1 M pirma para sa dagdag-na-sahod, pagtanggal sa VAT, inilunsad ng Kristiyanong kabataan


Rodalyn Capilo

NANGANGALAP ng isang milyong pirma ng pagsuporta sa P125-dagdag-sahod at pagbasura sa VAT (Value-Added Tax) ang SCMP (Student Christian Movement of the Philippines), organisayon ng progresibong Kristiyanong kabataan.

“Magsisilbing pantulak ito sa pambansang kampanya laban sa kahirapan at krisis sa lipunan,” ayon kay Biyaya Quizon, tagapangulo ng SCMP.

Nagtayo ang SCMP ng desk sa harap ng simbahan ng Quiapo sa Maynila, upang hikayatin ang mga estudyante, mga palasimba, manggagawa, mga nagtitinda at mga dumadaan upang lumagda sa manifesto.

“Ngayon higit kailanman, kinakailangan ang dagdag-sahod. Ipinahahayag namin ang aming matinding pagkadismaya sa pahayag ng Malakanyang na hindi na mapapahintulutan ang panibagong pagtataas ng suweldo ngayong taon, habang ang mga mamamayan ay naghihirap araw-araw dahil sa tumitinding krisis,” dagdag pa ni Quizon.

Ayon pa kay Quizon, ipapadala sa Kamara at Senado ang mga pirma upang mapresyur ito na isulong ang panukalang batas sa P125 dagdag-sahod at pagbasura sa batas sa VAT.

Kinumpirma ng SCMP na humihingi sila ng tulong sa sa CBCP (Catholic Bishop Conference of the Philippines) sa pangangalap ng pirma sa mga parokya nito. Hiniling kamakailan ng CBCP sa gobyerno ang pagrepaso sa VAT.

Samantala, hinihikayat ng National Executive Committee ng Katipunan ng Kristiyanong Kabataan sa Pilipinas ang mga miyembro ng simbahang nagpoprotesta na sumuporta sa signature campaign sa pamamagitan ng paglagda sa manifesto na ipadadala sa lahat ng simbahan sa bansa.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: