Batas Militar, umiiral sa Negros – Karapatan


Soliman A. Santos

Parang umiiral ang Batas Militar sa Lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental simula nang dumating ang mga sundalong kabilang sa 11th I.B., 79th I.B., 78th I.B., 12th I.B., 1st Scout Ranger at 32nd Division Reconnaissance Company noong Marso 2008, ayon sa Karapatan-Negros.
Ayon sa grupo, kasamang dumating ng militarisasyon ang mga paglabag sa karapatang pantao. Inihambing pa ng Karapatan ang Oplan Bantay Laya ng gobyernong Arroyo sa Oplan Thunderbolt noong panahon ng Batas Militar.

Kamakailan lamang, idineklara ng Central Command ng Armed Forces of the Philippines ang Negros bilang erya ng kanilang “tagumpay” sa Visayas. Paniwala ng Karapatan, ipinatutupad ng AFP sa Guihulngan ang modelong ginawa ni dating Hen. Jovito Palparan sa Mindoro o kaya’y sa Bohol bilang bahagi ng kampanyang OBL.

“Ang kakaiba sa OBL ay ang polisiya nitong ituring na target ng kanilang marahas na atake ang legal na Kaliwa. Naniniwala ang OBL na para madurog ang rebeldeng New People’s Army, kailangang durugin ang legal na Kaliwa, na itinuturing ng gobyerno bilang “prenteng organisasyon ng mga komunista”, pahayag ng Karapatan.

Para umano madurog ang mga organisasyon ng magsasaka, ikinulong si Emelia Quirante, lider ng Kaugmaon-KMP sa Guihulngan, dahil sa gawa-gawang kaso. Hanggang sa kasalukuyan, nakakulong pa rin si Quirante kasama ng kanyang kapatid na si Marycris, kasapi ng Anakbayan at guro ng isang proyekto ng Unicef sa naturang lugar.

Inaresto sila ilang linggo bago ang eleksiyong 2007, na ginawa para isabotahe ang kampanya ng Bayan Muna sa Guihulngan, ayon sa Karapatan.

Sa kasalukuyan, naghahari umano ang mga militar bilang mga “administrador ng batas militar”.

Kabilang sa ipinatutupad ng mga militar ang pagtatayo ng mga detatsment sa mataong lugar, paglilihim ng pangalan ng mga sundalo, pag-uutos sa konseho ng barangay na magdaos ng mga pulong kontra-komunismo, pang-iintriga at malisyosong paratang sa mga organisasyon ng mga magsasaka, pagpapakuha ng sedula kahit sa mga 15-17 taong gulang, pagpapatawag sa mga residente nang walang kaukulang papel at pagrerekrut ng mga residente sa Cafgu at Barangay Defense System.(PinoyWeekly)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: