(Konteksto) 20 para sa aking 40


Danilo Araña Arao

SA OKASYON ng aking ika-40 kaarawan sa Setyembre 21 (araw ng Linggo), hayaan mo po akong maghandog ng 20 “pampublikong mensahe” sa mga taong personal kong nakasalamuha (kaibigan man, kaaway o simpleng kakilala).

Bukod sa mensahe, may kahilingan o panawagan ako sa ilan sa kanila. Kung tutuparin lang ang kahit dalawa sa mga ito (lalo na ang una’t huli), maniwala kang masaya na ako kahit walang magregalo sa akin ngayong Linggo!

1. Joy (ang aking asawa): Katulad mo, gusto ko ring makumpleto ang ating pamilya at mangyayari lang ito kung magkakaroon tayo ng kahit isang anak. Higit pa sa bagong laptop o music player na pabiro kong hiniling sa iyo, malinaw na malinaw ang gusto kong regalo sa pagtatapos ng taong ito.
2. Mga kumukuha ng peryodismo sa UP CMC (University of the Philippines College of Mass Communication): Makita n’yo sanang lahat ang katotohanang kailangan n’yong pumanig para maging epektibo sa pag-uulat ng mga pangyayari, at ang pagsusuri ng mga datos ay hindi nagkokompromiso sa inyong pagiging obhetibo.

3. Sa dati kong estudyanteng nagtatrabaho sa isang call center: Hindi na kita papangalanan, pero natatandaan mo naman ang ating pinag-usapan nang hingin mo ang aking payo: Kikita ka man nang malaki sa BPO (business process outsourcing), masasayang naman ang galing mo sa pagsusulat kung hindi ka papasok sa midya. Kung wala akong pakialam sa iyo, hindi ba’t mas madaling sabihing “Bahala ka sa buhay mo?” Pero hindi lang naman personal mong buhay ang apektado sa anumang desisyon mo sa hinaharap, dahil may potensiyal kang makapagmulat sa madla sa pamamagitan ng iyong panulat.

4. Blogie Robillo at iba pang nag-organisa ng WordCamp Philippines 2008: Sana’y maging mekanismo ang mga susunod na WordCamp para ipalagan
ap ang mga pamantayang propesyonal at etikal sa blogging.

5. Margaret Calder at iba pang naging kakilala’t kaibigan sa Australia noong dekada 90: I apologize for not being constantly in touch for more than a decade. Again, thank you for the opportunity to travel to Adelaide and Melbourne in 1995 to speak to students, journalists and others interested in Philippine affairs. Please continue your meaningful work in the academe, media and in various NGOs (non-government organizations).

6. Astrid Kohl, Ikram Putra at iba pang kaibigan sa InWEnt-Germany: Unlike my failure to constantly keep in touch with my Australian friends, rest assured that we will continue to work together to effect a responsive and responsible media in Asia and beyond.

7. Sa isang peryodistang hindi ko na papangalanan: Maliit lang ang mundo ng peryodismo at alam kong patuloy na may mga nagmamanman sa iyo. Patuloy ka sanang mag-ingat at magsulat ng mga makabuluhang artikulo kahit na may mga banta sa iyong buhay.

8. George San Mateo at iba pang kaibigan sa PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide): Ipagpatuloy ang maingat na pagbalanse sa panawagang itaas o ibaba ang pamasahe sa stratehikong pangangailangang ibasura ang Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) at isabansa ang industriya ng langis.

9. Ed Zafra, Elmar Ingles at iba pang katrabaho sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts): Maraming salamat sa pag-imbita sa akin bilang tagapagsalita sa mga aktibidad ninyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Lumakas pa sanang lalo ang NCCA at patuloy na huwag magpagamit sa mga pulitikong ang interes ay pagpapayaman ng sariling bulsa at hindi ng kultura ng bansa.

10. Jaz Lumang, Ros-b Guzman, Sonny Africa at mga kaibigan sa IBON Foundation: Natupad na ang matagal nating pangarap na magkaroon ng sariling gusali ang ating hindi na munting organisasyon. Ano pa ba ang gusto natin kundi patuloy na suriin ang pampulitika’t pang-ekonomiyang kalagayan sa paraang matalas at popular?

11. Luis Teodoro at Georgina Encanto: Dati kayong dekano ng UP CMC sa panahong naging estudyante ako (Encanto) at pumasok ako bilang lektyurer (Teodoro). Pero higit pa sa katrabaho ang turing ko sa inyo ngayon. Maraming salamat sa pagtanggap sa akin bilang kaibigan. Patuloy nating palakasin ang samahan sa pamamagitan ng epektibong pagtuturo sa ating mga estudyante.

12. Nicanor Tiongson: Tulad nina Prop. Teodoro at Encanto, naging dekano ka sa ating kolehiyo at ikaw ang unang nagbigay ng oportunidad sa aking maging isang opisyal ng UP CMC. Kung hindi dahil sa iyo, hindi makikita ng iba ang kakayahan ko bilang direktor ng isang importanteng opisina. Malaki po ang aking utang na loob sa iyo, at ang isang dahilan ng pagpapabuti ko ng gawain ay para hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo noon.

13. Jun Cruz Reyes, ang aking iniidolong manunulat sa wikang Filipino: Hayskul pa lang ako, gusto na kitang makilala. Isang malaking karangalan para sa akin ang makamayan kita at makakuwentuhan sa isang cultural summit sa Antipolo na kung saan pareho tayong nagsalita. Tapusin mo na sana ang nobelang ikinuwento mo sa akin. Batay sa temang sinabi mo at sa mahusay mong estilo sa pagsusulat sa wikang Filipino, sigurado akong maraming mamumulat kapag nabasa ang obra mo.

14. Weng Carranza, Joe Torres at iba pang kakilala’t kaibigan sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP): Marami na tayong pinagsamahan at wala tayong pinag-awayan. Makakaasa kayo ng aking suporta sa lahat ng gawain ng NUJP. Ang munting kahilingan ko lang: Sana’y muling bumalik sa ere ang ating programa sa radyong Usapang Media.

15. Seymour Sanchez, Mon Bautista at iba pang nasa produksiyon ng Dokyu: Ang Bagong Mata ng Pinoy Documentaries (ABC 5): Salamat sa pagpili sa akin bilang isa sa mga hurado noong 2007. Sana’y magkaroon ng panibagong season ang ating programa sa telebisyon dahil marami na namang dokumentarista ang mabibigyan ng pagkakataong ipakita sa publiko ang kanilang mga pinaghirapan.

16. Jola Diones, Raymund Villanueva, Sonia Capio at mga kasama sa Kodao Productions: Kayo ang nagbigay ng oportunidad sa aking magkaroon ng karanasan sa larangan ng radyo, partikular ang pagsusulat ng iskrip at pagsasalita sa ere. Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang muling pagbabalik sa ere ng programa nating Ngayon Na, Bayan! Pero habang wala pa ito, makakaasa kayong magsisilbi pa rin ako bilang miyembro ng Board of Directors ng ating organisasyon.

17. Judy Taguiwalo at mga kapwa guro’t kawani ng Unibersidad ng Pilipinas (UP): Tulad ng ibang ahensiya ng gobyerno, makuha na natin sana ang 10 porsiyentong pagtaas sa sahod.

18. Benjie Oliveros at iba pang patnugot at manunulat ng Bulatlat Online Magazine: Tumaas pa sanang lalo ang Alexa traffic ranking at Google PageRank ng ating publikasyon (at patuloy pang maintindihan ng mga patnugot ang madalas kong pagliban sa lingguhang press work dahil sa pagiging abala sa iba pang gawain).

19. Kenneth Guda at mga kasama sa Pinoy Weekly: Magkaroon sana ng mas maraming mambabasa ang online edition, at bumalik sa sirkulasyon ang print edition.

20. Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (Opo, nagpunta ako noon sa Malakanyang para sa isang pulong na kasama siya): Paano ko ba sisimulan ang aking litanya? Mas mainam sigurong maging direkta: Sana’y mapatalsik ka na!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

One Response to “(Konteksto) 20 para sa aking 40”

  1. MyRankUpdotcom Says:

    Welcome to http://myrankup.com

    MyRankUp.com is a solution to boost your traffic instantly without paying $$$$$ for marketing online.

    Moreover, this site is auto surf, that means you only need to login and let my site rotate all your links to others.

    MyRankUp has developed the plug n play of online businesses, Traffic Exchanges, Banner Exchange Scripts, Text Exchange Scripts, Link Trackers that are easy to promote and easy to profit from.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: