Archive for October 21st, 2008

New CPAs of 2008 (J)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
1206 JABINES, TWILIGHT JEDIDIAH ROA
1207 JACOB, ALEXIS JR RASCO
1208 JAEN, ALVIN REY DOCEJO
1209 JALECO, CARMELA ANNE ALGAS
1210 JALOP, GLACELY LAURINO
1211 JAMODIONG, ELLEN AÑASCO
1212 JANABAJAL, EARL RAUL GONZALES
1213 JANGAD, NOWYN-HOPE ABRIOL
1214 JAO, JENNIFER VILLACATER
1215 JARAMILLO, CLARICE CARPIO
1216 JARAPAN, RYALPH VINCENT HERNANDEZ
1217 JARMONA, JULIE MAE MONGAYA
1218 JAVIER, CARLITA URBANO
1219 JAVIER, DULCE ANN SISON
1220 JAVIER, JONATHAN BIGAY
1221 JAVIER, RACHEL REYES
1222 JIMENA, FRANCO ALLAN PERALTA
1223 JOCOY, KIMBERLYNN SOCO
1224 JOMUAD, MICHAEL BECBEC
1225 JORBINA, JEANELLE DELGADO
1226 JORDA, MIGUEL QUINTAO
1227 JOSE, CINDY GRACE MANUEL
1228 JOSE, FORTUNE ERNEST SIBAYAN
1229 JOSE, MERGIELOU RABAL
1230 JOSE, SHEILA SAULOG
1231 JOVE, ROBINSON GEPILA
1232 JOVELLANOS, MARIA IVY BERNARDINO
1233 JOVEN, FRANCIS ANGELO DIZON
1234 JOVENES, JEANNIE ROSE GANI
1235 JUAN, ANNE CAROLINE MEJORADA
1236 JUAN, CECILIA BARRIAS
1237 JUAN, JUDITH OCAMPO
1238 JUAÑO, RONNIE JR ESTRELLA
1239 JUCO, KAYE MARIE SORIO
1240 JUELAR, MA JENELYN COGUIMBAL
1241 JULIA, JANE KATHLEEN HERNANDEZ
1242 JULIAN, JAMIE LORRAINE MOSO
1243 JUNI, NOEL SULTAN
1244 JUNIO, CHRISTINE PASCUA
1245 JUNIO, RACHELLE ANN ESTRADA
1246 JUNSAY, GEEZELLE VILLAVERDE

Welgang bukid sa Calabarzon ikakasa

October 21, 2008

Ilang-Ilang Quijano

MAGWEWELGA ang mga magsasaka sa iba’t ibang asyenda at plantasyon sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon mula Oktubre 12 hanggang 21 laban sa “kagutuman, militarisasyon, at globalisasyon.”

Ipinanawagan din ng mga magsasaka ang pagbabasura sa CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) at pagsasabatas ng House Bill 3059 o GARB (Genuine Agrarian Reform Bill).

Patuloy na nakokonsentra ang lupa sa kamay ng iilan sa kabila ng 20 taon implementasyon ng CARP, ayon kay Imelda Lacandazo, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan o Kasama-TK.

Pito sa 10 magsasaka ang walang sariling lupa, ayon sa pananaliksik ng grupo.

“Halimbawa, sa Batangas na lamang, kontrolado ng 91 panginoong maylupa ang 71,813 ektarya ng lupain. Sa Quezon, pag-aari ng 211 panginoong maylupa ang 561,626 ektarya ng lupain,” ani Lacandazo.

Binatikos din ng Kasama-TK ang kriminalisasyon sa lehitimong paglaban ng mga magsasaka para sa kanilang mga karapatan sa lupa. Pinakahuli ang pagsampa ng kasong arson at conspiracy to commit rebellion sa 27 lider-aktibista sa Timog Katagalugan, kabilang ang mula sa progresibong mga grupong magsasaka.

“Hinaharas at tinatakot ng militar ang mga magsasaka, lalo na sa mga lugar na may laban sa lupa,” dagdag ni Lacandazo.

Ayon sa grupo, nananatiling mahirap ang mga magsasaka dahil sa “atrasadong sistema sa agrikultura na nakadepende sa mga import at nakatuon sa mga export.”

Sa Oktubre 12, itatayo ang rehiyunal na kampo ng mga magsasaka sa Crossing sa Calamba, Laguna.

Ikakasa rin ang mga welgang bukid sa Bacoor at Silang sa Cavite; Balayan, Alaminos (Hacienda Fule), Canlubang (Hacienda Yulo), Calatagan, Nasugbu, at Lemery sa Batangas; Tanay, Morong, at Montalban sa Rizal; Gumaca, Candelaria, Catanauan, at Infanta sa Quezon.(PinoyWeekly)

2 mamamahayag sa Davao binabantaan

October 21, 2008

BINABANTAAN ang dalawang mamamahayag sa Davao na nagsiwalat ng katiwalian sa lokal na gobyerno, ulat ng NUJP (National Union of Journalists of the Philippines).

Isang linggo matapos isiwalat ni Erin Lumosbog, anchor ng “Radyo Ronda”, isang programa ng RPN-9-dxKT ang umano’y tangkang pangingikil ng P1.2 Milyon ng anim na konsehal sa isang negosyante para bigyan ng permit sa quarrying, nakatanggap siya ng death threats sa text.

Nang ibatikos din ni James Pala ng “Radyo Rapido” ang nasabing mga konsehal, nakatanggap din siya ng tatlong death threats, ayon sa NUJP.

Umano’y inimbitahan ng mga mamamahayag ang mga konsehal na ibigay ang kanilang panig sa istorya pero tumanggi ang mga ito.

“Ipinapakita ng panghaharas sa dalawang mamamahayag ng Davao ang kultura ng karahasan at korupsiyon, at ang kawalang respeto sa balanse at matapat na mamamahayag, na mamamayagpag sa corridors of power ng bansa,” ayon sa NUJP.

Pinapurihan ng grupo sina Lumosbog at Pala para sa kanilang paninindigan sa kabila ng mga pagbabanta.(PinoyWeekly)

New CPAs of 2008 (I)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
1171 IBARDALOZA, GINA BERNARDO
1172 IBASCO, DAREL DECENA
1173 IBAÑES, LLOYD ARISTOTELLE DOMINGO
1174 IBAÑEZ, JUDITH DOLAUTA
1175 IBRAHIM, AZNIA AZINETH MILLENDEZ
1176 IBRAHIM, QUR’ATUAYNE BASMAN
1177 ICARANUM, RAYLI JOHN VILLASANA
1178 ICBAN, JERGEN MENDOZA
1179 IFURUNG, ANGELINE STA CRUZ
1180 IGLESIAS, ROEL JOSEPH MAYO
1181 IGNACIO, CATHERINE DALMACIO
1182 IGNACIO, MELISSA PADILLA
1183 IGTANLOC, SHERYLL GORGONIO
1184 ILAGAN, ADRIANO ARIAS
1185 ILAO, LOIVELLE PATRICK CELLO
1186 ILIGAN, LOUIE MARK DUMAS
1187 IMBAT, CLAUDE MARK APIADO
1188 IMBAT, WINEFREDA FALLORIN
1189 IMLAT, RHEA RITA MOMLA
1190 IMMOTNA, MYLEEN GAYAMAN
1191 IMPERIAL, CHRISTINE LEGASPI
1192 IMPERIAL, KRISTEL CONTANTE
1193 IMPERIAL, MARIA FE FAITH ESCALONA
1194 INFANTADO, JESILEE PAGUIA
1195 INFANTADO, MA CRISTINA TIOPENGCO
1196 INFANTADO, ROY HERNANDEZ
1197 INGAT, EMILYN PIDAMATO
1198 INOCENCIO, CHRISTINE ERIKA MALDO
1199 INOCENO, JANET ROXAS
1200 ISIO, RHOSEL ATIENZA
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 26 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

1201 ISLA, ARTHUR LUCERO
1202 ISLA, ROLANDO JR ASIS
1203 ISLA, SHARLYN GRACE NG
1204 ISSAKA, MARIANE JAY VELASQUEZ
1205 IT-IT, SHEREE MAE BENDANILLO

Bilanggong pulitikal nadismaya sa pagpapalaya kay Teehankee

October 21, 2008

MULA sa Camp Crame Custodial Center, inihayag ng bilanggong pulitikal na si Elizabeth Principe ang pagkadismaya sa pagbigay ng executive clemency ni Pangulong Arroyo kay Claudio Teehankee Jr.

“Baligtad talaga ang gobyerno. Ang mga taong inialay ang kanilang buhay sa masa, nabubulok sa piitan habang ang mayayamang kriminal ay pinalalaya,” (This is an upside down government. Those people who offer their lives to the masses are suffering to rot in jail yet the wealthy criminals can walk as free men) ani Principe, konsultant ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines).

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagpatay ng 16-anyos na si Maureen Hultman, nakalaya si Teehankee ngayong linggo matapos lamang ang 14 taon sa National Bilibid Prison.

Hinamon naman ni Donato Continente, tagapagsalita ng Selda (Society of Ex-Detainees against Detention and for Amnesty), si Arroyo na palayain din ang 225 bilanggong pulitikal.

Binilanggo sa ilalim ng gobyernong Arroyo ang 198 sa mga ito.

Siningil din ni Continente si Arroyo sa kabiguan nitong palayain ang mga bilanggong pulitikal sa ilalim ng Second Oslo joint statement na pinirmahan ng gobyerno at ng NDFP noong Abril 3, 2004.

Ayon sa Karapatan, sa 31 bilanggong pulitikal na inaprubahan para palayain, pito lamang ang pinakawalan ng gobyerno sa bisa ng usapang pangkapayapaan sa NDFP.(PinoyWeekly)

Mula US hanggang RP: Krisis sa balikat ng bayan

October 21, 2008

Ilang-Ilang D. Quijano

KAHIT ipinasa ng Kongreso ng US ang $700 Bilyong piyansa para sa nagbagsakang higanteng mga bangko at institusyong pampinansiya sa US, naniniwala ang mga eksperto sa ekonomiya na magtatagal ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Isinalba, pansamantala, ang mga “haligi ng kapitalismo.” Pero pinangangambahang magdurusa – sa kagyat at pangmatagalan – ang mga mamamayan hindi lamang ng US kundi ng mundo, kabilang ng Pilipinas.

Pinuri ni Pang. Arroyo ang bailout o Emergency Economic Stabilization Act of 2008 na pinirmahan ni US Pres. George W. Bush noong Oktubre 3. Aniya’y unang hakbang ito sa “mahabang daan” patungo sa pagnormalisa ng mga merkadong pinansiyal. Inudyok niya ang mga mamamayan na “manatili sa landas” habang inaasikaso ng kanyang administrasyon ang mga hakbang para mapangalagaan ang ekonomiya ng bansa.

Pero hindi nagiging matapat ang administrasyong Arroyo sa mga epekto sa mga mamamayan ng tinataguriang “pinakamatinding krisis ng sistemang kapitalismo” sa loob ng 80 taon. Ang inilatag ding mga plano ng kanyang pangkat pang-ekonomiya ay hindi batayang mga repormang pang-ekonomiya, kundi “mala-Bush” na mga solusyong ikalulugi ng mga mamamayan para sa ganansiya ng mga dati nang nakikinabang sa sistema.

Nawala ‘na parang bula’

Positibo si Sek. Margarito Teves ng DoF (Department of Finance) na makatutulong ang bailout para maiwasan ang pandaigdigang resesyon na pinangangambahan maging ng IMF (International Monetary Fund). Ayon sa IMF, may 25 porsiyentong tsansa na bumaba sa tatlong porsiyento ang tantos ng paglago (growth rate) ng pandaigdigang ekonomiya sa 2008 at 2009 o katumbas ng resesyon.

Gayunpaman, ayon kay Paul Quintos, ekonomista at executive director ng Eiler (Ecumenical Institute for Labor Education and Research), pumasok man sa pandaigdigang resesyon o hindi, tiyak ang “pagbagal ng produksiyon, paglaki ng disempleyo, pagtumal ng pamilihan, at pagtindi ng kahirapan ng mga mamamayan.”

Dulot ang pagkabangkarote ng tatlo sa limang pinakamalaking bangko sa pamumuhunan – Bear Stearns, Lehman Brothers, at Merrill Lynch – ng pagputok ng artipisyal na bula sa real estate. Para lumobo ang halaga ng pag-aaring pampinansiya ng US at makapag-engganyo ng pagkonsumo, nag-alok ang malalaking bangko ng US ng mababang interes sa mga pautang sa pabahay. Inengganyong mangutang maging ang maliliit lamang ang kita batay sa pinalobong halaga ng isinanglang mga bahay nila (tinatawag na subprime mortgages). Pero nakapako naman ang sahod kaya’t nabigong makapagbayad ang karamihan simula noong 2006.

Unti-unting nalugi ang mga bangko at institusyong pampinansiya di lamang sa US kundi sa buong daigdig na sumugal sa di-kontroladong ispekulasyon. Noong Setyembre 30, naganap sa 30 bansa ang pinakamatarik na pagbagsak ng stock market sa kasaysayan. Sa tantiya ng IMF, aabot sa US$ 945-B ang halaga ng pagkalugi at pagbagsak ng halaga ng mga pag-aari sa US (asset write-downs). Sa iba pang pagtantiya, ayon kay Quintos, maaaring umabot sa $30 Trilyon ang kabuuang halagang “mawawala nang parang bula” sa buong daigdig dahil sa yumanig na krisis.

Malawakang tanggalan

Pagyayabang noong una ni Nestor Espenilla, deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, di-gaanong apektado sa krisis ang lokal na merkadong pinansiyal. Umano’y isang porsiyento lamang ng buong sistema ng pagbabangko sa Pilipinas ang US$ 386 Milyon na exposure sa Lehman Brothers ng pitong bangko at kaya ng mga itong tumindig sa sariling mga paa.

Pero sa press briefing sa Malakanyang kamakailan, sinabi ni Sek. Ralph Recto ng National Economic Development Authority na magiging mas matumal kaysa inaasahan ang buong takbo ng ekonomiya. Mula sa growth target sa GDP na 5.5 hanggang 6.4 porsiyento ngayong taon, naging 4.4 hanggang 4.9 porsiyento na lamang. Ibig sabihin, mas malalim at malawak ang mga epekto sa lokal na ekonomiya ng pandaigdigang krisis pampinansiya kaysa nais aminin ng administrasyong Arroyo.

Noong Agosto 2007 nang unang pumutok ang krisis sa subprime ng US, nawala ang P2-T na halaga-sa-papel ng sapi sa Philippine Stock Exchange, ayon kay Quintos. Sinabi rin niyang bumaba nang 12.3 porsiyento ang lakas ng piso laban sa dolyar ngayong taon at posibleng sumadsad muli sa P50 kada dolyar.

Higit pa sa negatibong epekto sa stock exchange at exchange rate ang inaasahang pagtumal sa pagpasok sa bansa ng dayuhang kapital at pagliit ng merkado para sa iniluluwas na mga produkto at serbisyo sa US. Paliwanag ni Quintos, “pinakamalalang maaapektuhan ng krisis ang mga bansang atrasado [gaya ng Pilipinas] na mahigpit na nakatali sa neokolonyal na relasyong pangkalakalan sa US.”

May 16 porsiyento ng kabuuang eksport ng Pilipinas ang napupunta sa US habang 70 porsiyento ang di-direktang napupunta dito sa pamamagitan ng ibang mga bansang Asya kung saan binubuo (ina-assemble) ang mga kasangkapan bago i-eksport din sa US, ayon sa datos ng Ibon Foundation. Dahil sa mas mahigpit na pagkokonsumo doon, inaasahang liliit ang US$ 9.4-B na direktang kinita mula sa mga eksport sa US noong 2007.

Inaasahan ding tutumal ang mga dayuhang pamumuhunan mula sa US sa pagmamanupaktura, BPO (Business Process Outsourcing), at serbisyong pampinansiya. May 20 porsiyento ito ng kabuuang FDI (foreign direct investment). Mula sa mga merkado sa US ang halos 90 porsiyento ng kita ng BPO na nakasentro sa mga call center.

Ipinagmamalaki pa naman ng administrasyong Arroyo na numero unong tagalikha ng trabaho ang mga Export Processing Zones at BPO. Pero pagsasara ng maliliit na negosyo at malawakang tanggalan ang nakaamba sa mga ito at iba pang apektadong industriya. Mula Hulyo 2007 (hudyat ng krisis sa subprime sa US) hanggang Hulyo 2008 na lamang, 125,000 manggagawa sa pagmamanupaktura ang tinanggal sa trabaho—inaasahang tataas ang bilang nila. Inaasahang apektado rin ang mga ahente ng call center na karamiha’y nasa National Capital Region.

Maging ang pagluwas ng mga OFW (Overseas Filipino Worker), inaasahang babagal. Sa buong mundo, ayon sa International Labor Organization, tinatayang limang milyong manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagtumal ng pandaigdigang ekonomiya. Noong nakaraang buwan, 159,000 manggagawa ang natanggal sa trabaho sa US—na ngayo’y makikipag-agawan pa ng oportunidad sa mga OFW at iba pang migrante doon.

“Malilimitahan ang bilang ng mga Pilipinong makakahanap ng trabaho sa ibang bansa, ” ani Quintos. Mangangahulugan umano ito ng mas kaunting remitans at mas matamlay ding konsumo sa Pilipinas dahil sa laki ng papel ng remitans sa lokal na ekonomiya.

Solusyon nga ba?

Umaasa ang administrasyong Bush na sasapat ang mahigit US$ 1.3-T inilaan nito para maisalba ang ekonomiya ng US mula sa pagkabangkarote ng malalaking institusyong pampinansiya. Bukod sa US$700-B bailout, naglagak ito ng US$ 29-B para bilhin ang Bear Stearns, US$ 200-B para isalba ang dalawang pinakamalaking nagpapautang sa pabahay na Freddie Mac at Fannie Mae, US$ 85-B para bilhin ang mayoryang kontrol ng papalubog na American Investment Group, at US$ 180-B para pasiglahin ang merkadong pinansiyal.

Umaani ng batikos ang administrasyong Bush dahil sa halip na parusahan ang “kasakiman” (greed) ng mga ispekulador, ginamit pa ang buwis ng mga mamamamayan para sagipin ang mga ito. Gaya ng kung paano, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), ginamit ni Pangulong Arroyo ang VAT (Value-Added Tax) para pagtakpan ang palpak na mga polisyang pang-ekonomiya na nagdulot ng piskal na krisis noon. Ngayon, dagdag-buwis at iba pang pampasigla sa ekonomiya (fiscal stimulus) pa rin ang panukala ng administrasyong Arroyo para manatiling nakalutang ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansiya.

Nanawagan si Teves sa Kongreso na ipasa ng Kongreso ang P1.4-T pambansang badyet na may nakalaang P147.5-B para sa imprastruktura. Ayon kay Recto, “Ang mantra ng Neda ay infra, infra, infra para mapaunlad ang growth rate ng ekonomiya.”

Gayunpaman, nasa depensiba ang gobyernong Arroyo sa paggastos ng pondo para sa imprastruktura na kilalang napupunta lamang sa korupsiyon. Kaya napilitan si House Espiker Prospero Nograles kamakailan na ihayag na hindi gagamitin ang pondo ng mga pulitiko para sa 2010 halalan, kasabay ng pagtatayo ng komite na magmomonitor nito. Tinitingnan naman ni Quintos na “pansamantala” ang epekto ng ganitong pampasigla sa ekonomiya.

Tinutulak din ng DoF ang mga panukalang batas para sa rasyunalisasyon ng insentibo sa buwis ng mga kompanya (fiscal incentives) at buwis sa sigarilyo at alkohol (sin taxes). Inaasahang kikita ng P10-B ang gobyerno sa una, at P12-B hanggang P25-B sa huli. Para pa rin sa dagdag-kita, agresibo nang ibinebenta ng gobyerno ang Petron Corp. at Philippine National Oil Corp. sa minimithing halagang P41-B.

Pero ayon kay Quintos, pabibilisin lamang nito ang pribatisasyon ng pinakamahahalagang asset ng gobyerno na ikadurusa rin ng mga mamamayan sa anyo ng mas mataas na presyo ng langis. Ibig sabihin din ng desididong tutok ng administrasyong Arroyo na pataasin ang kita ng gobyerno, malayong alisin nito ang VAT.

Repormang kailangan

Ngunit ayon sa Ibon Foundation, mas lalong nagiging makabuluhan ang panawagan at paglaban ng mga mamamayan para sa kagyat na lunas mula sa hagupit ng pandaigdigang krisis pampinansiya. Kabilang dito ang pag-alis sa VAT at P125 dagdag-na-sahod ng mga manggagawa.

Lalo pa at inaasahan umanong lumipat ang ispekulatibong kapital sa pangangalakal ng mga komoditi (commodities futures trading) gaya ng langis, mineral, at produktong pang-agrikultura na magtutulak pataas ng presyo ng pagkain at enerhiya. Ngayon pa lamang, dalawang-katlo (2/3) ng populasyon ng mundo ang dumaranas ng double-digit inflation at nasasadlak lalo sa kahirapan. Sa Pilipinas, 2.3 milyon ang nadaragdag sa mahihirap tuwing tataas nang 10 porsiyento ang presyo ng pagkain, ayon sa Asian Development Bank.

Sa halip na sa imprastruktura, bayad-utang, at sa militar mapunta ang kalakhan ng pambansang badyet sa susunod na taon, inirekomenda rin ng Ibon Foundation na ilagak ito sa kritikal na mga serbisyong sosyal na nakakatanggap lamang ng maliit na porsiyento gaya ng kalusugan (2.5 porsiyento), edukasyon (14.5 porsiyento), at pabahay (0.4 porsiyento).

Sinabi naman ni Quintos na ang pangmatagalang mga solusyon sa krisis ay ang “pagbasura sa mga patakarang neo-liberal,” “pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo,” at “komprehensibong pambansang industriyalisasyon” na magpoprotekta sa Pilipinas mula sa mga kombulsyon sa sistemang kapitalista na pinaghaharian ng US.

Hanggang mailugar ang mga ito, babalikatin ng mga Pilipino, kasama ng iba pang mamamayan ng mundo, ang krisis ng kapitalismo na nagpapatuloy at tumitindi.(PinoyWeekly)

Imposibleng paratang sa kilusang paggawa

October 21, 2008

Ilang-Ilang D. Quijano

Atty. Remigio Saladero, batikang labor lawyer na kinasuhan ng arson at conspiracy to commit rebellion

HALOS 700 kaso ang hinahawakan ngayon ng Pro-Labor Legal Assistance Center o Place, opisina ng beteranong labor lawyer na si Atty. Remigio Saladero Jr. Para matugunan ang pangangailangan ng mga kliyenteng manggagawa, araw-araw dumadalo ang 50-anyos na abogado sa mga pagdinig sa korte at gabi-gabing gumagawa ng pleadings. Laking gulat na lamang niya nang biglang mapabilang sa 27 na akusado sa umano’y pambobomba ng NPA (New People’s Army) sa isang cell site ng Globe Telecom sa Lemery, Batangas noong Agosto 2.

Ayon sa testigong si Arvin Leviste, nagpakilalang Deep Penetration Agent ng Philippine Air Force, kabilang si Saladero sa mga nagbantay sa labas ng bakod ng cell site habang nagtatanim ng dinamita at nagsasaboy ng gasolina ang kanyang mga kasamahan. Sinalaysay ni Leviste ang pinagbatayan ng kasong arson at conspiracy to commit rebellion na isinampa sa Batangas City ng Globe Telecom noong Agosto 12.

Nagkakaisa ang progresibong mga grupo sa Timog Katagalugan na ang mga lider ay dinadawit sa nasabing akto ng rebelyon, bahagi ang kaso ng panghaharas ng gobyernong Arroyo sa mga aktibista sa ilalim ng programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. (Basahin ang balita rito)

Kung NPA ako…

“Kung NPA ako, dapat kumander ako at hindi simpleng tagabantay,” ani Saladero. Gradweyt ng abogasya sa San Beda College noong 1983, ika-17 siya sa mga pumasa sa bar exams sa sumunod na taon. Nagtapos din siya ng master’s degree sa Industrial Relations at Public Administration sa University of the Philippines Diliman. Miyembro rin siya ng Free Legal Assistance Group o FLAG mula noong 1990.

Noong nakabase pa siya sa Rizal, humawak si Saladero ng maraming kaso ng mga sibilyan, karamiha’y magsasaka, na pinagsususpetsiyahan ng militar na NPA. Kabilang dito ang lider-Dumagat na si Nicanor de los Santos, na binaril noong 2001 ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Task Force Panther ng 2nd Infantry Division ng PA (Philippine Army). Ayon kay Saladero, ang pagtatanggol niya sa mga biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao marahil ang dahilan kung bakit nagsimula siyang pag-initan ng militar. Bilang dating tagapangulo ng Bayan Muna-Rizal, aktibo rin ang abogado sa mga kilos-protesta na bitbit ang iba’t ibang isyu ng mga mamamayan.

Mula 1992 hanggang 1997, nagturo si Saladero ng Political Science, Business Law, at Labor Law sa Dominican College of San Juan at Lyceum College of Law. Kabilang siya sa mga nagtatag noong 2007 ng National Union of People’s Lawyers, pambansang alyansa ng progresibong mga abogado. Kasalukuyang legal consultant siya ng KMU (Kilusang Mayo Uno), militanteng sentro ng paggawa. Regular din siyang nagsusulat sa Pinoy Weekly ng kolum na pinamagatang “Husgahan Natin,” hinggil sa mga isyung legal sa paggawa.

Bukod sa marami niyang mga komitment, may sakit na diabetes at hypertension si Saladero. Umiinom siya ng anim na klase ng gamot araw-araw. Kabilang ito sa mga dahilan, aniya, kung bakit “imposibleng” maging kasapi siya sa pangkat ng NPA na nagpasabog sa cell site ng Globe Telecom.

Simula 2006, tiniktikan at hinaharas na ng pinaghihinalaang mga ahente ng militar si Saladero at iba pang abogado ng Place, ayon sa Center for Trade Union and Human Rights o CTUHR. Oktubre ng taong iyon, inamin ni Pfc. Rommel Felipe Santiago, nahuli ng pulisya matapos habulin ang mga unyonista ng Food Terminal Inc. sa Taguig City, na nagkokondukta sila ng surveillance sa Place. Noong Oktubre 2007, napansin ng mga istap ng Place na may di-kilalang kalalakihan na nagkokondukta ng 24 oras na pagbabantay sa opisina. Ito ay matapos hawakan ng law office ang kasong isinampa ng KMU sa Korte Suprema laban sa Human Security Act. Tumagal ang paniniktik nang ilang buwan.

Atake at paninira

Ayon kay Saladero, nakababahala ang lumalalang panliligalig ng Estado sa kilusang paggawa: “Pati abogado ng manggagawa hinaharas na. Para siguro wala nang magtanggol sa mga manggagawa at humina ang kilusang paggawa sa bansa. Kaliwa’t kanan pa naman ngayon ang mga atake at paninira rito.”

Noong Oktubre 7 bandang alas-tres ng umaga, isang di-nakilalang kalalakihan ang nagtangkang akyatin ang bakod ng Balai Obrero, opisina ng KMU sa Narra St., Project 3, Quezon City. Ayon sa isang saksi, may hawak itong kutsilyo. Nang sitahin ay bumaba ito at sumakay sa isang traysikel na lulan ang tatlo pa niyang kasamahan.

“Kung sila ay magnanakaw lamang, alam dapat nila na kami ay isang people’s organization na laging naghahanap ng rekurso…Marahil ang totoong motibo ay tiktikan kami, mag-iwan ng surveillance equipment, o magtanim ng ebidensiya na kami ay rebelde gaya ng iniimbento ng gobyernong Arroyo,” sabi ni Joselito Ustarez, executive vice-president ng KMU.

Naunang natuklasan ng KMU na inilista sila bilang “rebeldeng grupo” sa isang libro na inindorso ng Department of Education para sa mga estudyante ng hayskul. Sa pahina 27 ng librong Filipino I: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon, isinama ang KMU sa listahan ng mga rebeldeng grupo gaya ng Moro Islamic Liberation Front at NPA. Itinakdang aralin sa mga estudyante na magsaliksik hinggil sa mga “prinsipyong kanilang pinaniniwalaan” at magbigay ng mga paraan para makumbinsi silang “mapabalik sa pamahalaan.”

Binansagan ding “destabilisador” at “terorista” ang 30 opisyal ng Anita’s Home Bakehop Workers Union ng manedsment ng nagsusuplay ng tinapay para sa McDonald’s sa rehiyon ng Visayas. Iniulat pa ng mga manggagawa na binibisita sila ng mga pulis ng Mobolo, Cebu City habang sila ay nasa night shift para alamin ang kanilang mga aktibidad at kumbinsihin na huwag sumali sa unyon.

Samantala, ang mga unyonista ng International Wiring System sa Special Export Processing Zone ng Hacienda Luisita, diumano’y binibisita sa bahay, iniinteroga, at tinatakot ng mga miyembro ng 71st Infantry Batallion ng Northern Luzon Command at 7th Infantry Division ng PA. Pinadadalo ng militar ang mga manggagawa sa mga porum kung saan hinihikayat silang huwag makibahagi sa paggigiit ng mga hiling sa Collective Bargaining Agreement. Inaakusahan ding binibigyan ng unyon ng pondo ang Communist Party of the Philippines-NPA.

Kailangang organisado

Sa tugon ng gobyerno sa Petition to Review the Generalized System of Preferences Program Status na inihain ng International Labor Rights Fund, may binitiwang kontrobersiyal na mga salita si Arturo Brion, dating kalihim ng Department of Labor and Employment at ngayo’y Associate Justice ng Korte Suprema. “Ang kasalukuyang giyera laban sa mga rebeldeng komunista ay inilulunsad sa maraming mga prente. Sa kilusang paggawa ang pinakaprominente rito dahil naka-ugat ang kilusang komunista sa kilusang paggawa,” aniya.

Kinukumpirma nito na “sistematiko” ang tangka ng Estado na durugin ang militanteng kilusang paggawa sa pamamagitan ng malisyosong pag-uugnay nito sa kilusang komunista, ayon sa CTUHR.

Para kay Ustarez, nanganganib ang trabaho at buhay ng kanilang mga miyembro dahil maaaring gamitin ng manedsment ng iba’t ibang mga kompanya ang “rebelde” o “teroristang” bansag sa KMU para iharas at sibakin sila. Tangka rin umano itong pahinain ang lehitimong mga laban ng grupo para sa tunay na interes ng mga mangagawa gaya ng pagsasabatas sa P125 dagdag-na sahod at pagtatayo ng mga unyon.

Iginigiit ng KMU na ngayon higit kailanman, kailangan ng mga manggagawang Pilipino ang malakas at militanteng kilusang paggawa. May pitong porsiyento lamang (o 2.4 milyon ng 33.5 milyong manggagawa) ng buong puwersang paggawa ang organisado. Malayung-malayo pa ang minimum na sahod sa kinakailangan ng pamilyang Pilipino para mabuhay—34 porsiyento lamang ito ng Family Living Wage, ayon sa National Wages and Productivity Commission.

“Masamang pangitain ang mga pangyayari,” sabi ni Saladero. Gayunpaman, nangako siyang patuloy na ipagtatanggol ang karapatan ng mga manggagawa na ipinagkaloob ng batas pero niyuyurak naman mismo ng Estado.(PinoyWeekly)

New CPAs of 2008 (H)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
1149 HABANA, KIRCHY CLEDERA
1150 HABEL, MARK ANTHONY BABAS
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 25 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

1151 HADUCA, JERALD CLACIO
1152 HAJIM, AL-ZHOHEIR HASSAN
1153 HERMOGENES, ANGELA BALIAR
1154 HERNANDEZ, CYPRES MAE ARANAS
1155 HERNANDEZ, JOEL ALVAREZ
1156 HERNANDEZ, KENT MORRIS ALCOS
1157 HERNANDEZ, LENNIE MERCADO
1158 HERNANDEZ, MELVIN ESTERON
1159 HERNANDEZ, ROXANNE AMOR BARZA
1160 HERNANDEZ, VERNICE LEE BUENA
1161 HIDALGO, CARLA MAE GUANZON
1162 HINALAO, KENN ALICANTE
1163 HINALOC, IRENE MANIBOG
1164 HINAMPAS, ISABEL PEROS
1165 HIPOLITO, SARAH BAGSIC
1166 HOLGADO, HERRAND EDORA
1167 HONCULADA, JAN ALBERT UGSOD
1168 HONOFRE, ROSELLE ADANO
1169 HONOR, JAN HANSELL LAGAO
1170 HORDISTA, CHERRY MAE CEBALLOS

Dambuhalang kompanya ng mina, mas tuso na ngayon

October 21, 2008

Kenneth Roland A. Guda

Operasyon ng pagmimina sa Rapu-rapu, Albay

ABALANG abala si Mike Defensor ngayon.

Sa kabila ng nakakahiyang pagkatalo niya sa eleksiyong pagkasendor noong 2007, hindi tumigil ang pakikipag-ugnayan niya sa pamahalaang Arroyo. Hindi pa lumipas ang isang taong ban sa kanya na humawak ng posisyon sa gobyerno, naging abala siya sa tangkang pagharang sa testimonya ni Jun Lozada sa Senado noong Pebrero 2008. Nitong Hunyo, agad siyang itinalaga bilang pinuno ng task force para sa pagbubukas ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport. Pagkatapos, naging abala rin siya sa pangangasiwa sa implementasyon ng proyektong Northrail.

Kamakailan, napapadalas ang bisita ni Defensor sa Zambales. Dalawang kompanyang nagsasagawa ng pagmimina ang pinamumunuan ng dating sekretaryo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR): Chairman si Defensor ng NiHAO Mineral Resources Inc. at direktor naman ng Geograce Resources Philippines.

Pareho itong naaprubahang magsagawa ng ekplorasyon sa Zambales – matapos iutos ni Zambales Gov. Amor Deloso ang kanselasyon ng “regulatory approvals” sa lahat ng pagmimina roon. Kasosyo ni Defensor sa dalawang proyektong ito ang kompanyang Jiangxi Rare Earth and Rare Metals Tungsten Group ng Tsina sa halagang US$150 Milyon. Si Arroyo pa mismo ang nangasiwa sa lagdaan ng dalawang kampo sa Chengdu, probinsiya ng Sichuan sa Tsina.

Dahil malaking banta ito sa kanyang komunidad, sinaliksik ni Nelson Mallari, lider-Aeta ng PROJECT Zambales, isang probinsiyal na alyansa kontra sa mapanirang pagmimina, kung anong klaseng mga kompanya ang NiHAO at Geograce. Ikinagulat niya ang kanyang napag-alaman.

“Kamangha-mangha kung paano naka-akses sa napakalalaking lupain sa maiksing panahon ang mga kompanyang ito na walang track record sa industriya ng pagmimina!” buladas ni Mallari.

Ito kasi ang napag-alaman ni Mallari: noong unang kuwarto ng 2008, umabot sa P17.18-M ang ikinalugi ng Geograce sa mga negosyo nito. Wala namang rekord ang NiHAO ng anumang proyektong pagmimina bago ang nalagdaang mga kasunduan nito ngayong taon.

Naintindihan lamang niya kung bakit ito nangyari nang malaman niyang pinamumunuan ang dalawang kompanya ni Defensor. Kasosyo rin daw dito ni Defensor ang ilang kamag-anak ng matataas na opisyal ng gobyerno.

Labag sa Saligang Batas

Noong Hunyo, nabalitang nakipagtambalan ang Geograce sa kompanyang Brazilian na Vale do Rio Doce, ang pangalawang pinakamalaking kompanya ng pagmimina sa mundo. Pinayagan silang magsagawa ng eksplorasyon para sa copper at gold sa isla ng Masbate.

Sa kabuuan, ayon sa Kalikasan – People’s Network for the Environment, aabot sa 240,000 ektarya ang inaareglo ng Geograce na eksklusibong mapagminahan ng nickel, gold, copper at chromite, sa buong Pilipinas.

Noong Agosto, dinepensahan ng Malakanyang ang pag-apruba sa pagmimina ng mga kompanyang pinamumunuan ng dating miyembro ng gabinete. “Hindi ba dapat tingnan natin ang kabilang bahagi ng larawan? Negatibong pagtingin iyan (pagtingin ng Kalikasan) na nagbubukas ng ispekulasyon na pinaboran si Defensor. Pero pribadong pamumuhunan ito, at pag-aari man ito ni Mike Defensor o ni Jesus Dureza, dapat tanggapin ito,” ayon kay Jesus Dureza, tagapagsalita ng Pangulo.

Ang hindi nabanggit ni Dureza, maaaring labag sa Saligang Batas ang proyektong pagmiminang ito. Samantalang lokal na kompanya diumano ang NiHAO at Geograce, masasabing dayuhang proyekto na rin ang isasagawa nito sa Zambales matapos makipagkasundo sa Tsinong kompanyang Jiangxi. Sa mga proyektong ito, kinakailangan ng isang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) na inaprubahan ng Pangulo.

Sa suri ng Kalikasan, lumalabas na lantarang ginagamit na umano ng malalaking dayuhang korporasyon ng mina ang lokal at mas maliliit na kompanya para makapagmina sa Pilipinas. Ayon sa grupo, kabilang sa malalaking kompanya ng mina na gumagamit ng maliliit, pati ­­small-scalle mining companies, para maiwasan ang kasunduang FTAA ang: Platinum Group of Metals Corp. (PGMC); Citinickel Mines and Development Corp.; Sibuyan Nickel Properties Development Corporations (SNPDC); A3 UNA; Mindoro Resources Ltd.; at marami pang iba.

Ayon kay Rene Pineda ng Concerned Citizens Against Pollution (Cocap), marami sa mga kompanyang ito ang pag-aari ng mga dayuhan. Binigay niyang halimbawa ang MBMI Resources Inc., isang kompanyang Canadian at nag-oopereyt sa likod ng maraming kompanyang Pilipino, kabilang ang ilang small-scale mines sa Palawan.

“Kinumpirma ng aming pananaliksik na major stakeholder nga ng small-scale mining permits tulad ng sa Narra Nickel Mining & Development Inc., Patricia Louise Mining & Development Corp., Sara Marie Mining Inc., at Madridejos Mining Corporation, ang MBMI Presources Inc.,” paliwanag ni Pineda.

Ang masama pa, matagal na umanong isinumbong ito sa DENR, pero hindi pa rin ito iniimbestigahan ng ahensiya.

Inilulusot sa maliliit na proyekto

Marami sa mga mayor na proyektong pagmimina sa bansa – iyong itinuring ni Pangulong Arroyo bilang priority projects – ay nakaranas ng matinding paglaban ng taumbayang apektado ng kanilang mga proyekto.

Halimbawa na nito ang pagmimina sa Rapu-rapu, Albay ng Lafayette Mining Corp., kompanyang Australyano, na nagdeklara ng pagkabangkarote noong Disyembre 2007 matapos ang matinding pagtutol ng taumbayang Albayano. Napuwersa ang Lafayette na ibenta ang pagmimina nito sa Rapu-rapu sa mga kompanyang Koreano at Malaysian nitong Abril 2008.

Isa pang halimbawa ang suspensiyon sa pagmimina ng OceanaGold ng New Zealand, sa Didipio, Nueva Vizcaya noong Abril 2008, matapos kuwestiyunin ni Nueva Vizcaya Gov. Luisa Cuaresma ang hindi pagbayad ng kompanya ng lokal na mga buwis.

Kahit ang pagmimina ng Swiss na kompanyang Xstrata sa Tampakan, South Cotabato, ay nakatanggap ng matinding pagtutol. Sa pagkakataong ito, mga rebeldeng NPA (New People’s Army) naman ang nag-atake. Ayon sa NPA, pinarusahan umano nila ang kompanya dahil sa pang-aagaw nito ng lupa sa mga magsasaka at katutubo, gayundin ang banta ng pagkasira ng kalikasan.

Sa totoo lang, sa lagay na ito’y maluwag na ang gobyernong Arroyo sa mga dayuhang kompanya ng mina. Sa bilang ng Kalikasan noong Enero 2008, aabot na sa 294 kasunduan sa pagmimina ang inaprubahan ng Pangulo, kabilang ang dalawang FTAA, 262 Mineral Production Sharing Agreements (MPSA), mas maliit na kasunduan kumpara sa FTAA), at 30 Exploration Permits (EP).

Aabot na sa 600,000 ektarya ng Pilipinas ang pinagmiminahan ng dayuhang mga korporasyong ito at ng mga kasabuwat nilang lokal na kompanya.

Pero dahil marahil sa matitinding pagtutol sa mga komunidad, napuwersa ang mga kompanyang ito na gumawa ng paraan para mas madulas na makapagsamantala ng mga yamang-lupa ng Pilipinas. Kabilang na nga rito ang paggamit sa small-scale mining na dating ginagawa ng maliliit na kompanya at ordinaryong minero na walang malalaking kagamitang pangmina.

Inamin ng DENR

Inamin maging ng Marine and Geosciences Bureau ng DENR na dumarami ang inaaprubahang small-scale mining permits sa bansa. Imbes na pambansang gobyerno kasi ang mag-aapruba, mga lokal na pamahalaan lamang ang kailangang sumang-ayon sa proyekto. Sa tala ng MGB, noong 2004 ay may 70 small-scale mining permits lamang. Pero nitong 2007, umabot na sa 173.

“Sa mga nakaraang taon, small-scale mining ang paraan ng mga dayuhan at lokal na junior mining companies para mapabilis ang pagpasok ng kanilang mga operasyon sa mga komunidad,” ayon sa Kalikasan. “Mayorya sa mga komunidad ay nagugulat sa mabilis na pagproseso ng mga aplikasyon. Nakakapagprotesta lang sila kapag nandiyan na ang kompanya ng mina o nasa operasyon na.”

“Lumalabas na dummy o prente lamang ang mga korporasyong (tulad ng kay Defensor) ng mga dayuhang kompanya,” sabi ni Clemente Bautista ng Kalikasan.

Pero lumalaban pa rin ang mga komunidad. Lantad na sa mga lider ng komunidad tulad ni Mallari ang pakikipagsabuwatan umano ni Defensor at ng gobyerno sa pagsasamantala ng dayuhang mga kompanya sa yamang-lupa ng bansa. Sa ngayon, iniikot umano nila ang mga komunidad na apektado ng mga proyekto ni Defensor.

Abalang-abala na rin sila sa paglaban.(PinoyWeekly)

Kuwentong Halaw*: Pinoy deportees sa Sabah

October 21, 2008

Soliman A. Santos

Moro ang karamihan sa mga pinadeport na Pinoy sa Sabah (Soliman A. Santos)

Moro ang karamihan sa mga pinadeport na Pinoy sa Sabah (Soliman A. Santos)

PATULOY pa rin ang mala-impiyernong nararanasan ng di-dokumentadong mga migranteng Pilipino sa gitna ng crackdown na isinasagawa ng gobyerno ng Malaysia. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng RP-Malaysia Working Group on Migrant Workers na itinatag noon pang 2005 para pangalagaan ang karapatan ng mga migranteng ito.

Ito ang natuklasan ng Migrante International sa isinagawa nilang Fact Finding Mission kasama ng Gabriela Women’s Party, EnGendeRights at Association for the Rights of Children in Southeast Asia noong Oktubre 2 hanggang Oktubre 5.

Ayon kay Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante, “palabas” lamang ang itinayong grupo ng mga gobyerno ng Pilipinas at Malaysia dahil sa patuloy na pagpapabaya ng mga awtoridad sa kalagayan ng mga halaw o mga deportee.

Kasaysayan ng pagtaboy

Noong Agosto 2002, umabot sa 8,838 Pilipino ang dumating mula sa Sabah. Isang linggo bago ang malawakang deportasyon, nireyd ng pulis-Malaysia ang 300 kabahayan ng mahihirap na Pilipino sa Kampong Karansangan. Dinala ang di-dokumentadong mga Pilipino sa kulungan. Walang sapat na pagkain at tubig, natutulog sila nang walang sapin sa malamig na semento.

Sumunod na naglunsad ng crackdown ang gobyerno ng Malaysia noong 2005. Pagkatapos ng ilang buwang pang-aaresto, napuno ng halos 30,000 di-dokumentadong migrante ang mga kulungan sa Sabah.

Nabalita sa buong mundo ang malupit na pagtrato ng mga awtoridad ng Malaysia sa di-dokumentadong mga migrante. Nagpahayag ng pagkondena ang internasyunal na mga kinatawan tulad ng United Nations High Commission on Refugees, UN Commission on Human Rights, Amnesty International, International Committee of the Red Cross, at iba pa. Binatikos ng mga ito ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagpapabaya at kabiguang solusyonan ang malawakang pangingibang-bayan ng mga Pilipino sa Mindanao.

Para mapahupa ang internasyunal na pagngangalit, itinayo ng mga gobyerno ng Pilipinas at Malaysia ang RP-Malaysia Working Group on Migrant Workers noong 2005. Pero kahit pa rito sa Pilipinas isinagawa noong Hulyo ngayong taon ang ikalimang pulong ng working group, hindi nito napigilan ang mga pang-aabuso sa mga Pilipinong migrante.

Noong Agosto, muling inianunsiyo ng gobyerno ng Malaysia ang crackdown sa mga di-dokumentadong migrante. Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Zamboanga City, mayroon nang 35,000 halaw galing sa Sabah sa unang walong buwan ng taong ito. Inaasahang aabot ito sa mahigit 200,000 sa katapusan ng taon.

Buhay-bilanggo

Sa panayam sa mga halaw sa Bahay-Silungan, ang pansamantalang tirahan ng mga deportee sa Zamboanga City, nakapagtala ng iba’t ibang kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang ang mga delegado ng FFM. Naganap ang mga ito mula sa pag-aresto sa Sabah, sa pagbilanggo sa kanila, hanggang sa pagdadala sa kanila sa piyer para tuluyang pabalikin sa Pilipinas.

Halimbawa na lamang ang pag-aresto kay Saidah Amautara, 57, kasama ng kanyang tatlong anak. Ayon kay Saidah, nireyd ng mga opsiyal ng imigrasyon ng Malaysia ang kanilang bahay noong 2006. Hinuli sila at isinakay sa isang trak kasama ang tinatayang 100 pang nadakip at dinala sa kulungan sa Prasi, Kota Kinabalu. Samantala’y naiwan ang kanyang asawa at tatlo pang anak.

Sa kulungan, tinatayang 500 silang ibilanggo doon na pawang mga babae at mga bata. Hiwalay na nakakulong ang mga lalaki.

Bagama’t pinakakain sila tatlong beses isang araw, ayon kay Saidah, parang pagkain ng pusa ang ibinibigay sa kanila. Nirarasyunan din lang sila ng kaunting tubig para sa kanilang inumin. Himutok niya, wala man lamang opisyal ng emabahada ng Pilipinas na bumisita sa kanila habang sila’y nakakulong.

Inabot sila ng isang buwan sa Prasi bago inilipat sa Sandakan at tuluyang pauwiin sa Pilipinas. Isang linggo rin silang nanatili sa kulungan sa Sandakan. Ayon kay Saidah, binibigyan sila doon ng 15 minuto para maligo, kumain at gawin ang iba pang personal na ritwal. Kapag sumobra sa oras, sinisipa sila o tinatadyakan ng bantay sa bilangguan. At minsan, nakatanggap nito si Saidah.

Natutulog din sila sa semento nang walang kahit anong sapin. Sa isang pagkakataon, may nakita pa si Saidah ng isang babaing nagsisilang ng sanggol sa loob ng kulungan. Walang doktor na tumitingin sa kanilang kalusugan.

Pagdating nila sa piyer ng Zamboanga, dumating ang mga opisyal ng pamahalaan. Inanunsiyo nila na bibigyan nila ng pasaporte ang sinumang gustong bumalik sa Sabah. Bibigyan naman ng libreng sakay pauwi sa kanilang bahay ang sinumang nais manatili sa Pilipinas.

Pagpapabaya sa Bahay Silungan

Mula sa piyer, dinala sila sa Bahay Silungan kung nasaan ang One Stop Processing Center (OSPC) na pinatatakbo ng Department of Foreign Affairs. Pinakain sila doon. Ininterbyu at tinanong kung gusto pa nilang bumalik sa Sabah. Kung hindi, bibigyan sila ng pamasahe pauwi.

Gustong bumalik ni Saidah sa Sabah dahil nandoon pa ang kanyang asawa at tatlong anak. Agad niyang inihanda ang mga kailangang dokumento. Sa OSPC, nagbayad siya ng P200 para sa kanyang birth certificate, P150 para sa NBI clearance, P100 para sa passport ID, at P30 para sa sertipikasyon mula sa Office of Muslim Affairs. Buong akala niya, libre ang mga iyon batay sa inianunsiyo ng mga opisyal ng pamahalaan.

Dahil naubusan ng pambayad sa mga dokumento ng dalawa pa niyang anak, napilitan siyang bumalik na lamang sa kanyang tahanan. Wala rin palang libreng pamasahe. Naglakad siya pauwi mula sa Bahay Silungan.

Sa kasalukuyan, walang pinagkakakitaan ang pamilya ni Saidah maliban sa kaunting kinikita ng mga anak na nagtitinda ng supot sa palengke. Hindi rin regular ang pagpapadala ng pera ng kanyang asawa mula sa Sabah. Naibenta na ang kanilang bahay at ilang kagamitan sa Sabah. Hindi naman makapagtrabaho ang dalawa niyang anak na babaing na-deport ngayong taon dahil naninibago pa ang mga ito sa bago nilang tinitirhan. (Tingnan ang kaugnay na istorya)

Inutil na kasunduan?

Ayon kay Regalado, inutil ang kasunduang pinirmahan ng mga gobyerno ng Malaysia at Pilipinas. Nilikha lamang umano ang RP-Malaysia Working Group on Migrant Workers para mapahupa ang galit ng mga tao. Sa aktuwal, wala itong nagawa para protektahan ang mga migrante habang sila’y dinadakip o nasa kulungan sa Sabah. Natuklasan ng FFM na ni walang dokumentasyon ang DSWD ng mga paglabag sa mga karapatang pantao ng deportees.

“Ang totoo, ginagamit pa nga ng gobyernong Arroyo ang working group para patuloy na ipatupad ang programa sa labor export. Isipin na lang na ang unang itinatanong ng mga opisyal ng pamahalaan ay kung babalik ba ang mga deportee sa Sabah para muling magtrabaho,” ani Regalado.

Hindi rin umano sinisiguro ng gobyerno na may uuwian at trabahong naghihintay sa kanila. “Tandaan natin na ang kalakhan ng mga lumilikas papunta sa Sabah ay nagmula sa Autonomous Region of Muslim Mindanao kung saan nagpapatuloy ang giyera,” sabi ng lider-migrante.

Ihahapag ng Migrante International sa Kongreso ang resulta ng FFM para agarang aksiyunan ng pamahalaan ang kalagayan ng mga halaw. Magsasampa rin ang grupo ng reklamo kay United Nations Special Rapporteur on the Human Rights of Migrant Workers Jorge Bustamante na darating sa bansa ngayong buwan, gayundin sa UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.

Dadalhin din ng Migrante ang mga kaso sa International Assembly of Migrants and Refugees (IAMR), isang pagtitipon ng mga migrante at bakwit na gaganapin sa Maynila sa Oktubre 28 hanggang 30. Ito ang pantapat na porum ng mga migrante bilang protesta sa sa Global Forum on Migration and Development na pangangasiwaan ng gobyerno ng Pilipinas.

*Salitang Tausug para sa deportee. Literal na nangangahulugang itinaboy o itinapon.


Kapag pinarurusahan maging ang paglalaro

MAGKASAMANG nagtatrabaho sa Yusup Kare-Kare House sa Sabah, Malaysia ang magkapatid na Nuhrin, 18, at Nurhida, 16.

Noong Agosto 21, habang may nagkakapeng mga pulis sa pinapasukang karinderya nina Nurin at Nurhida, nagwalis ang isang kasama nila sa trabaho. Sinita siya ng mga pulis. Kinabukasan, bandang 3:30 ng madaling araw, bumalik ang mga pulis at ininteroga ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa naturang karinderya. Hinanapan sila ng pass. Walang naipakita sina Nurin at Nurhida dahil naiwan nila ito sa bahay. Dahil dito, isinama sila ng mga pulis sa Balay-KK, isang bilangguan.

Kinabukasan, dinala naman sila Gumamera, ang kulungan ng mga Pilipinong ide-deport pabalik sa Pilipinas.

Ayon sa magkapatid, ikinulong sila sa isang selda na parang isang malaking bahay. Tinatayang 190 silang kabataan na nakakulong sa seldang iyon na binabantayan ng dalawang pulis. Siksikan silang nahihiga sa gabi nang walang sapin. Dalawang beses silang pinapakain ng isda at kanin – isa tuwing alas-dose ng tanghali at isa tuwing alas-sais ng gabi. Ayon sa magkapatid, kakarampot ang ibinibigay sa kanila at kadalasa’y parang panis at nilalangaw pa. Nirarasyunan naman sila ng dalawang balde ng inuming tubig sa bawat araw. Tubig-ulan ang kanilang ginagamit na panligo at panglaba.

Mahigpit ang mga bantay sa kanilang selda. Pinarurusahan ang sinumang di sumunod sa mga alituntunin. Nang mahuli si Nurin ng guwardiya na naglalaro ng baseball, pinag-pumping siya ng 20 beses.

Noong Setyembre 9, dinala sila sa Sandakan kasama ng iba pang halaw o deportees. Dalawampu’t isa silang babae, 44 naman ang lalaki. May posas ang mga lalaki dahil baka tumakas umano ang mga ito habang nasa byahe. Mula sa Sandakan, isinakay na sila sa isang ferry papunta ng Bongao, Tawi-Tawi. Ibinaba ang mga halaw na taga-roon at dinala ang mga natira sa Zamboanga City. Pagdating sa Zamboanga, dinala sila sa DSWD center. Ininterbyu sila at kinuhaan ng litrato, saka pinauwi sa kani-kanilang bahay.

Sa kasalukuyan, umuupa sila ng bahay kasama ng kanilang ina na isang halaw din. Wala silang makuhang trabaho sa Zamboanga. Ang dalawa nilang nakababatang kapatid na lalaki ay nagtitinda ng plastik sa piyer at palenke para sila may makain. Ang kanilang ama ay naiwan sa Sabah at nagtatrabaho sa konstruksiyon.

Soliman A. Santos

Buto at ilan pang palatandaan ng malagim na kaganapan sa Limay

October 21, 2008

Raymund B. Villanueva


Si Raymond Manalo (kaliwa) sa harap ng tinakpang hukay na posibleng pinaglibingan kay Manuel Merino. (Raymund Villanueva)

NAGHIHINTAY sa dalang pananghalian ng kanyang tatay sa kanilang paaralan sa Subic, Zambales si Shara Hizarsa noong Marso 22, 2007. Pagdating nito magsasalo silang mag-ama sa pagkaing araw-araw niluluto at inihahatid ni Abner. Ito na ang kanilang regular na gawain simula noong tumigil ang kanyang ama sa pagiging kasapi ng kilusang lihim dahil sa sakit.

Pero walang Tatay Abner na dumating para sa pananghalian ng bata noong araw na iyon.

Labingsiyam na buwan na ang nakalipas, wala pa ring tatay na naghahatid ng pananghalian kay Shara.

Noong nakaraang Lunes, Oktubre 13, ginunita ni Shara ang kanyang ika-labindalawang kaarawan. Noong araw na iyon, hindi niya kasama kahit ang kanyang nanay na si Criz. Sumama si Nanay Cris sa mga kamag-anak ng mga dinukot at nawawala sa ilalim ng gobyernong Arroyo sa isang fact-finding mission sa Barangay Bliss, Limay, Bataan.

Kampo ng kalupitan

Sa araw na iyon 50 kasapi ng Karapatan at Desaperacidos, kamag-anak ng mga biktima, kagawad ng Commission on Human Rights (CHR) and mga anthropologist ng Unibersidad ng Pilipinas (sa pangunguna ni Dr Francisco Datar) ay nagsadya sa isang abandonadong kampo ng militar malapit sa makasaysayang monumento ng Bundok Samat.

Naghukay sila ng maraming beses sa pag-asang makakakita sila ng labi ng mga pinatay ng Philippine Army. Pinangunahan sila ni Raymond Manalo, isa sa dalawang magkapatid na nakatakas sa mga kagawad ng 24th Infantry Battalion ng 7th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon kay Raymond, dinala sila ng mga sundalo sa naturang kampo noong ika-21 o 22 ng Nubyembre 2006.

Matapos ang isang lingo, nakita nila ang nawawalang mag-aaral ng UP na si Karen Empeño at ang magsasakang si Manuel Merino. Matapos pa ang isang linggo, nakita naman nilang dinala sa kampo si Sherlyn Cadapan, isa pang dinukot na estudyante ng UP. Marami pang ibang biktima ang dinala sa kampo na kung hindi man pinahirapan ay patay na ng dumating.

Pinilit sina Raymond na magtayo ng mga kubo, magluto, maglinis, mag-igib at maglaba para sa mga sundalo sa pangunguna ng isang Major Donald “alyas Allan” Caigas. Nakita rin niya kung paano ibitin ng patiwarik ang mga estudyante sa tig-isang paa lamang samantalang sinasaksak ng kahoy ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Tuwing pansamantalang matatapos ang pagpapahirap, inutusan si Raymond na linisin ang dugo at dumi ng mga biktima at labhan ang kanilang duguang mga damit. Ayon kay Raymond, maraming beses siyang natutulog na umaalingawngaw ang mga hiyaw at pagmamakaawa ng mga babae sa kanyang tenga.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Raymond na makailang beses silang dinala ng kanyang kapatid na si Reynaldo at Merino ng mga sundalo sa pangangalabaw at pagpatay ng mga magsasaka sa mga kapaligid na barangay. Layon ng mga operasyon na maibintang sa New People’s Army ang mga pagnanakaw at pandarambong at upang magalit ang taumbayan sa mga rebelde. “’Operasyon Lubog’ ang tawag nila rito,” ayon kay Raymond.

Isang madilim na gabi noong Hunyo 2007 kinuha si Merino ng mga sundalo mula sa kanilang selda. Sinabi sa matanda na kakausapin daw siya ni Major General Jovito S Palparan (ngayo’y retirado). Makalipas ang ilang minuto nakita ni Raymond na dinadala ang nakaposas na si Merino sa isang madawag na lugar 50 metro ang layo mula sa bakod ng kampo. Mula sa kanyang kinatatayuan narinig ni Raymond ang isang pagulat na hiyaw, na sinundan ng dalawang putok ng baril.

“Siguro hindi nadale sa saksak, kaya binaril,” ani Raymond. Pagkatapos ay nakita ni Raymond na may sinusunog sa lugar ng ilang oras. Kinaumagahan sinabihan si Raymond na huwag nang hanapin ang matanda dahil pinagsama-sama na silang tatlo nina Cadapan at Empeno. “Pinatay si ‘Tay Manuel dahil sabi ng militar matanda na siya,” ani Raymond.

Sa sumunod na buwan ng Hulyo ang magkapatid ay dinala sa Bolinao, Pangasinan para higit pang alipinin sa bukid na pag-aari ni Caigas. Dito sila nakatakas sa gabi ng Agosto 12.

‘Malinaw at kapani-paniwalang testimonya’

Nagpapalit-palit ang matataas na opisyal at gubyerno sa pagpapasinungaling sa salaysay ni Raymond. Sinabi nilang walang kampo ng militar sa Barangay Bliss, Limay, Bataan. Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro at dating Armed Forces Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr. na “walang basehan” ang testimonya ni Raymond.

Sinabi ni Lt. Gen. Isagani Cachuela, kumander ng Northern Luzon Command ng Army na wala siyang nalalaman sa kampo ng military sa Brgy. Bliss. Ito rin ang pahayag ni Maj. Gen Ralph Villanueva, kumander ng 7th ID na siyang mga hurisdiksiyon sa 24th IB. Noong nakaraang Setyembre 20 sinabi ng tagapagsalita ng Army na si Lt Col Romeo Brawner na walang Cadapan, Empeño at Merino ang natagpuan sa anumang kampo ng militar kung saan sila pinaniniwalaang dinala.

Pero nagkakaisa ang mga residente ng Barangay Bliss na dating may kampo nga ng militar sa kanilang lugar. Mismong ang dating bise gobernador ng Bataan na si Rogelio Roque pa ang nagkumpirma sa dating kampo dahil pagmamay-ari niya ang loteng katabi ng kampo.

Nakumbinsi naman ang Court of Appeals (CA) at Korte Suprema na sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng militar ay “makatotohanan,” “kahindik-hindik” at “malinaw” ang testimonya ni Raymond.

Noong Oktubre 6 sinangayunan ng Korte ang desisyon ng CA na bigyan ng pribilehiyo ng writ of amparo ang magkapatid na Manalo bilang proteksiyon laban sa mga puwersa ng Estado. Sinang-ayunan din ng Korte ang maaaring pagkakasala ni Palparan sa pagdukot sa magkapatid, gayundin kina Cadapan, Empeno, Merino at iba pa. Ibinasura rin ng Korte ang isinagawang imbestigasyon ng 7th ID na “napakalimitado, minadali at maka-isang panig.”

Sinabi naman ng tagapangulo ng CHR na si Atty. Leila de Lima na “Ang magkapatid na Manalo ang siyang mayroong pinaka-signipikanteng testimonya sa mga pagpatay at pagdukot.”

‘Patutunayan ko sa kanila na tama ako’

Isang linggo matapos ang pagbibigay ng pribilehiyo ng writ of amparo pinangunahan ni Raymond ang fact-finding mission sa kampo ng military sa Barangay Bliss. Bago pa sumikat ang araw naituro na ni Raymond sa mga taga-Karapatan ang eksaktong lugar kung saan dating nakatirik ang mga kubo ng mga sundalo at kung saan maaring ibinaon ang mga biktima.

Ang iba naman ay nagsipagtayo ng mga toldang tutulugan ng mga kasapi ng misyon. Kitang-kitang pinagsumikapang itago ang lahat ng bakas ng kampo. Ang mga semento ay binakbak at itinapon sa kawayanan isang daang metro ang layo sa sentro ng dating kampo. Wala nang hukay ang mga banyo at hinugot na rin ang mga tubo ng tubig. Subalit, sa gitna ng mga ligaw na bulaklak at sa ilalim ng nagtatayugang puno ng mangga, malinaw na naituro ng saksi ang lahat ng istraktura ng kampo.

“Hindi ko aakalaing babalik pa ako rito. Takot ako, nanginginig, giniginaw. Noong una kaming dinala rito, akala namin ay isa-salvage na kami,” ani Raymond.

Pagdating ng mga taga-CHR ng alas-10 ng umaga, handa na ang Karapatan na maghukay at magdokumento ng anumang matatagpuan sa lugar.

Pagkapananghali, dumating si de Lima mula sa Maynila. Naglibot ito sa kampo, gayundin sa mga inakalang hukay ng mga pinatay na biktima. Nag-utos din siya sa mga kawani ng ahensiya na maghanap ng mga dagdag na tagahukay dahil sa nakitang hirap ng mga taga-Karapatan. Mabato at matigas ang lupa lagpas ng isang piye’t kalahati.

Negatibo ang resulta ng unang apat na hukay subalit nagkalat sa lugar ang maliliit na ebidensiyang naiwanan ng tao – mga sunog na mantel, sapatos, kahoy, at iba pa. Ang isang piraso ng damit na nakita ay maaring kay Cadapan, ayon kay Raymond. Kinumpirma naman ng mga eksperto ng UP na naistorbo ng kakaibang aktibidad ng tao ang natural na kaayusan ng lugar.

Sa takipsilim ng unang araw ng misyon, isa pang hukay ang sinubukan ng pangkat. Tinaya ng mga eksperto na ito ay may pag-asa dahil malambot pa ang lupa matapos ang dalawang piye ng paghuhukay. Saka nag-utos ang mga eksperto na ihinto na muna ang paghuhukay dahil madilim na.

Gabi sa kampo

Pagkagat ng dilim, nagsindi ng mga makalumang “petromax.”

Sa ilalim ng mapusyaw na ilaw ng mga ito, naghapunan ang mga tatlumpung natitirang kasapi ng misyon samantalang nagbantay sa gilid ng kampo ang isang iskuwad ng Philippine National Police-Regional Mobile Group. Bago pa man natapos ang hapunan bumuhos ang napakalakas na ulan na nagsalya ng mga tolda at bumasa ng mga damit at kagamitan. Ang ilang kamag-anak ng mga biktima ay bumalik muna sa Maynila para sa kanilang seguridad, gayundin ang ilang mga mamamahayag. Saka lamang dumating ang ipinangakong generator mula sa CHR-Gitnang Luson.

Pagdating ng alas-siyete ng gabi, habang sumisilip ang buwan sa numinipis nang mga ulap, sinubukan nang matulog ng kampo. Paglaon, tanging mga huni na lamang ng mga insekto’t ibon ang maririnig na panaka-nakang binabasag ng hilik ng mga pagod na kasapi ng misyon. Kahit ang mga pulis ay natulog na rin sa kanilang mga tolda at sasakyan.

‘Breakthrough’

Nag-usap muna ang CHR, mga eksperto at ang Karapatan sa pag-uumpisa ng ikalawang araw ng misyon. Nagpahayag ng kumpiyansa si Dr Datar na nagsasabi ng totoo ang saksi. Makakahanap daw sila ng kahit maliliit na buto basta matukoy lamang ang eksaktong pinaglibingan ng mga biktima. “Ito ang mga bagay na magkakanulo sa mga salarin,” ika ni Datar.

Subalit walang nakitang matibay na ebidensiya buong umaga. Inabandona ng misyon ang ikatlong lugar na itinuro ng saksi samantalang nagbukas pa sila ng isa pang posibleng lugar ng pinagbaunan ng mga biktima. Muli’t muling kinokonsulta ni Datar si Raymond sa direksiyon kung saan dinala ang matandang Merino noong gabing sinasabi nitong pinatay ang biktima. Pinalakad-lakad nito ang saksi mula sa gilid ng kampo patungo sa lugar ng hukay.

Dito sinabi ni Raymond na natatandaan niyang suot ni Merino ang luma, kulay-dilaw at tatak na “Beach Walk” nitong tsinelas noong huli niya itong makita. Base sa mga sagot ng saksi inutos ng doktor na lawakan pa ng mga tagahukay ang paghahawan nang lugar.

Samantalang nakatayo sa gilid ng dating kampo nakita ni Raymond ang isang shorts na halos natatabunan na ng putik. Dinampot niya ito at sinabing “Shorts ito ni Caigas. ‘Basic Wear’ and tatak. Siya lang ang mayroon nito. Pantulog niya.” Sinabi rin niyang sigurado siya dahil ipinaglalaba niya rin dati ang mga sundalong dumukot sa kanila.Nabuhayan ng loob ang mga naghuhukay ng eksaktong 12:30 ng hapon. Ang inakala nilang sunog na kahoy lamang ay nagluwal ng isang sunog na buto. Agad na sinabi ni Datar na ito ay buto ng tao, kaiba sa maraming buto ng baka at kambing na nagkalat sa lugar.

Bago pa siya nag-utos na itigil muna ang paghuhukay para sa pananghaliaan labinlima pang piraso ng mga buto ang nakita mula sa hukay.

Mas marami pang buto ang nadiskubre nung nagsimula na uli ang paghuhukay. Pagsapit ng 3:45, nakita ang isang dilaw na lumang tsinelas na may tatak na “Beach Walk.” “’Yan ‘yun! Kay ‘Tay Manuel! ‘Yan ‘yun!” sigaw ni Raymond. “Positibo na tayo,” sabi ni Datar. Makalipas ang ilan pang minuto, nakadiskubre rin ng isang singsing at isang buto ng gulugod.

Natagpuan na ang gilid ng hukay pagsapit ng alas-singko. Batay sa mga ebidensiyang nakalap, sinabi ni Datar na sinunog ang bangkay na nakabalot sa kutson ng kama at inilagay sa ibabaw ng gulong at kahoy. Pagkalipas ng mahaba-habang panahon tinanggal ang mga buto at saka tinakpan ng sariwang lupa ang hukay upang itago ang krimen. “Naka-talungko ang porma ng katawan, kaya maliit lang ang hukay,” paliwanag ng eksperto.

Subalit nilinaw ni Datar na wala nang makukuhang DNA mula sa mga buto, Ang mga buto ay pag-aaralan pa sa UP upang makakuha ng dagdag na impormasyon.

Malakas na ebidensiya

Pinuri ni Datar ang katatagan ni Raymond. “May lakas siya ng loob na sabihin (ang nalalaman),” ani Datar.

“Nabuhayan ako ng loob,” ika naman ni Raymond. “Kung wala tayong nakita e di lalo na nilang (militar) sasabihing sinungaling ako,” dagdag nito.

Kumpiyansa rin ang abugado ni Raymond na si Rex Fernandez sa resulta ng misyon.

“Napatunayan ang mga sinabi ni Raymond hinggil sa pagdukot at pagpatay ngayon. Dagdag pa, sinadyang linisin ang lugar para itago ang krimen. Kung titingnang mabuti, malaki ang kampo. Hindi ito hinimpilan pansamantala kundi sa matagal na panahon. Na may kinalaman dito si Palparan ay napatunayan din sa lahat ng mga kaso. Inaasahan naming susubukan ng militar na balewalain ang resulta nitong misyon subalit kapani-paniwalang testigo si Raymond,” ayon kay Fernandez.

Nais ni Fernandez na ideklarang lugar ng krimen ang lugar para ipagpatuloy ang paghuhukay at imbestigasyon. “Dapat ding tanungin din ang mga taga-rito,” dagdag nito.

Natapos ang misyon, nagpapatuloy ang paghahanap sa katarungan

Bago pa dumilim sa ikalawang araw ng misyon, muling natabunan na ang mga hukay. Naligpit na rin ang mga tolda at kagamitan. Nagtanim ng krus ang mga kamag-anak ng mga biktima yari sa mga sangang galing sa lugar. Namitas sila ng mga ligaw na bulaklak na inalay sa biktima. Nagsindi rin sila ng mga puting kandila sa paligid ng mga batong ginamit upang takpan ang mga hukay.

Nakakalitong lungkot at pag-asa ang naramdaman ng mga kamag-anak ng mga biktima, tulad ni Cris Hizarsa. “Katulad ng ibang mga pamilyang naghahanap, umaasa akong hindi kasama ang asawa ko sa mga pinatay dito. Yun ang pag-asa ko at ng mga anak ko. Sana, yun ang regalong maiuuwi ko sa kaarawan ni Shara.”

Tinungo ni Raymond sa huling pagkakataon ang pinaglibingan ni ‘Tay Manuel. Sinamahan siya ng mga taga-Karapatan at ni Dr Datar. Pinili ng mga taga-CHR na huwag sumama. Pinangunahan ni Fr. Diony Caballes ang pag-aalay ng panalangin na sinundan ng mga sigaw ng “Katarungan!”

Saka umiyak ang lahat. Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Raymond samantalang nakahukot ang balikat nito sa pisikal at emosyonal na sakit na dinaranas. Kahit ang ekspertong si Datar ay naluha at nakatungo sa nasaksihan.

Habang lumulubog ang araw sa likod ng Bundok Samat naglakad palayo ang mga kasapi ng misyon. Nagmistulang higit na ulila ang libingan, kasalo lamang ang ilang nakasinding kandila sa gitna ng lumulukob na kadiliman. Si Raymond ang huling tumalikod sa puntod upang iwanang mamukadkad ang mga ligaw na bulaklak na saksi sa mga kalupitang ngayon lamang masisilayan ng liwanag.

(Mga larawan ni Raymund Villanueva)

Si Raymund Villanueva ay mamamahayag mula sa Kodao Productions Inc.

Tanging hiling

October 21, 2008

Darius R. Galang

SA GITNA ng tumitinding krisis pang-ekonomiya na lumalaganap sa buong mundo, patuloy pa rin na hindi naibigyang ng karampatang umento sa sahod ang mga manggagawang Pilipino.

Sa halip, aamyendahan pa ang batas na nangangasiwa sa antas ng sahod ng mga kawani ng pamahalaan. At sa ganitong senaryo, tatamaan din ang mga kawani at manggagawang pangkalusugan na naglilingkod sa publikong mga pagamutan.

Kamakailan, nagsagawa ng pagkilos ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawang pangkalusugan, kasama ang Alliance of Health Workers (AHW), Philippine Nurses Association (PNA), at ilang grupo mula sa iba’t ibang ospital tulad ng RITM upang tutulan ang pagpapasa ng Joint Resolution number 24.

Matagal nang hiling, nakabinbin pa rin

Kasama sa hinihiling ng mga manggagawang pangkalusugan ang pagbabasura sa Kamara ng Joint Resolution Number 24 na naglalayon na amyendahan ang kasalukuyang sahod at benepisyo ng mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay Jossel Ebesate, pangkalahatang kalihim ng AHW, mapanghati ang naturang iskema dahil papalakhin pa lalo ang pagkakaiba ng mga sahod lalo na sa antas ng ordinaryong mga kawani ng pamahalaan.

“Bukod pa sa mapanghati nito, mapanlinlang rin dahil wala talagang magiging increase sa sahod, bagkus liliit pa lalo ang tatanggapin ng mga kawani dahil babawasan ang mga benepisyong tinatamasa ng ating mga health worker,” ani Ebesate.

Sa tala, may P20 Bilyon ang nakatalaga sa Joint Resolution, kahit hindi pa ito naaaprubahan. Kuwestiyunable rin sa ilan pang sektor ang pagtatalaga ng ganitong halaga. Para kay Lea Pacuiz, national president ng PNA, malaking katanungan ito dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa naibibigay ang karampatang sahod ng mga nars kahit sa kasalukuyang paghahanay ng antas ng sahod.

Sa implementasyon ng Salary Grade 15 na nakasaad sa RA 9173 o Nursing Act of 2002 para sa mga nars, ipinaliwanag ni Pacquiz ang katagalan ng pagbibigay ng karampatang sahod ng mga nars. “The starting salary of nurses should start at SG 15 which is equivalent to P16, 003. 2002 pa na-approve, 2008 na ngayon, 6 years after, [it is] not yet implemented,” sabi ni Pacuiz.

Lahat apektado

Kahit ang karaniwang empleyado sa pagamutan ay apektado ng iskema na ipapatupad sa loob ng apat na taon.

Para kay Remedios Maltu, nursing attendant sa isang pampublikong ospital, “Kawalang-pag-asa lalo para sa mga health worker” ang iskema. “Ang hinihingi ng mga health worker ay dagdag sahod, pero ano ang sinagot ng gobyerno? Dagdag nga sa basic salary, pero ang kakaltasin na benepisyo namin [sa ilalim ng RA7305 ng magna carta] ay mas malaki kaysa sa idadagdag.”

Kuwestiyonable umano ang lohika ng Joint Resolution 24. Isinaad ni Maltu na kayang makakuha ng tatlo, apat, hanggang limang libong piso sa halaga ng benepisyo ang isang karaniwang manggagawa.

“Pero ang idaragdag lamang sa amin ay P600 sa isang buwan. So ano ang logic nung JR24 na ang effectiveness naman ay four years. Nakikita namin na itong ipinanukala ni Cong Prospero Nograles ay hindi niya napag-aralan ito,” sabi ni Maltu.

Pangingibang bansa?

Matagal nang laganap ang pangingibang-bansa ng manggagawang pangkalusugan sa bansa. Itinuturing ng karamihan maging sa mga manggagawang pangkalusugan na ang ganitong senaryo ay dulot ng kakulangan rin ng wastong pagbibigay ng pansin sa kalagayan ng gobyerno sa kanila.

Simple lamang ang hiling kahit ng karaniwang health worker: Itaas ang suweldo.

“Kung kami ay bigyan ng mataas na suweldo, hindi na kami aalis ng bansa dahil mas gusto naming maglingkod sa aming mga kababayan kaysa magpunta pa sa ibang bansa at maghirap doon,” ang pahayag ni Maltu.

At kung maipapatupad ang lahat ng hinihiling ng mga manggagawang-pangkalusugan?

“Mas bubuti ang kanilang kalagayan, baka mas gugustuhin na nilang manatili rito sa bansa. Hangga’t maaari, ang produksiyon ng mga nars, para dito sa ating bansa. Kailangan ang dapat mag-alaga ng mga Pilipino, mga Filipino nurse din,” dagdag ni Pacquiz.(PinoyWeekly)

Kiliting Diwa: Pagkakaalam ni Pacquiao kay Jose Rizal atbp. text jokes

October 21, 2008

Reporter: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Ninoy Aquino?

Pacquiao: Pagkaalam ko lahat sila ay namatay ng holiday! Pagkakaalam ko lang ha…

* * *

Sermon ng pari: Ang kayamanan at pera, maiiwan natin kapag tayo ay namatay. Walang may pera sa langit!

Bata: Narinig mo yun, nay? Nasa langit na pala tayo!

* * *

GF: (texting) Ayoko na sayo! Leche ka! Break na tayo!

BF: (replied immediately) Ha? Bakit? Ano ba problema? Ano ba kasalanan ko?

GF: Ay sorry honey. Wrong send! Love you!

BF: Kala ko naman kung ano na…Love you too!

* * *

Pedro: Niloko ko yung tindera kanina.

Juan: Paano?

Pedro: Nagpa-load ako eh wala naman akong cellphone.

* * *

2 babies nag-uusap:

Baby 1: Nakakalakad na ko! Yehey!

Baby 2: Wow! Nakakalakad ka na…Pa-Gerber ka naman! Gerber! Gerber! Gerber!

* * *

Wife: Ninakawan tayo ng katulong ng towel nung umalis siya.

Husband: Mga tao ngayon walang values. Anong towel ang kinuha niya?

Wife: Yung sa Manila Hotel…

* * *

A girl was in love with an ugly man, her friend asked her:

“Why him?”

Then the girl replied immediately:

“Haler? Di ka ba nanood ng Beauty and the Beast? Po-pogi din siya!

The guy heard this and he said:

“Tungek! Napanood mo ba yung Shrek? Papanget ka din noh.”(PinoyWeekly)

New CPAs of 2008 (G)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
1007 GAASIC, DELVEE BALIAT
1008 GABAYERON, JELLY MAE BAQUILAR
1009 GABONADA, LEIZL BATAUSA
1010 GABUTIN, VANESSA ANN CRISTIN CONDALOR
1011 GACHALIAN, ANTHONY LOUIS ORDOÑA
1012 GACUSAN, CATHERINE MERCURIO
1013 GAJO, CHARINA LACRA
1014 GAJUDO, RICHMOND CHARLES GACUS
1015 GALACIO, ANNALOU LAMUNDA
1016 GALAMITON, MICHAEL PABLO
1017 GALAN, JEROME TIGRAN GEPAYO
1018 GALANG, CARL LOU DEAN BAUTISTA
1019 GALANG, JOHN PAUL MAGBANUA
1020 GALANG, RALPH DANILO BASCO
1021 GALICIA, MARI SHIRLYNE SARMIENTO
1022 GALISA, MARVILL SALVADOR
1023 GALLA, ARNOLD GLENN ENIVA
1024 GALLANOSA, AARON ADAM BALMAS
1025 GALLONIGA, GERDA GRACE CAPITO
1026 GALON, JERIC ANGELO BABIERA
1027 GALPITO, ARNOLD CARIAGA
1028 GALUEGO, LENI SANTOS
1029 GALURA, RONALD PAUL CAYANAN
1030 GALVEZ, CRISTELA MARIS VELILLA
1031 GALVEZ, MAYBELLE ANN BAYOT
1032 GAMAO, ALJUVER REGANON
1033 GAMAT, ANGELO DACEAN
1034 GAMBET, ELYNUR HAMISAIN
1035 GAMBOA, GILDA ANDREA DE LEON
1036 GAMBOA, MARLON PASCUAL
1037 GAMIL, JESUS ROGELIO GUTIERREZ
1038 GAMMAG, RENDON PEREGIL
1039 GAN, AUDIMORFE BALAIS
1040 GAN, KATHLEEN GUINEVERE CO
1041 GANANCIAL, JEN ROSELLE BUGAYONG
1042 GANDAMRA, JOHARA LIMGAS
1043 GANIBO, MARY ROSE AGUILA
1044 GANILA, MARY ANN ORO
1045 GANO, JOEANNE BACARON
1046 GAOIRAN, MELDRICK COLOMA
1047 GAPUSAN, DEXTER TADEO
1048 GARA, JIMMY JR PEÑA
1049 GARADO, MA RHUBIE GELL BAGALAY
1050 GARBANZOS, KRISTILYN JOY CHUA
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 23 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

1051 GARCES, JAMES PETER EVANGELISTA
1052 GARCIA, CATHERINE BATAG
1053 GARCIA, DIANA ROSE CRISTOBAL
1054 GARCIA, ERWIN MEDINA
1055 GARCIA, GIL II EDAR
1056 GARCIA, JANICE CANTOS
1057 GARCIA, LOVELY AUSTRIA
1058 GARCIA, MARIA LOURDES MILAN
1059 GARCIA, RODA CARDOZA
1060 GARCIA, RONICA ANNE ROMERO
1061 GARCIANO, RODELIO JAN PASCUAL
1062 GARCIANO, SUZANNE LORENZO
1063 GARING, LESTER JAKE MANALO
1064 GARRIDO, JOSSIE MAE MACANDA
1065 GARRO, TEDDY JOHN PALASPAS
1066 GARZO, KIMBERLY QUINTO
1067 GATBONTON, JAIMEE RIA RASCO
1068 GATCHALIAN, RODRIGO ELESEO JR CASTILLO
1069 GATDULA, CHERYL RONARIO
1070 GATLABAYAN, HAZIEL MAGDAONG
1071 GAYTOS, NATTHA CHIONG
1072 GAZO, ANDREA ROSE ALCALDE
1073 GEBILAGUIN, MA FLORNILDA ALMODIEL
1074 GEDANG, MARIA VERONNE ESTRELLANES
1075 GEGANTONI, SHEILA MAE EHASTRO
1076 GENILZA, JOSILDA GENTOLEA
1077 GEORGE, MARIA LOURDES INTAC
1078 GERON, ADRIAN BJ ALMERO
1079 GERONA, SUZETTE VICELLE CAGARA
1080 GERONIMO, CARINESS ROBLES
1081 GERONIMO, CONRADO JR CRUZ
1082 GERONIMO, JOSELITO SANTOS
1083 GERONIMO, JUNO VILELA
1084 GERSABALINO, KENNETH GELONGA
1085 GERVACIO, ERWIN LEJANO
1086 GERVACIO, MARIENELL FELIZARDO
1087 GEVEROLA, MARIA LOURDES SALAS
1088 GILLERA, RIZHEL GLORIANE
1089 GINES, JUAN CARLOS CABALLES
1090 GINES, RHODIN BALENIA
1091 GINES, SATURNINO SANTIAGO
1092 GIRON, MARIEL ANGELI GILBUENA
1093 GLORIA, NIÑA VALENCIA
1094 GNILO, DIANA BODONAL
1095 GO, DIANNE CHU
1096 GO, JANICE TANTANO
1097 GO, KORISTINE PAR
1098 GO, THERESA FORTICH
1099 GOBWAY, JILL NABEJET
1100 GOCE, VIENNA CECILIA ESPAÑA
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 24 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

1101 GOMEZ, GINA LYN PINZON
1102 GOMEZ, MARICIEL GERTRUDES DITCHING
1103 GOMEZ, RACHELLE LORRAINE ALVERO
1104 GOMEZ, REINA MAE SAGARAL
1105 GOMEZ, VIRGIE ROXAS
1106 GONZAGA, KRISTINE LEONA
1107 GONZAGA, MABEL BLAZA
1108 GONZAGA, NEPHTALI DACUBA
1109 GONZAGA, RESTY SADIO
1110 GONZALES, HEIDI BONDOC
1111 GONZALES, JOANNAH MARIE LUCENI
1112 GONZALES, NIÑO JOSE BECHAYDA
1113 GONZALES, ROSE ANN RANCE
1114 GONZALES, ROSE-ANN LAGUARTILLA
1115 GONZALES, ROSEMARIE RONQUILLO
1116 GORDONCILLO, PETER JR DAGANI
1117 GOROSPE, DIANE PAMPLONA
1118 GRAMA, GLADYS JAPON
1119 GRATUITO, ROBERT MARALIT
1120 GREGORIO, JEREMY JOHN LIM
1121 GREGORIO, RONALIE CUSTODIO
1122 GRENGIA, ETHEL SORDILLA
1123 GRIÑE, SHEINA SANDOVAL
1124 GRUSPE, BRIAN BASCO
1125 GUADILLA, JOEMAR COLUMNA
1126 GUANCO, WELLA MAE MUZONES
1127 GUARINO, VON RYAN SUMBILLA
1128 GUECO, ARLENE MEJIA
1129 GUERRA, MARIVIC ADREMESIN
1130 GUERTA, BRIAN ALBERTO
1131 GUEVARRA, JEANNY ANN DESTACAMENTO
1132 GUILING, AYESHA HANIA BONSALAGAN
1133 GUILING, JHAHIDAH LAWI
1134 GUILLERMO, ANA ROSA BANATICLA
1135 GUILLERMO, MARYLET OPILAN
1136 GUINAYON, KAREEN JANE SUSCANO
1137 GUINGAB, ERASMO JR RANJO
1138 GULINAO, JENNY LYN LAPIG
1139 GUMASING, JAROLD CACAYURAN
1140 GUMBAN, MINA GRACIA DELA CRUZ
1141 GUNAY, JOY ANN VELASCO
1142 GUNDRAN, FRANCES ANNE OCAMPO
1143 GURANGO, ROMEL AZCARRAGA
1144 GUSTILO, JONAVI BONA CRUZ
1145 GUTIERREZ, MA ROSE INEZ CASTILLO
1146 GUTIERREZ, MICHELLE AQUINO
1147 GUTIERREZ, MILDRED LUMANLAN
1148 GUY-AB, CHARL KEN LAURONAL

Laban ng batang Kabute

October 21, 2008

Ilang-Ilang D. Quijano

SA UNANG bahagi ng maikling bidyo ng Southern Tagalog Exposure na pinamagatang “Batang Kabute,” masayang naglalaro ang isang kulumpon ng mga bata sa isang pawang maliit na subdibisyon. Ilang minuto rin ang silip sa espesyal na mundo ng yaong mga hindi pa pinatatanda ng mga reyalidad ng panahon. Nga lamang, biglaang mapuputol ang eksenang ito. Ang kasunod, natutulog na ang isang hilera ng mga bata sa isang abalang bansa.

“Ang bawat bata ay may karapatan sa disenteng tahanan,” (Every child deserves the right to a decent home) sabi sa katapusan ng bidyo.

Ito ang mensaheng ipinaaabot sa madla ng halos 300 bata na naninirahan sa Sityo Kabute, Brgy. Real, Calamba City, Laguna. Nanganganib na mapalayas ang 150 pamilya sa tatlong ektaryang lupain na inookupahan na nila ng tatlong dekada.

Banta ng demolisyon

Enero ngayong taon, bila na lamang dumating ang mga tauhan ng Metrobank na nag-aangkin sa lupain. Sinamahan sila ng mga miyembro at Swat ng pulisya at kahit walang mga dokumento, inutusan ang mga residente na baklasin ang kanilang mga tahanan. Walang kaalam-alam noon hinggil sa kanilang mga karapatan, napilitang sumunod ang mga ito.

“Siyempre, matatakot ka sa oras na tuktukin ng baril ang bahay mo,” sabi ni Melecia Almario, board of director ng Samahan ng Sityo Kabute.

Isang linggong mala-impiyernong pamumuhay sa basketball court ang dinanas ng mga residente. Lumapit sila sa bise-alkalde ng siyudad, na nagturo naman sa kanila sa party-list na Bayan Muna. Hinikayat ng Bayan Muna ang mga ito na bumalik at igiit ang paninirahan sa sityo.

Ngunit noong Setyembre 11, naglabas ng demolition order si Calamba Regional Trial Court Judge Alberto Serrano. Ligalig muli ang komunidad.

Sa ngayon, kalunos-lunos na ang kalagayan doon, ani Almario. Pinagtagpi-tagping sako, karton, at tolda na lamang ang kisame at dingding ng ginibang mga bahay na bato. “Kapag umulan, tumutulo ang tubig,” aniya, dahilan kung bakit nagkakasakit ang maraming bata. Noong Oktubre 8 lamang, namatay sa bronchopneumonia ang limang buwang sanggol ng residenteng si Myrna dela Cruz.

Di makapag-aral

Noong Oktubre 11, nagsagawa ng benefit concert sa Ten02 Bar sa Quezon City ang STExposure at Bayan Muna- Southern Tagalog para sa tinaguriang “Batang Kabute.”

Pinangalanan ang sityo dahil nagsulputan dito nang parang kabute ang mga maralitang walang masilungan. Sila na ang nagpaayos sa lupaing dating talahiban at imbakan ng basura. Para sana ito sa matiwasay na paglalakihan ng kanilang mga anak.

Ngayon, karamihan sa mga Batang Kabute ang nagtitinda na lamang ng sampaguita. Napilitan silang tumigil sa pag-aaral nang mawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang noong maganap ang demolisyon. “Ngayon, di pa rin kami makapagtrabaho. Laging may balitang bukas magdedemolis kaya di pumapasok ang karamihan para mag-abang,” ani Almario.

Bukod sa pangunguna sa pagtatayo ng samahang magtatanggol sa kanilang mga karapatan, kinupkop ng progresibong mga organisasyon ang mga batang edad anim hanggang sampu. Tinuruan silang magsulat ng mga tula, kumanta ng mga awit, at lumikha ng mga dibuhong nagsasalamin sa kanilang tunay na kalagayan.

Pagtatanghal

Sa benefit concert, tinanghal ng mga bata ang shadow play na produkto ng workshop nila sa ilalim ng Anino Shadowplay Collective. Iba’t ibang dibuho at cut-outs na pangbata ang nilangkapan ng ilaw at galaw sa saliw ng awit ng mga Batang Kabute.

Binigkas nila ang isang tulang may mga linyang: “O Inang Gloria/ Kami ay nagdurusa/ Sa kasakiman ng iyong pamilya/ O Inang Gloria/ Sinungaling Ka/ Sa aming mga bata ikaw ay masama.” Kinanta nila ang sariling awit na may mga linyang: “Nang dahil sa demolisyon/ Hindi kami makapag-aral/ Nang dahil sa Metrobank/ Nawala ang aming mga tahanan.”

Bilang pakikiisa, nagtanghal ang mga dramatista ng UP Repertory, mga makata ng grupong Kilometer 64, progresibong mang-aawit na si Danny Fabella, at mga bandang The Wuds, Republika de Lata, Anak ni Aling Juana, at The Outlaws.

Ayon nga kay Bayani Cambronero, regional coordinator ng Bayan Muna-ST, “Ang mga kabute na dati-rating tinatapakan, ibang klaseng kabute na ngayon—mga kabuteng lumalaban.”(PinoyWeekly)

(Pasintabi) Melamine

October 21, 2008

Pasintabi | Rolando B. Tolentino

ITO ang lasong kasama sa gatas, karamihan ay angkat mula China. Apat na sanggol na ang namatay, at 54,000 sanggol sa China ang nagkasakit dahil sa melamine sa gatas.

Ayon kay Dr. Romeo Quijano, ang melamine ay isang sintetikong kemikal na gamit sa maraming produkto, tulad ng panghugas sa kusina, utensil, panlinis sa bahay at furniture, glue, fertilizer at iba pang gamit. Ito ay byproduct ng cyromazine, isang trianzine na pestisidyo na gamit sa gulayan at manukan.

Lason ang melamine, at maaaring maging dahilan ng “adverse reproductive effects, may affect genetic material and may cause bladder cancer, based on animal data. It may also cause skin, eye and respiratory tract irritation and irritation of the digestive tract with nausea, vomiting and diarrhea, and may damage the urinary system.”

Ang lason na hinayaang makapasok sa bansa sa gatas at ice cream ay ngayo’y ginagamit ng mga pulitiko para “mag-cleansing” sa dalawang antas: una, ang pagba-ban sa mga produkto – gatas lamang – na may halo nito; at ikalawa, ang pagpapakuha ng pogi at ganda points sa peryodikong inspeksiyon ng mga gatas sa groseriya at pagpapa-press conference ng findings hinggil sa lason sa mga gatas.

Ang pulitiko ay nagkakaroon ng kakatwang papel sa labas ng mundo ng pulitika: ang pagiging syentista. Seryosong blangko ang mga mukha, nagpapahiwatig ng detachment sa media gayong uma-acting naman talaga ang mukha at katawan para sa bitbit na media. Tulad ng Department of Health Secretary Francisco Duque III, kahit pamali-mali ang pagtukoy ng mga produkto sa groseriya, maski hindi galing sa China, ay nagmamarunong lang naman.

Si Gloria Arroyo ay hindi rin nakatiis, nag-media mileage rin sa pag-inspeksiyon ng gatas sa groseriya kahit hindi naman alam kung ano ang gagawin sa mga dinadampot na karton. Tunay na “melamine moment” ang media-op (opportunity) na ito dahil ang melamine ay resin ng plastic. Hindi ba’t tunay na orocan-tupperware ang ganitong nagdidispley ng dunong at ganda sa mga bagay na hindi naman nila sakop?

Sinasabing gumamit ng melamine sa gatas para malusutan ang inspeksiyon ng pamahalaan ng China. Sa pamamagitan ng pagdagdag ng tubig, napapataas ng melamine ang protein content ng gatas. Tinatayang 20 porsyento ng mga dairy companies na tinest sa China ay nagbebenta ng produktong may halong melamine.

Kung gayon, ang melamine ay produkto ng pagiging gahaman ng negosyo, at ng pagmamaganda ng gobyernong nagsasaad ng kapangyarihang regulasyon ng mga lampasang ambisyon ng negosyo. May usap-usapan pang hihingi ang gobyerno ni Arroyo ng kompensasyon sa ngalan ng lokal na negosyo para sa damage na nalikha ng “melamine scare.”

Ang hindi isinasaad ni Arroyo ay ang nagiging puwang ng puso nito sa mga mas malalaking negosyo ng China. Hindi ba’t ang naunsyaming NBN-ZTE Broadband deal ay tinungo pa ni Arroyo sa Mainland China mula sa opisyal na biyahe sa Hong Kong para mag-golfing at makikain kasama ng negosyanteng nag-alok sa kanyang gobyerno? At ang nagmomodernisa sa sistema ng tren sa Luzon ay isa ring korporasyong China?

“Made in China” na tunay na may halaga kay Arroyo – una, bilang balon ng pangungurakot at sistema ng partihan para sa kanyang naghaharing paksiyon; at ikalawa, bilang kahalintulad na balon na pinagtatapunan ng bahong maididiskarga sa kanyang administrasyon. Win-win situation ang China para kay Arroyo, kahit pa ito rin ang nagdidirekta ng pambansang pagturing at chauvinismo sa China at mga Tsino, maging ang Tsinoy sa bansa.

Kung makakamura – at kung gayon, mapapahalagahan ang pera – ang China at ang nasyonal nito, na hindi hiwalay ang turing sa mga Tsinoy, ay ang balon ng pinagmumulan ng pinansyal na kapital. Sila ang mga Taipan na positibong role-model ng entrepreneurship na pinapangarap ng maraming kumukuha ng komersiyo sa kolehiyo.

Pero ang China, Tsino at Tsinoy ang tampulan din ng pukol ng pagiging hindi matuwid sa negosyo, ng pagiging gahaman at walang pagsasaalang-alang sa buhay, lalo na ng “lokal na nasyonal.” Kaya sila ang dine-demonyo sa pagkakataong tulad ng melamine scare, kahit sa nakaraang alaala ng pantabulosong opening at closing ceremonies ng 2008 Olympic Games, sila na ang bagong superpower ng mundo.

Gobyerno ni Arroyo ang namumukol sa hitik na bunga ng China. At ang epekto nito ang nagbibigay ng pambansang direksiyon sa pang-araw-araw na turing sa China at nasyonal nito. Sino at ano ang tunay na lason? Ang negosyo ng China na nagpakalat ng melamine para palabnawin ang gatas o ang goberyno ni Arroyo na nagpapalaganap ng tasitong rasismo at kultural na chauvinismo, kung mapapakinabangan, para maibsan ang kanyang administrasyong hitik sa pagmamaniobrang kitilin ang kalidad ng pambansang buhay ng kanyang mismong mamamayan?

Tulad ng isang na-shipwreck na nagdedeliryo sa karagatan dahil sa pagkauhaw, kay daming gatas pero walang ligtas na mainom na gatas.(PinoyWeekly)

Etsa-puwera sa siyudad

October 21, 2008

Jeffrey Ocampo

Rebyu ng City for Sale
Bidyo-Dokumentaryo
Produksiyon ng Sine Patriyotiko (Sipat), Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)
Direksiyon ng Sipat

KARANIWAN na itong kontradiksiyon sa kontemporaryong imahen ng lungsod: ang pagtatagpo ng nagtatayugang mga establisimyento at nanlilimahid na mga barung-barong na kung titingnan sa malayo at nang maigi ay larawan ng malupit na kabalintunaan. Kadalasan, di lamang yumuyuko ang abang mga kabahayan sa pagtindig ng bagong mga istruktura – ginigiba pa ang mga ito kasama ng pag-asa ng mga taong naninirahan dito. Sa dokumentaryong City for Sale na dinirehe ng Sine Patriyotiko (Sipat), ipinapakita ang nagbabadya at nagaganap nang pananalanta sa tahanan at kabuhayan ng libu-libong mamamayan sa pagtatayo ng Quezon City Central Business District (QCCBD).

Paglikha ng pinakamagarbong sentro ng komersiyo ng bansa ang ideya sa likod ng QCCBD. Sa laki ng sasaklawin at bilyun-bilyong pisong gagastusin para sa proyekto, hindi nga malayong maungusan nito ang nakatayo nang mga business district sa Makati at Ortigas. Ito ang magiging “sentro de grabidad” ng Kamaynilaan, banggit ng World Bank (WB) na nagpautang ng US $3 Bilyon sa pamahalaan upang kagyat na masimulan ang proyekto. Ayon sa dokumentaryo, si Pangulong Arroyo at si Sonny Belmonte, ang alkalde ng lungsod, ang masusugid na nagtutulak nito. Ipinapatupad ito sa ilalim ng Executive Order (EO) 620 na may titulong Rationalizing and Speeding-up the Development of the East and North Triangles and the Veteran’s Memorial Area of Quezon City as a Well-Planned, Integrated and Environmentally Balanced Mixed-use Development Model. Binuo naman ang Urban Triangle Development Commission upang mangangasiwa sa pagpapatupad ng plano para sa QCCBD. Bahagi ang proyekto ng infrastructure program ng pamahalaan na ayon sa dokumentaryo ay pagbibigay daan para sa negosyo ng dayuhang mga mamumuhunan.

Sa dokyumentaryo, tinatakalay ang magiging epekto ng pagtatayo nito sa mga mamamayan. Tinutukoy nito ang mga maralitang tagalungsod at mga kawani ng pamahalaan bilang pangunahing maaapektuhan ng nasabing proyekto. Ayon sa tagapagsalita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na si Carmen “Nanay Mameng” Deunida, hihigit sa 15,000 pamilya ang mapapaalis mula sa kanilang mga tahanan upang bigyang daan ang pagtatayo nito. Ayon naman kay Ferdinand Gaite ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), maraming kawani ng pamahalaan ang maaaring matanggal sa trabaho sa sandaling alisin ang mga tanggapan nito sa sasaklawin ng QCCBB.

Sa pagsisimula pa lamang, malinaw ang tindig ng dokumentaryo. Ayon dito, “Ang sukatan ng kaunlaran ng isang lipunan ay ang kalidad ng kabuhayan ng [mga] mamamayan [at] hindi ang pagkakaroon ng nagtatayugang mga gusali, magagarang tulay o malalamig na pamilihan.” Gusto nitong iparating na kailangan munang unahin ng pamahalaan ang batayang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Dagdag pa, sinasabi nitong kailangan ng mga mamamayan ng “angkop na sahod” upang makapamuhay nang marangal.

Relokasyon/Dislokasyon

Kabilang ang Sitio San Roque, San Isidro, Brgy. Central at Pinyahan sa mga lugar na maapektuhan ng proyekto. Sa mga salaysay ng kinapanayam na mga residente para sa dokumentaryo, mababatid ang pangamba ng karaniwang mga tao sa napipintong pagkawala ng kanilang tahanan at kabuhayan. Sa kabilang banda, mababatid naman ang kanilang galit at kahandaang ipaglaban ang kanilang karapatan.

Isa sa mga tinalakay ng dokumentaryo ay ang relokasyon para sa mga residenteng mapapaalis sa kanilang tirahan. Sa mga salaysay at footage na nagpapakita ng hitsura ng mga relocation site, hindi nga kataka-taka na pagsisisi ang nadadama ngayon ng mga taong piniling magpalipat sa ibang lugar.

Kinapanayam ang dating mga residente ng tabing-riles sa Camanava na ilinipat sa Northville sa Balagtas, Bulacan. Inilarawan ng bawat isa ang hirap na kanilang dinadanas sa binigay sa kanilang bagong “tahanan.” “Mas masahol,” anila, ang buhay nila ngayon kumpara noong sila’y nasa riles pa. May “amoy ang tubig,” walang kuryente, “tumataas ang tubig sa konting ulan” at maipambibili na ng isang kilong bigas ang pamasahe mula sa loob hanggang sa trabaho ng mga linipat dito.

Ang di makataong kalagayan sa mga relocation sites ay isang reyalidad. Karaniwan nang itinatapon ang mga dine-demolish sa “malalayo at liblib” na mga lugar pagkatapos pangakuan ng maayos na pabahay. Kaya naman karamihan sa kanila ay bumabalik kung saan sila dating naninirahan o kaya’y naghahanap ng bagong lugar na maaaring pagtayuan ng kanilang mga kabahayan. Kadalasan, naninindigan ang mga residente na manatili at ipaglaban ang kanilang tirahan bago pa man sila maitapon sa mga katulad na lugar.

Larawan ng pagsisisi ang mga residenteng nagsasalaysay ng kanilang paghihirap. Tila nagsasalita din at sumasang-ayon sa kanila ang walang palitadang dingding sa kanilang likuran at nakausling mga bakal sa paligid. Wala silang maipakitang tahanan; kalansay ng pinangakong maayos na pabahay lamang. Kung makakain nga lamang ang buhangin at batong pinagawa ng di tapos na pabahay, himutok ni Aling Juanita, isang residente ng Northville.

Pananalanta

Hunyo pa lamang ng nakaraan taon nagsimula ang pananalanta ng proyekto. Una nang pinalayas ang mga nakatira at “maliliit na negosyante” sa kahabaan ng North Avenue. Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsagawa ng pagpapaalis na ayon sa dokumentaryo ay isang porma ng demolisyon na nakakubli sa ngalan ng “sidewalk cleaning operation.” Aabot umano sa 400 tauhan ng MMDA ang nagsagawa ng operasyon. Ayon kay Ricky Tomotorgo, dating residente sa North Avenue, magsisilbi itong “testing” na tatantiya kung kaya nang gibain nang tuluyan ang mga kabahayan sa kahabaan ng nasabing daan. Sa Sitio San Isidro naman, ikinatwiran sa mga residente na gagamitin bilang parking lot ng Office of the Ombudsman ang kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan. Sa footage, ipinakita naganap na demolisyon: Isa-isang tinitibag ang mga hollow block at dinadala palayo ang mga materyales ng bahay ng mga residente. Isa sa kanila ang nagsabing pinili na lamang niyang lumayo habang ginigiba ang kanyang bahay dahil “parang ako ang minamaso.”

Kung sa usapin ng ahensiya ng pamahalaan at mga empleyado nito, nangangamba ang Courage sa mangangahulugan ang napipintong paglilipat ng mga ito sa ibang lugar ng tanggalan sa trabaho sa mga kawani ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, isa nang ahensiya ng pamahalaan ang nalipat ng lugar. Nagulat na lamang ang mga kawani ng Department of Agriculture sa biglaang paglipat ng tanggapan nito sa Iligan City sa probinsiya ng Isabela.

Hindi ramdam ang pag-unlad

Aabot sa mahigit 250 ektarya ang “pauunlarin” para sa proyekto. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng aerial view ng lungsod, naipakita kung gaano kalaki sa aktuwal ang saklaw nito. Sa dokumentaryo, iginigiit na ang sinasabing “hakbang sa pag-unlad” na ito ay pakikinabangan lamang ng iilan. Ayon kay Gaite, “ang pokus [ng proyekto] ay sa malalaking negosyo’t kapital [habang] isasantabi ang interes ng [mga] mamamayan.” Ito ang dahilan kung bakit maraming tumutol sa QCCBD.

Kapalit ng tahanan ng nakararami ay mga “gusaling komersiyal, residential condominium, call center at pasyalan ” na ang makikinabang ay ang mga “dayuhang mamumuhunan at higanteng negosyante.”

Sa bawat panayam sa mga maapektuhan ng proyekto, napapabatid ang kanilang abang kalagayan. Ayon sa isang pedicab driver sa Sitio San Roque, ang kanilang “kinikita ay kulang pa sa aming pangangailangan.” Dagdag ni Aling Juanita, kinakailangan na nilang mag 5/6 upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Malinaw din, anila, na walang pag-unlad na nagaganap dahil sa pagtaas ng presyo bilihin.

Patudsada naman ng isang residente ng Brgy. San Roque, habang gumagawa basahan mula sa mga retaso ng tela, “karpintero ang asawa ko pero tingnan mo ang bahay ko.”

Sa kabilang banda, naipakita rin ang kahandaaan nilang labanan ang proyekto. Ipinakita ang pagtatayo at pulong ng mga organisasyon na pinagtulungang itayo ng mga residente na magsagawa ng kolektibong mga pagkilos upang hadlangan ang pagpapatupad nito.

Bidyo-dokumentaryo bilang lunsaran ng protesta

Testimonya ng maralitang mga mamamayan ang pangunahing laman ng dokumentaryo. Binuo ito upang sa ganitong paraan ay makapagpahayag ang karaniwang mga tao tungkol sa pangamba sa kanilang kalagayan at galit sa mga nagiging dahilan ng kanilang paghihirap. Ang bawat piraso ng imahen – gusgusing mga bata, di mapanatag na mga mukha, pader na tinitibag, kalawanging yero at karitong gumugulong –bumubuo sa larawan ng busabos na pamumuhay ng mga mamamayan. Inililibot ng mata ng bidyo-kamera sa pamamagitan ng pedicab ng maralita ang mahabang naratibo ng kahirapan.

Sa kabilang banda, bagamat di gaanong ipinakita ang mga nasa likod ng mapaminsalang proyekto, sinimbolo naman sila ng bulldozer – na instrumento ng pananalanta – na paulit-ulit na pinakita sa dokumentaryo.

Masasabing tagumpay ang dokumentaryo sa layunin nitong ipakita ang kalagayan ng mga mamamayan na maapektuhan ng proyekto. Pinagkunutan ng noo ng mga manunulat, videographer, editor at iba pang kasapi ng Sipat ang dokumentaryo sa loob ng anim na buwan. Ginamit para dito ang musikang kabilang sa rap genre ni Eric Tandoc, isang klase ng musika na masasabing malapit, sumasalamin at tumutulong na makamit ang mga adhikain ng maralitang mga mamamayan. Gayundin, pinagtulungan din ng iba’t ibang organisasyon, sa pangunguna ng Courage at Kadamay, at mga residente ng apektadong mga lugar ang pagbubuo nito mula sa konsepto hanggang sa pagluluwal at pagsasalang ng dokumentaryo sa mga manunuod.

Para sa Sipat, maaaring gawing lunsaran ng protesta ang bidyo. Sa katunayan, naniniwala ito na dapat gamitin ang midya bilang espasyo para sa “demokratikong pagpapahayag” at paglalantad ng mga tunay nagyayari sa lipunan. Higit, naniniwala ang grupo na kailangang manghikayat ito ng “kritikal na pagtugon” sa mga isyung kinakaharap ng lipunan. Nakapagpalabas na rin ang grupo ng iba pang katulad na bidyo-dokumentaryo tulad ng Mula 3rd Avenue Hanggang Dulo.

Sa huli, ito ang nais iparating ang dokumentaryo: “Ang kahulugan ng QCCBD ay lalong pagpapayaman ng iilan samantalang gutom [at] kamatayan sa mga maralita at kawani ng gubyerno.” Ngunit hindi ito ang kongklusyon ng naratibo nito. Sa halip, sinasabi nito na ang “kolektibong pagkilos” at kapasyahang lumaban ng mga mamamayan ang magiging mapagpasya sa labang ito.(PinoyWeekly)

Gobyernong Arroyo makupad sa pagsaklolo sa binitay na Pinoy sa KSA – Migrante

October 21, 2008

DAPAT sisihin ang pamahalaang Arroyo sa “makupad” na pagsaklolo nito sa binitay na Pinoy sa Saudi Arabia na si Jenifer Bidoya.

Binatikos ng Migrante sa Middle East ang anila’y “kakarampot at mabagal” na pagtugon sa kaso ni Bidoya at ng iba pang Pilipino na nasa death row ngayon sa Saudi.

“Hindi nakausap ng administrasyong Arroyo sa pamamagitan ng DFA [Department of Foreign Affairs] at Philippine Consulat sa Jeddah ang pamilya ng biktima sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa kilalang mga lider-Muslim para kumbinsihin ang pamilya na patawarin si Bidoya at tanggapin ang blood money,” ayon kay John Monterona, regional coordinator ng Migrante sa Middle East.

Binatikos pa ni Monterona si Pangulong Arroyo na, aniya’y nagkasya na lamang sa pagsulat sa hari ng Saudi hinggil sa kaso ni Bidoya sa halip na aktibong ikampanya ang buhay ng naturang OFW (Overseas Filipino Worker).

Kakatwa umanong pangangasiwaan ng gobyernong Arroyo ang ikalawang Global Forum on Migration and Development (GFMD) sa Manila samantalang hindi nga nito magawang pangalagaan ang kapakanan ng mga tulad ni Bidoya.

Nanawagan ang Migrante-Middle East sa mga kapwa OFW na gawing araw ng pagluluksa ang Oktubre 17 para sa alaala ng binitay na kapwa migrante.

“Hinihimok namin ang mga kapwa OFW at mga kaanak namin sa Saudi at sa buong Middle East na makiisa sa pagsuot ng itim na mga damit o itim na ribbon sa Biyernes, Oktubre 17 laban sa pabayang administrasyong Arroyo,” deklara ni Monterona.

Inanunsiyo ni DFA Undersecretary Esteban Conejos ang pagkabitay kay Bidoya alas-10 ng umaga noong Oktubre 14 sa Jeddah.

Ayon kay Conejos, sinentensiyahan ng kamatayan si Bidoya noong Abril 2007 sa pagpatay sa isang national guard ng Saudi sa Mecca. (PinoyWeekly)

New CPAs of 2008 (F)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
938 FABELLA, CHARMAINE REYES
939 FABELLA, FRANKLIN OCAMPO
940 FACIOL, RHOSIENA GIMENA
941 FACISTOL, JUDY ANN ALCARAZ
942 FACTOR, ORLY PADUL
943 FADER, REDENCIO JR SANTOS
944 FAJARDO, JAYESA PACQUIAO
945 FAMATIGAN, AUBREY LIM
946 FAMERO, JEISA FAITH MADULA
947 FANCUBIT, IRISH SEÑORIN
948 FARIOLAN, NHEMARLYN PADILLA
949 FAUSTINO, CHERYLL JAYNE JAVILLONAR
950 FEDERICO, COREE MODESSA SALE
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 21 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

951 FELICIANO, JOANNE MARCELO
952 FELIPE, HANNAH ALVAREZ
953 FELIZARTE, ALLAN BACOSA
954 FERAER, RHENAMARIE NAPAO
955 FERNANDEZ, CHARINA VERGARA
956 FERNANDEZ, IAN REY ABIOG
957 FERNANDEZ, JESS LUCHING
958 FERNANDEZ, MARICRIS PASCUA
959 FERNANDEZ, MARY GRACE IBARDOLAZA
960 FERNANDEZ, ROSELL DEL ROSARIO
961 FERNANDO, AIZA ENCONADO
962 FEROLIN, ZETA EMILY NACARIO
963 FERRER, AILEN RAMIREZ
964 FERRER, EDUARD CARBAJOSA
965 FERRER, ROMMEL AQUINO
966 FERRER, SARAH JEAN PERALTA
967 FERRERA, MARIA LERISSA BALDERA
968 FERRERIA, MYLENE GUTAY
969 FIECAS, KRISTINE SHAYNE FEUDO
970 FILLAR, STELLA MARIE CAONES
971 FINO, TIMOTHY LEYVA
972 FLAUTA, ALLAN ROY GUERRERO
973 FLOR MATA, SHERRYL MOLANO
974 FLORENDO, DANA ARNAIZ
975 FLORENDO, SHEILA CORPUZ
976 FLORENTIN, JAN BRYAN GINEZ
977 FLORES, CASIANO III VICEDO
978 FLORES, FLORENCE GAY CASTILLO
979 FLORES, JAYSON JUNIO
980 FLORES, MARIA THESSA ROA
981 FLORES, ROLIREY HERICO
982 FLORES, ROSEMARIE GARCIA
983 FLORES, RYANN ALERA
984 FLORES, VENETIA CLAIRE DELA CRUZ
985 FLORES, VIRGILIO JR MIGUE
986 FLOTILDES, ERENZ CLAIRE CASTRO
987 FOJAS, ADRIAN JAYMALIN
988 FONTANARES, MERYL MAE MANZANO
989 FONTE, CAMILLE JANE DUMON
990 FORONES, JAQUELINE CAGA
991 FORTALEZA, KAREN FADERUGAO
992 FORTIN, DOM ANTONOINE BANGALANDO
993 FORTIN, JERIC FERNANDO
994 FORTUNA, MIRASOL DANA
995 FRAGANTE, JAY REBOLLIDO
996 FRAGINAL, MA DIA LOU VILLARICO
997 FRANCIA, JEFFER REPARIP
998 FRANCIA, JOVELYN TAAY
999 FRANCISCO, HARRIET LLAGAS
1000 FRANCISCO, KRISTOFER CASTRO
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 22 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

1001 FRANCISCO, RANDY BILOGOLO
1002 FRANCO, DESIREE AMOR JAVIER
1003 FRANCO, JESSAMYN PORTE
1004 FRANCO, JOSEPH ROBERT SANTOS
1005 FRANCO, REGIE ABELLERA
1006 FRIAS, KRISTINA PAOLA PABILLORE

(Radical Pinoy) Baguhin ang talakayan: Makiisa sa laban ng bayan

October 21, 2008

Vencer Crisostomo

BINABATI ko ang mga kasamahan sa Bloggers’ Kapihan sa matagumpay na pangunguna sa Blog Action Day 08 sa Pilipinas at pangunguna sa panawagan na manindigan laban sa kahirapan.

Para sa mga progresibo, kakaibang kapangahasan ang kinailangan para pangunahan ang pagpapanawagan ng aktibidad, na magsasalang ng kanilang paninindigan sa kahirapan, – isang usaping masasabing malapit sa puso ng mga progresibo – laban sa mga namamayaning pagtingin dito ng blogosphere.

Kung tatawirin ang blogactionday.org, at babasahin ang ilang tampok na blogs na lumahok, siguro mauunawaan kung ano ang tinutukoy ko sa ”namamayaning pagtingin.” Sa mga mabilis makaamoy, medyo pamilyar na ang eksena na dati nang sinubukang ibenta. May bakas ito ng mga kampanyang pa-cool na gumamit pa ng mga artista at banda sa pangunguna ng mga institusyong pinopondohan ng malalaking kumpanya.

Sa madaling sabi, something’s fishy. Subukan nating unawain saglit.

Hindi magbablog ang mahirap

Hindi na siguro kailangan sabihin, pero sa araw na ito, hindi mga mahihirap ang magkukuwento. Wala namang nagsabi na araw ito para magblog ang mahihirap. Sa madaling sabi, tungkol sa mga mahihirap at sa kahirapan ang istorya, pero hindi mula sa perspektiba ng mga dumadanas. O at least, hindi sa mga aminadong dumadanas nito.

Kung gayon, ang kahirapan ay ineeksamin ng mga hindi dumadanas nito, o at least ng hindi mulat na dumadanas. Parang ”others” na pinag-uusapan ang mahihirap at iba sa mga nag-uusap ang kahirapan. Hindi naman masyadong importante kung anong epekto noon sa mahihirap mismo, dahil hindi naman sila nagbablog at wala ring internet. Pero mas mahalagang tignan, na pinatitigas nito ang posisyon at ilusyon ng middle-class bloggers na hindi sila mahirap, wala silang kinalaman sa mga naghihirap (bukos sa ”concerned” sila sa kanila), at iba sila sa kanila.

Kahirapan sa pag-unawa

Kaya hindi na nakapagtataka kung maliitin ng blogosphere ang usapin ng kahirapan na tila isa lang sa mga topic na isusulat nila sa kanilang entry, kapantay siguro ng usaping pangkalikasan, kultura, TV show, o web design. Tinitignan ang problema ng kahirapan bilang isa lamang sa maraming mga prublema, walang mas matimbang at mas magaan, at hindi ang pangunahing prublemang bumabagabag sa sandaigdigan. Hindi na baleng higit kalahati ng daigdig ang dumadanas nito.

Sa marami, para lamang kakaibang pangyayari ang kahirapan na maaring solusyunan sa balangkas ng kasalukuyang set-up na panlipunan. Kailangan lang natin, halimbawa, magblog, magdonate, bumili ng kape na may flavor of the month na tumutulong sa mahihirap sa Aprika, at iba pa.

Para bagang iilang tao lang ang naghihirap at ”abnormal” ito sa lipunan, gayong sa totoo’y ito ang kalakaran. Dumadami pa nga ang naghihirap habang tumatagal. Para bagang lahat ng tao ay may ”pantay na oportunidad” at may kakayanang yumaman basta mag-sikap-at-tiyaga lang.

Pero malaking kalokohan ang mga pagtinging ito. Sinusubukan nitong burahin ang katotohanan na nabubuhay ang sistema sa kasalukuyan sa pagsasamantala sa nakararaming mamamayan. Ang kahirapan ay hindi exception to the rule, kundi ang rule mismo. Sa ilalim ng sistema na nakokonsentra lamang sa iilan ang yaman at pinipiga ang todo-todong pagsasamantala sa mga manggagawa at mamamayan, natural ang kahirapan. At kahirapan ito na hindi dulot ng kung anupaman, kundi ng pagsasamantala ng naghaharing iilan. At hangga’t hindi nagbabago ang lipunan, hindi matatapos ang kahirapan.

Eto ang ilan sa mga makikita sa mga listahang lumabas sa malalaking sites hinggil sa mga ”pwedeng gawin” laban sa kahirapan: magpayaman (oo, meron nito), magbawas ng pagkain ng karne, mag-ampon ng mga bata, magdonate sa mga institusyon, bumili ng mga produkto na may ”malasakit”, at iba pa. Ito ang hindi matatagpuan: kumilos para sa panlipunang pagbabago, mag-organisa para wakasan ang imperyalismo, ipaglaban ang mga batayang interes at kapakanan ng mamamayan sa sahod, trabaho at karapatan.

Baguhin ang talakayan, patindihin ang pagkilos

Kaya tunay lamang na dapat ”baguhin ang talakayan.” At para sa mga progresibong blogger, hindi lamang ito retorika kundi seryosong usapan.

Layon nating ipakita sa bloggers na kung tunay na gusto nilang gapiin ang kahirapan, dapat na magsimula ng pagbabagong panlipunan. Kung sa estudyante, ang sigaw nati’y “wag makulong sa apat na sulok ng paaralan”, pwede sa bloggers: “wag makulong sa apat na sulok ng computer screens.” Ang rebolusyong kailangan ay hindi virtual.

Sa Blog Action Day ’08, magaganda ang posts ng mga progresibo. Si Anton, nagyaya sa piketlayn ng mga manggagawa ng Kowloon. Si Bikoy at si Prof. Danny Arao, naglinaw hinggil sa mga maling pag-unawa sa kahirapan. Si Tonyo, pinagpugayan ang mga bayani ng mahihirap na nakikibaka at inilantad ang ugat ng kahirapan. Si Nato, pinakita kung paano pinahihirapan na nga, niloloko pa ng mga kinatawan ng mga naghahari ang mamamayan.

Sana pagkatapos ng Blog Action Day, marami pa ang magsimula ng tunay na talakayan. Hindi lang sa blogosphere, kundi sa mga pabrika, komunidad, sakahan at lansangan. Hindi lang para magsalaysay at maglahad, kundi para makisangkot sa pagbabagong panlipunan na tunay na siyang magwawakas sa kahirapan.

(Konteksto) Personal kong listahan ng kahilingan

October 21, 2008

Danilo Araña Arao

MAY personal na bagay na kailangang ibahagi dahil mahalagang gawin mo rin ito.

Mainam na pagplanuhan ang kinabukasan, pero paano kung ang hinaharap ay walang kaseguruhan? Makokontento ka na lang ba sa kung anong mayroon ka, at hindi na nanaisin pang makuha ang mga bagay na wala ka?

Ayon kasi sa isang kasabihan, ang naghahangad ng kagitna ay isang salop ang maaaring mawala. Pero hindi masama ang mangarap. Sa huli kong pananaliksik, libre pa ito’t hindi pa binubuwisan ng gobyerno!

Sa isang lipunang ang pakikipaglaban ay tinatapatan ng karahasan ng mga walang pakundangan, hindi sapat ang simpleng mangarap lang. Sa halip na tumunganga sa isang sulok at mag-isang isipin kung ano ang magandang bukas para sa iyo, mainam na ibahagi sa iyong mga kakilala’t kaibigan kung ano ang mga gusto mo sa buhay.

Ang pag-alam sa mga nais mo sa malapit o malayong hinaharap ay magiging batayan ng iyong pagkilos ngayon. Isang bagay na natutuhan ko noon sa elementarya ay ang pagsusulat ng mga kahilingan ko.

Malinaw na sa ating pagtanda, nagbabago ang mga listahan natin: Kung noon ay puro personal lang ang gusto ko, halimbawa, ngayon ay may kaugnayan nang pulitikal ang marami.

Walang mababaw o malalim sa mga kahilingan, dahil kinabukasan mo naman ang pinag-uusapan. Siguro’y gusto mo ring magkaroon ng sariling listahan. Madali lang naman gawin ito, pero kung naiintriga ka sa mga personal at pulitikal na kahilingan ko, basahin mo ang labinlimang bagay na ito:

  1. Magkaroon kami ni Joy ng kahit isang anak;

  2. Magtagal ang aming pagsasama ni Joy bilang mag-asawa;

  3. Matutong magluto ng mga paboritong ulam ni Joy para hindi lang kanin ang parati kong sinasaing;

  4. Isiping “baboy at manok” (mga paborito ko!) ang kinakain ko tuwing hinahainan ng isda;

  5. Mabago ang hindi-magandang panlasa sa mga prutas at gulay (lalo na ang ampalaya!);

  6. Mabawasan (kung hindi man tuluyang mawala) ang pagkahumaling sa pizza at hamburger, bukod pa sa iba’t ibang putaheng may baboy at manok;

  7. Makapagtapos ng doktorado sa peryodismo o komunikasyon, kung hindi sa Pilipinas ay sa ibang bansa (wala kasing doktorado sa peryodismo rito);

  8. Maging epektibong guro ng peryodismo at komunikasyon;

  9. Makapaglaan ng sapat na panahon para sa press work sa Bulatlat.com;

  10. Paramihin pa ang mga sinusulat na artikulo sa wikang Filipino;

  11. Matapos sa takdang panahon ang mga ginagawang pananaliksik sa midya at lipunan;

  12. Magkaroon ng sapat na pondo sa mga susunod na taon para regular na bilhin ang mahahalagang sanggunian sa larangan ng midya, pulitika at ekonomiks;

  13. Panatilihin ang progresibong pananaw sa pagsusuri sa mga nangyayari sa ating lipunan;

  14. Makapagbahagi ng nalalaman sa mas marami pang tao sa pamamagitan ng mga artikulong sinusulat at mga pagsasanay na isinasagawa;

  15. Makapagretiro nang may masaganang buhay sa probinsiya, kasama siyempre ang asawa at iba pang mahal sa buhay;

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

New CPAs of 2008 (E)

October 21, 2008

Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008
Released on OCTOBER 20, 2008
852 EBALLES, NICODEMUS JR SEBUCO
853 EBRADA, JOSE MARLON DE VILLA
854 EBRADO, REGIEL CABALUNA
855 ECHALAS, LESLEY SADIE
856 ECHANO, DIAN CARLA LAUDES
857 ECHENIQUE, SHERRY MAE VEDAR
858 ECIJA, NORIE LISA CABACABA
859 ECLEO, MARIA GENEVIEVE SALAMIDA
860 EDRA, KATRINA CORAZON BAETIONG
861 EDRALIN, HAROLD BACUD
862 EGUIA, RODNA GRACE PENIONES
863 EJE, ALBERT RAMOS
864 ELCULLADA, ROMEO JR JAVELLANA
865 ELLA, SHERRI ANNE SAMSON
866 ELLE, JANICE LABELLA
867 ELTAGONDE, DARLJE MAE TATOY
868 ELUMBARING, APRIL REMAR ADRIATICO
869 ELVAMBUENA, GLIEZEL PAAT
870 EMAN, GREMON JAY RAMOS
871 EMPALMADO, BENSON LUKE DELARAMA
872 ENANO, DOREEN FRUGALIDAD
873 ENCLUNA, VINCENT NIEGO
874 ENDAYA, JENILYN LLANES
875 ENRIQUEZ, EDNA ALTAREJOS
876 ENRIQUEZ, JOHN LAURENCE AGELLON
877 ENRIQUEZ, JOSEPH CAPENA
878 ENRIQUEZ, WILLIAM ROSS BAL
879 ENSOMO, MARGIE ANN PASAGAD
880 ERAMIS, KARA LOUISSE BIANGCO
881 ERFE, JESUSA CHARRISE ARZADON
882 ERULIN, AMELIA ANDES
883 ESCABILLAS, LEAH SIERAS
884 ESCABUSA, ELAINE MENDEZ
885 ESCABUSA, GISELLE JEAN NAMOCATCAT
886 ESCALA, JULIUS DIMAYUGA
887 ESCANER, EDNA BALDEVIA
888 ESCASINAS, CRISTEL TORRES
889 ESCAÑO, MA PRECILA ARIENE DEYAG
890 ESCOMES, TAWNY ALBAY
891 ESCOTE, ARIEL SIQUIJOR
892 ESCOTO, JAMIE PAYAD
893 ESCUSA, STEPHANIE GRACE URMENETA
894 ESGANA, DIVINA GRACIA MIRANDA
895 ESGUERRA, ANGELA CHRISTINE BULAON
896 ESGUERRA, KAROLL ANNE PEREZ
897 ESMEJARDA, ROSALYN LUCIDO
898 ESPAÑA, AISA GUTIERREZ
899 ESPAÑO, ABEGAIL GILE
900 ESPAÑOL, JAYPEE LETADA
Roll of Successful Examinees in the
C.P.A. LICENSURE EXAMINATION
Held in OCTOBER 2008 Page: 20 of 50
Released on OCTOBER 20, 2008

Seq. No. N a m e

901 ESPERANZA, NOVY SANDY FORTEZA
902 ESPERE, APRILYN CAMILING
903 ESPINOSA, HEINTJE RAZONABLE
904 ESPINOSA, MARY ROSE MISTERIO
905 ESPINOZA, FEBBY PACIS
906 ESPIRITU, GLENAH RITZIE CRUZ
907 ESPIRITU, VANESSA MOLINA
908 ESQUIDA, CATHERINE NACAR
909 ESTABILLO, MARY ROSE OFIAZA
910 ESTABILLO, RICHARD ALLAN LINIS
911 ESTAL, ALVIN ANGELO DULAY
912 ESTALAR, DOREEN PLATON
913 ESTANDIAN, MARIA THERESA DALIT
914 ESTAREJA, AIZA MELANIOS
915 ESTAVILLO, DENNIS TABERNA
916 ESTAVILLO, TONI-MAY RIVERA
917 ESTAÑERO, PAUL DAYOC
918 ESTEBAN, ELIZABETH SAGRA
919 ESTEBAN, MARIE CLAIRE FRANCISCO
920 ESTEBAN, PRINCESS SAN PEDRO
921 ESTILLORE, ADELFA REYES
922 ESTILO, CHRISTA ANGELA CABALI
923 ESTOLAS, ARIAN GRACE REYES
924 ESTOLAS, MAJORIE REYES
925 ESTOR, DOREENE LORENZA PUCIO
926 ESTORNINOS, JASMIN THERESE MARMONEJO
927 ESTORQUE, JOSIE MAY CABUENAS
928 ESTRADA, ERICK JOHN GEROLA
929 ESTRADA, MA DANESSA PORTIA VINLUAN
930 ESTRELLA, ANNE JEMILLE NICOLAS
931 EUBINA, ELAINE RAZEL UY
932 EUGENIO, EMMA MELLIZA CABUHAT
933 EUGENIO, NOLICARTE JR VILLANUEVA
934 EUSTAQUIO, NIKKO ALEN JAN ABAYON
935 EVA, MARK ANDREW LUZON
936 EVANGELISTA, CLAIRE YAOTO
937 EVANGELISTA, DERRICK FLORES

(Pinoy Weekly Editorial) Migrante ang bulnerable

October 21, 2008

KAKAIBANG takot ang kumakabog sa dibdib ng bawat migranteng Pilipino na nagtatrabaho nang parang mga alipin sa halos lahat ng sulok ng daigdig. Ngayong unti-unting lumalatag ang pang-ekonomiyang resesyon sa bawat bansa, maunlad man o atrasado, na apektado ng pagbagsak ng malalaking bangko at pampinansiyang institusyon sa US, ibayong panghihigpit at kahirapan ang nakaamba sa lahat ng mga mamamayan lalo ang nasa pinakamabababang saray ng lipunan.

Sa kategoryang ito ang ating mga kababayang OFW (Overseas Filipino Worker). Kahit pa hikayatin ni Pangulong Arroyo, sa talumpati sa paglulunsad ng kampanya para sa Global Forum on Migration and Development o GFMD, na tawaging expatriate ang mga OFW na may magiginhawa diumanong buhay sa ibang bansa, maisasampal sa kanyang mukha ang baliktad na reyalidad.

Isa sa bawat tatlong Pilipino ang unskilled worker, ayon sa 2007 Survey on Overseas Filipinos ng National Statistics Office. Nakatatanggap lamang sila ng average na sahod na $200 hanggang $300 o maliit pa sa P10,000 hanggang P15,000 kada buwan. Milyun-milyong OFW pa ang di-dokumentado – patagu-tago, walang kaseguruhan sa trabaho at mga benepisyo, at bulnerable sa pang-aabuso.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang horror story ng pagsasamantala at pang-aabuso sa mga OFW na lumalabas sa midya (at ginawa na ngang salalayan ng kampanya ng isang senador na may ambisyon para sa 2010), hanggang ngayon pilit pa ring niloloko ni Arroyo ang bayan na mabuti ang ani ng polisiyang labor-export ng gobyerno. Na masaya ang mga migranteng “bayani” na isinasalba ang naghihingalong ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng bilyun-bilyong remitans. Ito’y dahil simula’t sapul, kalakal lamang, at hindi tao, ang turing sa kanila.

Pampakalma ni Diwa Gunigundo, deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, makakatulong ang mga OFW remitans na mabawasan ang tindi ng hagupit ng pandaigdigang krisis pampinansiya sa ekonomiya ng bansa. Pag-aalala naman ni Press Secretary Jesus Dureza, kapag natuloy ang resesyon, babagsak maging ang mga remitans na ipinapadala ng mga migranteng Pilipino. Pero positibo pa rin si Dureza. “Patuloy ang pag-eempleyo sa Gitnang Silangan at hindi ito apektado ng krisis sa US. Kahit papaano magpapatuloy ito; ito ang magiging salalayan natin kahit may pandaigdigang krisis. Maaasahan ang ating mga OFW. Sila ang ating mga bayani,” aniya.

Anu’t anuman, ipinakikita ng mga pahayag ng nasabing mga opisyal kung saan nakatingin ang gobyerno – sa remitans, at hindi sa kapakanan ng mga OFW at ng lipunang Pilipino. Tanda itong magpapatuloy ang palpak na neoliberal na mga polisiya ng liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon na nagbansot sa lokal na ekonomiya at kakayahan nitong lumikha ng disenteng mga trabaho. Tanda itong magpapatuloy ang pang-eenganyo ng pagluluwas ng paggawa, kalimutan na ang mga kabayaran gaya ng pagkawasak ng mga pamilya at paghuthot ng lakas at talino ng bayan.

Ayon sa International Migrants Alliance o IMA, tiyak ang paglala ng sitwasyon ng mga OFW. Gagamitin ng mga employer ang krisis at kaakibat nitong desperasyon ng mga migrante na makapagtrabaho para tapyasin ang mga sahod, ipagkait ang mga benepisyo, at maging mapang-abuso. Ibayong diskriminasyon at rasismo ang daranasin ng ating mga kababayan na aakusahang “nagnanakaw” ng trabaho, lalo’t tataas ang disempleyo sa ibang bansa. Para protektahan ang sariling merkado sa lakas-paggawa, maghihigpit ang mga bansa sa mga patakaran sa migrante at titindi ang pagtugis sa mga di-dokumentado.

Ano ang tugon ni Pangulong Arroyo? Safety nets umano at programa sa alternatibong kabuhayan na wala pang hugis. Magkahugis man, hindi pa rin nito napapawi ang uhaw ng ating mga kababayan para sa disenteng trabaho sa sariling bansa. Pero mas malamang, nagwiwika lamang siya ng pagkabahala sa mga OFW para magpapogi sa nalalapit na GFMD, isang porum na inisponsor ng United Nations. Dito inaasahang ibibida ni Arroyo ang polisiyang labor-export para tularan ng ibang bansa (na tutuusi’y wala nang ibang matutularan sa gobyernong itong walang kredibilidad sa pandaigdigang komunidad). Dito inaasahang pagtitibayin ang tiwaling konsepto na nagdudulot ang migrasyon ng pag-unlad.

Kokontrahin ang GFMD ng International Assembly of Migrants and Refugees o IAMR. Ang IAMR ang “tunay na boses” ng mga migrante, ayon sa IMA na organisador nito. Kaiba sa GFMD na kasangkapan ng kanilang pagsasamantala’t pagpapakaalipin, malayang maipapahayag ng mga OFW sa IAMR ang takot na kumakabog sa kanilang dibdib dahil sila ang pinakabulnerable sa lumalalang sitwasyong pang-ekonomiya saanmang panig ng daigdig. Malaya rin silang makapagpapahayag ng galit sa isang pangulong may kapal-ng-mukhang magsalita sa kanilang pangalan, gayong matagal nang umaakto laban sa kanilang tunay na interes. (IDQ)

(Husghan Natin) Lilipat dahil kailangan

October 21, 2008

Atty. Remigio Saladero Jr.

MAY katapatan bang ilipat ng kompanya ang kanyang pabrika? Paano kung ayaw ng mga manggagawa? Ang kasong Bisig ng Manggagawa sa Tryco , et. al. vs. National Labor Relations Commission , Tryco Pharma Corporation et. al. (G.R. No. 151309) na hinatulan ng Korte Suprema nitong Oktobre 15, 2008 ay mapagkukunan natin ng aral sa bagay na ito.

Sa nasabing kaso, manggagawa sa isang kompanya ng gamot sina Simplicio. Natapos ang kanilang collective bargaining agreement kaya’t nagsimulang mag-usap ang unyon nina Simplicio at ang manedsment. Sa masamang palad, hindi sila nagkasundo at nauwi sa deadlock ang pag-uusap.

Samantalang sila’y naka-deadlock, nakatanggap ng sulat mula sa Bureau of Animal Industry ang kompanya. Pinapalipat nito ang pabrika ng kompanya mula sa Caloocan City tungo sa San Rafael, Bulacan. Ito ay dahil sa ang license to operate na nakuha ng kompanya ay para sa San Rafael, Bulacan at hindi sa Caloocan. Dahil sa nasabing sulat, agad na tumalima ang kompanya. Nilipat nito ang kanyang pabrika sa San Rafael, Bulacan. Dahil sa nakatalaga sa pabrika sina Simplicio, inutusan sila ng kompanya na doon na magreport sa Bulacan.

Tumanggi sina Simplicio. Naghain sila ng notice of strike sa National Conciliation ang Mediation Board (NCMB). Kalaunan. Inurong nila ito at pinalitan na lamang ng demandang constructive dismissal at union busting sa tanggapan ng Labor Arbiter.

Hindi naniwala ang Labor Arbiter na may kasalanan ang kompanya at ibinsura niya ang kaso nina Simplicio. Nag-apela ang mga manggagawa pero natalo sila sa National Labor Relations Commission at maging sa Court of Appeals. Dinala nila ang kaso sa Korte Suprema bilang pinakamataas na husgado.

Ang paglilipat ng negosyo, sabi ng Korte Suprema, ay bahagi ng tinatawag natin na management prerogative. Bahagi ito ng karapatan ng may-ari na patakbuhin ang kanyang negosyo sa pamamaraang sa kanyang tingin ay nararapat.

Maaari lamang pakialaman ng batas ang kanyang gagawing paglilipat sa kanyang negosyo kung malinaw na ginawa ito para apihin ang kanyang mga manggagawa at bababa aang kanilang ranggo o sahod dahil dito.

Ngunit walang pruweba na ginawa ito ng manedsment upang apihin ang mga manggagawa. Ang malinaw ay sususunod lamang ito sa utos ng Bureau of Animal Industry na ilipat ang kanyang pabrika sa San Rafael, Bulacan mula sa Calolocan City. Ito ay sang-ayon sa patakaran ng pamahalaan na ilipat ang mga pabrika sa labas ng Metro Manila upang mabawasan ang kasikipan at pulusyon sa nasabing lugar. Kaya, malinaw na ginawa ang paglilipat upang sang-ayunan ang utos ng pamahalaan, hindi upang apihin ang mga manggagawa ng kompanya.

Wala ring pagbabawas sa sahod o ranggo nina Simplicio. Sa pagllipat ng kompanya, mananatili pa rin ang kanilang mga sahod at ranggo. Hindi rin kalayuan ang Bulacan sa Metro Manila, sabi ng Korte Suprema.

Wala ring indikasyon na ginawa ng manedsment aang paglilipat upang mapaparalisa ang unyon. Ganoon pa rin ang unyon, magpapatuloy itong kinikilala ng manesment. Nasa manggagawa na ang pagtalima sa utos ng paglilipat ng pabrika upang manatiling buo ang kanilang bilang. Kung nais nilang hindi sila mababawasan, wala silang gagawin kundi sundin ang kauutusan ng manedsment dahil legal naman ang ginawa nitong paglilipat ng pabrika.

Binalewala ng Korte Suprema ang kaso nina Simplicio at kinatigan ang paglilipat ng pabrika na gustong mangyari ng kompanya.

Itinutulak sa kanilang kamatayan

October 21, 2008

SA pamumuno ni Eni Lestari ng IMA, nagdeklara ang mga migrante sa rali sa Maynila na di muna sila magpapadala ng remitans sa kanilang kaanak sa Oktubre 29 bilang protesta sa Global Forum on Migration and Development. (KR Guda)

SA pamumuno ng Indones na lider-migranteng si Eni Lestari (harap, nakaputing damit) ng International Migrants Alliance (IMA), nanawagan ang mga migranteng Pilipino at iba pang lahi sa mga kapwa migrante sa mundo na huwag munang magpadala ng remitans sa kanilang mga kaanak sa Oktubre 29 bilang protesta sa Global Forum on Migration and Development. (KR Guda)

“NAKAKATAKOT para sa mga OFW (Overseas Filipino Worker),” ayon sa grupong Migrante International, ang tila pagiging bulag ng mga opisyal ng DFA (Department of Foreign Affairs) sa nangyayari sa mga migranteng nakahanay sa death row.

Gaya na lamang ng magkapatid na sina Rolando at Edison Gonzales at Eduardo Arcilla na sinentensiyahan ng kamatayan sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) noong 2007 dahil sa pagpatay umano sa kapwa-Pilipino.

Noong Oktubre 10, itinanggi ni Cresencio Relacion, executive director ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) sa kaanak nina Gonzales na ipinagtibay na ng Court of Appeals ang hatol sa tatlo. Sa isang press conference kinabukasan, ibinulgar ng Migrante na kinumpirma ni DFA undersecretary Esteban Conejos Jr., sa isang sulat noon pang Setyembre 24, ang nasabing desisyon ng korte.

“Ayusin nila ang trabaho nila. Iisa lang ang departamento nila pero magkakaiba sila ng statement. Buhay ng mga kababayan natin ang nakataya rito…Baka magulat na lang tayo sa darating na mga araw may pinatay na sa ating mga OFW,” sabi ni Garry Martinez, tagapagsalita ng Migrante International.

Pagkaraan ng dalawang araw, noong Okt. 13, pinugutan ng ulo sa Jeddah, KSA ang 27-taong-gulang na si Jenifer Bidoya a.k.a. Venancio Ladion.

Pinatahimik

“Sorpresa ang ginawa sa amin. Walang impormasyong dumating. Nalaman na lang namin, napugutan na ng ulo,” mangiyak-ngiyak na kuwento sa PINOY WEEKLY ni Dennis Torejas, tiyo ni Bidoya.

Masama ang loob ng mga kaanak ni Bidoya dahil nang una silang lumapit sa DFA, sinabihan sila ng mga opisyal ng ahensiya na “sila na ang bahala” sa kaso. Hinatulan ng kamatayan si Bidoya, waiter sa isang restawran, para sa pagpatay sa isang Saudi national noong Disyembre 6, 2005.

Kapalit ng pag-aasikaso ng kaso, pinapirma ni Atty. Ruel Garcia, legal counsel ng DFA, ang pamilya ng isang katunayan na hindi ito dudulog sa midya o sa mga organisasyong pangmigrante.

Ayon sa dokumentong may petsang Dis. 9, 2005, ipinangako ni Leila Catalina, tiya ni Bidoya na kumatawan sa pamilya, ang mga sumusunod: “1. Not divulge the confidential information provided to me by the DFA; 2. To keep in strict confidentiality the information I received from the DFA; 3. To coordinate any information I may receive from other sources with the DFA; at 3. Be accountable to whatever acts I may do in violation with the strict confidentiality of the case.”

“Buo ang tiwala at respeto namin sa DFA. ‘Yumpala magsasawalang-bahala lang sila. Sana noon pa kami lumapit sa midya o sa Migrante,” himutok ni Torejas.

Sinasabi ng Malakanyang na ginawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sagipin ang buhay ni Bidoya. Dalawang beses humingi si Pangulong Arroyo kay King Abdullah ibn Abdulaziz Al-Saud ng clemency para sa nahatulang OFW, noong Dis. 6, 2007 at Hulyo 7, 2008. Ayon kay Conejos, tumanggi ang pamilya ng umano’y biktima ni Bidoya na tanggapin ang blood money o danyos kapalit ng pagpapababa ng sentensiya nito.

Pero ayon kay Martinez, malinaw na nagpabaya ang DFA sa kaso. Inamin mismo ni Philippine Consul General Ezzedin Tago na sa mga pagdinig sa mababang korte, walang abogado si Bidoya at sinasamahan lamang ng isang translator. Umano’y nakapagbigay lamang ang konsulado ng abogado nang dinidinig na ang kaso sa Court of Appeals.

Tubong Zamboanga, 17 taong gulang pa lamang ang hayskul gradweyt na si Bidoya nang mangibang-bansa. Ayon sa kanyang kaanak, sa gabi ng insidente, dinala siya ng kanyang kaibigang guwardiya sa isang lugar at doon tinangkang pagsamantalahan.

Batay sa mga ulat, sinaksak ni Bidoya ang biktimang lalaki sa leeg, sinakal, at kinagat ang ari nito.

Naninindigan ang kaanak ni Bidoya na nakapatay lamang siya para sagipin ang sarili (self-defense). Pero tila iba ang paniniwala ni Bise-Presidente Noli de Castro, tagapamahala ng Malakanyang sa mga usaping OFW. Sa isang panayam sa radyo, nagbigay pa ito ng babala sa mga migranteng Pilipino na “mag-ingat” dahil ipinagbabawal ang mga aktong homosexual sa Gitnang Silangan.

Si Bidoya ang ika-72 na ginawaran ng parusang kamatayan sa KSA, na tinanggihan ang hiling ng United Nations na moratorium sa death penalty noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng grupong pangkarapatang pantao na Amnesty International (AI), karamihan ng mga pinarusahan ay migranteng mga manggagawa mula sa mahihirap na bansa at hindi nakatatanggap ng tulong ligal. Sinabi ni Malcolm Smart, direktor para sa Middle East ng AI, na “sikreto” at “di-makatarungan” ang mga pagdinig. Nakakabahala, ayon pa sa AI, na pinapayagan ng hudikatura na gamitin ang mga pag-amin (confession) na nakuha sa pamamagitan ng tortyur.

Umano’y tinortyur ang magkapatid na Gonzales at si Arcilla, mga OFW na tubong Pampanga, para aminin ang pagpatay sa tatlong kapwa-Pilipino, ayon sa Migrante. Wala ring abogado ang mga akusado sa mga pagdinig at noong una silang hinatulan ng kamatayan noong Hulyo 23, 2007.

Iba pang nasa death row

Pangamba ng Migrante, pinalala ng pagpugot ng ulo ni Bidoya ang depresyon at takot ng kaanak ng 29 pang OFW na nasa death row. May pitong OFW na ang pinarusahan ng kamatayan sa ilalim ng gobyernong Arroyo.

“Bakit po nangyayari ang ganito? Di na namin alam kung saan lalapit. Nahihirapan na ang loob namin,” sabi ni Norie Gonzales, kapatid nina Rolando, 47, at Edison, 29.

Sa isang press conference, nanawagan din ng hustisya ang kaanak ng 47-anyos na si Cecilia Armia-Alcaraz a.k.a. Nemencia Armia, OFW sa Taiwan na hinatulan ng Kaohsiung District Court ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad noong Setyembre 30, 2008 para sa kasong murder at robbery.

Hindi umamin si Alcaraz sa krimen, umano’y idinawit lamang siya. Itinuturo niya ang dalawang Taiwanese national na siya umanong pumatay noong nakaraang taon sa isang broker na sinaksak bago ilagay sa garbage bag ang katawan.

“Hindi niya ho iyon magagawa. Mabait ho iyan at takot na gumawa ng anumang kasalanan lalo na at nandoon pa siya sa ibang bansa,” ayon kay Rosalinda Armia Pisueña, kapatid ni Alcaraz, sa isang press conference ng Migrante noong Okt. 18.

Hinanakit ni Pisueña, nakatanggap lamang sila ng text message mula sa Manila Economic Cultural Office (Meco) sa Taipei, Taiwan na nahatulan na si Alcaraz. Hindi pa rin nabibigyan ang pamilya ng kahit anong opisyal na dokumento hinggil sa kaso. Aniya pa, nang idinulog niya ang kaso kay de Castro, binigyan lamang siya ng form, at nang i-follow up ito ay wala nang sumasagot sa opisina.

May tatlong anak si Alcaraz na naiwan sa Liliw, Laguna. Ayon sa ibinigay niyang card para sa kaarawan ng 14-anyos na anak na si Jerome, “Wag niyo akong ikahiya, wala akong ginawang masama. Hindi ko ginawa yung ibinintang sa akin.”

Abala sa GFMD

Binatikos ng Migrante ang DFA na umano’y “mas abala” sa paghahanda para sa nalalapit na Global Forum on Migration and Development (GFMD) kaysa sa pag-aasikaso sa mga kaso ng mga OFW sa death row.

Sa isang diyalogo sa Pampanga noong nakaraang linggo, inamin ni Atty. Junaib Ali ng OUMWA na 40 empleyado ng DFA ang itinalaga para mag-pokus sa GFMD, isang multilateral na diyalogo mula Okt. 29 hanggang 30. Tinututulan ng Migrante at International Migrants Alliance, pinakamalaking alyansa ng 112 organisasyong pang-migrante sa daigdig, ang GFMD.

Ayon kay Martinez, “Hindi dapat magyabang si Conejos na host ang Pilipinas ng GFMD. Ibig sabihin, host tayo ng mga bansang nagsasagawa ng crackdown laban sa di-dokumentadong migranteng Pilipino, di-makataong deportasyon ng mga refugee, pagtortyur sa kanila para aminin ang mga krimeng hindi nila ginawa, at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mga OFW.”

Ibinulgar pa ng grupo na gagastos ang porum ng P15.9-M kada araw para lamang sa accommodation sa hotel ng mga dadalo sa GFMD. “Habang gagastos ang GFMD ng P150-M sa kabuuan, walang natatanggap na tulong pinansiyal ang mga kapamilya ng mga OFW sa death row, na wala nang natatanggap na mga remitans. Nananawagan kami sa gobyerno na ipangtustos na pagtulong sa mga pamilya ng mga OFW ang gagastusin para sa GFMD,” dagdag pa niya.

Pangamba ng Migrante, mas maraming mga OFW ang uuwi nang bangkay dahil sa pagpapatindi sa labor-export policy ng gobyernong Arroyo na isinusulong ng GFMD. Sa Okt. 24 ang susunod na pagdinig ng kaso ni Alcaraz. Ang magkapatid na Gonzales at si Arcilla, maaaring mapugutan ng ulo anumang oras.

Ani Martinez, hindi malayong mangyari na habang ipinagmamalaki ni Pangulong Arroyo sa internasyunal na komunidad ang Pilipinas bilang modelo ng migrasyon, isa na namang OFW ang makikitlan ng buhay at magpamumukha ng madugong kabayaran ng polisiyang ito.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 54 other followers