Husgahan Natin: Pag-aareglo na walang abogado


Atty. Remigio Saladero

PAANO kung sa isang kaso ay nagka-ayos na ang manggagawa at kapitalista? Maaari pa bang isantabi at balewalain ang nasabing pag-aayos dahil nagreklamo ang abogado ng manggagawa ? Ito ang isyung tinalakay ng Korte Suprema sa “J-Phil. Marine, Inc., et. al. vs. National Labor Relations Commission and Warlito E. Dumalaog “, G.R. No. 175366, na hintulan ng Korte Suprema nitong Agusto 11, 2008.

Sa nasabing kaso, isang cook sa isang overseas na barko itong si Warlito. Nagsampa siya ng kasong money claims laban sa kompanya, manning agent nito, kasama ang kanyang presidente. Ayon sa kanya, hindi raw siya binayaran ng kompanya ng kanyang overtime pay, vacation leave pay, sick leave pay, at disability benefits. Lumaki daw kasi ang kanyang puso dahil sa kanyang trabaho at habang buhay na siyang hindi makapagtrabaho pa.

Pinawalang bisa ng Labor Arbiter ang kaso ni Warlito ngunit inapela niya ang desisyon nito sa National Relations Commission (NLRC) . Binago naman ng NLRC ang desisyon at pinagbayad ang kompanya ng US$50,000 kay Warlito bilang disability benefits.

Dinala naman ng kompanya ang kaso sa Court of Appeals. Ibinasura ng Court of Appeals ang kaso dahil kulang ang mga dokumentong ibinigay ng kompanya. Napilitang dalhin ng kompanya ang kaso sa Korte Suprema.

Samantalang nakabinbin ang kaso sa Korte Suprema, nag-alok ng P450,000 bilang areglo ang kompanya. Pumayag naman si Warlito. Pagkatanggap ni Warlito ng bayad ng kompanya, kaugnay ng areglo, pinapirma siya ng quitclaim ng kompanya. Ang paglagda niya ng nasabing quitclaim ay ginawa sa harap ng Labor Arbiter.

Kaagad pinaalam ng kompanya sa Korte Suprema ang nagyaring pag-aayos nila ni Warlito. Hiningi ng kompanya na kung maari ay i-dismiss na ang kaso dahil sa naganap na pag-aayos sa kanila ni Warlito.

Sumagot naman ang abogado ni Warlito. Sinabi nitong wala silang tutol sa pag-dismiss ng kaso subalit dapat bayaran ng kompanya ang halagang US $50, 000 na dating panalo ni Warlito. Ayon sa abogado, dapat ibawas lamang ang unang P450,000 na binigay ng kompanya kay Warlito sa US$50,000 na dating hatol ng NLRC. Masyado raw mababa ang P450,000 na binayaran ng kompanya bukod pa sa hindi siya kinonsulta tungkol sa nasabing aregluhan.

Nagpasya ang Korte Suprema na tuluyan nang i-dismiss ang kaso dahil sa kasunduang naganap kay Warlito at sa kompanya.

Pinaliwanag ng Korte Suprema na ayon sa Art. 227 ng Labor Code, ang aregluhan ng manggagawa at ng kompanya, basta’t kusang-loob nilang ginawa, ay dapat igalang. Makikialam lamang ang husgado kung may naganap na lokohan o pilitan sa nasabing aregluhan. Kung walang ebidensiya na may naganap na dayaan, lokohan, o pilitan sa nasabing pag-aareglo, kikilalanin ng husgado ang aregluhan.

Bagama’t walang abogadong tumulong kay Warlito nang maganap ang aregluhan, ginawa ito sa harap ng Labor Arbiter. Maliwanag na walang nangyaring pilitan o lokohan sa nasabing aregluhan, paliwanag ng Korte Suprema.

Tungkol naman sa sinasabi ng abogado ni Warlito na maliit ang halagang P450,000 dahil nanalo na dati si Warlito ng US$50,000, ang dapat magreklamo sa bagay na ito ay si Warlito mismo.

Nakapagtataka, sabi ng Korte Suprema, subalit wala namang reklamo tungkol rito si Warlito. Dapat nating isipin na ang abogado ay ahente lamang ng kanyang kliyente. Malinaw sa nagyaring aregluhan na gusto ito ni Warlito at walang magagawa ang kanyang abogado kundi igalang ang kanyang kapasyahan.

May karapatan lamang makialam ang abogado kung dahil sa aregluhang naganap ay nawalan siya ng attorney’s fees. Subalit sa dokumentong nilagdaan ng kompanya at ni Warlito ay nakasaad na babayaran ang abogado ng kanyang attorney’s fees. Kaya walang dahilan para magreklamo ang abogado ni Warlito.

Tuluyan nang dinismiss ng Korte Suprema ang nasabing kaso.(PinoyWeekly)

Advertisements

One Response to “Husgahan Natin: Pag-aareglo na walang abogado”

  1. jeff santos Says:

    naku yan agency nayan dapat pinasasara dahil totoo lahat ang mga kalokohan nila dyn lalo na ang presidente nila ..dami gingago na mga marino yan pagdating sahodan sana karmahin kau sa mga kalokohan nyo mga hayop

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: