Movie Review: No Country for Old Men


Movie Review: No Country for Old Men

Cast: Tommy Lee Jones, Javier Bardem, Josh Brolin, Woody Harrelson, Kelly Macdonald

Director: Ethan Coen, Joel Coen

Sa tingin nyo ba’y napanood nyo na ang pinakanakakatakot na pelikula? Mag-iisip kang muli pag napanood mo ang No Country for Old Men.

Una kang mapapakibot sa paraan ng pagkamatay ng isang pulis mula sa pananakal ng assassin na si Anton Chigurh (ginampanan ni Javier Bardem). Magigimbal ka sa eksena dahil sa dami ng napanood mong eksenang may taong namamatay sa sakal, sa eksenang ito ni Chigurh mo mararamdaman ang sakit na nararamdaman ng taong sinasakal dahil makikita mo ang konsentradong kadiliman sa mga mata ni Chigurh.

Mapapapikit ka rin sa napaka-cold blooded na pagpatay ni Chigurh sa may-ari ng sasakyang gagamitin niya. Akala mo ba’y hindi nakakatakot ang mga napanood mong eksena nung mga binabaril at nagbabaril sa ulo? Pwes, magkakamali kayo sa eksenang ito with Anton Chigurh.

Isa pang eksenang magpapatayo sa mga balahibo ninyo sa antisipasyon ay ang paglalagay niya sa kapalaran ng buhay ng isang tao sa barya sa pamamagitan ng toss coin. Ang napakaitim na humor ng papel ni Bardem ang siyang magbibigay sayo ng antisipasyon na papatayin niya ang tinder, pero ang unexpected na paggalang niya sa resulta ng toss coin ang makapagbibigay sa inyo ng malalaim na buntoong-hininga sabay ang pasasalamat na hindi niya pinatay ang tindero. Walang sinabi ang bangis ni Two-Face (Batman villian) sa paggamit niya dito ng barya. Ang malaki niyang boses, katambal ang mga matang parang nanunuot sa kaluluwa ang nagbibigay ng mensahe na talagang papatayin niya ang kausap niya kung iyon ang sasabihin ng barya.

Ang No Country for Old Men ay adaptasyon sa nobelang sinulat ni Crmac McCarthy nong 2005. Ang daloy, lalo na ang ending ng pelikula ay masasabing nagging tapat sa orihinal na latag ng nobela. Kaya kung hindi nyo nabasa ang nobela, maaaring hindi kayo makuntento sa paraan ng pagtatapos ng pelikula.

Pero eto, ang No Country for Old Men ay masasabing isang pelikulang tumutuligsa sa pamahalaan ng Estados Unidos. Ang pagpapakita ng mga nakakarimarim na eksena sa mga manonood habang tuloy ding ipinipresenta ang kawalan ng hakbang na ginagawa ng pamahalaan ay totoo sa titulo ng pelikula, ang Amerika ay no country for anyone, lalo na para sa mga matatanda. J

Tatlo ang nagdala sa pelikula. At hindi ito mga artista. Hindi si Tommy Lee Jones, hindi si Javier Bardem at mas lalong hindi si Josh Brolin. Bagkus, ang tunay na nagdala ng pelikula ay ang mga karakter na ginampanan nilang tatlo. Hindi ako magdadalawang isip na sabihing isa sa kanilang tatlo, kung hindi man silang lahat, ang nararapat na ma-nominate sa mga malalaking award giving bodies.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: