Silip sa likod ng “Kidnap” ng ABS-CBN


Silip sa likod ng “Kidnap” ng ABS-CBN

Inabangan ko ang “Kidnap” presentation ng ABS-CBN kagabi, at umasa ako na may masisilip tayong mga bagong impormasyon sa naturang dokumentaryo na maghahatid sa pagkakalutas ng “kaso” at “pagkakahuli” sa mga “kidnaper” ng grupo nina Ces Drilon, Angelo Valderama at Jimmy Encarnacion.

Matatandaang ang grupo nila ay “nakidnap” bago pa man bumisita si “Frank”. Ang pangyayari ay hinarap ng buong industriya ng midya ng buong ingat, dahil na rin sa concern sa buhay ng tatlo, at hindi pa dahil sa politikang naglalaro sa likod ng naturang pangyayari. After all, hindi ganun kalaya ang pamamahayag sa bansang ito, to the point na, ang mga media personality ay nagkakasya sa pagtingin sa mga “pangyayari” bilang simpleng “pangyayari”, disregarding the fact, na may mga dahilan kung bakit nangyari ang naturang “pangyayari”, at may mga nagpapakilos para mangyari ang mga naturang “pangyayari.”

Anyway.

Disappointed ako sa napanood ko.

Ang “Kidnap” ay isang tele-dramang tinubog sa dokumentaryong mala-Eye Witness Account. Bagamat kauna-unawa naman ito dahil ang naging pangunahing layunin ng “Kidnap” ay maipakita ang ordeal ng tatlo sa pinaka-delikadong oras ng kanilang personal na buhay (hindi buhay-media). Ang layuning ito ay umiikot sa batas ng “esklusibistang” praktika sa daigdig ng komersyal na midya sa Pilipinas. Ang “esklusibistang” praktikang ito ang siya ring nagtulak sa grupo nina Ces sa kapahamakan.

Nasabi kong tele-drama ito, dahil na rin sa pag-employ nila ng “re-enactment” (in fairness to the ABS-CBN Current Affairs Team, di naman ito masama, actually, ginagawa din ito ng ibang mga dokumentarista sa ibang bansa at maging dito sa lokal) nang walang sustenidong paglalagay ng mga paunawa na ito’y re-enactment lamang (ito lang ang masama, kasi masasabing isang porma ito ng pag-mislead sa mga viewers), dun sa mga video clips na kinuha sa performances ng mga actor na gumanap bilang sina Ces at ang mga “kidnaper” nila. Tapos sa bandang hulihan ng palabas, ay ipi-play nila ang ilang clips na may nakalagay na paunawang “Actual Video Footages”. Sa mga susunod na eksena ay makikitang nagpapaliwanag si Bb. Maria Ressa na ang mga shots na yaon ay malikhaing kuha ni Jimmy Encarnacion. Sa katapusan ay makikita ang mga pangalan ng gumanap na kidnaper (bagamat “kidnappers” lang ang nakasulat at walang “as” sa unahan nito.

Fine. Pagpupugay kay Jimmy. Now that’s one brave media worker. At dapat lang talaga siyang parangalan at papurihan. Siya lang sa tatlo ang talagang naging media personality sa gitna ng mga pangyayaring iyon. Ang dalawa (Ces at Angelo) ay naging purong bihag lamang.

Pero nabawasan ang legitimacy ng mga video clips dahil sa pagkakahalo nito sa mga “re-enacted scene” na walang paunawa na ito’y mga re-enacted scene lamang. Nakadagdag sa pagkabawas ng legitimacy ng video footages ang pagpapablur nito sa mukha ng isang taong nakunan ni Jimmy (umano) sa isang eksena (yung nakaupong nilalang). Now that’s not Jimmy’s fault. Alam nating lahat na wala siyang kapangyarihang mag-censor sa loob ng naturang network.

Mas tumingkad ang pagiging teledrama ng “Kidnap” nang kapansin-pansing “mawala” sa eksena si Propesor Dinampo. Apat silang bihag, pero bakit ang tatlo lang ang sinentruhan ng dokumentaryo? Now this point runs against a popular claim that our media is objective. And this point shatters the very title of the documentary: kidnap.

Ang napili nilang titulo ay ang popular na tawag sa ginawa sa kanila ng mga kidnaper. Pero wala silang naisingit na sariling pananaw o analisasyon man lamang sa kanilang mga captors (maliban sa claim ni Ressa sa isang bahagi ng palabas na matalino daw ang mga kumidnap sa kanila, which is being equated by others bilang isang porma ng pahayag na nagsasabing hindi ASG ang mga kumidnap sa grupo nina Ces). Mas angkop pa nga sigurong gamitin ang “hostage” pero, with that, kailangan pa rin nilang isama sa daloy ng kwento si PropesorDinampo.

Which brings me to the documentary’s objective.  Sabi nila, “this is a documentary about recklessness and violence, about spirits that will not be broken by the barrel of a gun, about brotherhood, about family, about choices, about fear, and about just what it means to have courage.”  Walang objective.  Pure drama.  Or maybe, baka nalilimitahan sila ng reyalidad na nasa korte na ang usapin kung kaya limitado na rin ang maihhayag pa nila sa publiko.

Yet Still, they should have a specific objective.

At dito maaaring pumasok ang usapin ng komersyalisasyon ng midya.  Bakit ka magsaslita kung mwala ka namang ibang sasabihin?  Bakit?

Dahil may Advertiser.  Dahil may labanan sa ratings.  Period.

(2:24pm).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: