“Villarroyo”: Behikulo ni Noynoy at ng LP Pabalik sa Pwesto


“Villarroyo”
Behikulo ni Noynoy sa Pagka-Pangulo
Behikulo ng mga Oportunista para Makabalik sa Pwesto

Sa kawalan ng sapat na mapagkakatiwalaang record bilang mambabatas ni Noynoy, at sa kakapusan ng mga argumento tungkol sa C-5, ang mga propagandista ng Liberal ay matagumpay na nakapagbuo ng panibagong katagang gagamiting sasakyan para sa maipanalo ang pampanguluhang halalan: ang Villarroyo.

Ingenious.

Ang kanilang objective, ngayong di nila kayang patunayan ang akusasyon hinggil sa C-5(which is tantamount to tsismis), tuluyan na silang tumungo sa lantarang paninira, sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang inaakalang mabigat na karibalng kaparehong kulay ng kinamumuhiang Arroyo administration.

Sa pamamagitan ng pagkakabit ng pangalang Arroyo kay Villar, umaasa ang Liberal na mag-iiba ang paningin ng mga botante sa kanilang kalabang kandidato, at lilipat ito sa kanilang kampo.

Ang ganitong linya ay masisilip sa mga pamamaraan ng CIA (pagkakalat ng tsismis lalo na sa rehimen ni Hugo Chavez ng Venezuela at Saddam Hussein ng Iraq) at ng AFP, pagsasabing ang mga aktibista ay mga komunista o kaya’y NPA. Ang ganitong taktika ng red baiting ang siya ngayong ginagamit ng Liberal para makapamingwit ng boto para sa kanilang kandidato. Kapansin-pansin ang pagflourish ng ganitong taktika ng gamitin din ito ni Rissa Baraquel sa pakikipagdebate niya kay Liza Maza ng Makabayan Party (Guest candidate ng NP) sa nakaraan nilang Harapan sa Channel 2.

Pero gaano katotoo ang “Villarroyo”? Gaano katotoo ang isang akusasyon na kinakabitan ng katagang “sikreto”? Kasing-totoo ba ito ng isyu ng Hacienda Luisita, na pinipilit ipalabas lang noon pa ng kampo ng Cojuangco-Aquino na tsismis lang? Kasing-totoo ba ito ng isyu na walang nagawa bilang mambabatas si Noynoy Aquino?

Ganitong klase ban g kampanya ang ipinamanang legacy nina Ninoy at Cory sa kanilang anak?

Nakaka-awang isipin na sa pagnanais ng anak na abutin ng walang hirap ang pinaghirapang maabot ng kanyang magulang, ay gagamitin niyang tuntungan ang mga dakilang pangalan ng mga ito. And much worse, ang magpagamit sa mga nakapaligid sa kanya at gumamit ng ganitong klase ng linya ng kanyang kampanya.

Ito marahil ang nakikitang dahilan ng yumaong Cory Aquino kung bakit ayaw niyang patakbuhin noon si Noynoy. Ganunpaman, unless katulad tayo ni Gng Arroyo na nakakausap ang Diyos, hindi na natin malalaman ang tunay na dahilan ni Gng Cory Aquino.

Matagal nang gamit ng LP ang “Villarroyo”. Ako man, sa mga unang linggo nito’y napaniwala. Pero habang tumatagal, napapansin kong ang “Villarroyo” ay hindi pinaputok para paigtingin ang kontra-Gloriang laban ng mamamayan, kundi gawing behikulo lamang para sa kanyang pagkapanalo.

Bakit ganito kasidhi ang hangarin ng LP na maipanalo ang halalang ito? Una, ang mga nakapaligid sa LP ay mga dating Cabinet officer na nakatikim na ng poder at nagnanais na makabalik muli sa kanilang marangyang pwesto. Nakapaligid din ang ilang malalaking civil society group sa pangunguna nina Dinky Soliman na nasabit na rin sa isyu ng katiwalian kung naaalala nyo pa ang isyu ng CODE-NGO scam. Ikalawa, si Noynoy ay mahinang Pangulo na madaling manipulahin kung sakali man. After all, kung si Gloria nga na nagmamagaling ay manipulated ng military, much worse si Noynoy. Ang kanyang track record ang magsasabi na wala siyang political will, walang politikal na buto.

Ibig sabihin, sa halalang ito, si Noynoy ay isa rin lamang behikulo. At para matupad ang kanilang pangarap, kailangan nila itong maipanalo. At para manalo, nabuo ang “Villarroyo”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: