Reyd ng 11th IB sa kolehiyo sa Negros Oriental, pinaiimbestigahan


PINAIIMBESTIGAHAN ng Karapatan-Central Visayas, organisasayong pangkarapatang pantao, sa CHR (Commission on Human Rights) at PNP (Philippine National Police) ang reyd ng mga sundalo ng 11th Infantry Batallion ng Philippine Army sa St. Francis College, Guihulngan City noong Agosto 6.

Pinasok ng mga sundalong naka-full battle gear ang kolehiyo mula sa gate nito sa likuran bandang alas-dose ng tanghali. Umano’y ininteroga nila ang mga prayle. Nagdulot din ang insidente ng kaguluhan sa mga estudyante.

Ayon kay Dennis Abarrientos, pangkalahatang kalihim ng Karapatn-CV, bahagi ang reyd ng “desperadong tangka ng 11th IB, sa pamumuno nina Lt. Col. Nemesio Gacal and 1st Lt. Joseph Buencamino, na i-terrorize ang mga Pransiskanong prayle na nagpapatakbo sa eskuwelahan at kritikal sa pang-aabuso ng militar sa probinsya.”

Nanawagan ang grupo kay Jesus Cañete,  imbestigador ng CHR sa Dumaguete City, at Supt. Rey Lawas, PNP Assistant Provincial Director sa Negros Oriental, na imbestigahan at parusahan sina Gacal, Buencamino, at iba pang mga elemento ng 11th IB.

“Mabuti na lamang, nanindigan ang dalawang prayle at kanilang kusinero na naroroon sa insidente. Itinaguyod nila ang integridad pantao at di sila nagpatakot sa terorismo ng estado,” sabi ni Abarrientos.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: