Taumbayang ayaw sumayaw sa Cha-Cha


PW Staff


Nagmartsa mula tapat ng Rustans ang mga miyembro ng progresibong mga organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan. (Ronalyn Olea)


Nagmartsa rin ang mga pulitikong miyembro ng Liberal Party patungong kanto ng Paseo de Roxas at Ayala Avenue. (Contributed Photo)


Pinangunahan ni Engr. Rodolfo “Jun” Lozada Jr. ang pagpipito kontra sa pandarambong at Charter Change. (Ilang-Ilang Quijano)


Naglagablab ang damdamin ni Armida Siguion Reyna sa pagbabasa ng tula para sa kilos-protestang iyon. (Ilang-Ilang Quijano)


Kinatawan ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo (pinaka-kanan) ang progresibong mga kongresistang party-list na sina (mula kaliwa) Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, Gabriela Rep. Luz Ilagan, Anakpawis Rep. Rafael Mariano at (natatakpan ni Ocampo) Gabriela Rep. Liza Maza. (Ilang-Ilang Quijano)


Nagpupuyos ang damdamin ng isang demonstrador. (Ilang-Ilang Quijano)


Bagong sinisimbolo ng parol: protesta kontra Cha-Cha. (KR Guda)


Garalgal ang boses ni Sen. Loren Legarda sa pagsigaw sa kanyang talumpati sa programa. (Ilang-Ilang Quijano)


Isang ahente ng Philippine National Police ang nahuli ng mga demonstrador na may dalang baril habang nakikihalo sa mga manonood ng programa. (KR Guda)


Matikas ang tindig ni Atty. Adel Tamano habang nagtatalumpati. (KR Guda)


Parang “Donya Buding” ng bagong henerasyon ng kilusang protesta ang sumisikat nang karakter ng artistang si Mae Paner na “Juana Change.” (KR Guda)


Muling inaliw ng Sining Lila, pangkulturang grupo ng Gabriela, ang mga manonood sa kanilang nakakatawang pagtatanghal. (KR Guda)


Nanawagan si Sen. Ping Lacson sa mga obispo na “pangunahan ang anumang kailangang pangunahan”, at susunod ang taumbayan. (KR Guda)


Binasa ng asawa ni Gen. Danilo Lim ang mensahe ng heneral at ni Sen. Antonio Trillanes IV sa mga demonstrador noong gabing iyon. (KR Guda)


Nakiisa maging ang tindero ng sigarilyo sa pag-aalay ng kandila laban sa Charter Change. (Ilang-Ilang Quijano)


Panata ng mga nagsidalo na lalabanan nila nang buong lakas ang anumang tangkang ilusot ng mga kongresista ang pag-aamyenda ng Saligang Batas. (KR Guda)


Davao City: Nagsindi rin ng kandila ang mga miyembro ng progresibong mga organisasyon at taong-simbahan laban sa Cha-Cha. (Karlos Manlupig sa Davao City)

PinoyWeekly

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: