Pinoy deportees mula Sabah aabot ng 200,000


MAAARING umabot sa 200,000 ang di-dokumentadong Pilipinong deportees mula sa Sabah, Malaysia ngayong taon, ayon sa DSWD (Department of Social Welfare and Development).

Ito ang datos na inihayag ng Migrante International na maglulunsad ng ikatlong National Fact-Finding Mission sa Oktubre 2 – 6 sa Zamboanga City para alamin ang sitwasyon ng mga migrante na umano’y “tumakas mula sa kahirapan at giyera sa Mindanao.”

Sa unang walong buwan ng 2008, may 35,000 deportees na ang naitala ng DSWD. Marami sa mga ito ang hindi makauwi sa kani-kanilang mga probinsya at pumupuslit pabalik sa Sabah.

Pangamba ni Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante International at secretary-general ng International Migrants Alliance, lalong dadami ang di-dokumentadong mga migrante sa Sabah dahil sa pag-igting ng mga opensibang militar sa Mindanao.

Umano’y walang ginawa si Pangulong Arroyo para sa mga migrante mula Sabah “maliban sa panandaliang tulong na ginamit para lamang para sa pagpapaganda ng imahe sa midya.”

Nagsagawa ng crackdown ang gobyerno ng Malaysia sa libu-libong di-dokumentadong mga migranteng Pilipino noong 2005 at 2005. Naiulat ang pang-aabuso sa kababaihang OFW (Overseas Filipino Workers) sa mga bilangguan at pagkamatay ng mga sanggol dahil sa malnutrisyon. Naalarma maging ang United Nations at Amnesty International sa sitwasyon.

Nagtayo ang mga gobyerno ng Pilipinas at Malaysia ng RP-Malaysia Working Group on Migrant Workers. Pero ayon sa Migrante International, hindi epektibong napangalagaan ng grupo ang kapakanan ng mga OFW sa Sabah.

Batay sa mga resulta ng NFFM, gagawa ng mga rekomendasyon ang Migrante International na ihahapag sa International Assembly of Migrants and Refugees o IAMR.

Ang IAMR ay pagtitipon ng mga migrante mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na ipantatapat bilang protesta sa ikalawang Global Forum on Migration and Development o GFMD.

Gaganapin sa Maynila sa Okt. 29 – 30 ang GFMD, pinangunahan ng United Nations at inisponsor ng gobyerno ng Pilipinas ngayong taon para talakayin ang pagpapaunlad pa ng mga polisiya sa labor export at migrasyon.

Ilang-Ilang Quijano

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: