Looking for Randy Malayao (6)


Guilders,
Ito ang nangyari ngayong araw, pang-apat na araw ng paghahanap natin kay Randy:
Dumating ngayong madaling araw ang panganay nina Randy na si former San Pablo (Isabela) councilor Isidro (Manong Dodo) Malayao para sa prescon at search.
Alas diyes y media ng umaga, inumpisahan na ang presscon sa Bayan conference room na inorganisa ng Desaperacidos at Karapatan.  Kumayod dito si Ruth Cervantes at mga kasama sa HR.  Dumating si Teddy, Mrs Editha Burgos, JL Burgos, ibang mga guilders tulad nina Len Olea, Vince Borneo, Dabeth Castaneda atbp.  Naroroon din ang Lakbay CV na walang pagod na tumutulong simula pa lamang noong biyernes nang una nating nabalitaan ang pagkawala ni Randy.  Si Dr Carol Araullo, sampu ng Bayan ay buong-buo ang suporta at naroon sila hanggang matapos ang prescon ng tanghali. Bagaman andun ang mga pinakamalalaking diyaryo, channel 5 at DZMM, wala ang channels 2 at seven.
Lumabas naman agad sa MM at kung igoogle niyo, marami-rami na ang lalabas.  Karamihan ay gamit nila ang statement na inihabol ng CEGP national para sa prescon. (May congress sila ngayon sa Davao.)
Kasama ang Desaperacidos, Karapatan, Lakbay CV at si Manong Dodo, inikot namin ang ABC (Camps Aguinaldo, Bonifacio at Crame).  Nagsumite kami ng letters of inquiry sa opisina ng Chief PNP, Chief of Staff-AFP at Commanding Gen ng PA.  Sinubukan naming mag-iwan ng larawan ni Randy sa mga alam nating holding areas ng mga victims of abduction ng state forces.
Pagkatapos ay pinuntahan namin ang restaurant kung saan huling nakita si Randy ng kanyang mga kaibigan noong Hwebes ng gabi.  Kinausap natin ang manager ng establishment gayun din ang kalapit na gas station.  Nangako naman sila na tatawag sa Karapatan office kung makausap na nila ang mga naka-duty nilang personnel noong gabing yun.  (Bagaman sa unang pag-iikot pa lang, nasabi na ng gwardiya ng resto sa Lakbay CV na namumukhaan nga niya si Randy).
Binaybay namin mula resto hanggang sa lugar kung saan huling nag-text si Randy na kanyang nilulugaran (Rosario, Pasig City).  Nagpa-blotter tayo sa istasyon ng Eastern Police District na nandun mismo sa barangay na yun.
Ang pagsulat sa mga kampo at pagpapa-blotter ay maaring rekisito sa plano nating paghingi ng Writ of Amparo sa korte sa lalong madaling panahon.
Hindi dumating ang inaasahang abogado na kakausapin ng Karapatan na gagawa ng petisyon.  (Isa itong kahinaan kasi kulang na kulang tayo sa mga abogadong kagyat na makakatugon sa ating mga panawagan sa mga kasong tulad nito.)
Pagdating ng gabi, nagsuma at nagtasa ang search committee at nagplano hanggang bukas ng mga gagawin.
Samantala, walang tigil rin ang mga efforts ng pamilya at kaibigan sa probinsya.  Ika nga natin sa prescon, hindi ordinaryong pamilya sina Randy sa aming probinsiya.  Inaasahan natin ang tulong ng mga kamag-anak at kaibigan sa paghahanap.  Sana ay may magandang balita sa bahaging ito bukas o sa hinaharap. Ipaparating natin dito kung anuman.
Mga mungkahi:  Ang bawat rehiyon, lalo na yung may mga nakatrabaho si Randy ay magbuo na ng komite.  Magplano na ng prop actions, magsumite ng mga petisyon, maglabas ng mga pahayag, atbp.  May dalawa na ritong nagsabing mag-aambag ng pinansiya (kanina lamang ay medyo hirap na sa gasolina at ibang gastos at sasakyan.) itutuloy namin nina presto ang pagkikita bukas at mas malaking pagkikita ang mangyayari sa Miyerkules.  Nag-usap na kami ni Karen Faith Villaprudente at Toto Deduro para sa West Vis tru internet at phone.  (Wala pang balita sa Beta Sigma).
Kung ililihim man ng militar na hawak nila si Randy o ililitaw nila, kailangan pa rin nating magbuo ng mga ganito.  kahit pa ang panawagan ay “Surface!”, “Free!” or “Justice!”  (Hindi lang naman si Randy ang dapat suportahan nito.  Marami namang Guilders ang nahaharap sa ganitong peligro at may mga martir na nga tayo.)
MAG-INGAY! KUMILOS!

Salamat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: