Stranded na OFW sa Middle East dapat ding tulungan ng gobyerno


Nanawagan ang mga migrante sa Middle East sa agarang pagpapauwi sa mga OFW (overseas Filipino workers) na stranded at nangangailangan ng tulong sa naturang rehiyon.

Ito ang naging reaksiyon ng Migrante-Middle East sa utos ni Pangulong Arroyo na agad na pauwiin ang mga stranded na OFW sa Bangkok dahil sa pampulitikang kaguluhan doon.

Ayon sa grupo, bagamat natutuwa sila sa utos ng pangulo, nagtataka naman sila dahil hindi nito magawang utusan ang mga opisyal ng embahada para pauwiin na rin ang daan-daang stranded na OFW sa Middle East.

Sinabi pa ng grupo na lagi na lamang nilang ipinanawagan sa gobyernong Arroyo na tulungang makauwi ang mga OFW na nakakulong at nanunuluyan sa Filipino Resource Centers subalit hindi sila pinapakinggan.

Kinuwestiyon pa ng Migrante-ME kung bakit hindi nagpapalabas ng pondo ang Pangulo para makauwi, lalo ngayong panahon ng kapaskuhan, ang mga stranded na OFW.

Pinatutunayan lamang umano nito ang pagpapabaya ng gobyernong Arroyo sa mga OFW na ang tanging kasalanan ay lumayas sa kanilang abusadong employer para iligtas ang kanilang mga sarili.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: