker.  Nakakapanghatak ito sa fantasisasyon ng nasa ibaba—ang kabataang culturati na makita ang sarili nilang ideal, at mahigitan ito sa matagalan.

Kahit pa ang indie filmmaker ay naglalayon maging mainstream.  Na kung magpakaganito, siya na nag-iisip sa kanyang fantasya na nagsusunog kay Mother Lily ay siya palang nag-aalay ng bulaklak sa paanan nito, at nagpapakintab sa rebulto nito.

Kung magpakaganito, natupok na rin ang indie bilang kultural na kapital.  Natransforma na ang kultural na kapital—anti-establisyimentong gamit sa pelikula, kontraryong bisyon sa sining, at pagtatanghal sa direktor bilang artist—at naging social capital na lamang ito.

Nakakaakyat na sa baitang ng mainstream at industriyang pampelikula ang indie filmmaker.  Ang nagpakilos na rito ay hindi na dahil siya ay (ex-) indie filmmaker kundi kung sino na ang kanyang nakilala mula sa itaas na kaya ring maghaltak sa kanya sa higit pang panlipunan at pang-uring mobilidad.

Sa aking palagay, matapos ng ikaapat na taon, may krisis na ang indie films.  Ang krisis ay sa pagbibigay-diin sa market—hindi pa audience na hindi naman nesesaryong nakakapagbayad—ng indie films.  Ano ba yan?!  Hindi ba nga nakakapaglakad ay nalulumpo na ang indie cinema.

Ang ginagawang pantawid para sa nilikhang kakulangan ng indie films ay ang pag-market ng pelikula.  Kung ganito, pumaloob na ang indie films sa diskurso ng komersyalismo at industriya.  Hindi iilang beses kong narinig sa mga nagsalita at filmmakers na “suportahan ninyo (manonood) ang indie films” na ibig sabihin ay bumili ng tiket at manood nito.

Imbis na isipin ang problema ay audience development, ang itinatampok na diskurso ay pag-penetrate sa palengke (market).  Nagpapababa ito sa nakamit na kultural na kapital ng indie filmmakers—bilang propeta ng transformatibong sining.  Kaya hindi rin kataka-taka na ang kalahating milyong grant mula sa Cinemalaya ay iniisip na kulang pa para makamit ang bisyon.

Nakadikit na rin ang estado sa Cinemalaya.  Nandito ang karagdagang pondo at kredit sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) at National Commission for Culture and the Arts.  Na ang bisyon ng filmmaker ay dumadaan na rin sa kapital, kundi man sa lente na rin, ng estado.

Kaya rin hindi ako nagtataka kung bakit wala na ang legacy ng social realism ni Lino Brocka at modernistang critique ng gitnang uri ni Ishmael Bernal.  Nawala na ang  politikal na filmmaking sa bokabularyo ng indie filmmakers.  Ang piniling idioma ay halaw sa language ng mainsteam filmmaking.

Tanging ang indie filmmakers na piniling manatili sa laylayan ng laylayan (ang naunang posisyon ng Cinemalaya) ang may nalalabing bisang gamit ng kultural na kapital.  Na tila nagsasaad ng sumpa:  na kapag piniling maging (tunay na) indie filmmaker, kailangang magpakatotoo sa sarili, na ang sarili ay konektado, sa batayang antas, sa sining, at ang sining ay halaw sa lipunan.

Walang short cut dahil kina-cut short ng mainstreaming ng indie films ang pagpapanatili sa indipendiente at transformatibong sining.  Kaya rin hindi kakatwa na CCP ang venue at host ng Cinemalaya dahil tunay na tagapagpadaloy ang institusyong kultural ng estado sa nesesaryong kondisyon ng pangangapital ng estado.

Parang harsh, di ba?  Pero alin ang mas harsh:  ang kooptasyon ng CCP sa indie films sa direksyong tinungo nito sa paanan ng kapital—may audience pero bawas na ang integridad; may puri pero dulot na ng pagka-pickup nito ng international film festival programmer (kahit pa kinuwestiyun din itong purposiveness ng indie films sa pagiging circuitable sa foreign art market)–o ang kawalan ng market pero may mas angkop sa mas maliitang niche audience na sabayang tumatangkilik at trinatrasforma ng sining?

Dalawang magkausap na representatibo ang boundary markers nitong huli.  Sa isang banda, ang figura ni Lav Diaz na nagbukas at nagpanatiling bukas ng panibagong landas para sa indie filmmakers—ang pagtuon ng susing diin sa sining at politika ng pagsasaad nito para sa politikal na transformasyon, hindi man ng politika, kundi ng sining ng politika.

Sa kabilang banda, ang dokumentaryong politikal na film collectives na lumilikha ng indie films (hindi naratibo, hindi feature-length) para sa partikular na sektor ng kilusang masa.  Politikal ang panuntunan ng sining at ang sining ay gamit sa politikal na transformasyon.

Ang ipinagkaiba ng nakapaloob sa dalawang markers na ito sa Cinemalaya ay ang politikal na intent sa indie filmmaking.  Pinananatili ang politika ng sining at ang gamit ng sining sa politikal na transformasyon sa panuntunan ng mga figura ni Diaz at political film collectives.  Nilulusaw na ito sa Cinemalaya.

Kapag mainstream, wala nang gamit ang kultural na kapital.  Mismong kapital na ang impetu ng sirkulasyon ng pelikula, filmmaker at indie cinema.  Kung gayon, pangangapital na turing ang mainstreaming ng indie filmmaking.

Kaya sa huli, ang tunay na indie filmmaking ay wala na sa kamay ng estado, kahit may aspekto pa rin ng paggamit dito (FDCP, halimbawa, sa pagbibigay ng pondo sa mga natanggap na pelikula sa dayuhang festivals, at siempre, ang pag-claim nito sa produkto bilang kanya na rin).  Ang vanguards nito ay ay pagtungo sa pinakamalayong sulok ng estado, kung saan ito mahina at walang lubos na galamay sa pagpapatagos ng pangangapital nito.  Kung saan ang tao ay pinakadahop ang kondisyong panlipunan, at kung gayon, pinakahinog para sa pagbabalikwas.

Ang tunay na indie cinema ay ang pagpanig sa tao at bayang mas nakapanig sa interes ng indie filmmakers, at kasangga sa paglaban sa estadong puno’t dulo ng malawakan at malalimang kaapihan nilang lahat.  Ang tunay na indie films ay ang lumalaban sa interes ng estado, at nakakiling sa interes ng mamamayan.

Kaninong kwento ang ikinuwento at ikukwento mo? Alin rin kwento ang papaniwalaan at papanigan ng mamamayan? Bulatlat

Jologifikasyon

July 27, 2008

Ayaw nating maging jologs pero ito na ang karumal-dumal na nagawa sa atin ng rehimeng Arroyo. Lumilingon ang marami sa atin sa kaliwa’t kanan at nag-iisip kung paano makakalamang sa kapwa gayong ang pambansang pangulo na sukdulang nakakalamang sa lahat ay hindi napapansin.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 25, July 27-August 2, 2008

Signs of the times. Lahat ay gustong maghubad para sa Blackout fashion show ng Bench, ang “fashion event of the year.” At sino naman itong nag-aaya sa atin na gumamit ng Colgate na parang hirap sa ingles, kontodo sing-along pa sa mga imahen ng young love, sweet love?

Sa Nestea naman, hinihikayat tayo ng liga ng mga Carmen Miranda na matrona na bumili ng tig-sasampung pisong sachet, kontodo production number sa kalye? Sa isang cellphone na pangmahirap, may moral lesson sa maysakit na manggagawa na tumawid ng ilog at umakyat ng bundok para lamang magsabi sa kanyang bisor na hindi siya makakapasok.

Si Gretchen Barreto na partner ni Tonyboy Conjuangco ay nagpakatotoo na sa kanyang uri at showbiz na origin. Parati na lang sumasabog ang mga moral na skandalo kahit pa sa dami ng alahas at damit na sinusuot nito.

Si Borgy Manotoc ay nakikipag-ombagan. Ang Filipinong bading na alta-sosyedad ay inaakusahang tinabla pa ang Australianong may AIDS na partner nito ng halagang US$70,000. Sa pagtitipid ng Ayalang may-ari ng Trinoma Mall, ilang subkontraktwal na manggagawa ang nahulog at namatay sa pinipintahang dingding dahil wala silang harness.

Pejoratibo ang salitang”jologs.” Kung gitnang uri ka, maiirita ka dahil sinasabi na hindi ka nararapat sa inaakala mong “I-belong” na pwesto. Di lamang mababang uri kundi nakakatakot na uri ng kababaan.

Sa isang banda, may panganib (threat) na dala ang jologs sa gitnang uri. Sinasabi ng jologs na hindi stable ang panlipunang posisyon ng gitnang uri. Na parati silang maaring dumulas pababa para makwestyun ang kanilang gitnang uring pangarap.

Sa kabilang banda, ang gitnang uring pangarap ang siyang pinapangarap ng parehong gitnang uri at jologs. Ang sa jologs nga lamang ay mabilisan, at taliwas sa gitnang uring panuntunan na kailangang paghirapan, kailangang kitain, kailangang moral.

Hindi parating moral ang jologs. Sino ang matutuwang manakawan ng pinaghirapang mamahaling cellphone at notebook computer? Nang magtanong ako sa isang klase kung ilan na sa kanila ang nanakawan ng cellphone, lahat kami ay nagtaas ng kamay.

Temporal at intermittent lamang ang posisyon ng gitnang uri sa bansa. Limitado ang kanilang bilang. Tinatayang may 30 porsyento lamang ang gitnang uri sa malakihang mahihirap at limitadong maykaya. Dumagsa lamang ang isang matinding krisis-pagkakasakit, aksidente, repair sa bahay o sasakyan, sabayang pag-enrol ng maraming anak-nababalaho na ang ekonomiyang lagay.

Ang jologs naman ay combo meal ng lumpen proletaryado (mga latak ng lipunan dahil nababayaran kundi man nagkukusa para sa mga iligal na aktibidad) at aktwal na anakpawis na nabili na ng gitnang uring panuntunan kahit pa hindi kaya ng kanilang materyal na kondisyon.

Sa pelikulang “Tirador” (Dante Brillante, 2007), ang komunidad ng lumpen proletaryado ang tinahi sa naratibo ng pagkalugmok sa matinding kahirapan sa syudad. May bungal na ang raket ay mag-shoplift, at nang kumita ay nagpagawa ng pustiso para lamang mahulog sa lababo at humahagulgol na nililimas sa mabahong imburnal.

Ang anak ng snatcher nang mamatay ang ama, ang ginawa sa unang buhos ng abuloy ay isugal sa kalye. Ang isang snatcher na ama, ang kinita ay ipinambili ng shabu imbes na gatas ng kanyang sanggol. Ang mga snatcher, sa partihan ay dinudugasan ang kapwa.

Sa buod pa lamang, walang may gustong magkaroon ng ganitong identidad, mapabilang sa ganitong komunidad. Ang masamang balita ay may walong taon na tayong isinadlak ni Gloria Arroyo sa jologs na predikamento.

Ginawang lubhang makitid ang akses sa mobilidad, na sa huli ang inaanunsyong pag-unlad ay ramdam na lamang nang matagal ng nakakaramdam nito. Habang ang nakararaming maralita at gitnang uri ay nagmimistulang isdang naghihikahos makahinga sa lumiliit at umiinit na sapa.

Sa gitnang uri, ayon na rin sa summa cum laude ng Unibersidad ng Pilipinas sa commencement speech nito, hindi na opsyon mangibang-bayan. Ang pagpipilian na lamang ay ang literal na pangingibang-bayan, tulad ng kapalaran ng overseas contract workers, o virtual na pangingibang-bayan, tulad ng call center agent sa loob ng bansa.

Sa jologs, ang ipinang-iiba ay hindi bayan kundi kapalarang pang-uri. Ibig sabihin, ang instantaneous na kalakaran sa panlipunang mobilidad-snatching, drug dealing, pangdedehado ng kapwa, shoplifting-ay ang kapamaraan para maging kaiba ang jologs para sa pang-estadong panuntunan na maging gitnang uring mamamayan.

Pero itong kapamaraan ng jologs ay mistulang nang kapamaraan ng mga uri sa bansa. Sa rehimen ni Arroyo, pinakamatindi ang bigwas ng neoliberalismo ng deregulasyon sa gasolina, at free-trade na nagdulot ng kapabayaan sa seguridad sa pagkain, lalo na ang bigas, pati na rin ang napakataas na VAT na 12 porsyento ng halaga sa bawat bilihin.

Lahat nang karanasang ito kay Arroyo, sa pangunahin, ay across-the-board. Lahat-mayaman at mahirap, lalake at babae, may trabaho at wala, taga-syudad at taga-probinsya-ay apektado sa pagbaba ng matagal nang mababang kalidad ng buhay.

Pero bakit walang nagbabalikwas?

Ang epektibong nagawa ni Arroyo ay ang turingan ang panlipunang buhay, sa pangunahin at sa simula’t sapul, bilang pang-ekonomikong larangan. Lahat ng desisyon ng gobyerno, negosyo, institusyong edukasyon, media at relihiyon, ay nakabatay sa cost-benefit analysis-ang pinakamurang halaga ng gastos para sa pinakamalaking balik ng kita.

Kaya sa huli, ang epekto nito ay ilagay rin sa indibidwal na mamamayan ang kalakarang magsikap, magpursigi at pagbutihin ang kanyang abang lagay. Nailipat na ng estado ni Arroyo ang responsibilidad mula sa gobyernong sarado sa benefisyo at karapatan-P125 across-the-board increase sa minimum na sahod o P3,000 sa buwanang sahod, kasama ng pagtigil sa abduction at political killings-tungo sa limitadong probisyon ng social commitment ng negosyo-sirang laruan sa toy Christmas drive ng Jollibee, lumang libro sa book drive ng ShoeMart, pagtulong sa nasalanta ng bagyo ng ABS-CBN at GMA Foundations.

At matapos nitong limitadong probisyon ng negosyo, wala nang mapapala ang mamamayan. Ang serbisyo publiko ng gobyerno ay nagmistulang charity work na lamang. Imbes na sistematikong tugunan ang problema sa kalusugan, ang pagdulog ng milyon-milyong maysakit ay sa pamamagitan ng pondo ng congressman, Presidente at ng hawak nitong PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office).

Na pati ang mga nasa kilusang masa at progresibong indibidwal ay nahihikayat na ring lumahok sa charity work na ito. Nagagamit na rin sila para sa operasyonalisasyon nang higit pang jologifikasyon ng kanilang dating ibinabakang uri. Na ang pangunahing proyekto nito ay di lamang pagandahin si Arroyo, hindi gawin itong naabot na tao, kundi gawin itong epektibong presidente sa inepektibong panahon.

Parating ganito ang retorika ng management ng krisis ni Arroyo. Sound ang kanyang mga polisiya, kaya nga hindi raw tayo kasing apektado ng pandaigdigang krisis. Pero walang respite sa pagtaas ng presyo ng gasolina o temporaryong pagtanggal ng VAT nito na tunay na makakapagpabawas ng presyo.

At ang resulta ng survey na nagsasaad na pinaka-unpopular si Arroyo, kasama ng pinakamarami ang nagugutom sa kanyang pagkapangulo (14.5 milyon), di raw matanggap ng mga tao ang masasakit na desisyong kailangang gawin ng Presidente. Para raw sa ikabubuti ng lahat at ikalalakas ng ekonomiya.

Sa Hello, Garci scandal ni Arroyo, humingi ito ng paumanhin, “error in judgment” ang idinahilan. Hindi siya ang nagkamali, kundi ang isang insidente ng pag-iisip at pagkilos.

At kung gayon, isolated case. Nanghingi naman ng sorry, bakit hindi patatawarin?

Kung gayon, perfekto pala si Arroyo. Ang di-perfektong pandaigdigang lagay ng langis, bigas, kapital, service industries, finance market, at iba pa ang may salarin kung bakit naghihirap ang nakararami.

Kung bakit ang lahat ay napapakapit sa patalim (na isa namang humanisasyon ng jologs: hindi ang jologs na tao ang may problema, kundi ang marahas na lipunan ang salarin). Ang panahong global at kung paano naapektuhan ang lokal na panahon ang nagdudulot ng pasakit sa mamamayan.

Mahirap sabihing niloloko ni Arroyo ang kanyang sarili dahil mas hibang ang mamamayang hindi nagbabalikwas. Sino ang mas malaking baliw? Ang hibang na pangulo o ang mas hibang na mamamayang kaorkestradong sumasayaw sa kahibangang tugtog ng pangulo?

Sa posisyong panlipunan ng docile na mamamayan, siya man ay nagpapasya batay sa neoliberal na panuntunan. Ano ba ang mapapala niya sa rally at politikal na pagkilos? Ano ba ang mababago nito sa kagyat na ikakaginhawa niya? At dahil nga wala, hindi siya lalahok.

Ang kanyang aatupagin ay ang mga aktibidad na tila may mabilis na balik kahit nga hindi, mabilis na pakinabang kahit nga mas ikalulugmok niya ito, mabilis na kabig kahit mas malakas ang dagok. Ang resulta, nirereafirma niya ang saklaw ng rasyonalisasyon ng pagka-pangulo.

Hindi siya ang may problema kundi ang abstraktong paligid, kahit pa siya ang materyal na entidad na nakakaranas ng pagdarahop at karahasan. Na sa kanyang ekonomikong pagsusuri, mas isusugal niya ang kanyang kinabukasan kay Arroyo kaysa sa nakikibakang bayan.

Dalawa ang rekurso ng nakikibakang bayan. Una, paglahok sa arena ng taktikal na ekonomiyang pakikibaka para sa higit pang benefisyo sa mamamayan at sa politikal na pagpapalawak ng hanay. Ang welgang pampaaralan ay dapat makapagdulot ng ekonomikong relief sa pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin.

Ang lab fees na binabayaran ay dapat para sa gamit sa labrotoryo. Hindi dapat ipinapasok ang singil sa kuryente, pagbili ng aircon at pagpinta ng dingding sa lab fees. Wala dapat singil para sa hindi labrotoryong kurso. Kaya nga nagbabayad ng tuition fee ay para masakop ang gastos ng slide at LCD projectors, computer at iba pang batayang gamit.

Ikalawa, pagpapalawak ng “menu of services” ng kilusang masa para mahagip ang progresibong sentimiento at matransforma ito sa politikal na protesta. Kung human chain ang magdudulot ng suporta ng administrasyong Katoliko sa paaralan, maaring gawin ito. Kung sa komunidad ay pagkalampag sa walang lamang kaldero, maari rin ito.

Kung volunterismo ang kailangan sa komunidad para malinis ang estero at basura, maari rin ito, tulad ng pagbigay ng relief sa mga nasalanta ng bagyo. Pati na rin ang maagap na pag-take on ng kaso ng mga biktima ng disaster, tulad ng libo-libong pamilya ng mga namatay sa paglubog ng MV Princess of the Stars.

Ang mahalaga sa dalawang opsyon ay ang gamit nito sa politikal na transformasyon. Sa kagyat na kahilingan, ito ay ang pagpapahina kay Arroyo, hanggang sa pagpapatalsik sa kanya. Sa pangmatagalan, ang pagpapaunlad ng egalitaryong estado ng mamamayan.

Ayaw nating maging jologs pero ito na ang karumal-dumal na nagawa sa atin ng rehimeng Arroyo. Lumilingon ang marami sa atin sa kaliwa’t kanan at nag-iisip kung paano makakalamang sa kapwa gayong ang pambansang pangulo na sukdulang nakakalamang sa lahat ay hindi napapansin.

Sa politikal na transformasyon, si Arroyo ay hindi na abstraksyon kundi aktwalisasyon ng estadong karahasan at ang posibilidad din ng egalitaryong kinabukasan. Bulatlat

Kabilang sa mga naiwanan

July 24, 2008

Roland Tolentino, Pasintabi

May ilang araw nang depressed si Narlo (hindi niya tunay na pangalan). Nakita ko siya sa parangal para sa mga inang Nanay Linda at Connie, dalawang taon matapos dukutin ang kanilang mga anak sa Bulacan.

Nang magwakas ang programa ay ibinulong niya sa akin na ikalawang taon din nang dukutin ang kanyang nanay at tatay. At bigla akong napatanga dahil bakit wala siya kaniig sa okasyong ito?

Matapos ay nabalitaan ko na lamang na sa opisina ay mabilis itong magalit sa kahit anong bagay. Nang ilang beses itong aluking kumain, at ilang beses din itong tumanggi, bumulalas ang galit, “Bakit? Sapilitan na ba ang pagkain ngayon?”

Sa isang kuwartong nasisinagan ng araw sa hapon, nakatulog pa rin ito. Ayaw na nga raw nitong lumabas ng bahay. Gusto na lamang matulog nang matulog.

Naalaala ko rin nang may panahong nagkaproblema ako sa trabaho, ang naging gawi ko ay matulog. Ayaw kong magising dahil bumabalik ang problema. At kahit magising ako, kay daling kumbinsihin ang katawan na muling matulog.

Naimbita ako sa surprise birthday party para kay Narlo. Maaga akong dumating dahil akala ko ay sabay-sabay namin siyang sosorpresahin. ko ang nasorpresa nang paisa-isang dumating ang mga kaopisina ni Narlo.

Na balak ko na sanang magsungit at iwan ang dalang cake, pero magaan namang kausap ang kanyang mga kaopisina. Nasimulan nang pingasan ang puto sa bilaong dala ng isa pang Nanay.

Siya man ay excited dumalo. Dinala pa ang kanyang anak at apo. Ang kanyang dinukot na anak ay kaarawan din sa araw na iyon. Kasama ng isa pang kaopisina, tatlo silang nagdiriwang ng kaarawan sa linggong iyon.

Nagsalang pa lamang ng uling para ihawin ang tilapya ay nagsimula nang magkaraoke ang ilan. Umiyak na ang Nanay. Kahit ano ang kantahin niya ay nagpapaalaala sa kanyang nawawalang anak.

Dumating si Narlo, kasama ang kanyang kasambahay. Kunwari ay pinakisuyo lang silang magdadala ng pansit para sa nawawalang anak ni Nanay. Ayaw pa nga raw sumama, ayon sa naunang text ng kasambahay. Pero napapayag din ito.

Isa-isa ring nagdatingan ang mga pagkain. Piniritong tokwa, pasta na may dalawang sauce, gulay, at piniritong manipis na isda. Kahit hindi magkakaterno ay masarap na rin ang lahat dahil gutom at dahil nga nagkasama-sama.

Tulad ng lahat ng karaoke, nauwi sa kantiyawan at proteksiyunan ng mga awitin. Sa mga awiting “Dancing Queen” ng ABBA, “I Will Survive” ni Gloria Gaynor, pati na ang “Buchikik” ni Yoyoy Villame, may dobleng kahulugan ang bawat awitin.

Kung sa Plaza del Mayo sa Chile ay nagsasayaw na nakapikit at mag-isa ang mga ina ng desaparasido, bitbit ang larawan ng kanilang nawawalang mahal sa buhay, dito sa atin, dinadaan sa pang-araw-araw na gawi sa buhay ang pagproseso sa pagkawala at pag-aantay, ng pag-aasam at paghawak sa pag-asa.

Nakapunta na rin ako sa buwanang aktibidad ng grupo sa Peace Bell sa Quezon

Memorial Circle. Doon ay parang gripo ang buhos ng mga luha. Malikhain ang mga kuwento, awit, pelikula at sabayang pagtula. Mabigat ang pasanin sa pag-uwi. Pero nananatiling may pangako.

Sa Sabadong gabi ng mga kaarawan, wala at nandoon ang mga magulang, anak, kaibigan ng mga nawawala, at mga kaopisinang kaniig nila. At sa isang saglit, kundi man sa pinaghalong mga pagkain, ng beer at ice cream, karaoke at sayaw, walang umiyak sa lungkot.

Sa isang saglit, nakangiti si Narlo. Hanggang sa pag-uwi ay malakas ang mga kantiyawan sa pamamaalam.At tila may lamig na bumalot sa kanya-kanyang biyahe. Silang natitira, di nakakalimot.(PWeekly)

Ang sinasabi ng litrato

July 24, 2008

Patrick Bilog

Rebyu ng Ligalig: Portraits of Human Insecurity and Public Unrest
Photo exhibit, pinasimulan ng Artists’ Arrest, Southern Tagalog Exposure at Kodao Productions
Nakadisplay sa Conspiracy Bar mula Hulyo 18 hanggang Agosto 5, 2008

ANG DALI na ngayong magretoke ng litrato. Kaya hindi ko agad pinaniniwalaan ang lahat ng nakikita ko. Sinusubukan ko munang baklasin sa utak ko ang litrato para maghanap ng mga bakas ng pandurugas. Baka kasi ipinatong ang ulo sa ibang katawan, at pinatong naman ang katawan sa ibang bakgrawnd.O baka may dinagdag na filter para kuminis ang mukha at kilikili. Pero marami ring pagkakataon na natatameme ako. Ang linis kasi ng pagkakapeke. Parang totoo.

[29JAN08,TAGUIG] ALANAH TORRALBA
Grace Ligutan, 36, stares at a miltary officer during a demolition of shanties near a military camp in Taguig district on 29 January 2008. Nearly 1000 families have become homeless following the government’s plan to convert the land into a commercial complex.

Bumaligtad ang utak ko nang puntahan ko ang photo exhibit na Ligalig: Portraits of Human Insecurity and Public Unrest kung saan tampok ang mga kuha nina: Boy Bagwis, Audrey Beltran, King Catoy, Karl Castro, Kiri Dalena, Dada Docot, Chantel Garcia, Kenneth Guda, Cristopher Linag, Nerve Macaspac, Marie Perlada, Ilang-Ilang Quijano, Candice Reyes, Luwalhati Silang, Jake Silbato, Alanah Torralba, at Raymund Villanueva. Hindi umubra rito ang pagbabaklas ko ng litrato. Wala akong makitang idinagdag na mga elemento. Sa halip, ang daming nawawalang detalye at ang daming masaklap na imahen sa koleksiyong ito. Tungkulin ng tumitingin na punan ang mga kulang.

Ang nawala, ang nawalan at ang naghahanap

WALANG KLASE DADA DOCOT
Maimbung, Sulu – Amidst the ceaseless clash between soldiers and those labeled as terrorists, inocent school children are one of the biggest losers. (May 2008)

Sa “Walang klase” ni Dada Docot, bakante ang isang klasrum sa Maimbung, Sulu dahil sa labanan ng militar at ng binansagang mga terorista. Mistulang pisara ang pader na may nakasulat na, “if you are a leady be care for to your budy because the boys are ready to kill your biarginity.” Sa litrato naman ni Alanah Torralba, dinemolis ang tahanan ng isang ale. Kahit katabi niya ang estatwa ng Sto. Niño at ng birheng Maria, wala siyang kalaban-laban sa armadong sundalo sa harap niya. Tabingi ang kuha ni Karl Castro sa portait ni Karen Empeño, isang estudyanteng dinukot ng mga pinaghihinalaang ahente ng militar.

“PORTRAIT OF KAREN EMPEÑO” KARL CASTRO
A gray-tinge gloom provide the frame for Karen Empeño’s portrait, taken during the Martial Law Commemoration at Liwasang Bonifacio, Manila. Karen was bducted by suspected military agents in Hagonoy, Bulacan in June 2006.

Sa ibang mga litrato, may balikbayang umuwing nakakabaong, may napatay na journalist, may batang lumobo ang ulo dahil sa aerial pesticide, may batang nawalan ng bahay dahil sa road widening project ng QCCBD, may lumikas na komunidad dahil sa operasyong-militar, at may nakulong dahil sa kanyang pulitikal na paniniwala.

“BOW, MOVE FORWARD AND HAMMER”, KING CATOY
Despite repressive measures against trade unions, workers continue to organize themselves to fight for a better future.

Kung mayroon mang imahen na kakikitaan ng pag-asa, siguro ito na ang mga aktibistang patuloy ang martsa kahit binobomba na ng tubig, at ang kuha sa mga rebeldeng NPA.

Sa unang tingin, mukha itong marahas. Pero kung itatabi ito sa ibang litrato, lumalabas na mas madali pa itong maunawaan. Naghahanap sila ng kaayusan. Nilalabanan nila ang mapang-aping puwersa ng estado.

Walang-hiya

Ibang imahen ng bansa ang ipinapakita ng administrasyong Arroyo. Makikita ito sa kanilang mga islogang “Ramdam ang Kaunlaran” at “Labanan ang Kahirapan.” Pero nagkamali ng sinabi si Exec. Sec. Eduardo Ermita ng tanungin siya sa isang presscon tungkol sa lalamanin ng nalalapit na State of the Nation Address. Sabi ni Ermita, “Magrereport siya, ano ba ang improvements sa infastructure…totoo ba na ang mga barangay ay … I was about to say electrocuted, electrified.” (tignan ang bidyo rito)

“RICH” BOY BAGWIS
A study in contrast. High-rise upscale housing hover above shanties in Tondo, Manila.

Bakit kaya electrocute ang nasa isip niya? Nakakataranta dahil nakuha pa niyang tumawa. Madadagdagan pa kaya ang litrato ng mga biktima? ’Wag naman sana.(PWeekly)

Paglalakad sa Commonwealth Avenue

July 21, 2008

Kakaiba ang pangalang “Commonwealth.” Tunay na legacy ng Amerikanong kolonialismo—nagpapahiwatig ng pag-aaruga sa kolonya ng kanyang amo. Sa mas malaking kabuuan, ang urban planning ng Quezon City bilang kaisa-isang planned city sa bansa ay hango rin sa naunang kolonialismong ito.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 24, July 20-26, 2008

Commonwealth ang pangunahing kalsada sa Quezon City. Tinatayang ang pinakamaraming bilang ng behikular na trafiko ay nandito, lampas pa sa EDSA. At dahil nga ganito, at sa kawalan ng sistema ng elevated pedestrian walks, ito rin ang death highway sa dami ng nasasagasaan araw-araw.

Kakaiba ang pangalang “Commonwealth.” Tunay na legacy ng Amerikanong kolonialismo—nagpapahiwatig ng pag-aaruga sa kolonya ng kanyang amo. Sa mas malaking kabuuan, ang urban planning ng Quezon City bilang kaisa-isang planned city sa bansa ay hango rin sa naunang kolonialismong ito.

Dito dapat itatalaga ang pambansang sibikong sentro ng bansa. Nauna nang naglipatan dito ang National Power Corporation (NAPOCOR), Bureau of Internal Revenue (BIR), Central Bank Printery, at mga spesialisadong ospital (“bopis” nga ang tawag sa Heart, Lung at Kidney Centers).

Kaya rin sa imahinasyon ng naunang city planners, representasyon ng bansa ang pinangarap na kapitolyo. East, West at North Avenues ang pangunahing bumabagtas palabas sa Commonwealth.  Nagtataka tuloy ako kung saan sa orihinal na plano ang South Avenue?

Nandito rin sa laylayan ng Commonwealth ang Mindanao at Visayas Avenue. Natunton ko ang Luzon Avenue makalampas ng Tandang Sora. Makipot at tinitirhan ng maralitang tagalunsod  ito, kumpara sa dalawang kalsada. Ang naudlot na “Republic Avenue” ay nasa gilid ng tirahan ko sa Mapayapa III.

Baroque city plan ang ininbisyon sa Quezon City.  Ang mga maliliit na kalsada ay tutungo sa malalaking kalsada. Ang malalaking kalsada ay tutungo sa pangunahing kalsada ng Commonwealth.  At ang Commonwealth ay magpapadaloy sa sentro ng grabidad ng syudad, ang Quezon Memorial Circle.

Kaya traffic prone ang lugar dahil nga hindi simpleng grid system ang disenyo. Sa grid system, kahon ang bloke at dire-diretso ang mga kalsada. Hindi parang sapot ng gagamba, tulad sa baroque planning.

Sa panahon raw ni Bonifacio, mahalaga ang lugar dahil ito ay isang sentro ng aktibidad ng rebolusyon.  Sa  panahon ng Hapon, ang kasalukuyang pinaglalagyan ng UP ay naging kampo. Sa postwar, naging golf course ang bungad ng campus.

Mura ang karatig-lugar, na sa sweldo raw ng professor sa UP ay makakabili ka ng lote sa karatig-village ng UP, Teacher’s at Sikatuna. Ngayon ay natatadtad na ang mga higanteng lote sa mga bagong-tayong townhouse na milyones ang halaga.  Bagamat ang banggit ng mga nag-canvass ay kalahati pa rin ang presyo sa mas kalayuang Congressional Road.

Maging si Gloria Arroyo ay sinasabi raw na ang asawa niya ang dating nagmamay-ari ng lote ng UP.  Ang naging silbi ng Quezon City ay low-cost housing (mga Project 2, 3, 4, 6, 7 at 8).  At kaya rin nagkakandabuhol-buhol ang mga trafiko at mismong kalsada ay nang maging komersyal area na ang low-cost housing, lumipat sa laylayan ng mga sentro ng syudad ang maralitang tagalunsod.

Bahagi kasi ng low-cost housing ang postwar na plano para sa Manila. Nilalayon maging malapit lamang ang trabaho sa mga pabrika at opisina sa tirahan. At ngayon na nga, wala sa rubric ng relokasyon ang ginagawang demolisyon ng MMDA (Metro Manila Development Authority) dahil tunay na itinatapon lang naman ang squatter sa napakalayong relocation site, kung maililipat man.

Ang nagbunsad ng pag-unlad ng Quezon City ay ang retail shopping. Una sa Cubao na pinagtayuan ng spectatorial leisure (labas sa sabungan) ng Araneta Coliseum. Dito rin naitayo ang unang mall sa bansa, ang Ali Mall na ipinangalan sa world-boxing champion, Muhammad Ali.

Tapos ay ang paghawan ng talahib at komunidad ng maralitang tagalunsod ng ShoeMart North Edsa, na sa kasalukuyang pag-unlad ay kasama na sa sampung pinakamalaking mall sa Asia.

Ang Quezon City ang tinawag ng City Hall na ICT (information communication technology) capital ng bansa. At ito na nga ang tunguhin ng redevelopment ng mayor ng syudad, Sonny Belmonte, ng pagtalaga ng isang malinaw na business district.

Ang centerpiece ng redelopment ay Commonwealth Avenue. Ang mga natitirang bakanteng lote ng UP sa Commonwealth, kasama ng iba pang malalaking lote sa civic center, pati ang mga lote sa magkabilang kalsada ay nilalayon matayuan ng mga bagong building.

Ang impetus ng city development ay call center na negosyo. Pinamunuan ito ng UP na may lima nang call center building sa loteng inupahan ng Ayala Corporation. Nagtayo na rin ng mga gusali ang Convergys sa may St. Peter’s Church (na tunay namang replica ng nasa Roma), at Sykes malapit sa bukana ng EDSA.

Ang pangunahing kliyente sa Commonwealth Avenue ay hindi naman gitnang uri na nakakapagtrabaho sa call center, o mababang gitnang uri na mga empleyado ng pamahalaan. Ang mga negosyong itinatatag sa Commonwealth ay pangmaralitang taga-lunsod.

Ang flagship na negosyo sa kahabaan ng Commonwealth ay ang Ever Gotesco, isang mall chain para sa C-D-E o nakakababang market. Tunay namang jologs ang pantrato sa mallers nito. Mahigpit ang inspeksyon ng guards, mahina ang aircon, sira ang escalators, mahina ang ilaw, at walang bakanteng espasyo dahil sa dami ng pwestong pinagsisiksikan.

At siempre, napakabatayang brands lamang ang matatagpuan sa supermarket. Nang gusto kong bumili ng low-fat milk sa karton, iisa ang ganitong klase sa shelf. Walang virgin coconut oil. Wala ring malalaking oatmeal.

Ito ang front stage area ng Commonwealth. Sa malapit sa tagiliran ay mga gitna at mataas na uri ng village. Nagsisiksikan ang mga masusungit na village na hindi bukas sa publikong trafiko. Pati sa tagiliran ng Ever Gotesco ay nagtangkang magpaka-high-end.  May strip mall na mas mamahalin ang establisyimento kaysa sa loob ng mall.

Ang backstage ay ang higit na nagsisiksikang komunidad ng maralitang tagalunsod. Hindi nga ba’t ang Quezon City ang may pinakamalaking populasyon sa Metro Manila? At ito ang bulto ng kanyang populasyon.

Gayong ang mga serbisyong itinatayo ay hindi naman lubos para sa mayorya ng populasyon.  Pinakamabibilis ang sasakyan sa kalsadang ito sa labas ng expressway. Saksi ako sa isang tumatakbong pedestriano na pagkatapos makalampas sa akin at dalawa pang kotse sa hanay ay hindi na sinuwerte.

Nakita ko na lamang sa tagiliran ng aking mata na tumilapon na ito sa ere. Hindi para sa tao ang kalsada.  Kahit pa nga wala namang sistematikong lokasyon ng elevated pedestrian walk.

Tunay na nagsisiksikan, tulad sa Luzon Avenue na ginawa ko dating pang-iwas sa trafiko sa Commonwealth. Halos abot-kamay na ang mga paninda sa palengke. Parang lahat ng naglalakad sa kalsada (wala naman talagang sidewalk) ay masasagi ng sasakyan.

At ang ganito ang binubura ng MMDA at City Hall sa mismong Commonwealth. Matapos ng matagal na panahon, nawala na rin ang talipapa sa kanto ng mismong Luzon at Commonwealth. Sistematiko ba namang huliin at idemolisa ang mga pwesto, at buhusan ng gaas ang paninda?

May higanteng tarpaulin sa kahabaan ng Commonwealth. Anunsyo nang higit pang pagpapalapad ng kalsada. Nalagyan na ng bicycle at walking lanes ang sidewalks sa may UP, gayong wala pa akong nakikita na may gumagamit na nito.

Ang mga tarpaulin ay may mukha ng tila mag-asawang politiko na nagpapalapad din ng papel sa mga dumadaan sa Commonwealth. Nandoon ang close-up nina Arroyo at ni Bayani Fernando—ang arkitektura ng urban renewal sa maliit na sulok na ito ng bansa.

May Starbucks sa Convergys. May pink at blue na elevated pedestrian walk sa St. Peter’s. May U-turn slot para sa lugar na hindi naman kilala bago dumating ng Ever Gotesco na nagpapakurba ng direksyon ng pagmaneho sa kalsada.

May seksyon na nakakurdon para paradahan ng sasakyang publiko gayong, tulad ng U-turn slots, parating may marka ng malakihang bangga. Kailangan ding maging maingat sa pagmamaneho ang mga driver sa Commonwealth. May sariling buhay itong bagong mini-infrastruktura ng pag-unlad at disiplina.

Sa kahabaan ng Commonwealth ang likuan para sa Batasan Pambansa. At sa kanto ng likuang ito ang Centennial Building ng Sandiganbayan. Makalampas ang Commission on Audit. At makalampas dito, sari-saring establisyimento.

Pinakatampok rito ang Commonwealth Market na buhay pa rin ang talipapa sa mismong kalsada.  Pakanan muli sa Montalban at Rizal, at maging sa Payatas na may mga kalsadang tadtad ng kabalintunaan—Lupang Pangako, at kung maalaala ko nang tama, Bagong Herusalem.

Papalayo, ang malapit sa amin na Fairview Mall na isa ring paraiso ng jologs. Kasama sa eryang ito ang 24/7 na McDonald’s at Jollibee bilang huling 24/7 na establisyimento sa bukana ng Philcoa at kalagitnaan  ng Philcoa.

Pagkatapos ay ang mga bakanteng subdivision na pang-maykaya. Dati itong talahiban at kilala bilang tambakan ng salvaged victims. Ngayon ay dito ako bumibili ng halaman sa dami ng nagsipaglipatang negosyong ganito.

Ang dulo ng Commonwealth ay SM Fairview na tila naging bookend sa kabilang dulo sa EDSA, ang SM North. Na tunay namang I-love-SM mode dahil ito ay isa nang planadong mass rail transit line na pribatisadong inalok ng sosyohan nina Henry Sy, may-ari ng SM, sa gobyerno.

Serbisyo sa pribadong mamamayan ang alok ng kahabaan ng Commonwealth. Pagawaan ng sasakyan, talyer, eskwelahan, pagawaan ng palo-tsinang gamit sa bahay, repair shops, simbahan, palengke, mall strip, travel agent, call center, at iba pa. Ang nawawala ay ang serbisyong publiko ng pamahalaan.

Mahabang patlang din mula sa Quezon City Hall hanggang Sandiganbayan at Kongreso. Pinangupahan na ang pagdudulot ng serbisyo sa mga maliliit at higanteng pribadong negosyo.

At ito ang pang-uring tunggalian sa pang-araw-araw na buhay sa Commonwealth Avenue. Namamatay ang tumatawid sa kalsadang mamamayan. Kay tatarik ng elevated pedestrian walk para sa may edad at maysakit. Nababangga ang mga may kotseng nagmamadaling makapasok sa opisina at makauwi.

Binubura ang lahat ng bahay at maliliit na negosyo ilang metro mula sa kalsada. Pinalalaki ang kalsada para mas mabilis ang padaloy, lalo na ng pribadong sasakyan. Inaabot ng siyam-siyam ang mga nagtra-tricycle para makauwi sa makikipot at nagsisikipang kalsada sa looban.

Inaabot din ng siyam-siyam ang mga pribadong sasakyan sa pagdaan sa limpak-limpak na humps ng mga pribadong village. Tunay na marahas ang buhay sa Commonwealth. Umaabot sa pang-araw-araw na pagdesisyon kung pipiliin bang mabuhay o mamatay.

Ang pinakamalaking spectacle ng pang-uring tunggalian ay ang taunang nangyayari sa Commonwealth. Dadaan ang kongresista, foreign dignitaries at negosyante sa Commonwealth bago makarating at makinig sa mamumukadkad na kwento ng naabot na langit at bituin ni Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

At sa labas nito, sa mismong sityo ng pang-araw-araw na pang-uring tunggalian, malamang sa harap ng Ever Gotesco, St. Peter, at Convergys, ang anti-Arroyo na SONA ng kilusang mamamayan. Umaraw o umulan, nirerehistro ang protesta sa “kwentong kutsero” (ay, anti-kutsero ito!) ni Arroyo.

Kung iisipin, hindi ba’t ang bawat kalsada—Mendiola, Ayala at iba pa—ay lunan ng kaganapan ng pang-uring tunggalian?  Kung gayon, ang bawat kanto, looban at kalsada ay kailangang maitransforma lampas sa lunan ng pang-araw-araw na pagdanas ng tungalian.

Politikal ang transformasyon hanggang ang mga kalsada, kasama ng espasyo ng kanayunan at kabundukan, ay maging espasyo ng panlipunang protesta. Na hindi na lamang ang mga ito ay kinagisnang sityo ng pamumuhay sa kontradiksyon, kundi aktibong pagprotesta laban sa mapanupil na kontradiksyon ng estado sa kabilang banda, at ng nakikibakang mamamayan sa kabilang banda.

Kanino pumapanig ang mga kalsada at lunan? Maglakad sa Hulyo 28 nang malaman. Bulatlat

Bobby Balingit ng The Wuds: Walang paglilimot sa lipunan

July 17, 2008

Darius R. Galang

SA LAHAT ng nauso’t sumikat, isang tradisyon ng musika sa Pilipinas – ang punk rock – ang di masyadong napapansin ng publiko pero lumalaganap sa kabataan. Buti na lamang, may tinitingala silang The Wuds bilang pioneer na pangkista sa bansa.

Kasi naman, sa pamamagitan ng klasiko nilang mga kantang tulad ng Bayan-bayanan, at At Nakalimutan ang Diyos, ipinamalas ng The Wuds na hindi simpleng sikat na banda sila. May sinasabi ito. Sa maingay – pero puwede ring malumanay at hitik sa melodiya – na paraan, nagkokomentaryo ang The Wuds sa lagay ng lipunang Pilipino.

Binubuo ang banda nina Bobby Balingit bilang bokalista’t gitarista, Alfred Guevarra sa bass, at Aji Adriano sa drums. At sa loob ng dalawampu’t limang taon buo pa rin ang grupo, ang musika, at, siyempre, ang matalas na mensahe nila.

Nakapanayam ng Pinoy Weekly si Bobby Balingit ukol sa kanilang nakaraan, ang pakikisalimuha niya sa lipunan, at ang hinaharap ng banda.

Pangkistang lirisita

Ang hindi nalalaman ng mga pangkista ngayon, nagsimula si Bobby bilang isang folk singer. “Nagsimula ako ng 16 tapos naging trabaho ko na iyan, nagsimula ako sa folk singer hanggang 18. Noong edad ko ng 19, punk rock na kami. May nakilala na nakaimpluwensiya sa aming maging punk rock.”

Anu’t ano pa man ang naging sikot ng landas nila bilang grupo, solidong punk rock ang nakatatak sa puso nila. “Nagsimula kami noong una as The Wuds nilang punk band…Hindi kami sumakay noon (sa mga uso). Basta isang araw dumating na lang ang mentalidad namin (bilang punk) at ang rebeldeng galaw,” ani Bobby.

“Ayaw mo lang lahat ng setup (sa lipunan). Kahit ano basta ayaw mo. Unconventional ka,” sabi ni Bobby, na malapit nang mag-50 anyos. “Siyempre darating ang edad (mo) na mas nagiging pino ’yung reasoning mo.”

Sa ngayon, abala siya sa ilang progresibong grupong pangkultura. “May sinasamahan akong grupo, kasama na ang Artists’ Arrest (Artists’ Response to the Call for Social Change and Transformation), grupo ng mga alagad ng sining na nananawagan ng pagbabago sa kasalukuyang pamunuan sa pamahalaan.” Noong burol ng yumaong si Kong. Crispin Beltran, niyaya naman siya ng CAP (Concerned Artists of the Philippines) na magtanghal.

Kakatwa ang kanyang simulain sa pagsabak sa mga rali. Naranasan na rin niya ang mahilam ang mata at hindi makahinga dahil sa teargas. Siguro, ani Bobby, luma na ang teargas na ginamit. ”Matagal na sigurong binigay ni Bush iyon kay Gloria…Iba ’yung kulay. Mabigat na usok. Sabi sa akin nung mga journalist nung ma-teargas ako, iba raw ’yung ipinutok,” pabiro niyang sabi.

Pangkista kahit tumatanda

Mahusay ang paliwanag niya sa tumbok ng punk rock at ang kahulugan nito sa lipunan.

Aniya, ang punk rock ay bahagi ng “rebolusyon” sa lipunan. Ngunit pansin rin naman niya ang kahalagahan ng mga pagbabago – sa musika at sa lipunan – sa paglipas ng panahon. “Habang tumatagal, nagiging makinis ’yung pagtutol mo. Ang pag-ayaw mo (sa sistema), nagkakaroon ng direksiyon. Importante rin iyon, nagkaroon ng rebolusyon.”

Kaiba sa maraming nagsasabing pangkista siya, inaayawan ni Bobby ang anti-sosyal na kultura sa punk rock. Naging tinaguriang “Krishnapunk” siya. Nakita raw niya ang limitasyon ng pagiging anti-sosyal (pagbabasag sa lahat ng produkto at tradisyon ng namamayaning lipunan), na kadikit ng kultura ng punk rock.

“Noong panahon na iyon, mas andun yung tulak ko (sa kilusang “Krishnapunk”). Kaya lang, nakita ko rin na sa paglipas ng panahon, mas nagiging minority yung galaw ko. Maliit ’yung iniikutan ko…Nakita ko na nasa isang community na may parehong (pag-iisip) lang ako,” kuwento pa ni Bobby.

“Ang mahalaga kasi makapasok ka sa malaking pulong o malaking grupo o malaking komunidad at mas maihahayag mo talaga ’yung gusto mong sabihin sa tao,” dagdag niya.

Matalas ang kanyang pagpuna sa naging takbo ng punk rock sa paglipas ng panahon. Isa isa niyang binangga ang pagsasala ng corporate world sa musika hanggang sa repleksiyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay na tao. “Nagtagal-tagal, may pera diyan kaya papasok na ang negosyo.”

Sanay sa hirap ang kanyang banda, ani Bobby, at hindi tulad ng ilang mayayamang musikero. “Iyang mayayaman na iyan, kalokohan na walang pakialam iyan,” aniya. Kasi raw, “nagsisiuwian sa bahay nila e. Kami, kung saan-saan kami napapadpad; si Alfred, titira sa akin ng anim na buwan. Ako titira ako kay Alfred ng anim na buwan.”

Hindi dapat kalimutan?

Karakter man ng punk rock ang hindi pagsunod sa nakagawiang kultura, hindi na nito problema, kasama na rin ang tunay na pangkista, ang pagsakay sa uso. “Mapapansin mo ’yung musika na ginawa namin, wala lagi sa panahon. Sa paglipas ng panahon, dun pa lang nila naiintindihan yung trabaho (namin).”

At sa tinaguriang emo (emotional rock) ng kasalukuyang panahon? “Umulit lang yan,” ani Bobby, na pinansin na isang aktitud ng pangkista ang pagiging “emo.” “Nire-relish lang nila ’yung nakaraan. May tinatawag pa nga silang new school ng punk. Kalokohan iyan. Hindi mabubuhay ’yung new school na punk – ang problema hindi na totoo yung punk kasi nagiging tradisyon na siya. Inulit mo na lang kahit tapos na yung scene pero negoyso na lang.”

Ang mensahe umano ng musika ang pinakamahalaga, pangkista man o hindi. “Mahalaga sa akin kasi siya yung huhubog sa kultura ay siya ang huhubog ng lipunan. Siya ang huhubog ng mga tao. Pag sinabi mong artista ka, pumapabor ka sa sining na mapapakinabangan talaga ng tao. Hindi yung tinatawag na sining na pinakikinabangan ng iba na kikita sila (business oriented).”

Padayon sa daloy ng panahon

Sa ngayon, abala ang banda sa pagtatapos ng kanilang bagong studio album. Dahon ni Juan ang kanilang ibinigay na pangalan. ”Ang philosophy behind that (album), lahat ng kuwento lahat ng istorya, matatapos. So lahat ng libro, may ending sa dulo.”

Kasama ng tatlo si Dennis Fabunan, anak ng bahista ng dating bandang Maria Cafra. Tatayong gitarista si Alfred tulad ng ginawa nilang setup sa pagbubuo ng dalawang naunang album ng banda (ang Gera at Nakaupo sa Puso). “Pero hindi siya (Alfred) kasama dito kasi ang plano namin ay dalawang volume ’yung album,” dugtong ni Bobby.

Siniguro niyang may mahalagang laman ang mabubuong album. “Parang pahina ni Juan, may isang karakter,” ani Bobby.

“Hindi siya katulad noong unang panahon na albums na ginawa ko. Tatawagin kong mas revolutionary iyon kasi naging walang pakialam yung paggalaw ng pagsulat ng tula. Hindi kaparis noon, masyado akong partikular. Binasag ko ’yung ruling kasi nawalan na ako ng kuwenta sa mga nangyayari. Protesta ito tulad ng panahong ng dadaismo, protest siya sa makinis na art. So parang punk rock protest rin ito. Kaya lang mas mabait yung tunog ngayon; hindi siya pounding,” paliwanag pa ni Bobby.

Inaasahan niya na ang album, na pinunan niya ng isyung hinugot na niya sa pakikisalimuha sa lipunan, ay mag-aambag sa panibagong rebolusyong pangkultura sa lipunan.

Higit pa sa mga nauuso’t sumisikat na musika, higit pa sa rakenrol o punk rock, inihahayag ng The Wuds ang mga mensaheng dapat malaman at dapat ipaglaban.

Larawan ni Soliman A. Santos(PinoyWeekly)

Sogo at Lehitimasyon ng Komersyal na Bawal na Pagnanasa

July 12, 2008

Dito, tulad sa rehimen ni Arroyo, ang halinghing at iri ay sabayang nagsasaad ng pagbulwak ng at pagdisiplina sa bawal. Basta may pera, hindi nabubura, bagkus lalong tumitingkad, ang distinksyon ng bawal at hindi sa mundong ibabaw.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 22, July 6-12, 2008

Pejoratibo ang tingin sa mga motel at lodge sa bansa. Pero mas nega (negatibo) ang tingin sa gawain sa loob ng mga motel. “Liko biglang yuko” dahil hindi nga inaakalang marangal ang gawain dito, kahit pa pribadong espasyo naman ito.

Dati ay built-in sa laylayan ng syudad at mga bayan ang night clubs na may dagdag na atraksyon. Sa Bocaue, Bulacan at Calumpang, Marikina ang dinadayo pa para magkaroon ng good time ang kalalakihan. Sa aking pagkamulat, sa Diversion Road sa San Leonardo, Nueva Ecija, malayo-layo sa poblacion, matutunghayan ang mga bar, inaanunsyo gamit ang pulang ilaw sa loob at christmas lights sa labas.

Kumbaga, sa simula, parang nakasona ang mga lugar ng aliw. Red-light district ang turing dito bilang sex tourism na atraksyon ng magkakahilerang bars sa Ermita, EDSA Pasay at Quezon Avenue.  Pang-high-end. Supporting role ang mga motel sa daloy ng komersyal na aliw. Mula sa bars at clubs, at maging lansangan, tungo sa espasyo ng higit pang konsumpsyon—ang konsumasyon—ng sex.

Sta. Mesa at Pasay Rotonda ang mga kalsadang naging enclave ng motels. Two-story na gusali—parang precursor ng modernong townhouse—ang disenyo. Yung high-end nito ay may mala-Disneyland na kwartong nagtatanghal ng tema. Sa Anito Lodge sa Monumento, ito raw ay kinabibilangan ng Egyptian, Filipino, Japanese, European, at iba pang motif na kwarto.

Ang two-story na building ay nagsasaad na ng gitnang-uring panuntunan sa bawal na sexual na pagnanasa. Ang ground floor ay car park na rin, inaasahang may dala ang kliyente ng kotse o naka-taxi man lamang. Bawal, kasi nga ay hindi motel ang angkop na lugar at panahon ng sex, batay sa isang bansang mayorya ay Katoliko. Kung hindi ito angkop, lantaran at patagong dinadaot ang karanasan dito.

“Cheap” at “paka”(pakawala) ang tingin sa babaeng sumasama sa motel. “Macho” at balahura (hindi sinsero) ang lalakeng nagdadala naman sa motel. Kung ganito na nga ang tingin, at sa mas mumurahing kwarto sa Quiapo, Avenida at Pasay pa tutungo ang mga kliyente, nagiging dobleng kacheapan ang karanasan.

Ang nangyari sa tagumpay ng negosyo ng Sogo Hotels (Hotel Sogo sa  kanilang “under construction” na website) ay gawing stand-alone ang karanasan sa bawal na pagnanasa (illicit desire). Hindi na kailangang tumungo sa bars bago tumungo sa motel. Maaring dumiretso na kaagad ang seryosong tagpuan mismo sa motel. Magtagpo na lamang sa neutral na lugar (convenience store, mall, kalsada o fastfood outlet) at tumungo na sa motel.

Nakakalat sa prominenteng lugar ang Sogo Hotels.  Katabi ng malls, tulad sa may SM Sta. Mesa at Sta. Lucia Mall. At tulad ng kahon ng sapatos na disenyo ng naunang henerasyon ng malls, ang disenyo ng Sogo Hotels ay kahon din. Kakaunti ang bintana rito. At kung mayroon man, may nakatakip na struktura sa labas ng building para hindi lubos na matunghayan ang nasa loob.

Tulad sa malls, maaaring mawala sa espasyo at panahon ng Sogo. May kontrol sa panahon ang mga kliyente:  madilim o maliwanag sa pribadong kwarto, pero tulad sa mall, parating maliwanag ang publikong erya. Ang espasyo ng kwarto ay magkakahalintulad. Pare-parehong may salamin, banyo, libreng gamit ng twalya at sabon, kobre-kama, telebisyon at remote, kahit pa may mas mahal at murang kwarto.

Kapag nakapaloob sa Sogo, mahirap tunghayan kung anong oras na. Kapag nakapaloob sa mall, hindi rin nakakatiyak kung nasaan na ang kliyente. Tulad sa mall—ang mga tindahan, in-house na establisyimentong hawak ng SM, lokasyon ng sine at fastfood, at iba pa—pare-pareho ang mga laman ng Sogo Hotels: lobby na napakaraming pang-pares na silyang antayan ng kwartong binu-book, front desk, security door, nag-iisang makitid na elevator, at mga hile-hilerang kwarto sa bawat palapag.

Lumikha ng sariling pagpapadaloy ang Sogo Hotels. Hindi na nakayuko dahil nga nagkakakitaan na ang mga nag-aantay sa lobby. Slight na lamang nakatungo. Tanggap din kung same-sex ang nagpapa-book ng kwarto. Pero ang dinodoble ang bayad ay kapag three-some ang nagnanais umakyat.

Ang ginawang inobasyon ng Sogo Hotels, bilang improvement sa naunang henerasyon ng two-story na motel at lodge, ay gawing abot-kaya at mabilisan ang pag-order ng pagkain. Limitado ang opsyon sa marangal na hitsura ng menu. At balita ko na naman ay marangal naman ang kalidad ng pagkain. Na sa kaunti pang panahon, ang pagkain sa kwarto ay magiging tulad na ng pagkain sa panonood ng sine:  integral, affordable, at magkatambal sa iba’t ibang pleasure na binabayaran para matamo.

Efficient ang Sogo Hotel. Parang walang nakakalamang. Maging ang mga pulis na nag-aantay ng libreng kwarto ay pumipila. Mayroon ding channel para sa mas mahalay na palabas. Mabilisan at sistematiko rin ang paglilinis sa mga kwarto. Na palabas pa lamang ng kwarto ay tinatanong na ang kliyente kung “check out” na ang kliyente para kagyat na malinis at muling maisaayos ang nabakanteng kwarto para sa susunod na pares.

Stand-alone ang malalaking building ng Sogo Hotel. Ang kanyang logo ay isang geisha na  parsyal na nakatakip ng pamaypay ang mukha. Geisha na nagsisimbolo ng pagiging entertainer at binabayarang pagsasama, sunod-sunuran na nagbibigay ng aliw. Pati ang pamaypay ay simbolo ng leisure.

Kaya rin may karapatan ang mga gusali na sumiksik sa mga komersyal na lugar sa Metro Manila.  Aliwan paradise ang inaalok na serbisyo nito. Sa mall ay publikong-pribadong aliw ang inilalako:  sa nilikhang publiko natutungyahan ang mga serbisyong bibilhin at iinternalisa ng pribadong konsyumer.

Sa motel ay pribadong-pribadong aliw ang pinatatamasa:  sa pagpasok sa pribadong kwarto maiinternalisa ang pribadong kasiyahan para sa konsyumer na pumiling bumili ng tatlong oras—ang “short-time” na kalikasan ng mga motel. Sa kliyente ang kwarto sa loob ng nirentahang tatlong oras.

Free sex, perverted sex, sex with non-adults na mukha namang adults, extra-marital sex, premarital sex, gay sex, lesbian sex, kahit ano sa pagitan ng dalawang partner, maaari sa motel. Ang kapangyarihan sa kontrol sa panahon at espasyo ng kwarto ay nasa kanila sa loob ng itinakdang tatlong oras o lampas pa rito.

Sexual liberation ito na nakaangkla sa sexual tolerance, lalo na sa sex work, na nagsimula sa panahon ng Amerikanong kolonyalismo. Sa panahong ito, naging bukas na usapin ang premarital at extra-marital na relasyon, maging ang sex work. “Casa” mula sa Kastila para sa bahay-aliw ang designated na lugar para rito.

Ang pagiging bukas sa sex ay itinumbas sa bisyo, tulad ng sugal, alak at pambababae. Bukas pero hindi maganda ang tingin.  Bukas dahil napapag-usapan na sa diyaryo at panitikan.  Kung gayon, ito ay parang sikreto—bukas kapag natunghayan pero sa pangkaraniwang pagkakataon, saradong bukas.

Ang tagumpay ng Sogo Hotels ay gawing komersyal ang kalakaran para sa higit na nakararami. Nasubukan na ninyo bang magpa-book kapag Biernes ng gabi, o pay day ng a-kinse at katapusan? My gad, parang ahas na paikot-ikot ang taong nakaupo, magkatapat sa silya, magkatalikod, at nakatayo sa tagiliran ng lobby, at nagmamadaling pumasok sa security gate para umakyat sa kwarto.

Tila isang champion ang Sogo Hotels, kung gayon, sa liberalisasyon ng sexual na pagnanasa. Nagiging katanggap-tanggap na kalakaran sa dumarami pang bilang ng itinatayong gusali. Ang discontinuity ng Sogo Hotels sa naunang espasyo ng casa at unang henerasyon ng hotel ay gawing mas accessible ang bawal na karanasan. Wala na sa Diversion Road o dating liblib na lugar na makikipagsapalaran sa biyahe pa lamang, hindi na major production tumungo sa motel.

Ang continuity sa naunang mga espasyo ng aliw ay gawing mas komersyal ang kalakaran ng bawal na pagnanasa. Magkakatulad ang mga kwartong kulang sa hotel ang standard, pero dahil nga mas abot-kaya naman ang halaga (lalo na kung may 20 percent discount card) ay OK lang, at mataas ang efficiency ng serbisyo.

At dahil ito ay nasa friendly neighborhood komersyal na lunan sa Metro Manila, mas madali ang akses dito. Hindi nakakatakot tumungo, walang pakikipagsapalaran sa biyahe. Na maari ngang trip-trip lang kahit hindi naman literal na nagbiyahe para sa figuratibong trip to heaven.

Substansyal na katuwang na inihanda ng Sogo Hotels ang bansa sa neoliberal na karansan sa sex, sa abot rin ng makakaya ng Katoliko at estadong konserbatismo. Sex—maging paid sex o leisure sex—ay integral na komponent sa service sector na binibigyan-diin ng gobyerno, lalo na ng admiistrasyon ni Gloria Arroyo.

Walang malisya, dahil kanya-kanyang adult na desisyon itong pribadong karanasan. Walang malisya lalo pa’t ginagawa ito sa lehitimong espasyo at panahon ng motel, tulad ng Sogo Hotels. Na may pagtanggap sa ehersisyo ng bawal na pagnanasang ito dahil mas matimbang ang konsumpsyon ng nakakapagbayad na gitnang uri kaysa sa moral na indictment ng kawalang-angkupan ng sexual na pagnanasa.

Mas matimbang ang finansyal na kapital kaysa sa moral na kapital. Sino ang mas papanigan ng estado?  Wala naman kailangang pagpilian. Tasitong sinusuportahan ni Arroyo ang negosyo dahil may napapala itong pang-ekonomikong aktibidad na mahalaga sa kanyang inaasam na statistikong inuulat kapag SONA (state of the nation address).

Na ang sex ay pwedeng pagkakitaan ay pangarap na naabot ng Sogo Hotels sa 20 branches nito sa Metro Manila. Malaking negosyo na nagsasaad sa negosyante at kliyente na “ramdam ang pag-unlad.”  Sino ang hindi mamaximisahin ang kaligayahan—kahit pa illicit na pagnanasa ito—kung nagbayad ka para matamo ang rurok ng inaasam na tagumpay?

Ginawang empowered na pribadong mamamayan na nakakatamo ng pribatisadong konsumpsyon ng sariling pagnanasa. Na ang sex ay integral na ekonomikong aktibidad basta nananatili sa pribadong spero ng publikong buhay. At ang madilim, walang bintana at aircon na kwarto ay ang materialisasyon ng pribadong spero na ito.

Sa loob ng tatlong oras, ang buhay at kamatayan sa labas ay tumitigil para bigyan buhay ang pagsasakatuparan ng bawal na pagnanasa. Bawal pero nababayaran para maging lehitimo. Bawal pero mayroong pribadong spero sa publikong buhay maaring matamasa ito.

Dito, tulad sa rehimen ni Arroyo, ang halinghing at iri ay sabayang nagsasaad ng pagbulwak ng at pagdisiplina sa bawal. Basta may pera, hindi nabubura, bagkus lalong tumitingkad, ang distinksyon ng bawal at hindi sa mundong ibabaw. Bulatlat

Expelled student torches school

July 6, 2008

By Ruby P. Silubrico

GA_googleFillSlot(“Philippine_areas_incontent_mediumrectangle300x250”);

_GA_googleAdEngine.createDOMIframe(‘google_ads_div_Philippine_areas_incontent_mediumrectangle300x250′ ,’Philippine_areas_incontent_mediumrectangle300x250’);

A 17-YEAR-old boy is presently facing arson charges for torching his school Wednesday.

Edwardo Leysa Jr. is under the custody of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) of Barangay Caigon, Calinog, Iloilo, after he attempted to burn down six classrooms of Caigon Elementary School to take revenge on the school principal after she refused to accept him when he tried to enroll.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Leysa admitted the crime, saying that he torched the classrooms by setting fire on the textbooks around 7 p.m. until the fire quickly spread to the principal’s office.

He added that prior to the incident he had a drinking spree with some friends.

He said when he went home later he passed by the school and thought of burning it down.

“I really didn’t plan it but when I passed our school it suddenly came in to my mind to burn it because I was really mad at the principal for not enrolling me,” Leysa said.

Leysa is supposed to be a graduating student of Caingon Elementary School. However, he was expelled for allegedly trying to kill his teacher last year and for being involved in a fist fight with his classmate.

“I begged my teacher to enroll me because I promised to myself that I will change but they still refused and I really got mad,” he added.

Leysa was arrested after the incident.(SunStarIloilo)

=============================

My Take:

I hate the guy.  Especially if the allegation that he tried to kill one of his teacher is true.

But he is a minor.  And the media has sworn to protect the names of minor involved in such incident, be it a suspect, or a victim.

This item is unethical (at least in journalist’s ethics).

Sa palengke ng liberalismo at neoliberalismo, ang Oblation Run

July 5, 2008

Rolando Tolentino, Pasintabi

NANDOON ako sa sentenaryo ng founding ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang main event ay ang 100 kasapi ng fraternity ng APO na mag-o-Oblation Run. Ito ang pagtakbo ng hubo’t hubad na kadalasan ay ginagawa sa umaga ng lantern parade sa Disyembre.

Performance ito. At bali-balita pa ay may kasunduan daw sa administrasyon ng UP na walang politikal na mensahe, maliban sa pagdiriwang ng sentenaryo. Kakatwa ito dahil kaya rin may kuriosidad ang mga nag-aabang na tao ay kung ano namang mensahe ang bibigyan-diin ng run.

Sa YouTube ay nakita ko na ang run sa AS Building na ang mga kasapi ay may sign ng “Stop Political Killings” o “Fight for Greater State Subsidy,” at maging “No to TOFI (Tuition and Other Fee Increases).” Sa pagkakataon ng Hunyo 18, 2008, tanging hubo’t hubad na katawan ang pinakakaabangan.

Tunay na queer o nagpapadaloy-daloy na ang mga kategorya ng sexualidad itong selebrasyon ng sentenaryo. Pinakatampok ang Oblation Run sa mismong araw ng pagdiriwang. Na ang 100 na walang saplot na lalake ay patungkol pa sa liberalismo ng UP ay hindi naman kakatwa.

Tanging sa UP lamang maaaring mangyari ang ganito. May tolerance sa kontraryong aksyon, lalo na kung nilalahukan ng protesta. Ito naman ang alamat ng Oblation Run, bilang protesta sa pagka-ban ng pelikulang “Hubad na Bayani” noong 1977 na kritikal sa martial law ni Marcos.

Ngayon ay event na lamang ito, kahit pa ito nga ang sumapaw sa media coverage ng sentenaryo ng UP. Event dahil nakasentro sa sarili—katawan, frat, pag-aabang, parada at mga personahe—ang pangyayari. Wala na itong self-reflexive gesture na ukol sa anumang protesta: katawan bilang sintomas at kumakatawan sa krisis, panawagan humihigit sa sarili, pagtatanghal ng kontraryo at anti-establisyimentong dekorum at identidad, at iba pa.

Katulad ng isa pang heterosexual (mas marami ang babaeng imahen) at queer (hmm, may iilan pero tumatampok na lalake) na “100 Nudes by 100 Artists” na proyekto ng administrasyon. Itinatampok ang nude paintings bilang batayang sangkap ng sining at politika ng kontribusyon ng mga visual artist ng UP. Pakete para idepolitisa ang politikal na katangian ng sentenaryo ng UP.

Dahil itinatampok ang hubad na katawan na ni-reduce sa pagiging modelo ng idealismo sa kasiningan, binubura ang politikal para itampok ang politika ng patronahe (sino ang modelo, tumitingin, ipinipinta, nagpipinta, at bibili). Purong katawan at leisure ng sining. Sa huli, binebenta ang purong katawan para sa finansyal na kapital bilang patronahe ng karunungang misyon ng unibersidad.

Itinutumbas ang kasiningan ng katawan sa nude painting sa purong finansyal na ganansya. Donasyon ito, hindi ba? At tunay na 100 porsyento ang dedikasyon ng visual artists at ng kita ng UP.

Sa kaso ng Oblation Run, purong dedikasyon ng frat ang pananalig para sa UP. At purong pagpapaubaya ng administrasyon ng UP. Paano nga sasapawan ito kung pinili namang magpasapaw para itampok ang idealismo ng sentenaryo ng UP?

Na nahihimok ang mga artist na ialay ang kanilang talento para sa UP, at ang frat na magrekruta para sa pinakamalaking bilang ng partisipasyon sa Oblation Run, ay hindi rin kakatwa. Ito ang panghihimok ng neoliberalismo ng UP at ni Gloria Arroyo sa pangkalahatan.

Nagpapaubaya na ang mga katawan at kakanyahan ng mga tao para magserbisyo sa panuntunan ng neoliberalismo. Sa kaso ng UP at Arroyo, para sa higit na atraksyon ng kita at kapital.

May pinapanawagan ang administrasyon ng UP at bansa na ipinopostura bilang dakila, para sa nakararami, at para sa kagyat na hinaharap. Nakukumbinsi nito ang marami sa kanilang responsibilidad at obligasyon. At sa bagong henerasyon, kung paano ang pagsang-ayon ay tumutumbas sa pagiging spectacle.

Na parang sinasabi “ikaw ang bida, ikaw ang magaling” kahit pa ang mga ito ay temporal na kasiyahan ng sandali. Pagkatapos nito, gugunitain na lamang sa digicam pictures na na-upload sa internet, tulad ng video footage sa You-Tube.

Tinutunghayan bilang lumang novelty, kung paano maging “in” kahit ang historikal na posisyon ay kadalasang “out” na lampas sa isang kapamaraanan.(PWeekly)

Repleksiyong biswal: Rebyu ng SONArt

July 5, 2008

Darius Galang at Chrysalin Ann Garcia

Rebyu ng SONArt

Lunduyan Art Galler

(88 Kamuning Rd., Quezon City)

Hunyo 15 – Hulyo 15, 2008

“Ang artista, namimili rin ‘yan. Puwede siyang magpakita ng katotohanan, o puwede rin siyang magtakip ng katotohanan,” pahayag ni Eunice de Asis ng Concerned Artists of the Philippines o CAP.

Kagyat at kamakailan lamang nabuo ang SONArt, isang eksibit ng mga manlilikhang-sining, mula sa isang munting salu-salo ng mga artista na nagtanungan kung ano na ang nagawa sa ilang buwan. Naisipan nilang tipunin ang ilang likhang sining nila na wala namang tema sa umpisa. Ngunit sa malaon, pinili na nilang gawing tema ang paghahanda para sa gagawing Sona (State of the Nation Address) ng pangulo sa Hulyo 28.

Sinosente…Pano Sila? ni Maia Magpantay (Mixed Media)

Simple lang ang pahayag ng koleksiyon. May ilang mga obra na naka-display ang naipakita na sa mga nagdaang eksibit. Ngunit isang pahayag na rin ito – hindi pa rin nagbabago ang mga kondisyon sa lipunan.

Iba’t-ibang midya ang ginamit ng mga artista kaya nagmukhang interesante. Nariyan ang gawa ng mga artistang sina Boy Dominguez at Neil Doloricon na madalas na nating nakikita ang mga gawa. Ilang piyesang napagdaanan na ng panahon rin ang nakasabit, tulad ng Si Juan Ngayon ni Ronald Jeresano.

Si Juan Ngayon ni Ronald Jeresano (Oil/acrylic on canvas)

Katabi nito ay ang makulay at madetalyeng gawa ni Parts Bagani, na nagpapakita ng buhay ng mga mandirigma sa kanayunan. Kitang-kita naman ang emosyon sa dalawang obrang pinamagatang Sigaw ni Rommel Ramota. Mistulang nilalayon nitong pukawin ang atensiyon ng tagamasid sa metapora ng pagsigaw sa ilalim ng paniniil. Kakatuwa, na may apat na dibuho rin si Ramota na nagpapakita ng iba’t-ibang ekspresiyon. Pinagbibigkis ito ng apat na tuyong nagpapakita ng nabubulok na sikmura.

Sigaw 1 ni Rommel Ramota (Oil on canvas)

May ilang likha namang, oo, malayung-malayo sa pagkakapulido sa paggawa. Aminado rito si de Asis, ngunit para sa kanya, hindi na usaping estetika ang isang likhang-sining kung mahusay naman ang ibinibigay nitong mensahe. Content over form, sa madaling salita.

Concealer ni Ediefer Gutierrez (Acrylic)

Kapansin-pansin ang malaking litrato ng isang taong nagmistulang “Hitler” dahil sa tekstong nakalagay sa itaas ng labi (Tramp/Tyrant ni Renan Ortiz). Kakatwang nasa mismong gitna ito ng espasyo ng eksibit. Tila hindi batid ng midyang ginamit dito (tarpaulin) ang kahirapan ng paghahagilap ng materyales ng iba pang nakapaligid sa kanya. Maaari, intertextual na ang laman/mensahe nito sa pagpapakita ng tila bulag na pananaw sa nakapaligid sa kanya.

Tramp/Tyrant ni Renan Ortiz (Light box and tarpaulin)

Hindi man gaanong pansinin, nasa isang sulok naman ang ilang kakatuwang obra. May isang larawan ni Pangulong Arroyo, na nakapinta sa parihabang plywood. May dalawa pang malaking garapon/damawana na pinintahan ni Ted Camahalan. Ayon sa mga manlilikha, mahirap na ang buhay ngayon kaya kahit anong midya bukod sa kambas – na hikahos na silang bilhin ngayon – ang dapat nilang matutunang gamitin. Marahil, repleksiyon ang pagpili ng midya sa reyalidad ng buhay.

Anu’t ano pa man hindi malayo ang koleksiyon bilang ekspresiyon at pagharap ng mga alagad ng sining sa kasalukuyang nararanasan ng sambayanan.

Disaster, Disaster sa Paglubog ng MV Princess of the Stars

June 30, 2008

Ang bumibida sa disaster management ay si Noli de Castro, bise presidente bilang pagkatagpo ng isang solido at lingering media moment. Si Arroyo ay virtual at surrogate na nagma-manage ng disaster. Ang long-distance teleconferencing ay pagpapadiin sa kanyang pagprioridad sa interes ng U.S. imperialismo kaysa lokal na affairs. Kaya kawawa naman ang ibang lugar na naapektuhan ng bagyo – Iloilo, Kalibo, mga bahagi ng Mindanao – dahil ang prioridad ng gobyerno ay ang media opportunity na inaalok ng paglubog ng MV Princess. Na tulad ng nakausling bahagi nito sa ibabaw ng dagat, ang imahen ay ang labi ng isang entidad na hindi na maililibing.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 21, June 29-July 5, 2008

Four strikes na ang Sulpicio Lines. Ang pinakamalaking maritime disaster ay hawak nito—4,341 nasawi sa pagbangga ng MV Dona Paz at MT Vector noong 1987. Ang MV Dona Marilyn ay lumubog isang taon matapos ang naunang trahedya, at 300 ang nasawi. 150 naman ang namatay noong 1998 nang lumubog ang MV Princess of the Orient. Sa tatlong disaster, pinawalang-sala ang Sulpicio Lines.

Nitong Hunyo 22, 2008, mga 700 katao ang tinatayang nasawi o nawawala sa paglubog naman ng MV Princess of the Stars. Kahit parang crown jewels ang turing sa pagpapangalan sa mga barko, mga higanteng kabaong ang katangian at kung magkagayon, ang nagiging kinahihinatnan nito.

Kalakhan ng mga barkong pumapalaot sa dagat ng bansa ay mga refurbished na cargo at fishing vessel.  Segunda mano o ukay-ukay, kaya a la chamba ang pagbili at pagtangkilik ng mga ito. At mahaba pa ang listahan ng mga lumubog na barko sa kagyat na kasalukuyan.

MV Cebu City, 1994, 140 nasawi; MV Kimelody Cristy, 1995, 31 nasawi; MV Gretchen I, 1996, 50 nasawi; SuperFerry 14, 2004, 116 nasawi; at MV Princess of the World (Sulpicio Lines din), 2005, nasunog sa dagat. Kung sa maunlad na bansa ay grinound na ang mga barko kada may aksidente hanggang di pa lubos na naiinspeksyon, sa Pilipinas ay para lang domino na isa-isang inaantay natutumba, o sa kaso nito, lumulubog ang mga barko.

Kaya patuloy ang mga gawang-tao na disaster. Patuloy dahil nasa interes ng estado (malaking negosyo at gobyero) na gawing tila natatangi ang pagsulpot ng disaster para lamang sa huli, ito ang magmukhang bida. Sa konklusyon ng “disaster management” o ang pagkakahon ng pagbulwak ng gawang-taong disaster, ang estado (ang mga GOs at si Gloria Arroyo) ang itatanghal na bida.

Ang gawang-taong disaster ay isang aberasyon, blunder at hindi lang pagkakamali, freak of nature, at pati “God’s will,” gaya nang sinasambit ng management ng Sulpicio Lines. Hindi ordinaryo dahil hindi nga naman araw-araw na lumulubog ang barko at may daan-daang namamatay.

Gawang-tao ito dahil katambal ng pagtitipid sa gastos ang inaasam na maximisasyon ng kita ng negosyo. Kung sino man ang nakasakay na sa barko ay alam na overloading ang kalakaran. Luma na ang mga makina at fasilidad. At pikit-mata at taimtim na nagdarasal na lamang na hindi lumubog ang barko kahit pa walang super-typhoon.

Kasabwat din ang Coast Guard at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtangkilik sa kalakaran ng negosyo. Para hindi malugi sa isang araw na kita, at dahil nga naman signal number 1 pa lamang sa Metro Manila kahit number 2 at 3 na sa ibang bahagi ng bansa, kasama ang patungong Cebu, naglayag pa rin ang naunsyaming MV Princess.

Wala pa rin kahandaan ang gobyerno sa disaster kahit na ilang disaster na ang humahagipis rito taon-taon, at sa okasyong ito, kahit pa ilang barko na ang lumubog sa nakaraan. Maluwag ang alaala ng gobyerno dahil sa panghihikayat sa negosyo na higit pang kumita. Kaya wala itong body bags, light gears sa underwater expedition, manwal sa pag-handle ng mga patay, monitoring system, at iba ang lohistika at sistema sa disaster management.

Wala o karumaldumal na kulang dahil hindi naman ito ang prioridad ng gastusin ng gobyerno. Makitid ang pag-iisip nito na hindi handang maggayak para sa peryodikong kaganapan. At dahil na rin, pwedeng idahilan, force of nature nga kaya hindi naman lubos na nakakapaghanda sa disaster.

At nang lumubog ang barko, tulad ng hinudyat ng mother-of-all-disaster-movies na “Titanic,” mabilis ang kaganapan. Sa pagitan ng lumulubog na barko at dumadagundong na dagat, saan pupunta ang karamihan na galing sa economy class na pasahero?  Kaya rin hindi kataka-taka na kalakhan ng mga nasawi ay nanatiling nasa loob ng tumaob na barko.

Na tila hindi rin hiwalay kung paano ginagawang double-dead ang mga nasawi sa post-disaster na yugto ng management: sa pagitan ng nagtuturuang ahensya ng Coast Guard at may-ari ng Sulpicio Lines na humingi ng tawad sa mga pamilya ng nasawi nang hindi pa rin binabago ang linyang kagustuhan ni Lord ang kaganapan, walang kabuhay-buhay na mahihita sa imbestigasyong may nakasulat na ending na.

Nilisan na ni Arroyo ang sityo ng disaster – bago, sa sandali ng pangyayari, at matapos ang disaster.  Tumungo na ito sa U.S. para sa pilgrimahe sa papaalis na pangulo ng bansa, at sa malamang na papalit rito. At nang mabalitaan ang kaganapan, video-conferencing ang best effort ni Arroyo.

Na wala ang presidente ay hindi naman aksidental. Ito ay insidental lang naman kung paano pa rin, sa huling pagtutuos, aakdain ng estado ang management at ending na magbubura sa disaster. Sa simula ay makikisisi si Arroyo, higit sa lahat, sa management para sa nangyari.  Ang best scenario, may mapapalitan na opisyal.  Pero hanggang dito na lamang at maraming salamat po.

Sa paninindigan ni Arroyo, kahit pa may higit na 600 ang tukoy  na nasawi sa supertyphoon na Frank, mas kailangan ang kanyang presence sa U.S.  Malamang, ito na ang kanyang farewell walk at kailangan matagal ang wave sa publiko.  Kakausapin ni Arroyo ang maraming opisyal at negosyante para higit pang maipindeho ang yaman ng bansa.

Una ay maamo ang mukha ni Arroyo sa video conferencing na ginanap ng madaling-araw sa Malacanang. Na ang it’s-a-fake na hitsura ay hindi nakapanghimok ng simpatya kundi dismaya sa simulated na imahen ng pakikiisa. Kaya balik sa tantrum si Arroyo, nilalait ang Coast Guard kung bakit pinayagang bumiyahe na sinisi naman ang PAGASA sa ulat nito.

Kaya walang kasalanang maiakusa sa Sulpicio Lines maliban sa pagkagahamang kumita, na hindi naman krimen kundi kalikasan ng negosyo na siya namang hinihikayat ng gobyerno para sa pagpapaganda ng kanyang pambansang ekonomiyang statistika.  Paano mo isasakdal ang Sulpicio Lines sa ikaapat na pagkakataong ito?

Sa disaster management, ang mina-manage ay hindi naman ang naging epekto ng disaster kundi kung paano idi-deflect ng gobyerno ang sisi sa kanyang sarili. Ito ang tagahanap ng consensus sa representatibong kapamilya ng mga nasawi at ng may-ari ng negosyong nagbunsod ng disaster.

Kung titignan pa lamang dito, wala na ang mga nasawi sa konfigurasyon. Ang tanging ina-appease ay ang mga pamilya via ng pamilyang negosyateng may-ari ng barko. Hindi rin pwedeng chakahin ng gobyerno nang todo ang negosyante dahil baka madismaya naman ang iba pang pamilyang negosyante.  Maliit lang ang bilang ng kasapi ng burgis kumprador sa bansa. Baka wala nang mag-invest.

Ang bumibida sa disaster management ay si Noli de Castro, bise presidente bilang pagkatagpo ng isang solido at lingering media moment. Si Arroyo ay virtual at surrogate na nagma-manage ng disaster. Ang long-distance teleconferencing ay pagpapadiin sa kanyang pagprioridad sa interes ng U.S. imperialismo kaysa lokal na affairs.

Kaya kawawa naman ang ibang lugar na naapektuhan ng bagyo – Iloilo, Kalibo, mga bahagi ng Mindanao – dahil ang prioridad ng gobyerno ay ang media opportunity na inaalok ng paglubog ng MV Princess. Na tulad ng nakausling bahagi nito sa ibabaw ng dagat, ang imahen ay ang labi ng isang entidad na hindi na maililibing.

O matagal nang patay? Paano ililibing ang isang nakalutang na higanteng kabaong? Paano ililibing ang mga tao sa economy class na matagal nang pinagdamutan ng mismong estadong ngayon ay pinagkakaabalahan ang paghanap sa kanila sa loob ng barko?

At sa mga bangkay na napapadpad sa pampang, ang naisip na rekurso ng lokal na pamahalaan ay ibaon ito kaagad. Mabilisang pagbubura sa mga katawang hindi katanggap-tanggap nang sila ay nabuhay, at maging sa kanilang kamatayan.  Anong saklap ng buhay, hindi ba, Kuya Eddie?

Muli ang venue ng solidaridad ng pamilya ng nasawi ay ang mga dingding malapit sa opisina ng Sulpicio Lines. Sa pamamagitan ng litrato, sulat, kandila, bulaklak, at memento, lumikha sila ng memorial. Na tulad sa memorial sa labas ng isa pang trahedya, ang sunog sa Ozone Disco, ang konsolidadong imahen ng buhay ang pantapat sa imahen ng kamatayang dulot ng media.

Pero pampamilya mode ang memorial na ito. Na sa isang banda rin ay kabahagi ng sistematikong pagkakahon sa disaster bilang konsern lamang ng mga pamilya ng nasawi. Ang kanilang pagwawala sa loob at labas ng opisina, ang pagtangis at pagkahimatay ay physiological na anyo ng pagbabalikwas sa isang abstraktong sistema.

Paano lalabanan ang isang entidad na naniniwalang wala silang sala, o ang maysala nga ay si God? At ang imahen ng nagbre-breakdown na pamilya ay paukol sa mob na katangian ng masa. May potensyal na mag-mob, kaya bago dumating sa puntong ito ay kailangan nang iappease.

Ang alok ng negosyante: tig-P200,000 bawat nasawi, libreng pamasahe at hotel sa Cebu habang nag-aantay ng resulta sa paghahanap, at may allowance pa. Habang nag-aantay, naagnas na ang mga katawan, kinain na ng pating at malalaking isda ang nakalutang na bangkay, ibinaon na ang mga napapadpad sa mga isla.

Kaya ang special offer ng Sulpicio Lines ay akma sa self-preservation nito. Huwag po, Lord kahit si Lord ang sinasambit nito. Composed sumagot ang madalang magpakitang opisyales na pamilya ng negosyo. At itong composure ang naghihiwalay sa kanila sa mob mentality ng masang pamilya at ang nade-decompose na katawan ng mga nasawi.

Intact ang negosyo, maging ang gobyerno. Hanggang sa muli, sa susunod na pagputok ng bagong disaster. In the meantime, nandiyan pa ang laban ni Manny Pacquiao sa kanyang pagtatagpo sa dakilang tadhana sa kasaysayan ng boxing. Mas hindi makakahinga ang bansa sa umaga ng Linggo ng laban.

Titigil muli ang buhay ng bansa. Maluluwag ang mga kalsada sa dalawang oras ng laban. Kolektibo ang pagdanas ng inaasahan na namang pagtatagumpay ng underdog (na kahit hindi ito si Pacquiao sa pagkakataong ito, dahil siya Filipino, underdog naman parati ang turing). At pagdating ng katanghalian, lalo pang nabura ang disaster ng MV Princess.

Para na lang character si Pacquiao sa isang computer game. Handang magpagamit sa estado sa pagsalo nito sa kahinaan at kakulangang ikinikilos sa binuburang mga indibidwal na biktima ng disaster.  Disaster man sa MV Princess, disaster man sa pagkapangulo ni Arroyo wala pa ring rekurso sa hustisyang makakamit.

Walang tala na mapapaluhod. Na mismong si Arroyo, Pacquiao at ang U.S. imperialismo ay umaawit na ng nakakapanghalinang muling magpapaidlip sa bayan. Bulatlat

Sex and the City at Kung Fu Panda sa Panahong Tulad Nito

June 19, 2008

Habang ang mamamayan ay natuto nang managinip na kasing laki ng Disneyland at barkong Titanic, ang ipinapalaganap naman ng lokal na studio ay pa-lokal at nasyonal na karanasan ng mga OCW na pelikula na naglalayon makapagrekruta pa ng mas maraming mamamayang mag-o-OCW.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 19, June 15-21, 2008

Walang ibang panahon.  Wala namang substansyal na pagbabago sa pagdaan ng mga panahon.  Ang nagbabago lang ay ang mga bagay na nagiging artifact ng panahon—mga bagay na nagpapagunita sa nakaraang lagay ng panahon.

Sa U.S., ang pagpasok ng mga Hollywood blockbusters ay senyales na panahon na ito ng tag-init sa kanila.  Ang bulto ng kanilang taunang kita ay nanggaling sa kung ilang pelikula ang lalampas sa US $100 milyon na marka bilang sertipikadong blockbuster.

At sa kaisa-isang paglubog ng barkong “Titanic,” na siyang magtataas sa US $500 milyon ang pinakamalaking kinita ng pelikula, nangangarap ang Hollywood na muli pa itong malampasan.  Global ang market ng Hollywood at kasama tayo sa bultong tumatangkilik ng kanyang pelikula.

Humahawi ang lokal na sinehan kapag dumating ang Hollywood blockbuster.  Naalaala ko sa nakaraang installment ng “Batman” na nang pumasok ako sa Gateway Mall ay walang ibang sineng mapapanood kundi ito.

At sa kasalukuyang pag-unlad ng saklaw ng Hollywood sa bansa, tanging mga pelikula ng lokal na higanteng studio ang maaring makalaban dito.  Kaya rin hindi kataka-taka na ang pinambabato ng Star Cinema ay OCW (overseas contract worker) film, tulad ng “Caregiver,” na pinagbibidahan ng pinakamalalaking artista sa arsenal nito.

Habang ang mamamayan ay natuto nang managinip na kasing laki ng Disneyland at barkong Titanic, ang ipinapalaganap naman ng lokal na studio ay pa-lokal at nasyonal na karanasan ng mga OCW na pelikula na naglalayon makapagrekruta pa ng mas maraming mamamayang mag-o-OCW.

At ito ang global turn ng studio, na kaugnay rin naman ng kanilang telebisyon network na may direksyong maging komoditi sa mga OCW tumatangkilik nito sa labas ng bansa.  Una, umaapila sa guilt ang lokal na pelikula sa abject na realidad ng kahirapan sa loob ng bansa na napag-iwanan ng mga mahal sa buhay.  Ikalawa, silang OCW na may finansyal na yaman ay nililikha bilang sabayang media bi-product at consumers.

Bi-product dahil hindi naman sila ang ibinebenta kundi ang kanilang karanasan via Sharon Cuneta at Claudine Barreto.  Consumer dahil sila rin mismo ang ipinapatangkilik ng komoditing ginawa para sa kanila.  Pinapatangkilik ang OCW sa pagnanasang makaugnay sa mahal sa buhay (bayan, bansa, kamag-anak, at kaibigan) na nakabatay sa realidad na hindi makabalik dahil sa kalikasan ng kanilang trabaho.

Na hindi rin naman kakatwa kung bakit ang mga pangunahing channel sa bansa ay brina-brand ang sarili bilang “kapamilya” at “kapuso.”  Ipinipirito ng mga ito sa sariling mantika ang mga OCW at ang kanilang mahal sa buhay.  At inihahanda rin ang mga wanna-be OCW sa OCW na karanasan—ipinadarama na kung paano ba kahirap maging OCW, kung bakit hindi na ito option, at kung paano dadalhin ang bigat ng ganitong desisyon.

Ang lokal na manonood ay prospective OCW naman talaga.  May kita kaya nakakapanood ng sine sa loob ng mall.  May kita kaya nakakapagdamit ng maayos para manood ng sine at mag-malling.  May kita pero hindi lubos dahil hindi naman regular na nagagawa ang magastos na aktibidad na ito.

Kaya ang rekursong sinasambit ng panonood ng pelikula—lokal man o Hollywood at foreign—ay paghahanda sa mamamayan ng bansa na gawing lehitimo ang karanasan sa libangan.  Na ang panonood ng sine ay isang gitnang uring panuntunan.  Na ang pirated DVD at player ay simulain lamang pagdanas ng illicit na gitnang uri tungo sa lehitimong pagiging gitnang uri via OCW o ang lokal nitong surrogate, ang call center.

Di nga ba’t ang call center ay pagdanas na rin ng pagtratrabaho sa ibang bansa?  Na sa mga aral na twang at virtual space ay araw-araw (o gabi-gabing) nakakapangibang-bayan at pagtratrabaho?  Na ang entry point na kita rito ay tulad na rin ng kita ng OCW sa ibang bansa (katumbas ng kita ng DH o domestic helper)?

Nang manood ako ng “Sex and the City” sa Trinoma Mall, ang high-end mall sa kabilang dulo ng Metro Manila, lost lang ako sa pana-panahong kolektibong tumatawa ang manonood.  Parang hindi naman natatawa, o sila lang ang natatawa.  Pero masaya naming dinanas ang voluntaryong virtual na malayo sa pang-araw-araw na realidad.

At ano ba ang tinunghayan sa sine?  Apat na babaeng walang guilt sa kanilang indibidwal na pagnanasang maging maligaya sa kani-kanilang personal (domestiko) na buhay.  Apat na mayayamang babae na ang ipinakita lamang ay ang kanilang pagdanas ng libangan dulot ng kanilang trabaho at hindi ang aktwal na pagtratrabaho nila.

Ganito ang kahalintulad na pagtatago ng sine sa mismong paraan kung paano tayo nakapanood ng sine.  Hindi ba’t may nagtrabaho kaya tayo nakabili ng tiket?  Hindi ba’t ang ginagawa natin ay libangan, at kung gayon bakit gusto nating makapanood ng sine ukol sa pagtratrabaho?

Kung gusto nating makapanood ng sine tungkol sa pagtratrabaho, manonood tayo ng OCW na pelikula.  Pero hindi ito ang choice natin.  Hindi ba’t naggayak tayo sa pagmo-mall at ang suot natin ay aproximasyon ng suot ng mga tauhan sa pelikulang pinapanood natin?  Kasama ng tabas ng buhok at make-up, at higit sa lahat, disposisyon sa buhay?

At anong klaseng buhay ito?  Guilt-less, na tulad ng O-calories at sugarfree ay hindi naman lubos bilang healthy ang mga opsyon na ito.  Na patuloy pa ring magre-release ng insulin ang sistema dahil ito naman ang gawain ng artificial sugar.

Paano magiging guilt-less kung ang mismong sinasakdal ay ang manonood na willing namang magpasakdal sa kasong aksesorya sa pagnanasang makaangat?  At maaga ang sosyalisasyon sa ganitong pagnanasa.

Nanood kami ng mga pamangkin kong paslit ng “Kung Fu Panda,” na pati naman ako ay naaliw.  Ang konsepto ng pagsasama-sama at panonood nilang magpipinsan ay nakakasapat na para sila maging hyper sa loob ng sine.  Ang dami nilang palitan ng tig-iisang linyang hirit.

At maging ang mga paslit sa likuran namin ay gayon din.  Nag-uumapaw sa enjoyment sa libangan na sandali.  Ang mga realidad sa mga bata at problema sa nakakatanda na kinahaharap ay saglit na naglaho.

Sa “Kung Fu Panda” ang isang pagkataba-tabang hayop ay natuto ng ilang araw lamang para maging savior ng mamamayan sa China.  Kahit pa may kapasidad ng distinksyon ang totoo sa hindi ang mga paslit, napuntirya na rin ang kanilang pagkatao sa aspirasyong makaangat.

Mapunta sa ibang lugar maliban sa sariling kinalalagyan.  Tunay na bonanza ito ng Hollywood films.  Hindi lang nasisimot nila ang kita ng gitnang uring Filipino na sa ngayon ay pangunahing market ng pagtangkilik sa sine.  Maging ang aspirasyon at paraan ng pagnanasa ng gitnang uri ay naisama na sa net ng Amerikanong ideolohiya.

Na kahit pa sa China ang mga hayop, tagpuan at kung-fu na istilo, ang mga ito ay nakolonisa na sa adbentura ng ideolohiya ng Amerikanong imperialismo.  Na sa manonood ng “Sex in the City,” ang posh-ness ng upper-side New York ay malalim na ring nakaukit sa guni-guni ng gitnang uring manonood nito at nagnanais rin mapabilang, kundi man makita, sa guilt-less na mundong ito.

Na parang hindi nangyari ang 9/11 sa New York, at ang New York ay naging mas malaking U.S., at ang U.S. ay lumawak na sa sinehan sa Trinoma at iba pang cinemplex sa bansa.  Nag-uumapay na ang geopolitikal na espasyo ng Amerikanong imperialismo.

Soft-selling ito kaya nakukumbinsi tayo sa napakaraming bagay hinggil sa kanilang dominasyon ng mundo.  Ito o i-boykot ang mga produkto nila?  Paano mo ibo-boykot ang Hollywood films, ang kanilang palabas sa telebisyon, cable channels, usong damit at tabas ng buhok?

Nang mapanood ko ang dalawang pelikula, hindi lang naman kami nag-iisa sa sinehan.  Blockbuster ito.  Ano ang sinasabi na ang panonood ng Hollywood na sine ang rekurso ng mga gitnang uri para magkaroon ng relief sa kanilang unti-unting naagnas na pangekonomikong lagay panlipunan?

Sasabihing intelligent comedy at women-in-their-40s liberation ang pelikula, o wholesome family entertainment ito.  Ito nga naman o ang saga ng caregiver-via-Sharon Cuneta ang magaganap.  Na kung gusto mo ngang magkaroon ng relief, bakit ka manonood ng anumang konektado sa iyong realidad?

Kaya maging ang “Caregiver” na rin ay hiwalay sa historikal at panlipunang realidad.  Na nanghihimok ito sa kapwa professional na huwag magsisi, piliin maging caregiver, at idambana ang puting alaga bilang nagpalaya sa kanyang agam-agam, kulang na lang at mismong Philippine Overseas Employment Agency ang nag-produce nito.

Na nakakapanghimok na maging at manatiling OCW ang pelikula ay patungkol pa sa aparato ng mainstream film industry ng estado.  At ang estado ni Gloria Arroyo, kahit pa ginigipit ang mga Lopez na may-ari rin ng Star Cinema na nag-produce sa pelikula, ay konektado naman sa Amerikanong imperialismo.

Sa susunod na magbayad ang gitnang uri ng malaking bahagi ng kanyang sweldo para sa tiket sa sine, isipin niyang siya na nagbabayad ay nagtratrabaho para may ipambayad.  Siya na nagbabayad ay nagbabayad hindi lamang para manood at makalimot, kundi para bumoto rin sa referendum ng estado at imperialismo.

Malaki ang puwang ng independent filmmaking at political film collectives sa bansa.  Ito ay kung matatalakay nila ang ugnayang pang-estado at imperialismo na soft-sell at wholesale na inilalako sa mamayang nagtratrabaho, namimili at pabor na bumoboto.

Mangangailangan din ng ibang paraan ng produksyon at konsumpsyon, distribusyon at iba pang sistemang nakagisnan na sa pagiging nasa laylayan ng Hollywood at imperialismo.  Ito ang kailangang akdain sa mga panahong tulad nito.

Walang ibang panahon! Bulatlat

Friday the 13th noise barrage calls on youth to ‘drive away evils of society’

June 13, 2008

YOUTH ACT NOW! (Youth for Accountability and Truth Now!) participated in the metro-wide noise barrage protest spearheaded by concerned citizen groups later this afternoon.

Students from different schools and universities around Metro Manila converged in various protest points for the noise barrage. Among those who participated were students from UP, PUP, UP Manila, St. Scholastica, PNU, PLM, Lyceum, Miriam, JRU, TIP and PSBA.

The National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Student Christian Movement, Kabataang Pinoy, Anakbayan, League of Filipino Students, youth artists’ group KARATULA , Youth Revolt, Kabataang Kristiyano para sa Bayan and the Liga ng Kabataang Moro participated in the noise barrage.

High school students and out of school youth from different urban poor communities also joined the activity.

“How fitting to conduct our opening salvo of students’ weekly protests today, Friday the 13th, a statement and commitment to drive away the evils of society,” said Alvin Peters, YOUTH ACT NOW! Spokesperson.

Bearing streamers and placards with the words, ‘Youth act now for meaningful social change!‘, the youth participants called on the government to address different issues ranging from political anomalies to the worsening economic crisis.

For his part, CEGP national president Vijae Alquisola said, “We have re-united our ranks since the school opening and we have resolved to up the ante of protests. There is a collective clamor among youth and students to demand accountability from this government not only for numerous corruption issues but also for the rising cost of education and the Arroyo administration’ s lack of political will to curb unabated price hikes.”

Peters said that YOUTH ACT NOW! will conduct weekly protests that are expected to escalate towards a nationwide ‘walkout protest’ by July, before Pres. Arroyo’s State of the Nation Address. ###

“Prosti-tuition” rises with school fees

June 12, 2008

BAGUIO CITY — As tuition increase, more and more students are pushed to engage in prostitution to raise enough money for their schooling, thus the term “prosti-tuition.”

According to Theresa Manglicmot of Gabriela Youth (GY), students both male and female resort to this decadent practice because of the high cost of education and the perennial economic crisis in the country.

“It is a disturbing fact, but because of extreme poverty the students are forced to opt for this as their last resort just to finish their studies,” said Manglicmot.

In a study made by GY back in 2006, the number of students engaged in prostitution increase during enrollment and exam periods, the time when students need to pay their dues in school.

“Based on the interviews we conducted, it is a seasonal affair and one can really point out that their main concern for doing this is to be able to pay for their school fees,” said Manglicmot.

According to Manglicmot, the prostituted students are either seasonally hired by prostitution dens or by pimps, and earn through commission basis.

Most of the time the pimps wait outside school premises with a client to see the students and choose whoever the client wants to have sex with.

“But now, because of the advance in cyber technology, the Internet becomes a more lucrative means to earn extra money because they are directly paid by the customers for the cyber sex services they render,” said Manglicmot.

According to Director Rosario Marzo of the Office for Linkages and Exchange Programmes of the Saint Louis University (SLU) during a press conference, students are forced to resort to these activities because they have spent their money that their parents gave to them.

“These students resort to prostitution mainly because they misuse the funds intended for their school budget,” said Marzo adding that the lack of family values is the main reason why these students engage in prostitution.

Manglicmot on the other hand said “this increasing incidents of prosti-tuition is not based on the lack of family values but because of how the education system here in the country is becoming more of a privilege than a right, making it not accessible to those who cannot afford.”

Manglicmot also said Filipinos are driven by the hope to improve their economic status, thus they value education and view gaining a university diploma betters their chances for a more stable employment and brighter future.

“The status of the national economy and present government policies have however further constricted the right to and opportunities for education,” concluded Manglicmot # Cye Reyes(NorthernDispatch)

Si Bayani Fernando, ang MMDA sa Sogo

June 11, 2008

Sa motel, sa di-lubos na tanggap na lunan ng sexual na pagnanasa, pinapanasa na ang ibang uring pagkamamamayan na may finansyal na yaman para maka-book ng kwarto:  pulisyahin ang sexual at iba pang pagnanasa, pumanatag sa itinakdang panuntunan, at tamasain ang temporal na kaligayahang iniendorso ng estado. Hindi na trespassing subject ang nasa loob ng motel, ipinaloob na siya at ang kanyang ginagawa sa lehitimasyong pang-estado ni Fernando at ng MMDA.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 18, June 8-14, 2008

Hindi ako nagtaka kung hanggang sa kwarto sa Sogo, isang higanteng chain at gusaling motel, ay napanood ko ang cable show ng MMDA (Metro Manila Development Authority). Siempre, ang bosing na si Bayani Fernando, na ang tagumpay sa munting syudad ng Marikina ay nire-reproduce sa iba pang syudad ng Metro Manila, ang bida.

Hindi lang siya bida, siya ay bidang-bida. At sa ilang saglit, tulad ng kanyang mantra (Metro Gwapo, Tao-Ganado), ay bigla nga siyang nagkaroon ng personalidad. Minsan ko nang natunghayan si Fernando sa isang poetry reading sa lumang bahay na trinansforma sa isang cultural center sa Marikina. At winish kong sana ay nagbaon ako ng unan.

Monotono ang kanyang boses, dead-pan ang mukha. Pero ang bangis ay nasa ilalim ng hitsura. Tunay na megalomaniac ang hitad. Kinuha ang wallet sa likod na bulsa ng pantalon, at may tinanggal na pirasong papel. Dahil nga poetry reading ang event, nagbasa ito ng sinulat niyang tula. At balak niyang ipalilok ang kanyang tula sa marmol sa sports arena pa raw!

Sa Internet site ng MMDA, http://www.mmda.gov.ph/main.htm, ay nagmumukhang impressive ang mga proyekto ni Fernando: traffic engineering, education at enforcement; solid waste management; establishment at operation ng landfills; flood control at sewerage management; CAMANAVA-flood control project; Metro Gwapo at Metro Clear Roads; Gwapotel; Street Dweller Care Program; MLMO-Imaging a Vibrant Metropolis; Metro Clean at Metro Safe Programs; Road Emergency Program; Urbanidad; ang notorious na Wet Rag (papasadahan ng basang trapo ang mga nag-aantay na pasahero sa kalsada) at Pink Flag; at door-to-door garbage collection.

Sa isang banda, nagpapasalamat ang maykayang pribadong mamamayan sa pag-angat ni Fernando at MMDA sa pamantayan ng urbanidad, sa abot ng makakaya, sa global na panuntunan. Tila mas mabilis na umuusad ang mga pribadong sasakyan sa tila walang katapusang pinalalawak na mga kalsada at sidewalk, na peryodikong tinataniman ng halamang di mabuhay-buhay nang kumpleto. Impresibo ang proyekto dahil nilegitimisa ni Fernando ang pagpapaproyekto bilang primaryong proyekto ng MMDA.

Samakatuwid, hindi naman talaga ang panuntunan ay makaabot sa isang humanisadong global na standard, kundi ang simpleng magkaroon lang ng hanay ng proyektong nagpapamukha na tila walang katapusan ang pagkilos ng kanyang mga pwersa. Ang paproyekto ay nagsasaad ng kinetisismo ng publikong serbisyo gayong mula sa ibaba, tinatangkang burahin ang anumang makakapagtunghay sa di-global na karanasan (tindera sa bangketa, pagdura, pag-aantay ng sasakyan sa kalsada mismo, at iba pa).

Kaya sa kabilang banda, sinusumpa naman ng nasa ibaba ang paproyekto ito dahil hindi na unti-unti kundi malawakan na ang pagbura sa di-kosmopolitan, di-global na urbanidad. Totoong hindi pa sagaran na nabubura ang mga nagtitinda sa sidewalk at di tumatawid sa napapakalayong pink at blue na pedestrian walk na wala nang lilim, tulad na lang sa Commonwealth Avenue, isang tampok na paproyekto ng MMDA.

Pero ang layon ay gayon na rin. Mas malayo sa nerve center ng MMDA, mas nababawasan na ang karanasang anti-urbanidad. Mas kumikitid ang daan, mas marami ang tumatawid sa highway, mas walang pedestrian walk. Na nagtataka ang napapadaan dahil sa ibang seksyon ng Commonwealth pa rin, ay halos magkakadikit naman ang pedestrian walk.

Iaakda ni Fernando ang astang urbanidad sa pamamagitan ng behavior modification.  Binabago ang kalakaran ng pag-iisip, pagkilos at pag-uugali: paglalakad sa bahagi ng highway at pag-aantay sa elevated waiting area; pagpara sa mga bahaging ito lamang; maingat na pag-U-turn sa designated slots; towing kapag nasiraan o mali ng parada; red sidewalks para itakda na no parking at bawal magtinda; pink lanes para malinaw ang lunan ng publiko at pribadong pag-aari; at iba pa.

Ang problema ay di lamang epistemikong marahas ang behavior modification na ito. Sa usapin ng uri, mas humahaba ang nilalakad at tumatagal ang oras ng paglalakad ng mga nasa ibaba gayong mas bumibilis ang oras ng biyahe ng mga nasa itaas. Mas delikado nang tumawid sa mga walang pedestrian walk ang mga nasa ibaba dahil sa bilis ng sasakyan ng mga nasa itaas. Mas nabibiyayaan ang maykayang pribado kaysa publikong mamamayan.

Literal lalo pa ang karahasan. Binubuhusan ng gaas ang nakumpiskang binebenta sa sidewalk; spinre-spray ng “colorum” ang mga bus, taxi at FX na walang papeles; dine-demolish ang mga tirahan para malinis ang kalsada at tulay nang may 15 araw lamang na abiso; inilalagak ang street children at mga pulubi sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) nang walang lubos na pagtatanto sa kanilang inbidwal na karapatan; at iba pa.

Pinipulisya ni Fernando ang mga nasa ibaba nang sa gayon ay hind maging kriminal.  Dahil sa paglawak ng execution ng kanyang kapangyarihan, nakriminalisa na ang mga inaakalang di-ligal na gawain—pagtitinda sa sidewalk, pagsakay sa di-designadong bahagi, pagdura, pagtawid sa mismong kalsada—bago pa man aktwal na magampan ang ganitong gawain.

Kriminal na ang turing kaya naman napakahilig ni Fernando na gumawa ng mga rehasang seksyon sa mga proyekto. Pink pa nga para mas humanisado ang turing, na nagdo-double tasking na trellis sa malawakang pagpapatanim ni Fernando ng kadena de amor, ang opisyal na bulaklak ng Metro Manila.

Gayunpaman, malinaw na minamarkahan ni Fernando kung sino ang dapat ipulisya—commuters, pedestrians, sidewalk vendors—at kung sino ang hindi. Kung sino ang may akses sa ekonomikong kapangyarihan at pagkamamamayan, at kung sino ang wala at kulang. Anti-masa si Fernando at MMDA dahil ang turing sa masa ay mob na dapat pinupulisya.

Kung gayon, double standard ang panuntunan ni Fernando sa mga mamamayan ng Metro Manila. Para sa Italianong kritikong kultural, Antonio Gramsci, ang estado ay gumagamit ng tambalang pwersa at panghihimok para makamit ang konsensus na paborable sa kanya.

Ang panghihimok ay ginagamit ni Fernando para sa gitna at mataas na uri na may latay ang kanilang posisyon at tinig sa lipunan. Ang pwersa at dahas ay nakatuon sa mababang uri, na dahil sa abang indibidwal at kolektibong lagay, ay ninakawan na ng tinig at posisyonalidad ng estado. Paano magsasalita ang sa una pa lamang ay itinuring na ng estado na kanyang kaaway?

Kriminalisa ni Fernando sa Metro Manila ang lantarang pakikipagtunggali. Na sa isang palabas sa balita ay mismong mamamayan na ang tumulong magdemolisa ng kanilang tahanan para maprotektahan ang mga naimpok na gamit sa loob ng bahay. Na wala na silang magawa maliban sa pag-ayon sa pwersa ng baril, maso at makina ng anti-demolisyon team.

Ang tagumpay ng anti-demolisyon team, at ni Fernando at MMDA sa pangkalahatan, ay ipagpadaloy ang anti-mahihirap na gawain. Sa ngalan ng kinetisismo ng pagpapaproyekto na nagpapamistulang kay raming pagbabago sa infrastruktura ng globalidad sa Metro Manila, napapakabayo sa kariton ang maykayang mamamayan. Nagkakaroon ng blinders para hindi makita ang kakambal na karahasang dulot ng masibong pagkilos.

Pero tunay bang batayang pagbabago ang dulot ng pagpapaproyekto? Anim na buwan akong naglagi sa Kyoto, at sa aking pagbabalik, nagkaroon ng dalawang rotunda ang airport road at nawala ang interseksyong direktang nag-uugnay sa EDSA. Tunay namang umuusad ang trafiko, pero mas matagal lamang akong dinala nito sa aking patutunguhan.

Ang nangyari, ako na sa lipunang ito ay may gitnang uring posisyon, ay nagmistulang hamster sa spinning wheel sa kulungan. Ibig sabihin, kilos lang ako nang kilos pero wala naman talaga akong pinatutunguhan. Ang nangyayari lamang sa lahat ng pagbabago sa trinatransforma ni Fernando ay walang patumanggang pagkilos tungo sa pareho pa ring posisyonalidad.

Narereafirma ako at ang kakaunting iba pa sa aming nakakataas na lagay sa lipunan gayong lalong nasasadlak ang nasa mababang antas sa mas lalo pang abang lagay. Mas maraming kailangang habulin ang nasa ibaba para magkaroon ng akses sa nasa itaas.

Ang pinapadaloy ni Fernando ay neoliberalismo. Inaasa sa indibidwal ang pagkaagapay sa panuntunang globalidad na urbanidad. Ginagawang napaka-impyerno at marahas ang lagay ng nasa ibaba at napakataas ng panuntunang nasa itaas na may relief na espasyo mula sa purview ng estado, na ang rekurso para makaakyat ay nasa kanilang sariling mga kamay.

Kaya bakal na kamay ang pagsasadlak ng isa pang mantra ni Fernando at MMDA, “Pantay-pantay kung may disiplina” na nagpapaalaala sa diin ng motto ng Bagong Lipunan ng diktador na Marcos, “Sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Ang sinasaad ng mantra ni Fernando ay ang paglalapat ng di-pantay na pagdisiplina para sa inaasam na behavior modification. At para makaabot ang nasa ibaba sa pamantayan ng pagkapantay-pantay, kinakailangan nitong madisiplina hanggang disiplinahin nito ang sariling pagkatao.

Sa motel, sa di-lubos na tanggap na lunan ng sexual na pagnanasa, pinapanasa na ang ibang uring pagkamamamayan na may finansyal na yaman para maka-book ng kwarto:  pulisyahin ang sexual at iba pang pagnanasa, pumanatag sa itinakdang panuntunan, at tamasain ang temporal na kaligayahang iniendorso ng estado. Hindi na trespassing subject ang nasa loob ng motel, ipinaloob na siya at ang kanyang ginagawa sa lehitimasyong pang-estado ni Fernando at ng MMDA.

Sa lunan na ito, sa pagkakahon ng at pagdidisiplina sa pagnanasa, si Fernando ang non-erotikong bosing. Buti na lang at hindi siya literal na naalaala habang nakikipagsiping. Ipinagsisigawan ng kanyang mga tarpaulin ang kanyang mukha at mantra gayong, tulad ng isinasaad ng kanyang imahen, hindi naman siya gwapo.

Binago lang ang panuntunan ng pagkagwapo. Wala sa pisikalidad. Nasa internalisasyon ng disiplina at akses sa kapangyarihang estado. Ang inaakalang bawal at hindi katanggap-tanggap ay binigyan na ng rekurso para makapaloob sa pagkamamamayan ng estado.

Kaya ang halinghing ay sabayang pagtamasa ng sexual na ligaya, at latay sa hagupit ng estado ni Fernando. Bulatlat

Youth Groups: Arroyo’s Tuition Hike Freeze Lip Service

June 3, 2008

Various youth organizations deemed that the moratorium on tuition increases called by the government is but a mere lip service. They said it was announced too late and is nothing more than a “back-to-school media gimmick meant to appease cash-strapped parents.”

BY RONALYN OLEA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 17, June 1-7, 2008

Various youth organizations deemed that the moratorium on tuition increases called by the government is but a mere lip service.

Over the week, Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo announced a moratorium on tuition hikes in state universities and colleges this year and urged private higher educational institutions (PHEIs) to reconsider their plans to increase tuition and other fees this semester.

Alvin Peters, national president of the National Union of Students of the Philippines (NUSP), the biggest alliance of student governments in the country, said, “How can anyone take seriously such claims of support for a tuition moratorium, if it is the guilty party making the claims in the first place?” Peters disclosed that it was Mrs. Arroyo herself who gave private schools her blessing to increase tuition rates when she lifted the tuition cap earlier this year.

The Commission on Higher Education (CHED) suspended its Memo Order 14 which had set a cap on tuition increases based on the national inflation rate, in favor of the defunct CHED Memo Order 13 (CMO 13). The CMO 13 sets no limit in increases in tuition and other fees.

Peters went on to castigate CHED chairman Romulo Neri for making “misleading statements” about the CHED’s current review of tuition hikes filed by various universities and colleges. “Neri is fooling no one when he says that these petitions are still ‘under review’ and subject to the existing inflation rate,” Peters said.

Peters, citing data from CHED, said that 378 out of 1,905 PHEIs had already applied for tuition hikes with the national average in tuition increases at 10.07 percent. The current national average tuition per unit is pegged at P415.99 ($9.508 at an exchange rate of $1=P43.75) . “The average increase is higher than the national inflation rate,” Peters revealed. The average national inflation rate last month was 8.3 percent

“CHED has as good as approved the petition of the 378 private higher education institutions (PHEIs).”

Too late

In another statement, Dion Carlo Cerrafon, Kabataang Pinoy president, said that Arroyo’s announcement is too late as enrollment is already underway in most schools. Enrollment for freshmen, to whom most tuition hikes apply, is already finished for most public tertiary schools as early as the 2nd week of May.

Cerrafon said, “Malacanang’s late announcement will only sow confusion to both schools administrators and students. Obviously, this is another empty back-to-school media gimmick meant to appease cash-strapped parents.”

Meanwhile, Gabriela Women’s Representative Liza Maza, member of the House Committee on Higher Education, also expressed dismay over the late announcement. Consultations with parents and stakeholders regarding proposals for tuition hikes are conducted during the first quarter of the year. By March and April most colleges and universities have already announced the new tuition and school fee schemes. Maza said, “What’s the use of announcing a moratorium towards the end of May?”

Real culprit

NUSP’s Peters identified the Batas Pambansa 232 or the Education Act of 1982 as the main culprit behind incessant hikes in tuition and other fees as it gives school owners the authority to determine their own tuition rate. Peters urged the Arroyo government and legislators to review the said law.

For state universities and colleges, Peters blamed the government’s poor education spending and the policy of rationalization. “The policy allows state schools to be treated as income-earning entities, thereby encouraging the commercialization of education,” he said.

According to NUSP, the average spending for education from 2001-2005 is only 3.0 percent of the country’s gross domestic product (GDP). The United Nation’s Education, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) prescribes the allocation of six percent of GDP for education. Bulatlat

Road Trip at Biyaheng Kawalan-Hanggan

June 3, 2008

Ang paradox ay ganito. Tunay na ang malawakan at malalimang pagdanas sa kahirapan sa road trip ang balakid para mag-road trip. At kapag nag-road trip ka sa inaakalang magandang destinasyon, ang tunay na niro-road trip ay ang mapa ng kahirapan sa iba’t ibang lugar ng bansa.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat
Vol. VIII, No. 17, June 1-7, 2008

Patapos na ang bakasyon. At nitong nakaraang linggo ay natagpuan ko ang sariling nagbibiyahe sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. May biyaheng mag-isa, may biyaheng kasama ang kapamilya, at may biyaheng kasama ang mga kasama. May biyaheng pribadong sasakyan, may biyaheng Victory Liner, at biyaheng eroplano ng Cebu Pacific.

Ika ng zen, hindi mahalaga ang patutunguhan, ang mahalaga ay kung paano ka tutungo roon. Mahalaga ang biyahe, hindi ang destinasyon. Ang pagdating ay isa lamang paghahanda sa pag-alis. Isa na namang biyahe.

Ika ng social scientists sa U.S., ang pangunahing gamit sa biyahe sa bansa nila ay kotse.  Ito ay simbolo ng indibidwal na mobilidad, ang pagnanasa na “Go west” at kolonisahin ang itinakdang sariling mundo, ang gitnang uring buhay na walang patumangging pagkilos tungo sa iba lugar. Ang doon ay nandito, ang dito ay nandoon.  Paratihang wala ang indibidwal sa inaakalang akmang lugar.

Kaya ang sumpa ay walang hanggang pagkilos. Parang ang sumpa kay Samuel Bilibit na ang sumpa ay walang katapusang paglalakad sa isang libo’t isang lunan. At bawat lunan ay hindi destinasyon dahil ang sumpa ay ang paglalakad na walang patutunguhan.

Iniisip ko, purposive ba ang biyahe sa kulturang Filipino? Nagbibiyahe ba tayo nang sapilitan, tulad ng pag-aaral sa mas modernong syudad o kontraktwal na pagtratrabaho sa ibang bansa? Luho ba ang pagbibiyahe para magbakasyon? Ang biyahe ba, sa paratihan, ay kaugnay sa isyu ng paggawa? Na maging ang pag-aaral sa tertiary level ay paraan ng pag-igpaw sa karanasan ng paggawa?

Unang destinasyon: nakipista kami sa Masinloc, Zambales. Kakasunog pa lang ng limang bus sa Cubao Terminal ng Victory Liner, at sa terminal sa Kalookan City kami sumakay.  Only-in-the-Philippines na passenger-friendly ang nanununog ng bus. Pinababa muna ang mga pasahero bago sunugin ang bus.

Malayo ang Zambales. Mabilis ang break sa “Double-Happiness” restaurant na puro fastfood at food stalls ang laman. Sa paghinto ng bus, mapipilitan kang gawin ang mga bagay dahil sa pangamba na matagal ang susunod na hinto.  Napapaihi ka kahit hindi ka naiihi. Napapakain ka kahit hindi ka nagugutom.

Tunay na passenger-friendly rin itong bus. Lahat ng spesipikong hantungan ng bawat pasahero ay ihihinto ang gustong umibis, kasama ang ilang ulit na paghinto ng mga lalaking gustong umihi. Kakahinto pa lamang ay hihinto na naman. Kung nagbibilang ka ng oras, ito ang sandali na mapapabuntong-hininga ka na naman o gustong sabunutan ang sarili.

Buong araw ang biyahe, umalis ako ng bahay nang alas-otso ng umaga. Nagkitaan, siempre pa, sa pinakakumbinyenteng Jollibee branch, matapos ay nag-usap sandali kung saang terminal sasakay, nag-jeep at nag-bus patungo sa terminal, naghanap ng ATM sa harap na mall ng terminal, tumatakbong sumakay ng bus dahil dalawang oras pa ang antayan ng susunod na aalis, at anim na oras na nagbiyahe.

Mauubusan ka ng kwento sa biyahe. Sa simula ay buhay na buhay ang kwentuhan na tila nananamlay dahil pareho na kayong inaantok ng kausap mo. Matutulog pamandali o mapapatingin sa paligid na dinadaanan. Mabilis ang NLEX (North Luzon Expressway) at magastos. Hanggang Zambales ang apektado ng lahar mula sa pagsabog ng Pinatubo.

Ikalawang destinasyon: sa death anniversary ng amain sa Papaya (a.k.a. General Tinio, Nueva Ecija). Umupa kami ng van para magkasya ang apat na pamilyang delegasyon sa family reunion. Noong bata pa kami, madalas naming bagtasin ang mga daang ito dahil taga-roon kami. Nadagdagan ng ilang diversion roads ang mga bayan sa Bulacan at Nueva Ecija pero madali ring nagsisikipan dahil sa dami ng sasakyan.

Ito naman ang daang tricycle-friendly dahil kahit national highways ay pwedeng bumagtas ang mga sasakyang ito. At dahil two-lanes lang ang highway, kailangang matiyaga, malakas ang loob, at maingat ang driver para lampasan ang mga tricycle at iba pang mababagal na sasakyan, lalo na ang higanteng truck at bus.

Ang mga daan ay hindi nagpabilis ng biyahe. Nagsisiksikan ang mga sasakyan. Ang tatlong oras na biyahe noong kabataan ko pauwi sa San Leonardo ay nanatiling tatlong oras pa rin. Tila mas siksikan din ang mga bayan ng mga bagong tayong bahay, karamihan ay gitnang uri.

Lalo na sa Papaya na marami sa mga nakatira roon ay may kamag-anak sa Amerika. May mga apat na palapag na bahay na sa Papaya, at ang pinaggalaan kong mga lugar sa bakanteng bakuran sa San Leonardo ay nagsisikipan na ng bagong tayong bahay.

Ikatlong destinasyon: para magsalita sa kongreso ng College Editors Guild of the Philippines sa Davao City. Alas-kwatro y medya ng madaling-araw ang lipad ng eroplano, at natagpuan ko ang sarili na gising na ng hatinggabi. Kulang siempre ang dalawang oras na tulog, at hindi rin naman makatulog sa airport kahit pa dalawang oras ang pag-aantay ng lipad.

Kung sa Iba at Subic ay higanteng tarpaulin ng babaeng Magsaysay na representatibo ang namumutiktik sa mga basketball court, paaralan at kalsada, sa Davao City ay Nograles ang pangalang inaanunsyo sa parke, kalsada at mga gusali. Mas maayos ang kalsada sa mga lokal na syudad, at hindi ito pinapalimot ng mga lokal na politiko sa kongreso.

Konkreto ang mga pook ng syudad, wala man lang puno sa kalsada o iilan lamang ang natitira. Ang kagandahan ng Davao City bilang pinakamalaking syudad sa buong mundo ay malawak pa rin ang kanyang erya na may tanim na puno. Malamig ang hangin kahit mas malapit ito sa equator. Mas lush ang pagkaluntian ng kapaligiran. Mas higante ang tubo ng mga halamang tanim.

Hindi pa dahil programado ito kundi dahil hindi pa lubos na nakakasabay ang laylayan sa pag-unlad ng sentro. Ang sentro ay nagsusumikip na. May high-rise buildings na ang Davao City, bahagi ng call center boom. Maraming namamalimos sa syudad.  Ang unang palapag ng bagong tayong harapang building ng Ateneo de Davao ay komersyal na ipinapaupa.

Nakakapanlumong magbiyahe hindi lang dahil nakakapagod kundi dahil tila pare-pareho naman ang hitsura ng bansa, lalo na ang countryside. Kundi man bulubundukin, tulad ng Bataan, Zambales at Davao, kapatagan naman sa Bulacan at Nueva Ecija. Malinaw rin ang distinksyon ng maykaya at mahirap na syudad at munisipalidad, at ang paghihikahos na hindi nawawala sa kahit anong lugar sa bansa.

Kung manlulumo ka sa biyahe, bakit ka pa aalis ng Manila?

Serialisadong mukha ng kahirapan ang matutunghayan sa biyahe. Kahirapan sa kabundukan, kahirapan sa kapatagan, kahirapan sa syudad at kanayunan, kahirapan sa loob ng syudad, karangyaan sa loob ng nayon. Pinapagaan ng kwentuhan at biruan, maging ng aircon ng van, bus at eroplano ang bigat ng realidad ng kahirapan sa bansa.

Kaya nakakapagod ang kwentuhan sa road trip dahil sa kontexto ng malawakang pambansang pagdanas ng kahirapan ang backdrop nito. Safe passage ang mga sasakyan at NLEX at langit, pero nilalamon ng abang lagay ang lahat ng binabagtas. At ito ang tunay na “trip” sa road trip, hango sa pagkalungo sa droga at sa focus na aktibidad na dulot nito.

Trip lang ito, one-time big-time deal. At walang kasiguraduhang “good trip” ito, dahil ang mismong sinasambit ng droga ay pag-igpaw (kundi man pagtakas) sa historikal na realidad (kahirapan). Paano iigpawan ang isang meta-karanasang sumusubaybay sa bansa at pambansang pagkatao? Kaya ang anumang “good trip” ay hahantong din sa sakop ng temporal na pagdanas ng “bad trip.” Ang pagbaba ng tama.

Na hindi naman talaga bumababa dahil hindi naman naging lubos ang pag-igpaw. Kaya walang afinidad ang nakararaming mamamayan sa domestic tourism at panghalina nitong “huwag maging dayuhan sa sariling bayan.”

Ang paradox ay ganito. Tunay na ang malawakan at malalimang pagdanas sa kahirapan sa road trip ang balakid para mag-road trip. At kapag nag-road trip ka sa inaakalang magandang destinasyon, ang tunay na niro-road trip ay ang mapa ng kahirapan sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Kaya ihanda na ang mga damit, bag at toiletries; at mabilisang paputukin ang thought balloon na ito. Magbiyahe na lang tayo sa travel-and-destination shows sa telebisyon, mula sa ligtas na lugar ng ating mga sala. Bulatlat

A Radio Drama for Children, by Children

June 3, 2008

To further inform the general public about children’s rights and to bring out more cases of neglect and abuse in the open, the Association for the Rights of Children in Southeast Asia (ARCSEA), an organization of children’s rights advocates, would start a radio program that aims to raise the public’s awareness on the plight of victims of child abuse, as well as contribute to its prevention by producing a show that narrates real cases of child abuse. The radio program would have children as anchors, talents, and writers.

BY JANESS ANN J. ELLAO
Bulatlat
Vo. VIII, No. 17, June 1-7, 2008

Perhaps there is no sector in Philippine society that is more vulnerable than children. Available data regarding cases of child abuse and neglect are already shocking but it is still considered to be understated as it only reflects reported and confirmed cases. According to the 2003 report of the University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Child Protection Unit, the rapid increase in the number of cases of abuse filed that year is the result of the continuous efforts of some government agencies and non-government organizations to disseminate information about child abuse and neglect in both the community and national levels.

To further inform the general public about children’s rights and to bring out more cases of neglect and abuse in the open, the Association for the Rights of Children in Southeast Asia (ARCSEA), an organization of children’s rights advocates, would start a radio program that aims to raise the public’s awareness on the plight of victims of child abuse, as well as contribute to its prevention by producing a show that narrates real cases of child abuse.

Direktang lalahok ang mga bata. Magkakaroon ng batang anchor, batang scriptwriter at batang mga radio drama actors,” (Children would participate directly in the radio program. There will be a child anchor, a child scriptwriter and child drama talents.) Karla Umil, project head of ARCSEA, told Bulatlat. “Magkakaroon din ng mga infomercials, mga dagdag pang kaalaman kung paano maprotektahan ang bata laban sa pang-aabuso,” (The program would also include infomercials that would inform the public on how to protect children from abuse.) she added.

Through the help of  the Samahan ng mga Kababaihang Nagkakaisa (SAMAKANA or Association of United Women) and Samahan ng Maagang Pagkatuto ng mga Bata (SMPB or Association of Early Childhood Education), ARCSEA was able to organize an oral interpretation workshop last May 29-31 in preparation for the radio drama project.

The participants of the said project came from ARCSEA’s communities in Vitas, Tondo, Manresa, Tatalon, Veterans, Talanay and Old Balara in Quezon City, and Olandes in Marikina City. Umil added that the workshop participants are what they refer to as “mga abanteng bata” (advanced children) since they are already organized in their communities. This is the reason why even at a very young age, they already understand the social issues that our country is facing.

Ernesto Marcelo and Jola Mamangun of Kodao Productions facilitated the training of the young but promising children.

An optimistic soul

17-year-old Grace Evangelista is a Marketing student at the Polytechnic University of the Philippines. She is one of the participants in the oral interpretation workshop. Evangelista told Bulatlat that being chosen as one of the junior broadcasters for ARCSEA’s project is one of her greatest achievements.

Evangelista admitted that she had difficulties doing the exercises given to them by the facilitator. But in the end, she told Bulatlat that the workshop helped her boost her self-confidence. “Andito pa rin yung kaba, natatakot na mapahiya at magkamali pero ngayon medyo nabawasan na yung ganung attitude,” (I still feel nervous though. I am still afraid to commit mistakes and be embarrassed, but it has been lessened.)

Evangelista said that, “Isa sa mga ipinaglalaban ko talaga ay makatulong sa mga bata. Kasi ako, okay naman yung estado ng buhay namin kaso everytime na nakikita ko yung ibang bata na hindi nakakapag-aral, inaabuso, sobrang naapektuhan po ako,” (I really want to help children. The economic status of our family is okay but very time I see children who are not able to study or are abused, I get really affected.)

For me, ito ay isang art. Isang sining kung paano ipapahayag sa (pamamagitan) ng drama at paano malalaman ng iba, ng lipunan yung mga bata,” (I believe that drama is a form of art that will help us disseminate information to the broader society about the current situation of children.) Evangelista added.

What’s next?

Kapag nagstart na yung airing sa radyo, marami ng magsusulputang mga kaso,” (When the radio program starts to air on radio, we are expecting that there will be a lot of cases of child abuse that would be reported to us.) said Umil. She added that even during their previous workshops, many of the participants told them that their friends are frequently beaten up a family member or even sexually abused.

This is why ARCSEA would conduct another workshop to train possible peer counselors in every community. “Sila yung magbibigay ng first aid sa kapwa nila bata na inaabuso,” (They would be responsible for giving first aid to children who are victims of abuse)

Umil said that ARCSEA has on going dialogues with other organizations like the Women’s Crisis Center and Children’s Rehabilitation Center to help abused children who would be referred by their peer counselors in every community. “Magkakaroon din ng mga piling mga bata upang magkaroon ng exposure dun sa mga centers para mas alam nila kung ano nangyayari sa mga shelter,” (There will also be exposure trips for selected peer counselors to the different centers and shelters.) Umil added.

The tentative date of the first airing of the radio program is on July 5, 2008, 5:00-5:30 p.m. at DWIZ. Bulatlat

Looking for Randy Malayao: Friends of Randy

June 2, 2008

Narito ang pinakahuling update hinggil kay Randy at sa pagkilos para sa kanyang paglaya.  Paki-kontak na lang po ang mga nakatalang numero dito para sa inyong mga tulong.

Salamat. 🙂

==========================

Dear friends,

A benefit-gathering of batchmates, friends and colleagues of Randy Malayao will be held on June 14, 2008, 7pm at the Newsdesk Bar, Scout Madrinan, Quezon City.  This event is being organized to start a series of fundraising efforts of Friends of Randy (including Guilders all over the country and abroad) to raise funds for Randy’s legal fees. We have pegged an entrance ticket of Php 300 per person with one beer consumable.  Food and drinks can be bought at the Newsdesk bar although we also encourage folks to bring food to share with everybody.

A program is being arranged with some prominent artists performing and a special message from Randy himself.  We are in need of sponsors who are willing to provide food and drinks for the event.  Please contact me at 09277404663 if you have any ideas on this.  A formal invitation will be sent through e-mail shortly.

We thank those who have already promised to send contributions please channel all donations to the following bank account:

Account Name:  Raymund and Edna Villanueva
Bank Name:  Bank of the Philippine Islands
Peso Savings Account Number: 4259-0013061
Bank Address:  BPI Diliman Branch

Thank you and hope to see you all on June 14.

Jaz Lumang
CEGP Sec-Gen 1992-1996

Implement RA 9286 — Cruz

June 1, 2008

DAGUPAN CITY — Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, a critic of illegal gambling, has called on the government to sincerely implement Republic Act (RA) No. 9286, a law against illegal gambling.

Its sincere implementation, he said, will end once and for all the proliferation of jueteng and other illegal numbers games in the country.

Known for his stand against illegal and legal gambling, Cruz, chairman of the Krusadang Bayan Laban sa Jueteng (KBLJ), criticized the government for the non-implementation of RA No. 9287 or the law that increased the penalties on illegal numbers games in the country.

He lamented that despite RA 9286’s enactment more than four years ago, it remains unimplemented, to the delight of illegal gambling operators.

“Its implementation is one big fat zero to this date. Thus, it is that jueteng has in effect, become more rampant, particularly in Pangasinan, better organized and is much alive,” Cruz said. (Mar T. Supnad)

Gonzalez twits CHR chief for Tanauan ‘rubout’ findings

May 28, 2008

MANILA, Philippines — (UPDATE) Justice Secretary Raul Gonzalez insinuated that Commission on Human Rights chair Leila de Lima may have violated human rights herself when she declared a controversial incident in Tanauan, Batangas, that led to the deaths of three men a “rubout” based on preliminary findings.

“How come these people are always crying out loud whenever a criminal or crime suspect is killed during a legitimate encounter? It seems they are more sympathetic to the suspects rather than their victims,” Gonzalez said Wednesday.

“I am not protecting these police officers. In fact, I agree with the grounding of these police officers. But they can’t just watch on the sidelines if criminals or crime suspects are firing guns at them,” he added. “We just can’t send them out [policemen] in the streets and have their arms tied behind their back.”

De Lima had earlier said that an initial investigation by the CHR indicated that former village chief Vivencio Javier, 55, Angelito Malabanan, 35, and Rolly Lacheca, 50, were summarily executed and not killed in a shootout as claimed by police.

Nine policemen, including Superintendent Gilbert Sauro, intelligence chief of the Batangas police, have been placed on administrative relief pending an investigation into the incident.

The other suspended policemen were identified by the Philippine National Police’s Public Information Office as Superintendent Marceliano Villafranca, Senior Police Officer 3 Narciso Amante, Senior Police Officer 1 Reynaldo Salazar, Police Officers 3 Fernan Hernandez, Roberto Godoy, Edwalberto Villas, Renie Malveda and Police Officer 1 Leonardo Aquino.

The killing of the three happened in the course of an operation that local police said was a crackdown on criminal syndicates in the wake of the bloody May 16 robbery of the Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) branch in Cabuyao, Laguna, in which eight bank employees, a security guard and a client were murdered.

Although national police officials initially claimed the three slain men and another one, Pepito Magsino, who was killed earlier, were suspects in the RCBC, local police said there was no indication that any of them were involved in the bank robbery.

But they claimed Javier, Malabanan and Lacheca were members of the Javier Lucido group, a gang operating in Southern Luzon.

Gonzalez said a proper investigation should have been conducted first before drawing any conclusions about the incident, especially since “they are accusing the police of violation of human rights.”

He pointed out that modern forensic technology has made it easier to determine whether a shootout or rubout occurred, compared to a decade or two earlier.

“We can always subject them to paraffin and ballistics tests to determine if the encounter if legitimate or not,” he said.

De Lima has said the CHR will conduct a more thorough investigation, including having the victims autopsied.

“I am just telling her not to pass judgment on matters not yet concluded,” Gonzalez said. “Di naman kasi ito election case na pagharap mo sa House or Senate Electoral Tribunal o sa Comelec [Commission on Elections] ay sasabihin mo agad na dinaya ang kliyente mo [This is not an election case in which, when you face the House of Senate Electoral Tribunal or the Comelec you immediately say your client was cheated].”

This was an apparent reference to De Lima’s having been an election lawyer who represented opposition candidates in the 2007 elections, among them Senator Allan Peter Cayetano and defeated senatorial candidate Aquilino Pimentel III.

“I don’t know if that is what Ms. De Lima does. Maybe she will be a good surrogate to Alston,” he added, a pointed reference to United Nations human rights expert Philip Alston, who Gonzalez earlier chided for blaming the extrajudicial murders of activists on a government counterinsurgency strategy that targeted leaders and members of organizations openly tagged as “legal fronts” of the communist rebel movement.

(PDI)

In Cannes, ‘Serbis’ Takes Serious Beating

May 24, 2008

The New York Times called it a “rambunctious, noisy film.” One critic thought it was “a shabby piece of video verite from the Philippines” and wondered why it “inexplicably” competed in Cannes. The critic of cinematical.com headlined her review “Live from Cannes: Gratuitous Yuckiness…”and goes on to narrate why, for the first time, she walked out of a screening at a festival. And, according to the critic, it was not just because of the sight of a boil being popped using a Coke bottle — no pun intended — but also because of the gratuitous and exploitative sex scenes in the movie.

Yet another critic called it the worst film in competition in Cannes in recent memory.

The movie, of course, is Brillante Mendoza’s “Serbis,” the first Filipino film to compete in Cannes since Lino Brocka’s “Bayan Ko” more than 20 years ago.

Based on the overall “abusive reviews,” as one blogger put it, many now wonder if “Serbis” was worth mentioning in the same breath as “Bayan Ko” (or any of Brocka’s film for that matter).

So why was “Serbis” entered into competition in Cannes? By most account, Mendoza said he had to rush the film, which he shot in two weeks. No wonder why it was shabby? That it made it to Cannes probably had something to do with the fact that “Serbis” was funded by the French. (In the official lineup, “Serbis” carried both Philippines and France as countries of origin.)

The problem with the people behind the film is that they hyped it up so much, thus raising expectations. Mendoza himself hyped himself up, to the point that he comes across now as pretentious. In an interview with Premiere magazine, he stopped short of comparing himself to François Truffaut (”The 400 Blows”) and Paul Greengrass (”The Bourne Ultimatum”). Come on now. (CC Hidalgo/pinoypress.net)