Husgahan Natin: Sinadyang hindi kunin ang abiso


Atty. Remigio Saladero Jr.

ISANG labor case ang isinampa sa tanggapan ng Labor Arbiter laban sa isang kompanya. Upang malaman ng kompanya ang demanda laban sa kanya, pinadalhan ito ng Labor Arbiter ng summons. Hindi natanggap ng kompanya ang summons pero tinuloy ng Labor Arbiter ang pagdinig sa kaso. Nagdesisyon ang Labor Arbiter at natalo ang kompanya. Tanong: Dapat bang sundin ng kompanya ang desisyon kahit na hindi ito nakatanggap ng summons?

Ito ang nangyari sa kasong “Scenarios Inc., et. al. vs. Jerry Vinluan” (G.R. No. 173283) na hinatulan ng Korte Suprema nito lamang Setyembre  17, 2008.

Sa nasabing kaso, nagdemanda si Jerry laban sa kanyang kompanya (Scenarios, Inc.) dahil umano sa pagtanggal sa kanya sa trabaho na walang dahilan. Pinadalhan ng Labor Arbiter ng summons ang kompanya sa pamamagitan ng koreo o mail.

Ibinalik ng post office ang summons. May tatak ang sobre nito na “Return to Sender” at “Unclaimed”. May nakasulat din sa sobre na petsa ng “second notice” at petsa ng “final notice”.

Tinuloy ng Labor Arbiter ang pagdidinig sa kaso kahit hindi nakakadalo ang kompanya. Dumating ito sa yugtong nagkaroon na ng desisyon ang Labor Arbiter at talo ang kompanya. Sa pagkakataong ito, sumagot na ang kompanya. Inapela nito sa NLRC (National Labor Relations Commission) ang desisyon ng Labor Arbiter dahil hindi raw nito natanggap ang summons kaya’t hindi nito nadaluhan ang mga hearing sa kaso.

Naniwala ang NLRC at pinawalang bisa nito ang desisyon ng Labor Arbiter sa kaso. Hindi raw maaring dinggin ng Labor Arbiter ang kaso dahil walang abiso ang kompanya at hindi nito natanggap ang summons na pinadala sa kanya. Si Jerry naman ngayon ang nagdala ng kaso sa Court of Appeals. Binaliktad naman ng Court of Appeals ang desisyon ng NLRC at sinabing tama lang ang ginawa ng Labor Arbiter. Hindi nag-aksaya ng panahon ang kompanya at dinala ang kaso sa Korte Suprema bilang pinakamataas na hukuman.

Panig kay Jerry ang naging hatol ng Korte Suprema.

Ayon sa Korte Suprema, nakasaad sa NLRC Rules of Procedure na dapat padalhan ng summons ng Labor Arbiter ang kompanya bago simulan ang pagdinig sa kaso laban dito. Maari niyang ipadala ang summons na ito sa pamamagitan ng registered mail o puwede din niya itong ipadala ng personal sa pamagitan ng kanyang mga tauhan. Kung ipadala niya ito sa pamagitan ng registered mail, kailangang aktwal na matanggap ito ng kompanya. Ganumpaman, kung hindi kinukuha ng kompanya ang summons para sa kanya sa loob ng limang araw pagkatapos itong abisohan ng postmaster, Ituturing ng batas na natanggap nito ang summons.

Napansin ng Korte Suprema ang tatak na “unclaimed” sa sobre ng summons. Napansin din ng Korte Suprema na binigyan ng post office ng unang notice at panghuling notice ang kompanya ngunit hindi pa rin nito kinukuha ang summons. Ibig sabihin, sinadyang hindi kunin ng kompanya sa post office ang summons para sa kanya.

Samakatuwid, sabi ng Korte Suprema, tinuturing ng batas na natanggap ng kompanya ang summons. Walang maaring sisihin ang kompanya kundi ang kanyuang sarili. May katuwiran ang Labor Arbiter sa pagpatuloy nang kanyang pagdinig sa kaso. Hindi maaring palusutin ang ginawang pag-iwas ng kompanya sa summons para hindi matuloy ang kaso.

Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng kompanya at dineklarang tama ang ginawang pagdesisyon ng Labor Arbiter sa kaso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: