27 aktibista sa Southern Tagalog ‘hinaharas,’ kinasuhan ng arson


BAHAGI umano ng “pagkikriminalisa sa mga aktibista” ang “malisyosong” pagkaso ng arson ng Globe Telecom sa 27 lider ng militanteng mga organisasyon sa Southern Tagalog.

Sa isang press conference, kinondena ni Bayani Cambronero, regional coordinator ng Bayan Muna-ST, ang “pagsasampa ng gobyernong Arroyo ng gawa-gawang mga kaso dahil sa kabiguan nitong patahimikin kami sa pamamagitan ng esktrahudisyal na pamamaslang.”

Kinasuhan ang prominenteng mga lider-aktibista ng arson, destruction, at conspiracy to commit rebellion kaugnay ng panununog ng mga rebeldeng New People’s Army sa cell site ng Globe Telecom sa Lemery, Batangas noong Agosto 2.

Kinasuhan sina Cambronero; Rolando Ming, bise-presidente ng Piston (Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide); Noriel Ricafort, pangakalahatang kalihim ng Bayan-Batangas; Atty. Remigio Saladero, founding member ng National Union of People’s Lawyers at kilalang labor lawyer; Agaton Bautista, provincial coordinator ng Anakpawis-Batangas; Renato Baybay, tagapangulo ng Kamagsasaka-Ka (Katipunan ng mga Magsasaka sa Kabite); at Isabelo Alicaya, tagapangulo ng Habagat (Haligi ng mga Batangueñong Anak Dagat), at iba pa.

Kabilang pa sa mga kinasuhan ang walong magsasaka na dinukot at tinortyur ng mga elemento ng PNP (Philippine National Police) sa Silang Cavite noong Agosto 31. Pinakawalan din ang mga ito nang hindi kinakasuhan.

Ayon kay Cambronero, madaling mapatunayan sa anumang tanggapan o korte ang kanilang pagka-inosente kapag sinunod ng gobyerno ang due process. “Marami sa amin, hindi man lang sinabihan hinggil sa kaso at aksidente lang nalaman ito,” aniya.

Samantala, naniniwala si Arman Albarillo, pangkalahatang kalihim ng Bayan-ST, na “nakikipagsabwatan” ang Globe Telecom sa PNP. “PNP pa rin at iba pang mga ahensiya sa ilalim ng COC-IS (Cabinet Oversight Committee on Internal Security) ang may hawak ng mga baraha dito,” aniya.

Bahagi pa rin umano ang ito ng Oplan Bantay Laya 2, programang kontra-insurhensiya ng gobyernong Arroyo.

Magpoprotesta sa Oktubre 6 ang iba’t ibang mga organisasyon sa Southern Tagalog sa harap ng Camp Crame, Quezon City para kalampagin ang bagong talagang hepe ng PNP na si Jesus Versoza hinggil sa diumano’y panghaharas sa kanilang mga lider.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: