Unified Contract, magpapalala sa sitwasyon ng OFW sa Saudi?


LALO lamang lalala ang sitwasyon ng mga migrante sa Saudi Arabia kapag ipinatupad ang ‘Unified Contract’, ayon sa Migrante – Middle East.

Nangangamba ang grupo dahil sa patuloy na pagpapabaya ng mga recruitment agency sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa.

Isinasaad sa naturang kontrata na ang mga pribadong recruitment agency ang higit na may pananagutan sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa sa Saudi Arabia.

Ayon kay John Leonard Montenora, regional coordinator ng Migrante – ME, gagawin lamang lehitimo ng UC ang kapabayaan ng bansang nagpapadala ng migrante sa pagprotekta sa kanilang mamamayan sa ibang bansa at magpapatagal lamang sa paghihirap ng mga migranteng nagrerekalmo at gusto nang umuwi sa kanilang bansa.

“Sa praktika, parang bulang naglalaho na lamang ang mga pribadong recruitment agency, naiiwan ang mga migrante na hindi pa rin resolbado ang problema,” ani Montenora.

Sinabi pa ni Montenora na hindi tinitiyak ng UC ang pagpapatupad ng mga probisyon ng employment contract at sa halip ay pumapabor sa contract substitution.

“Itutulak lamang ng implementasyon ng UC ang OFW na tumakas sa kanyang employer, magreresulta ito sa maraming istranded na OFW, sabi ni Montenora.

Nanawagan ang Migrante sa mga OFW na tutulan ang implementasyon ng UC at hilingin sa Saudi Arabia at gobyernong Arroyo na magbigay ng tunay na proteksiyon sa karapatan at kagalingan ng mga migranteng manggagawa.

Soliman A. Santos(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: