Natutulog sa kangkungan


Atty. Remigio Saladero

DAPAT lamang na matapos ang isang labor case sa pinakamadaling panahon. Ito ang sinasabi ng batas. Upang makamit ito, may takdang panahon para i-apela ang mga desisyon. Kapag lumampas ang panahong ito at hindi mo nagawa ang iyong apela, tapos ang laban. Magiging pinal na ang desisyon at wala ka nang magagawa kungdi ang tanggapin ito.

Nangyari ang ganitong sitwasyon sa kasong “Nationwide Security and Allied Services, Inc. vs. The Court of Appeals, et. al.” , G.R. No. 155844, na dinesisyunan ng Korte Suprema noong Hulyo 14, 2008.

Sa nasabing kaso, nagsampa ng reklamo ang mga security guard laban sa kanilang kompanya sa tanggapan ng Labor Arbiter . Naglabas ng desisyon ang Labor Arbiter na dapat bayaran ng kompanya ng separation pay ang mga guwardiya.

Nag-apela ang kompanya sa NLRC (National Labor Relations Commision). Pinawalang bisa naman ng NLRC ang apela sa dahilang huli na nang ito ay mai-file ng kompanya. Umakyat ang kompanya sa Court of Appeals ngunit ganoon pa rin ang hatol. Napilitang dalhin ng kompanya sa Korte Suprema ang kaso bilang huling hirit.

Kinatigan ng Korte Suprema ang mga security guard at sinabing tama ang NLRC at Court of Appeals.

Maliwanag sa Art. 229 ng Labor Code na ang gustong mag-apela laban sa desisyon o hatol ng isang Labor Arbiter ay may sampung (10) araw mula sa pagkatanggap ng desisyon para gawin ito. Kung hindi magawa sa nasabing panahon ang apela, magiging pinal ang desisyon.

Ganoon din ang sinasabi sa NLRC Rules of Procedure. Sampung araw lamang ang binibigay para i-apela ang desisyon. Hindi ito maaring ipa-extend at anumang motion na humihingi ng extension ay ibabasura.

Sa kaso ng mga security guard, natanggap ng kompanya ang desisyon noong Hulyo 16. Isinumite ng kompanya ang kanyang apela noong Hulyo 29. Ayon sa batas, dapat ay isinumite ito ng kompanya sampung araw (10) mula ng matanggap nito ang desisyon na dapat ay nong Hulyo 26. Malinaw na nahuli ng tatlong (3) araw ang apela ng kompanya, sabi ng Korte Suprema.

Dapat lamang na mahigpit na sundin ang taning na binibigay ng batas tungkol sa panahon ng pag-aapela. Kailangan ito para tumakbo ng maayos ang ating sistema ng hustisya, paliwanag ng Korte Suprema. Kaya, dapat lamang ibasura ang apela ng kompanya.

Kaya kung sakaling kayo ay may labor case at malapit nang hatulan ang kaso ninyo, maging mapagmatyag. Huwag matulog sa kangkungan. Tiyaking nakikipag-ugnayan kayo sa inyong abogado upang magawa niya ang inyong apela sa oras. Kung hindi, baka matulad kayo sa kompanya sa pinag-usapan nating kaso.

Advertisements

One Response to “Natutulog sa kangkungan”

  1. caballero buddy Says:

    sir talagang patulog tulog sa pansitan ang nationwide security & allied inc. sa pag aari ng matandang romeo nolasco hindi nagpapashod sa emb detachment ng 2 buwan na pag oras ng sahod wala daw sya at nagtatago sa kwarto at tkot na tkot sa gwardiyang d nya pnapasahod kumag tlga yan! d na naawa sa mga gwardiya nya na alam nya na may mga pamilya na binubuhay. kung gusto nyo malaman tawagan nyo sa tel. no. 5349211 at naka hang pa yan pag oras na ng sahod. delaying tactics nila yan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: