Wastong pangangalaga sa ngipin (Unang bahagi)


“Ang tigre ba nagsisipilyo?” Ito ang pabirong sagot ni Mao Tse Tung nang tanungin siya ng mga kritiko kung bakit hindi siya nagsisipilyo. Imbes na gumamit ng toothbrush, nagmumumog siya ng tsaa at ngumunguya ng dahon. Di naglaon, nabulok ang mga ngipin niya.

Paano nga ba alagaan ang ngipin? Nakakatulong ang wastong pagsisipilyo, paggamit ng dental floss, at regular na dental chek-up, para maiwasan ang tooth decay at gum disease. Pero kung wala sa badyet ang pagpapatingin sa dentista, mainam na gumawa na agad ng paraan bago pa magsimulang magkaroon ng mga cavity ang ngipin.

Pagtanggal sa plaque

Para maiwasan ang mga cavity kailangang tanggalin ang plaque, isang transparent na bacteria na kumakapit sa ngipin. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsisipiliyo nang dalawang beses sa isang araw, at ng paggamit ng dental floss matapos kumain. Mahalaga ang pagsisipilyo at paggamit ng dental floss sa pagpapanatiling malusog ang mga ngipin at gilagid.

May lamang abrasives, detergents, at foaming agents ang sipilyo. Flouride ang pinakaaktibong sangkap ng toothpaste na lumalaban sa cavity. Dapat siguraduhing may fluoride ang toothpaste na ginagamit.

Isa sa sampung tao ang may tendensiyang magkaroon agad ng tartar. Ang tartar ay nanigas na plaque na mas mapanira sa ngipin, at mas mahirap tanggalin. Nakakatulong sa ang paggamit ng anti-tartar na sipilyo at mouthwash, at ang mas matagal na pagsisipilyo sa mga ngipin malapit sa salivary glands (sa loob ng lower front teeth at sa labas ng upper back teeth) para magpapabagal ang pagkakaroon ng panibagong tartar.

Tips sa pagsisipilyo

Sinasabi ng mga dentista na dalawang beses sa isang araw, at may tagal na dalawang minuto, ang panahong dapat inilalaan sa pagsisipilyo. Ito ang ilang tips kung paano magsipilyo:

- Hawakan ang sipilyo sa 45-degree angle. Marahang magsipilyo mula sa bahaging nagtatagpo ang gilagid at ngipin hanggang sa chewing surface. Maaaring magdulot ng receding na gilagid, pagkasensitibo ng ngipin, at pagkabungi sa hinaharap ang masyadong mariing pagsisipilyo.

- Ulitin ang parehong proseso sa pagsisipilyo ng panloob at panlabas na surface ng ngipin.

- Para linisin ang mga chewing surface, gumamit ng mga short sweeping stroke, at padaanin ang bristles sa mga lubog at uka ng ngipin.

- Para linisin ang mga inside surface ng top at bottom front teeth at ng gilagid, hawakan nang pahalang ang sipilyo. Gamit ang back-and-forth motion, padaanin ang harap ng brush sa ibabaw ng ngipin at gilagid.

- Gumamit ng forward-sweeping motion, marahang sipilyuhin ang dila, at ang ngala-ngala para matanggal ang mga decay-causing bacteria na matatagpuan dito.

-Siguraduhing aabot sa dalawa hanggang tatlong minuto ang pagsisipilyo.

(May karugtong)(PinoyWeekly)

About these ads

4 Responses to “Wastong pangangalaga sa ngipin (Unang bahagi)”

  1. rochelle Says:

    nsan ung karugtong?

  2. Quianna Fae E. Matcha Says:

    good

  3. chad Says:

    Healthwise Preventive Care and Services , Inc.
    DENTAL ACCESS CARD (Service Provider)

    for more info
    Email: amethystchad@yahoo.com
    http://www.facebook.com/aarsv.martin/posts/608241792523295

  4. anna cezar Says:

    ano ang mga parte ng ngipin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 53 other followers

%d bloggers like this: