OFWs dadami dahil sa krisis pampinansiya –POEA


BAGUIO CITY—Inaasahang dadami ang mga Pilipinong mangingibang-bansa dahil sa kawalang segurahan sa bansa dulot ng pagbagsak ng global stock market, ayon kay Jennifer Manalili, bagong talagang administrador ng POEA (Philippine Overseas Employment Agency).

Sinabi ni Manalili sa isang talumpati sa Baguio Convention Center na may 1.3 milyong Pilipino na nais mangibang-bansa sa susunod na taon, mas mataas nang 300,000 sa 1 milyong taunang target ng POEA.

Noong 2007, may 1.2 milyong Pilipino ang nangibang-bansa.

Kaya naman sinabi ni Manalili na dapat paigtingin ang kampanya laban sa illegal recruitment dahil tiyak na sasamantalahin ng ilang indibidwal ang kagustuhan ng mga Pilipino na mag-abroad.

Sinabi ni Atty. Melchor Dizon, POEA Licensing and Regulation Officer, na inaaasahan nilang bababa ang bilang ng mga kaso ng illegal recruitment ng 10% sa katapusan ng 2008.

Ipinroseso ng ahensiya ang 4,208 kaso ng illegal recruitment, karamihan sa Metro Manila, ngayong taon.

Ariston Valle

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: