Kriminalisasyon ng ‘ST 72’ binatikos ng kabataang Pinoy sa US


Mariing tinututulan ng kabataang Pinoy sa United States (US) ang umano’y ginagawang kriminalisasyon ng gobyernong Arroyo sa 72 aktibista mula Southern Tagalog o mas kilala bilang ST 72.

Ayon sa Anakbayan-USA, pagpapatuloy lamang ito sa pagtatangka ng gobyernong Arroyo na pahinain ang kilusang anti-Arroyo sa pamamagitan ng pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga aktibista at lider ng progresibong mga organisasyon.

Mula Oktubre 23 – Nobyembre 13, 2008, sinampahan ng kaso, inaresto at ikinulong ang ilang kasapi ng ST 72. Kabilang dito sina Atty. Remigio Saladero, chief legal counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kolumnista ng Pinoy Weekly, Nestor San Jose ng Anakpawis Party-list at Crispin Zapanta ng Bayan Muna Party-list, Rogelio Galit ng Katipunan ng mga Magsasaka sa Kabite, Arnaldo Seminiano ng Ilaw at Buklod ng Manggagawa-KMU at Emmanuel Dionida ng Labor Education Advocacy Development Response Services.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Calapan City Jail sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder kaugnay umano ng pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Puerto Galera, Mindoro Oriental noong 2006. Isinampa ito laban sa 72 inbidibwal, mahigit 30 ay mga lider-aktibista sa Timog Katagalugan.

Sa hanay ng kabataan, kabilang sa mga inakusahan sina Pedro Santos Jr, Secretary-General ng Anakbayan Southern Tagalog, at mga dating tagapag-ugnay ng Anakabayan-Cavite na sina Karen Ortiz and Sheryll Villegas.

Isinisisi ng Anakbayan-USA kay Pangulong Arroyo at kina National Security Adviser Norberto Gonzales at Justice Secretary Raul Gonzales na siyang namumuno sa Inter-Agency Legal Action Group (IALAG), sa Armed Forces of the Philippines, at sa Philippine National Police ang panggigipit sa mga aktibistang kasapi ng mga organisasyong masa na pilit umanong iniuugnay ng gobyerno sa mga komunista.

Tiniyak naman ng Anakbayan-USA na patuloy nilang ilalantad ang anumang porma ng paglabag sa mga karapatang pantao at patuloy na makikibaka para sa katarungan sa mga biktima ng ‘walang katulad na brutalidad’ ng gobyernong Arroyo.

pinoyweekly

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: