AFP ’di makatao sa rebeldeng heneral –Biazon


Ilang-Ilang Quijano

HINDI pinayagan si Hen. Renato Miranda, nanguna sa standoff ng mga rebeldeng sundalo sa Philippine Marines noong 2006, na makapiling ang kanyang asawa na sumailalim sa operasyon para sa breast cancer kamakailan.

Ibinunyag ni Sen. Rodolfo Biazon na pinayagan ni Hen. Alexander Yano, hepe ng AFP (Armed Forces of the Philippines), si Miranda na makapiling ang asawang si Delia sa mismong operasyon at sa buong panahon ng pagpapagaling nito.

Ngunit bigla umanong binaligtad ang utos ni Yano. Nakapiling lamang ni Miranda ang asawa tatlongaraw matapos ang operasyon. Ibinalik siya sa piitan sa Intelligence Services ng AFP pagkaraan ng apat na oras.

“Bakit hindi pinagbigyan ang makataong hiling na ito ni Miranda sa kabila ng kanyang pagiging inosente hanggang mapatunayang maysala?” ani Biazon.

Nahaharap si Miranda sa mga kasong Mutiny and Sedition at Conduct Unbecoming of An Officer and A Gentleman dahil sa pagbawi ng suporta sa gobyernong Arroyo sa kasagsagan ng kontrobersiyang “Hello Garci”.(PinoyWeekly)

2 Responses to “AFP ’di makatao sa rebeldeng heneral –Biazon”

  1. VerPo Says:

    bad trip to… anak ako ng sundalo kaya masakit sa akin na hindi mo man lang kayang suportahan ang kapwa mo sundalo…

    nag-iisip ako ano kaya mangyayari kay gma kung magkaisa ang mga militar sa pagbuo ng military junta! astig siguro yun?! pero, sa panahong yon, retired na papa ko…

    barangayrp:

    hmmm… dapat pala ngayon na hehehehe…. 😀

  2. VerPo Says:

    ayoko magkaron ng military junta kasi baka magaya ang pinas sa argentina at baka maging evita peron si GMA…

    barangayrp:

    pag nagkataon e kakanta tayo ng “Don’t cry for me Pilipina….s” 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: