Panlilinlang ni GMA sa datos ng VAT sa Sona, nabunyag


Mary Rose Retrita

MAPANLINLANG ang datos hinggil sa VAT (Value-Added Tax) na binanggit ni Pangulong Arroyo sa kanyang Sona (State Of the Nation Address), ayon kay Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño.

Sa Sona noong Hulyo 28, sinabi ni Arroyo na mayayamang pamilyang Pilipino ang kalakhan ng binubuwisan ng VAT.

Pero ibinunyag ng mga opisyal ng DOF (Department of Finance) sa pagdinig ng House Ways and Means Committee, na ang mga pamilyang tinutukoy ni Arroyo sa kanyang Sona ay yaong mga kumikita ng P80,000 pataas kada taon, o P6,666 lamang kada buwan.

Gayunpaman, nilinaw ng DOF na hindi sa kanila nanggaling ang mga datos na ginamit ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Gamit ang mga datos na nagmula sa Land Transportation Office, inihayag ni Casiño na sa katunayan, ang mga kotse at SUV na pagmamay-ari ng pamilyang mayayaman ay 16% lamang ng kabuuang bilang ng mga sasakyan.

Umano’y mas kakaunti ang binabayaran ng mga ito na VAT sa langis kumpara sa mahihirap na pamilya na gumagamit ng mga motorsiklo at traysikel (47.9%), mga pampublikong sasakyan (29%), mga trak (5.1%), at mga bus (0.5%).

Ipinahayag pa ng mga opisyal ng Meralco na ang mayayamang pamilya na kumokonsumo ng 1000KwH kada buwan ay 1% lamang ng mga kabuuang kumokonsumo ng kuryente.

Binubuo naman ng mas malaking bilang ng mga mamamayan ang kumokonsumo ng mas mababa dito (98.9%).

Kaya iginiit ni Casiño ang kagyat na pagtanggal sa VAT na umano’y ikinadurusa ng mayorya o ng mahihirap na Pilipino.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: