Archive for June 14th, 2008

Editorial Cartoon: Haka-Haka

June 14, 2008

This is a possibility.

‘We asked for Ces, got Angelo instead’

June 14, 2008

ZAMBOANGA CITY — THE negotiators were asking for broadcast journalist Ces Drilon, and got her cameraman, Angelo Valderama.

Valderama was released Thursday night by a still unknown group of gunmen to members of the Indanan police in a forested area of Sitio Danasih in Barangay Sinumaan, Talipao, Sulu. He was among the four people—an ABS-CBN team of three and a professor of the Mindanao State University—abducted in Maimbung, Sulu, on Sunday.

“Our objective is to secure Ces and the whole team,” Indanan Mayor Alvarez Isnaji , one of the negotiators, yesterday told the Inquirer on the phone. “[The abductors] are the ones making the decisions, not us, and it was they who released Valderama.”

Drilon, her other cameraman, Jimmy Encarnacion, and Prof. Octavio Dinampo, a peace advocate, are still being held by their captors.

In a press conference held in Jolo, Sulu, Isnaji said he and his fellow negotiator, Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidulla, had asked the abductors to release Drilon.

“We asked for a release. We requested the release of Ces or even just one of their victims. I was expecting it to be Ces, but instead they sent Angelo,” he said.

Immediately after his release, Valderama was taken by policemen to the residence of Isnaji, where he stayed overnight. He was flown to Zamboanga City yesterday.

Isnaji refused to give details of Valderama’s release, saying it might jeopardize the negotiations for the freedom of the remaining captives.

Speaking to Ces

He also would not say what group was holding Drilon et al. or what he and Drilon talked about when they spoke several times prior to Valderama’s release.

But Undersecretary Amilasan Amilbahar of the Office of the Presidential Assistant on the Peace Process claimed to have received information that Valderama was accompanied by “more or less 11 armed men mostly in their early 20s” when he was released.

Chief Supt. Joel Goltiao, police director of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), said Valderama would undergo a debriefing to be attended by Interior Secretary Ronaldo Puno and Philippine National Police Director General Avelino Razon.

Military agent

Razon said police had yet to get the whole story of the abduction from Valderama.

“That is what we want to find out. But he is resting first,” Razon said.

He also denied the Inquirer report quoting the man hired to drive for the ABS-CBN team in Maimbung that a “military agent” had led Drilon et al. to their abductors.

Board and lodging

Valderama’s freedom was not for free. The negotiators admitted paying a fee for “board and lodging”—a term generally used in lieu of “ransom” in kidnapping cases in the South.

On Thursday night, Amilbahar told the Inquirer the negotiators had paid a P2-million “board and lodging fee” in exchange for Valderama’s release.

According to Amilbahar, the money was part of the election campaign of Isnaji, who is seeking the governorship of Sulu in the ARMM elections scheduled in August.

But the Indanan mayor yesterday maintained that only P100,000, and not P2 million, was given to the kidnappers.

‘Not a centavo’

“Where will I get the money? I don’t even have funds. Vice Governor (Sahidulla) and I had to pool funds to be able to give P100,000, and it was not a ransom payment,” Isnaji said on the phone.

The government maintains a no-ransom policy. And Executive Secretary Eduardo Ermita, who was in Zamboanga City Friday, said the government did not spend “a single centavo” for Valderama’s release.

P5 million?

Even PNP Director General Razon denied knowledge that ransom was paid on Thursday night.

“Angelo Valderama has been recovered and is now in the safety of government forces,” Razon said, adding that the cameraman’s release was the result of negotiations, and not the payment of ransom.

On the other hand, Amilbahar claimed Friday morning to have received information “from the ground” that the “board and lodging fee” was not P2 million but P5 million.

“Nabigla nga ako (I was surprised), but I think they have some explanation for that,” Amilbahar told the Inquirer.

Communications cut

In Jolo, Hainatul Dinampo, Professor Dinampo’s wife, urged the negotiators to also work for his release or at least get his medication to him.

“I’m just looking for someone who can bring him his medicine… My husband has arthritis and his blood pressure sometimes shoots up,” she said in a radio interview.

She also said the Dinampo children had been so badly affected by the kidnapping of their father that they had stopped going to school.

Vice Governor Sahidulla said she and Isnaji had yet to touch base again with the kidnappers since Valderama’s release.

“We haven’t sent any medicines, and we still don’t know when we can do that,” she said.

Agence France-Presse also quoted Mayor Isnaji as saying that the kidnappers had cut off communications: “We have been trying to get in touch with the kidnappers, but all their cell phones have been turned off.”

It was unclear why the kidnappers had severed communications.

Palace relieved

In Malacañang, President Macapagal-Arroyo’s deputy spokespersons expressed relief at Valderama’s release.

“We are relieved to know that one of the victims was released unharmed. We are grateful to all those who have volunteered to help our PNP solve this case and bring back the journalists alive and well,” Anthony Golez said.

Golez called on the public to support the authorities’ efforts by giving information that could help find Drilon et al.

Lorelei Fajardo said the release of Valderama was “a positive step in the right direction.”

“We hope that the captors of Ms Drilon will find it in their hearts to release the remaining members of the ABS-CBN news team. We would like to express our congratulations to the negotiators and encourage them to continue their commendable task of negotiating the release of the [team],” Fajardo said.

“Our prayers are with the family of Ces,” she said, and aired the assurance that the government was exerting all efforts to secure the captives’ safe release.

Professionalism

Anthony Golez also bristled at the claim of the driver, Marama Hashim, who is in the custody of the Sulu police.

Golez said the Armed Forces of the Philippines had “reached a high degree of untainted professionalism and will never resort to such illicit activities for any reason.”

He also said any report linking the abduction of Drilon et al. to the military was “farfetched and must be validated.”

But he expressed support for an internal inquiry, saying “the AFP would never allow its reputation to be tarnished, and this should be investigated thoroughly.”

With reports from Alcuin Papa and Michael Lim Ubac in Manila

==================

My Take:

Parang may napansin akong panghihinayang sa headline ng item na ito.  Nang basahin ko ang buong pyesa, kapansin-pansin na ang naging negosyador ay mga politiko, rason para maging katanggap-tanggap ang kanilang himutok.  oo nga naman. ces is the bigger fish of them all, in terms of publicity and pogi points.  naturally, they would ask for ces talaga dahil, it will be a bigger story nga naman.  pero ano ano ang implikasyon nito sa negosasyon?

1: ang mga negosyador ay may pangunahing adyenda — ang sumikat politically para makakalap ng puntos sa nalalapit na namang halalan.

2: ang mga negosyador ay tunay na trapo.  nag-zero in agad sila sa personalidad (ces) na magbibigay ng ibayong kasikatan sa kanila.  dahil kung hindi, bat sila manghihinayang na instead of ces, angelo was ‘released’?  ang ganitong katangian ay masasalamin din sa mga klase ng proyektong isinasagawa ng mga politiko sa kani-kanilang erya: mga walang kwenta pero nakikita(halimbawa ang mga waiting shed na may pangalan nila, mga landmark na kaprasong semento lang, mga trash can na pininturahan, mga batong binuhusan ng kalburo at iba pa).

sa kabilang banda, ang pagpapalaya kay valderama ay isang mahusay na taktika ng mga kidnapper.  at ito ang nagpapatibay sa hinala ko na hindi abu sayyaf ang may hawak sa grupo nina ces.  si valderama, bukod sa kanyang pagiging ‘proof’ (1. na may naganap ngang kidnapan, 2.na sensiro ang mga kidnapper na pwalan ang iba pa basta ba mababayaran sila, 3) na buhay si ces — ang pinakasikat nilang hostage)  ipinapakita rin ang galing ng kanilang pagpili at husay sa antisipasyon sa mga nangyayari (na tiyak na si ces ang unang hihilingin ng mga politiko, at dahil si ces ang sikat, siya ang dapat na panatilihin nilang hawak dahil si ces ang magiging pananggalang nila laban sa anumang atakeng gagawin ng militar.

dahil dito, umusbong din ang hinala k na malamang ay pinagplanuhan ang pagdukot na ito kina ces, at hindi ito isang ispontanyong pangingidnap lamang na karaniwan nang makikita sa mga handiwrk ng abu sayaff.

hanggang ngayon, midya lang ang nagsasabing asg ang may hawak kina ces.  pero wala pa tayong naririnig mula sa asg.  at pati si valderama ay di pa rin nagssasalita, ganun din ang abs-cbn.  nakapagtataka lang kasi, samantalang ipinagmamalaki pa ng asg kung sila ang may hawak ng ganyang klase ng tao, pero ngayon ang abs-cbn pa mismo ang nanawagan ng pananahimik samantalang wala namang implikasyon sa seguridad nina ces kung malalaman ng buong bayan na asg nga ba ang humahawak sa kanila ngayon.

o baka totoo ngang hindi asg?

ah. talagang nakakatakot yan. talagang kung ako ang abs, mananawagan muna ako ng pananahimik o pag-iingat sa pagbabalita hinggil sa kalagayan nina ces.


hmm… malalim ito. and im now atsrting t believe na may kinalaman ang ilang kagawad ng militar dito.  sana mali ako.

3:

Karapatang pantao at ang ‘giyera kontra-terorismo’ ng US

June 14, 2008

Carol Pagaduan-Araullo

Nagkaroon ng mapanirang epekto ang estratehiya (ng US), na nakasandig sa paglilihim at lakas ng militar, sa batayang mga kalayaan ng mga pinaghihinalaang terorista… May di-maiiwasang epekto sa karapatang pantao sa mundo ang giyera kontra-terorismo, lalo na sa mga bansang pinaghihinalaang pinagkakanlungan ng mga terorista.
— Punong Hukom Reynato S. Puno

SA ikawalong sesyon ng UN Human Rights Council, tinindigan ni Prop. Philip Alston, UN Special Rapporteur, ang mga natuklasan niya hinggil sa bugso ng EJK (extra-judicial killings) sa Pilipinas sa nakaraang anim na taon.

Ayon sa Philippine UPR (Universal Periodic Review) Watch, sinabi ni G. Alston na marami sa mga kaso ang di pa nareresolba; iilang kaso ang naihabla; at wala pang napaparusahang militar. Idiniin niyang sa dami at katangian ng mga pagpatay, depektibo ang pamamaraang ginamit ng gobyerno.

Sabi ni Fr. Rex Reyes, pinuno ng delegasyon ng Philippine UPR Watch, matapos ang Ulat Alston, nagpasa ang Philippine Mission sa Geneva ng pahayag na umaatake sa ulat – “di tiyak, napakamapamili, at may pagkiling” – at sinisiraan si G. Alston.

Nasa karakter ng gobyerno na magmatigas sa modang todo-tanggi sa EJK at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Bagamat patuloy na pinagmumukhang maliit ng rehimeng Arroyo ang tindi at saklaw ng EJK, naghuhugas ito ng kamay, at nag-aakusa sa mga kritiko nito ng pagpapalaki sa suliranin at pamumulitika, mayabang nitong ipinroklamang signipikante na nitong nabawasan ang EJK at lahat ng paglabag sa karapatang pantao.

Naiulat na “nagagalak na pinansin” ni G. Alston “ang pagkaunti ng EJK mula noong sinimulan niya ang misyon niya sa Pilipinas.” Pero idinagdag niyang “Bagamat dahilan ang pagkaunti para magdiwang, dahilan din ito para magkondena dahil… ipinapakita nito kung sino ang nasa likod ng EJK.”

Halos unibersal nang tinuligsa ang madugong rekord sa karapatang pantao ng rehimen. Pero nitong huli, naglabas ng press release ang Malakanyang na bumabati sa ulat ngayong 2008 ng State Department ng US “na pumupuri sa pagtangan ng gobyerno ng Pilipinas sa demokrasya at kalayaan, paggalang sa karapatang pantao at pinahusay na mga pagsisikap na wakasan ang EJK at mga pagdukot.” Dagdag ni Presidential Spokesperson Bunye, “Ipinapakitang muli (ng ulat) ang komitment ng gobyerno ng US na tumulong at kumampi sa atin.”

Dahil sa seryosong mga hamon sa paghahari nito, niligawan ng rehimeng Arroyo ang suporta ng US at tiniyak ang katapatan ng militar na sinanay ng US sa pagpapaigting ng mga aksiyong militar laban di lamang sa CPP-NPA-NDFP kundi maging sa legal na mga organisasyon at personalidad na progresibo sa balatkayo ng paglaban sa “terorismo.” Kaya naman dumami ang EJK.

Napatapang din ang rehimen ng giyera ng US “kontra-terorismo” para sumandig pangunahin sa solusyong militar sa armadong labanan sa halip na tugunan ang mga ugat ng huli sa pagpapatupad ng batayang mga reporma. Kaya isa sa mga biktima ng “giyera kontra-terorismo” sa Pilipinas ang paglaban para sa makatarungan at tumatagal na kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at NDFP.

Sa harap ng dumadaming paglalantad sa matitinding paglabag sa karapatang pantao at pandaigdig na makataong batas ng militar ng US, pribadong mga ahensiyang kinontrata ng gobyerno ng US, at gayong mga ahensiyang pang-imbestigasyon ng estado sa giyera ng pananakop ng US sa Iraq at Afghanistan – at habang nililipol ang mga pinaghihinalaang “terorista” sa US at ibang bansa – hindi katakatakang pinagtitibay ng administrasyong Bush at rehimeng Arroyo ang pasistang kaisipan at patakaran ng bawat isa.

Itinutulak nito ang mga taguyod ng karapatang pantao na naglalantad at lumalaban sa rehimeng Arroyo na bigyang-pansin ang madugong rekord sa karapatang pantao ng US sa buong mundo gayundin ang partikular na papel ng US sa paghikayat at pagsuporta sa terorismo ng estado ng neo-kolonyal na mga rehimen. Dapat ilantad at labanan ang di-mapapasubalian at naisadokumentong bakas ng war crimes, krimen sa sangkatauhan, genocide, at krimeng agresyon laban sa malalayang bansa ng US.

Ipinapakita lamang ng magaganap na pakikipagpulong ni Gng. Arroyo kay Pres. Bush sa US ngayong buwan kung gaano niya hinahangaan at sinusundan pa rin ang halimbawa ng kanyang pasista, bagamat lame-duck, na idolo.

Pinaikling salin ng orihinal na Ingles na nalathala sa Business World, 6-7 Hunyo 2008.(PinoyWeekly)

Paglipat sa ibang departamento: maaari bang tanggihan?

June 14, 2008

Atty. Remigio Saladero Jr.

ANG isang manggagawa ba ay maaring ilipat ng manedsment sa ibang departamento o lokasyon sa kanyang trabaho? Kung sakaling ginawa ng manedsment ito ay maaari bang hindi sumunod ang manggagawa? Ang kasong San Miguel Corporation vs. Angel C. Pontillas, G.R. No. 155178, na hinatulan ng Korte Suprema nitong Mayo 7, 2008 ay mapagkunan natin ng aral sa bagay na ito.

Sa nasabing kaso ay nagtratrabaho itong si Angel sa malaking kompanya ng beer bilang company guard. Hindi nagtagal at naging regular si Angel sa kompanya. Ngunit sa tingin ni Angel ay mababa lamang ang ibinibigay sa kanya na sahod ng kompanya kung ihahambing sa ibang guwardiya nito. Kaya nagsampa siya ng kasong “money claims” laban dito.

Samantalang nakabinbin ang kasong isinampa ni Angel, nagkaroon ng “reorganization” sa kompanya. Dahil dito, iba na ang naging “organizational set-up” ng kompanya at nalipat sa ibang departamento ang opisina nina Angel. Kaugnay nito, naglabas ng memorandum ang manedsment tungkol sa ginawang “reorganization” at inutos ang pag-alis nina Angel sa dating bodegang kanilang binabantayan at paglipat sa bago nilang tanggapan.

Hindi sumunod si Angel sa utos ng manedsment. Patuloy siyang pumapasok sa dati niyang puwesto sa bodega. Isa sa kanyang dahilan ay ganti lamang ito ng manedsment sa kanya dahil sa kanyang isinampang kaso laban sa manedsment.

Nagsagawa ng pagsisiyasat ang manedsment kung bakit nilabag ni Angel ang kautusan ng manedsment na siya ay lumipat na dapat ng opisina. Nang hindi masiyahan ang manedsment sa paliwanag ni Angel ay nagbaba ito ng memorandum na nagtatanggal kay Angel sa kanyang trabaho sa salang “willful disobedience”.

Dinagdagan ni Angel ng “illegal dismissal” ang dati na niyang kaso sa kompanya. Sa kasamaang palad, hindi niya nakumbinsi ang labor arbiter. Napatunayan ng labor arbiter na walang katuwiran si Angel para tanggihan ang inuuutos ng manedsment. Kaya, tama lamang na tanggalin ng manedsment sa kanyang trabaho si Angel dahil sa pagsuway niya sa utos ng manedsment.

Hindi naman pinanghinaan ng loob si Angel at kaagad nag-apela sa National Labor Relations Commission (NLRC). Dito, nabago ang desisyon. Sinabi ng NLRC na walang sapat na dahilan ang pagkakatanggal kay Angel at dapat siyang ibalik ng manedsment sa kanyang trabaho.
Ang manedsment naman ngayon ang naghabol sa Court of Appeals. Ngunit hindi natinag ang nasabing korte at sinang-ayunan ang desisyon ng NLRC. Dahil dito, napilitan ang manedsment na dalhin ang kaso sa Korte Suprema.

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon.

Sinabi ng Korte Suprema na maaring ilipat ng manedsment ang isang manggagawa basta’t may sapat na dahilan at ang nasasabing paglilipat ay hindi makapagpababa sa kanyang rangko, sahod, at iba pang mga benepisyo.

Ang ginawang paglipat kay Angel ay bunga ng “reorganization” na isinagawa sa kompanya. Walang palatandaan na ginawa ng manedsment ang nasabing “reorganization” para gantihan lamang si Angel. Sa katunayan, hindi lamang siya ang inilipat ng manedsment kungdi pati ang kanyang mga kasama. Ito ay nagpapakita lamang na walang diskriminasyon sa ginawa ng manedsment, paliwanag ng Korte Suprema.

Wala ring nabago sa sahod at benepisyo na tinatanggap ni Angel, dagdag ng Korte Suprema. Ganoon pa rin ang mga ito. Hindi rin nabago o bumaba ang kanyang rangko sa trabaho. Ibig sabihin nito, hindi api si Angel sa ginawang paglipat sa kanya ng manedsment.

Dahil dito, dapat sinunod ni Angel ang utos ng manedsment na siya ay lumipat na sa ibang departamento. Ang sinadyang paglabag ng isang manggagawa sa kautusan ng manedsment ang dahilan para siya matanggal sa kanyang trabaho, paliwanag ng Korte Suprema. Ito ang sinasabi ng ating Labor Code. Sa ginawang paglabag ni Angel, may karapatan ang manedsment para tanggalin siya sa kanyang trabaho.

Kaya mga mambabasa, kung ang ginawang paglipat sa inyo ng manedsment ay walang sapat na dahilan o di kaya’y makakaapekto sa inyong sahod, benepisyo, o rangko sa trabaho, maari kayong tumanggi. Kung hindi naman, daanin na lamang ninyo sa diplomasya kung ayaw ninyo. Tiyak, tagilid tayo kung ikakaso.(PinoyWeekly)

Kalayaang Magbakasyon

June 14, 2008

REPLEKSIYON marahil ng lalim o babaw ng pagpapahalaga ng gobyernong Arroyo sa diwa ng Araw ng Kalayaan ang pagpapalipat-lipat nito ng araw ng pagdiriwang. Akala siguro ni La Gloria, ikatutuwa ng sambayanan na ipuwesto ang Araw ng Kalayaan sa isang Lunes, sa mababaw na dahilang magiging tatlong araw ang walang pasok. Pero dapat nga bang ikatuwa ang paglipat sa petsa ng kaarawan ng isang tao? Paano pa kaya itong kaarawan ng ating bansa?

Para marahil kay La Gloria, ang halaga lang ng araw na ito sa mga mamamayan ay bilang bakasyon sa trabaho o eskuwela. Hindi na kalayaan ng bansa ang ipinagdiwang natin noong Hunyo 9 – isang araw na “kalayaan” na lamang ito sa trabaho para makapasyal sa mall, parke o resort. Isang araw ng kalayaan na pagbabayaran din naman ng dumaraming manggagawang kontraktuwal dahil wala silang suweldo sa araw na ito. Ang masama pa, wala naman silang pagkukunan ng pangbakasyon, dahil hindi na nga sumasapat para sa kanilang mga pamilya ang kasalukuyang sahod.

Kunsabagay, ano pa nga ba namang kalayaan ang ipagdiriwang sa ilalim ni La Gloria?

Iniisip na marahil ng mga tambolero ng Malakanyang na mahirap nang ipagdiwang ang diwa ng Araw ng Kalayaan. Umabot na ang Pilipinas sa 110 taon ng pagkabansa, pero laban pa rin ng mga mamamayan ang laban ng mga Katipunero. Isang salik sa mga programang pang-ekonomiya ng rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio ang pagpapalaya sa mga magsasaka mula sa pagkakatali sa lupang karamiha’y pag-aari ng mayayaman at Simbahan. Ganito pa rin naman ngayon – katunayan, nitong Hunyo 10, lumipas na ang epektibidad ng Comprehensive Agrarian Reform Program, ang bigong programa ng reporma sa lupa ng gobyerno.

Nilabanan ng Katipunan ang pangingibabaw ng dayuhang interes. Hindi ba’t nananatili pa rin ito ngayon? Sa halip na kolonyalismong Espanyol, nakapangibabaw ngayon ang Estados Unidos sa ekonomiya ng bansa, pati na rin sa pulitika. Kulang na lamang ay ang ganap na okupasyong militar – pero kahit ito ay nangyayari na rin, sa hugis ng Visiting Forces Agreement.
Ipinaglaban ng Kilusang Propaganda ang kalayaan sa pamamahayag, karapatan ng mga mamamayang malaman ang katotohanan sa likod ng kanilang pagkaalipin. Sa unang tingin, malaya na ngang magpahayag ang mga Pilipino. Naitadhana na sa Saligang Batas ang karapatang magpahayag. Pero bakit ipinapakulong pa rin ni Espiker Prospero Nograles ang isang brodkaster sa Davao sa bisa ng batas sa libelo? Bakit nailalagay sa balag sa alanganin ang mga tulad ni Ces Drilon tuwing makikipanayam sa mga bandidong diumano’y likha naman, sa simula’t sapul, ng Central Intelligence Agency ng US at nababalitang may malapit na ugnay sa ilang opisyal ng AFP? Bakit paparami ang mga aktibista at mamamahayag na pinapaslang dahil sa pagsasalita nila kontra sa mga makapangyarihan sa lipunan?

May dahilan nga kung bakit nauwi na lamang sa walang kuwentang bakasyon ang Araw ng Kalayaan. (KRG)(Editryal ng PinoyWeekly)

Fil-Am olats sa UFC 85

June 14, 2008

NATALO ni Fabricio Werdum si Brandon Vera, isang Fil-am heavyweight, sa Ultimate Fighting Championsips (UFC) 85, na ginanap noong nakaraang Linggo sa London.

Umani ng batikos si Dan Miragliotta, ang referee ng laban, nang ihinto nito ang laban sa mga huling segundo ng unang round dahil sa sunod sunod na atake ni Werdum kay Vera habang tumba ang huli. Kahit, nasa kondisyon pa si Vera upang ipagpatuloy sana ang laban. Nauna na niyang nasaktan si Werdum sa isang kaliwang suntok at isang solidong forearm.

“Marami akong sasabihin sa laban na iyon,” ani Vera, sa Ingles. “Sabi ko sa sarili ito, patay na ito sa second round,” Tagalog naman, sa pagbabalik-alaala niya ukol sa laban.

Lalaban na si Werdum para sa titulo ng heavyweight laban sa isang Rogerio Minotauro. Nang tanungin siya ukol sa isang rematch, sinabi niyang ayaw niya ng agaran, at sinabi niyang “pumila ulit” si Vera.

Dugtong ni Vera, dismayado siya kay Werdum ukol sa isang rematch. “Sabi niya, oo, sa loob ng cage, matapos pa niyon. Iminuwestra ng ulo niya na “oo, maglalaban ulit tayo.” Pero ngayon sasabihin niyang bumalik ako sa pila. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya akong labanan muli.”

Nag-iwan siya ng hamon kay Werdum. “Aasa akong mapanalunan mo iyang titulo Fabricio dahil talagang hinihintay kong maglaban tayo muli. Hindi ako sang-ayon sa paghinto na iyon at, oo, dismayado ako.”

Itinatak ni Vera ang imahe ng Pilipinas sa UFC nang ipakita niya ang suot niyang trunks na may kulay ng bandila ng Pinas. Pumasok siya sa ring habang tumutugtog ang “Pilipino! Pilipino! Pilipino!” mula sa kantang “Bebot” na pinasikat ng Black Eyed Peas.(PinoyWeekly)

Kay Leo, tatay kong nawawala

June 14, 2008

Lorena Santos

GUSTO ko sanang batiin ka nang personal at yakapin ka nang mahigpit. Pero paano?

Mula noong dinukot ka, sa panaginip na lang kita nakakasama. Hay, gustung-gusto kitang makita at mabati ng “Happy Father’s Day, Tatay!”

Tiyak, maaalala ka namin ni Nanay pagbisita ko sa kanya ngayon sa Kampo Crame . Siguro, alam mo na rin (sa pamamagitan ng mga dumukot sa iyo o kung may akses ka sa balita) na dinukot din si Nanay at inilutang matapos ang tatlong araw (siyam na buwan matapos kang dukutin at mawala). Pihadong nag-alala ka para sa kanya. Hindi na dapat, dahil inaalagaan na namin siya. Kahit sa pagkakadetine, wais siya sa paggamit ng oras – nagbabasa ng mga libro at tumutulong sa mga kapwa detinido niya sa samu’t saring problema nila.

Sana natulad ka na lang kay Nanay, imbes na ganito. Mas gusto ko nang makita kang nakakulong kaysa hindi ka man lang makita. Kahit paano, magkakaroon ako ng araw na makita ka at makakain tayo ng paborito nating pagkain. Puwede tayong magkuwentuhan at magtawanan.

Pero dahil hindi pa kita natatagpuan, makukuntento na lang ako sa pagsulat, umaasang sa pamamagitan ng midya, mababasa mo ito at hahayaan ka ng mga dumukot sa iyo na basahin ito.

Tatay, sorry, hindi pa rin kita nakikita hanggang ngayon. Alam kong ginawa ko na ang lahat pero alam ko ring mas marami ang dapat gawin ng gobyerno ni Gng. Arroyo. Tutal, militar niya ang dumukot sa iyo at nagkait sa iyo ng karapatan sa karampatang proseso. Dapat nagtanung-tanong ako sa mga taong nakaalam kung saang safe house ka itinago, pero mga ahente ng gobyerno ang may tungkuling ilutang ka at sampahan ng kaso.

Sa paghahanap ko sa iyo, nakilala ko ang ibang naghahanap din sa kanilang mga anak, kapatid, nanay, tatay o parehong magulang. Nakilala ko si Deka, naghahanap sa tatay niyang si Philip Limjoco na dinukot sa Pampanga. Nakilala ko si Noel (di niya tunay na pangalan), nawawala ang parehong magulang. Nakilala ko rin si Baby (di niya tunay na pangalan), tatlong taong gulang, na tanong nang tanong kung nasaan ang tatay niyang dinukot sa Quezon. Nakilala ko na rin si Guy, dinukot ang tatay 20 taon na ang nakakaraan pero patuloy pa ring gumagawa ng mga card para sa mga kaarawan niya.

Nauunawaan namin ang isa’t isa, kung gaano kasakit hanap-hanapin ang nawawalang mga magulang. Pinagsasaluhan namin ang galit sa mga dumukot sa iyo at sa kanilang mga amo at sa mapanupil na sistemang ito. Iniisip namin kung paanong kinakaya ng mga dumukot sa aming mga mahal sa buhay na matulog sa gabi (katabi siguro ang kanilang pamilya).

Alam kong magkakaugnay kami dahil sa trahedyang ito – ang enforced disappearance – na praktika ng estadong dapat nang itigil at huwag nang ulitin.

Pakiramdam ko, magkakapatid kami at mga anak mo na rin sila. Mga anak kami ng mga desaparacidos. Mga anak din kami ng mga magulang na nakipaglaban para sa kanilang prinsipyo at naglingkod sa mga inaapi.

Lagi akong pinapaalalahanan ng mga taong nakakilala sa iyo kung gaano ka kahusay na ama, sa nakakatuwang mga kuwento: kung paano mo sila tinulungan bilang manggagawang pangkalusugan noong maysakit sila, paano mo sila napaniwalang posible ang kapayapaang nakabatay sa katarungan, at paano mo sila pinayuhan at binigyan ng lakas sa harap ng mga kahirapan. Tulad ko, inaasam din ng karaniwang mga taong itong pinaglingkuran, niyakap, at sinamahan mo sa buhay na makita ka na.

Ipinagmamalaki kita, Tatay. Kahit noon pa man. Salamat sa pagpapakita sa akin ng mga reyalidad ng buhay at lipunan. Salamat sa pagpapakita sa akin ng halaga ng paglilingkod. Kung hindi mo ito itinuro sa akin, hindi magkakaroon ng ibang halaga ang buhay ko.

At kami, mga anak ng nawawalang mga ama at ina, sinasabi naming sobrang nami-miss ka namin. Hindi kami titigil sa paghahanap sa iyo hanggang di ka namin natatagpuan. Hindi kami titigil sa paglaban hangga’t di natin nakakamit ang katarungan.

Nananalig akong magkakaroon pa ng pagkakataong makikita kita nang buhay. Nananalangin akong ang mga dumukot sa iyo’y magkaroon ng konsensiyang buuing muli ang ating pamilya – gayundin ang kina Deka, Noel, Baby at lahat ng pamilya ng mga biktima ng pagdukot sa bansang ito.

Father’s Day ngayon. Pakibati na lang ang mga dumukot sa iyo ng “HAPPY Father’s Day” para sa akin.

Miss na kita at inaasam kong makita ka agad.
Ang nagmamahal mong anak,
Aya.

(Si Lorena “Aya” Santos ay 25 anyos. Parehong kasangguni ng NDFP para sa usapang pangkapayapaan ang kanyang magulang, at pareho ring dinukot. Ang tatay niyang si Leo Velasco, na dinukot sa Cagayan de Oro noong 19 Pebrero 2007 ay nawawala pa rin. Ang nanay niyang si Elizabeth Principe ay nakadetine pa rin ngayon sa Custodial Center ng Kampo Crame.)

Modus operandi sa matrikula

June 14, 2008

pataas nang pataas (KJ Rosales)

PASASALAMAT sana si Auline “Au” Hipolito, 19-na-taong-gulang na anak ng mga manggagawa, na di na siya kailangang lumayo para magkolehiyo. Madaling lakarin sa araw-araw ang CMU o City of Malabon University, pamantasang matatagpuan sa pinakapusod ng maralitang komunidad sa Dagat-dagatan, at dating reklamasyong ipinagawa ni dating gobernador Imelda Romualdez Marcos.

Pasalamat sana siya, pero dahil na rin sa pagtindi ng krisis, nagiging mahirap ang manatili sa eskuwela. Senior na siya ngayon sa kursong Political Science, pero pinag-iisipan na ni Au kung kakayanin pa ng mga magulang niya ang magpaaral.

Itinatag noong 1992, nakatuon dapat ang CMU sa edukasyong pangkolehiyo ng kalakhan ng populasyon ng Malabon na binubuo ng mga mangingisda at ordinaryong manggagawa. Pero di kalauna’y tila “nahawa” na ito sa uso: pagtataas ng bayarin ng mga estudyante.

“Maraming freshman ang di na nagtuloy dahil malaki ang itinaas ng registration fee,” ani Au. Sinisingil ang mga residente ng Malabon na papasok ngayong taon ng P3,000 mula sa dating P1,500 lang. Para naman sa mga di residente, P4,000 mula sa dating P2,750.

Nitong nakaraang buwan, mayabang na idineklara ni Pangulong Arroyo na hindi puwedeng magtaas ng matrikula ang mga SCU (state colleges and universities). Di agad naisip ng Pangulo na nang ideklara niya ang pagbabawal, tapos na ang enrollment sa kalakhan ng mga pamantasan. Kung kaya, noong huling linggo ng Mayo, sinabi niyang ire-refund na lang sa mga estudyante ang binayarang dagdag sa matrikula.

Pero matrikula lang ang sakop ng deklarasyon. Sa kaso ng CMU – at marami pang SCU – nailusot pa rin ang pagtaas ng bayarin dahil maraming iba pang fee ang sinisingil sa mga estudyante.

“Sabi nila, hindi matrikula ang binabayaran namin dahil binayaran naman daw ito ng lokal na gobyerno. Pero parang matrikula na rin siya, di ba? Kasi, di ka naman makakapasok kung di mo siya mababayaran agad,” sabi pa ni Au.

Balik-bayad: kaya ba?
Hindi maiwasang magduda ng mga organisasyong pangkabataan kung kayang tupdin ng mga SCU ang balik-bayad na kautusan ng Malakanyang. Una sa lahat, ni wala pang malinaw na mekanismo kung paano ito gagawin.

Maging ang Ched, hanggang ngayon, tahimik pa rin sa kautusang balik-bayad sa mga paaralang pinapatakbo ng gobyerno.

Sa ngayon, wala pang ni isang SCU na nagtaas ng matrikula ang nag-refund alinsunod sa utos ni Arroyo. Sa NCR (National Capital Region), isa sa mga nagtaas ng matrikula ang programang Open University ng PUP (Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas). Mula P12 kada yunit, itinaas ito sa P100. Tutal, nakatuon naman sa nagtatrabaho nang mga estudyante ang Open University, inisip marahil ng administrasyon, na kaya nilang pasanin ang mataas na dagdag-bayarin.

Pero ang masama pa, kapag itinataas ang ibang bayarin bukod sa matrikula, wala nang habol ang mga estudyante.

Sa mga eskuwelahang iniikutan ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), alyansa ng mga konseho ng mag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo’t pamantasan, di na madalas mapag-usapan ang tuition refund. Imbes na balik-bayad, nagiging taas-bayad pa. Hindi man nadagdagan ang matrikula, todo-larga naman ang pagtaas ng miscellaneous fee at iba pang bayarin.

Ang problema pa, wala namang deklarasyon ang Pangulo ng refund na sumasaklaw sa mga bayaring hindi matrikula.

Ayon kay Alvin Peters, pangulo ng NUSP, ito ang madalas na modus operandi ng mga eskuwelahang pangkolehiyo. Maraming halimbawa rito:

• Sa University of Northern Philippines sa Vigan, Ilocos Sur, mula sa dating miscellaneous fee na P75 kada yunit, nasa P100 na siya ngayon. Bukod pa sa dagdag na P20 sa mga bayarin sa paggamit ng library, serbisyong medikal at dental, athletics at maging sa registration fee.
• Sa Philippine Normal University naman sa Maynila, sinimulan na ang pagsingil para sa 400 porsiyentong taas-matrikula na nagkabisa noon pang 2003, dagdag ni Peters.
• Abala naman ang PUP sa kosmetikong “pagpapaganda” ng main campus nito sa Sta. Mesa, kaya itinaas nito ang sinisingil na energy fee, development and modernization fee, at iba pa. May ilang kolehiyong nagtaas ng miscellaneous fee. College of Computer Management, mula P500-600, naging P1000 ang miscellaneous fee.

“Sa amin naman sa CMU, may ganyang mga dagdag din. Mula sa admission test hanggang sa verification of grades. Huwag nang isama pa ang interes sa hinuhulug-hulugan mong mga bayarin na limang porsiyento. Kapag hindi ka nakaabot sa grade ceiling, may multa ka rin,” himutok ni Au.

Kung di maitatakda ang panuntunan at kung paano ipapatupad ang binabalak na balik-bayad sa sobrang singil sa mga SUC, malabong maisakatuparan ang kautusang ito ni Pang. Arroyo,” sabi pa ni Peters.

Sa eskuwelahang Katoliko…
Samantala, lusot din sa deklarasyon ni Arroyo ang pang-akademikong mga institusyong pinapatakbo ng Simbahang Katoliko – sa simpleng dahilang di naman sila maaaring diktahan ng gobyerno.

Katoliko ang marami sa pribadong mga pamantasan, pero tila hindi Kristiyanismo kundi kapitalismo ang pangunahing prinsipyong namamayani sa mga pamantasang ito. “Market-driven” o nakadepende kasi sa takbo ng pamilihan ang kanilang “produkto,” ayon kay Joel Pagsanjan, kahahalal na direktor-ehekutibo ng Ceap (Catholic Educational Association of the Philippines), samahan ng mga unibersidad at kolehiyong tuwirang pinapatakbo o may kaugnayan sa Simbahang Katoliko.

Binigyang-diin ni Pagsanjan na kung di sila magtataas ng matrikula, di mapapabuti ang mga pasilidad at maitataas ang suweldo ng mga guro na malaking salik para maiangat ang kalidad ng edukasyong ibinibigay ng kanilang institusyon.

Sa kasalukuyan, wala pang datos kung gaano kalaki ang itinaas ng matrikula sa pribadong mga pamantasan at kolehiyo. Gayunman, inamin ni Pagsanjan na karamihan sa mga ito ay inaasahang magtataas. Paliwanag ni Gaudencio Kardinal Rosales ng Maynila, “Tumataas nang tumataas ang bilihin kaya makatuwiran lang na magtaas tayo ng singil.”

“Pinagsusumikapan ng mga paaralan nating mapagbuti ang kalidad ng edukasyon. Isa pa, kahit mataas ang singil, marami pa rin namang nagpapatala sa mga paaralang Katoliko dahil sa de-kalidad na edukasyong iniaalok ng mga ito,” dagdag ng kardinal.

Masasabi marahil na may kalidad nga ang mga pamantasan at kolehiyong Katoliko, tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle System, University of Sto. Tomas, Miriam College, at San Beda College. Pero di maikakailang malaki rin ang taunang kinikita ng mga pamantasang ito.
Samantala, sa ibang pribadong paaralan, gaya nang Emilio Aguinaldo College, sumisirit din ang halaga ng matrikula.

Patakarang gawing negosyo ang edukasyon
Isinisisi ng LFS (League of Filipino Students) at Kabataang Pinoy Party-list sa di pagsunod ng gobyerno sa itinatakda ng Konstitusyong 1987 ang patuloy na pagtaas ng halaga ng edukasyon sa bansa.

Ani Vencer Crisostomo, tagapangulo ng LFS, sa halip na ilaan ang pinakamalaking bahagi ng pambansang badyet sa badyet para sa edukasyon, patuloy pang kinakaltasan ang huli para mabigyang-daan ang aniya’y “komersiyalisasyon” ng pampublikong edukasyon.

“Itinakda ng Artikulo 14 ng ating Konstitusyon na dapat lumikha ng isang mapagkakatiwalaan at mahusay na sistema ng edukasyon ang gobyerno at dapat na maglaan ng mataas na badyet para rito. Pero taliwas sa mga itinatadhanang ito ng Konstitusyon ang nangyayari sa kasalukuyan,” paliwanag ni Crisostomo.

Hindi naniniwala si Crisostomo na walang kakayahan ang gobyerno, partikular ang Ched, na kontrolin ang taas-matrikula sa pribadong mga paaralan.

Aniya, itinatadhana rin ng Konstitusyon ang pagbibigay-kapangyarihan sa gobyerno na pamahalaan at lagyan ng regulasyon ang umiiral na mga institusyong pang-edukasyon sa bansa.
“Mismong pinakamataas na batas sa bansa ang nagsasabing dapat kayang-kaya ng bulsa ng mga Pilipino ang pag-aaral sa kolehiyo. Pero mukhang malabo ito dahil sa palpak na mga patakaran ng gobyerno,” aniya pa.

Binibigyang-laya ng mga polisiya ng gobyerno tulad ng Education Act of 1982 at Higher Education Modernization Act of 1998 ang mga administrasyon ng mga SCU na magtaas ng matrikula. Pero bukod pa dito, mahihinuha ang direksiyong unti-unting tinutungo ng mga SCU – ang pagsasapribado ng edukasyon, tulad ng pagsasapribado sa ibang serbisyong panlipunan ng gobyerno.

Mababatid sa mga SCU tulad ng CMU ang direksiyong gustong tahakin ng gobyerno. Gusto nitong tularan ang pribadong mga pamantasan, na nagsasabing kailangang magtaas para maging “de-kalidad.” May iba pa sanang maaaring tularan, iba pang alternatibo ng libre pero de-kalidad na edukasyon (Basahin ang kaugnay na istorya), pero di na ito tinatanaw ng mga SCU. Nakapailalim sila sa pangkalahatang polisiya ng gobyernong Arroyo.

Ito ang lagay ng pulitikang pang-edukasyon sa bansa, ang uri ng pulitikang natutunan ni Au sa labas ng mga klase sa Political Science sa City of Malabon University.

Alternatibo ng de-kalidad – pero murang – edukasyon

Tulad ng idinedeklara ng Saligang Batas ng Pilipinas, idinedeklara rin ng Saligang Batas ng Germany na responsabilidad ng gobyerno na papag-aralin ang mga mamamayan nito.
Pero kaiba sa Pilipinas, tinototoo ng Germany ang deklarasyong ito. Mula sa kindergarten hanggang unibersidad, may mekanismo ang mga estado ng pederal na gobyerno ng Germany na magbigay ng edukasyon.

Opsiyonal ang kindergarten sa Germany — ibig sabihin, hindi kailangang kunin ng bata bago makapasok ng elementarya. Pero sa mga may gusto, may mga eskuwelahan ang mga estado na nakalaan sa mga batang may edad tatlo hanggang 10. Magmula siyam na taon, required nang pag-aralin ng mga magulang ang kanilang mga anak – na hindi naman kaso, dahil libre ito.

Mahigpit ang Germany sa polisiyang kailangang mag-aral ang mga bata sa regular na eskuwelahan. Kung may seryosong sakit o disabilidad lang ang bata pinapayagan siyang mapasailalim sa home schooling.

Tumatagal ng apat na taon (at anim sa Berlin) ang elementarya. Pag tuntong sa sekundaryong pag-aaral, naihahanay ang mga bata sa apat na uri ng eskuwelahan: (1) Gymnasium, para sa mga batang may espesyal na abilidad; (2) Realschule para sa mga nangangailangan ng malawak na saklaw ng pag-aaral; (3) Hauptschule para sa mga mag-aaral ng edukasyong bokasyonal; (4) Gesamtschule para sa mga batang kailangan ang kombinasyon ng naunang tatlong klase. Mayroon ding Förderschulen para sa mga batang may problema sa pag-iisip o kapansanan.

Matapos ang sekundaryong edukasyon, may opsiyon ang mga estudyante na pumaloob sa sistema ng apprenticeship na tinatawag na Duale Ausbildung kung saan sinasanay ang mga estudyanteng matanggap sa trabaho sa mga kompanya ng Estado.

Kung may sapat na kakayahan ang estudyante, nariyan ang opsiyon ng pagpasok sa pamantasan. Karamihan sa mga unibersidad sa Germany, pag-aari ng Estado – libre ang edukasyon at mangilan-ngilan lang ang pribado.

Kinikilala sa daigdig ang matagumpay at de-kalidad na sistema ng edukasyon sa Germany. Katunayan, sampu sa 200 kinikilalang pinakamahusay na pamantasan sa mundo ang matatagpuan sa bansang ito.

Mga magandang malaman sa edukasyong Pinoy

• 60 porsiyento, o anim sa sampung mag-aaral sa kolehiyo ang nasa pribadong paaralan
• Doble ang itinaas ng matrikula, sa kabuuan, nang maupo sa puwesto si Pang. Arroyo noong 2001
• Pinakamura pa ring mag-aral sa PUP: P12 kada yunit. Pero may dagdag-bayad: P250 para sa proyekto ng pagpapaganda sa paaralan
• Pinakamahal mag-aral sa University of Asia and the Pacific: P124,800 ang kailangang bayaran sa loob ng isang taon
• Pangalawa sa pinakamahal ang De La Salle University (bagaman mura ang ilang kaugnay nitong kolehiyo gaya ng nasa Antipolo, Rizal): P110,447.82 para sa isang taon (trimester kasi)
• Bagaman pimakamahal kada yunit ang mag-aral sa Ateneo de Manila (P2,517), “mura” pa ring mag-aral dito dahil kailangan mo lang magbayad ng P90,613 kada taon, para sa 18 yunit na full-term
• Mahal na ring mag-aral sa UP dahil P1,000 kada yunit na ang kailangang bayaran, o P36,000 para sa buong taon
• Ang matrikula ngayon sa UP ay mas mahal pa kaysa sa San Beda College (P786 kada yunit) at sa College of Holy Spirit sa Maynila (P903.91 kada yunit)
• Kaunti lang ang lamang — P100 lang — ng UP sa bayarin sa FEU (P1,100); P40 naman sa UE (P1,040); P72.90 sa UST (P1,072.90)
• Dahil sa taas ng matrikula sa ngayon, inaasahang sa bawat dalawang papasok ng kolehiyo, isa lang ang makakatapos.

Noel Sales Barcelona(PinoyWeekly)

Militant group tags Canete as AFP spokesperson

June 14, 2008

THE regional office of Karapatan Human Rights Alliance tagged Special Investigator Jesus Canete of the Commission on Human Rights (CHR) as the spokesperson of the Armed Forces of the Philippines (AFP) in Negros Oriental.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Vimarie Arcilla, information officer of Karapatan-Central Visayas, issued the statement after Canete “cleared” AFP members deployed in Linantuyan village in Guihulngan for their alleged involvement in any form of human rights violations.

Canete earlier went to the Linantuyan village upon orders of CHR Regional Director Alejandro Alonso when they heard reports of violations from broadcast stations and print outlets on the alleged arson, rape and other forms of harassments committed by members of the 11th Infantry Battalion of the Philippine Army based in the countryside of Guihulngan.

“We believe he (Canete) should first should do real investigation, instead of just parroting out what Lieutenant Colonel Nemesio Gacal says,” Arcilla said.

She said what Canete claimed as one-man investigation was actually a platoon-sized charade directed by 11th Infantry Battalion soldiers who herded residents in a “pulong-pulong” with him.

“In this light we ask: When did Jesus Canete become the mouthpiece of the Armed Forces of the Philippines?” the Karapatan official said.

According to her, Canete has no capacity to delve into the human rights violations since he is not “even wise enough to ask and investigate both sides of the story.

“Canete didn’t even bother to ask and investigate Lourdes Baloy, the victim of the malicious vilification campaign by the AFP,” she said, adding that Canete only reiterated worn-out lines of the AFP maligning legitimate organizations such as Karapatan.

“How should one investigate? Why Canete didn’t consider the background of the four peasants prior to the execution of the affidavits? Perhaps, it would interest him to know how the peasants end up in the detachments. Or does he really believe that the peasants have a choice to turn down a summon or ‘invitation’ from the military. If he does not think that ‘mere invitation from police and military already constitute an arrest,’ then he should review his Constitution,” said Arcilla. (SunStarDumaguete)

Zayco to hasten geothermal exploration

June 14, 2008

NEGROS Occidental Governor Isidro Zayco said Thursday he plans to fast track the geothermal project of the Philippine National Oil Corporation – Energy Development Corporation (PNOC-EDC) inside the Mt. Kanlaon buffer zone.

He however said, he has yet to receive the memorandum of agreement (MOA) from the Provincial Board on the proposed geothermal exploration.

The MOA, to be signed by Zayco on behalf of the province, represents the endorsement for the oil corporation to enter the buffer zone and drill an additional well.

The well is expected to emit an equivalent 49-megawatt of electricity.

The said project is vehemently opposed by the local church and environmentalists.

Zayco however said, Energy Secretary Angelo Reyes is fully supportive of the initiative. “Secretary Reyes assured me that he will take full responsibility of whatever PNOC-EDC will do inside the buffer zone,” he said.

“He said, whatever PNOC-EDC will not comply, my office will take responsibility as this is really the mandate of DOE in the first place,” Zayco quoted Reyes as saying.

Reyes said in his speech as guest of honor and speaker in the province’s Independence Day celebration said, the “other” kind of independence the Philippines should have, is the independence in power.”

Reyes urged Negrenses to answer the challenge of going into alternative energy which is clean, efficient and sustainable, adding that “solar, wind, ocean, hydro, geothermal and biomass are the energy of the future that the Negrenses must tap to switch from a culture of extravagance of waste to efficiency.” (Gil Alfredo Severino)


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 55 other followers