Tala ng tanggalan


Jeffrey Ocampo

Manggagawang Pilipino (KR Guda / PW File Photo)


st1\:*{behavior:url(#ieooui) }

/* Style Definitions */
table.MsoNormalTable
{mso-style-name:”Table Normal”;
mso-tstyle-rowband-size:0;
mso-tstyle-colband-size:0;
mso-style-noshow:yes;
mso-style-parent:””;
mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt;
mso-para-margin:0in;
mso-para-margin-bottom:.0001pt;
mso-pagination:widow-orphan;
font-size:10.0pt;
font-family:”Times New Roman”;
mso-ansi-language:#0400;
mso-fareast-language:#0400;
mso-bidi-language:#0400;}
Manggagawang Pilipino (KR Guda / PW File Photo)

LUBHANG nakababahala ang tantos ng malawakang tanggalan. Ulo ito ng balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan sa kasalukuyan. Mismong ang datos ng pamahalaan ang nagpapatunay sa tindi ng suliraning ito. Lubhang apektado nito ang mga manggagawa sa Calabarzon, Gitnang Luzon, Cebu at iba pang lugar sa bansa. Narito ang ilang tala ng tanggalan na kasalukuyang pinapasan ng obrerong Pilipino:

● Kompanyang Amerikano na nakabase sa California, ang Intel Corporation ay lumilikha ng mga semiconductor. Ang chip testing plant nito sa Cavite ay magtatanggal ng 1,800 na mga manggagawa. Pahayag ng pamunuan nito, “wala talagang demand [sa produkto].” Ang Texas Instruments naman sa Baguio Economic Zone Authority, isa sa pinakamalaking semiconductor manufacturer sa buong mundo, ay nagtangal ng 392 na manggagawa noong Disyembre. Mayroon pa itong “second wave” ngayong taon.

● Sa Fujitsu Ten sa Canlubang Laguna, 1,750 sa 5,000 na regular na mangagawa nito ay inaalok ng voluntary resignation. Ayon sa ulat ng mga manggagawa sa Pamantik, kung hindi bibigay ang mga manggagawa sa alok, magbabawas ang kompanya sa pamamagitan ng “performance evaluation.”

● Sa Zirtex, isang electronics company sa LTI, pinasakay umano ang humigit-kumulang na 200 kababaihang manggagawa sa shuttle ng kompanya at pinauwi dahil wala na raw silang trabaho. Ito ay ayon sa salaysay ng mga sinisante. Isa pang kompanya sa LTI na nagtanggal ng 800 na manggagawa noong Enero ang Hoya Glassdisk Philippines.

● Masaklap naman ang sinapit ng mga manggagawa ng Daiho Philippines na matapos makapagtayo ng unyon ay nagsumite ng papeles ang kumpanya hinggil na napipinto umano nitong pagsasara. Ayon sa Pamantik, magpapatupad ito ng limang araw lamang ng paggawa.

● Sa Sanyo Plastic Philippines, natanggal ang 32 na kontraktual na mga manggagawa ng wala man lamang notice.

● Ang Ebbara Benguet, isang steel fabrication company sa LTI, ay magbabawas ng oras ng paggawa. Nagdedeklara din umano ito ng “no work days” sa mga departamento nito. Nagkakaroon din umano ng rotation ng mga manggagawa.

● Ayon din sa ulat ni Sen. Villar, ang Woo Su at Phils Star sa Cavite EPZ ay nagsara na ang pagawaan noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa “insufficient orders” mula sa mga kliyente nito.

● Marami ring car and automotive parts manufacturing companies ang nagtanggal ng mga manggagawa. Liban sa Toyota Motors Philippines na nagpatupad ng “Monday-no-production day” noong Enero, nagbawas din ng mga manggagawa at oras ng paggawa ang Nissan, Keihin, Isuzu at Ford.

Pinabulaanan naman ng Ford ang naiulat na pagmamantina na lamang ng 18 manggagawa sa dating 400 na bilang.

● Ilang kumpanya rin sa Gitnang Luzon ang nagtanggal ng daang mga manggagawa nito. Sa Clark Freeport sa Pampangga, mayroong 629 na natanggal habang sa Subic Bay Free Port sa Zambalez, 1, 644 ang natanggal. Maging ang Luisita Industrial Park sa Tarlac ay nagtanggal ng 1,992 na mga manggagawa.

Marami pang ibang kompanya sa Gitnang Luzon ang nagtanggal ng mga manggagawa. Sa kabuuan, mayroon 18 kompanya sa rehiyon ang nagtanggal ng trabaho, ayon sa DOLE.
● Sa mga ulat, lumalabas na sa bilang na 18,000 na mga manggagawa na natanggal sa trabaho, mahigit 2,000 nito ay nanggaling sa mga pagawaan sa Cebu. Kabilang dito ang supplier ng automotive parts na Lear Automotive. Ang iba pang kompanyang nagtanggal ng mga manggagawa ay ang Maitland Smith Cebu Incorporated at Taiyo Yuden.  Sa pagitan naman ng kalagitnaan ng 2007 hanggang Disyembre 2008, natanggal ang 11,000 manggagawa sa kilalang industriya sa Cebu, ang furniture industry. Maging ang pagawaan ng Timex, sikat na brand ng relo, ay napabalita ding nagtanggal ng mga empleyado.

● Ang tinuturing na “sunshine industry” ng business process outsourcing (BPO) ay napapabalitang nagtatanggal na rin ng mga empleyado. Ang Accenture, ayon sa ulat ni Senador Manny Villar ay magpapatupad ng “redundancy program” na makakaapekto sa 500 empleyado. Ang Advanced Contact Solutions naman, ayon sa Eiler, ay ang naiulat na nagtanggal 900 na empleyado matapos mawalan ng mayor na Amerikanong kliyente. Ayon sa mga eksperto, aabot sa 90,000 na mga empleyado ng industriya ng BPO ang matatanggal sa trabaho kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon.

● Ang Toledo Mining Corporation ay nagtanggal ng 600 na empleyado at contractors dahil umano sa mababang demand at presyo ng nikel sa pandaigdigang merkado.

●  Maging ang ahesiya ng pamahalaan, ang National Food Authority, ay nagtanggal din ng mga kawani nito. Bahagi ng “rationalization program” ng ahensiya, nagtanggal ito ng 1,242 na mga kawani na may “redundant position.” Nagtanggal naman ang Intramuros Administration ng 44 na mga empleyado.

● Bago umugong ang usapin ng tanggalan sa loob ng bansa, nauna nang napabalita ang tanggalan ng mga manggagawa sa mga pabrika sa Taiwan. Noong Disyembre, umabot ng 3,000 ang OFW sa bansang ito ang pinauwi sa Pilipinas. Samantala, ang bilang na ito ay aabot sa 6,000 sa Hunyo, ayon sa DOLE.(PinoyWeekly)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: