Ngayong Pasko, ayos lang ang sharing ng regalo, huwag lang ang sharing ng sipon


Priscilla Pamintuan

TAGLAMIG na naman. Nakakalimutan man natin minsan na isipin ang Pasko – dahil krisis at halos wala nang tira sa kita para ipagdiwang ito – naaalala natin ang Kristiyanong tradisyong ito dahil sa “lamig ng simoy ng hangin” at dami ng sumisinghot-singhot, umuubo-ubo, nilalagnat-lagnat.
Siyempre, padagdag sa gastusin ang mga gamot tuwing nagkakasakit. Mas mainam nga ang preventive medicine. Sa panahong ito, magandang alalahanin ang ilang tips para makaiwas sa “sakit ng Pasko”:

Ugaliin at siguruhing umiinom na maraming tubig, juice at iba pang inuming may bitamina C. Pinalalakas nito ang immune system mo para maiwasan ang mga sakit tuwing napapadikit sa sipuning pasahero sa dyip o MRT;

  • Iwasang dumikit (laluna humawak, yumakap, humalik) sa isang taong may sipon o lagnat. Mahirap itong gawin dahil nga Pasko. Pero isipin na lamang na may dalawang malaking bagay kang maiisawan. Una, na mahawaan ng sakit niya. Pangalawa, na madagdagan na naman ang inyong anak;

  • Hangga’t maaari, huwag gumamit ng iisang baso, tasa, kutsara’t tinidor, o straw sa isang taong may sipon. Kahit na sa wala. Pero sabi nga, mahirap ito, dahil tayong mga Pinoy ay mahihilig sa sharing – kahit na ang isang plastik ng softdrinks ay pinagpapasa-pasahan sa mga barkada o magkakapatid. Kulang na lang, pagpasa-pasahan pati ang bubble gum o kendi na nasa bibig ng isa;

  • Linisan, is-isin palagi ang mga lugar at bagay na madalas na hinahawakan, nadadantaan, sa bahay. Dito posibleng nalilipat ang mga virus at germs ng mga may sipon, ubo o lagnat. Kadiring ugali ng ilang mga Pinoy ang magpunas ng malikidong kamay sa kung saan-saan. Maging mapamatyag dito;

  • Dahil hindi rin naman natin maiisawang humawak sa kung saan-saan (i.e., hawakan sa dyip, hagdan, handle ng pintuan sa pampublikong lugar, paa ni Santo Niño o ng Nazareno), iwasan na lang ang pagkuti-kuti sa mata, pagpasok ng daliri sa bibig o paglapirot sa ilong.

Siguradong marami pang ibang tips para maiwasan ang sipon at iba pa. Pero ilan na ito sa pinakamagandang payo. Hindi na namin isinama ang mga obvious: halimbawa, huwag lalanghapin ang ubo ng iba. May common sense naman siguro kayo para malaman ang common ways para umiwas sa common cold.

Sundin lang ito, at sundin na rin ang maraming tips para sa malinis na pamumuhay, at mas malaki ang tsansang mabubuhay kayo ng matiwasay, malaya sa sipon, ubo, lagnat, trangkaso. Siyempre, kailangan ding sundin ang iba pang tips para humaba pa ang buhay, tulad ng “huwag tumawid sa kalsada kapag may dumaraang sasakyan.”

PinoyWeekly

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: