Presyo ng bigas tumaas ng 100% sa ilalim ni GMA


Soliman A. Santos

TUMAAS ng 100% ang presyo ng bigas simula nang manungkulan si Pangulong Arroyo noong 2001.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Liza Maza, P17 ang kada kilo ng bigas nang unang magbigay ng Sona (State of the Nation Address) si Arroyo. Sa ngayon, umaabot na sa P34 hanggang P36 ang kada kilo nito.

Binatikos pa ni Maza ang National Food Authority sa pag-anunsiyo nito na lilimitahan pa ang akses sa murang bigas-NFA sa Setyembre.

“Paano pa makakaangkop ang mga mamamayan sa walang katapusang pagtaas ng presyo ng bigas, langis at iba pang batayang bilihin?” ani Maza.

Ayon pa sa kongresista, pabulusok ang takbo ng ekonomiya mula ng maupo si Arroyo noong 2001. Ang presyo ng gasolina at krudo noong Enero 2001 ay P16.56 at P13.82.

Sa ngayon, tinatayang 400% ang itinaas nito sa halagang P62 (gasolina) at P58 (krudo).

“Pitong taon ang nakaraan, ang daily cost of living ng isang pamilyang may anim na miyembro ay nasa P420, umabot na ito sa P894,” sabi ni Maza.

Dahil dito, sinisisi ng Gabriela Women’s Party sa liderato ni Arroyo ang malawakang kagutuman at kahirapan.

Kasama ng iba pang progresibong kinatawan ng party-list, nakatakdang magboykot si Maza sa Sona ni Arroyo na umano’y magiging “litanya ng kasinungalingan at parada ng mga pekeng paglago ng ekonomiya.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: