(Photos) SALINLAHI Alliance for Children’s Concerns: Children Take Small Steps Towards Peace in Mindanao!


SALINLAHI Alliance for Children’s Concerns:

Children Take Small Steps Towards Peace in Mindanao!


NEWS RELEASE
1 October 2008
REFERENCE: Alphonse Rivera, Spokesperson, 0929-6076157

Children Take Small Steps Towards Peace in Mindanao!

Footprints of children in armed conflict in Mindanao queued up towards a sign of peace at the Peace Bell inside Quezon City Circle this morning. The footprints symbolize the call of children and child rights advocates to stop the Arroyo government’s all-out war and restart the peace negotiations with the MILF.

SALINLAHI Alliance for Children’s Concerns took the lead for today’s activity, gathering about 100 children, including Moro children from urban poor communities in Metro Manila. The group, together with other child-focused organizations referred to a peace that is based on justice and not a peace of the graveyard.

Alphonse Rivera, Spokesperson of SALINLAHI, said, “While October is celebrated nationwide as children’s month, Salinlahi and its allies see no reason to celebrate it with festivities. Today is the last day of the Ramadan and we mark this 1st day of October as a day for calling peace for the sake of the Filipino children, especially the Moro children. The Moro people of Mindanao have long been struggling for their right to self-determination and for their ancestral domain and yet the government responds with bombs, bullets and massive displacement of the Moro people from their homes and sources of livelihood, time and time again.”

The National Disaster Coordinating Council (NDCC) reported at least 500,000 families so far displaced by this conflict and crowding out limited spaces in evacuation centers. “Children are getting sick and have stopped schooling. Children have also died because of indiscriminate firing and air strikes by the Armed Forces of the Philippines (AFP),” continued Rivera.

Now that Pres. Gloria Macapagal- Arroyo and the AFP are asking for the declaration of MILF leaders Bravo and Kato as terrorists by the United Nations (UN) and with the pull-out of the Government of the Republic of the Philippines (GRP) peace negotiating panel from the Peace Talks, SALINLAHI and other child rights advocates are expecting a continuous rise in the numbers of war victims, especially women and children. “Women and children are vulnerable to this kind war and terror that our government has created. They are most prone to deaths, abuses, harassments and other military atrocities because the AFP does not recognize and respect their human rights,” added Rivera.

“In this kind of war that the government is waging, there is no bright future for the Moro children. We call on other children and child rights advocates to join hands and call for peace!” Rivera concluded. ###

MALUNGKOT AKO KAPAG MAY DIGMAAN
(Ang digmaan sa Mindanao sa isipan ng isang Bata)
Ni: Mary ann Ordinario-Floresta

Story narrated by: Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan

Ba’t kaya ganito ang aking nararamdaman? Kapag naririnig ko na ang malalakas na Putukan, ang ating mundo ay hindi ko na maintindihan.

Nakikita ko ang nag-aalalang mukha ni Ina. Umaagos ang luha sa mga mata, habang si Ama ay nagahahanda upang madala ang aming mga alagang manok at kambing.

Tatakbo na naman kami at hindi ko alam kung saan papunta.  Nandyang sasakay kami sa kariton na hinihila ng kalabaw, o kaya ay sa traysikel, sa dyip o Ford Fiera at makikisakay na lang sa kahit anong sasakyan na mapadaan basta’t makalayo lang sa putukan. “Digmaan, digmaan,” naririnig kong sigaw ng mga tao sa aking paligid.

Ano ba itong Digmaan? Ano man ito, nalulungkot ako. Alam ko, matatagal na naman bago ako muling makapaglaro. Iiwanan na namin namin ang aming maliit na bahay, ang aking saranggola, bola at aking mga aklat.

Nag-iisip nga ako, muli ko pa kayang makikita ang aking manika sa aking pagbabalik?

Hindi ko maintindihan ang digmaan.  Pinagmamasdan ko at tinitingnan ko na lang. May mga sundalo at rebelde. Parang sine, o kaya’y
tulad sa telebisyon. Naglalaro kaya sila? O umaarte lang? Pero may mga baril sila at tangke de gyera pa. Tiyak mayamaya biglang may sasabog na naman at kami ay muling magtatakbuhan.

Kung minsan, hindi ko mapigilan ang umiyak. lalo na kung naiisip ko ang kaibigan kong si Khalil  na nawalan ng kamay dahil sa digmaan. Makakapasok pa kaya siyang muli? Paano kaya niya gagamitin ang kanyang lapis at krayola? Ewan ko. Hindi ko talaga maintindihan.

Hindi ito ang buhay na nakagisnan ko. Dahil sa digmaan, nagtatago kami ng matagal, palipat lipat sa ibang bayan. Akala ninyo madali?…
Nakakapagod. Naghahanap kami ng lugar, o ng gusaling masisilungan, at kalimitan ay mga paaralan.

Ang daming tao, sama-sama kaming natutulog sa isang silid-aralan. Hindi kami magkakakilala. Maraming lamok, wala kaming kumot, walang kulambo at walang banig. Nakahiga ako sa semento, ang lamig sa likod. sina Ama at Toto? Sa labas sila natutulog.  Dahong niyog ang banig.

Kadalasan sa aking pagtulog, nagigising ako at nagugulat sa malaksa na pagsabog. Minsan, ginising ako ni Ina. “Gising anak! Binabangungot ka.”  Sabi ko sa kanya, “ang laking baril, hinahabol ako…. tumakbo ako ng mabilis upang makapagtago….natatakot ako.”

Hindi kami makapagpalit ng damit at wala kami ni isang gamit.

Hindi nga kami makapaligo dahil wala ring tubig. Kaya siguro marami ang nagkakasakit sa amin. Nakita ko pa nga, may isang ina, nanganak siya. Kaya lang ang sanggol ay hindi gumagalaw. Sabi nila, wala raw kasing doktor nanag-aasikaso sa kanya.

Dahil sa digmaan sumasakit ang aking tiyan. Pero ang sakit, tinitiis ko na lang. Wala kasi kaming pagkain kahit na kapirasong tinapay man lang. Minsan wala akong agahan o pananghalian. Buti na lang may mabubuting tao na napapadaan at may dalang pagkain tulad ng noodles, tuyo, sardinas o kaunting bigas. Naririnig kong sabi nila, donasyon daw yun. Pero kulang na kulang. Hindi magkasya para sa lahat. Pero anong magagawa namin kundi makuntento na lang.

Malungkot ako kapag may digmaan. Nakikita ko may mga taong nasusugatan o kaya ay namamatay. Sumusigaw ang mga tao. May nadadapa, may umiiyak, at mayroong hindi na kumikilos.

Habang si Ina, sa kamay ako ay hila-hila. Nababangga pa ako at naaapakan ng kahit sino. Pero kahit mahirap, kailangan na ako ay tumakbo at humakbang kahit ako’y nakapaa lamang.

Ang lalo kong ikinatatakot ay ang isiping, sina Ama, Ina, Toto at Nene… paano kung isang araw sila ay mawala o dili kaya’y biglang magkasakit? Kaya’t sa palda ni Ina, mahigpit akong kumakapit. Baka kasi ako ay mawala at maiwan.

Ako ay nalilito, nalulungkot at nanghihina. Wala na bang katahimikan? Wala na bang Kapayapaan? Kailan titigil ang putukan? Kailan ba matatapos ang digmaan? Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nagtataka bakit ang mga tao’y nagkakaganito. ang dami kong tanong ngunit hindi kayang sagutin ni Ama sa akin.

Pagod na ako… Gusto ko nang umuwi… gusto ko nang magpahinga… maglaro…kumain ng maayos..at..bumalik sa paaralan. Tumawa at maging masayang muli. Hindi kaya nararamdaman ni Digmaan na ako ay nahihirapan? Hindi ko na talaga maintindihan.

Kaya dasal ko sa Diyos Amang Makapangyarihan na nagmamahal sa mga batang tulad ko, na kami sa ay kaawaan. Kasi nalulungkot kami kapag may digmaan. Susubukan kong itong hilingin. Sana pakinggan Niya ako. Magdadasal ako na kapayapaan na lang ang umiral sa pusot’ diwa ng buong sangkatauhan.

(Arkibong Bayan)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 53 other followers

%d bloggers like this: