P250-M pondo para OFW dapat isiwalat


Soliman A. Santos

Hiniling ng Migrante-Middle East sa gobyernong Arroyo na isiwalat kung sino ang makikinabang sa P250-M Expatriate Livelihood Support Fund na nagmula sa pondo ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).

“Nais naming linawin sa administrasyong Arroyo kung sino ang makikinabang sa pondong ito, para makasiguro na ang pera ay mapupunta sa dapat nitong puntahan at hindi sa bulsa ng kurakot na mga opisyal,” ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME.

Ipinaliwanag pa ni Monterona na ang mga OFW ang tunay na may-ari ng pondo ng OWWA na kompulsrayong nagbabayad ng US$25 na membership fee. “Kaya karapatan ng mga OFW na malaman kung saan gagastusin ang pondong ito,” sabi niya.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Arroyo ang Administrative Order No. 248 noong Disyembre 4, 2008 para bigyan ng kabuhayan ang umuwing mga OFW dahil sa pandaigdigang krisis pampinansya.

Ayon sa Migrante International, ilang OFW na pinauwi mula Taiwan ang inimbitahan ng Malakanyang noong nakaraang Disyembre at binigyan ng tseke. Gayunman, agad umano itong binawi matapos silang makuhanan ng litrato kasama ni Pangulong Arroyo.

Ani Monterona, niloko lamang ng gobyerno ang mga OFW para sa publisidad. Dagdag insulto rin umano ito sa nararamdaman ng napauwing mga OFW.

Nagbabala pa si Monterona na babantayan nila, kasama ng kanilang mga tsapter sa buong mundo ang pondo ng OWWA na gagastusin ng gobyernong Arroyo.

“Sa pagkakataong ito, gusto naming makasiguro na ang P250 milyong ito ay hindi mapupunta sa mga kurakot na opisyal ng administrasyong Arroyo,” ani Monterona.(PinoyWeekly)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: