Pagtaas ng presyo ng gasolina, inugat ng IBON, Piston


BAGUIO CITY — “Hindi tayo nauubusan ng pamamaraan para sa tumataas na presyo ng langis, ang may problema lamang ay ang hindi sensitibong pamahalaan.”

Ito ang ipinahayag ni Mandy Felicia, pangulo ng pool of speakers ng IBON Foundation sa Forum ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) noong Agosto 14, sa Sangkabalayan Hall ng Immaculate Conception Cathedral dito.

Idiniin ni Felicia na ang isyu tungkol sa langis ay hindi lamang isyu ng sektor ng transportasyon kundi isyu ng bawat Pilipino.

“Lahat ay gumagastos, lahat ay apektado,” aniya. Bago simulan ang pagsasabi ng iba’t ibang solusyon, inilahad muna ni Felicia ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng langis.

Iba-ibang dahilan

Sinasabi ng gobyerno na mayroon tayong matinding pangangailangan at kakulangan sa langis kaya tumataas ang presyo nito.

Isang dahilan ay ang giyera na umiiral sa Gitnang-Silangan, ayon sa mga tagapagsalita ng gobyerno. Noong Disyembre nang nakaraang taon ang presyo ng langis mula sa krudo ng Dubai na ating inaangkat ay $100 bawat bariles.

Noong Enero ng taong ito ay naganap ang pinakamataas na pagtaas ng presyo ng langis sa kasaysayan na umaabot sa $217 bawat barrel.

Mas malalim na pagtingin

Subali’t sinabi ni Felicia na sa tingin ng mga siyentista, mayroon namang 1.3 milyong bariles na reserba ng langis para paandarin ang lahat ng sasakyan at makinarya sa buong daigdig sa susunod na 42 taon.

Isa pa, ayon sa datos mula sa International Energy Association(IEA), mas marami namang suplay kaysa sa pangangailangan. Kung minsan pumapantay ang suplay sa pangangailangan pero hindi pa nito nalalagpasan ang suplay kahit kailan, ayon kay Felicia.

Ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking reserba ng langis na higit sa 56 %. Tinatayang 2 % naman ang bahagi ng Estados Unidos. Maaari aniya na kaya pinag-iinitan ng Estados Unidos ang Gitnang-Silangan dahil sa paghahangad na makuha ang reserba ng langis sa naturang lugar.

Hindi ang mga may-ari ng pinakamalalaking reserba ng langis ang kumikita sa produkto dahil pinakamaliit ang kanilang bahagi sa pagrerepina nito. Hawak ng transnational companies(TNCs) ang pamilihan.

Dahil TNCs ang may hawak ng merkado, sila rin ang nagtatakda ng presyo.

“Paano sila ngayon malulugi kung sa isang araw ay bilyon ang kanilang kinikita,” dagdag pa ni Felicia.

Balik-kasaysayan

Noong 1992, nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act 7638 para maging pribado ang kumpanyang Petron. Dating pag-aari ito ng pamahalaan at mayroong basehan ang ibang mga kumpanya ng gasolina at langis upang hindi masyadong taasan ang presyo. Ngayon at pribado na ito, hindi na kontrolado ang pagtaas ng presyo.

Kapalit ng Republic Act (RA) 8180 o ang oil deregulation law na idineklara noong 1994 ay ang pangako ng International Monetary Fund (IMF) na pautang ng $600 para sa bansa. Subali’t naideklara naman itong hindi ayon sa Konstitusyon ayon sa Supreme Court. Pinalitan ito ng RA 8749 na halos wala rin namang ipinagkaiba sa nilalaman.

Labindalawang taon matapos ang unang oil deregulation law, dominado pa rin ng Big Three TNCs (Dambuhalang Tatlong Kumpanya) o ng Shell, Caltex at Petron ang lokal na industriya at pamilihan ng langis.

Ayon naman kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na senador pa lamang noon, Free Market (Malayang kalakalan) ang ikabubuti ng oil deregulation law dahil kung mas maraming kumpetisyon, mas mumura ang presyo.

Subali’t kabaligtaran ang nangyari dahil mas madali na para sa mga TNC’s ang pagmamanipula sa pamilihan dahil nga wala kahit isang kumpanya ng langis ang kontrolado ng pamahalaan. Halos 400% ang kinkita ng mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo.

Nagayon sa 12 % na Value Added Tax (VAT) sa mga petrolyo, maging ang pamahalaan ay kumikita rito.

Ayon kay Felicia, ang ugat ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang sabwatan ng dayuhang korporasyon ng langis (TNCs) at ng gobyernong Arroyo.

Mga pamamaraan

Marami namang maaaring solusyon sa mga problemang ito ayon pa kay Felicia. Ilan sa mga ito ay ang alisin ang RVAT; ibasura ang batas sa deregulasyon; kontrolin ang presyo; pagrolbak sa presyo ng langis; bawiin ang Petron; at pagsasabansa bilang pangmatagalang alternatibo.

Puwede rin naman, aniya, na mag-import tayo ng langis sa ibang bansa at palitan natin ng mga produktong pang-agrikultura. Sa gayon, kahit papaano, makakahinga ang bawat Pilipino sa pagdurusang dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang produkto. # Maria Lalaine Gulan(NorthernDispatch)

About these ads

One Response to “Pagtaas ng presyo ng gasolina, inugat ng IBON, Piston”

  1. michelle mz.violet Says:

    ..hindi dapat tumaas ang presyo ng gasolina,tingnan nyo ang nangyayari marami ang mga driver na nagwe welga,ang mas lalong maaapektuhan nito ay ang mga bata na wala pang malay sa mga mundo.Paano na ang mga sa susunod na henerasyon,lalo silang maghihirap kung patuloy na tatatas ang presyo ng gasolina.Dapat lang nilang pagtuunan ng pansin ang mga tao na hindi na nakakakainin ng 3 beses sa loob ng isang araw.Palibhasay ang mga gobyerno ay patuloy ang pangungurakot sa mga mamamayang walang kamalay-malay sa mga nangyayari….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 55 other followers

%d bloggers like this: