Para kontrahin ang VAT, boykot sa remitans pinanawagan ng migrante


Soliman A. Santos

MULING ipapanawagan ng Migrante-Middle East ang kampanyang “zero remmittance day” kung babalewalain ng administrasyong Arroyo ang panawagan ng taumbayan na alisin na ang VAT (value added tax) sa produktong petrolyo.

“Ang pinakaposibleng magagawa ng gobyernong Arroyo para kahit paano’y mapabuti ang kalagayan ng taumbayan ay tanggalin ang VAT sa langis, subalit kung hindi ito gagawin ng gobyerno, mananawagan kami ng “zero remmittance day”, ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME.

Sinabi ni Montenora na ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay naagpapataas rin sa presyo ng mga batayang bilihin na nagpapahirap sa mga manggagawa, magsasaka at mga maralita.

Idinagdag ni Monterona na kahit ang mga overseas Filipino worker ay hindi ligtas sa epekto ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil humihingi ng dagdag na padala ang kanilang mga pamilya.

Lehitimo din lamang umano na hilingin nilang alisin ang mga kinakaltas sa kanilang remitans para makatikim sila ng kahit kaunting ginhawa.

Babantayan umano ng Migrante kung papakinggan ng gobyernong Arroyo ang panawagang tanggalin ang VAT sa langis, kung hindi, ipananawagan nila ang “zero remmittnace day” sa iba’t ibang panig ng mundo.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: