Di dokumentadong Pinoy sa Italya, itinuturing kriminal


Soliman A. Santos


/* Style Definitions */
table.MsoNormalTable
{mso-style-name:”Table Normal”;
mso-tstyle-rowband-size:0;
mso-tstyle-colband-size:0;
mso-style-noshow:yes;
mso-style-parent:””;
mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt;
mso-para-margin:0in;
mso-para-margin-bottom:.0001pt;
mso-pagination:widow-orphan;
font-size:10.0pt;
font-family:”Times New Roman”;
mso-ansi-language:#0400;
mso-fareast-language:#0400;
mso-bidi-language:#0400;}
BINATIKOS ng Migrante International ang bagong immigration rules ng Italya kaugnay ng kriminalisasyon ng mga di dokumentadong manggagawa sa naturang bansa.

Ayon sa Migrante, apektado ng naturang batas ang hindi bababa sa 20,000 “ilegal” na Pilipinong manggagawa sa naturang bansa.

“Siyam na raang sundalo ang idedeploy sa Roma para ‘linisin’ ang naturang lungsod, target nito ang mga ilegal na migrante,” sabi ni Connie Bragas-Regalado, tagapagsalita ng Migrante.

Iniutos na ng Italya sa mga sundalo nito ang ‘crackdown’ sa mga migrante. Nakasaad ito sa isang batas na piniramahan noong Hulyo 25, 2008.

Sinabi pa ni Regalado na lalo pang hihigpit ang regulasyon sa mga di dokumentadong manggagawa dahil sa naturang batas. Bulnerable umano sa eksployatasyon ang mga naturang manggawa.

Nababahala ang Migrante sa sistematikong kriminalisasyon ng di dokumentadong manggagawa sa Italya, sa buong Europa at iba pang panig ng mundo. Ani Regalado, 100,000 di-dokumentadong manggagawang Pilipino ang matatagpuan sa buong Europa.

Nanawagan naman ang grupo sa administrasyong Arroyo na gumamit na ng diplomasya para matiyak na mapoprotektahan ang karapatan at kagalingan ng mga OFW, anuman ang kanilang kalagayan sa ibang bansa.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: