Movie Review: Dr. Jekkyl and Mr. Hyde


Movie Review: Dr. Jekkyl and Mr. Hyde

Cast: Dougray Scott, Krista Bridges, Tom Skerrit, Danette Mac Kay

Director: Paolo Barzman

Alam nyo naman siguro kung ano ang kuwento ng pelikula kapag mababasa niyong ang pamagat nito ay ay may kaugnayan kina Jekyll and Hyde.

Iyon po ay dahil sa napakalumang kuwento na nito. Sa totoo lang, marami nang bersyon ang lumabas sa pinilakang tabing na naglalahad sa kuwento ng isang doktor na nagkaroon ng matinding sakit sa utak dahilan para maging isa siyang mamamatay-tao pagkagat ng dilim, at mabait na manggagamot pagsapit ng umaga.

Ang “Dr. Jekyll and Mr. Hyde” ang pinakabagong bersyon.

Kaiba sa mga unang bersyon, ang DJAMH ang may pinakamagandang twist. Medyo hindi nga lang nila ito nagamit ng wasto pra ma-transform ang DJAMH bilang siyang pinakamagandang pelikula ng Dr. Jekyll and Hyde franchise.

Sa DJAMH, ang naisip na paraan ni Jekyll para mapigilan si Hyde ay ang makasuhan siya, mahatulan, makulong at kung maaari ay mabitay.

Dahil basically ay alam na ng mga manonood na guilty si Dr. Henry Jekyll, at give-away na ang ending kung ibabatay ito sa paraang naisip ni Jekyll, sinadya ng pelikula na gawing gullible, bobo, emosyonal at walang kapartner, ang manananggol. Gayundin, sinadya ng pelikula na maging bobo ang mga imbestigador, sa pamamagitan ng pag-file ng mga ito ng report na nagsasabing dalawang magkaibang DNA ang narekober nila sa mga crime scene (which is impossible, and scientifically not true), kahit pa alam ng mg manonood na isang tao lang naman ang umaatake at pumapatay. Sinadya rin ng pelikula na magkaroon si Jekyll ng bestfriend na sobrang tanga para magtapon ng isang potensyal na ebidensya nang dahil lang sa tiwala nito sa kanyang kaibigang si Jekyll.

Gamit ang mga ito bilang rekado, matagumpay na nakalusot sa korte si Dr. Jekyll na ngayo’y ganap na palang si Mr. Hyde. Tiyak na maaalala ninyo ang Primal Fear na ginampanan ni Eduard Norton, at hindi ninyo maiiwasang ipagkumpara ito dahil mas napanatili ng Primal Fear na mag-isip ang mga manonood hanggang sa huli, kumpara ditto sa DJAMH.

Sa story-line naman, sumubok at nabigo ang DJAMH na bigyang linaw ang sakit ni Jekyll. Nais sana nilang ipaliwanag na ang problema ni Jekyll ay epekto ng ineksperimento niyang gamot na sinangkapan niya ng bagay galling sa isang bulaklak na ginagamit s mga voodoo rituals sa kagubatan umano ng Amazon. Pero, simpleng adiksyon sa droga lang ang naging problema ni Jekyll. Uminom siya ng droga, naging adik, hanggang sa masira ang kanyang utak at mula dito ay lumabas si Mr. Eduard Hyde.

Over-all, disappointed ako sa “Dr. Jekyll and Mr. Hyde”. Ok na sana, naging bato pa.  Naisip ko na lang yung ilang mga opisyal ng gobyerno.  At natawa ako.  Nakakatakot!

Advertisements

One Response to “Movie Review: Dr. Jekkyl and Mr. Hyde”

  1. josa Says:

    basura marami pang problema kesa ja…
    tulad ng problema nenin sa eco101…
    yun ang dapat solusyonan…..

    thank you so much…..
    dinggin ang aming hinaing/……

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: