Makabago at simpleng paraan ng natural family planning


Standard Days Method

Ang Standard Days Method ay nakabatay sa kaalamang ang menstrual cycle ay binubuo ng fertile phase na sinusundan ng mga araw na infertile. Tumatagal ng 26 hanggang 32 na araw ang regular na menstrual cycle ng babae. Maaaring siyang mabuntis sa ikawalo hanggang ika-19 na araw. Sa 12 araw na ito, isinaaalang-alang ang maaaring pagbabago sa timing ng ovulation at ang haba ng buhay ng sperm habang nasa loob ito ng reproductive tract ng babae.

Gumagabay ang color-coded beads na tinatawag na cycle beads para matukoy ang araw na fertile at infertile sa cycle ng babae.

Two Day Method

Cervical secretions ang batayan ng fertility sa Two Day Method. Kailangan i-monitor ng babae kung may bakas ng secretion para malaman kung maaari siyang mabuntis.

Bawat araw may dalawang tanong ang gumagamit ng Two day Method :

  • May napansin ba akong secretion ngayon?

  • May napansin ba akong secretion kahapon?

Kung may mapansin siyang secretion ngayon o kahapon, masasabing fertile siya ngayon, at hindi siya dapat makipagtalik para umiwas sa pagbubuntis. Kung wala siyang napansing secretion ngayon at kahapon (dalawang magkasunod na tuyong araw), napakaliit ng posibilidad na mabubuntis siya.

Iba pang paraan ng natural family planning:

Ovulation Method

Ang Ovulation Method na tinatawag ding Cervical Mucus Method, ay nakabatay sa pagbabago ng cervical secretion sa leeg ng uterus o cervix. Sa panahong pinaka-fertile, nagiging clear ang secretions, stretchy, madulas at basa.

Kung umiiwas pagbubuntis, hindi dapat makipagtalik sa panahong ito. Dapat hintayin ang ikatlong araw matapos ang huling fertile-type secretion.

Basal Body Temperature (BBT)

Temperatura ng katawan sa umaga, bago ang kahit anong aktibidad, ang basehan ng BBT. Mas mababa ang temperature ng katawan bago ang ovulation, at bahagyang tumataas ng .2 degrees Celsius o .4 degrees Farenheit matapos ang ovulation.

Kung umiiwas sa pagbubuntis, dapat hintayin ang ikatlong araw matapos tumaas ang basal body temperature ng .2 degrees Celsius o .4 degrees Fahrenheit, na senyales ng katapusan ng fertile phase.

Symptothermal Method

Ang Symptothermal Method ay ang pag-oobserba sa mga pagbabago sa cervical secretions, kasama rin dito ang mga pagbabago sa basal body temperature, at ang posisyon at pakiramdam ng bukana ng cervix. Ang ilan pang senyales gaya ng mid-cycle pain o pagdudugo ay maaaring sumabay sa ovulation.

Fertility indicators ang mga ito. At hindi dapat makipagtalik sa panahong ito kung umiiwas sa pagbubuntis.

Lactational Amenorrhea Method (LAM)

Ang LAM ay nakabatay sa siyentipikong ebidensiya na hindi fertile ang isang babae at maliit ang tsansang mabubuntis siya sa panahon ng full lactation o exclusive breastfeeding. Tinutukoy ng full lactation ang pagpapasuso sa bata sa panahong walang regular na supplemental feeding (kahit na tubig).

Nagbibigay ng proteksiyon ang LAM kapag:

  • Hindi pa uli nagkakaroon ng menstruation

  • Hindi pa binibigyan ng bottle feeds at regular na mga food supplement ang sanggol

  • Wala pang anim na buwan ang edad ng bata

Gaano kaepektibo ang natural family planning?

Kung maingat na susundan ng kababaihan ang mga direksyon nito (ang pagtutukoy kung kailan siya may ovulation para malaman kung kailan siya makikipagtalik), 91% hanggang 98% na magiging epektibo ito. Pero dahil bihira ang perpektong pagsasagawa nito, tinatantiyang nasa 76% ang pagka-epektibo nito. Ibig sabihin sa 100 na babaing gumagamit ng natural family planning para umiwas sa pagbubuntis, 24 sa kanilang ang nabubuntis kada taon.

Ang pagkakaroon ng di-regular na period ang karaniwang dahilan ng pagkabigo ng natural family planning.(PinoyWeekly)

About these ads

23 Responses to “Makabago at simpleng paraan ng natural family planning”

  1. era Says:

    hi

  2. era Says:

    ano bang srtificil family planning? sana linagay!!

    Barangay RP:

    hehehehe.. artificial is artipisyal… family planning is pagpaplano ng pamilya.
    artificial family planning therefore is artipisyal na pagpaplano ng pamilya.

  3. rumel Says:

    hehehe…
    ako c rumel mendiola, na try q n po lahat..
    try nyo po

  4. bitz Says:

    very elementary.

  5. Joy Says:

    Nagka period po ako ng june 6 at nag sex po kame ng 26 at hindi kme nakapag widrawal my posibility po ba na mabuntis ako?? plz reply po!!!

  6. jonalyn Says:

    ask lang poh…gusto ko na po mbuntis kso almost 3 years na kmi di pa kmi nbibigyan help u nman ako pra mbuntis

  7. jonalyn Says:

    tapos un meanstration ko di normal minsan aabot pa ng 5months bgo dumating un means ko…ano poh vah problema skin..help nyu poh ako plzz

  8. andrew luis Says:

    baka naman mahina ang supply na sperm mr mo or sperm count not enough.

  9. anneyubal Says:

    1 year ago na mula nong makunan ako hindi pa ako nabuntis ano ba ang dapat kung gawin o ano ang madaling paraan para mabuntis ako hepl me plzz ,,,thanks

  10. carl Says:

    hello ask ko lang po…oct. 12 ang regala ko tapos nag do kami ng bf ko oct.28-30..tapos paka nov.1-5 nagkakaroon po ako pero mahina lang,widrawal gamit namin…mabubuntis ba ako?..help naman..tnx

  11. joeynatural Says:

    nag umpisa monthly period na nov.19 nagalaw sya nov.nov.22 at nov.23 mabubuntis ba

  12. carl Says:

    hellopo..i need your answer to my previous question….i wrote in my previous comment that last oct.12-15 ang regla ko tapos nag do kami ng bf nong oct 28-30…tapos pagka nov 1 nagkakaroon ako…then after that nov.17nagkakaroon ako ulit until nov 21.then nov 22 ginalaw ako ng bf ko..mabubuntis ba ako?…i need your answer please…thanks a lot….!

  13. melinda Says:

    nagkamens po ako ng may 24 tapos ginamit po ako ng june 11 withdrawal po tapos june 12 d n po withdrawal s loob na po pwede po p ako mabuntis nun pls reply po asap

  14. mers Says:

    Hi po I’m mers I’m an ofw po.nahihiya po ako kc npag bf po ako ng nepalese in hk..I’m married po.but then I commited with.my bf nepale..we met many tyms in the bar.here come a tym punta kami sa : nya..june 15 may nangyari po.confuse po ako kc indi ko mainyndhan kng fertile ba ko I indi ..wag sana..widraw po namin worid lng tlaga..he’s 41 olredi mlakas pa ang.katawan mhina na ang organ.umiinom.lng xa ng tablets.pra gnhan..nakakabuntis paba ang ganyang edad..pls reply po sa emaik ko tnx

  15. lyka Says:

    hi im lyka,one week lang po at nagsimula na akong mag menstration, mula nang manganak ako, dalawang buwan na po ung baby ko posible po bang mag buntis aq kahit na nagpapadede ako?

  16. glydell del campo Says:

    .hai for the first tym.nguguluhan kc ako.pnue b mkkuha ang cervecal mucus.at anue ung luteal phases.paanue ito mbbilang..lng besses n kmi nag ttry ng mr.ko kso d p nmn ako n bbuntix.halimbwa ndatnan ako nung aug. 14 ten nag pglaw ako tis aug.29 pwdi b ako mbuntis nun o ndi..pki explane nmn oo.wt ko reply niu tnx po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 53 other followers

%d bloggers like this: