Sabi ni Panlilio, Huwag Magsisinungaling


HUWAG MAGSISINUNGALING!

Ito ang esensya ng talumpating ilinahad ni Pampanga Governor Ed Panlilio, kilala bilang Among Ed, sa pinaka-unang paglulunsad ng kombensyon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) sa labas ng Luzon.

Binaybay ng Gobernador ang temang “Ang Laiko: Pangunahing Ahente ng Pagbabago Tungo sa Katapatan at Integridad para sa Mabuting Pamamahala” ng Linggo ng Laiko sa Pilipinas (National Laity Week ’08), gamit ang kanyang personal na karanasan sa pagsabak sa larangan ng politika.

Ayon kay Panlilio, hindi lang pari ang kailangang huwag magsinungaling, kundi ang buong sambayanang Katoliko. Aniya, ito ang pinaka-pangunahing hakbang sa pagpigil sa pag-usbong ng korapsyon sa loob ng mga tanggapan ng pamahalaan.

Kailangan aniya ng masusing gawaing pormasyon sa arena ng tinatawag niyang “ministry of politics.” Pabiro pa niyang nabanggit sa mga Obispong nakikinig ang malaki aniyang pangangailangan na magbuo ng batayang kurso sa politika na ibibigay sa masang kasapian ng Laiko sa buong bansa.

Dagdag pa ni Among Ed, “kailangan ding magkaroon ng masusi at tuluy-tuloy na pormasyon ng mga laikong gumagampan ng gawaing apostoliko sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Lubos namang napuno ng palakpakan ang benyu ng aktibidad, nang ideklara ng Gobernador na babalik agad siya sa pagkapari pagkatapos ng kanyang termino bilang Gobernador ng Pampanga.

Samantala, nangako ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magpapasa ito ng resolusyon na nagpapahayag ng suporta kay Among Ed laban sa kinakaharap niya ngayong “Recall Petition” na ilinunsad ng kanyang mga kalaban sa politika.

Ang Jaro Archdiocese ang siyang punong-abala sa naturang pambansang kombensyon ng LAIKO ngayong taon. Ang pagdiriwang ngayon ng Linggo ng Laiko sa Pilipinas ay bilang paggunita na rin sa kamartiran nina San Lorenzo Ruiz ats Blessed Pedro Calungsod, ang mga halimbawa ng martir na Laiko sa Pilipinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: