Looking for Randy Malayao: Guilders Exchange (2)


–> …sa mga aral,pagmulat at pakikibaka na ipinunla ni randy sa akin mismo…(at sa lahat ng kasama…) paano isantabi ang isang RANDY MALAYAO?
Laban mo RANDY, laban nating lahat…
On behalf ng MIGRANTE ABU DHABI, dito a U.A.E. ………… ……… ……… ..M A P A G P A L A Y A N G    P A K I K I B A K A!
This coming Fri. magkakaroon kami ng pag pulong at isama namin sa Agenda ito, dito may mga CEGP Alumni na naka base dito na sa UAE dati, hindi masyadong active pero batch natin sila sa 90s at mostly nakahalubilo nila si randy.whatever mapagkaisahan naming ambagan at taos pusong tulong, kay Jaz ko na rin ipaparating.
sulong
—– rose
==================================
Sino ang makakalimot sa isang Randy Malayao, I first met Randy in UP Miag-ao.We then organized CEGP- Capiz Chapter .Hindi nag kulang ang isang Randy Malayao sa supportang binigay nya sa akin habang pinamumunuan ko ang Capiz Chapter. Kasama sina Jonel Cabais, Toto Deduro , Joel Maghopoy at CEGP Capiz Chapter 90-94 nakikiisa kami sa supportang kailangan ibigay para kay Randy. On behalf of CEGP Alumni here in London please tell Randy na buo ang paniniwala at suportang ibibigay namin sa kanya. MABUHAY KA RANDY !
—–bernadette macato
==================================

Mabuti nabanggit ni Ruzanne na naglilinis ng bahay nila noong inampon nila si Randy.

Ngayong “ampon” ng pasistang rehimeng Arroyo sa Cagayan Provincial Jail si Randy, hindi maiiwasang may mga katulad na ganito hinggil sa kanya.

Una, request ni Randy sa mga bumibisita sa kanya na magdala ng panlinis ng banyo.  Brushes, sabon, clorox ang gusto ni kuya na dalhin sa kanya.  Plano pa yatang magbuo ng committee system si Randy para mapanatiling malinis ang banyo matapos niyang linisin ito.

Request din ni Randy ang maraming reading materials.  Matatandaang walang makauna kay Randy sa dyaryo ng CEGP national HQ.  Pagkatapos niya sa dyaryo, nauna na siyang kargado ng impormasyon kesa mga natutulog pang mga kasama–tulad ni Lahlee Taguba at Nigel Rances.  Balita ko, suportado ng jail guards ang pagdadala ng maraming babasahin kay Randy dahil malapit niya nang umpisahan ang records ng iba pang inmates sa CPJ.

Request din ni Randy ng mp3 player.  Siyempre kailangang may laman na ng mga kanta dahil saan naman siya makikilagay ng mga kanta sa kulungan?  Sa mga jailguards?  E baka “My Way” lang makuha niya or, worst, “Bawal na Gamot” ni Willy Garte na minsan ay kinanta ni Teddy.  Mainam kung yung powered ng 3A batteries at may radyo.  Magkakasinat si Randy kung hindi makakarinig ng balita.

Napapakamot daw ng ulo ang BJMP kay Randy.  Record-breaking daw ang dami ng mga bisita niya.  (Syempre, iba ang bisita ng CEGP colleagues.  Hindi ubrang dahil maraming bumibisita sa kanya ay ipagpaliban pa ang planong bisita sa kanya mula Maynila.)

—– raymund v

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: