Editorial Cartoon: Stopping the Fire


Here’s one reason for the AFP to link the environmental groups to the NPA.  Hehehehe…  Hay naku, pag di nila mahabol ang NPA, ang mga insente ang pagbabalingan.  Tsk!

Advertisements

4 Responses to “Editorial Cartoon: Stopping the Fire”

  1. VerPo Says:

    alam mo… gawain rin yan ng pnp.. hehe.. hanap damay eh…

    serious na, alam mo napaka-unfair ng CHR, pag mga kriminal ang napapatay sinasabi na human rights violation, pag mga journalist, reporter, sinasabi judicial killings, kung anu-ano pa….

    pero bakit pag ang mga sundalo at kapulisan ang namamatay, wala lang..

    kapag ang mga marines, cafgu, swat ang namamatay dahil sa pagtatanggol at pagpapanatili ng kaayusan ng bayan natin, wala lang…

    ng mga marines, army, etc. na walang awang pinagpupugutan ng ulo, pinagpupugutan ng kwan at walang awang patay na dinodouble dead pa, wala lang… ang mga sundalo na lumulusob sa mapanganib na lugar gamit ay mga pasong armas panggiyera, mga hindi gumaganang pampasabog. Mga sundalo na nagpapakabayani maging maayos lang ang bayan…

    bakit wala man lang marinig na kung anong maganda sa mga CHR?!

    bakit sa mga kriminal, journalist, npa, etc… lang ba applicable ang human rights?!

    just thinking aloud.

    barangayrp, lam mo masyado akong napapaaway sa mga thinking aloud ko, buti na lang dito open-minded ka.. hehehe…

    dito na nga lang ako tatambay para, walang gulo… 🙂

    barangayrp:

    verpo, buti naman at dito ka na napapatambay hehehe… at least may isang magandang tsikadora dito wehehe…

    1. sa biglang tingin ay masasabing unfair nga ang CHR. Considering your points, mapapatanong nga ang simpleng tao. Bakit nga ba?

    2. Kasi…
    > Ang sundalo, ang CAFGU, ang PNP at iba pang katulad nila ay mga pwersa ng estado. Kapag suot nila ang uniporme nila at nakakapag-commit sila ng violation habang nasa duty, sila ay hindi mga simpleng mamamayan. Sila ay pwersa ng estado. Ang estado, ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Siya ang kumokontrol sa mga armadong pwersang ito, idagdag pa ang mga batas na ipinapatupad niya, sa pangkalahatang antas.
    > Sa ganitong konteksto, lumilitaw na vulnerable ang simpleng mamamayan dahil wala silang katulad na poder ng sa estado, lalo na pag dumating na sa puntong may nagaganap nang abuso (marahas man o hindi) ang mga nabanggit laban sa mga sibilyan.
    > Kaya dito pumapasok ang CHR. Trabaho niyang bantayan ang karapatan ng bawat mamamayan. Trabaho niyang bantayan ang anumang abusong lilitaw sa hanay ng estado laban sa sarili nitong mamamayan. Ngayon, kung ganito natin titingnan (ang sandatahang lakas, pulisya atbpa ay pwersa ng estado), mauunawaan natin na hindi unfair ang CHR. Syempre, ibang usapin na kung naging biktima naman ang sundalo o mga katulad niya ng human rights violation, kailangan ding manindigan ng CHR dito (which I think is… ginagawa nila, in fact may mga cases din silang inaydentipay na mga rebelde naman ang perpetrators lalo na ang mga kaso sa mindanaw laban sa mga asg). At pag kailangan, ang mga sundalo na mismo ang dapat na manindigan, tulad ng ginawa ng hanay nina Trillanes.
    > Sa mga human rights abuses naman sa gitna ng digma, dito pumapasok ang mga pandaigdigang kasunduan hinggil sa makataong pakikidigma. Hindi naman talaga maiiwasang magreact ng CHR in favor sa ilang NPA na nabibiktima ng ilang sundalo o pulis lalo pa’t wala na silang kapasidad na lumaban (di-armado o may tama), dahil sila’y mga Pilipino pa rin naman, at kung gayon ay mamamayang nasasakupan pa rin ng estadong nangingibabaw. At wala pang napapabalitang abuses ang NPA laban sa sugatang sundalo o sa kanilang mga prisoners of war (kung meron eh ako ang isa sa mangungunang bumatikos — syempre susuriin ko muna kung totoo ang mga datos), lalo pa’t nitong mga nakaraang araw eh, lahat ng niri-release nilang POW ay pawang mga malulusog at walang bakas ng pisikal o mental na abuso, kumpara sa mga kagawad ng mga rebelde na mismong midya na ang nag-uulat na may mga bakas ng bugbog o iba pang pisikal na abuso.
    > Samantala kung lehitimong engkwentro naman ang dahilan ng kamatayan ng NPA, sundalo at pulis, e wala naman talagang dapat ipagreklamo. E bahagi na yun ng kanilang buhay kasi. Ganun din naman sa mga NPA at iba pang rebeldeng grupo, pumuputok lang sa midya ang kanilang reklamo kung sa palagay nila e linabag ng kanilang kalaban ang karapatan ng kanilang mandirigma o kasama.
    > hinggil naman sa mga kriminal, ang pagkakaalam ko, ang prinsipyo ng pulis ay hulihin ng buhay ang kriminal para maipresenta sa korte. Kung armado ang kriminal at naunang mamutok, saka lang pwedeng gumanti ng putok ang pulis. yan ang rules of engagement. hindi mamamatay-tao ang pulis. sila lang ang tagapagpatupad ng batas at kaayusan ng bayan (pag may ipapahuli ang korte o pag may reklamo ang tao, sila ang aaksyon). pero dahil hindi ganyan ang ginagawa ng mga pulis (as seen in some video footages na nahuli na’t lahat ang kriminal eh binubugbg pa — although in some cases eh pinapaburan ko sila heheheh lalo na pag rapist ang nahuhuli), hindi maiwasang mag-create ng general perspective na may negatibong kulay sa mga pulis. Lalo pa’t halos lahat na yata ng mga mahihirap (liban sa mga kaibigan, kapamilya, kakilala ng mga pulis) ay nakatikim na ng abuso mula sa kanila.

    3. Marami pang dapat na ipalaganap hinggil sa human rights. At hanggat nagbubulag-bulagan ang estado sa mga ganitng abuso, lalakas ang loob ng iilang bulok na kamatis para magkalat ng karimarimarim na krimen, at manghawa ng kabulukan sa hanay ng iilan na lang na matitinong pulis at sundalo. Pag nagkataon, at wala nang matino sa hanay ng pwersa ng estado, sino pa ang magtatanggol sa atin?

    Sana’y nakatulong ito verpo. 🙂

  2. VerPo Says:

    whew, you made a lot of typing… saludo naman ako sayo! oo, tama ka… sa Pinas walang rub out puro shoot out! kahit rub out, ito’y shoot out pa rin.

  3. VerPo Says:

    uy, lagay ka naman ng balita dito tungkol kay rudy fernandez.. hehehehe… 🙂

    barangayrp:

    hehehehe.

    kahit alam kong mas dadami ang dadalaw dito kung ilalagay ko ang balita tungkol kay daboy, i decided not to pa rin. kuntento na ak sa dami ng bisita ko rito na nakikibasa ng mga totoong balita hehehe.

    baka magalit pa sa akin yung ibang mga namatay na mahirap, kung ba’t di ko sila nalayan n balita dito wehehe…

  4. VerPo Says:

    hahahaha.. huhuhu pala, dead na si rudy eh..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: