Panibagong paninikil sa kampus


Soliman A. Santos

NAGPROTESTA sa harap ng tanggapan ng Ched (Commission on Higher Education) sa Lungsod Quezon noong Agosto 27 ang suspendidong mga estudyante ng JRU (Jose Rizal University), kasama ng iba pang tagasuporta mula sa iba’t ibang eskuwelahan, para hilingin ang aksiyon ng komisyon sa anila’y hindi makatarungang pagpapatalsik mula sa naturang unibersidad.

Hindi inalintana ng mga mag-aaral ang pagbuhos ng ulan nang magmartsa sila mula sa Philcoa papunta sa tanggapan ng Ched sa bungad ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Nabulabog ang mga guwardiya at mga empleyado nang makita ang paparating na mga estudyante. Ayon sa mga guwardiya, ngayon lamang sila dinumog ng mga nagpoprotestang estudyante.

Gusto sanang pumasok ng mga estudyante pero agad silang pinagsarhan ng pinto ng mga guwardiya. Nakipagdayalogo ang mga lider ng grupo at nakipagkasundong lima lamang sa mga estudyante ang papasukin para pag-usapan ang kanilang hinaing.

Di makatarungang pagpapatalsik

Nandito kami ngayon para hilingin sa Ched na aksiyunan ang ilegal na pagpapatalsik sa amin ng administrasyon ng JRU,” sabi ni Louie Galang, fourth year student sa College of Commercial Science at isa sa 19 na estudyanteng pinatalsik sa nasabing unibersidad.

Pinatalsik sa JRU si Galang kasama ng kanyang mga kapwa mag-aaral nang magsagawa sila ng isang ‘snake rally’ noong Hulyo 17.

Ang naturang snake rally ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa pagtaas ng presyo ng langis, pag-alis ng VAT (Value-Added Tax) at suporta sa P125 dagdag-na-sahod na hinihingi ng mga manggagawa. Karamihan sa mga naturang estudyante ay kasapi ng Anakbayan, SCM (Student Christian Movement) at Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan o Karatula.

Ayon kay Galang, mahigit 10 guwardiya ang nagtangkang dumapot sa kanila habang isinasagawa ang kanilang protesta. Nagkaroon ng komosyon dahil tumanggi silang sumama sa mga guwardiya at dahil na rin ayaw silang ibigay ng kanilang mga kapwa estudyante.

Bandang huli, sumama rin sila sa tanggapan ni Maria Luisa Saba, dekana ng Student Affairs, na siyang nag-utos na damputin sila. Katwiran ng administrasyon, hinuli nila ang mga estudyante dahil wala silang permit para magsagawa ng isang rali.

Pero ayon sa mga estudyante, tinakot sila ng administrasyon. Sinabihan silang wala pang kasong isinampa ng mga estudyante laban sa isang pribadong eskwelahan ang nanalo sa korte. Saka pinatawan ng preventive suspension ang nagprotestang mga estudyante.

Matapos ang anim na araw, dininig ang kaso ng nagprotestang mga estudyante para malaman kung ano ang aksiyong pandisiplina ang ipapataw sa kanila. Makalipas ang isang linggo, 15 sa mga sinuspinde ang pinayagang makabalik sa unibersidad. Samantala, ‘forced transfer’ naman ang parusa kina Galang, Kester Ray Santos, Danica Dimayacyac at Michael Anthony Dantes.

Ayon sa administrasyon, madalas makita ang apat na estudyante sa mga protesta sa loob at labas ng kampus.

“Pati ‘yung mga pag-iikot namin sa mga klase, ginamit nilang ebidensiya. Kasama raw iyon sa mga protesta kaya kami pinatalsik,” ani Galang.

Naghahawan ng landas

Ayon naman sa mga grupong Anakbayan, SCM at Karatula, karapatan ng mga estudyante na magsagawa ng mga protesta para maiparating ang kanilang mga hinaing. Tinawag nilang “tahasang paninikil” sa mga estudyante ang ginawa ng adminsitrasyon ng JRU. Dagdag pa nila, ginagawa rin ng ibang eskuwelahan ang ganitong taktika para pigilan ang protesta ng mga estudyante.

Tuloy naman sa kanilang paglaban para sa kanilang karapatan sina Galang. Ayon sa kanya, tagumpay na ang pagpapabalik sa 15 nasuspindeng estudyante. Pinatutunayan lamang umano nito na lehitimo ang kanilang ginawang protesta.

Umaasa siyang sa pamamagitan nito, nahahawan ang landas para sa isang mas demokratikong sistema sa loob ng kanilang unibersidad at iba pang eskuwelahan.

“Kung sama-sama tayong makikipaglaban para sa ating karapatan, hindi nila tayo basta-basta masusupil,” ani Galang.

Subalit tila walang maasahan sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Ched ang apat pang estudyanteng pinatalsik na wala ngayong masulingan at humihingi pa rin ng katarungan.

Matapos makipagdayalogo ng mga estudyante noong maulang hapong iyon, sinabihan lamang sila ng mga opisyal ng Ched na magsampa ng motion for reconsideration sa tanggapan ng presidente ng JRU.(PinoyWeekly)

Advertisements

One Response to “Panibagong paninikil sa kampus”

  1. Kenneth Guda Says:

    Barangay RP,

    Salamat sa pagtangkilik at pagrepost sa aming mga artikulo sa Pinoy Weekly. Nga lang, sana malagyan mo kami ng hyperlink para madirekta sa site namin. Puwede ba iyon, kapalit ng pagrepost mo? Maraming salamat!

    BarangayRP:

    Paumanhin!

    Net cafe based kasi ako hehe kaya naghahabol ng oras. Pero, sige, gagawin ko yan. Maraming salamat din. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: