Husgahan Natin: Pagbabago ng modelo bilang solusyon sa krisis


Atty. Remigio D. Saladero Jr.

NALATHALA sa mga peryodiko kailan lamang ang panukala na ginawa ni Senador Chiz Escudero ng oposisyon kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo kung paano dapat harapin ang napipintong economic recession na inaasahang makakaapekto sa milyun-milyong Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isa sa mga paraan umano na inihayag ni Sen. Escudero ay ang pagpalakas sa lokal na merkado at posibleng pagtigil sa eksportasyon ng ating financial resources. Binanggit ng senador na panahon na siguro para ang mga government financial institutions tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ang gumastos ng kanilang pera para sa lokal na mga proyekto o investments at hindi para sa mga foreign financial investments. Nang sa ganoon, sabi ng senador, makakatulong ang perang galing dito para makapagtayo ng lokal na negosyo na tiyak na magbibigay ng dagdag na trabaho sa ating mga mamamayan, hindi tulad ng global o foreign investments na nagbabagsakan na dahil sa global economic meltdown. Dapat ding samahan ito, ayon kay Sen. Escudero, ng pagsulong sa patakarang “Buy Filipino” upang mapalakas ang lokal na ekonomiya. Sa ganitong paraan, makakapagbigay tayo ng maraming trabaho, makakaimpok ng dolyar, maiiwasan ang pagsara ng mga pabrika at makakaiwas din sa smuggling.

Sang-ayon kami dito sa panukala ni Sen. Escudero. Kung tutuusin, matagal na itong panukala ng ating makabayang mga mambabatas (Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela) at makabayang mga ekonomista tulad ni Alejandro Lichauco at Hilarion Henares. Pero hindi ito pinapaniwalaan ng rehimeng Arroyo. Bagkus, pinaparatangan pang komunista at kaaway ng gobyerno ang mga lider-masa na aktibong nakikipaglaban para sa panukalang ito. Pero kung ating pag-aaralang mabuti at balikan ang ating kasaysayan, makikita natin na ang ugat ng ating paghihirap ay ang “export-oriented, outward-looking development policy” ng ating pamahalaan na lalong kilala ngayon sa pangalang globalisasyon.

Magsimula tayo sa panahon ng mga Kastila. Bilang mga kolonyalista, pinagsamantalahan ng mga Kastila ang ating likas na kayamanan at walang intensiyong magtayo ng lokal na industriya para sa ating kapakanan. Ito ay nagsadlak sa atin sa matinding kahirapan.

Nang dumating ang mga Amerikano, pormal nilang isinailalim ang Pilipinas sa patakarang “free trade” sa pamamagitan ng Payne-Aldrich Act na nagkabisa noong 1909. Makakabuti raw sa Pilipinas ang malayang pamilihan. Ayon kay Claro M. Recto, nakabuti ito sa Estados Unidos ngunit hindi sa Pilipinas. Bagamat maaari tayong mag-eksport sa US, walang laban ang ating mga produkto sa produkto nila kaya walang bumibili ng ating eskport. Pagdating naman sa import, wala pa ring laban ang ating lokal na produkto sa produktong ini-eksport ng US kaya nawalan ng gana ang mga Pilipinong negosyante na magtayo ng negosyo o paunlarin ang lokal na industriya dahil puro produktong US ang binibili ng mga tao. Dahil dito, nanatili tayong isang underdeveloped country na nakasandal sa US.

Pagkatapos tayo mabigyan ng US ng huwad na kalayaan noong 1946, ang sistemang free trade ay nagpatuloy sa pamamagitan ng Bell Trade Act na nagbigay ng parity rights sa mga Amerikano. Noong 1962, tinanggal ng Pilipinas ang exchange control na ang ibig sabihin ay higit na kalayaan sa mga dayuhang korporasyon sa kanilang pagninegosyo sa ating bansa. Dito na pati nagsimulang lumaki ang ating pagkakautang sa International Monetary Funds at World Bank na ang hinihinging kondisyon sa pagpapautang ay ibayong pagbubukas ng ating ekonomiya sa dayuhang negosyante. Nitong 1990s naman nauso ang salitang globalisasyon bunga sa pagsali natin sa World Trade Organization kung saan export-oriented o outward-looking pa rin ang tinuturo sa preskripsiyon para sa pag-unlad.

Ngunit umunlad ba tayo sa preskripsiyong ito? Gumanda ba ang ating ekonomiya dahil sa “export-oriented, outward-looking development model” na ito? Hindi, mga kasama. Lalo tayong nabaun sa kahirapan at isa sa pinakakulelat na bansa sa Asya ngayon.

Panahon na para ibahin natin ang ating paraan para sa pag-unlad. Panahon na para maging inward-looking naman tayo sa ating mga patakaran. Panahon na para ibasura ang globalisasyon at bigyan ng proteksiyon ang naghihingalo na industriyang Pilipino sa ating bansa. Kung malakas at puwede nang makipagkumpetensiya sa dayuhang mga produkto ang ating lokal na produkto, maaari na tayong maging “outward looking.” Ngunit hanggang mahina pa tayo, dapat munang bigyan ng proteksiyon ng pamahalaan ang sariling atin.

8 Responses to “Husgahan Natin: Pagbabago ng modelo bilang solusyon sa krisis”

  1. ruth Says:

    Are you stupid? you are thinking like a communist.. Those economic policies that do not work in the 21st Century. Look at North Korea. If only you have studied economics properly and not Political Science, you will understand.

    ============
    Ruth,

    Okay naman yung punto niya. Medyo ikaw itong hindi naglatag ng punto para patunayan ang claim mo, na North Korean model ang “inward development”. Medyo sense ko ang matinding bias mo sa taong nagsulat at hindi sa artikulong isinulat niya. At dahil dun, kung nasa formal debate tayo, ma-a-out of order ka, dahil in essence, pinaparatangan mo rin si Senator Chiz na isang komunista.

    Im willing to hear your own piece of resolution. Ano ba ang tingin mo pinaka-ayos, ayon sa concrete condition ng ating economy, foreign policies, at matinding corruption na bumubukbok sa ating lipunan ngayon?

    Barangay RP

  2. tang ina mo Says:

    tang ina aus

  3. claire Says:

    wala po bang tungkol sa 1946

  4. claire Says:

    plssssss kailangan ko talaga answer nyo because ds s our project

  5. claire Says:

    ahhhhhhhhhhhhhhh i hate ds web site

  6. claire Says:

    mga yawa mong tanannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn

  7. claire Says:

    yah i agreeeeeeee with ruth.look @ north korea they studied economics properly.you must study that one tooooooooooooooo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: