Buhay si James Balao


Cye Reyes / Nordis Weekly

BAGUIO CITY—Nakatanggap ang Cordillera Peoples Alliance (CPA) ng impormasyon mula sa isang source na nagsasabing buhay at nakadetine sa isa sa mga pasilidad ng Estado ang nawawalang aktibistang si James Balao.

Ayon kay Beverly Longid, tagapangulo ng CPA, nagmula sa “mapagkakatiwalaan at kredibleng” impormante na isang ahente mismo ng Estado ang impormasyon.

Sinabi pa ni Longid na kumukuha pa ng karagdagang impormasyon ang CPA kung ano ang eksaktong pasilidad na kulungan na ito para iprayoritisa sa inspeksiyon ng kanilang grupo at ng pamilya Balao.

“Ngayong alam naming buhay si James at nasa kustodiya ng mga ahenteng panseguridad ng estado, kailangang agarang ilabas (ng korte) ang writ of amparo para payagan ang pamilya at ang CPA na masusing inspeksiyunin ang mga kampo ng militar at pulisya kabilang na ang mga safe house na matutukoy namin,” ani Longid.

Natagalan umano ang CPA para iberipika ang katangian ng tip na natanggap nito. Hindi pa rin umano maaaring ihayag kung anong partikular na yunit ang pinagmulan o kung sino ang nasabing impormante.

“Kahit alam na naming ang pagdukot kay James ay kolaborasyon ng iba’t ibang ahenteng panseguridad ng Estado, sa puntong iyo ay hindi namin matukoy ang eksaktong yunit na sangkot. Pero naniniwala kaming ang paniniktik kay James bago siya dinukot ay isinagawa ng Intelligence Service Unit (ISU) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at konektado sa Philippine Army,” sabi pa ni Longid.

Sa kabila ng magandang balita, muling iginiit ng pamilya Balao at ng CPA ang apela nito sa publiko na ipagpatuloy ang suporta at pagtulong para mailutang si Balao.

“Napakahalaga ng oras ngayon para masalba ang buhay niya,” dagdag ni Longid.

Samantala, pinabulaanan ni Longid ang teorya ng Task Force Balao ng Philippine National Police (PNP) na resulta ng sigalot sa pagitan ng mga tribong Balao at Oclupan o kagagawan ng CPA ang pagkawala ni Balao.

“Hindi lang ito katawa-tawa kundi malinaw na hakbang ng gobyerno para ilayo ang anumang lead na mayroon sila na nagtuturo sa totoong maysala at pagtakpan ang tunay na motibo sa pagkawala ni James,” paliwanag pa ni Longid.

Sinabi pa ng lider ng CPA na may padron na ang kasong ito, dahil kadalasang tinatarget at hinaharas ng mga ahente ng gobyerno ang gma miyembro ng CPA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: